Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34

CHAPTER 34

"HOW ARE YOU FEELING, Miss Hart?" tanong ni Axel kay Lucky na narinig ni Blake dahil nasa pinto na siya at papasok. And for some reason, he stopped to listen what Lucky would say now that he was not with her.

"Ikaw lang ba ngayon dito? Wala ka bang kasama?" may pagtatakang tanong ni Axel na may halong pag-aalala.

Lucky replied with her soft voice as always. "I'm feeling better, Doc. Pinauwi ko na muna si Mommy La at Daddy Lo. They need to rest."

"Eh, si Blake? Nasaan?"

"With his mom," Lucky replied softly.

Axel blew a loud breath. "Sinabihan ko na siya na dapat palagi kang may kasama. Many heart transplant patients needs emotional support after the surgery and you're not an exemption to that—"

"Binibisita naman niya ako," depensa ni Lucky sa kanya. "His mom just needs him more. Ayos lang naman ako."

Dr. Axel tsked. "Miss Hart, hindi ikaw ang unang pasyente ko na may ganitong kaso. I know you're strong but you need someone beside you." He blew a loud breath again. "How are you feeling? And don't lie to me. I'm your doctor."

Humigpit ang hawak ni Blake sa doorknob ng pinto habang hinihintay ang sagot ni Lucky. May magbabago ba sa sagot nito maliban sa palaging "I'm fine" nitong sagot?

"I feel discomfort in my chest. A little pain when I cough or breathe," sabi ni Lucky sa mahinang boses pero dinig pa rin niya. "And I can't sleep better at night because I keep worrying about my new heart. I'm afraid that I won't wake up the next day. Natatakot ako na baka hindi ko na makita si Blake o kaya sina Mommy La at Daddy Lo."

"At wala kang pinagsabihan nito?"

"W-wala."

"Not even Blake?" Axel asked, clearly worried.

"H-he's dealing with a lot of things right now," sabi ni Lucky. "Ayokong dumagdag sa problema niya."

Nagtagis ang mga bagang ni Blake sa narinig.

My baby. Iniisip siya nito kaya hindi ito nagsasabi sa kanya ng totoong nararamdaman. And because he was too focus on his mom that he forgot that Lucky needed him too. That he couldn't just let Bailey took care of her!

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. I'm sorry, baby. I'll make it up to you.

"I'll talk to Blake to—"

"Don't," pigil ni Lucky kay Axel. "Huwag mo na siyang guluhin. Namomroblema pa nga siya sa mommy niya, ayokong dumagdag sa aalalahanin niya. I'm feeling better now. Hindi naman kailangang may bantay ako twenty-four-seven—"

"Actually, you do," sabi ni Axel. "Miss Hart, we just replaced your heart. You need a lot of care. Kailangan may nagbabantay sa 'yo. Hindi puwedeng ganito na mag-isa ka lang. Kahit ilang oras lang, hindi pa rin puwede." Halata ang iritasyon sa boses ni Axel. "Sige na, magpahinga ka na. Change position every now and then, okay?"

"Okay po, Doc."

Blake took a sidestep when Axel opened the door. At nang makita siya nitong nasa gilid at nakatago sa hamba ng pintuan, agad nitong isinara ang pinto ng pribadong kuwarto ni Lucky, saka hinarap siya.

"Look, Blake, I know you have a lot on your plate right now, but Lucky needs you too," sabi nito. "Hindi lang siya nagsasabi sa 'yo kasi ayaw ka niyang guluhin—"

"I heard," he cut Axel off. "Don't worry. I'll take care of her."

Tumango si Axel, saka tinapik ang balikat niya. "Kailangang may mag-alaga sa kanya nang mabuti kung gusto mong humaba ang buhay niya."

Nakaramdam siya ng takot sa sinabi nito. "Lucky is going to be okay."

"Maraming puwedeng mangyari sa mga susunod na buwan habang nagpapagaling siya," sabi ni Axel na nakatitig sa mga mata niya. "You have to take good care of her. As I told you before, huwag mo nang iasa sa lolo't lola niya ang pag-aalaga sa kanya. Matanda na ang mga 'yon. Or better yet, hire someone to care for her if you can't do it yourself—"

"I can do it," may diin niyang sabi, saka pumasok na sa loob ng kuwarto ni Lucky.

And when she saw him, she automatically smiled. "Hello, Blakey-baby."

That smile. She could still smile at him like that even though he wasn't by her side these past few days.

"Hey, baby..." He felt guilty for not being with her and taking care of her. "How are you feeling? Feeling better?" Lumapit siya, saka masuyo itong hinalikan sa noo. Sinapo niya ang mukha nito habang nakaluhod siya sa gilid ng kama at pinapakatitigan ito.

Lucky's sweet smile never leave her face. "I miss you." She would always tell him that every time he would visit her.

"Then I'll stay with you today and the next day and the next, so you won't miss me," sabi niya na nakangiti.

Umiling ito. "Your mom—"

"Blaze is with her." He sighed and held her hand. "At hanggang ngayon, ayaw pa rin niyang umamin na siya ang mommy namin. And the DNA result came out positive. It makes me angry. Ganoon ba talaga kahirap na sabihin 'yon?"

Umangat ang kamay ni Lucky at hinaplos ang pisngi niya nang masuyo. "Blakey, alam kong mahirap pero sana intindihin mo siya. Siguradong may rason siya kung bakit ayaw niyang umamin. In time, she'll tell you."

"Kailan? Kapag durog na durog na ako?"

Lucky looked at him sadly. "Sorry kasi wala akong magawa para pagaanin ang loob mo. I feel like I'm a useless fiancée because I can't make you feel better."

His face softened. "Don't say that. That's not true. You can make me feel better and you know how to do it. It's easy. Hindi ba sinabi ko na 'yon sa 'yo kahapon?"

Lucky eyed him suspiciously. "Is this about me kissing you? Gagaaan ba talaga ang loob mo kapag hinalikan kita?"

Sinusupil ang ngiting tumango siya. "Yes. I'll feel so much better. 'Di ba kahapon nga, galit na galit ako pero hinalikan mo lang ako, nawala na."

Napasimangot si Lucky. "Inuuto mo yata ako, eh."

Mabilis siyang umiling. "No. I'm not. Bakit ko naman 'yon gagawin sa 'yo—"

"Kasi marupok ako," sabi ni Lucky na nakasimangot pa rin.

Blake chuckled as he looked into Lucky's eyes. "I love you."

Lucky took a deep breath before moving to press her lips on his.

Blake groaned at the touch of her lips on her. Fuck. He missed kissing his baby.

Bahagya siyang napadaing nang maramdaman ang pagkagising ng pagkalalaki niya, lalo na nang kagatin ni Lucky ang pang-ibabang labi niya, saka ipinasok nito ang dila sa loob ng bibig niya.

Fuck! Is she torturing me?

Akmang tutugunin niya ang halik nito nang kumalas ito sa halikan nila.

"Baby..." He groaned as his lips moved to go after her lips. "Come on... kiss me again."

"Nope." Umiling si Lucky at tinakpan ang bibig nito ng kamay. "Dr. Axel said I'm prone to bacteria and I can easily get it from someone."

His lips parted in shock. "So, I'm a bacterium now?"

"No, but for safety purposes, only one kiss a day." Then, Lucky smiled at him sweetly. "Hinalikan na nga kita nang matagal. Ano pa'ng gusto mo?"

"Lip locked. Tongue sucking and maybe some loving?" nangingiting sabi niya.

"No," may diin nitong sabi na ikinatawa na lang siya.

Lucky was sometimes very strict with dos and don'ts. Minsan lang naman. Minsan napipilit pa niya ito.

"How's your mom by the way?" tanong ni Lucky na pumukaw sa pag-iisip niya.

Iginiya ni Blake pahiga ang babae, saka maingat siyang tumabi rito habang nakaunan ito sa braso niya. "She's recovering."

"Hindi ba bumisita ang..." Hindi nito matapos ang sasabihin. "Sorry, I don't want to mention him."

Hinaplos niya ang buhok ng kasintahan. "No. Hindi siya bumisita pero may palaging tumatawag sa cell phone ni Mommy. Nairita si Blaze kaya itinapon niya."

Lucky's lips formed into an "o" shape. "Hindi ba sa inyong dalawa, si Blaze ang kalmado?"

"He's trying to be." He blew a loud breath before slowly buried his face on Lucky's neck. "Nahihirapan na ako, Lucky," pag-amin niya.

Why was it so easy to tell that to Lucky? Bakit napakadali para sa kanya na ipakita ang emosyon niya na hindi niya kayang ipakita kahit sa kapatid o ina pa niya?

"I'm trying to be a good son and a good brother but I'm angry," sabi niya, saka inilapat ang labi sa leeg nito. "Malapit na akong dumating sa punto na gusto kong sabihin kay Mommy na kung ayaw niya, eh, di huwag."

"Blakey..." Pinagsalikop nito ang kamay nilang dalawa. "Hindi ko rin alam ang dapat kong sabihin sa 'yo, kasi 'di ba, hindi ako naging malapit sa mommy ko. Pero kung ang mommy ko 'yon na nabuhay, 'tapos ayaw akong kilalanin, ayos lang sa 'kin. Ang mahalaga naman ay buhay siya at may mahaba pa akong oras na tulungan siyang kilalanin ako."

Blake squeezed his eyes shut. "Maybe this is why you're the only person who I can open up to, you put positivity in everything. Dahil sa 'yo at sa mga sinasabi mo nagkakaroon ako ng pag-asa na baka nga puwede pa. Na kaya ko pang magtiis."

"Kaya mo naman," sabi nito, saka pinisil ang kamay niya. "Gusto mo bang tulungan kita na kilalanin ka niya? Do you want me to talk to her?"

Blake pulled away from burying his face on Lucky's neck and then he kissed her temple. "Maybe some other time. Sa ngayon, ako muna ang kausapin mo."

Kumawala ang mahinang daing sa mga labi ni Lucky nang halik-halikan niya ang leeg nito pababa sa balikat. "A-ano ba'ng gusto mong pag-usapan natin?"

"Lambingin mo ako." He nipped the skin on her neck. "Puwede ba 'yon?"

"Medyo nangangalay ang braso kaso, 'tapos medyo masakit ang dibdib ko kaya hindi ko 'yon magagawa sa 'yo," sabi nito, saka malakas na bumuntong hininga. "But... I can sing for you."

Blake automatically grinned. "Sing to me, then."

Umalis sa pagkakaunan si Lucky sa braso niya, saka umupo at ipinatong ang unan sa mga hita bago tinapik-tapik iyon. "Come here, unan ka rito."

Umiling siya. "Ayoko. Gusto ko sa hita mo mismo."

Lucky shook her head. "No. I haven't showered for more than a week now. Baka may maamoy kang hindi mo gusto."

Blake laughed at Lucky's honesty. "Ayos lang naman sa 'kin—"

"Hindi 'yon okay sa 'kin." Tiningnan siya nito nang masama. "Uunan ka o hindi? Ibabato ko 'tong unan sa 'yo."

"Uunan na, mahal ko," sabi niya na parang maamong tupa, saka umunan sa hita nitong may nakapatong na unan.

Talagang may nagbago kay Lucky. Hindi man 'yon ganoon kalaki pero napapansin niya iyon. She was braver now. Hindi na ito basta-basta natatakot. Hindi lang 'yon, parang mas lumawak pa ang pag-intindi nito sa mga ginagawa niya.

She even gave him consent to be a badass and she was even curious as to how he did it.

Awtomatikong napapikit si Blake nang haplusin ni Lucky ang noo niya at sinuklay ng mga daliri nito ang buhok niya.

And when she started caressing his face softly, his weakness, he started drifting to sleep. Lalo na nang mag-umpisang kumanta si Lucky sa mahinang boses.

She was singing "Fix You" again. Dahil kay Lucky naging paborito niya ang kantang 'yon.

She did fix him, but remembering what Knight said, he prayed to God that she wouldn't break him.

MASUYONG NAPANGITI SI LUCKY nang marinig ang mahinang paghilik ni Blake. Nakatulog na ito. Mabuti naman at kahit paano ay makakapagpahinga ito.

Maingat siyang napahawak sa dibdib nang makaramdam ng kirot doon.

It was really uncomfortable to heave a deep breath but she had to exercise her breathing together with coughing. Parte iyon ng pagpapagaling niya.

Inabot niya ang isa pang unan, saka niyakap iyon sa may dibdib niya habang humihinga. Dr. Axel told her it lessened the pain when she breathed.

Napatigil siya sa ginagawang pagkontrol sa paghinga niya nang bumukas ang pinto. She stilled when she saw who it was.

"Ma'am..." sambit niya.

Bailey's mother smiled. "Hello." Kapagkuwan ay bumaba ang tingin nito kay Blake. "Is he asleep?"

Tumango siya habang hinahaplos pa rin ang buhok ng kasintahan. "May kailangan ka ho sa kanya?"

Ngumiti ang ginang, saka umiling. "Ikaw talaga ang sadya ko. Tumakas ako roon sa kuwarto ko. Mabuti at nakatulog sina Blaze at Bailey."

Napangiwi siya. "Mag-aalala po sila kapag nagising at wala kayo."

Ngumiti lang ang ginang, saka lumapit sa kanya habang hila-hila ang IV pole nito. "How are you feeling, dear?"

Ngumiti siya. "Okay naman ho. Kayo po? Kumusta ang sugat n'yo ho?"

"I'll live," nangingiting tugon nito, saka umupo sa gilid ng paanan ng kama niya. "How are you and Blake?"

Maayos naman ang pagtatanong ng ginang kaya magalang niya itong sinagot. "Okay naman po. Akala ko noong magising ako pagkatapos ng operasyon ko ay iiwan niya ako, pero naging maayos naman kami."

The woman frowned. "Bakit ka naman niya iiwan?"

Nag-aalangan siyang sumagot. "Kasi, may nakapagsabi po sa amin na 'yong ama ko raw ang siyang gumahasa at pumatay sa inyo po at kay Cassie—I mean, you're alive now so, ahm, I'm sorry..."

Unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi nito. "Kilala mo ba kung sino ang nagsabi kay Blake at Blaze na ako ang ina nila?"

"One of their friends." Huminga si Lucky nang malalim at bahagyang napangiwi nang makaramdam ng kirot sa dibdib pero nagpatuloy siya sa balak na pagsasalita. "Ma'am, hindi ko ho alam ang dahilan n'yo kung bakit n'yo ginagawa ang ginagawa n'yo pero sana huwag n'yo na hong pahirapan pa si Blake at si Blaze." Kinagat niya ang pang-ibabang labi dahil alam niyang pakialamera ang labas niya pero gusto niyang magsalita. "Gusto lang naman ho nilang makasama kayo. Gusto lang nilang mabuo uli ang pamilya n'yo."

"Pamilya..." Mapait na ngumiti ang ginang. "Lahat gagawin ko para sa pamilya ko. Lahat ng ginawa ko at gagawin ko pa ay para sa kanila. Kaya ko silang saktan kung iyon lang ang tanging paraan para maging ligtas sila sa kapahamakan."

"What's the use of protecting them if in the end, you will still lose them?"

"They'll be safer and unharmed."

Bumaba ang tingin niya kay Blake na mabimbing pa ring natutulog. "But my Blakey-baby is a badass. He kills bad people. I don't think he needs protection, so does Blaze."

Mahinang tumawa ang ginang "Kilala mo talaga si Blake..."

Ngumiti siya. "Sinusubukan ko pa siyang mas kilalanin. He's a badass and he always threatens Blaze but he loves his twin. He cares for the people around him. He's a good man, Ma'am. Any mother would be proud to call him her son."

Tumango ito. "He is. I know that. Kaya nga pinuntahan kita rito, para hilingin sa 'yo na sana huwag mong sukuan si Blake. May mga darating pang pagsubok sa inyong dalawa, pero sana kahit ano'ng mangyari, huwag na huwag mo siyang susukuan kasi isa ka sa mga taong nagpapasaya sa kanya. Kapag nawala ka, hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa kanya."

Tumango siya. "I can promise you that." She smiled at the woman. "I don't know what I'll do too if I lost Blake. I love him. I'll do anything to make him happy. Siguradong sasabihan na naman ako ni Blaze na marupok, pero wala akong pakialam. It's okay to be softy, as long as it's Blakey."

Ngumiti ang ginang, saka umangat ang kamay nito at masuyong hinaplos ang noo ni Blake at buhok nito. "Alagaan mo siya, Lucky. Kahit noon pa naman, palagi na lang siya ang nag-aalaga sa mga tao sa paligid niya. Kay Calle at kay Blaze. Siguro, ito naman ang panahon na siya naman ang alagaan kasi hindi niya 'yon naranasan."

Tumango siya, saka napangiti habang nagkukuwento. "Gustong-gusto niya ang nagpapalambing. Pero hindi ko siya malambing ngayon kasi nga 'yong puso ko, bagong opera pa lang."

The woman chuckled. "You're really honest. I like you."

She smiled back. "Thank you."

"Take care of my sons, Lucky. Please... hindi ko pa 'yon kayang gawin ngayon kaya sinadya kita rito para kausapin." Namuo ang luha sa gilid ng mga mata nito. "Dahil sa nangyari ngayon, malaki ang posibilidad na masira lahat ng pinaghirapan ko at isinakripisyo ko sa mahabang panahon. Hindi puwedeng magulo ang lahat. If I have to be a villain to my sons, I will, just to end the monstrosity of that man."

Now Lucky understood why Blake and Blaze's mother couldn't own up and embrace her sons.

"Sana matapos na 'to, para hindi na sila malungkot," sabi niya, saka bumagsak ang mga balikat. "Pero dahil sa ginagawa n'yo, nahihirapan na si Blake at saka si Blaze, lalo pa ngayon na alam nilang ikaw naman talaga ang ina nila. Did you know that the DNA test came out positive? Hinihintay ka lang ho nila na magsalita. I'll pray that you won't lose Blake and Blaze because of whatever you are doing."

Inabot ng ginang ang kamay niya, saka pinisil iyon. "Kaya nga nandito ako para hilingin sa 'yo na pasayahin mo sila. Masaya naman sila nang wala ako at ikaw ang kasama nila. Hindi nila ako kailangan. Masisira ko lang ang buhay ng mga anak ko. Be their happiness, Lucky, please. Nakamasid ako sa buhay ng mga anak ko at ibang kasiyahan ang hatid mo sa kanila, lalo na kay Blake. Ikaw lang, sapat ka na sa kanya."

"I can make them happy, but I can't give them the happiness that only you can give," sabi niya, saka pinisil ang kamay nito. "Tell Blake and Blaze," pangungumbinsi niya sa ginang. "They'll understand you. Explain to them. Kaysa naman ganito na nahihirapan kayo pare-pareho. Maiintindihan ka nila."

Umiling ang ginang na tuluyan nang umiyak. "Natatakot ako. Kamumuhian ako ni Blake. Hindi niya matatanggap ang paliwanag ko na ganoon-ganoon lang."

"It's expected," sabi niya na mahigpit pa rin ang hawak sa kamay nito. "Eleven years is too long. The pain is there. Yes, Blake will get mad but you are family. They'll forgive you and love you. Kasi hindi ba ganoon naman dapat ang pamilya, mamahalin at tatanggapin ka kahit ano pa'ng nagawa mo? Family is family. Family is love, forgiveness and acceptance so please, tell them. They'll understand you."

Mariing pumikit ang mga mata nito. "Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Blake and Blaze will hate me."

Lucky took a deep breath. "G-gusto n'yo ho bang samahan ko kayo kapag nagpaliwanag na kayo?" she offered. "Please po? For Blake and Blaze? Please?"

Lumambot ang mukha nito nang tumitig sa kanya. "You'll do that for me?"

Lucky nodded. "Oo naman ho, para na rin maliwanagan sina Blake at Blaze. Para kahit paano ay maibsan ang bigat ng kalooban nila sa mga nangyari. But I'm not a good speaker because I'm too honest for my own good so you have to do the speaking and I'll to do the calming."

Napatitig sa kanya ang babae, kapagkuwan ay mahina itong natawa. "I actually plan to leave the hospital today. Gusto lang kitang makausap. But instead of convincing you to do what I want, you're the one who convinced me to do what you want. It seems like I can't resist your sweet and soft voice."

Malapad siyang napangiti. "It's part of my charm."

Napangiti ang ginang. "Let's do it later when Blake wakes up. Okay lang ba sa 'yo?"

Tumango si Lucky, saka malapad na ngumiti. "Dito na lang ho, puwede? Hindi pa kasi akong puwedeng lumabas, eh. Maraming bacteria raw na puwede kong makuha."

"Of course." Blake's mom smiled but then stilled when the door opened and Blaze stepped in. "K-kanina ka pa ba diyan?"

Blaze had this bothered look on his face as he looked at her like he was asking her what to answer his mother.

Bahagya niyang iniling ang ulo at hindi niya alam kung tama ang pagkakaintindi sa kanya ni Blaze.

He smiled after a couple of seconds of looking at her. "No... kadarating ko lang." Humarap ito sa ina. "Akala ko tinakasan n'yo na kami kaya hinanap kita. Nandito ka lang pala—"

"Nandito ka lang po pala," pagtatama ng babae kay Blaze na ikinangiwi ng huli. "Nakakatanda ako sa 'yo, Blaze. Matuto kang rumespeto."

Parang bata na napakamot ng batok si Blaze. "Yes, Mom. I'll try."

"Try harder."

"Yes, Mom."

Mahina siyang natawa sa istriktong boses ng ina ni Blake. She really was the mother of the twins. Tiklop agad si Blaze na makulit at hindi nakikinig kay Blake.

Parang nagsusumbong na itinuro siya ni Blaze sa ina nito. "Tingnan mo, 'Ma, pinagtatawanan niya ako."

"Lucky is adorable and irresistible," sabi ng ina nito na para bang sagot 'yon sa pagsusumbong ni Blaze.

She stuck out her tongue at Blaze.

Akmang lalapit si Blaze sa kanya nang tumunog ang cell phone nito. "Mamaya ka sa 'kin," pananakot nito, saka sinagot ang tawag. "Wazzup? Dr. Blaze speaking—" He stilled and his eyes widened in worry. "What the fuck happened to him? Now? Is he okay—fuck!" He puffed a loud breath. "We're coming. Wait for us, Racini!" Mabilis nitong ibinalik ang cell phone sa bulsa, saka walang sabi-sabing ginising si Blake.

"Fuck!" Hinilot ni Blake ang sentido, saka naghikab. "Fuck you, Blaze, can't you give me a break?!"

Pareho sila napaigtad ng ina ng mga ito sa lakas ng boses ni Blake, pero walang pakialam doon si Blaze.

"Racini called," sabi ni Blaze kay Blake na napatigil sa paghihikab. "Midnight is down. He was punished. Severely."

Biglang umalis ng higaan si Blake at napatayo. "How severe?"

"The remaining six bosses is having a meeting as we speak. That's how severe it is."

"Holy fuck!" Blake cussed again. Kapagkuwan ay lumuhod ito sa kama, saka hinalikan siya sa mga labi. "I love you and I'll be back later. Our friend is in trouble."

"Okay." 'Yon lang ang nasabi niya dahil malalaki ang hakbang na lumabas na ang dalawa.

After a couple of second, Blaze came back to tell them. "Nate is on the way. He's a friend. Siya muna ang magbabantay sa inyo. And Mom..." Tumingin ito sa babae. "Don't you dare escape. If you do, don't blame me for what will happen next."

Agad na sumama ang mukha ng ina nito. "Are you threatening me, young man?"

"I'm not a young man anymore, 'Ma, I'm an adult. And yes, I'm threatening you so stay put." Pagkasabi n'on ay lumabas na uli si Blaze.

And when the door opened again, Bailey entered and went to his mother to hug her.

"I'm worried of them," sabi ng ginang pagkalipas ng ilang minuto.

Lucky smiled even though she was worried as well. "Don't worry. They're badass. They'll be okay."

Mahinang natawa ang ginang. "Thank you, for convincing me earlier. I actually felt a lot better and lighter. At tama ka, hindi na nila kailangan ang proteksiyon ko pero poprotektahan ko pa rin sila sa maabot ng makakaya ko. Thank you for making me realize that I was wrong to push my sons away"

Lucky smiled sweetly. "You're welcome, Ma'am—"

"Mommy..." sabi nito na ikinatigil niya. "Call me 'Mommy' since you are Blake's fiancée."

She smiled shyly. "Mommy..."

Ngumiti ang ginang at tinitigan siya. "It's really nice seeing you again, Lucky. You've grown so much for the past eleven years."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya sa sinabi nito. "Y-you know me?"

She nodded. "I do."

'Yong ipinapaalala sa kanya ni Mr. Velasquez! "So, y-you know what happened eleven years ago? I mean, w-what happened? M-may ginawa ba ako? I can't seem to remember it—"

"Kung ganoon, huwag mong alalahanin," sabi ng ginang sa malungkot na boses. "It's better that you don't remember. For your sake, and for Blake's."

Her lips parted, she felt scared all of the sudden. "W-what did I do? What did I do eleven years ago?"


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro