Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 22

CHAPTER 22

MABILIS NA INUBOS ni Lucky ang tubig na ibinigay sa kanya ni Blake para makatulong sa kanya na kumalma, pagkatapos ay ibinalik niya ang baso rito. Kapagkuwan ay iniyakap niya ang mga braso sa nakatiklop niyang mga binti at isinubsob sa sariling tuhod ang mukha.

"Galit ka ba?" Boses iyon ni Blake na bakas ang pag-aalala.

Umiling siya, saka nag-angat ng tingin dito. "Pinapakalma ko lang ang sarili ko. Ginulat mo ako, eh."

Blake looked guilty. "Sorry. Sana pala dinahan-dahan kita."

Hindi siya umimik ng ilang segundo bago bumuntong-hininga. "I'm feeling better now."

Parang nakahinga ito nang maluwag. "Thank goodness. Pinag-alala mo ako."

Sinimangutan niya ang lalaki. "Stop shocking me! Maoospital ako nang dahil sa 'yo."

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Blake. "If it's not shocking, then it's not a proposal."

Inirapan niya ito, kapagkuwan ay matamis na ngumiti. "Blakey-baby?"

"Yes?"

"Will you marry me?"

He stilled and didn't move.

Lucky puffed a breath. "See? Ikaw nga na walang sakit, nagulat, ako pa kaya?"

Napakamot ito sa batok, saka kagat ang pang-ibabang labing ngumiti. "Gusto ko lang namang masiguro na hindi mo ako iiwan."

Lucky sighed. "Ganoon ba 'yon? Bakit ang mommy ko at ang asawa niya, kasal naman sila, pero iniwan pa rin niya ang mommy ko?"

Napipilan si Blake.

"Para namang hindi totoo na susi ang kasal para hindi na maghiwalay," dagdag niya, saka nilaro-laro ang sariling mga daliri. "'Yong katrabaho ko nga kasal din siya, pero iniwan pa rin. Sa tingin ko, hindi na 'yon ang basehan ngayon para hindi maghiwalay ang dalawang tao."

"So, you don't want to marry me?" he asked.

She looked at Blake. "I'm sick, Blake. I have a fifty-fifty chance of living. Ano'ng mangyayari sa 'yo kapag nawala ako, 'tapos kasal pa tayo?"

Blake forced a smile on his lips. "Where's my positive gummy bear? Where did she go?"

She smiled sadly. "She's right here. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Being in a relationship with me is hard, I know. But marrying me, it'll be harder. You'll be in pain because of me."

"That's okay." He offered her a reassuring smile. "It's the risk I have to take to be with you. Handa akong masaktan, para sa 'yo."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang pinakatitigan ang kasintahan. Kapagkuwan ay bumuntong-hininga siya, saka tumango. "Why do you want to marry me anyway? Wala namang akong maibibigay sa 'yo. We can't make love because of my heart and I can't give you a child because I'm sick—"

"I want to marry you because I love you, not because of the things you can give to me," putol ni Blake sa iba pa niyang sasabihin.

Niyakap niya ang pinakamalapit na unan sa kanya habang nakatitig pa rin sa lalaki. "Puwede ko bang pag-isipan bago kita sagutin?"

Nag-iwas si Blake ng tingin. "Ayaw mo bang maikasal sa 'kin?"

"Gusto."

"Then say yes."

"Paano kung may mangyari sa 'kin? Ano'ng mangyayari sa 'yo? Blake, it's gonna be painful."

He looked at her. "Ayokong isipin 'yon sa ngayon. You taught me to be positive, kaya naniniwala akong mabubuhay ka nang matagal. Naniniwala akong makakasama kita sa mahaba pang panahon."

She tapped her heart. "I'll only get to enjoy my new life after transplant for five years. After that, I don't know what will happen to me."

Blake smiled but his eyes, they were worried. "There's a man who lived for thirty-three years after his heart transplant. Naniniwala akong kaya mo ring mabuhay nang ganoon katagal."

"And if I only live for five years?"

"Then it will be the best five years of my life."

Doon tumulo ang luha ni Lucky sa huling sinabi ng kasintahan. He was positive. He believed that she'd be okay and it meant so much to her. Alam niya kung gaano kanegatibo ang tingin nito sa mundo.

"And after that?" she asked. "What will you do if I left you and I'm not coming back anymore?"

Nagtagis ang mga bagang nito at kumuyom ang kamay. "Then I'll continue living. Kasi hindi mo magugustuhan kung tatapusin ko ang sarili kong buhay nang dahil sa 'yo. Even if it's hard to live without you, I'll keep going. For you, for Blaze and for everyone who wants me alive."

Lumuluha na tumango siya. "Then yes, I want to marry you, Blake." She smiled even though she was crying. "I want to be Mrs. Vitale for the rest of my life. Just promise me one thing."

"What?"

"Be happy even if I'm gone." They have to face the possibility that their relationship was not all rainbows. "Just be happy... just try."

Umiling si Blake. "Hindi ka mawawala kaya hindi ako mangangako."

"Blake—"

"No. I will not promise that. You'll live. We'll still have our happy ever after." His jaw kept on tightening. "I'm positive."

That put a smile on her face. "Parang nagkabaliktad tayo. I'm being pessimistic now."

"Yes, you are..." Lumuhod ito sa kama at itinukod ang kamay sa kama, saka dumukwang palapit sa kanya. "Why don't you kiss me? For your daily dose of positivity?"

Lucky chuckled. "Hindi ba dapat ang labi ko ang daily dose of positivity mo?"

"Hindi na ngayon. You're so negative." His eyes dropped down at her lips. "Kiss me?"

Napailing siya, saka ginawaran ito ng halik sa mga labi. Masuyo iyon at puno ng pagmamahal.

And when she pulled away, Blake stared at her for a long minute before he took off his necklace with a ring as a pendant.

Lucky stilled when Blake put it around her neck. Titig na titig siya sa lalaki na hinahaplos ang pendant ng kuwintas na nasa leeg na niya ngayon.

"Mom has two rings, she said it's an heirloom from her great grandparents. Siya lang ang nag-iisang apo kaya sa kanya ibinigay ang dalawang singsing," sabi nito habang hinahaplos pa rin ang pendant ng kuwintas. "She's supposed to give the other ring to her husband but she became a single parent to a twin. Kaya ang ginawa niya, ibinigay niya sa amin ni Blaze ang singsing. She said to keep it and only give it to the person we want to spend our life with."

Her eyes watered. "Me?"

Blake nodded and placed a soft kiss on the pendant on her chest before staring at her again. "I don't have an engagement ring with me. I hope this necklace will suffice."

Mabilis siyang tumango. "It's more than enough. Thank you."

Blake smiled at her. "Keep it safe. Kasama ng kuwintas na 'yan ang puso ko. Alagaan mo."

Tumango uli siya, saka ngumiti. "I'll take care of it."

"Thank you," sabi nito, pagkatapos ay tumabi ng upo sa kanya, saka masuyo siyang niyakap. "Alam kong mahirap, siguradong mahihirapan tayo sa mga susunod na buwan o taon pero magkasama naman tayo. Kaya natin 'to."

She smiled and nodded. "Kakayanin."

"That's better." Blake chuckled at her. "My positive gummy bear is back."

Natatawang niyakap niya rin ang lalaki, saka ipinikit ang mga mata. Kapagkuwan ay naramdaman niyang ihiniga siya sa kama ni Blake at pinaunan sa braso nito, saka niyakap siya sa baywang.

Lucky felt at peace. Nagpapasalamat siya na hindi siya basta umalis kanina nang malaman ang pagsisinungaling sa kanya ni Blake.

Now she understood that talking and understanding the situation with your partner was better than just walking away. Hindi niya masisiguro na hindi na mauulit ang sagutan nila ni Blake o ang pag-aaway nila, pero nasisiguro niyang hindi niya ito tatalikuran sa kahit ano ang pangyayari at pagkakataon.

Relationship was not always love, happiness and rainbows, it also had pain and hardships. But she would stick with Blake. Through thick and thin. Whatever happened, she'd be with him.

No matter what. That, I promise.



"NASAAN SI BLAKE?" agad na tanong ni Blaze nang makapasok sa apartment ni Lucky. Then he stilled and looked at her. "Hmm... someone looks happy."

Lucky grinned and showed Blaze her necklace. "Charan! We're engaged!" sabi niya na halata ang excitement sa boses.

Blaze chuckled. "Kaya naman pala masaya ka. O, 'tapos?"

Sinimangutan niya ang bagong dating. "Ewan ko sa 'yo. Huwag mo akong kausapin."

Natawa naman si Blaze. "Binibiro lang kita. Anyway, nasaan ang kakambal ko?"

Itinuro niya ang kuwarto. "Sleeping."

"Hanggang ngayon?"

Tumango siya. "Pagod siya, eh."

Blaze's eyes widened. "Nag-sex na naman kayo?!"

Tiningnan niya ito nang masama. "Hindi, 'no! Bakit ba ang halay-halay mo? Pervert!"

Blaze looked relax all of the sudden. "I'm just worried. Baka maospital ka na naman dahil diyan sa karupokan mo. Teka, bakit ba siya pagod? Nag-MOMOL kayo kagabi?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano 'yon?"

Agad na umiling si Blaze. "Never mind. Bakit siya tulog?"

"Kasi 'di ba kulang siya ng tulog at pahinga noong nasa ospital ako?"

Napatango-tango si Blaze. "Ah, akala ko naman nag-MOMOL kayo." Napailing ito, saka tinungo ang kusina. "May agahan ka na?"

Umiling siya. "Wala pa. nagugutom na nga ako, eh. Hindi naman ako puwedeng magluto kasi maalat. Bawal sa 'kin."

"Gutom na rin ako." Bumaling sa kanya si Blaze habang sapo nito ang tiyan. "Pareho tayong walang talent sa pagluluto." He tsked then grinned. "Takeout?"

Napalabi siya. "Bawal sa 'kin, 'di ba? I have to eat heathy foods."

"Then we'll find you a healthy food. Come on. Iwan natin si Blake para mabaliw sa paghahanap sa 'yo mamaya."

Sinuntok niya ito sa braso. "Gago ka talaga."

Blaze gaped at her. "Wow. Marunong ka palang manuntok with matching gago?"

Inirapan niya ito. "I know it's bad, but you deserve it."

Blaze laughed. "Para kang bata. Hindi na ako magtataka na ma-Bantay Bata ang kapatid ko nang dahil sa 'yo."

"I'm twenty-six!" she hissed.

"Does that supposed to mean anything?" pang-aasar sa kanya ni Blaze.

"I'm not a kid!"

"I know that." Tumatawa pa rin ang loko. "Pero para ka pa ring bata."

Inirapan niya ito, saka umupo sa mesa. Samantalang si Blaze naman ay umupo sa kaharap niyang upuan, saka nagkatinginan sila.

They both pouted when their stomach grumbled.

"Fuck. I'm hungry."

Nangalumbaba siya. "Ako rin."

Ginaya siya ni Blaze, nangalumbaba rin ito. "Gutom na ako. Kagabi pa ako walang kain."

Humaba lang ang nguso niya, saka tumahimik. Ganoon din ang ginawa ni Blaze.

"What the hell are you two doing?" Boses iyon ni Blake na pumukaw sa kanilang dalawa ni Blaze.

Her whole face instantly lit up. "Blakey-baby! I want my breakfast now!"

"Blakey!" Blaze was smiling now. "I want some breakfast!"

Pinaglipat-lipat ni Blake ang tingin sa kanya at kay Blaze. "Ano'ng ginagawa n'yong dalawa?"

"Listening to our stomach's grumble," nakasimangot na sabi ni Blaze, saka sumandal sa likod ng kinauupuan nito. "Fuck, Blakey, I'm hungry!"

"Now who's the kid," bulong niya.

Tiningnan siya nang masama ni Blaze, saka nagsumbong kay Blake. "Narinig mo 'yon? Inaaway niya ako. Ipagtanggol mo ako, Blakey!"

Blake went to her and kissed her on the forehead. "Morning, baby, ano'ng gusto mong agahan?"

Lucky smiled and stuck her tongue out at Blaze. "Mas mahal niya ako kaysa sa 'yo, remember?"

Bumagsak ang mga balikat ni Blaze. "Ang sasama n'yo..." Nagdadrama na naman ito.

Blake tsked and looked at Blaze. "Ano'ng gusto mo?"

Agad na umaliwalas ang mukha ni Blaze. "My usual breakfast."

Napailing na lang si Blake bago nag-umpisang magluto.

At habang naghihintay sila, nagtanong siya kay Blaze. "Nagsinungaling ka rin ba sa 'kin?"

Blaze frowned at her. "When?"

Itinuro niya si Blake na nagluluto, saka pabulong na nagsalita. "He lied to me. He told me last night—"

"I can hear you, Lucky," sabi ni Blake.

Napalabi siya. "Nagsinungaling ka rin ba sa 'kin?" tanong niya kay Blaze.

"Hmm..." Umakto itong nag-iisip. "Not that I know of and I'm not gonna lie to you."

Napatango-tango siya. "Kung ganoon, hindi ka magsisinungaling kung itatanong ko sa 'yo kung sino 'yong tinatawag na weird count ni Blake na siyang nagpapabantay raw sa 'kin?"

Gulat na napatingin si Blaze sa kakambal nito. "Sinabi mo 'yon sa kanya?"

"Yeah," sabi ni Blake na abala sa paghahanda ng ingredients. "It's suffocating me."

Blaze tsked before looking at her. "Well, baby girl, that weird count is Knight. At hindi rin namin alam kung bakit ka niya pinapabantayan."

"Can you take me to him?"

Parehong natigilan ang magkambal, saka napatingin sa kanya.

"Say that again?" sabi ni Blake.

"Take me to him," ulit niya. "Ako ang magtatanong sa kanya. Siguro naman may karapatan akong malaman 'yon?"

Nagkibit-balikat si Blaze. "Yeah, sure."

"Paano kung may malalim siyang dahilan at hindi mo kayanin?" kapagkuwan ay tanong ni Blake sa kanya na may pag-aalala.

Napahawak siya sa pacemaker niya. "I need to know."

"At kung mapaano ka? Kung may mangyaring masama sa 'yo? Paano ako?"

Nilingon niya ang kasintahan. "Blake..."

"I'll ask him for you," sabi ni Blake, saka bumalik sa ginagawa. "He's weird. Baka kung ano pang sabihin niya sa 'yo. Hindi pa naman 'yon nag-iisip bago magsalita. Ayokong mapahamak ka nang dahil sa kanya dahil baka mapatay ko siya. I hate to kill a friend."

Nanlamig ang buong katawan niya sa huling sinabi ni Blake.

"I hate to kill a friend." His voice when he said it, it was damn scary.

"Blakey, chill," sabi ni Blaze kapagkuwan. "Tinatakot mo si Lucky."

Napatingin siya kay Blaze na nakatingin din pala sa kanya. "H-hindi naman ako natatakot."

"You're pale," Blaze pointed out.

Nagbaba siya ng tingin. "Hindi lang ako sanay na makarinig ng ganoon," paliwanag niya. "And he sounds so casual saying it."

"That's Blakey." Blaze smiled. "But I'm sure he doesn't mean it—"

"I mean it," sabi ni Blake na pumutol sa iba pang sasabihin sana ni Blaze. "Kapag may nanakit sa 'yo, papatayin ko."

Napatitig siya kay Blake. Hindi siya sanay nang ganoon. Lumaki siya sa piling ng lolo't lola niya na hindi basta-basta sinasabi ang mga salitang 'yon.

"Don't say that..." sabi niya sa mahinang boses. "You're scaring me."

"Sabi mo hindi na ako magsinungaling sa 'yo," sabi nito. "This is me, not lying to you. This is me being honest. Inaalagaan kita nang sobra-sobra kaya hindi ko matatanggap na may mananakit sa 'yo. Makakapatay ako."

She looked at Blaze.

"Don't look at me." Blaze gave her a loop-sided smile. "I'll kill for you too, and I'm not kidding."

This twin, these men... "I feel so scared and lucky at the same time."

Blaze give out a short laugh. "Huwag kang matakot sa amin. We're here to protect you, but we will also attack if necessary."

"Yes," Blake agreed. "Get used to it. No lies, remember?"

Lucky let out a soft sigh. "I don't know what to say."

"Just smile and be happy," sabi ni Blaze, saka tumingin kay Blake. "Huwag ka nang magpa-cute diyan, magluto ka na."

Tiningnan nang masama ni Blake si Blaze bago ito bumalik sa pagluluto. Siya naman ay nanatiling tahimik habang pinagmamasdan ang kambal.

They were not an ordinary citizen. She realized that now. Pinabantayan siya at si Blake ang inutusan. Why was that? Was it because he was a protector?

Naputol ang pag-iisip ni Lucky nang mag-umpisang maghain sa mesa si Blake. As usual, asikasong-asikaso siya nito habang nag-aagahan.

At mukhang napansin nitong tahimik siya kaya nang matapos silang mag-agahan at tumayo siya, agad din itong tumayo at naglalambing na niyakap siya.

"Natatakot ka pa rin ba sa 'kin?" pabulong nitong tanong habang hinahalik-halikan ang leeg niya.

"I was just thinking..."

He pulled away to look at her. "Thinking about?"

"What you do for a living..." sabi niya, saka tumingin sa mga mata nito. "You were hired to protect me. Bakit ikaw? Maliban sa kaibigan mo ang nag-utos n'on, bakit ikaw ang napili niya?"

"Because I hurt, I kill and I protect people. Depends on what they want me to do," sagot nito.

She blinked at him. "You kill people?"

Blake nodded. "I do."

"Like a bad person?"

"Yes."

Natatakot si Lucky pero hindi naman niya magawang idistansiya ang sarili kay Blake. Ayaw niyang lumayo rito, lalo na nang makita niya ang kislap ng takot at pag-aalala sa mga mata nito.

"Are you scared?" she whispered.

He nodded. "Baka iwan mo ako dahil sa nakaraan ko. I told you last night, my past is not for soft hearted person like you. Iiwan mo ako at matatakot ka kapag nalaman mo ang mga ginawa ko para sa hustisyang hinahanap ko."

Hinawakan niya ang kamay ni Blake na nanlalamig at nanginginig, saka pinisil iyon. "Nangako ako sa sarili ko na hindi kita tatalikuran kahit ano'ng mangyari at sa kahit anong pagkakataon. I'm scared, truly scared. But it's you, my Blakey-baby, just explain it to me. I'll hear you out and I'll try to understand you as much as I could."

Humigpit ang hawak ni Blake sa kamay niya, saka sumulyap kay Blaze na naglalaro sa cell phone. "Blaze," kuha nito sa atensiyon ng kakambal.

Blaze looked up at them and shrugged. "She's a family. Tell her." Tumayo ito, saka namulsa. "Sa sala lang ako. Call me if you need anything."

Nang makaalis si Blaze, masuyong sinapo ni Blake ang mukha niya habang hinahaplos ang pisngi niya. "Your heart... what if you can't take it?"

She give her a reassuring smile. "I'll be okay. Ako pa ba?"

"Are you sure?"

She nodded with a smile. "Yes. I want to know you more, Blakey."

Blake took a deep breath before speaking. "It started when my mom was raped... and murdered..."


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro