CHAPTER 30
CHAPTER 30
LUCKY WAITED PATIENTLY for Blake to came back. Habang naghihintay siya, nakasama niya ang Mommy La at Daddy Lo niya na halatang masaya dahil maayos ang kinalabasan ng operasyon.
At puring-puri ng mga ito si Blake na hindi raw siya iniwan at pinabayaan.
And it made her happy because what she felt for Blake didn't change even after her heart transplant. Akala talaga niya noon ay may magbabago sa nararamdaman niya pero wala naman pala.
"How's Miss Hart the survivor?" nakangiting tanong ni Dr. Axel nang bisitahin siya sa CTICU habang naghihintay siya kay Blake. "Feeling better?"
Tumango siya. "A little bit uncomfortable but I'll live."
Nakangiting tumango ang doktor. "Mabuti naman. Any changes that you feel?"
She smiled. "I feel healthier."
Dr. Axel chuckled. "Other than that?"
Umiling siya. "Not that I know off but I'm craving for gummy bears."
Tumawa si Dr. Axel. "Wala munang gummy bears. Kailangang heathy foods ang kainin mo habang nagpapagaling ka."
Nakangiting tumango siya. "Okay po, Doc."
Sinuri siya nito at tiningnan ang tubo na nakakonekta sa dibdib niya. "Bukas ng umaga, puwede na 'tong tanggalin."
"Yey." She grinned. "I'll feel much better then."
Natatawang napailing ito at may itinanong pa sa kanyang iba bago nagpaalam sa kanya.
Habang mag-isa si Lucky, pumasok na naman sa isip niya si Blake. Ano na kaya ang nangyayari? Naligtas na kaya nina Blake si Bailey at ang mommy nito?
Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. Balak sana niyang magpahinga nang marinig ang boses ng kasintahan.
"Baby..."
Awtomatikong binuksan niya ang mga mata, saka nginitian ito pero agad na nabura 'yon nang makitang bagsak ang mga balikat nito at walang kangiti-ngiti ang mukha.
"Are you okay?" malumanay niyang tanong kay Blake.
Umiling ito habang nakatingin sa kanya. "I need a hug."
Bumaba ang tingin niya sa dibdib at napangiwi sa kasintahan. "Sorry, Blakey-baby, I can't hug you."
Umupo ito sa stool na nasa tabi ng kama at maingat na pinalibot ang braso sa may puson niya at doon siya niyakap. Kapagkuwan ay maingat na isinubsob nito ang mukha sa may tiyan niya.
Lumambot ang mukha niya habang masuyo at maingat na hinahaplos ang buhok ni Blakey. "Ayos ka lang ba?" tanong niya.
Umiling ito habang nakasubsob pa rin ang mukha sa tiyan niya. "No..."
Her face saddened. "Sorry I can't hug you."
"That's okay. This is enough..." He looked at her while the side of his face was lying on her tummy. "For now."
Napangiti siya, saka patuloy na hinaplos ang buhok nito. "How did it go? You being a badass?"
He chuckled lightly. "It was okay. You would've love me more if you saw how badass I was."
Mahina siyang natawa. "How's Bailey?"
"He's with Blaze."
Her eyes widened. "And his mom?"
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Blake. "Bailey won't tell us her name. Nangako raw siya sa mommy niya na hindi basta-basta ibibigay ang pangalan nito at hindi siya tumatalikod sa pangako. Blaze is working it out with Bailey but I don't think Bailey would talk. I saw that familiar glint in his eyes. May paninindigan ang batang 'yon."
Lucky played with Blake's hair as they talked. "How's Blaze? Is he okay?"
Blake nodded. "He's trying to be. Wala naman siyang magagawa sa ngayon."
"Kailan kayo babalik sa mansiyon para iligtas ang mommy ni Bailey?" tanong niya uli.
"I don't know yet." Blake sighed. "Mas dodoble ang bantay sa bahay na 'yon dahil sa pagpasok namin ngayong araw. I don't think we can infiltrate it that easily like earlier. Baka mahirapan na kami."
She caressed Blake's forehead. "But you're a badass... you can do it."
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Blake. "Do you really believe that?"
Tumango siya. "Oo naman." Malapad siyang ngumiti. "Ikaw pa ba?"
Hinawakan nito ang kamay niya at nilaro-laro ang daliri niya. "Hindi ka na ba natatakot sa 'kin? Sa mga ipinagtapat ko sa 'yo tungkol sa nakaraan ko?"
Umiling siya nang may pagmamalaki. "My heart is stronger now. I can take it."
Matiim siyang tinitigan ng kasintahan. "Even if I tell you now that I just kill someone today? You won't get scared?"
Uncannily, she didn't feel scared. Siguro kung noon, makakaramdam siya ng kaunting takot pero ngayon, wala siyang maramdamang ni katiting na takot sa puso niya.
"I'm not scared," sabi niya.
Tumuwid ng upo si Blake, saka pinakatitigan siya. Kapagkuwan ay bumaba ang tingin nito sa puso niya. "Maybe this is what Axel was talking about? A change in attitude..."
Kumunot ang noo niya. "Change how?"
"I'm not sure," sabi nito, saka pinakatitigan siya. "Mahal mo pa rin naman ako, 'di ba?"
Mabilis siyang tumango. "Oo naman."
"Good." He smiled. "'Yan lang naman ang mahalaga sa 'kin."
Napangiti siya. "Natakot ka ba? Na baka hindi na kita mahal pagkatapos ng operasyon?"
Parang nahihiyang tumango ito. "Ewan ko ba, doon talaga ako kinabahan. I know that it's our brain that falls in love but, I was still scared."
Napatango-tango si Lucky, kapagkuwan at napakurap-kurap nang may maisip. "You said change in attitude... baka hindi na ako ganoon kainosente pagkalabas ko rito."
Tinitigan siya ni Blake na parang binabasa ang isip niya, saka nagsalita. "I want to lick you. Can I do that?"
Her lips thinned then she frowned. "Where? I mean, I haven't showered so, no, I'm shy."
Blake stared became intimate. "I'm really stress right now. Can I touch your breast?"
Napatingin siya sa glass wall bago ibinalik ang tingin kay Blake. "I don't think it's appropriate. Maybe after here, when I move to a private room."
Ang seryoso nitong mukha ay biglang tumawa at napailing. Amusement was dancing in his eyes. "Oh, my, baby. I think you're still the same Lucky I know."
Napalabi siya. "Binibiro mo ako? Seryoso pa naman ako."
Tumawa na naman ito, "I was testing you."
Inirapan niya ito. "Hindi mo na mahahawakan ang booby ko kahit makalabas ako rito. Hindi kayo bati ng mga private parts ko."
Blake laughed before he stood up to lean in and kissed her forehead. "I love you, Lucky."
Inirapan niya ito. "Hindi kita love. Umalis ka."
"Nagtatampo ka?" Blake looked innocent as he asked. "Gusto mo talagang hawakan kita diyan?" Inginuso nito ang dibdib niya. "Miss mo na ba?"
Tiningnan niya ito nang masama. "Don't be a pervert. And if I miss it, I'll tell you so you can do something about it."
Blake chuckled again. His eyes sparkling in happiness. "My baby..." He sighed while still smiling. "You're really the light to my darkness. Thank you for making me happy."
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Kaya huwag ka nang maghanap ng ibang babae. Ako lang dapat sapat na. Dapat akin ka lang. At kapag niloko mo ako, wala akong pakialam kahit magaling ka pang makipaglaban, ako mismo ang sasaksak sa 'yo."
Pagkatapos niyang magsalita, ilang segundo ang lumipas bago niya napansin na natigilan si Blake at parang hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.
"Y-your words..." he trailed.
She frowned. "What about it?"
"Sabi mo hindi ka selosa..." sabi nito na parang hindi makapaniwala. "Bakit selosa ka na ngayon? 'Tapos sasaksakin mo ako? Baby, I think a part of you change."
Napalabi siya at napaisip din sa mga lumabas sa bibig niya. "Oh, my... shit! I was bad!" She gasped. "I'm so sorry, Blakey-baby... sorry..."
Blake just smiled and shook his head. "That's okay. I like it. Gusto kong nagseselos ka. Mas nararamdaman kong mahal mo ako at ayaw mo akong mawala sa 'yo."
"Oh..." Her smile was back. "Okay, if you say so."
Blake kissed her forehead again before staring at her. "I love you," he whispered.
"I don't love you," seryoso niyang tugon.
Namutla talaga si Blake habang nakatitig sa kanya. "T-that's not funny."
Lucky chuckled. "You're face..." She laughed. "You went pale."
Tiningnan siya nang matiim si Blake. "Isang tanong, isang sagot. Mahal mo ako o hindi?"
Sa halip sa sumagot, natawa siya. "Bakit parang nananakot ka?"
"Kasi naman, eh..."
Natawa na naman siya. "Parang namimilit ka. Mahal naman kita kahit hindi mo ako piliting sumagot."
Napailing ang kasintahan. "You're bullying me."
Napalabi siya. "Sorry, Blakey-baby, I like bullying you. It makes me smile and happy."
Napatango-tango naman si Blake. "Fine. Bully me all you want, as long as you love me, I won't mind."
Biglang may tumikhim sa likuran ni Blake.
"Cheesiness overload pizza."
Agad niyang nginitian si Blaze nang makita ito. "Hey, Blaze. How are you?"
"I'm not sure how to respond to that," tugon ni Blaze, saka kinindatan siya. "You don't look pale anymore. Maganda ka na naman at pinapatibok mo na naman ang puso ko nang mabilis—"
"Blakey-baby, o," sumbong niya sa kasintahan.
Tumiim ang mga bagang ni Blake nang tumingin ito kay Blaze. "Saan parte ng katawan mo ang gustong mong masaksak?"
Tumawa lang si Blaze, saka seryosong tumingin sa kanya. "Thank you, by the way."
She frowned. "For?"
"Alam kong may sakit ka pa sa puso nang ma-kidnap ka pero naging matapang ka pa rin kaya nalaman namin ang tungkol kay Bailey, kaya salamat."
Blake nodded then asked. "Where's Bailey by the way?"
"Axel's office. Sleeping," sagot ni Blaze. "Gusto ka niyang makita at makausap kaya magpagaling ka na. Hindi siya puwede rito sa CTICU."
Tumango si Lucky. "Nagpapagaling na po."
Natatawang nagpaalam na si Blaze na hindi niya alam kung bakit binisita siya dahil umalis din at naiwan na naman silang dalawa ni Blake.
Pinakatitigan niya ang kasintahan at kitang-kita niya ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito.
Lucky sighed. "Blakey-baby, please rest," pakiusap niya. "Okay naman na ako. Palagi akong binibisita ng mga nurse at ni Dr. Axel kaya magpahinga ka naman—"
"Baby, I'm okay—"
"Don't lie to me," may diin niyang sabi. "Please, rest. Don't make me worry, Blakey-baby. Pahinga ka naman, please? Kahit isang buong araw lang. Have a good sleep."
Tinitigan siya ni Blake, kapagkuwan ay tumango ito. "I'll sleep in Axel's office—"
Umiling siya. "No. Doon ka matulog sa barn. 'Yong tinuluyan mo nang mabaril ka," sabi niya. "Sleep well, after that, then come back to me, well rested. Kapag hindi ka nagpahinga, magagalit ako sa 'yo."
Blake sighed before nodding. "Fine. I'll rest. But I'll be back, okay?"
She smiled at him. "Rest well. Hindi ko gusto na may maitim sa ibaba ng mata mo. Hindi ka na guwapo sa paningin ko. Alalahanin mo, pinatulan lang kita kasi guwapo ka kaya alagaan mo 'yang mukha mo," pagbibiro niya.
Blake chuckled before kissing her forehead. "Oo nga pala, umoo ka lang na pakasalan ako dahil guwapo ako."
Natawa siya sa pakikisakay nito sa biro niya. "Go. Rest."
Tumango ito, saka bumulong muna ng "mahal kita" bago umalis.
Lucky mouthed "I love you too" to Blake when he looked at her from outside the glass wall. He replied by sending her a flying kiss.
Natawa na lang siya, saka napatitig sa kisame nang mag-isa na lang siya.
Ayaw niyang mag-isa ng mga negatibo dahil katatapos lang ng matagumpay niyang heart transplant. Wala siyang pakialam kung ilang taon ang itatagal niya, ang mahalaga sa kanya kasama niya ang mga mahal niya sa buhay.
Sabi noon ni Blake, kapag nakalabas na siya ng ospital, pakakasalan na siya nito. Excited na siyang dumating ang araw na 'yon.
She was excited to be Mrs. Vitale.
She didn't care how many years she had with her new heart. She'd live her life to the fullest without regret.
Napatigil siya sa pag-iisip nang may tumikhim malapit sa kanya. Agad niyang ibinaba ang tingin mula sa kisame patungo sa bagong dating.
Blaze was back.
"Hey." May pagtataka sa boses niya. "You're back."
Parang naiilang na naupo si Blaze sa stool na nasa tabi ng kama niya. "I, ahm, I can't talk earlier. Nandito kasi si Blake."
Oh. Kaya naman umalis ito agad. "May kailangan ka?" tanong niya sa malumanay na boses.
Blaze nodded. "I need someone to talk to other than my brother and I only have you, so... can I talk to you?"
Agad siyang tumango. "Oo naman. Are you really okay?"
Umiling ito. "I'm not. I'm going crazy, baby girl. I can't eat, I can't sleep, I can't even rest for a minute. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko."
Her face softened then she stretched her hand at Blaze. "Hold my hand," sabi niya.
Nag-alinlangan pa si Blaze bago nito sinunod ang sinabi niya. "What now?"
Pinisil niya ang kamay nito. "This means that I'm here for you. Alam kong iniisip mo na si Cassie ang mommy ni Bailey, alam kong umaasa ka na tama ang hinala mo, at gusto kong maging sobrang masaya ka. But I don't want you to get disappointed as well."
Mahinang natawa si Blaze. "I know that. That's why I'm lessening my expectation and all that shit, but I'm still hoping against hope that it's Cassie." Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "I'm so pathetic."
Umiling siya. "You're not. You just love her so much. 'Yon lang. Kasi ako, kung may magsasabi sa 'kin na buhay ang mommy ko, aasa ako kahit napakaliit ng posibilidad na totoo 'yon. Kasi mahal na mahal ko siya, na kahit nasasaktan na ako, aasa pa rin ako kasi isa siya sa mga mahahalagang tao sa buhay ko."
Blaze smiled at her. "This is why I want to talk to you. Hindi mo alam kung gaano mo napapalakas ang loob ko sa simpleng salita mo lang."
Her face softened. "I'm always here for you, Blaze. Always. We'll be family soon."
Tumango-tango si Blaze, saka masuyo siyang nginitian. "I really like you, Lucky."
She smiled back. "Thank you. I like you as a brother too."
Natawa ito. "Damn. I'm totally burned." Napailing ito, saka pinisil ang kamay niya, pagkatapos ay maingat na binitawan iyon. "Pahinga ka na. Bukas naman na kita kukulitin."
Lumapad ang ngiti niya. "Pahinga ka na rin. Pinagpahinga ko muna si Blake. Sana makinig 'yon."
"Makikinig 'yon sa 'yo," sabi ni Blaze bago nagpaalam at lumabas ng CTICU.
Naging malungkot ang ngiti niya nang makaalis si Blaze. Sana nga talaga buhay si Cassie. Dahil kung hindi, siguradong masasaktan si Blaze dahil umaasa talaga ito.
Lucky sighed and was about to close her eyes when she saw the man who asked Blake to protect her outside the glass wall. Ilang segundo itong nakatitig sa kanya mula sa labas bago kinausap ang nurse, kapagkuwan ay pumasok.
"It's you..." sabi niya nang makalapit ito.
He smiled. "Knight Velasquez," pagpapakilala nito sa kanya. "I bought some flowers for you but Dr. Axel told me it's not allowed in here so... I throw it away. how are you feeling?"
"Better," maikli niyang tugon.
Tumango ito, saka tiningnan ang tubong nakakonekta pa rin sa dibdib niya at ang IV lines bago ibinalik ang tingin sa kanya. "I apologize for sending you to the OR. I mean it though. You needed to hear it. Para isang bagsakan lang ang sakit."
She nodded. "Thank you, for telling me. I appreciate it."
"Hindi ka galit sa 'kin?" May pagtataka sa boses nito.
Umiling siya. "Wala naman akong dapat na ikagalit sa 'yo. Dapat nga magpasalamat ako dahil sinabi mo sa 'kin."
Knight stared at her. "You're actually nice."
She smiled. "Blake told me I'm too nice."
Knight chuckled then his face became serious. "I'm sorry. You're a nice woman and I don't want to sadden you but, it's my job."
Kumunot ang noo niya. "It's your job to make me sad?"
Knight smiled. "I don't mean to. It's just that, it's bound to happen anyway. Pinapatagal lang ng ibang tao. I consider Blake as my friend and I only have few, so as much as possible, I want him to be happy."
"Ayaw mo sa 'kin para sa kanya?" panghuhula niya. "'Yon ba? Napapasaya ko naman siya. And he told me that I was the one who fixed his broken soul—"
"Then remember." Knight had this sad smile. "Miss Hart, kahit sabihin ko sa 'yo ang rason kung bakit ko 'to ginagawa, hindi mo pa rin maiintindihan kasi hindi mo naman maalala. I suggest you force yourself to remember what happened eleven years ago so we can both help Blake."
Ano ang aalalahanin niya? Hindi niya maintindihan ang kausap. Anong alaala? Katulad ba 'yon ng nangyari sa alaala ng mommy niya na nakalimutan niya?
Lucky took a deep breath, trying to be strong and brave. "What do I do to remember? And what is it that I'm trying to remember?"
Knight leaned into her and whispered. "It wasn't your first time in your father's house. Remember that."
Her lips parted, shocked and terrified. "T-those dreams... t-that h-house."
"Yes. Remember that house." Parang naawang nginitian siya ni Knight. "I like you for Blake, you made him happy and you fixed him. Now, let's help him make peace with his past."
Tumango siya kahit gulong-gulo. "T-tell me what to do to help Blake. Mahal ko siya. I can do it."
Knight tapped her shoulder. "Just remember what happened that morning, eleven years ago, then I'll take it from there."
Humugot siya ng malalim na hininga. "K-kapag ba naalala ko, makakatulong 'yon kay Blake?"
May kung anong emosyon sa mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Oo. Makakatulong 'yon sa kanya at mas mamahalin ka pa niya."
"Ganoon ba?" Nakagat ni Lucky ang pang-ibabang labi. "Sige, susubukan kong makaalala... kung ano man 'yon na dapat kong alalahanin"
Knight sighed. He was looking at her pitifully. "I'm really sorry."
She frowned. "Why are you saying sorry for? Dapat nga pasalamatan kita kasi nag-aalala ka kay Blakey at sinasabi mo 'to sa 'kin ngayon para makatulong ako." She smiled at Knight. "You're a good friend, Mr. Knight Velasquez."
Mr. Velasquez looked ashamed for some reason. "I have to go. Get well soon, okay?"
Nakangiting tumango siya. "Thank you. Ingat sa pag-uwi."
Nakita niyang natigilan ito bago tumango at walang imik na lumabas.
Lucky took a deep breath before staring at the ceiling.
I have to remember whatever that is. For Blake. Sana makatulong kung ano man ang maaalala niya.
God knew that she wanted Blake happiness more than anything.
I hope I can help.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro