Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 47

CHAPTER 47

WALANG IMIK SI LUCKY habang ginagamot ni Blaze ang sugat ni Blake na dumugo. Wala pa rin itong malay. 'Buti na lang sinalubong sila ni Blaze sa labas ng ospital at may dala itong stretcher.

And Blaze hadn't spoken to her ever since.

Sanay siyang palabiro si Blaze, na palagi siyang inaasar, pero hindi nga siya nito tinapunan ng tingin mula pa kanina.

"Blaze..." kuha niya sa atensiyon nito sa malumanay niyang boses.

Napatigil ito sa ginagawang paggamot kay Blake pero agad ding bumalik na parang walang narinig.

Napatitig si Lucky sa mukha ni Blaze. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Takot, pagkabahala at hiya. Parang gusto niyang matunaw sa kinauupuan dahil sa pambabale-wala sa kanya ni Blaze.

She deserved it though. She deserved every hostility she would receive from the Vitale Family.

But she had to suck it up, be brave, face them, explain, apologize and wait for the verdict. However painful it would be.

"Blaze..." She took a deep breath while staring at Blaze who was still busy mending Blake's wound. "I'm sorry... alam kong galit ka sa 'kin. Alam kong kahit hindi mo sabihin sa 'kin, naghihintay ka sa paliwanag ko, kung bakit ko ginawa ang ginawa ko, pero ang totoo niyan, wala akong maibibigay sa 'yo. If I explain my side, then it will just be an excuse and there's no excuse to what I did. Kasalanan ko talaga. Totoo ang nalaman mo, iniwan ko talaga ang mommy n'yo and my age is not an excuse to what I did. There is none. I escaped, promising your mother that I will go to the cops or to your house, but I didn't. I was so scared that day. They just finished hurting me because I wouldn't call him dad.

"All I could think about was to escape and go back to my old life, where I have a loving Mommy La and Daddy Lo. So I left the mansion, without looking back. But the car I was in suffered an accident. The next thing I know, I was in the hospital and when I saw my grandparents, I forgot everything. I don't know why. Hindi ko alam kung bakit nakalimutan ko ang pangako ko sa mommy mo.

"Siguro dahil nananalaytay sa 'kin ang dugo ng isang masamang tao kaya masama rin ako. Siguro ang nasa isip ko noon ay ang makaligtas ako kaya naging makasarili ako. And I have forgotten everything, and I am to blame. I was sixteen, no, nearly sixteen, I already have a mind and I'm old enough to be responsible. Kaya tama ka, kasalanan ko talaga kung bakit nangyari ang lahat ng 'to. Kasalanan ko kung bakit naghirap kayo. Kasalanan ko. And all I could say is I'm sorry. Hindi ako umaasa na mapapatawad mo ako, na babalik tayo sa dati. I'm just so sorry that I caused you so much pain and suffering.

"Alam kong gusto mong marinig mula sa 'kin na hindi ko sinasadyang gawin 'yon pero baliktarin man natin ang mundo, kasalanan ko sinadya ko man o hindi. That's why I'm so sorry, please, forgive me."

Tinapos ni Blaze ang paggagamot sa sugat ni Blake, kapagkuwan ay tumayo at naglakad patungo sa pinto. Akmang lalabas na nang magsalita ito. "They say that brain sometimes suppressed traumatic experience that's why people forget some of the most painful and horrifying memories. Bakit hindi 'yon ang rason na ibinigay mo sa 'kin?"

Lucky looked at Blake. "Then it will be an excuse."

"Hmm..." 'Yon lang ang sinabi ni Blaze bago ito lumabas ng kuwarto ni Blake.

Si Lucky naman ay hinayaang malaglag ang luha sa mga mata niya na kanina pa niya pinipigilan.

She should not cry in front of the Vitale Family. Ayaw niyang isipin ng mga ito na nagpapaawa siya. She was here to say sorry and ask for forgiveness, not their pity.

Tumayo siya mula sa kinauupuang stool, saka lumipat ng upo sa gilid ng kama ni Blake. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa.

"You came to save me, to rescue me, that means you really love me and you don't care if I did that to your mother. I'm sure you have already forgiven me in your own way... but I can't forgive myself, Blake. I can't forgive myself. I always believe that I'm a good person, that I'm a child of God, but now... I don't know anymore. I feel so lost. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang patawarin ang sarili ko. Knowing the effect of what I did to your mom, knowing the pain and suffering I inflicted, I feel like I don't even know who I am anymore.

"Am I bad? Am I good? I killed my own mother and I left your mother. Hindi ko tuloy maiwasang itanong kung may mga memorya pa ba ako ng mga masasama kong ginawa na pilit kong ibinaon sa isipan ko. And I don't think I deserve you... such an amazing man yourself is better off without me." Dinala niya sa bibig ang kamay ni Blake at hinalikan ang likod n'on pagkatapos ay ang noo naman nito ang hinalikan niya, saka masuyong pinakatitigan ang guwapo nitong mukha. "Mahal na mahal kita," bulong niya, saka hinalikan ito sa gilid ng mga labi. "Mahal na mahal kita."

Lucky was still staring at Blake when the door opened and Blaze came in with coffee and water in his hands.

Natigilan at nagulat si Lucky nang lumapit sa kanya si Blaze at iniabot ang bottled water na hawak.

Tinanggap niya iyon at masuyo itong nginitian. "Thank you."

Tumango lang ito, saka umupo sa sofa na nasa kanang bahagi ng kuwarto at tahimik na sumimsim ng kape na nakalagay sa disposable na Styrofoam cup.

Humugot siya ng malalim na hininga, saka tumayo at nilapitan ito. Tahimik siyang umupo sa tabi nito habang nilalaro ang bottled water sa kamay niya.

"I'm sorry again..." sabi niya sa pabulong na boses. "Alam kong hindi kapata-patawad ang ginawa ko—" Natigilan siya sa pagsasalita nang maramdamang humilig ang ulo ni Blaze sa balikat niya pagkatapos nitong ilapag ang cup na hawak sa center table.

And she was not tall so she knew that it was uncomfortable for Blaze, but he didn't change his position.

"I'm tired, baby girl," pabulong nitong sabi. "Pagod na pagod na akong lumaban. Malapit na akong sumuko. Ano ba ang dapat kong gawin para magkaroon ako ng lakas para lumaban pa? Pakiramdam ko walang kuwenta ang buhay ko. After eleven years of missing Cassie, I'm exhausted. I just want this to end."

Saglit na kinalimutan ni Lucky ang mga alalahanin niya at ibinigay ang buong atensiyon kay Blaze. "Want a hug?" she offered.

Hindi ito tumango o sumagot pero awtomatikong yumakap ang braso nito sa baywang niya habang nakasubsob sa likod niya ang mukha nito.

Hindi niya alam ang dapat sabihin kay Blaze kaya naman hinagod na lang niya ang likod nito, lalo na nang mag-umpisang manginig ang balikat at dibdib nito na para bang umiiyak ito.

Oh, Blaze.

"I'm so tired. I'm so exhausted. Pilit kong itinatago at nilalabanan para sa kakambal ko pero hindi ko na kaya. I'm already near my breaking point, baby girl. I'm already close to losing my mind. Help me..."

Oh, God. She was not ready for this. Alam niyang malakas si Blaze at palaban pero hindi niya inaasahang malapit na itong tuluyang madurog.

She was speechless and didn't know what to say so she just caressed his back. Wala siyang alam na dapat sabihin na makakapagpagaan sa nararamdaman nito.

"I'm exhausted..." he whispered again. "I'm tired..."

Blaze... Something might have happened to him. He wouldn't just breakdown with no reason. Blaze was strong.

"Hey..." Kumawala siya sa yakap ng lalaki at sinapo ang mukha nito, saka pilit niyang pinatingin sa kanya. "Look at me, Blaze, did something happen?"

He looked at her hopelessly. "I'm going insane, Lucky. I miss Cassie so much but I never hallucinate. Never. I know she's dead. It hurts but I already accepted it. But I saw Cassie earlier while I was doing my rounds. Pero nang kumurap ako, nawala agad siya. It was like she's just a mirage... at nang makita ko siya, bumalik lahat. Ang pagmamahal ko, ang pangungulila ko at ang pagluluksa ko."

Blaze looked agitated.

"And I'm going insane because I saw her again just now. I think I'm going insane, Lucky. I'm seeing her and I'm hallucinating. I can take depression and loneliness but this... this is new to me and it's scaring the fuck out of me. I'm exhausted, baby girl. I can't do this anymore. I'm tired. I can't keep seeing her like this. This is driving me nuts. It's exhausting the hell out of me."

Napuno ng pag-aalala ang mukha niya habang nakatingin kay Blaze. He looked freaked out.

"Saan mo siya nakita ngayon?" tanong niya.

"In the cafeteria but when I blink, she was gone." He snapped his finger. "Just like that. Gone. It's scaring me. I never hallucinate. Just now. Maybe this is stress, maybe because I haven't slept for days that's why, but it's freaking me out."

Lucky took a deep breath and held Blaze's hand. "Magpahinga ka kaya muna. Matulog ka. You need sleep."

"But Blake needs me—"

"I'm here. Ako na muna ang magbabantay sa kanya."

Napatitig ito sa kanya, kapagkuwan ay ginulo ang buhok niya. "I'm sorry for blaming you, baby girl. Ang totoo niyan, galit ako, pero nawala na 'yon kanina nang magpaliwanag ka. And thank you for not giving me excuses, just that you are sorry, and I appreciate that."

Blaze's words made her smile. "You're not mad anymore?"

Umiling ito, saka nginitian siya. "You're a family, baby girl. I forgive you."

Parang may kung anong natanggal na mabigat na nakadagan sa balikat ni Lucky sa narinig na sinabi ni Blaze. "Thank you. Thank you so much."

Blaze nodded. "Yeah. Well, tulog muna ako. Bantayan mo ang kakambal ko, ha? Ikaw muna ang bahala sa kanya. Huwag mo siyang iwan. Ikakabaliw iyan ni Blake."

Nag-iwas siya ng tingin. "I, ahm..."

"Lucky." Blaze looked at her, frowning and worried. "You're not planning on leaving my brother, are you?"

Hindi siya makatingin kay Blaze. "I just need time for myself, Blaze..."

"Don't leave him," sabi ni Blaze na nakikiusap ang boses. "If you love him, don't leave him. Napatawad ka na niya bago ka pa humingi ng tawad kaya huwag mo siyang iwan."

"Pero hindi ko mapatawad ang sarili ko," pabulong niyang sabi. "I feel so lost."

"Siguro naman puwede mong hanapin ang sarili mo na kasama ang kakambal ko," sabi ni Blaze. "Hindi sa nangingialam ako pero ayokong iwan mo siya. Blake will not recover from that... from you. I know I'm asking a lot but please don't leave him. He'll be in pain again."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "I don't know what to do."

Tumingin ito kay Blake. "Look at him, baby girl. Really look at him, then you decide what to do."

"Kapag umalis ako..." Tumingin siya kay Blake na wala pa ring malay. "Masasaktan ko talaga siya?"

"Yes."

Bumuntong-hininga siya. "Ayoko na siyang saktan."

"Kung ganoon, huwag mo siyang iwan para hindi mo siya masaktan."

Natahimik si Lucky habang nakatitig kay Blake. Naguguluhan siya sa kung ano ang dapat niyang gawin na hindi siya makakasakit.

Bumuntong-hininga si Blaze, saka tinapik ang balikat niya. "Doon lang ako sa opisina ni Axel. Doon ako matutulog. Pag-isipan mo ang sinabi ko. Call me if you need anything."

Tahimik siyang tumango.

Blaze smiled at her before leaving the room. Siya naman ay bumalik sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni Blake at pinakatitigan ang lalaki.

She took a deep breath before caressing Blake's face softly.

Balak sana niyang umalis pansamantala, para hanapin ang sarili at para mapatawad ang sarili. Pero kung ang kapalit n'on ay masaktan si Blake, kaya niyang isantabi ang sariling problema para sa lalaking mahal niya.

Lucky took a deep breath again before intertwining her hand with Blake until she fell asleep on his stomach.

Nagising lang siya nang maramdamang may humahaplos sa buhok niya. Napakurap-kurap siya at naghikab bago umayos ng upo at tumingin kay Blake.

"You're awake," sabi niya saka masayang nginitian ang lalaki. She felt so relieve. "How are you feeling?"

"Better now that you're here," sagot nito, saka humigpit ang hawak sa kamay niya. "How about you? How are you feeling?"

Lucky kissed the back of Blake's hand before answering. "Okay na ako ngayong okay ka na. Magpahinga ka at magpagaling. Huwag mo akong pag-alalahanin."

Blake nodded before staring at her. "Bakit hindi mo ako binisita ng ilang araw?"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Natakot ako at nahiya sa 'yo."

"Because of what you did to Mom?" deretsong tanong sa kanya ni Blake.

Nahihiyang tumango si Lucky. "I have no excuse for what I did. Nothing. I left and I forgot about her. Yes, I was turning sixteen, but that reason is not enough to justify what I did. Alam ko ang kasalanan ko at kahit baliktarin pa natin ang mundo, ako pa rin ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Para sa 'kin hindi dahilan na nakalimutan ko dahil na-trauma ako. Kasalanan ko, kahit saang anggulo tingnan, masama ang ginawa ko. And I'm sorry for inflecting you so much pain and suffering. Alam kong hindi ko na maibabalik pa ang lahat pero babawi ako—"

"Then love me and don't you ever leave me," Blake cut her off. "That's how you can make it up to me."

Napatitig siya sa lalaki habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya. "Kaya mo ba talaga akong mahalin pagkatapos ng ginawa ko?"

"Kaya ko ngang mamatay para sa 'yo, ang patawarin ka pa kaya?"

Her heart thumped. "Blakey..."

"Alam kong mahal kita, pero sa mga nangyari ngayon, nalaman kong sobra pala ang pagmamahal ko sa 'yo na kaya kung kalimutan lahat para sa 'yo." Tumitig ito sa mga mata niya. "Let's start over again, Lucky. You and me. Together. I'll start with forgiving you and you'll start with forgiving yourself because I know you, you can't forgive yourself easily."

Nagbaba siya ng tingin. Kilalang-kilala nga siya nito at ang ugali niya. "I hurt a lot of people, Blake. Do you think God will still forgive me, after the bad things I did? Kasi kahit ang sarili ko, nahihirapan akong patawarin."

Pinakatitigan siya ni Blake bago nagsalita. "Do you need time for yourself? So you can think?"

Tahimik na tumango siya.

"Yan ba talaga ang gusto mo?"

Tumango siya. "I just need time for myself."

"Fine. I'll give you two weeks," napipilitang sabi nito, saka bumuga ng marahas na hininga. "Kailangan ko rin namang magpagaling, pero, huwag mo akong iiwan, ha? Bumalik ka sa 'kin. Dalawang linggo lang ang kaya ko na malayo ka at hindi nakikita. Then after two weeks, come back to me and marry me. I'll wait for you."

Lucky smiled. "Thank you."

Blake sighed. "Huwag kang magpakalayo-layo, ha? Dapat malapit ka lang para madali kitang masundo pagkatapos ng dalawang linggo. At habang malayo ka nang kaunti sa 'kin, bawal kang makipagkilala sa kahit sinong lalaki. Magseselos ako. Hindi ako matutuwa."

Mahina siyang natawa. "Wala maman akong balak na makipagkilala sa ibang lalaki."

"Good—wait, huwag ka na lang kaya umalis at mag-isip?" biglang bawi nito. "I mean, can't you do that beside me?"

Napangiti siya. "'Yon nga rin ang sabi ni Blaze sa 'kin kanina. Masasaktan ka raw kapag umalis ako."

"He's right you know. Masasaktan talaga ako." He tsked then frowned. "Wait, nagkausap na kayo ni Blaze?"

Tumango siya. "Nagpaliwanag na ako sa kanya at sabi niya hindi na siya galit."

"Talaga?" manghang tanong nito.

Tumango siya. "'Yon ang sabi niya."

"But he shouted at you and blame you," Blake pointed out.

"That's okay. I don't mind." She smiled. "Karapatan naman niyang magalit sa 'kin dahil malaki ang kasalanan ko sa inyo. Himala nga na hindi na siya galit sa 'kin. I wasn't expecting his forgiveness."

"Okay. So, you're not leaving?" biglang sabi nito habang nakangiti.

Kumunot ang noo niya. "Akala ko ba ayos lang sa 'yo na umalis ako pansamantala?"

"Nagbago na ang isip ko. Hindi mo pala ako puwedeng iwan. Masasaktan ako."

Tiningnan niya nang masama ang lalaki. "Pero sabi mo kanina hahayaan mo ako—"

"Nagbago na ang isip ko."

"Blake!"

"Don't go," sabi nito na malumanay at nangungusap na boses. "Please? Akala ko kaya ko pero hindi pala. Iniisip ko pa lang hindi na ako mapakali. Huwag mo na lang akong iwan. Ituloy na lang natin ang kasal natin."

"Blake—"

"Please?"

He pleaded and she couldn't say no. Ang rupok ko talaga pagdating sa lalaking mahal ko.

Lucky sighed. "Fine. Hindi na ako aalis."

Blake grinned. "That's my baby. Now be a good fiancée and sleep beside me. Bantayan mo ako. Kailangan ko ng paglalambing at pag-aaruga."

Napatitig siya kay Blake, kapagkuwan ay mahinang natawa. He treated her like nothing happened. And it made her happy. "Thank you... for treating me the same you treat me before."

Blake frowned at her. "Bakit? May nagbago ba? Ikaw pa rin naman ang gummy bear ko. Ikaw pa rin naman ang Lucky na mahal ko at gusto kong pakasalan. Wala namang nagbago, 'di ba?"

Tumango siya habang kagat ang pang-ibabang labi. "Wala naman. Mahal pa rin naman kita at mukhang hindi magbabago 'yon."

Ang lapad ng ngiti na gumuhit sa mga labi ni Blake. "So hindi ka na aalis? Hindi mo na ako iiwan pansamantala?"

Lucky sighed before shaking her head. "As if you would let me."

"Damn right I wouldn't." Then Blake's face softened. "Alam kong kailangan mo 'yon pero makasarili ako. Ayokong malayo ka sa 'kin. Natatakot ako na baka hindi ka na bumalik."

"Blakey—"

"So, stay with me, okay? Kung gusto mo talaga, doon ka lang sa bahay ng Mommy La at Daddy Lo mo. At least it's not far from here and you will call me every day for update. Or maybe visit me from time to time."

Napailing si Lucky. Walang patutunguhan ang pag-uusap nila dahil alam naman niyang napipilitan lang itong payagan siya. "Oo na. Hindi na ako aalis."

Blake automatically grinned. "I knew it. You love me too much to be away from me."

Ngumiti na lang siya sa halip na umiling. "Yes. I love you too much."

Blake was grinning from ear to ear. "I knew it. I love you, baby."

Natatawang humiga siya sa tabi nito, maingat na hindi masagi ang sugat nito bago sumagot. "I love you too, Blakey-baby."

Blake sighed in disappointment after a couple of second. "These wounds are annoying the hell out of me. Hindi ako makahiga nang patagilid para yakapin ka."

"Ako na," natatawang sabi niya, saka tumagilid ng higa at maingat itong niyakap. "There. Happy?"

"Ecstatic."

Napailing si Lucky, saka tahimik na nahiga sa tabi ni Blake. Ganoon din naman ang lalaki na nakatitig sa kisame.

"What are you thinking?" tanong niya kapagkuwan habang humahaplos ang dulo ng daliri niya sa baba nito at sa gilid ng mga labi nito.

"Us," sagot nito, saka masuyong ngumiti. "Ang dami na nating pinagdaanan pero heto, magkasama pa rin tayo. Kaya ayokong umalis ka kahit pansamantala lang. Kung ano man ang gumugulo sa isip mo, kaya naman natin 'yong labanan nang magkasama. Kaya natin. Tayo pa ba? You taught me how to be positive in every situation and looks like you have forgotten it. So let me remind you again how to be positive. Ako naman sa 'yo ngayon ang magtuturo na maging positibo."

That made her chuckle softly. "I'd love that."

"Good. 'Cause you'll be spending the rest of your life with a man who will teach you how to be positive again."

Lucky chuckled. "I'd love that too."

Natawa rin si Blake bago bumaba ang tingin sa kanya. "Kailan ang kasal natin?"

"Pagkalabas mo?" sagot niya.

Tumango-tango ito. "Okay. I would love that."

Lucky laughed and hugged Blake carefully. "Sa pagkakataong ito, ako naman ang mag-aasikaso sa kasal natin. Okay ba?"

Tumango si Blake. "Sige. Magpatulong ka kay Mommy. Baka mabinat ka."

Pinanggigilan niya ang tungki ng ilong nito bago sumagot. "Oo. Magpapatulong ako. Don't worry."

Blake pouted at her. "I'm thirsty."

"Teka lang." Mabilis siyang umalis sa pagkakahiga, saka kinuha ang bottled water na ibinigay sa kanya ni Blaze kanina na hindi naman niya nagalaw. "Heto, inom ka."

Tinulungan niyang makaupo si Blake na panay ang ngiwi para makainom, pagkatapos ay inalalayan din niya itong makahiga uli.

"Banyo lang ako," paalam niya kay Blake pagkatapos maibalik ang bottled water sa pinaglagyan niya.

Lucky didn't bother closing the bathroom door because she was just going to pee. Kaya naman nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ni Blake at bumukas 'yon, dinig niya iyon mula sa loob ng banyo.

At nang magsalita ang isang boses babae, malinaw niyang narinig 'yon.

"Hello, Mr. Vitale?" The voice sounded hesitant. "I'm looking for Lucky Hart. My private investigator told me she's here. Please tell me she's here." The woman was almost pleading. "I'd been looking around the hospital all day looking for her."

Mabilis niyang tinapos ang ginagawa sa banyo, saka naghugas ng kamay bago lumabas.

"That's me!" pasigaw niyang sagot habang papalabas ng banyo. "Why are you looking for—" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang makita ang mukha ng babaeng naghahanap sa kanya.

What the—holy shit!

Bumaling siya kay Blake para itanong dito kung tama ba ang nakikita niya na malapit ang pagkakahawig nila ng babaeng naghahanap sa kanya pero parang namumutla si Blake at para itong nakakita ng multo habang nakatingin sa babae.

"Lucky?" Masayang ngumiti sa kanya ang babae. "I'd been looking all over for you. Oh, my God, thank you you're safe!"

Bigla siyang sinugod ng babae ng mahigpit na yakap na para bang miss na miss na siya nito.

Nagtatanong na tumingin uli siya kay Blake na bumangon mula sa pagkakahiga at gulat na gulat pa ring nakatingin sa babaeng nakayakap sa kanya.

Nang pakawalan siya nito ng yakap ay sinapo ng babae ang mukha niya habang masayang-masayang nakatitig sa kanya. "Oh, Lucky. It's nice to finally meet you. Daddy will be very happy that we finally found you." Niyakap siya uli ng babae.

And that very moment, Blaze entered the room.

"Blakey, it's time to take your medici—" Blaze stopped talking when his eyes landed on the woman who was still cupping her face.

Blaze paled, the emotion in his face mirrored Blake's. Pareho ang mga itong parang natuklaw ng ahas sa gulat at parang nakakita ng multo.

Puno ng kaguluhan at katanungan ang isip niya na lalo pang pinagulo ni Blake nang magsalita ito.

"C-Cassie?"


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro