Chapter Four
Hanggang sa marating namin ang mansyon ng mga De Salvo sa Grand Rapids ay walang tigil ang pag-ngisi ni Vince na tila ba panay ang pangaasar saakin.
Pakiramdam ko'y naipon na lahat ng dugo saaking katawan paakyat saaking mukha. He shouldn't have seen that letter!
That brown paper contains my letter for him. How I fell in love with him since the first time I saw him two years ago, giving his congratulatory speech for all the Architecture graduates of Harvard University.
Since then, those pair of brown wicked eyes started to haunt me in my every sleep. Kaya naman simula noon ay nagsaliksik na ako ng mga bagay bgay tungkol dito. It's as if I got addicted to him.
And to all my stupidity, sa lahat naman ng mapagsisiksikan ko ng sulat na iyon ay naiipit ko pa iyon sa folder kung saan naroon ang mga credentials ko na siyang ipinasa ko rito.
"Amin na kasi yung papel Vince!" Hindi ko na mapigilan ang hindi mapaungot nang ihimpil na nito ang sasakyan sa tapat ng magarbong mansyon.
"Why? Hindi ba't para saakin naman yun?" He grinned.
"Hindi para sayo yun!" I stomped my foot irritatedly.
"Dear Vince ang nasa bungad ng sulat, Corrine." Prente itong sumandal sa upuan ng sasakyan nantila wala pang balak na lumabas.
"Kahit na! Hindi mo dapat makita iyon!"
"Pero nakita ko na." Mapang-asar itong humalakhak. "Nabasa ko na, at sa tingin ko nga'y saulo ko na ang kada titik na nakasulat sa papel."
Lalo akong pinamulahan ng mukha. Hindi makakabuti ang dulot ng pakikipagusap kay Vince sa ganitong paraan. Pakiramdam ko'y pinangangapusan ako ng hininga.
"B-bahala ka nga sa buhay mo! Sayo na ang papel na iyon tutal naman wala na lang yon. I made it two years ago, when I had a fleeting crush on you. Masyado lang akong nahawa sa baliw na pagiisip ng manunulat kong kapatid para isiping pag-mamahal ang siyang tawag doon. That was me being naive." I lied.
I need to save my pride a little and boost myself.
"Liar." Iyon lamang ang naging tugon nito.
Napasinghap ako ng malakas ng abutin nito ang aking kamay na nakapirmi sa kandungan ko. Agad akong napapiksi at inilayo ang kamay ko rito nang makadama ng tila kiskis ng elektrisidad sa pagtatama ng aming balat.
"Feel it?" He smirked. "Now tell me your feelings have changed."
Pakiramdam ko'y ilang segundo pa akong mag-tagal sa kinauupuan ko'y tuluyan na akong papanawan ng hininga kaya naman mabilis na bumaba ako mg sasakyan atsaka pumasok sa loob ng bahay.
"Coco! Bakit ang tagal niyo?" Tawag saakin ni Ai nang makita ako nito pagkapasok ko pa lamang sa bahay. "Tara na nadoon na sila sa dining kasama ni Palette."
Abot abot ang dasal ko na sana'y hindi mapansin ni Ai ang aking pagkabahala. Tinanguan ko lamang ito atsaka nagpatianod sa pag-hila nito.
Sa hapag ay naroon na ang lahat ng aming mga kasama. Mabilis na tumayo si Scott upang ipag-hila ako ng upuan sa tabi nito. Pinasalamatan ko ito atsaka doon naupo, samantalang si Ai naman ay umikot sa kabilang bahagi ng mahabang lamesa at doon naupo sa tabi ni Fred.
"You should start eating everyone, I just need to make some calls." Bahagyang nababahala na sabi ni Palette na pirmi ang paglingon sa malaking bintana sa dining area kung saan tanaw na tanaw ang paghampas ng malakas na hangin kasabay ng mabigat na buhos ng ulan.
Gaya ng sinabi nito'y sinimulan na namin ang pagkain. Sa gitna ng aming kainan ay nagkaroon din kami ng masayang talakayan tungkol sa pagpapalitan ng mga ideya sa proyektong aming gagawin.
On the back of my head, I was waiting for Vince to come and join us over. But no Vince appeared.
Hindi ko maiwasang hindi isipin kung nasaan marahil ito. But I forced my mind to cooperate with the discussion going and to stop thinking of him.
Nang matapos na kaming kumain ay ang siyang saktong pagbalik ni Palette sa komedor. Tinawag nito kami at dinala sa drawing room ng mansyon upang tipunin.
"The rain is too heavy for us to be able to return in Vegas today." Panimula nito. Na siyang sinang-ayunan din ng aking mga kasama. "I'm really sorry Architects and Engineers. We didn't see it coming. Let's all stay here in the De Salvos mansion and spend a night over. Early in the morning tomorrow, if the sky is already calm then we could immediately leave."
Wala naman ng tumanggi pa sa mga kasama ko, mas naisip rin siguro ng mga ito na magiging kumbinyente nga naman kung dito kami magpapalipas ng gabi kaysa pilitin pang bumyahe sa delikadong lagay ng panahon.
Wala namang kaso saakin iyon. Huwag lang sanang muling mag-pakita si Vince dahil baka na mas maagang matapos ang buhay ko dito sa mansyon kaysa sa pakikipagdigmaan sa masungit na panahon.
"And oh, Mr De Salvo offered the mansion for your board and lodging when we all started working for the Cameron Hotel and Resort. You'll be staying here starting next week. It will be much easier that to travel back and forth from Vegas to Michigan."
No way! Iyon ang gusto kong isigaw ngunit hindi ko magawa dahil wala akong nakitang pagtutol sa mukha ng aking mga kasama. Mas na excitement pa ang siyang namataan ko sa mga ito.
"Ang bonga naman pala ng pagsstayan natin girl!" Masayang siko ni Ai sa tagiliran ko.
Ngising aso lamang ang ibinigay ko ritong sagot.
The mansion is huge, what would I expect. They're a De Salvo, who's one of the richest clan in the planet.
Maraming silid ang mansyon, parang hotel din. Binigyan kami ng tig-iisang silid na maari naming tuluyan. Ang sabi ni Palette ay iyon nadin daw ang magiging silid namin kapag nag-simula na ang project.
Nang makapasok ako sa silid ay isang malambot na kama ang siyang nadatnan ko. Everything inside the room is plain and white.
Tinungo ko ang comfort room. Malaki ang sukat noon. May malalaking cabinet din at ng buksan ko iyon ay nakita ko ang mga sealed underwear. Toothbrush, sabon, lotion at kung anu-ano ba na hindi naman mga nabubuksan pa. Nakita ko rin ang malilinis na tuwalya at roba doon. Wala namang mga damit.
Natigil ako sa pageestima ng mga kagamitan sa loob nang may marinig akong katok.
Agad kong tinungo ang pinto at pinagbuksan ang kumakatok.
My heart skipped a beat when I saw Vince standing at my doorstep.
"B-bakit?" And fuck me for stammering!
"Here." Iniabot nito saakin ang isang brown shirt. "That's the least I could offer. I can't open Chiara's room to borrow some clothes. That will do."
Pakiramdam ko'y nagkakagulo ang sistema ko sa simpleng tinuran nito. Tinanggap ko ang inaabot nito. "S-salamat."
"Matapos mong maligo ibigay mo sakin ang damit mo para mapalabahan ko at masuot mo bukas."
"S-sige." Tumango ako at muling nagpasalamat. "S-salamat ulit."
Akmang isasara ko ang pinto ng itulak nito iyon ng pabukas at walang sabing nagtuloy-tuloy ito sa loob.
"M-may kailangan ka pa?"
Balewala itong naupo sa kama. "Aantayin ko na dito ang damit mo. Bilisan mo na."
"B-bakit?" Kunot noo kong tanong. "H-hindi mo na kailangan pang antayin, a-ako na ang bahala--"
"Tss, just move." Pag-ingos nito atsaka inabot ang remote ng flat screen tv at binuksan iyon.
Manghang pinagmasdan ko ito habang ang mga mata nito'y nakatuon sa tv screen. Ano bang ganap nito ni Vince sa buhay?
"Ano? Dyan ka nalang o paliliguan pa kita?" Masungit nitong sabi.
Lalong napuno ng pagtataka ang aking isipan. "Ewan ko sayo!"
Dinampot ko ang sling bag ko atsaka tinungo ang banyo. Tama nga si Moan, ang mga lalaki may kanya kanyang toyo sa utak.
Matagal akong naligo, inubos ko ang oras ko sa pagbababad sa tub. Nang matapos ay nagbanlaw pa ako atsaka ko isinuot ang isang sealed bikini sa cabinet at ibinalot ang aking katawan ng puting roba at ng tuwalya ang aking buhok. Nalabahan ko na din ang aking underwear at isinampay iyon sa steel rod na naroon. Ayoko naman na pati iyon ay ipalaba pa no.
Nagsisipilyo ako nang tumunog ang aking telepono. Agad na nagliwanag ang aking mukha ng makitang si Moan ang tumatawag. Mabilis kong tinapos ang aking pagsisipilyo at sinagot iyon.
"Moaniemoan!" I beamed.
"Excited na excited palagi sa idol niya oh!" Natatawang sabi nito. "Oh, kamusta na Coco Martin?"
I rolled my eyes ceilingward and went outside of the bathroom. "Miss na miss na kita MM."
"Awe, hindi kita namiss CC.." Humagikgik ito.
"Shut up, I know you do miss me." Nag-tungo ako sa isang tokador doon at inilapag ang bag ko sa ibabaw ng lamesa.
"Oh, kamusta ka na nga dyan?"
"Hindi okay, M. Mababaliw na ata ako e." I sighed deeply and pulled the towel off my hair.
"Bakit naman? Ano ba yan ang pangit mo na nga mababaliw ka pa? Wag mo naman kawawain sarili mo Cocoa!" Bigla itong humalakhak ng malakas.
Tinanggal ko ang robang suot ko bago akmang sasagutin ito nang may isang baritonong tinig ang pumuno sa apat na sulok na silid.
"I would appreciate it if you'd pull that bikini down as well.."
Holy fuck! Did I just missed the thought that Vince is sitting in the middle of the bed watching baseball on flat screen while waiting for me?
Holy shit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro