
CHAPTER 9
CHAPTER 9
"TEACHER LUCKY! Teacher Lucky! Teacher Lucky!"
Nagising ang diwa ni Lucky nang marinig ang boses ng isang estudyante niya at niyuyugyog siya. Napakurap-kurap siya at agad na nginitian ang bata. "Yes, Katey? What is it, baby?"
Katey blinked at her. "Teacher Lucky, are you sleeping with your eyes open?"
Natawa siya sa tanong nito. "No, baby. Bakit mo naman natanong?"
"Kasi kanina pa po kita tinatawag, pero hindi mo ako pinapansin."
Hinaplos niya ang buhok ni Katey. "Sorry, baby. May iniisip lang si Teacher Lucky. Ano ba ang kailangan mo sa 'kin, baby?"
Sa halip na sagutin, mas kinulit pa siya nito. "Ano po'ng iniisip n'yo, Teacher Lucky?"
Napakurap-kurap siya sa tanong nito dahil parang sirang plaka na dumaloy na naman sa isip niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Blake noong isang araw.
Mula noon, hindi pa sila nagkikita dahil sinadya niyang iwasan ang lalaki. She was scared to feel that emotion again, that strange emotion only Blake could stir. She was afraid it might cause her heart to be in pain again.
She would not stop caring for her heart and her health overall just because she met someone who could make her happy other than her family. Mas importante pa rin para sa kanya ang kasiyahan ng lolo't lola niya.
"Teacher Lucky!"
Napakurap-kurap siya at tiningnan si Katey. "Yes, baby, what is it?"
Sumimangot ang bata. "You're not listening to me, Teacher."
Nauwi sa ngiwi ang ngiti niya. "Sorry, Katey. Ano ba ang kailangan mo kay Teacher?"
Ipinakita nito sa kanya ang mga Krayolang dala. "Saan po rito, Teacher, ang kulay-gray?"
Nakangiting itinuro niya ang kulay-gray sa mga ipinakita nitong Krayola. "Here, baby, gusto mo sabay nating kulayan ang coloring book mo?"
Katey smiled. "I can do it, Teacher Lucky."
"Okay. Have fun, baby." Sinundan niya ng tingin ang bata, saka napangiti nang makabalik ito sa upuan nito.
Umalis siya sa mesa niya, saka isa-isang tiningnan ang ginagawa ng mga estudyante niya. Ang iba tama ang napiling kulay, ang iba naman ay hindi—na agad niyang sinasabihan nang maayos at malumanay para hindi matakot at kabahan ang mga bata.
Pagkatapos ng klase niya, ginawa muna niya ang mga materials na gagamitin bukas bago umuwi.
Nang makalabas ng gate ng paaralan, nakita niya si Blaze na nakahilig sa isang sasakyan habang nakapamulsa at hinihintay siya.
She smiled and waved her hand at him. "Hey! Blaze!"
Agad itong ngumiti nang makita siya at kumaway pabalik sa kanya.
Lumapit siya rito. "You came."
Binuksan nito ang passenger seat para sa kanya. "You said it's 911. So, yeah."
"Thank you," sabi niya, saka sumakay sa kotse nito.
Nang makasakay na rin si Blaze sa sasakyan at nasa daan na sila, pasulyap-sulyap ito sa kanya.
"Ahm... I was shocked when you called me this morning," pagkuwento nito. "I wasn't expecting that."
Napalabi siya. "Bakit? Sabi mo tawagan kita kapag may kailangan ako."
"Yeah, but I didn't really think that you will?"
She frowned. "Why not?"
"I don't know," Blaze said with a shrugged.
She pouted. "Wala na kasi akong maisip na tawagan, eh. I mean, I don't want to worry my grandparents and I don't really have a very close friend."
"You have Blake."
Napatigil si Lucky sa sinabi nito.
Bakit naman siya magpapasama sa lalaking dahilan nga kung bakit siya magpapa-check up ngayon? "I don't want to see him."
Blaze glanced at her. "Hindi pa rin kayo bati?"
"Bati na."
Blaze frowned at her. "And?"
She bit her lower lip. "Something happened."
Bumagal ang pagmamaneho nito, saka namimilog ang mga matang tumingin sa kanya. "You two had sex?"
"What?!" Hindi niya napigilan na magtaas ang boses sa gulat at pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib. "No... we didn't. Why would you ask that? You're a pervert just like him."
"We're twins," rason lang nito, saka bumilis na naman ang takbo ng sasakyan. "So... ako talaga ang pinili mo na samahan ka?" He grinned. "I'm flattered."
"You're a doctor and I have no choice."
Napalatak ito. "Your honesty is brutal. You're hurting me."
"Truth hurts."
Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "Yeah, I know that very well."
Napatitig siya sa lalaki na nagmamaneho. May bakas ng kalungkutan ang kislap ng mga mata nito.
Is he broken too?
Ibinalik ni Lucky ang tingin sa dinadaanan nila. "I'm sorry if I dragged you into this. I won't do it again. Gusto ko lang kasi nang kasama na hindi mag-aalala sa magiging resulta ng checkup ko."
"Nah... it's cool. Kaysa naman wala kang kasama."
That made her smile. "Thank you, Blaze."
Ngumiti lang ito. Nilukob ng katahimikan ang loob ng sasakyan hanggang sa makarating sila sa ospital.
Kinabahan siya.
"Hey, it's okay," sabi ni Blaze nang makita ang kaba sa mukha niya.
Tumango si Lucky, saka lumabas na ng kotse. Sabay silang pumasok ni Blaze sa ospital. Ito ang gumiya sa kanya patungo sa opisina ng cardiologist na recommended ni Blaze dahil magaling daw na doktor.
"Hey, Doc," bati ni Blaze sa cardiologist na para bang nasa kalye lang ang dalawa at nagkasalubong lang.
They must be friends.
"Yow," balik-bati ng doktor, saka tumingin sa kanya. "Girlfriend?"
"Do you want me to get killed by my own brother?" sagot ni Blaze, saka napailing.
The cardiologist chuckled. "Well, I would love to kill my brother. Hindi ko lang matiyempuhan."
Napailing si Blaze. "You and your bad blood with your twin."
Nagkibit-balikat lang ang doktor, saka ibinalik uli ang tingin sa kanya at iminuwestra ang kamay sa sofa. "Have a seat."
"Thank you," sabi niya, saka umupo sa pang-isahang sofa.
Samantalang si Blaze naman ay nahiga sa mahabang sofa.
Tinapik niya ang binti ni Blaze, saka pinanlakihan ito ng mga mata. "Get up, Blaze. Nakakahiya."
"Hayaan mo siya," sabi ng doktor, saka umupo sa sofa na kaharap ng kinauupuan niya at inilahad ang kamay. "Dr. Axel Ferreira, your new cardiologist."
Tinanggap ni Lucky ang pakikipagkamay nito, saka ngumiti. "Lucky Hart. Nice to meet you."
A brief handshake and small smile before he spoke in a business-like tone. "Well, Miss Hart, I requested your medical history from your previous doctor, per your request and the hospital. He was pissed and said I'm stealing his patient."
"Not your fault, man," Blaze grunted. "And you didn't steal her, I did. I recommended you to her and the patient has the right to choose what's best for her."
Dr. Axel chuckled. "Yeah. But he cursed me, not you. Anyway..." Ibinalik nito ang atensiyon sa kanya. "I read your medical history and I will not sugarcoat it. Your heart is weak and it will not beat for as long as you want it to. Hindi ko masasabi kung ilang taon pa ang itatagal ng puso mo, pero mararamdaman mo 'yon. You'll get weaker and weaker. As of now, you look healthy to me. But I won't be fooled by your healthy appearance. That's why you will undergo a physical examination to see how far your heart can endure."
"Okay."
"And I believe your previous doctor already put your name on the waiting list?"
Tumango si Lucky. "Yes." Huminga siya nang malalim. "Pero sabi niya matatagalan pa at walang kasiguruhan kung kailan 'yon. It's been six months since my name was put on the waiting list, and up until now, I'm still waiting."
Napatango-tango ang kausap. "Matagal talaga 'yon, lalo na't hindi lang ikaw nangangailangan n'on. For now, I have to make sure if you really need it. I have to see for myself to double check. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya pero... well, wala talaga akong tiwala hangga't hindi ko nakikita ang physical examination result mo ngayon."
Blaze chuckled. "You're fucked up. How can you doubt your colleague?"
"Doubt is what keeps medicine alive," sagot ni Dr. Axel, saka ibinalik uli ang atensiyon sa kanya. "So, let's go?"
Tumango siya, saka tumingin kay Blaze na agad na bumangon.
"Sasama ako," sabi nito na ikinatuwa niya.
"Thank you," she mouthed at him.
Ngumiti lang ito at kinindatan siya.
Sabay-sabay na silang lumabas na tatlo ng opisina ni Dr. Axel para umpisahan ang physical examination niya.
Lucky underwent ECG, 2D Echo and MRA.
At nang makabalik sila sa opisina ni Dr. Axel, kinakabahan siya. Natatakot siyang baka lumala pa lalo ang lagay ng puso niya.
Nang makaupo si Lucky sa pang-isahang sofa at pinagmamasdan ang doktor na binabasa ang resulta ng examination niya, nanlalamig ang buong katawan niya at may bahagyang kirot sa puso niya.
Happy thoughts. Happy thoughts.
"Doc?" Hindi na siya makapaghintay. "Anong resulta?"
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Compare to your last examination, you heart, ahm, it's not doing well."
Inaasahan na niya iyon pero masakit pa ring marinig na tama ang hinala niya. "And?"
"Take your medicine on time and don't stress yourself. Umiwas sa problema at sama ng loob. Bawal ka ring maging sobrang masaya kasi makakaapekto pa rin 'yon sa 'yo. Kailangang kalmado ka palagi. Lahat ng sobra ay bawal sa 'yo. Iwasan mo ang mga bagay na 'to dahil isa iyon sa puwedeng mag-trigger ng pagsakit ng puso mo. Kapag inatake ka, baka mahirapan ka nang makabawi."
Napahawak siya sa dibdib kung nasaan ang puso niya. "Will I get better while I wait? 'Yong iniinom kong mga gamot, nakakatulong ba 'yon sa 'kin? O may gamot ka ba na gagaling ako?"
"Medicine helps but it will not cure your heart."
Iyon din ang sinabi ng huli niyang doktor. Nakakatulong lang ang mga gamot na 'yon para magkaroon siya ng normal na buhay pero hindi para pagalingin siya. Para lang iyon humaba pa ang buhay niya kahit paano.
Kumuyom ang kamay niya. "Ahm... I have a question."
"Sure. Ask me," sabi ni Dr. Axel.
"There's this guy, and, ahm, my heart feels weird when he's close to me and I'm scared that it might cause my heart to be in pain again."
"So, what's your question?" usisa nito.
"Iiwasan ko rin ba siya o hindi naman dapat katakutan 'yong kinakatakutan ko?"
Dr. Axel leaned in on the back of the sofa. "What do you mean by your heart feels weird?"
"Ahm..." Tumikhim si Lucky. "May nararamdaman ako kapag malapit lang siya o kapag may ginagawa siya na natutuwa ako, pero hindi naman sumasakit ang dibdib ko. I hyperventilate when he's around, my heart is beating so fast. And when he kissed me, I felt like my heart is about to explode... That's why I'm here because I'm scared what might happen to me."
Si Blaze ang unang nag-react sa mga sinabi niya. "Fuck, fuck, fuck." Bigla itong napabangon mula sa pagkakahiga sa mahabang sofa. "Fuck."
Naguguluhang napatingin siya kay Blaze. "What?"
Tumawa ito. "Nothing." Kapagkuwan ay bumaling kay Dr. Axel. "It's Blakey. What do you think?"
"I'm speechless." Dr. Axel looked at her. "I don't think that you should be scared of that."
"But my heart feels weird!" Tumaas ang boses ni Lucky at nang ma-realize niya 'yon ay humingi siya ng pasensiya. "Sorry, natatakot lang ako. I don't want to die at a young age. Kaya nga lumalaban ako at inaalagan ko ang sarili ko nang mabuti. I won't risk my health for him."
"I understand," sabi ng doktor. "But that weird feeling in your heart have nothing to do with your heart problem."
Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"
"It's a romantic feeling towards this man."
"Romantic feeling?" ulit niya. "Like I like him as a man?"
"Yes. Like that." Parang pinipigil ng kaharap ang mapangiti. "I will assume that this is your first time feeling that emotion?"
"Yes."
"Then it's an uncharted emotion for you, so be very careful. Kapag lalo mo pa siyang nagustuhan, magkakaroon siya ng kakayahan na saktan ka at alam mo na ang mangyayari sa puso mo kapag ganoon—"
"Hey!" Blaze snapped at Dr. Axel. "This is Blakey we're talking about."
Lucky frowned at the two men. "Who's Blakey?"
Hindi siya sinagot ng dalawa sa halip ay ito ang nag-usap.
"Precisely my point," sabi ni Dr. Axel. "Blakey is still trapped in his past."
Blaze let out a loud breath and shook his head before looking at her. "Don't worry. Hindi ko hahayaang saktan ka ng lalaking gusto mo."
Nahihiyang nakagat ni Lucky ang pang-ibabang labi. "You know who he is?"
"Of course." Blaze smiled. "Don't worry. Sisiguruhin ko na hindi ka niya masasaktan. You're too fragile so I'll take care of you."
She beamed at Blaze. "Thank you."
"O... kay." Dr. Axel trailed and clasped his hands to get her attention. "So, back to your heart problem. Every month may checkup tayo para makasiguro na habang naghihintay ka kahit paano ay maayos ang lagay mo." Huminga ito nang malalim. "Hindi na kita reresetahan ng bagong gamot kasi okay naman ang gamot mo ngayon. Just keep taking it on time and remember the don'ts, okay?"
Nakangiting tumango siya. "Thank you, Doc."
Dr. Axel smiled back. "Ahm, I still have other patients, so..."
Tumayo siya. "Salamat uli."
"Alis na kami," sabi ni Blaze, saka inakbayan siya. "Halika na."
Nagpasalamat siya uli kay Dr. Axel bago lumabas ng opisina nito.
"I feel relieved," sabi niya habang naglalakad palabas ng ospital. "I thought it was another problem concerning my heart but it's not."
Mahinang natawa si Blaze. "Hindi ako makapaniwalang 'yon ang dahilan kaya nagpa-check up ka."
Tiningnan niya ito nang masama. "Ano naman ngayon? Gusto ko lang makasiguro na walang mangyayaring masama sa 'kin. I have to take good care of myself.
"At ngayong sigurado ka na?"
Nagkibit-balikat siya. "Sa tingin ko tama si Dr. Axel."
"Tama siya na may gusto ka sa kakambal ko?"
She shushed him. "Baka may makarinig sa 'yo."
"So? Naghalikan na nga kayo, eh."
Sinuntok niya ito sa braso pero siya lang ang nasaktan sa ginawa niya. "I like him romantically but it's our secret. Kailangan ko munang siguruhin na may katugon ang nararamdaman ko bago ko sabihin sa kanya 'yon. Ayokong masaktan. Hindi puwede. Alam mo naman kung bakit."
Ginulo ni Blaze ang buhok niya. "Good girl. Huwag kang maging marupok sa kakambal ko, ha? Dapat matigas ka. Baka masaktan ka."
Nakangiting tumango si Lucky at nagtanong dito nang may maalala. "Sino pala si Blakey?"
"Someone I know," sabi nito, saka pinasakay siya sa kotse nang makalabas sila ng ospital.
Nang nakasakay na silang dalawa, itinuro niya ang cell phone nitong nasa dashboard. Panay ang kislap ng LED n'on. "I think someone is calling you."
Binuhay ni Blaze ang makina ng sasakyan bago sinagot ang tawag. "What?" Kumunot ang noo nito. "No... iniwan ko ang phone ko—"
Mukhang may sinabing nakakatakot ang nasa kabilang linya dahil nakita niyang natigilan at namutla si Blaze.
"You look pale," komento niya nang matapos ang tawag.
Blaze nervously chuckled. "Blakey called. He said he is going to kill me. Fuck."
"Then we should go to the police—"
"Trust me, Miss Hart, even the police can't stop him."
Hindi na siya nakapagsalita dahil pinaharurot na nito ang kotse patungo sa apartment niya na para bang nakikipagkarera ito sa bilis.
And when they arrived in front of her apartment building, she saw Blake outside, smoking a cigarette.
Lumabas si Lucky ng kotse at akmang lalapitan ito nang madilim ang mukha at matalim ang mga matang nilampasan lang siya nito, saka sumakay sa kotse ni Blaze.
At dahil bukas ang bintana ng passenger seat, dinig niya ang sinabi nito kay Blaze bago humarurot paalis ang sasakyan.
"Drive before I kill you here and now."
That was when she realized that Blakey was Blake!
At habang naglalakad papasok sa apartment niya, napapaisip si Lucky kung ano ang ginawa ni Blaze para masabi iyon ni Blake at para magalit ito.
Hanggang sa nakaligo siya at natapos maghapunan, nasa isip niya pa rin 'yon.
Until a loud knock on the door stopped her mind from thinking about it.
Dala ang cell phone na tinungo niya ang pinto at hindi nag-iisip na binuksan iyon katulad ng nakasanayan niya.
Kumunot ang noo niya nang makita si Blake sa labas ng pinto.
"I thought you're with Blaze—"
"Do you like Blaze as a man?" Walang emosyon ang boses nito pero ramdam niya ang talim n'on. "Kaya mo ba ako iniiwasan? Is that it? You like him?"
Bago pa siya makasagot, tumunog ang cell phone na hawak niya at sabay pa silang napatingin sa screen ni Blake.
It was Blaze.
Agad niyang sinagot 'yon. "Hello?"
"Loudspeaker mo," utos ni Blake sa kanya.
"Okay." Pinindot niya ang loudspeaker tulad ng gusto nito.
"I miss you already, Lucky. See you tomorrow. Bye."
Napakurap-kurap siya at napatitig sa screen ng cell phone nang mamatay ang tawag. Kumunot ang noo niya. Did I mishear him? "Did he just say he missed me already and see me tomorrow?" patanong na ulit niya sa sinabi ni Blaze.
Tumingin siya kay Blake para sana magtanong kung ano ang pinagsasasabi ng kakambal nito dahil mas kilala nito si Blaze pero wala na ito sa harap niya at pumasok na sa apartment nito nang walang pasabi.
Napaigtad siya sa lakas ng pagkakasara nito ng pinto at hindi niya maiwasang itanong sa sarili.
What's with those two?
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro