Chapter Fifteen
"Kurtney, hindi ba sinabi ko sayo na ang mga dolls mo ililigpit mo pag-tapos ka ng mag-laro para hindi nakakalat at hindi masira agad." Sabi ko habang isa-isang inililigpit ang mga manika ni Kurtney at inilalagay iyon sa lagayan ng mga laruan nito.
"Mommy, ano pong pangalan ng daddy ko?"
Binalingan ko ito, napabuntong-hininga ako. Hindi ito ang unang beses na nag-usisa si Kurtney ng tungkol sakanyang ama. Sakanilang dalawa ni Kade ay ito ang mas matanong.
Kade and Kurtney is now four years old. Habang lumalaki ay mas nagiging malawak ang kaisipan ng mga anak ko. Kung noong mga bata pa ang mga ito'y nadadaan ni MM sa bumili lang ng suka sa grocery ang daddy niyo, mahaba ata ang pila kaya natagalan kind of excuses ay alam kong hindi na ngayon.
That night that I left Kurt Vincent De Salvo at the parking lot, was the last time I saw him.
I asked Moana's help, alam kong hahanapin ako ni Kurt. Alam ko iyon dahil iyon ang agad nitong ginawa.
Moana and Chiara are friends, alam ni Moan na ang tanging makakatulong lamang sakin na makaiwas kay Kurt ng mga sandaling iyon ay ang sarili nitong pamilya.
Nalaman ng mga ito na nagdadalang-tao ako. Since then, hindi na ako hinayaan ni Chi na mawala sa radar niya.
She promised me she wont tell her brother basta hindi ko ilalayo sakanila ang mga bata. Hindi naman kami nahirapan, dahil napag-alaman kong bumalik si Kurt sa Las Vegas sa pag-aakalang naroroon ako.
Wala na akong balita pa kay Kurt, itinigil ko na ang pakikibalita rito nang malaman kong may nakakadate na ito.
Funny, but I was hurt. Ganoon lang talaga siguro kadali dito ang lahat. Simula noon ay minabuti ko ng wag isipin pa ito dahil nasisiguro ko namang hindi niya ako naiisip.
Ang kapalit ng pag-tulong sakin ni Chiara ay ang hindi ko pagkakait sa mga anak ko ng apelido ng kanilang ama, ganoon rin ang pag-payag kong pasyal pasyalan ng kambal ang mga magulang ni Kurt.
Karapatan rin naman iyon ng mga anak ko, kaya hindi na ako tumutol pa.
"He doesn't have a name." I said.
"Pwede po ba yun? Eh ang papa po ni Thalia may pangalan. Ang daddy din po ni Romee." Sabi nito habang nagsasalubong ang mga kilay. "Sabi mo po mommy, si Tita Chi ay kapatid ng daddy ko. Sabi ni Tita Chi four silang mag-kakapatid. Si Tito Vince, si Tito Roy, si Tita Chi tapos yung isa mommy... si Tito Kurt ang tawag ni Thalia doon. Kamukhang kamukha siya ni Tito Vince pero ang sabi ni Thalia kapag nakangiti daw palagi yun si Tito Kurt pero pag mukha daw pong badtrip at natatae si Tito Vince daw po yun. Yung guy kahapon mama, nag-s-smile siya. Tapos mommy nag-ask siya ng name ko. Si Tito Kurt siya mommy, siya po ba ang daddy ko?"
Hindi ko maikakailang kinabahan ako sa naging analisasyon ng anak ko. Masyadong matalino ang kambal kaya hindi na ako dapat pang mabigla.
"Kasi mommy, kung isa po sa mga kapatid ni Tita Chi ang daddy ko hindi po pwedeng si Tito Vince dahil daddy siya nina Iceice at Caice si Tito Roy naman papa ni Taling. Edi si Tito Kurt nga ang daddy ko?"
"Oh, Kurtney!" Makapagsisinungaling pa ba ko? Niyakap ko ito ng mahigpit na mahigpit. "Oo anak. Siya ang daddy mo, niyo ni Kade."
---
"Good morning, Tito Kurt!" Nakangising bati sakin ni Thalia nang makababa ako ng hagdan.
"Morning, Taliling." Nginitian ko ito.
"Sus fuck boy." Narinig kong ingos ni Moana na katabi nito, agad namang napahagikgik ang bata.
"Moana Marie I don't care if you'll insult me, but not in front of the kids. Mamaya magaya nila yan."
"Pakboy." Tumatawang sabi ni Thalia.
"Thalia that's bad." Suway ko.
Mukhang hindi naman ito natakot dahil humahagikgik na yumakap lamang ito kay Moana.
"Kurt, good thing you're awake. I have to ask you something." It was Chi, may hawak itong kung ano.
"Morning Tita Mommy!" Masayang tumakbo si Thalia nang makababa ito ng hagdan at humalik sa pisngi nito.
"Morning baby, dun ka muna kay Tita Moana. May pag-uusapan lang kami ni Tito Kurt."
"Lika muna dito Taling, lilisaan kita." Tawag ni Moana dito.
"Tita wala akong lisa!" Angal naman ng pamangkin ko bago muling bumalik sa kandungan ni Moana.
"Let's go Kurt." Nagpatiunang mag-lakad si Chiara sakin. Nang makapasok sa library ay naupo ito sa swivel chair sa likod ng executive desk.
Inilapag nito ang kung anong hawak nito sa ibabaw ng lamesa. Matapos ay pinagsiklop ang magkabilang palad.
"So you're still seeing Candida Fido." Pinaningkitan ako nito ng mga mata.
"Chiara-"
"I told you to stop seeing that woman didn't I?!"
Binuksan nito ang envelope na nasa harapan nito. Mula roon ay inilabas niya ang mga larawan namin ni Candida. That was the night before I left Vegas.
Candida and I dated for almost two years after Corrine. But that was almost over a year ago. Nag-kita lamang kami noong nakaraan dahil nalaman kong nasa Las Vegas ito, we did some catching up like old friends does.
People, especially my sister always misunderstood Candida's behavior. Candy is nice, she might be a brat but she's nice and I really treasured her as a good friend. Why she was with me during my bad days at ngayon na siya ang nangangailangan ng kaibigan sino ako para hindi siya damayan?
"You're stalking me." I told her that.
"What now Kurt? So you're dating this woman again huh?"
Hindi ko rin maintindihan kay Chiara kung bakit ba bwisit na bwisit ito sa ideang dinedate ko nga si Candida. Maybe it's her way of getting even because I never liked Red for her.
"Chiara, whoever I'm dating now is definitely none of your business."
Lalo ata itong nagalit dahil lalong nagsalubong ang kilay nito. "Say what again?"
"Look Chi, I'm a grown up. I can handle myself. Kayo nga'y may kanikaniyang pamilya na, so why not let me do my thing."
Akmang mag-sasalita ito nang kumalabog ang likuran ng shelf na nasundan ng impit na pag-daing dahil sa ilang librong nagbagsakan.
Mabilis na napatayo si Chi at tinungo ang pinagmumulan ng daing ako naman ay kaagad na sumunod rito.
"Oh God! Kade, are you okay?"
Isang batang lalaki ang mabilis na yumakap rito sapo-sapo ang tuktok ng ulo nito. Hindi naman ito umiiyak pero halatang nasaktan ito, sa laki at bigat ba naman ng mga nagbagsakang libro.
"Ano ba kasing ginagawa mo riyan?" Chi comforted the kid na nakasiksik ang mukha sa leeg nito.
Ako naman ay dinampot ang mga librong nagbagsakan at ang librong hawak nito kanina. It was one of Roy's book about horseback riding.
"Nag-babasa lang po ako."
"Masakit ba? Saan ang masakit?" Tanong ni Chi.
"Okay na po."
"Okay, eh nakita mong may bukol ka!"
Ibinalik ko sa shelf ang mga libro at sinigurong hindi na muling babagsak ang mga iyon. Nalingunan ko ang mga ito at agad akong natigilan nang makita ang mukha ng batang lalaki na sa wari ko'y nasa apat na taong gulang lamang.
Binalingan ko si Chi na ngayon ay may kakaibang ngiti sa labi habang nakatingin sakin.
"Surprised to see your clone, brother?" She smirked.
"Who is this kid?" Muli kong binalingan ang bata.
The kid looked a lot like me na siyang lalong ikinakunot ng noo ko. He looks exactly like me except for his eyes, it was a pair of fresh blue eyes.
Napatalungko ako sa harapan ng bata.
"Who is he, Chiara?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa maaaring maging sagot nito.
"You tell me, Kurt. Who do you think he is?" Nakakalokong sagot nito.
If my sister is playing games with me, then she's definitely winning it. Dahil alam kong katulad ng batang babae na nakasalo ko sa almusal kahapon ay hindi ako patatahimikin ng batang nasa harapan ko ngayon.
"What's your name, young man?"
"I'm Kade Angelo Smith-DeSalvo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro