CHAPTER 31
CHAPTER 31
AFTER SPENDING four days in CTICU, Lucky was moved to a private room to recover. Her body was responding well to her new heart, there was no problem at all, according to Dr. Axel. Kailangan lang niyang magpagaling at mag-ingat. Sundin ang mga ipinagbabawal at magiging maayos lang siya.
Mula nang mailipat siya sa pribadong kuwarto, ang dami niyang naging bisita. Tulad na lang ngayong araw.
Blake's friends came as batch. And this batch was just as weird as the other batches who visited her.
Napatitig si Lucky sa mga lobo na hawak ng kaibigan ni Blake na nakilala niyang si Khairro Sanford. Napangiwi siya. "It's not my birthday today."
"I know." Napakamot ito sa batok habang nakangiwing nakangiti. "Naubusan kasi sila ng get well soon balloons kaya happy birthday na lang. It's the thought that counts."
Mahina siyang natawa. "Salamat."
"Here's mine," sabi ni Evren Yilmaz, sabay lapag ng bulaklak sa mesa na katabi ng kama niya. "Sabi ni Axel puwede ka na sa bulaklak kaya ito na lang. Get well soon ang nakasulat diyan."
Lucky couldn't help but to chuckle when she saw Khairro glared at Evren.
"Pinaparinggan mo ba ako, bud?" Masama ang mukha ni Khairro.
Evren smirked. "Mine wasn't happy birthday."
Napailing na lang ang isa sa mga kasama nitong bumisita sa kanya ngayong araw.
"Here's mine, Miss Hart," sabi ng lalaking nakilala niyang si Phoenix Martinez. "This is like a beeper but the sound is different. If you push this..." Pinindot nito ang button na nasa gitna. "This is the sound it makes."
Bahagya siyang napaigtad nang marinig ang tunog na parang may emergency na nangyayari. At nang pindutin uli ni Phoenix ang button ay nawala ang tunog.
"Tinatakot mo si Miss Hart," sabad ni Thorn.
Hindi ito pinansin ni Phoenix at patuloy lang na nagpaliwanag sa kanya. "You can use this anytime. No need to change battery because it's powered by solar. Paarawan mo lang ng kahit dalawang oras, the power will last for a year. You need this in case of emergency. You can get Blake's attention with this."
Tinanggap niya ang maliit na pabilog na emergency beeper na bigay ni Phoenix. "Salamat. This will come in handy for sure."
Si Titus Morgan naman ang sunod na nagbigay sa kanya ng get well soon gift. "Here. It's a gift certificate. Buy anything you want when you get out of this place."
Nag-aalangang tinanggap niya 'yon, lalo na nang makita ang presyo n'on. "Hundred thousand gift certificate?" malalaki ang matang tanong niya.
"I know, that's a small amount. Sorry," sabi ni Titus.
She blinked at him. "No. This is too much already."
Thorn tsked. "Parang ayoko nang ibigay ang get well soon gift ko."
Evren chuckled. "Sabi nang mauna tayo, eh."
Tumingin siya kay Thorn. "Okay lang naman sa 'kin kahit ano."
Napakamot sa batok si Thorn, saka may inilapag na cake sa mesa na malapit sa kanya. "Get well soon, Miss Hart."
She grinned. "Thank you, all of you. Salamat sa pagbisita sa 'kin."
"O, siya, hindi na kami magtatagal," sabi ni Khairro. "Magpapalibre pa kami Kay Furrer. Kapapanganak lang ng asawa niya."
Napangiti siya, saka nagba-bye sa limang kalalakihan na isa-isang naglabasan. Nakakatuwa ang mga kaibigan ni Blake. Talagang binisita siya na para bang matagal na silang magkakakilala.
"Mommy La..." Malapad ang ngiti niya sa lola niyang kakapasok lang. "Saan si Daddy Lo?"
"Sa bahay, apo," sabi nito, saka hinalikan siya sa noo. "Nagpapahinga."
"Kayo po?" Hinaplos niya ang pisngi ni Mommy La. "Hindi kayo magpapahinga, nandito kayo buong magdamag. Please rest, Mommy La."
Her Mommy La smiled. "I will. Tumawag si Blake, pabalik na raw sila. Hihintayin ko lang 'tapos uuwi na ako."
Ngumiti siya. "Sige po."
"You rest," sabi ng Mommy La niya, saka iginiya siya pahiga. "Pahinga ka na, apo."
Pero bago pa siya makahiga, bumukas ang pinto at pumasok doon sina Blake, Blaze, Bailey at si Knight.
"Ate Lucky!" masayang sigaw ni Bailey. Tumakbo ito palapit sa kanya at agad na umakyat sa kama niya, saka tumabi ng higa sa kanya.
Natawa siya nang yakapin siya ni Bailey at hinalikan sa pisngi. He had been staying with the twins for the last couple of days.
"Bailey, that's my spot," agad na reklamo ni Blake nang makitang tumabi sa kanya sa kama si Bailey. "You're making me jealous."
Blaze chuckled. "Don't leave that spot, kiddo. Make your Kuya Blake jealous."
Bailey stuck out his tongue at Blake before hugging her on the waist. "She's my big sister. She's mine."
Blaze looked at Blake while laughing. "Lalaban ka?"
Bilang sagot, lumapit si Blake kay Bailey at binuhat ito palayo sa kanya, saka kiniliti sa baywang.
Tawa nang tawa si Bailey na nagpupumiglas. At nang makawala ay tumakbo ito patungo kay Blaze at nagtago sa likuran nito. "Ate Lucky is mine."
Lumapit sa kanya si Blake at hinalikan siya sa noo. "Nope." He stared at her. "You're mine."
Napailing at natawa na lang si Lucky, saka tumingin kay Knight. "It's nice to see you again."
Bago pa ito makasagot, may pumasok na dalawang lalaki sa kuwarto niya na hindi man lang kumakatok. May dala ang mga itong bulaklak para sa kanya.
"Get well soon," sabi ng isa na nagpakilalang si Andrius Salazar. "Dumaan lang talaga kami."
"Yeah," sabad ng nagpakilala sa kanyang si Cali Sudalga. "Get well soon."
Blake tsked. "Sabi ko nang huwag kayong pupunta."
Tumawa lang si Andrius, saka napatingin sa cake na bigay ni Thorn at napabaling kay Knight. "Himala, hindi pa kinakain ng isang 'yan—o, hindi na ako nagulat," sabi nito nang makitang kinuha ni Knight ang kasamang disposable na tinidor ng cake at tahimik na inumpisahan iyong kainin.
Napailing sina Cali at Andrius na nagpaalam na kina Blake at Blaze. "Alis na kami. Dumaan lang talaga kami."
"Layas," sagot naman ni Blake.
Napailing na natawa na lang siya. "Bakit mo inaaway ang mga kaibigan mo? 'Buti nga binisita nila ako."
"Don't smile at them, I'm jealous," pag-iiba ni Blake sa usapan nila, saka nagsumbong ito sa Mommy La niya. "Mommy La, tingnan mo si Lucky, ngumingiti sa ibang lalaki."
Tumawa lang ang Mommy La niya, saka pinanggigilan ang pisngi ni Blake. "Ikaw talaga, ang possessive mo sa apo ko. O, siya, uwi na muna ako. Babalik ako mamayang gabi. Tulog lang ako, apo." Lumapit ito sa kanya, saka hinalikan siya sa pisngi, "I love you and I'll be back later."
Nakangiting tumango siya. "Love you too, Mommy La."
Ihinatid niya ng tingin si Mommy La habang si Blake naman ang naghatid dito palabas ng kuwarto niya at palabas siguro ng ospital dahil lumabas din ito at natagalan bago makabalik.
Blake was such a sweetheart to her Mommy La. Kaya puring-puri ito palagi ng lolo't lola niya.
Maingat siyang umupo, saka natigilan nang makitang tumakbo sa banyo si Knight at iniluwa ang cake na kinakain.
"Is he okay?" tanong niya kay Blaze.
"He'll live," sabi ni Blaze na parang walang pakialam, saka bumalik sa pakikipag-usap kay Bailey.
Nang makalabas si Knight sa banyo, uminom ito ng tubig, saka tumingin sa kanya. "Remember anything?"
Umiling siya. "I'm still trying."
"Good. Just keep trying."
Tumango siya, saka ngumiti at tiningnan sina Bailey at Blaze na nag-uusap tungkol sa basketball at iba pang sports na gusto ni Bailey.
"Ice cream?" tanong sa kanya ni Knight habang kinakain nito ang ice cream nitong dala na ngayon lang niya napansin.
Umiling si Lucky at mahinang natawa nang may inilabas na apa si Knight sa bag nito at doon inilagay ang chocolate ice cream.
Agad namang nalipat ang atensiyon ni Bailey kay Knight. "I want some," sabi nito.
Knight was more than willing to give Bailey an ice cream in a cone.
Si Blaze naman ay lumipat ng upo sa gilid ng kama niya, saka napailing habang pinagmamasdan sina Bailey at Knight na kumakain ng ice cream. He shook his head. "Taksil ang batang 'yan. Sabi niya ako ang paborito niya pero nakakita lang ng ice cream sa cone, tinalikuran na ako."
Mahinang natawa si Lucky. "Nagseselos ka ba?"
Blaze snorted. "I'm his favorite, he told me so, and now he's with Knight."
Napailing siya. "Para kang bata."
"Blaze!" Boses iyon ni Blake na kababalik lang. "Lumayo ka sa Lucky ko. Sasaksakin kita!"
"I love my life." Agad na tumayo si Blaze, saka lumipat sa mahabang sofa kung saan nakaupo rin sina Knight at Bailey. At parang bata na nakipag-agawan ng ice cream sa cone si Blaze sa dalawa.
Si Blake ang pumalit sa kinauupuan ni Blaze kanina sa gilid ng kama niya. Agad itong yumakap sa baywang niya at naglalambing na ipinatong ang baba sa balikat niya.
"Is this okay? Comfortable?" Blake asked.
Lucky nodded as she hugged Blake back. "Miss kita."
"Me too," Blake whispered. "Ang daming tao rito sa kuwarto mo palagi, hindi kita masolo."
Mahina siyang natawa. "Oo nga. Sayang nag-toothbrush na ako kanina."
Blake chuckled. "So I can kiss you now... Damn, baby, I miss kissing you and touching you."
Kinurot niya ang kasintahan sa tagiliran. "Don't be a pervert. May kasama tayo."
Kumawala si Blake sa yakap nila, saka hinaplos ang pisngi niya habang masuyong nakatitig sa kanya. "I'm serious. I miss you. Miss ko nang matulog katabi mo, matulog na yakap mo at matulog na kinakantahan mo. I miss those."
"Aww..." She leaned in and quickly pressed her lips on his. "I love you, Blakey-baby."
Blake literally stilled while staring at her, dumbfounded.
"You okay?" she asked frowning.
Blake blew a loud breath. "Baby, that was our first kiss since your operation and that's how you kiss me? Unacceptable! Kiss me like you miss me again. Tongue out and lips to lips" he demanded.
Lucky was about to do what Blake asked when someone cleared their throat.
Sabay silang napabaling ni Blake sa tumikhim at nakitang walang buhay na nakamasid sa kanila sina Bailey, Blaze at Knight.
"You're fucking gross," sabi ni Knight kay Blake, saka dinilaan nito ang ice cream sa hawak na apa. "Fuck. Gusto kong masuka pero sayang ang ice cream ko. Gago. Huwag nga kayong sweet sa harap namin. Nakakabuwisit. Hustsiya naman sa aming single."
Blaze nodded and covered Bailey's ears. "Fuck you, Blakey. Palagi na lang si Lucky ang inaasikaso mo nitong mga nakaraang lingo. Nakakalimutan mo na yatang may kakambal ka na nangangailangan din ng atensiyon."
Knight looked at Blaze. "Bakit kailangan mo ng atensiyon? Imbalido ka ba? Abnormal? Sintu-sinto? Choose."
Blaze back glared at Knight. "Sana mabilaukan ka riyan sa kinakain mong ice cream. Hindi ka matunawan."
Doon sumabad si Bailey. "Hindi ba sa bibig pa lang tunaw na ang ice cream, Kuya Blaze?"
Nakipag-fist bump ang nakangising si Knight kay Bailey. "What a smart boy. I like you. Want some more ice cream?"
Sinapo ni Blaze ang dibdib habang nagdadrama sa kanila ni Blake. "Blakey, ipinagpalit mo na nga ako kay Lucky, ipinagpalit na rin ako ni Bailey. Ang sakit, shit. Para akong hiniwalayan. Mga gago kayo."
Hindi pinansin ni Bailey ang pagdadrama ni Blaze at ngumiti lang ito kay Knight. "Do you have cookies and cream?"
Itinuro ni Knight ang sarili. "Ako pa ba?" Binuksan nito ang bag at may inilabas na isa pang flavor ng ice cream. "Here you go, kiddo. Eat your heart out."
Blake looked at Knight, stunned. "Ano 'yang bag mo, mini refrigerator?"
Bilang sagot may inilabas na ice box si Knight sa bag. "I have this."
"Wow." Puno ng sarkasmo ang boses ni Blaze. "Hindi ka naman masyadong handa, 'no, bud?"
Tumawa lang si Knight, saka ibinalik ang ice box sa backpack nito.
Kahit siya nahihiwagaan kung paano nito naisip na maglagay ng ice box sa backpack nito.
"He's weird," she whispered at Blake.
Blake whispered back. "You have no idea, baby. Kaya huwag kang maglalalapit sa sintu-sinto na 'yan. May sayad 'yan."
Lucky rested her chin on Blake's shoulder as Blake, Blaze and Knight argued about who was crazier than who.
Napapangiti na lang siya sa pag-aargumento ng tatlo. Siya palagi ang pang-shield ni Blake.
"Lucky loves me and she will not love a mad man," sabi Blake, saka bumaling sa kanya. "Right, baby?"
Hindi siya sumagot.
"Baby." May diin ang boses na sabi ni Blake. "Answer me."
Ngumiti lang siya, saka malutong na hinalikan ito sa pisngi. "Love you."
Blaze and Knight laughed. "She just confirmed that you're a mad man."
Blake looked at her dramatically. "Baby, huwag mo naman akong ilaglag."
She kissed his cheek again. "Mahal naman kita, ayos lang 'yon."
Blake's shoulder sagged. "Well, this mad man loves you so much."
She smiled. "I know."
Blake's face softened. "My baby... kiss me?"
"I'm watching..." Bailey trailed so she wouldn't kiss Blake. "I'm a kid, remember?"
Gawain na 'yon ni Bailey para asarin si Blake na palaging suportado ni Blaze.
"Huwag kayong SPG, may bata tayong kasama," agad na sang-ayon ni Blaze. "PG-10 only."
"Isn't it PG-13?" Bailey asked Blaze.
"Kabahan ka na, Blaze," sabad ni Knight. "Mas matalino sa 'yo ang batang 'yan."
Umingos lang si Blaze. "PG-10 kasi ten years old ka pa lang naman. Dapat animated movies lang pinapanood mo o kaya cartoons. Bawal sa 'yo 'yong may kabastusan, naiintindihan mo ako?"
Hindi pinansin ni Bailey si Blaze at nagpatuloy lang sa pagdila ng ice cream sa cone.
Napailing na lang si Blaze. "Matutuyuan ako ng dugo sa isang 'to. Baka kailanganin ko na ng blood transfusion bukas."
Akmang sasagot si Blake nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at may pumasok doon na isang magandang babae na nakataas ang noo at parang modelo kung maglakad.
She looked so elegant and graceful. Lucky couldn't take her eyes off of the woman.
At bago may makapagsalita at makapag-react sa kanilang lahat, biglang tumayo si Bailey at excited na tumakbo patungo sa babae.
"Mommy! You're here!"
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro