Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

CHAPTER 2

"WHERE THE HELL are you going?" Boses iyon ni Blaze na pumasok sa kuwarto niya at tiningnan ang bag niyang puno ng damit. "Bakit nag-eempake ka?"

"I'm moving," simpleng sagot ni Blake.

Blaze frowned. "Saan? Bakit hindi ka nagsabi? Mag-eempake na rin ako—"

"Hindi ka kasama," sabi niya.

Natigilan ang kakambal niya. "Can you repeat that please?"

Bumuntong-hininga si Blake, saka nakapamaywang na humarap dito. "Hindi ka kasama. Stay here. Babalik din naman ako agad kapag pinalitan na ako ni Velasquez sa pagbabantay kay Miss Hart."

Blaze was eyeing him suspiciously. "May picture ka ba diyan ni Miss Hart? Let me see."

Itinuro niya ang folder na nasa ibabaw ng kama. "Knock yourself out."

Kinuha nito ang folder at binuksan, pagkatapos ay nakangiting tumingin sa kanya. "How's her GMRC?"

"She's kind and nice."

Napatango-tango ito habang nakatingin pa rin sa kanya. "Too nice, too kind and too sweet?"

He looked at Blaze. "Shut it. She's just a job."

Napailing-iling ang kakambal. "Whatever. Just don't come running to me when Cupid hits you hard. Who you ka sa 'kin. Hindi kita kilala."

Napailing si Blake nang lumabas si Blaze sa kuwarto niya.

Isinukbit niya ang bag sa balikat, saka lumabas ng kuwarto. Nang nasa sala na siya, lumabas sa kusina si Blaze, saka naglabas ng ilang libo sa pitaka at iniabot iyon sa kanya.

"Here."

"Para saan 'to?" nagtatakang tanong niya.

"Ipinadala ni Mr. Richard ngayon-ngayon lang."

Si Mr. Richard ang siyang namamahala sa negosyong iniwan nila nang palabasin nilang patay na sila. Pero ang totoo ay siya pa rin ang nasa likod n'on, palihim nga lang, dahil alam ng lahat ay patay na siya. Buwan-buwan itong nagpapadala ng pera sa kanilang magkambal at 'yon ang ginagamit nila sa nakalipas na mga taon—hanggang ngayon.

"Okay." Inilagay niya sa bulsa ang pera, saka ihinagis dito ang susi ng sasakyan niya. "Keep it. I'll be undercover so I'm taking a cab."

"Sure. Send me your new address, I'll visit you."

"No need—"

"I'll bring some grilled meat."

"Sige, text ko sa 'yo mamaya."

Natawa na lang ang kakambal niya, saka hinatid siya ng tingin palabas ng bahay.

Ilang minuto rin siyang nag-abang ng taxi bago may dumaan at nagpahatid siya sa bago niyang tutuluyan.

Sa may grocery store siya nagpatigil, saka namili ng mga kakailanganin niya sa loob ng ilang araw bago naglakad patungo sa apartment na inupahan niya.

Nang makapasok sa apartment, maliit lang 'yon pero puwede na. Maaliwalas naman at kompleto sa kagamitan. At nang pumasok siya sa kuwarto, binuksan niya ang sliding door at lumabas sa balkonahe.

Napatingin si Blake sa katabing balkonahe.

Must be that woman's balcony.

Umalis siya sa balkonahe, saka pabagsak na humiga sa kama.

This apartment was occupied. He had to pay the owner to move for the whole month. Hindi naman siya magtatagal doon. Ilang araw lang o kaya isang linggo. Papalitan din naman siya kapag may iba nang magbabantay sa babae.

Ipinikit ni Blake ang mga mata pero agad ding iminulat iyon nang biglang pumasok sa isip niya ang walang buhay na katawan ni Calle na nakatali sa lubid.

Fuck!

Akmang aalis siya ng kuwarto nang makarinig ng mga yabag sa katabing apartment.

Blake looked at his wristwatch. Five PM. Mukhang nakauwi na ang kapitbahay niya. The walls were thin... he could clearly hear Miss Hart from the other side.

Isinandal niya ang likod sa dingding, saka ipinikit ang mga mata habang pinapakinggan ang galaw nito sa kabila.

She took off her shoes, dropped something on the floor... maybe her bag, and then he heard the squeaking of the mattress.

She's lying down on her bed.

Blake didn't move. Kahit wala siyang naririnig sa kabila, nanatili siyang nakikinig.

After a long minute, he heard a movement from Miss Hart's room. Parang umalis ito sa kama, saka naglakad. Kung tama ang pagkakarinig niya, nasa balkonahe ito ngayon.

Blake sighed and opened his eyes. He could still hear her and he couldn't stop listening to her movements. Hindi niya alam kung bakit kumakalma siya kapag naririnig na gumagalaw ito.

And from her balcony, he heard a soft strumming of guitar. Then a soft voice filled his ear as she sang really slowly.

I'm not a stranger to the dark

Hideaway, they say

'Cause we don't want your broken parts

I've learned to be ashamed of all my scars

Run away, they say

No one will love you as you are

Miss Hart stopped singing and he heard a soft sob.

She's crying!

Umalis si Blake sa kama at akmang lalabas sa balkonahe pero natigilan siya. Ano ang sasabihin niya rito? She didn't even know him.

When the sharpest words wanna cut me down

I'm gonna send a flood, gonna drown 'em out

He could hear pain in her voice.

I am brave

I am bruised

I am who I'm meant to be

This is me.

Tumigil ito sa pagkanta at narinig na naman niya ang mahina nitong paghikbi. "You can get through this," pagkausap nito sa sarili habang mahinang humihikbi. "You're Lucky. You'll be okay. You'll be okay... think of Mommy La and Daddy Lo. I can get through this... I can do this."

Napamura si Blake nang matagpuan niya ang sarili sa balkonahe.

"Hey."

Agad na tumingin sa kanya si Miss Hart at mabilis na tinuyo ang mga luha, saka ngumiti. Agad na nawala ang bakas ng pag-iyak nito habang nakangiti sa kanya.

"Oh, it's you, Mr. Negative..." Then her lips formed into an "o." "Nasaan si Mrs. Fuentes?"

Namulsa siya. "She's on vacation."

"Are you her relative?"

"You could say that," he lied. "Nephew."

"Ah." Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa stool, saka nagpaalam na sa kanya. "Sige, pasok na ako sa loob. Have a good night."

Tumango si Blake at pinagmasdan ang babae na pumasok sa loob ng kuwarto nito. Akmang papasok na rin siya sa kuwarto nang bigla itong bumalik sa balkonahe, saka may iniabot sa kanyang glass jar.

"Here."

Kinunutan niya ng noo ang hawak nito. "Are those..."

She smiled. There's that smile again. Tuluyan nang naglaho ang bakas ng pag-iyak nito. "It's gummy bears and gummy worms," sabi nito na nakangiti pa rin sa kanya. "Eat one every time you think negatively. It helps."

Nang hindi niya tinanggap ang jar, binuksan nito iyon, saka kumuha roon ng isang gummy bear at inilapit sa bibig niya. "One gummy bear a day will keep negativity away."

Just like yesterday, he found himself opening his mouth and accepting the gummy bear.

She had that bright smile again. "O, sa 'yo na 'to," sabi nito, sabay abot ng glass jar sa kanya. "Kapag naubos mo na, ibalik mo sa 'kin at re-refill-lan kita."

Tinanggap niya iyon, saka kinunutan ito ng noo. "Ganoon ba karami ang gummy bears at gummy worms mo?"

"I have tons," sabi nito habang nakangiti. "So don't be negative anymore, it's bad for your health."

"I don't think these gummy bears..." Tiningnan niya ang glass jar na puno ng gummy bears. "Can erase all the negativity in the world."

"But it's a start." She smiled brightly at him once again before leaving the balcony.

Bumaba ang tingin ni Blake sa glass jar na hawak.

Gummy bears, huh.

Pumasok siya sa kuwarto, saka inilapag ang glass jar sa study table. Bumalik siya sa pagkakahiga sa kama.

He didn't know what to think of Lucky Hart. She was depressed but she had a positive view of the world.

Napatingin siya sa gummy bears na nasa glass jar.

"One gummy bear a day will keep the negativity away."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya, saka bumangon at kinuha ang glass jar. Binuksan niya iyon at kumuha siya ng isang gummy bear.



HUMABA ANG NGUSO ni Lucky nang mapansing marami pa siyang caldereta. Masasayang lang iyon sigurado kasi nabigyan na niya ang mga bata. Wala nang kakain n'on bukod sa kanya at hindi niya kayang ubusin lahat 'yon.

Dinamihan niya ang niluto kasi balak niyang bigyan si Mrs. Fuentes kaya lang ay wala naman pala ito.

"Oh, that's right." Mrs. Fuentes' nephew. Siya na lang kaya ang bigyan ko? "Hmm..."

Mabilis siyang naglagay ng caldereta sa Tupperware, saka lumabas ng apartment at kumatok sa katabing apartment.

Ilang segundo ang lumipas bago bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang hubad-barong pamangkin ni Mrs. Fuentes.

Her lips actually parted when she saw his body with tattoos. Iyon ang unang beses na nakakita siya ng lalaking nakahubad-baro sa personal at malapitan pa.

Naglakbay ang mga mata niya sa tattoo nito mula puson, pataas sa abs nito, sa dibdib, hanggang dumako ang tingin niya sa mga braso nito.

She rolled her tongue over her dry lips and gulped. She had always been fascinated by intricate tattoos. Parang naka-emboss ang tattoo nito. Parang iginuhit iyon sa balat nito para mapansin ng lahat.

Some were tribal, roses and thorns, a sword with skeletal handle and some were things she didn't understand but she was amazed at how beautiful it was made.

She couldn't help herself. Itinaas niya ang kamay, saka hinaplos ang tattoo nito. Para siyang nagising sa ginagawa nang bahagyang umatras ang lalaki sa kanya.

"I-I'm so sorry," mabilis niyang sabi. "I didn't mean to—I mean, I mean to but not really— I'm really sorry..."

He remained silent.

Lucky wanted to trail her fingers on his tats again but stopped herself.

Tattoos look dirty on the skin but why does it look so good and so hot on this man?

She really couldn't stop herself. She raised her hand again to touch his tattoos, but he took a step back. He didn't want to be touched. She got it.

"Sorry," hingi niya ng pasensiya sa lalaki. "It's just... it's really pretty." Nakagat niya ang pang-itaas na labi nang makitang pinagmamasdan din siya nito habang pinagmamasdan niya ang katawan nito.

My first time seeing a half-naked man and it's embarrassing yet interesting at the same time.

"Ahm..." Itinaas niya ang Tupperware na dala. Nakalimutan niyang iyon ang pakay niya roon. Hindi niya tuloy maalala kung ano ang ginagawa niya sa labas ng pinto ng apartment nito. "Kunin mo na."

"Come on in." 'Yon ang sinabi nito sa halip na tanggapin ang iniaabot niyang Tupperware at tinalikuran siya.

Lucky blinked and stared at the man's back. Tama nga siya, may tattoo rin ito sa likod. She was fascinated at how beautiful it looked, how it complimented his skin and his body.

Sumunod siya sa lalaki papasok at itinaas uli ang kamay para haplusin ang tattoo nito na parang naka-emboss sa paningin niya.

She stilled when he stilled.

Akmang babawiin niya ang kamay dahil alam niyang ayaw nitong magpahawak pero nanatili itong nakatayo at hindi gumalaw.

It was like he was giving her a silent go signal to touch him.

And she did.

The tip of her finger trailed his tattoos. Tribal designs mostly. A gun hanged by a rope. Some languages she didn't understand and some medieval-like designs on his torso. Siguradong hindi basta-basta ang oras na inilaan ng gumawa n'on para sa mga tattoo nito.

"Your tattoos are pretty."

He looked at her over his shoulder. "You done?"

Nahihiyang tumango si Lucky, saka ngumiti. "Sorry. I was just fascinated by how good it looks on you."

Tumango lang ito bago malalaki ang hakbang na kinuha ang T-shirt na nasa sofa, saka mabilis na isinuot iyon. Humarap ito sa kanya, kapagkuwan ay bumaba ang tingin sa hawak niyang Tupperware. "What's that?"

Bumaba ang tingin niya sa hawak at napangiwi nang maalala ang talagang pakay niya sa lalaki. "Oh, God, I totally forgot." Iniabot niya iyon dito. "It's for Mrs. Fuentes, pero wala naman siya rito kaya sa 'yo na lang." Nginitian niya ito. "Masisira lang kasi siya. Sayang naman."

Lumapit ito sa kanya, saka tinanggap ang Tupperware. "Masarap ba 'to?"

She gave him a sheepish smile. "I actually don't know... Pero parang oo."

Parang pinipigil nito ang mapangiti sa sagot niya. "Kung ganoon saluhan mo akong kumain, para malaman mo agad kung hindi masarap."

Napalabi si Lucky. "Bakit parang tinatakot mo ako?"

"Truth is scary."

"That's true." Bumuntong-hininga siya. "Sige na nga, sasaluhan na kita. But let me introduce myself first." Inilahad niya ang kamay rito. "Lucky Hart."

Hindi nito tinanggap ang pakikipagkamay niya pero nagpakilala pa rin. "Blake Vitale."

Kumunot ang noo niya. "Bakit hindi ka kaapelyido ni Mrs. Fuentes?"

Nakita niyang natigilan ito bago sumagot. "She's my aunt from my mother's side."

"Ah." Napatango-tango siya, saka sinundan ito sa kusina.

Habang inililipat ni Blake ang caldereta sa pinggan, kinuha ni Lucky at binuksan ang glass jar na ibinigay niya rito kanina na nasa island counter. Kumuha siya ng gummy worm, saka kinain 'yon. Habang ngumunguya ng gummy worm, pinagmamasdan niya si Blake na naghahain sa mesa.

"Let's eat," sabi nito.

Ipinakita niya ang hawak na glass jar. "Okay na sa 'kin 'to. Hindi pa ako nagugutom."

Nagkibit-balikat lang ito, saka umupo na at kumain.

"Masarap ba?" tanong niya nang makailang subo na ito ng niluto niya.

He looked at her. "Puwede na."

Nalukot ang mukha niya. "So hindi masarap?"

"Puwede na nga."

Sinimangutan niya ito. "Hindi ako tumatanggap ng puwede na. It's either masarap o hindi."

Napatigil ito sa pagkain, saka napatitig sa kanya. "Bakit parang galit ka?"

Naiinis na umupo siya sa kaharap ng upuan nito. "Kasi naman, eh. Sabihin mo na lang kung masarap o hindi."

"Kung sabihin kung hindi, ano'ng gagawin mo?"

Tiningnan niya si Blake nang masama. "Hindi na kita bibigyan ng ulam."

"Then, it's delicious."

Sa halip na maging masaya, mas sumama ang loob niya. "Napipilitan ka lang, eh!"

Blake stared at her, amusement dancing in his eyes. "Bakit nagpapadyak ka diyan? Para kang bata."

"Pinaghirapan ko 'yan, eh." Ang haba ng nguso niya. "Masarap naman 'yan."

"Masarap nga."

"Bakit parang napipilitan ka?" usisa niya rito.

"Masarap nga," ulit nito, saka kumain uli.

Tiningnan niya nang masama si Blake ng ilang segundo bago bumagsak ang mga balikat niya at masama ang loob na kumain na lang ng gummy bears at gummy worms.

"Nang magluto rin ako sa bahay, sabi ni Mommy La, okay lang. Hindi niya sinabing masarap. Pati si Daddy Lo. Kapag binibigyan ko rin si Mrs. Fuentes, kapag tinatanong ko siya kung masarap, ngumingiti lang siya. 'Yong mga bata lang sa labas ang nakaka-appreciate sa luto ko. Bakit ganoon?" Sinapo niya ang magkabilang pisngi at ipinatong ang siko sa gilid ng mesa. "I cooked it with all my heart. With love and care. Bakit hindi pa rin sapat? Bakit hindi pa rin masarap?"

"It's a bit salty."

Natigilan siya sa pagdadrama, saka tumingin sa niluto niyang caldereta. "Talaga? Bakit hindi naman maalat sa 'kin?"

"We have different tastebuds."

Lalong sumama ang mukha niya. "So magkakapareho kayo ng tastesbuds nina Mommy La, Daddy Lo, Mrs. Fuentes at ikaw? 'Tapos ako lang ang iba?"

"Kinda."

Sinimangutan niya ito. "Ang haba-haba ng sinasabi ko, ang ikli-ikli ng sagot mo."

"I have nothing to say."

Bumuga si Lucky ng marahas na hininga. "Magluluto ako bukas ng adobong manok, 'tapos ipapatikim ko sa 'yo kung masarap. Kapag sinabi mo pang maalat, ayoko na talaga. Hindi na ako magluluto."

"Okay."

Tiningnan niya nang masama si Blake. "Maikli na naman ang sagot mo."

"I'm eating."

Napalabi siya. "Sorry. Eat well."

"It's salty."

Ibinuhos na lang niya sa pagkain ng gummy bears ang sama ng loob dahil hindi pala talaga masarap ang luto niya.

"That's mine," sabi nito na tinutukoy ang gummy bears na kinakain niya.

"I'll refill you," sagot niya sa mahinang boses. "Maybe I should take a cooking lesson? Pero wala na akong oras. May trabaho pa ako na kailangang asikasuhin. 'Tapos may mga bata pa akong inaasikaso. Pero kung gugustuhin ko, puwede naman siguro. I just have to manage my time—"

"I'll teach you."

Napatigil siya sa pagnguya, saka napatitig sa lalaki. "You can cook?"

"Yeah."

"Nakakahiya..." mahina niyang sabi, saka tiningnan ang caldereta na dala na malapit nang maubos. "Hindi na sana kita binigyan. Maalat ba talaga?"

"Yes."

He was brutally honest. "It's that bad?"

"Kinda."

"Bakit kinakain mo pa rin?"

"For your effort."

Bumagsak ang mga balikat niya. "Thank you for eating my effort."

He was biting back a smile. "Your effort tastes bad."

Lalong bumagsak ang mga balikat niya. "I'll do better next time."

"Paano kung pangit pa rin ang lasa?"

"Then I'll do my very best next time."

"You won't give up?"

Umiling si Lucky. "Nope. Gagaling din ako sa pagluluto, 'tapos sasabihin mong masarap na akong magluto."

"Okay."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Wala man lang pampalakas ng loob?"

"Kahit naman palakasin ko ang loob mo kung hindi mo gagawin, wala pa ring mangyayari."

Natigilan siya at napatitig kay Blake. Simple lang ang sinabi nito pero napakalalim n'on para sa kanya. Parang may pinanggagalingan.

"Pinapalakas palagi nina Mommy La at Daddy Lo ang loob ako at hindi pa sila na-disappoint sa 'kin." She smiled at Blake. "Don't worry, I won't disappoint you as well. I'll be a good student."

Ilang segundo siyang pinakatitigan ni Blake bago ito tumango. "I'll hold on to that."

Her smile brightened even more. "Thank you."

"Don't smile at me like that," sabi nito na ikinatigil niya, "I don't like it."

Her smile fell. "Sorry."

"You should go."

Ibinalik ni Lucky ang takip ng glass jar, saka tumayo at nagpaalam na. "Sige, aalis na ako."

Nang makalabas siya ng apartment nito at makalipat sa kanya, natigilan siya sa pagpunta sa kuwarto nang may kumatok sa pinto.

Agad niyang binuksan 'yon. It was Blake. "Yes?"

"Huwag mong basta-basta bubuksan ang pinto mo," wika nito sa walang emosyong boses.

"Sige," mahina ang boses niyang sagot. "May kailangan ka pa?"

"I just want to apologize."

Kumunot ang noo ni Lucky. "Para saan?"

"I lied. I like your smile."

Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya. "Have you been eating gummy bears?"

"Yes."

She chuckled. "Good night, Blake."

"Good night."

She smiled at him one last time before closing and locking the door. Pero kahit nakasara na ang pinto, nanatili pa rin siyang nakatayo sa harap n'on habang nakangiti.

He likes my smile.

Mahina siyang natawa, saka tinawagan ang lola niya. "I finally found a man who likes my smile, Mommy La."

"Do tell, sweetheart." Nasa boses nito ang galak sa ibinalita niya. "Ano'ng pangalan niya?"

"His name is Blake Vitale. And he's my neighbor."


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro