Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

CHAPTER 3

KUNOT-NOONG PINAGMAMASDAN ni Blake si Lucky habang naglalakad mula sa pinagtatrabahuhan nitong pre-school papunta sa apartment nito. He had been protecting and following her for two days now.

At siya ang kinakabahan sa babae na lahat yata ng lumalapit ay kinakausap nito.

Hindi ba nito napapansin na ang mga lalaking lumalapit dito para magtanong ng tamang daan ay gusto lang itong makausap?

Can't she see that those men just wanted to take advantage of her niceness? That those men are ogling her?

Nagtagis ang mga bagang niya. She was too trusting! She went inside his apartment when she barely knew him for fuck's sake! She even brought him food and talked to him as if they knew each other for quite a long time!

She's too nice!

Humigpit ang hawak niya sa manibela nang makitang may lumapit ditong lalaki na mukhang nanghihingi ng pera. Napabuntong-hininga na lang siya nang makitang inilabas ni Lucky ang pitaka at binigyan ng pera ang lalaki.

Napailing siya. Sa loob ng ilang araw na pinagmamasdan at binabantayan niya ang babae sa malayo, masasabi niyang ito na yata ang pinakamabait na taong nakilala niya.

Fuck!

And those fucking people was taking advantage of her! She was too kind for this fucked up world! She should be protected and sheltered at all times!

Napatigil si Blake sa pagtatagis ng mga bagang nang makitang hinablot ng lalaki ang wallet ni Lucky.

"Fuck!"

Mabilis siyang lumabas ng sasakyan, saka malalaki ang hakbang na sinalubong ang lalaki at sinuntok ito sa dibdib dahilan para mapaatras ito at matumba sa semento.

Inagaw niya ang pitaka na mahigpit nitong hawak, saka madilim ang mukhang tinitigan ito. "Sa susunod na gawin mo 'yon, papatayin kita."

Agad na bumangon ang lalaki at takot na tumakbo.

Siya naman ay napatingin sa gawi ni Lucky at nakita niyang sapo nito ang dibdib.

Naglakad siya palapit sa babae at iniabot dito ang wallet nito. "Be careful, will you?" Hindi niya naitago ang iritasyon na nararamdaman. "Paano kung hindi lang 'yon ang ginawa ng lalaking 'yon sa 'yo? Paano kung sinaktan ka niya? Ano'ng gagawin mo?"

Nakangiwing tumingin ito sa kanya habang sapo pa rin ang dibdib. "S-sorry."

Worry creased his forehead. "You don't look so good."

Tumayo ito nang tuwid pero parang may iniindang sakit sa dibdib. "A-akala ko kasi k-kailangan niya ng tulong."

Parang may kung anong kumudlit na awa sa dibdib niya nang makitang nanginginig ang mga kamay nito.

She's scared.

Hinawakan niya ang kamay nitong nanginginig. "I'm here, he's gone. It's okay."

Tumango si Lucky at huminga nang malalim. "He looks like h-he needs some help so I helped and he just g-grab my wallet..."

He sighed. "You're too trusting."

Tumingin ito sa kanya. "I was just trying to help."

"Be careful who you help, Miss Hart. Hindi lahat ng tao, mapagkakatiwalaan mo."

Nagulat siya nang ito ang humawak sa kamay niya at mahigpit na pinisil iyon na para bang doon ito kumukuha ng lakas habang bahagyang lukot ang mukha.

"You're pale," pansin niya.

Umiling ito, saka nginitian siya. "J-just scared. S-sige, uwi na ako."

Bumitaw ito sa kanya at nang-umpisang maglakad. Hindi pa man nakakalayo nang bigla na lang itong nabuwal sa pagkakatayo.

Halos liparin ni Blake ang pagitan nilang dalawa ni Lucky masalo lang niya ang katawan nito.

Thank God she's not unconscious!



"I'M TAKING YOU to the hospital—"

"I-I'm okay," mahina ang boses na pigil ni Lucky kay Blake habang pinipilit niyang makatayo. She gasped a little when Blake encircled his arm around her waist to assist her.

"Kaya mo na ba?"

Napakalapit nang mukha nito sa mukha niya at hindi niya alam kung bakit may kakaibang kaba sa dibdib niyang naninikip dahil sa gulat at takot na naranasan.

Tumango siya, saka humawak sa magkabilang balikat nito para balansehin ang sarili dahil halos magkadikit na magkadikit ang katawan nilang dalawa. "Ayos lang ako." She smiled. "I'll live."

Pinakatitigan siya nito. Alam niyang namumutla siya ngayon. "Come on, I'll take you home," sabi nito.

Kinagat ni Lucky ang pang-ibabang labi habang nakahawak pa rin sa magkabilang balikat ni Blake. Kahit gusto niyang bigyan ng distansiya ang katawan nila dahil sa kakatwang nararamdaman, hindi niya magawa kasi nanghihina pa rin siya.

"My legs are still weak." She tried to stand on her own but failed. "Mauna ka na, susunod na lang ako."

"Is it okay if...." Parang nag-aalangan ito sa susunod na sasabihin. "I carry you?"

"I can walk," giit niya. Baka lalong bumilis ang tibok ng puso niya kapag magkalapit na naman silang dalawa at lalong hindi siya makahinga nang maayos. "I can do it."

"I know you can, but not right now." Maingat siya nitong pinangko, saka tiningnan. "Is this okay? Am I making you uncomfortable?"

Umiling siya. "It's okay. Thank you."

Tumango lang si Blake, saka nag-umpisa nang maglakad patungo sa apartment. Tahimik lang ito habang karga-karga siya. At dahil nangangalay na ang leeg niya, ihinilig niya ang ulo sa balikat nito.

"You okay?" he asked while walking.

"Yeah... Sa tingin ko kaya ko nang maglakad," sabi niya para pakawalan na siya nito.

"I don't think so," wika nito.

"But I can—"

"Lucky, be nice and let me carry you."

Humaba ang nguso niya. "I am."

"Be nice to me. I'm carrying you."

Napalabi siya. "Okay."

Hindi na ito nagsalita hanggang sa makarating sila sa harap ng pinto ng apartment niya. Sa wakas ay pinakawalan na siya nito at inalalayan na makatayo.

"See?" She smiled at Blake. "Sabi ko na sa 'yong kaya ko na, eh."

"Alam ko."

"Kung ganoon bakit mo ako kinarga?"

"Gusto ko, eh. May angal ka?"

Umiling si Lucky, saka ipinasok ang susi sa keyhole at pinihit pabukas ang pinto ng apartment niya. "Salamat uli," sabi niya nang makapasok sa loob.

Nanatiling nakatayo sa labas ng pinto si Blake. "Sa susunod, huwag ka nang basta-basta tumutulong sa kahit kanino. At huwag na huwag kang maglalabas ng wallet sa kalye. And stop talking to strangers, will you? Not all strangers are like me, okay?"

Tumango siya kahit alam niyang wala naman itong karapatang pangaralan siya. Pero alam naman niyang para din naman sa kanya ang mga pangaral nito. "Okay," sabi niya.

"Good. Go on. Lock your door."

She nodded and smiled. "Thank you again."

Tumango ang lalaki, saka namulsa at pumasok na sa sarili nitong apartment.

Nakangiting isinara niya ang pinto at ini-lock, saka hinaplos ang dibdib kung nasaan ang puso niya.

She could still feel some lingering pain but she'd live.

Inilabas niya ang gamot sa bag, saka ininom iyon bago pumasok sa kuwarto. Hinubad niya ang damit na suot, saka nagpalit ng pambahay. Cotton shorts at spaghetti strap sando.

"Miss Hart?"

Natigilan si Lucky nang marinig ang boses ni Blake sa may balkonahe.

Agad siyang lumabas at napatitig sa lalaking nakaupo sa railing habang hawak ang glass jar na ibinigay niya rito.

"You need something?"

Blake looked at her, then his eyes dropped to her breasts. He blinked before looking away. "You're not wearing a bra."

Bumaba ang tingin niya sa dibdib at nagkibit-balikat. "Hindi naman malaki 'yong sa 'kin para itago."

He looked at her flatly. "You do realize I'm a male."

Tumango siya. "Yes. And Mommy La says male like big boobies and mine is not really that big so... yeah..."

Parang hindi ito makapaniwalang napatitig sa kanya. "Small or big, it's still a breast. I still like it—" Marahas nitong ipinilig ang ulo. "I mean, men still wants to see it."

Bumaba uli ang tingin ni Lucky sa dibdib niya. "Wala ka namang makikita sa 'kin, maliit nga, eh."

Hindi ito makapaniwalang napailing, saka iniabot sa kanya ang glass jar. "Give me some."

Napangiti siya. "You like gummy bears now?"

"Nope."

"Pero naubos mo," she pointed out.

Blake gave her a deadpan look. "Nakakalimutan mo na bang halos maubos mo 'yan kagabi?"

Napalabi siya. Oo nga pala. "Sige, i-refill ko."

Pumasok si Lucky sa kuwarto pero sa halip na lagyan ng gummy bears ang glass jar na ibinalik ni Blake, kinuha niya ang mas malaking glass jar na nasa study table, saka iyon ang dinala sa balkonahe.

"Are you planing to make me a diabetic?" tanong nito nang makita ang malaking glass jar na dala niya na puno ng gummy bears at gummy worms.

"It's not that sweet," depensa niya.

"It is to me."

Napasimangot siya. "Then no gummy bears for you."

Dumukwang si Blake, saka inagaw ang glass jar sa kanya. "Akin na 'to."

Inirapan niya ito. "Ewan ko sa 'yo. Ang gulo mong kausap."

Umupo na naman ang lalaki sa railing, saka binuksan ang jar at kumain ng isang gummy bear. "I hate sweets."

"Then why eat gummy bear?"

Kumuha ito ng isa, saka inilapit iyon sa bibig niya. "Because someone says that gummy bears can keep negativity away."

Napangiti siya sa sinabi ni Blake bago tinanggap ang gummy bear na isinusubo nito sa kanya. "Naniniwala ka na sa 'kin?"

"Hindi."

Her smile fell. "Why are you so negative?"

A cold smile crept into his lips. "Trust me, if what happened to me, happens to you, you will be negative as well."

That got her curious. "What happened to you?"

"None of your business."

Sa halip na sumama ang loob sa sinabi nito, ngumiti siya. "I know, I was just asking. Okay lang naman kung hindi mo ako sagutin. Just don't be hostile towards me, I mean no harm."

Napatingin ito sa kanya, kapagkuwan ay napabuntong-hininga. "I snapped. Sorry."

"That's okay." Her smile remained. "All people have a story to tell but not all people have the guts to tell their story. Afraid that they might be judged."

"Do you..." Blake looked at her in the eyes. "... Have a story to tell and do you have the guts to tell your story?"

"My story?" She smiled at Blake. "Wala namang interesante sa kuwento ng buhay ko. Half of my life, I lived in the hospital. I was home-schooled because I was too weak to go to school. I don't have a happy childhood." Nanatili ang ngiti sa mga labi niya. "I fought to live."

"What do you mean?"

"I'm a cancer survivor."

Blake looked at her in awe. "You are?"

Tumango si Lucky. "I was ten when I was diagnosed with bone cancer. It hasn't spread, yet it's still painful. But I never asked God to just take me away even when it hurts. I asked him to let me live and experience what life can offer me. He heard my prayer. I got better. But when I was seventeen, it came back again. But God had my back, so I live. But five years after that..." She tapped her heart. "This one started to give up on me... but not me. I won't give up my life just because I keep getting sick. No. My heart will be okay. Ako pa ba. I'm not named Lucky for nothing."

"A survivor," Blake whispered.

She smiled brightly at him. "So don't be negative, okay? Enjoy every second of the day. Look at me, my heart is giving up on me but I'm still fighting because I don't want to die. I want to live. For as long as I can. For my Mommy La and Daddy Lo."

Nag-iwas ng tingin si Blake. He looked ashamed over something and when he looked at her again, he was smiling. "You're right. You're stronger than you look."

She laughed. "I told you I am."

Pinakatitigan siya nito. "You're too nice and too kind, but not that sweet."

Humaba ang nguso niya. "I can be sweet. For your information, I'm sweet to my grandparents."

Blake was still staring intently at her. "Sweet ka rin ba sa boyfriend mo?"

Umiling siya. "NBSB."

Tumaas ang kilay nito. "But you're pretty."

Nagkibit-balikat si Lucky. "Actually, ikaw ang unang lalaking nakita kong nakahubad-baro sa personal at malapitan."

His lips parted. "Oh. So that's why you can't keep your hands to yourself."

Nag-init ang pisngi niya. "Don't blame me. Blame your tattoos. They're pretty."

Umawang ang mga labi niya at napamulagat nang bigla na lang nitong hinubad ang pang-itaas na damit.

"Holy mother of God..." mahina niyang sambit habang nakatingin sa matipuno nitong katawan. "Magdamit ka nga!" Ipinikit niya ang mga mata. "Ginagawa mong makasalanan ang mata ko. Isusumbong kita kay Mommy La."

Blake chuckled. "Don't close your eyes. Keep looking. And if you want to see more, just tell me."

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, saka napatitig sa V-line nito sa may puson.

Good God. This man is so hot. Does he even know how gorgeous and hot he is?

Of course, he did! How couldn't he?

He just have to look at the mirror to see that gorgeous face!

Parang gusto niyang manliit. Her looks was okay, but she wasn't really, really pretty. She was a normal looking woman.

Pero bakit naman siya manliliit? This was what God had given her. She should flaunt it and be proud of it.

"Magdamit ka na," sabi niya kay Blake na hindi tumitingin sa katawan nito kahit gusto niyang tumitig. "Kinakapos ako ng hininga nang dahil sa 'yo."

He laughed and it was the first time she heard and saw him laugh.

"If you want to see a naked man's body up close and personal, come to me," wika nito na parang tinutudyo pa siya. "I'll gladly take my clothes off for you."

Inirapan niya ito. "Liar. Ayaw mo ngang magpahawak sa 'kin noong isang araw. Humakbang ka pa nga paatras."

Blake chuckled while looking at her. "Why do you have to be so adorable?"

"I'm adorable because I'm not pretty."

"Well, beautiful face fades, but GMRC remains."

She frowned. "GMRC? Like good manners and right conduct?"

"Yeah."

Napaisip si Lucky, kapagkuwan ay malapad na ngumiti. "Hey! I have a good manners and right conduct. That's me." She was grinning from ear to ear.

"Yeah." He stared at her. "It's you."

Hindi niya alam kung bakit natutuwa siya. Pero kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Too much happiness could affect her heart.

"Good night," bigla niyang sabi.

Kumunot ang noo ng lalaki. "Maaga pa."

"It's getting cold. Baka magkasakit ako."

Napatango-tango ito. "Okay. Good night. Sweet dreams."

Sweet dreams. Lihim siyang mapait na napangiti. There was no sweet in her dreams. Only nightmares plagued her sleep.

"You too," sabi na lang niya bago pumasok sa kuwarto at isinara ang sliding door ng balkonahe.

Nang makahiga sa kama, nakaramdam si Lucky ng panghihinayang. Gusto pa niyang makausap si Blake. She liked talking to Blake. He made her smile and happy. But too much happiness wasn't advisable.

Too much happiness is bad for my health.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro