CHAPTER 20
CHAPTER 20
NAKATITIG LANG SA KAWALAN si Lucky habang paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang ikinuwento sa kanya ng Mommy La at Daddy Lo niya. Hanggang sa mga sandaling 'yon, hindi pa rin siya makapaniwala na bunga siya ng isang kasalanan.
Mabilis niyang tinuyo ang luha na namalisbis sa pisngi niya nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Blake.
"Baby..."
She smiled brightly for Blake. "Good evening, Blakey-baby," masigla niyang bati rito.
Pinakatitigan siya ni Blake, saka umiling. "It's okay. You don't have to smile for me."
Doon nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Sorry... I was just thinking."
Umupo ito sa gilid ng kinahihigaan niya, saka hinaplos ang pisngi niya. "How's the talk? Okay na ba kayo ng lolo't lola mo?"
Tumango siya, saka huminga nang malalim at nag-iwas ng tingin. "I'm ashamed."
"Why?"
Nakagat ni Lucky ang pang-ibabang labi. "Kasi bunga ako ng isang pagkakamali. Kaya pala hindi ako kayang mahalin ni Mommy kahit ano'ng gawin ko." Nalaglag ang luha sa mga mata niya. "She was a raped victim, Blakey, at ako ang bunga n'on. Kaya galit na galit siya sa 'kin. Kasi ako ang nagpapaalala sa kanya ng araw na kinamumuhian niya."
Blake intertwined their hands. "Don't be ashamed. Hindi mo kasalanan na ipinagbuntis ka. Wala kang kasalanan."
Umiling siya habang namamalibis pa rin ang luha sa mga pisngi niya. "But it was me who made my mother miserable. Ako 'yong dahilan kaya hindi siya masaya. I'm the reason why her husband left her, her happiness and her life, I took it all away. I'm a bad person."
Umusod pa palapit sa kanya si Blake, saka masuyong hinaplos ang pisngi niya at tinuyo iyon dahil sa mga luha niya. "Baby, it wasn't your fault."
"Sinasabi ko iyan sa sarili ko pero bakit ang sakit pa rin?" She took a deep breath to calm herself. "Ang sakit tanggapin na masamang tao ang ama ko. Na sinaktan niya ang mommy ko. Na galing ako sa kanya. Paano kung tama si Mommy?" She looked at Blake. "Paano kung masama rin ako? I'm his flesh and blood, that must've meant something."
Umiling si Blake. "You're a good person, Lucky. Ikaw na ang pinakamabait na taong nakilala ko. You're too nice, too kind and too sweet. Hindi ka masama at hindi ka magiging masama. Trust me, okay?"
Tumango siya, saka suminghot-singhot at ngumiti. "I'll be okay, right? I mean, I can do this, right? Accept who I am?"
Blake dried her tears and kissed her forehead. "You're gonna be okay. Nandito ako."
Napahikbi siya. "Kahit anak ako ng masamang tao, mahal mo pa rin ako?"
Blake smiled. "Oo naman. Pakialam ko naman sa kanya."
Napangiti siya sa huling sinabi nito. "Thank you."
"My pleasure." Blake leaned in to kiss her.
Mabilis niyang tinakpan ang bibig. "No!"
"Bakit?" natatawang tanong nito. "I miss kissing you. Alam mo namang adik ako sa mga labi mo."
Marahas siyang umiling. "No! I'm not clean. My teeth is not clean!"
Tumawa ito. "That's okay. Just let me kiss you. I miss my daily dose of positivity."
Umiling siya uli. "No!"
Pero inilapit pa rin ni Blake ang mga labi sa kanya pero ang likod ng kamay niyang nakatakip sa bibig niya ang hinalikan nito.
"I miss you, baby. Pa-kiss," paglalambing nito.
Umiling si Lucky. "Ayoko."
Blake pressed his forehead against hers as he looked at her. "I love you."
Biglang bumalis ang tibok ng puso niya pero bumalik din iyon sa normal. Hindi katulad ng dati na nagtatagal 'yon at mahirap pakalmahin.
Her lips parted. "I think my pacemaker is working."
Umayos ng upo si Blake pero pinagsalikop naman ang kamay nila. "Bakit? May nararamdaman ka ba?"
Umupo siya, saka pinakiramdaman ang puso niya. "Nang sabihin mong mahal mo ako, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, 'tapos biglang bumalik sa normal." Her lips formed into an "o" as she looked at Blake. "Hindi kaya mawala na ang pagmamahal ko sa 'yo?"
Agad na sumama ang mukha ni Blake. "Don't joke, Lucky."
She chuckled. "Natakot ba kita?" Napalabi siya. "Sorry."
Huminga ito nang malalim, saka napailing. "Huwag ka lang magbibiro nang ganyan. Nakakatakot 'yon."
"Asus..." nangingiting sabi niya, saka umalis ng kama.
"Saan ka pupunta?" maagap na tanong ni Blake sa kanya at inalalayan siya.
Itinuro niya ang banyo. "Doon lang."
"Need assistance?"
Umiling si Lucky. "I can do it. Maayos na ang pakiramdam ko."
Tumango si Blake at hinayaan siyang pumasok sa banyo habang hinahatid siya nito ng tingin. Hila-hila niya ang IV pole na pumasok sa banyo.
Naghilamos siya, saka nag-toothbrush. Nagpapasalamat siya at may dinalang toothbrush ang Mommy La niya para sa kanya. Pagkatapos ay lumabas siya ng banyo at bumalik sa kama.
"I'm ready for a kiss now," masaya niyang sabi pero napakunot ang noo nang makitang nakahiga sa kinahihigaan niya kanina si Blake at nakapikit ang mga mata.
He looks tired.
Umupo siya sa gilid ng kama, saka pinakatitigan ang guwapong mukha ng kasintahan. She was very lucky to have Blake by her side. Kampante siya dahil kasama niya ito roon sa ospital. Pero alam niyang isinasakripisyo nito ang tulog para lang bantayan siya.
Kaya naman ayaw niya itong galawin ngayon dahil baka natutulog ito.
Nakangiting dumukwang siya palapit sa kasintahan, saka masuyong inilapat ang mga labi sa mga labi nito. "I miss you too," bulong niya.
Lucky stilled when Blake's opened his eyes.
"Kiss me again?" ungot nito.
She smiled and pressed her lips against his. Her plan was just a simple kiss, but Blake deepened it. Hinawakan siya nito sa batok at naging mapusok ang halik nito. Sinisipsip ang dila niya, kinakagat ang mga labi niya at tinutudyo ang loob ng bibig niya.
Lucky was panting especially when Blake started caressing her body, down to her thighs as he kissed her fervently.
Napasabunot siya sa buhok ng kasintahan at bahagyang napadaing nang sipsipin na naman nito ang dila niya.
Then someone cleared their throat.
Pareho silang natigilan ni Blake at naghiwalay ang mga labi nila, saka sabay silang napatingin sa pinto.
"Mommy La!" masaya niyang sabi, saka umalis sa kama at hinila ang IV pole niya para salubungin ang lola niya. "Akala ko bukas ka pa babalik."
Nangingiti ito. "I was checking if you're doing fine after what we told you." Nanunudyo ang kislap ng mga mata nito. "But I can see now that you are fine."
Lucky grinned. "Love you, Mommy La."
Napailing ito. "Just know the limits, okay?"
Napalabi siya, saka tumango. Sorry, Mommy La. I already crossed the limit.
"And, Blake?" tawag ni Mommy La sa lalaking nakatayo na ngayon at inaayos ang damit.
"Po?" Kabado ang boses ni Blake.
"Be gentle with my Lucky. You know how fragile she is."
Blake cheeks reddened. "Yes. I know."
"Just kissing, okay?"
Blake looked at her while biting his lower lip. "Yes."
"Thank you, hijo." Kapagkuwan ay humarap sa kanya ang lola niya at masuyong sinapo ang pisngi niya. "Kailangan ko nang umuwi, sweetheart, kasi ipinagbabawal ng doktor namin ang magpuyat. Pero bukas na bukas, nandito ako, okay? Kasama mo naman si Blake kaya hindi ako nag-aalala."
She nodded with a smile. "Love you, Mommy La."
"Love you too, sweetie." Hinalikan siya nito sa pisngi bago umalis.
Nang sumara ang pinto, hinila niya ang IV pole niya at lumapit kay Blake na kagat pa rin ang pang-ibabang labi.
"Do you think she knows that we already did it?" kagat-labi nitong tanong.
"Why are you blushing?" natatawang tanong niya.
"Your Mommy La saw us!"
"So? Hindi naman niya sinabing bawal, ah." Sinapo niya ang mukha ni Blake at natigilan nang maramdamang parang mainit 'yon. "Why is your face hot?"
Nag-iwas ito ng tingin. "Accompanied with cheeks reddening. Fuck!"
Doon siya natawa. "You're so cute. Bakit ang dali mong mamula?"
"I'm not used to this." Ibinalik nito ang tingin sa kanya.
"To what?"
"Relationship. Romance. I love yous and getting caught kissing by your parents."
Lucky laughed. "Nahihiya ka?"
"Malamang!"
Lucky laughed again. "Oh, Blakey-baby, you're making my heart flutter."
Blake shrugged and claimed her lips. She thought it was a soft quick kiss but he slid his tongue inside, earning a groan from her.
"Uhm..." mahina niyang daing habang naghahalikan sila.
"Fuck..." mahinang bulong ni Blake nang gayahin niya ang ginagawa ng dila nito sa bibig niya.
Alam niyang pareho na silang nag-iinit, nararamdaman niya iyon sa mapusok na halik ni Blake kaya naman siya na ang pumutol sa halikan nila.
"My heart..." sabi niya.
He reluctantly nodded. "I know. Sorry."
"It's okay." She gave him a quick peck on the lips before returning to her bed. "Magpahinga ka kaya," suhestiyon niya. "There's dark circles under your eyes. Hindi ka na guwapo."
Hindi ito makapaniwalang napatingin sa kanya. "I'm still handsome, thank you very much."
Umiling siya. "Hindi na sa paningin ko."
"Lucky—"
"Sleep." Itinuro niya ang mahabang sofa na nasa tabi lang ng kama niya. "You need it. Please? Don't make me worry?"
Blake sighed. "Fine. Gisingin mo ako kapag may kailangan ka, okay?"
Tumango siya. "Sleep tight. You need it. I'll be okay. Maayos naman na ang pakiramdam ko, hindi mo kailangang mag-alala sa 'kin."
Tumango lang ang lalaki, saka pabagsak na naupo sa sofa at nahiga roon.
Lucky saw Blake closed his eyes and minutes later, he was snoring softly.
He's that tired!
Napailing na lang siya, saka nanatiling nakaupo sa kama habang nakatingin sa kawalan.
Now that she was alone again, her mind couldn't stop thinking about who her father was. Hindi rin alam ng Mommy La at Daddy Lo niya. Ang alam lang ng mga ito ay hindi nagkaso ang mommy niya dahil ayaw nitong mapahiya. Ayaw nitong malaman ng ibang tao ang kasamaang ginawa rito.
Her mother was scared to be judged by the people around her, so she kept it a secret. Only her mother and her husband knew. And the husband was nowhere to be found as well.
Huminga siya nang malalim. I don't want to meet my father. Sana hindi kami magkita kahit kailan. He hurts my mommy.
Ngayong mas naiintindihan na niya ang mommy niya, mas minahal pa niya ito lalo. Wala siyang pakialam kung pinagbuhatan siya nito ng kamay. Ito pa rin ang mommy niya. She had her reasons like everybody else.
Maybe in a different circumstance, her mom would've loved her. She was a good kid because she wanted to earn her mom's love and it pained her all the time because she didn't love her. Pero ngayon ay alam na niya ang dahilan at naiintindihan na niya.
For her mother to see her every day, it must've been a torture for her. Siya ang nagpapapaala sa naranasan nito.
I caused her pain and suffering. Oh, Mommy, how can I ever make it up to you? Kung buhay ka lang sana, gagawin ko ang lahat patawarin mo lang ako.
Mabilis niyang tinuyo ang luha sa pisngi nang may kumatok sa pinto at bumukas 'yon.
"Blaze."
Natigilan ito nang makita ang mukha niya. "You okay?"
She smiled and nodded. "A lot better."
Kapagkuwan ay napatingin ito kay Blake. "Is he asleep?"
Tumango siya. "'Buti nga nakinig sa 'kin at natulog."
Blaze tsked. "'Tapos sa 'kin hindi nakikinig. Magtatampo na talaga ako."
She chuckled. "Mas mahal niya ako kaysa sa 'yo, remember?"
"I know, I know." Blaze sighed dramatically before walking towards her. "So, how's the heart?"
She softly tapped her pacemaker. "I feel a lot better than before."
"That's good." Umupo ito sa gilid ng kama niya paharap sa kanya. "How are you feeling?"
She smiled. "A lot better too."
Tumango-tango ito. "That's good."
"Duty ka pa rin ba?"
"Nah," sagot nito. "Katatapos lang." He smiled. "So, ahm, how are you and Blake? Kailan ang kasal?"
Inirapan niya ito. "May sakit pa ako. Saka hindi naman ako niyaya ng kasal niyang kakambal mo. And it's too fast if he does. Okay na sa 'kin 'tong boyfriend-girlfriend."
Nanunudyo ang ngiti nito. "Pero kapag niyaya ka niya mga ilang taon mula ngayon, siguradong papayag ka kasi..."
Lucky chuckled. "Kasi marupok ako."
"Tama." Tumawa si Blaze, kapagkuwan ay nag-iwas ng tingin mula sa pagkakatitig sa kanya.
She could see sadness in his eyes.
"Naalala mo ba si Cassie?" tanong niya sa malumanay na boses.
Blaze nodded. "All the time. Hindi ko siya kayang kalimutan kaya kapag tumitingin ako sa 'yo, ewan ko ba, bumibilis ang tibok ng puso ko."
"Maybe because I resemble her in a way?" she said. "Hindi ba sinabi mo 'yon sa 'kin?"
Tumango ito, saka mapaklang tumawa. "I don't even know what this is."
Napatingin siya kay Blake, saka ibinalik ang tingin kay Blaze. "Does Blakey know?"
Blaze nodded. "I told him."
"Ano'ng sabi niya?"
"He'll gut me open if I even dare touch you." Blaze tsked. "I feel loved," puno ng sarkasmo nitong sabi, saka napailing. "Mas mahal ka talaga niya kaysa sa 'kin. Dapat na ba akong magselos?"
Natawa si Lucky at napailing. "That's not true. He loves you, in a very hard way."
Blaze chuckled. "Ouch."
Napailing siya. "You know Blake," sabi niya sa tonong intindihin na lang si Blake dahil ganoon na ito.
"Yeah. I know him and he's only sweet to one person and that's you." Blaze tsked. "Hindi ganoon ang kakambal ko. He's a badass, you know? A hardcore. Kaya nakakatawang makita kapag lumalambot siya sa 'yo. Natutuwa ako."
She took a deep breath while smiling. "I'm lucky then."
"Just like your name?"
She chuckled. "Yeah. Hindi man ako masuwerte sa mga magulang ko, masuwerte naman ako sa umampon sa 'kin. May sakit man ako pero mas nararamdaman ko ang pagmamahal ng mga nakapaligid sa 'kin kaya ayos na lang din. Hindi man ako masuwerte sa ibang bagay, masuwerte naman ako kay Blake at sa 'yo."
He looked stunned. "Me?"
She nodded. "You'd been a very good friend. Kahit hindi mo sinabing maging magkaibigan tayo."
"Oh." Tumawa ito nang mahina. "Hindi naman kailangang sabihin na maging magkaibigan tayo. If we clicked, then we'll be friends. That's it."
"Thank you for being my friend and my brother that I never have."
Pinakatitigan siya ni Blaze, saka umangat ang kamay nito para haplusin ang pisngi niya. "You really look like her." Bumagsak ang kamay nito, saka bumuntong-hininga. "Maybe that's why I'm feeling like this. It's not healthy for me."
Naawa siya kay Blaze. "Gusto mo bang hindi muna tayo magkita para hindi mo na maramdaman 'yan?"
Umiling ito. "Masaya ako kapag nakikita kita, Lucky. Kapag masaya ka, naalala ko si Cassie kapag masaya siya. The way you smile, the way you grin, the way you clap your hands in glee, the way you pout... it's killing me because I know I can't have my Cassie back. 'Yong kahit ano'ng gawin ko, hindi ko na siya makikita uli. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako. It's been so long but I'm still hurting."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang makita ang luha na namalisbis sa pisngi nito.
"I'm sorry," hingi nito ng pasensiya sa kanya at tinuyo ang luha sa pisngi. "Minsan lang ako maglabas ng sama ng loob. Kapag lasing lang."
"Lasing ka ba ngayon?"
Umiling ito at tumingin sa kanya. "I'm comfortable talking to you, maybe that's why."
She smiled. "Nandito lang naman ako kung gusto mo ng kausap, pero..." Itinuro niya si Blake. "Baka saksakin ka niya, kaya mag-ingat ka."
Blaze laughed. "He's always jealous. Mas guwapo kasi ako sa kanya."
Tiningnan niya ito nang masama. "Not true."
He looked at her flatly. "Mas guwapo ako."
"Magkamukha kaya kayo." Inirapan niya ito. "Pero mas guwapo sa 'yo ang Blakey ko."
Bumagsak ang mga balikat nito. "Guwapo kaya ako."
Mahina siyang natawa sa madrama nitong mukha. "Guwapo ka nga pero bakit may tattoo 'yang kabilang pisngi mo na halos kalahati na ng mukha mo? Ang weird kaya niyang tingnan."
"Para walang magkagusto sa 'kin," sagot nito, saka mahinang tumawa. "What do you see in my face?"
"Tribal tattoo?"
"Is it? Tribal?"
Kumunot ang noo niya, saka pinakatitigan ang pisngi nito. Then slowly, she realized that the tribal design was formed into one cursive word.
"Cassie," basa niya.
He smiled softly. "I only belonged to her."
"Then what you feel for me is not real."
He shrugged. "You can still make my heart beats fast."
"Naniniwala akong guni-guni mo lang 'yon," puno ng kumpiyansa niyang sabi. "Hindi 'yon totoo."
Blaze laughed. "Maybe, maybe not."
Tiningnan niya ito nang masama. "Guni-guni mo lang sabi 'yon, eh."
Tumawa lang ito, saka ginulo ang buhok niya. "Pahinga ka na. Kailangan mo 'yon."
She pouted. "Hindi pa ako inaantok, eh."
Napatitig ito sa kanya, saka ngumiti na parang may binabalak. "You wanna play?"
"What play?"
"Snakes and Ladders."
She grinned. "Mayroon ka?"
Inilabas nito ang cell phone, saka may binuksang app. "Here yah go. Let's play?"
She nodded with a wide grin. "Yes. Let's play."
Natatawang umayos ito ng umupo, saka inumpisahan nilang maglaro. Panay ang tampal niya sa braso ni Blaze kapag kinakain siya ng ahas at bumababa siya.
"Ayoko na," reklamo niya. "Bakit palagi akong nakakagat?"
Tumawa ito. "Marupok ka raw kasi."
Huminga si Lucky nang malalim, saka tiningnan ang mga tao niya sa laro. Malapit na siyang manalo pero kapag minalas, kakagatin na naman siya.
She took a deep breath. "Positivity, here I come!"
She rolled the dice.
"Oh my God!" Napatili siya nang manalo siya. "Yey! Yey! Yey!"
Tumawa si Blaze, saka nilingon si Blake na nagising sa ingay niya.
Napalabi siya. "Sorry, Blakey-baby."
Tiningnan nito nang masama si Blaze. "Sabi nang huwag kang lalapit kay Lucky, eh!"
Natawa lang si Blaze, saka ibinalik sa bulsa ng doctor's robe nito ang cell phone at tumayo na. "Sige, alis na ako. I need to sleep."
She waved her hand at him. "Good night, Blaze."
"G'night," sabi nito, saka lumabas ng kuwarto.
Si Blake naman ay bumalik uli sa pagkakahiga sa sofa.
"Blakey-baby, come here," paglalambing niya.
Agad naman itong bumangon, saka naghihikab na umupo sa gilid ng kama. "Yes, baby?"
"Malapad naman ang kama, tabi ka na lang sa 'kin," sabi niya.
Blake smiled happily before lying beside her. Natawa siya nang maingat siya nitong yakapin sa baywang at hinalikan sa tagiliran pati sa gilid ng dibdib niya.
"That's my breast!" she hissed at him.
"So? Maliit naman," he murmured. "Hindi ko maramdaman."
"I thought you enjoyed it?"
"Yeah, I did," wika nito. "But you were naked back then."
"Wala naman akong bra ngayon, gusto mong hawakan?"
Blake stilled and looked at her. "You're kidding, right?"
Umiling siya. "Nope. If it'll help you sleep better."
"Ahm... no, thanks. I'm okay."
"Ayaw mo?"
Tinitigan nito ang dibdib niya. "It's not like that. If I touch your breast, I will be horny and I will not have a good sleep."
Natawa siya. "Kantahan na lang kita, gusto mo?"
"Much better." Umayos ng higa si Blake, saka yumakap uli sa baywang niya.
Siya naman ay masuyong hinaplos ang buhok nito at mukha habang mahinang kumakanta ng "Fix You." At nang makatulog ang lalaki, ipinikit na rin niya ang mga mata para makatulog kung saan dinalaw na naman siya ng isang masamang panaginip.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro