Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

CHAPTER 18

"KASALANAN MONG LAHAT!" sigaw ng ina ni Lucky sa kanya. "Dahil sa 'yo nasira ang buhay ko! Dahil sa 'yo nagkaganito ako! Sana namatay ka na lang! Hindi kita kailangan! Ayoko sa 'yo!"

Nakatingin lang si Lucky sa kanyang ina habang hilam ng mga luha sa mga mata. Sanay na siyang naririnig iyon, pero bakit masakit pa rin? Bakit parang may kung anong dumudurog sa bata niyang puso sa naririnig?

Mahina siyang napahikbi nang itutok nito sa kanya ang baril na hawak.

"Papatayin kita. Papatayin kitang salot ka!" sigaw nito.

Hindi siya kumibo at hindi umimik. Lasing na naman ang mommy niya at hindi na bago sa kanya ang ginagawa nito.

Nanatili lang siyang nakatingin sa ina. Kung itutuloy man nito ang gusto nito, dapat nakatingin siya para ito ang huli niyang makita bago siya mawala. Gusto niyang ang mommy niya ang huling taong makikita niya.

"Mommy, sana kapag namatay ako, maging masaya ka na," sabi niya sa ina na nanginginig ang kamay habang itinututok ang baril sa kanya. "Sana ngumiti ka na. Sana tawagin mo na akong 'baby' kasi ganoon ang tawag ng mga nanay ng mga kaklase ko sa kanila."

Bumaba ang kamay nito na may dalang baril, saka lumapit sa kanya at lumuhod para magpantay ang mukha nila. "Ayoko sa 'yo. Hindi kita ginusto kahit kailan," sabi nito sa mahinang boses pero tumatagos 'yon sa kanya. "Walang magmamahal sa 'yo dahil galing ka sa kasamaan. You're not my baby. You're a demon spawn, you are made to make me suffer. At ayoko nang makita ang pagmumukha mo. Sawang-sawa na ako sa 'yo."

Humikbi siya. "I love you, Mommy. Kahit hindi mo ako love, okay lang."

Umiling ito. "I will never be okay because of you. Hawakan mo 'to," utos nito sa kanya habang pilit na pinapahawakan sa kanya ang baril.

"No, Mommy, no—"

"Hawakan mo!" singhal sa kanya ng ina.

At dahil takot siyang mapalo ng sinturon, sinunod niya ang utos nito. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya iyon habang iginigiya ng mommy niya kung saan dapat itutok ang baril.

Umiiling na umiiyak si Lucky nang iginiya nito padiin ang dulo ng baril sa noo nito. "Mommy... this is bad..." umiiyak na sabi niya. "No, Mommy... no..."

"It's not," wika nito. "Gusto mo akong maging masaya? End my suffering already! Do it!"

Marahas siyang umiling. "No, Mommy! No! No! Please don't! No!"

Humigpit ang hawak ng mommy niya sa kamay niya at sa daliri niya na nasa gatilyo ng baril. Pilit niyang inaalis ang daliri pero mas malakas ang kanyang ina.

"No... Mommy... No! No! Mommy, don't! No, Mommy! It's bad! It's bad!"

"Just do it! Galing ka sa ama mo kaya siguradong masama ka rin!"

"No, Mommy, no!"

Panay ang pagpupumiglas ni Lucky para pakawalan ng mommy niya ang kamay niyang nakahawak sa baril. Pilit niyang hinihila ang kamay para hindi ito masaktan. At sa kagustuhan niyang makawala, aksidente niyang nasagi ang gatilyo at nakarinig siya ng malakas na putok.

"Lucky? Lucky!"

Humahangos na napabalikwas si Lucky habang habol ang hininga. Nasapo niya ang dibdib nang maramdamang naninikip iyon habang paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang napanaginipan.

"M-Mommy... n-no..."

Naramdaman niya ang masuyong pagyakap sa kanya ni Blake na siyang gumising sa kanya sa bangungot na niya. "Baby, are you okay?"

"Hindi 'yon totoo." Napadaing siya nang sumakit ang dibdib niya habang pilit na iwinawaksi sa isip ang napanaginipan. "M-Mommy La s-says M-Mommy is still a... li... ve..."

"Baby, calm down." Niyakap siya ni Blake. "It's just a dream. Just a dream, baby."

Pilit niyang pinapakalma ang tibok ng puso at hinahabol ang paghinga. Pilit niyang sinasabi sa sarili na panaginip lang 'yon pero malinaw na malinaw 'yon sa isip niya. Iyon ang unang beses na napanaginipan niya iyon pero napakalinaw na parang totoo ngang nangayari 'yon!

Napahawak siya sa balikat ni Blake nang lalo siyang hindi makahinga. "C-can't b-bre...athe!"

Mabilis siya nitong kinarga. "Blaze! The car!" sigaw nito habang tumatakbo at karga siya.

Napahawak si Lucky sa dibdib at sa leeg niya nang hindi na siya makahinga kahit kaunting hangin lang. Nagdidilim na ang paningin niya at nawawalan siya nang lakas.

"B...l...a...ke..."

"I'm here, baby," alo nito sa kanya sa nanginginig na boses. "I'm taking you to the hospital now. I'm just here. I'm here. Right here, baby. Hindi kita iiwan."

Umiling siya habang habol ang kahit pinakakaunting hininga na pumapasok sa baga niya. "I...l...ov...e...y—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay

MAHIGPIT ANG HAWAK ni Blake sa kamay ni Lucky habang nakaratay ito sa ICU. Magdadalawang araw na itong walang malay mula nang magising sa isang masamang panaginip.

Wala pa siyang tulog, wala pa siyang mabuting kain, hindi siya umalis sa tabi ni Lucky kahit ano ang sabihin ni Axel at ng kakambal niya.

Lucky needed him! If she woke up and he was not around, she might feel alone and feel bad.

"Please, wake up, baby," he begged as hold Lucky's hand. "Don't scare me like this. Don't... alam mo namang madali akong matakot pagdating sa 'yo. Don't do this to me, please. Don't leave me. Gagawin ko lahat huwag mo lang akong iwan. Please, baby, open your eyes for me."

But she didn't wake up.

Hinalikan niya ang likod ng kamay ng babae, saka hinaplos ang noo at buhok nito. "Baby, sabi mo lalaban ka para sa 'kin, 'di ba? Heto na 'yon. Lumaban ka na," bulong niya pero wala pa rin.

"Blake." Boses iyon ng kakambal niya. "This is the ICU. Hindi ka puwedeng magtagal dito. Halos dalawang araw ka nang walang tulog, magpahinga ka naman."

Umiling siya. "Hindi ako makakatulog nang maayos hangga't hindi siya nagigising."

"Blake—"

"Nagiging kami pa nga lang, 'tapos ganito na." Tumulo ang isang butil ng luha sa gilid ng mga mata niya. "Magkatabi pa kaming natulog, nagkausap pa nga kami, binibiro ko pa siya bago kami natulog. Yakap ko lang siya, 'tapos... 'tapos... tapos..."

Tinapik ni Blaze ang balikat niya. "There's a possibility that she can hear you. Hindi makakatulong sa kanya kung maririnig ka niyang ganito."

Tinuyo niya ang luha na nahulog sa pisngi niya, saka hinarap ang kakambal. "Ano'ng sabi ni Axel? Bakit ikaw ang nandito?"

"He has a patient—"

"His patient is Lucky!" Kumuyom ang kamay niya. "Dapat kay Lucky lang naka-focus ang atensyon niya!"

"Blake." Blaze sighed. "Walang magagawa sa ngayon si Axel. She's in need of a heart transplant at hanggang ngayon, wala pa rin tayong mahanap."

"Use mine," walang pag-aalinlangan niyang sabi.

Namilog ang mga mata ng kakambal. "No. No! No!"

"Not now," paliwanag niya. "She's still alive and, ahm, she will still wake up. That's what Axel said. Hindi niya lang alam kung kailan. But if worse comes to worse, if Lucky really, really needs a heart and there's still no donor, use mine."

Marahas na umiling ang kakambal niya. "No. Hindi ako papayag."

"Blaze," he begged. "Please? If something bad happens to Lucky, do you think I'll survive?"

"Blake..." May diin ang boses nito. "You survived the first one—"

"This is different." Itinuro niya si Lucky. "That woman, she gave me purpose, she gave me back my life and my happiness and my present. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa 'kin."

Nagbaba ng tingin si Blaze. "Paano ako na iiwan mo? Paano siya?" Tumingin ito kay Lucky. "Sa tingin mo matutuwa siya sa gagawin mo? Hindi. Hindi ako papayag dahil alam kung hindi rin papayag si Lucky. The moment she wakes up, sasabihin ko 'tong kabaliwan mo sa kanya!"

"I just want her to be okay..."

"She will be." Blaze jaw tightened. "Kailangan lang nating maghintay nang kaunti pa. Nakausap na ni Axel ang Mommy La ni Lucky. Pauwi na raw sila galing UK."

"Do they have a heart?" he asked in a hopeful voice.

Nag-iwas ito ng tingin. "I don't know—"

"That means no, they don't have one."

Blaze sighed. "Hindi ganoon kadaling maghanap ng donor."

"Exactly my point! Last option. My heart."

"It's a no!" Blaze hissed at him. "Lucky would never approve. You'll hurt her. Sa tingin mo gugustuhin niyang mabuhay kung buhay mo naman ang kapalit? Mag-isip ka nga! Don't be irrational! Lucky will be okay. She said she will be, so believe in her."

Tumingala si Blake sa kisame habang ikinukurap-kurap ang mga mata. "I just want her to be okay, is that so bad?"

"No, but if you'll sacrifice your heart for her, then yes, it's bad." Napailing si Blaze. "We'll find another way. Don't worry."

"But I love her," bulong niya, "and I'm scared."

"I w-want your h-heart, Blakey-b-baby, b-but n-not that w-way..."

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses ni Lucky. Agad niyang nilingon ang kasintahan at para siyang nakahinga nang maluwag nang makita itong gising na.

"Baby!"

"I'll go get Axel," mabilis na sabi ni Blaze at nagmamadaling lumabas ng ICU.

"Baby..." Hinawakan niya ang kamay nito habang hinahaplos ang pisngi nito. "How are you feeling? Are you okay? You made me worry..."

Umiling ito habang nanunubig ang mga mata. "I d-don't w-want your h...ea...rt." Kahit nahihirapan ay nagsasalita pa rin ito. "Just l-lo...ve m-me... e-enou...gh... no... p-please d-don't."

Hinalikan niya ito sa noo at pilit na ipinapakita ritong matapang siya, na hindi siya apektado sa lagay nito. "Baby, you know I love you. Hindi ba sinabi ko na 'yon sa 'yo. I love you. At hindi kita pababayaan—"

Tumulo ang luha nito.

"Sshh... don't cry." Agad niyang tinuyo ang luha sa pisngi nito.

"D-don't... do...n't..."

His heart was aching. "Baby..."

"L-love your...s-sel...f, p-please?" she begged. "I'll b-be o...k-kay."

"Move, Blake." Boses iyon ni Axel na parang nagmamadali.

Nang hindi siya gumalaw, hinila siya palayo ni Blaze dahilan para mabitawan niya ang kamay ni Lucky. Hindi niya maalis ang tingin sa kasintahan na namumutla pa rin habang nakatingin sa kanya. She looked so tired and very sick.

"Baby..."

She tried to smile at him. "I-I'm oka...ay."

Kinusot niya ang mga mata para hindi nito makita ang panghihina niya habang nakatingin dito. Parang may sumakal sa puso niya nang makitang pumikit na naman ang mga mata nito.

Worry consumed him. "Lucky—"

"She's just resting," sabi ni Axel habang sinusuri pa rin nito si Lucky.

Napasabunot si Blake sa sariling buhok, saka tumalikod kay Lucky nang maramdaman niyang nanunubig ang mga mata niya. "Fuck... fuck... fuck..."

Tinapik ni Blaze ang balikat niya. "Pull yourself together. Kapag nakita ka niyang nahihirapan, she will feel bad. Makakaapekto 'yon sa kanya."

Tumango siya, saka pilit na pinakalma ang sarili bago humarap uli kay Lucky na nakatingin sa kanya. He offered her a smile. "Hey, baby."

She smiled back. But it was not as bright as it was used to be. "B-Blak...key-b-baby."

"Feeling okay?" he asked, his voice slightly trembling.

She nodded weakly. He knew she was not okay. She was trying to be positive again, for the people around her to stop worrying. That was his Lucky.

He nodded back. "You're gonna be okay, baby, okay?

Her eyes closed again, making him worried and panicked.

"Lucky—"

"She needs to rest," sabi ni Axel nang humarap sa kanya.

"Wala bang gagawin sa kanya?" Kumuyom ang kamay niya. "I mean, can you do something to make her better? N-not like this."

"I'm just waiting for her grandparents to arrive," sabi ni Axel sa mahinang boses. "Since she's unable, kailangan ng consent ng lola niya para malagyan ko siya ng pacemaker habang naghihintay ng heart donor. It's not gonna cure her but it can make her feel better and survive a little longer."

Tumatango-tango siya at ihinilamos ang mga palad sa mukha. "Nasaan na ba sila?"

"Kaaalis lang ng airport," sagot ni Blaze.

Napasabunot siya sa sariling buhok. "Then I'll stay with Lucky until her grandparents arrived. Hindi ko siya iiwang mag-isa, ayaw niyang nag-iisa siya. Kahit man lang sa ganitong paraan, maramdaman niyang nandito ako para sa kanya."

Axel nodded. "Babalik ako mamaya."

Umupo si Blake sa stool na nasa tabi ng kinahihigaang kama ni Lucky, saka hinaplos ang noo at buhok nito habang pinakatitigan ito.

Slowly, Lucky opened her eyes and smiled when their eyes met.

Akmang magsasalita ito nang umiling siya. "Don't. Save your energy, okay? Nandito lang naman ako."

Nanghihina itong tumango, saka dahan-dahang itinaas ang kamay. Agad niyang hinawakan 'yon at hinalikan.

"M-Mommy..." she whispered while her eyes are dropping close. "Mommy..."

"Baby..."

"N-nasaan s-si M-Mommy La?" tanong nito.

"On the way na sila." Pinisil niya ang kamay nito. "Malapit na."

Lucky opened her eyes again and she looked so weak. "K-kung m-mawalan na n-naman ako ng malay... p-please a-ask Ma La w-why s-she lied t-to me." Namalisbis ang luha nito. "M-Mommy is d-dead. P-pi-n-naasa niya lang a-ako."

"Ask her yourself," sabi niya sa mahinang boses. "Hindi ka mawawalan ng malay, gising ka no'n kapag dumating sila. Ayaw mo bang makita ang Mommy La mo at Daddy Lo?"

Tears kept streaming down her eyes. "S-she lied t-to me. S-she l-lied."

Pinagsalikop niya ang kamay nilang dalawa. "Siguradong may magandang paliwanag dito ang lola mo."

"S-she lied." She kept murmuring that. "I h-hate l-liars... s-she lied. S-she lied."

Nakagat ni Blake ang pang-ibabang labi sa sinabi nito. She hated liars. Paano kung malaman nitong kasinungalingan ang una nilang pagkikita? Na pinlano niya 'yon? Pati ang pagiging magkapitbahay nila?

She will hate me. My baby will hate me.

Nararamdaman niya ang paminsan-minsang pagpisil ni Lucky sa kamay niya habang nakapikit ito at walang imik na umiiyak.

He tried making her feel better but it was not working.

Her nightmare, maybe it was a buried memory that she forgot. And it just resurfaced. In a very wrong time!

He took a deep breath and glanced at his back when someone tapped his shoulder.

"Nandito na sila." Si Blaze 'yon.

"Baby, sa labas lang muna ako, ha?" paalam niya kay Lucky. "Nandito na ang Mommy La at Daddy Lo mo."

Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "Do...don't leave m-me."

Napatingin siya sa pinto ng silid nang bumukas iyon at pumasok ang lolo't lola ni Lucky kasama si Axel.

"Good afternoon," bati niya sa mga bagong dating.

"Hijo." Lumapit sa kanya ang Mommy La ni Lucky. "How is my Lucky?"

Napatitig siya sa magkahawak nilang kamay ni Lucky. "I'm sorry, hindi ko siya naalagaan nang mabuti. I'm sorry..."

Umiling ang matandang babae. "It's not your fault. Don't blame yourself. Alam naman naming mangyayari 'to, nagpapasalamat kami at nadala mo agad siya sa ospital. Maraming salamat."

Tumango siya at kahit ayaw niya, pilit niyang pinaghiwalay ang kamay nila ni Lucky.

"N-no, B-Blake..."

"Nandito na sila." Hinalikan niya ang noo nito. "I have to give them some privacy with you. Babalik din ako. Hindi kita iiwan."

"T-thank y-you."

Ayaw niyang umalis pero kailangan. Pinisil muna niya ang kamay ni Lucky bago malalaki ang hakbang na napipilitang lumabas ng ICU kasama si Blaze.

Umupo si Blake sa waiting area. Nakasabunot ang mga kamay niya sa sariling buhok habang nakatungo. Panay ang mura niya dahil wala siyang magawa. Ito ang isang bagay na wala siyang magawa at sa babaeng mahal pa niya. He had never been this hopeless before.

"Blake, she's gonna be okay."

Tiningala niya ang kakambal. "Bakit palaging ganito? Pinaparusahan ba ako? Si Calle, she's healthy but she killed herself. Now, Lucky, she doesn't want to die but her heart is giving on her. Hindi siya puwedeng mawala sa 'kin. Hindi puwede. Hindi ko na kakayanin pang nawalan na naman ng minamahal. Hindi ko na kakayanin."

Umupo sa tabi niya si Blaze at tinapik ang tuhod niya. "Blakey, Lucky's life is in God's hands now."

Nagtagis ang mga bagang niya. "I don't believe in Him anymore."

"Maybe you should. Siya lang ang makakatulong kay Lucky. What she need is a miracle—"

"What she need is a heart!" he hissed.

"Blake, don't hate Him." He was referring to God. "Ask for His help. We, doctors, we perform the surgeries, we cure sick people, but it's not us who's doing it, it's not me, I'm just an instrument."

He tsked. "Yeah, right."

"Cassie taught me that. Kahit nawala si Cassie, hindi ako nawalan ng tiwala sa Kanya kasi 'yon ang turo sa 'kin ni Cassie."

"Bullshit."

"Blake—" Naputol ang ibang sasabihin nito nang makitang biglang bumukas ang pinto ng ICU na kinaroroonan ni Lucky at may lumabas na stretcher doon kung saan nakahiga ang kasintahan.

"Lucky!"

"Step aside! It's an emergency!" sigaw ni Axel habang itinutulak nito ang stretcher.

Para siyang nawalan ng lakas nang dumaan sa harap niya ang stretcher at nakita niyang parang walang buhay si Lucky na nakahiga.

"Lucky... baby..."

Mabilis siyang sumunod kay Lucky pero nang makapasok ito sa OR kasama si Axel, napatigil siya sa nakasarang pinto n'on, saka humarap sa pamilya ni Lucky.

"What happened?" he asked. "Ayos naman siya nang iwan ko. Ano'ng nangyari?"

Tinuyo ng lola ni Lucky ang luha sa pisngi nito, saka parang nanghihinang napaupo sa waiting area sa labas ng OR.

"Naalala na niya ang nangyari," nanginginig ang boses na bulong nito, saka mahinang humikbi. "Naalala na ni Lucky... Oh, my poor baby, it will scar her. My baby... my Lucky..."

"Ano'ng naalala niya? 'Yong panaginip ba niya?"

Lucky's grandfather nodded. "My poor baby... bakit ngayon mo pa naalala?"

"Ano'ng naalala niya na nagkaganoon siya?" Parang sasabog ang dibdib ni Blake. "Nananaginip naman siya dati pero hindi ganito ang epekto."

Lucky's grandmother stared at him. "It was an accident."

"What accident?"

"She killed her mother."

Blake stilled. My Lucky.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro