Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

CHAPTER 5

LUCKY CALLED IN SICK at work the following morning. Masama ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung bakit panay ang sakit ng dibdib niya samantalang uminom naman siya ng gamot. The pain was bearable, but she didn't want her students to see her flinching from time to time because of sudden pain. So, she stayed at home.

Dahan-dahang umupo sa sofa si Lucky, saka ihinilig ang katawan sa likod n'on at ipinikit ang mga mata. A small gasp escaped her lips when her heart contracted in pain again.

"Please, God," she begged. "Don't take me away. Please..."

Kontrolado ang paghinga niya, para hindi masyadong sumakit ang puso niya. Kinakalma niya ang sarili habang nakapikit ang mga mata. She wanted to sleep but she couldn't because her heart was aching. Literally.

Kaya ayaw niyang sumasama nang sobra ang loob niya tulad ng nangyari kagabi.

She knew it was meaningless to Blake. But for her, it meant so much. How could he throw those gummy bears? She loved those. And even though she loved them so bad, she still gave it to him when he asked for a refill. Kaya nasaktan siya kagabi.

Ito ang sinasabi ng Mommy La niya. Mag-ingat siya sa mga taong makikilala at papahalagahan o magugustuhan niya. Dahil hindi lahat ganoon din ang nararamdaman para sa kanya.

She just felt so stupid for giving those gummy bears that she loved so much to Blake. She should have stayed away from him. She barely knew him. She thought he was nice. He was the first man she ever talk to comfortably. That was why she liked talking to him.

Mababaw ang bawat paghinga ni Lucky. Kapag nagpatuloy pa itong sakit sa dibdib niya hanggang mamayang hapon, ia-admit niya ang sarili sa ospital. Pero kapag ginawa naman niya iyon, mag-aalala na naman ang Mommy La at Daddy Lo niya.

Pero kaysa naman na mawala siya. Hindi puwede. Hindi niya puwedeng iwan ang Mommy La at Daddy Lo niya. She would never let them pick a casket for her. Walang magulang na gugustuhing ilibing ang anak nila. That would hurt them so much.

She opened her eyes and looked at the wall clock. It was 11 AM.

Hindi pa ako nakakapagluto ng tanghalian ko.

Dahan-dahan siyang tumayo para kunin ang cell phone niya sa kuwarto pero hindi pa siya nakakalayo nang makaramdam siya na parang pinipiga ang puso niya.

"Oh, Jesus... I need to rest."

Nasapo niya ang puso, saka mahinang napadaing. Dahan-dahang gumalaw ang paa niya. Kahit nahihirapan siya, pilit siyang humakbang patungo sa kuwarto niya habang nangangapa ng mahahawakan para hindi siya matumba.

Wala na siyang pakialam kung may nasagi siya at nabasag. Ang isip niya ay makahiga sa kama niya o kaya may matawagan para tulungan siya.

Bumagsak ang katawan niya sa kama at pilit na inaabot ang cell phone niya.

I have to call someone!

Umatake na naman ang kirot sa puso niya dahilan para impit siyang mapasigaw.

No. God, please, don't take me away. I still want to live. Please, don't...

Lucky was asking God for help, for assistance and strength when she heard that familiar voice.

"Lucky! Lucky!"

Nagdidilim na ang paningin niya at hindi niya makita kung sino iyon pero alam niyang si Blake ang tumawag sa pangalan niya.

Mahina siyang napadaing nang maramdamang binuhat siya nito at kinarga patungo sa kung saan.

"Hang in there, baby. I'm taking you to the hospital."

Panay lang ang kawala niya ng mahinang daing tuwing umaatake ang kirot sa puso niya hanggang sa nawalan siya ng malay. Ang huling namalayan niya ay ang pagtawag ni Blake sa pangalan ng kakambal nito.



SAPO NI BLAKE ang ulo habang nakaupo sa stool katabi ng kinahihigaang hospital bed ni Lucky. Hindi mawala sa isip niya ang hitsura nito kanina habang namimilipit sa sakit.

She was grunting and groaning. And it sounded so painful.

He looked up and stared at Lucky. She was unconscious but stable. Thank God his brother was still at his apartment to help him earlier. Ito rin ang nakarinig sa ingay na nanggagaling sa apartment ni Lucky dahil naka-earplugs siya.

The pain she was in, it was his fault. He should have thought of her condition first before he blurted out what he did to her gummy bears.

"Hey."

Napabaling siya sa nagsalita. Ang kakambal niya 'yon, kakapasok lang sa hospital room na inookupa ni Lucky.

"Hey." Mahina ang boses niya.

Naglakad si Blaze palapit kay Lucky, saka pinakatitigan ito bago napabuntong-hininga. "I talked to her cardiologist. He said that she's stable for now. Kapag nagising siya, dapat walang magpasama sa loob niya. It's one of the many trigger points why her heart is in pain. Her heart is weak, so take good care of it."

Napatitig siya kay Lucky. "I trigger this, didn't I?"

"I don't want to blame you, bud, but yes. I think what happened last night triggered it."

Bumuga si Blake ng marahas na hininga at tinitigan ang babae. Bigla siyang napatayo nang makitang nagmulat ito ng mga mata.

"Lucky..." Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon. "How are you feeling? Are feeling better?"

Sa halip na sagutin siya, tumingin ang mga mata nito sa IV na nakatusok sa pupulsuhan nito saka, dahan-dahang inagaw ang kamay nitong hawak niya. "What did my doctor say?" tanong nito kay Blaze sa mahinang boses.

Sumulyap muna sa kanya ang kakambal bago sinagot si Lucky. "You're stable, but no stress and problems. As much as possible, stay away from things or people who displeasures you and make you feel scared."

Tumango si Lucky, saka nginitian ang kakambal niya. She looked weak but she still managed to smile brightly. "Thank you, Blaze. I appreciate it."

Blake let out a loud breath. Hindi man lang siya nito pinansin. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin na para bang wala siya sa tabi nito.

Bakit hindi niya gusto na hindi siya nito pinapansin? Bakit nagagalit siya?

"Need anything?" tanong ng kakambal niya kay Lucky.

"Can I eat some gummy bears?" she asked adorably.

"I'll ask your doctor," sabi nito, saka nginitian si Lucky. "I'll get back to you, Miss Hart."

"Thank you."

Blaze gave him a pointed look that said "don't mess with her" before he left.

"Lucky—"

"Please don't talk to me," putol nito sa iba pa niyang sasabihin sa malumanay na boses, para bang nangungusap. "Alam ko namang kasalanan ko dahil nakipagpalapit ako sa 'yo, pero gusto ko lang naman ng kausap. And you're easy to talk to. Kahit lalaki ka, hindi ko alam kung bakit komportable akong kausapin ka kahit maikli ang mga sagot mo. Maybe because I like you as a person. Kaya siguro sumama ang loob ko. But I don't want to risk my health for you. I don't want my grandparents to worry about me. They're too old for that. It'll hurt them. So please, leave me alone."

Napatitig siya kay Lucky na nakikiusap sa kanya pero hindi naman makatingin sa kanya. "Would that make you feel better?"

Tumango ito. "I'm sorry for asking you this. Alam kong ikaw ang nagdala sa 'kin dito, and I owe you for that. Thank you so much. But like the doctor said, I have to stay away from the people who displeasures me. I can't risk my heart. I don't want to die. I will not put my grandparents in a position where they have to pick a casket for me. I'm so sorry."

Siya ang may kasalanan pero ito ang humihingi ng tawad. He was such an asshole.

"Aalis na ako," sabi niya, saka dumukwang dito at masuyong hinalikan ito sa noo. "Take care, Lucky. Stay safe."

"Thank you."

Tinalikuran niya ang babae, saka lumabas ng kuwarto pero hindi siya umalis. Sumandal siya sa hamba ng pinto, saka mahinang natawa habang umiiling.

Looked like he'd just protect her from afar this time.

Blaze was right. He shouldn't have started this. Dapat binantayan lang niya, hindi niya kinausap at kinilala si Lucky.




TRUTH TO BLAKE'S WORDS, he left her alone. Hanggang makalabas si Lucky sa ospital, hindi ito nagpakita sa kanya. Ang kakambal nito ang umasikaso sa kanya at naghatid sa apartment niya.

"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ni Blaze sa kanya.

Nakangiting tumango siya. "Yeah. I'll be okay."

"Hindi mo talaga tatawagan ang lolo't lola mo?"

Umiling siya. "Okay naman na ako. Ayoko silang pag-alalahanin sa lagay ko. Don't worry, I will try my hardest to take care of myself."

Sumilip ito sa loob ng apartment niya. "Dapat may kasama ka diyan. Paano kung sumakit na naman ang dibdib mo?"

"Ayos lang ako," sabi niya. "Kailangan ko lang namang umiwas sa magpapasama ng loob ko. Ito ang unang beses na nangyari ito simula nang bumukod ako, sana hindi na maulit. Thanks for worrying though, but I'll be fine, Doc."

Tumango ito, saka ginulo ang buhok niya. "You have my number. Call me if you need anything, okay?"

She nodded. "Salamat uli."

"Pasok ka na."

Nagpasalamat siya uli bago pumasok sa loob ng apartment niya at agad siyang nagpahinga.

She needed to rest so she could go back to work. Nami-miss na niya ang mga ngiti ng mga estudyante niya na nagpapagaan ng loob niya.

Habang nakahiga sa kama, nakabukas ang sliding door patungo sa balkonahe niya kaya malinaw na naririnig niya ang pagtugtog ng gitara sa kabilang apartment at ang mahinang pagkanta ni Blake.

Give you a rhythm you feel

I wanna learn your every line

I wanna feel your empty spaces

I want to play the part, to read your heart

Sing you a song that you fell, whoa

Ipinikit niya ang mga mata, saka pinakinggan ang lalaki.

Love let your music be mine

Sing what I harmonize

Let your melodies fly in my direction

Take me to your paradise

On a musical ride

I'm in love with your music, baby

You're music to my eyes

Hindi alam ni Lucky na nakatulog siya habang nakikinig sa mahinang pagkanta ni Blake. Nang magising siya, gabi na.

Bumangon siya para magluto ng hapunan nang mapansin niya ang selyadong Tupperware na nasa sahig ng balkonahe. Kunot-noong kinuha niya iyon, saka binuksan. Nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng adobong manok na laman n'on. Nanubig ang mga bagang niya.

Ibinalik niya ang takip ng Tupperware, saka napatitig sa dingding na naghihiwalay sa apartment nila ni Blake.

She knew it was from Blake. And it smelled delicious, and she wanted to taste it.

Pumunta siya sa kusina, saka naghain sa mesa at mag-isang kumain.

Hmm. Ang sarap naman nito.

He really knew how to cook. Naging magana tuloy ang kain niya dahil sa masarap na luto ni Blake.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ni Lucky ang pinagkainan, nagsepilyo, nag-half bath, saka nahiga uli sa kama.

Nang hindi niya inantok, bumangon siya at tulad ng nakasanayan, tumamabay siya sa balkonahe. Natigilan siya nang maramdamang may lumabas sa kabilang balkonahe.

She knew it was Blake. She could smell his perfume. He smelled good, as always, since she met him.

Pero hindi niya ito nilingon. Nanatili siyang nakatinginan sa madilim na kalangitan. Wala siyang bituing makita. The sky looked so sad. Because there were no stars and moon, the sky looked all alone.

Hinaplos niya ang parte ng dibdib kung nasaan ang puso niya.

She was not alone, but she wanted to be. Kaya nga bumukod siya sa lolo at lola niya. Ayaw niyang pag-alalahanin ang mga ito tuwing sumasakit ang puso niya.

Nang maramdamang parang may nakatingin sa kanya, wala sa sariling bumaling siya roon at nagtama ang mga mata nila ni Blake na titig na titig sa kanya.

Siya ang unang nagbawi ng tingin at pumasok sa loob ng apartment, saka nahiga uli sa kama.

Sa pagkakataong 'yon, nakatulog na rin siya.



"HINDI KITA GINUSTO! Hindi kita anak! Sana namatay ka na lang! Bakit hindi ka pa namatay!" sigaw ng kanyang ina habang pinaghahampas siya nito ng belt.

"T-tama na, Mommy... tama na," pagmamakaawa niya.

"Kasalanan mo 'tong lahat! Kung namatay ka na lang sana, wala ako sa impyerno ngayon! Just die! Die!"

Niyakap na lang ni Lucky ang sarili habang pinaghahampas siya ng ina ng belt nito. Impit siyang napapasigaw tuwing tumatama sa katawan niya dulo ng belt na mayroong matigas na metal.

Nararamdaman niya ang pagdaloy ng dugo sa gilid ng hita niya at braso dahil sa metal ng belt pero hindi siya umimik.

If she tried to stop her mother, she would be punished severely. She would just endure it. Matatapos din 'yon. Matatapos din ang sakit.

"Mamatay ka na! Hindi kita anak! Hindi kita kailangan!"

Patuloy ito sa paghampas sa kanya hanggang tumama sa ulo niya ang metal na nasa dulo ng belt nito.

Napabalikwas si Lucky at agad na niyakap ang sarili habang mahigpit ang hawak sa kumot. Kapagkuwan ay napahawak siya sa ulo na tinamaan ng metal sa panaginip niya, saka walang imik na tumulo ang mga luha niya.

Ilang beses siyang huminga nang malalim dahil sa paninikip ng dibdib.

Calm down, Calm down! Happy Thoughts! Happy Thoughts!

Pero walang masayang alaala na pumapasok sa isip niya. Puro alaala niya sa mommy niya ang nasa isip niya.

Mahirap ba akong mahalin, Mommy? tanong niya habang paulit-ulit na dumadaloy sa isip ang napanaginipan.

It wasn't a dream. It was a memory from her past when she was still living with her mother.

She still couldn't forget it. It was still engraved in her mind, plaguing her sleep with nightmares and fears from her past.

Nang humupa ang takot niya, umalis siya sa kama at kumuha ng tubig sa kusina, saka uminom. Alam niyang hindi na siya makakatulog kaya tumambay na lang siya sa balkonahe tulad ng nakasanayan.



BLAKE CROSSED towards Lucky's balcony when he heard her scream in fear and in pain. Bukas ang kurtina nito pero nakasara ang pinto ng balkonahe. At mula sa labas ng pinto na gawa sa salamin, kitang-kita niya ang humahangos na pagbangon si Lucky at ang pagyakap nito sa sarili.

She's dreaming. Nightmare.

He wanted to barged in. To enter her room and gather her in his arms but he remembered her request for him to leave her alone.

Umatras siya, saka bumalik sa balkonahe niya. Doon na lang niya pinakinggan ang galaw nito sa loob ng apartment.

Minutes later, she went out on the balcony and stared at the dark sky. And Blake couldn't do anything but to stare at Lucky's sad face. He wanted to talk to her, but he knew better than to do that. Ayaw siya nitong makausap dahil sa nangyari.

Bumuntong-hininga siya, saka bumalik sa kuwarto niya at bumalik sa pagkakahiga pero hindi siya natulog. Hinintay niyang bumalik sa loob si Lucky bago niya hinayaan ang sarili na kainin ng antok.

Nang magising si Blake, umaga na.

Agad siyang bumangon nang marinig na bumukas ang pinto sa apartment ni Lucky.

She's going to work

Hindi na siya naligo. Nagsepilyo lang siya, saka nagmamadaling lumabas ng apartment para sundan ito. Nang makapasok sa paaralan si Lucky, pumosisyon siya sa rooftop ng pinakamataas na building na may malinaw na kuha sa classroom ni Lucky.

Then he assembled his sniper gun, lied down on his stomach on the floor, held his gun and looked at Lucky through the scope of his sniper.

He zoomed in and smiled when he saw her singing and dancing with her students. She looked happy with her bright smile.

There's that smile. Her smile that I miss.

Nagsalubong ang mga kilay ni Blake nang tumunog ang cell phone na nasa bulsa niya. Istorbo iyon sa ginagawa niya.

Kinuha niya ang cell phone, saka sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan ang caller ID. Abala siya sa panonood kay Lucky mula sa scope ng sniper niya. "Who's this?"

"It's Velasquez. I'm pulling you out from Lucky Hart's protection. May tauhan na akong bakante."

He stilled. "What?"

"You heard me. I'm pulling you out. Thanks for the time."

Nang mamatay ang tawag, mabilis na tinawagan niya pabalik ang conde.

"Vitale—"

"If I see a man lurking around Lucky Hart, your men or not, I'll shoot him. So don't bother sending one. I can protect her on my own."

"Blake—"

"Shut it, Velasquez. Don't make me angry."

Knight sighed. "You better protect her with your life, Blake. If something bad happens to her, you'll regret it."

Humigpit ang hawak niya sa cell phone. "Who's after her? I'll kill them before they get a chance to take Lucky."

"I'll tell you when I have the complete information. For now, protect her."

He looked at Lucky through his sniper scoop. His jaw tightened at the thought that someone was planning to hurt this fragile and delicate woman.

"I'll put my life on the line to protect her, Velasquez," he promised. "With my life, and with everything that I have."


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro