Chapter Sixteen
Nagpalipat-lipat ang aking tingin sa kanilang lahat. Tumiim ang aking mga bagang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Muli, sa buhay ko'y napagkaisahan na naman ako.
"And so I have a son and a daughter..."
"Well..." Chiara shrugged. "Yeah."
Huminga ako ng malalim at pilit na kinokontrol ang aking emosyon. But that didn't stopped me from grabbing Chi's arm, pulling her closer to me.
"Now what? You're gonna hurt me?" Matapang nitong sabi. "Bago ka pa mapatay ng asawa ko, napatay ka na ni Roy kapag ginawa mo!"
Of course not! Hurting her will be the last thing I'll have in my mind. Naiinis lang talaga ako. Pinakawalan ko ang braso nito.
"Hindi ko kasalanan Kurt kung iyon ang kondisyon na hiningi ni Corrine. She wants to keep the kids from you, she's the mother. She has all the right for her children."
"And that counts stealing them from me." Naningkit ang aking mga mata. "They're my kids too! May karapatan ako sakanila!"
"Karapatang nawala sayo dahil nanloko ka." Chiara cocked a brow. "See what happened to liars? You can't blame the woman, she's hurt. She felt betrayed. You make the fool out of her. Mabuti nga't hinayaan niyang makilala kami ng kambal."
"Putangina, Chiara naintindihan niyo ba ang ginawa niyo?!" I groaned. "Limang taon ang ninakaw niyo sakin! Itinago niyo siya sakin? Mukha akong gago sa Las Vegas kakahanap sakanya-"
"You dated Candida Fido. Kung nalilimutan mo'y ipapaalala ko lang." Inirapan ako ni Chi.
"That's not the point here-"
"That is the point here! Marahil ay nalaman ni Corrine na you started dating na, you bullshit guy! Kaya mas na lalong ayaw ka na niya sa buhay niya at ng mga anak niya. Ilang beses ba kitang pinagsabihan Kurt na mag-tino? Because I want her to see that you're a good man! That you can be a good dad. Pero minamasama mo yun! You make it seem like I'm such an ass of a sister para palaging punahin ang mga mali mo. Gusto kong itama mo iyon para si Corrine na ang mismong sumuko at magsabing dapat mong makilala ang mga anak mo."
I inhaled an air, pilit kong isinisiksik saking isipan ang katwirang meron sila para ipagkait sakin ang mga anak ko.
"Mabubuting bata ang mga anak mo, they deserved nothing but the best parents. Ilang beses kong pinagtimpiang sabihin sayo na may mga anak ka kaya sana ayusin mo ang buhay mo, pero wala na akong magagawa ngayong mga anak mo na ang lumalapit ang nakakakita sayo. You know me, I can't lie and I won't lie."
"Dammit!"
"Kurt, I think hindi si Chi ang dapat mong kausapin sa mga ganitong bagay. She only did what Corrine's condition. It's not her who wanted to keep the kids from you." It was Roy, of course. "You should at least be thankful, she made sure that the kids will carry your name."
Naikuyom ko ang aking kamao. I should really talk to Corrine. Sapat na siguro ang paglalayo niya saming mag-aama para maging kabayaran ng mga kasalanan ko sakaya.
And dammit, this time it will be me who'll put things into their respective places.
---
"Mommy, yung star ko po na-erase na." Nakalabing sabi ni Kurtney nang simulan ko siyang pulbusan matapos maligo.
"Okay lang yan anak, tomorrow you'll do great again then you'll get a star again. Right?" I smiled at her.
Nag-aaral na ang kambal. They're now nursery students at masaya ako na matatalino at magagaling ang mga anak ko.
"Kade, halika na tapos ka na bang mag-bihis?"
Simula ng mag-four years old sila, si Kade ay ayaw ng magpaligo at magpabihis sakin dahil big boy na daw siya. Natawa naman ako but I somehow find it cute.
"Yes mommy, nagpulbo nadin po ako." Sabi nito nang lumabas sa dresser.
Natawa ako dahil puting puti nga ang mukha at dibdib nito. Katulad ni Kurtney ay nakasuot na ito ng pares ng pajama.
"Oh, sige na. Kiss mo na si mommy at si Kuku tapos dun ka na sa bed mo mag-sleep na kayo."
Lumapit naman ito sakin at humalik saking pisngi. "I love you, mommy." Matapos ay kay Kurtney naman. "I love you, Kuku."
"Love you, Kade." Kurtney smiled. "Goodnight mommy."
Iniayos ko sila ng higa sakani-kanilang higaan. Matapos ay inantay kong makatulog ang dalawa gaya ng siyang palagi kong ginagawa.
Nang makatulog na ang mga ito ay ako naman ang tumungo saking silid upang maligo at mag-handa sa pag-tulog.
I felt so tired. Nagtatrabaho ako bilang architect sa isang maliit na architectural firm. Ang mga pangarap ko noon na maging tanyag na arkitekto sa ibang bansa ay isinantabi ko na kapalit ng tahimik at simpleng buhay kasama ang mga anak ko. Sila na ang siyang naging pangarap ko.
Nang makalabas ako ng banyo ay siyang pag-tunog naman ng buzzer ng unit. Nangunot ang aking noo, sino naman kaya ang magiging bisita ko ng ganitong oras?
I stepped out of my room wearing nothing but an oversized shirt and an underwear. I was about to sneak into the peephole when the stranger started banging the door as if someone's in a hurry.
Binuksan ko iyon upang agad lamang matigilan nang makitang nakatayo saking harapan si Kurt Vincent.
Gulo-gulo ang buhok nito, he's wearing a suit and tie na siyang maluwag na ang pagkakasabit sa leeg nito. Naramdaman ko ang pag-bilis ng tibok ng aking puso kasabay ng panunuyo ng aking lalamunan.
Matiim itong nakatitig sakin at hindi ko ikakailang nakaramdam ako ng takot sa mga tingin na iyon. Kurt Vincent is a devil behind those brown eyes.
He stepped in, I took aback. Ito mismo ang siyang nag-sara ng pinto.
"Sinong bisita ang inaasahan mo ng ganitong oras, Corrine? Para hindi mo indahin yang klase ng suot mo?" He raked his eyes on me.
It's been almost over five years since I last saw him. Ganoon parin ang itsura nito, though he's more masculine this time.
He inched closer to me and I stepped away.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa pilit na pinatatag kong tinig.
Napasinghap ako nang lampasan ako nito at cool na cool na naupo sa sofa sa sala. He started undoing his tie, removing his shoes, ipinatong pa nito sa coffee table ang dalawang paa nito.
"Where are my kids, Corrine?" Tanong nito, ipinagdiinan nitong talaga ang my.
"Tulog na sila Vincent. Sa ibang araw mo nalang sila bisitahin kung iyon ang siyang pakay mo." I sighed deeply. "Umuwi ka na, ngayong alam mo na ang tungkol sa kambal ay asahan mong hindi ko sila ipagkakait sayo."
"Too late, you already did." He tsked. "Halika nga dito, Corrine. Don't you missed me? It's been five long years."
"Kurt you're drunk. Let's talk when you're sober."
"I said you come here." Mariin nitong ulit. "You'll come here or I'll drag you."
Ibinaba nito ang mga paa mula sa coffee table at umayos ng upo. Agad naman akong kinabahan sa klase ng tingin na ibibigay nito.
"You know I'm not kidding."
"M-mag bibihis muna ako-"
"No need, ngayon ka pa ba mahihiya sakin? I've seen it all. May mga anak na nga tayo." I saw him smirked. "Now you come here and we'll talk."
"Kurt ano bang pumasok sa isip mo para mag-punta rito ng ganitong oras-"
"You."
Natigilan ako sa sinabi nito.
"Ikaw Corrine ang siyang laman ng isip ko kaya ako naririto." Seryosong sabi nito. "Pilit ko kasing iniisip kung sapat ba ang mga rason mo para ipagkait sakin ang mga anak natin at ipagkait ako sakanila. Pilit kong iniisip if it was a selfish decision you made-"
"Oh come on!" I snapped. "Ngayon ako ang selfish! Hindi ba't ikaw iyon Kurt? You became selfish enough not to trust me."
"And you became more selfish than I am." Tumayo ito at inilang hakbang ang pagitan namin, ngayon ay nasa harapan ko na ito, towering me.
"I was hurt!"
"Not because you were hurt doesn't mean you have the right to hurt others. Hindi ang sarili ko ang tinutukoy ko, Corrine. Wala akong pakialam kung saktan mo ko ng paulit-ulit o sa kahit anong pamamaraan mo naisin. Pero ang mga anak natin? They don't deserve it, Corrine." Hindi pa ito nakuntento at mahigpit pang kinapitan ang braso ko upang mas paglapitin kami. "Yes I am selfish, that selfish para isang-alang-alang ang mararamdaman ko for the sake of my kids. Dammit, if you just told me you were pregnant and that you needed an air away from me, Corrine. Sa tingin mo ba hindi ko ibibigay iyon? You left me. You took my kids away. I should be mad at you, but I couldn't. You wanna no why? Kasi ayoko ng unahin pa ang nararamdaman ko, all I want now is to be with my kids. All I want now is to makeup for the lost time."
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko habang pinagmamasdan ang sari-saring emosyon na inilalabas ng mga mata ni Kurt. Alam kong malaki ang pagkakamali ko sakanya at sa mga bata, pero nasaktan rin ako sa ginawa niya at ginawa ko. Hindi naging madali sakin ang lahat kung paanong hindi rin iyon naging madali para rito.
"And now, I want to fix everything my way." Mariin nitong sabi. "Narinig mo ko Corrine? Paraan ko. Sa panahong ito, ako naman ang masusunod. I'm so done with everyone controlling everything around me. I want my kids and I'll have them my way."
Agad namang sinalakay ng kaba ang aking dibdib. "And what do you mean by that?! H-hindi ako makapapayag na ilayo mo sakin ang mga anak ko Kurt! Magkakamatayan tayo pero hindi mo mailalayo sakin si Kade at Kurtney!"
"You have nothing to worry about, I think nothing like you. Hindi ko aalisan ng ina ang mga anak ko." Nakita ko ang pag-daan ng pait sa mga mata nito. "I told you, Corrine. I have my way."
Binitawan ako nito atsaka tumalikod at nag-simulang mag-lakad.
"Nasaan ang silid mo? Inaantok na ko."
"Hindi ka pwedeng matulog dito!" Nanlaki ang aking mga mata.
"Says who?" He turned his head on me and smirked. "Sabi mo nga diba? I'm drunk. Delikado kung magmamaneho pa ko. So I guess I can stay for a night."
I took a deep breath. "Dalawa lang ang silid dito, ang inookupa ng mga bata at ang sakin. You can stay at the couch."
"Oh no, don't be rude." He chuckled. "Kung sakaling ikaw ang makikituloy sa pamamahay ko, I surely wont let you sleep in the couch. And I'll definitely offer you my own bed."
"Well ikaw iyon, hindi ako. Magkaiba tayo." Inirapan ko ito. "Now kung hindi mo maipagkasya ang sarili mo dyan, then you're free to leave."
I marched out passing through him. Tinungo ko ang aking silid upang mapaigik lamang ng may tumulak sakin papasok.
"Ano ba Kurt?!" I hissed.
Pero balewala iyon dito. Isinara nito ang pinto at inilibot ang tingin sa paligid. "So this is your room."
"C'mon! Kurt Vincent! What are you trying to do?!" I asked out of frustration and desperation dahil hindi ko na mawari kung ano ang ginagawa at gusto nitong mangyari.
Nagbaba ito ng tingin saakin. There's his brown eyes again.
"I'm putting everything back to their respective places, Corrine."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro