CHAPTER 12
CHAPTER 12
MASINSINANG BINABASA NI LUCKY ang bagong diet plan na ipinaabot ni Dr. Axel kay Blaze kagabi nang pumunta ito sa apartment niya. Napalabi siya nang maalala ang nangyari. Nagmumog pa talaga si Blaze pagkatapos matikman ang luto niya.
Lucky sighed. Wala na talaga siyang pag-asa pero hindi, matututo rin siya. Ako pa ba!
Natigilan sa pagbabasa si Lucky nang tumunog ang cell phone niya. Tiningnan niya kung sino ang nag-text.
It was from Blake.
Punta ka rito sa apartment ko. Niluto ko na ang agahan mo.
Malapad siyang napangiti at nagmamadaling lumabas ng apartment at lumipat sa katabi. Bukas ang pinto ng apartment nito kaya nakapasok siya agad.
"Blake?" tawag niya sa lalaki.
"In the kitchen!" pasigaw nitong sagot.
Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang kusina at napatitig kay Blake na naghahain ng agahan niya sa mesa. Naka-cargo shorts ito at nakaputing T-shirt. Nakikita niya ang mga tattoo nito pero bakit malinis pa rin itong tingnan sa mga mata niya?
Napailing na lang siya, saka lalo pang pinagmasdan ang lalaki. He was really trying his hardest to take care of her.
Nangako si Blake sa kanya kagabi na ito ang magluluto para sa kanya kasi nga bawal siya sa maalat, eh, ganoon pa naman siya magluto. Akala niya nagbibiro lang ito. But here he was, readying her breakfast.
A soft smile grazed her lips. Calle was a very lucky woman to be loved by Blake Vitale. But Calle was already dead and she was part of the reason why Blake was broken. Why he was like that now—a negative person.
Wala siyang laban sa patay at gusto niyang sumuko na lang dahil iyon ang mas makabubuti sa kanya. Pero wala yata sa bokabularyo niya ang salitang pagsuko kahit pa 'yon ang inuukilkil niya sa isip na tamang gawin. Hindi tinatanggap ng sistema niya na susuko na lang siya at hindi lalaban kasi sanay siyang lumalaban sa kahit anong hamon ng buhay.
Ang sakit nga niya, nilalabanan niya at hindi niya sinusukuan, ito pa ba?
She stared at Blake's handsome face. I really like you a lot. I know that now. Hindi ko isusuko ang nararamdaman kong ito dahil lang may mahal ka pang iba.
This was her first time feeling this way and she would not give it up. How much broken you are, I'll make sure to fix you. And then maybe by that time, she would be enough for him.
But how was she gonna fix him? That was a challenge... a challenge that she was willing to accept. And win.
Hindi kita susukuan.
"You'd been staring at me for a couple of minutes now," sabi ng baritonong boses ni Blake na pumukaw sa diwa niya. "Like what you see, baby?"
"It's Lucky," pagtatama niya, saka tuluyan siyang lumapit dito at tiningnan ang nakahaing pagkain sa mesa. "'Yan ba ang agahan ko?"
Sa halip na sagutin ang tanong niya, humarap ito sa kanya. "Bakit tinititigan mo ako?"
"Naguguwapuhan lang ako sa 'yo," sagot niya. "Saka nagtataka ako kung bakit ang linis mong tingnan kahit may tattoo ka."
Napatango-tango si Blake, saka pinaghugot siya ng upuan. "Matagal na akong guwapo." May pagmamalaki sa boses nito, sabay kindat sa kanya. "Pero hindi ako malinis. These tattoos are my reminders of every sin I committed."
Sa halip na umupo siya, pinakatitigan niya ang lalaki. "Do you want a hug?" malambing niyang tanong.
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "No. I want a good morning kiss."
"Would that make you feel better?"
"Yes."
She tiptoed, leaned in and puckered her lips. "I can't reach your lips, could you please lean down a little—"
He pressed her lips on hers and she sighed when she felt that familiar feeling of contentment.
Akmang kakalas na siya sa halik nang ipalibot ni Blake ang mga braso sa baywang niya, saka bumulong sa mga labi niya. "I'm still not feeling better, I want more kisses." Kapagkuwan ay sinakop uli ang mga labi niya.
Nagpaubaya naman siya hanggang sa ito na mismo ang pumutol sa halik nila.
"Feeling better?" tanong niya sa lalaki.
He smiled. "I need that every morning for positivity."
She narrowed her eyes on him. "Gusto mo lang yata ng halik bawat umaga, eh. Idinahilan mo pa 'yon."
Blake chuckled again. "You're adorable."
Inalis niya ang braso nitong nakayakap sa kanya. "Kakain na ako, nagugutom na ako, eh."
Pinakawalan naman siya ni Blake at pinaupo. "Eat," sabi nito habang nilalagyan ng kanin at gulay ang pinggan niya.
Tiningala niya ito habang nakaturo ang daliri niya sa ginagawa nito. "I can do that."
"I know but I want to do it for you." Hinalikan siya nito sa noo. "Kumain ka na, maliligo lang ako."
"Mabango ka pa naman," pahabol niyang sabi sa lalaki na naglalakad na palayo.
"Gusto kong mas bumango pa!" sagot nito sa malakas na boses dahil malayo na sa kanya. "Kailangang mas mabango ako kasi aakitin kita!"
Hindi niya pinansin ang huling sinabi ni Blake dahil nag-e-enjoy na siyang kumain. Masarap talagang magluto ang lalaki, kaya nakakaganang kumain.
Matapos mag-agahan, wala pa rin si Blake kaya naman siya na ang naghugas ng pinagkainan at hinanap ang lalaki.
Hindi pa ba ito tapos maligo?
Kumatok si Lucky sa banyo pero wala nang tao roon kaya pumunta siya sa kuwarto ni Blake at sumilip sa loob.
Natigilan siya nang makitang tinutuyo nito ang buhok habang habang nakahubad-baro.
Her lips parted when she saw his tattoos again. It was really beautiful. And it complemented his great body. Katulad ng mga napapanood niya sa pelikula na mga lalaking magaganda ang katawan.
"What is it?"
Napaigtad siya sa tanong nito. She blinked. Did he see me peeking? "Ahm... I was just looking for you."
Humarap ito sa kanya. "Miss me?"
"No. Gusto lang kitang makita. May angal ka?"
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Sino ako para umangal." He spread his arms. "Come here and give me a hug."
"Ayoko."
"Bakit?" Nalukot ang mukha nito. "Mas mabango ako kaysa kanina."
She shrugged. "O, 'tapos?"
Bumagsak ang mga balikat nito. "Choose. Come here and hug me or I'll come to you and kiss you? Which do you prefer?"
"The latter."
Ngumiti ang lalaki. "Ah, my baby really knows what's best for her."
Inirapan niya ito. "Kasalanan mo 'yon. Ginalingan mo, eh."
"Ginalingan ang?"
"Ang paghalik." She shrugged. "I mean, wala naman akong experience sa pakikipaghalikan pero sa tingin ko naman okay ka. Malalaman ko kapag may iba na akong nakahalikan—"
"Don't even think about it." Madilim ang mukhang lumapit ito sa kanya, saka sinapo ang mukha niya at hinaplos ng hinlalaki ang mga labi niya. "These lips are mine, Lucky. I kiss it first so I'm taking my claim on it."
Umiling siya. "It's my lips and I say no, I can kiss whoever I want so I can compare your kiss to another—"
Bigla na lang siya nitong isinandal sa hamba ng pinto at mapusok na hinalikan ang mga labi niya.
Mahinang napadaing si Lucky sa ginawa ni Blake pero kusa namang yumakap ang mga braso niya sa leeg nito na basa pa at hinayaan itong halikan siya.
Nang maghiwalay ang mga labi nila, pareho silang kapos ng hininga pero patuloy pa rin sa paghalik sa mukha niya si Blake.
It was like he was kissing every part of her face and taking his claim as he called it.
"Blake, basa ka pa," mahinang boses na sabi niya.
Nang hindi ito tumigil sa paghalik sa mukha niya, kinuha niya ang tuwalya na nasa balikat nito, saka tinuyo ang likod nito.
Nadi-distract siya sa matitipuno nitong katawan kaya nag-angat siya ng tingin at tumingin sa guwapo nitong mukha. "Okay na," sabi niya nang matapos tuyuin ang buhok at batok nito. "Bihis ka na."
But he didn't move, he just kept on looking at her and asked. "Wala ka talagang naging boyfriend mula noon?"
Tumango siya. "Wala. May sakit ako, kaya wala 'yon sa isip ko."
"Crush?"
She smiled. "Celebrity."
"Wala kang nagugustuhan ngayon?"
Pinakatitigan niya si Blake, iniisip kung maglilihim ba siya o sasabihin niya. But what was the use of hiding it anyway? She let him kiss her. That must've meant something to him by now.
"Ikaw. Gusto kita," she answered honestly.
"Gaano mo ako kagusto?"
She shrugged. "I don't know yet. As of now, I like you, a lot. Hindi ko lang alam kung gaano kalalim 'yon."
"Hindi mo ba ako tatanungin kung gusto rin kita?"
Umiling si Lucky "Hindi. Sasabihin mo naman sa 'kin 'yon kahit hindi ako magtanong. But please make sure that you really like me. For now, just let me like you."
Tumango si Blake, saka hinalikan siya sa noo. "Kapag sigurado na ako, sasabihin ko agad sa 'yo."
She nodded. "Okay na sa 'kin 'yon." She smiled. "Anyway, it's weekend. Can we watch a movie in the cinema? Hindi ako nanonood noon kasi mag-isa lang ako pero ngayon, puwede mo ba akong samahan? And I'm telling you now, I like to watch animated films so if you're not up for it, that's okay."
"I can endure."
Ang lapad ng ngiti niya sa sagot nito. "Yes! Maliligo lang ako, 'tapos alis na tayo."
Nagmamadali siyang lumabas at hindi na hinintay ang sasabihin ni Blake. Agad siyang lumipat sa apartment niya at nagmamadaling naligo.
Nang makalabas siya ng banyo, nagulat siya nang makitang nasa sala si Blake.
"Paano ka nakapasok?" tanong niya habang tinutuyo ang buhok gamit ang tuwalya.
"Hindi mo ini-lock ang pinto mo," sabi nito, saka hinagod ng malagkit na tingin ang katawan niya. Then he looked away and blew a loud breath. "Bihis ka na."
"Okay," she chirped and went to her room to change.
Lucky picked a simple lilac sleeveless dress. Hanggang sa taas ng tuhod niya ang haba n'on, saka pinaresan ng wedge na may taas na tatlong pulgada. Hinayaan niya lang na nakalugay ang buhok niya at naglagay lang siya ng kaunting kolorete sa mukha at sa mga labi para hindi siya namumutlang tingnan.
Nang lumabas siya ng kuwarto, agad na bumaling sa kanya si Blake at hinagod na naman siya ng tingin.
"Matangkad na ako," natutuwang sabi niya.
He chuckled. "Yeah, hindi na ako mahihirapang halikan ka."
She stuck out her tongue at him. "Puro ka na lang halik. Maayos ba ang damit ko?" tanong niya, saka umikot para ipakita ang kabuuan ng suot niya.
"Yes. You're pretty."
"Yey!" She clapped her hands in glee. "Alis na tayo?"
Umalis ito sa pagkakaupo sa sofa, saka lumapit sa kanya at tinitigan ang mga labi niya. "What's that on your lips?"
"Matte lipstick? It won't fade even if I drink and eat, as long as it's not an oily food—"
"Is it kiss proof?"
Napakurap-kurap siya sa tanong ni Blake. "I'm not sure. Wala naman roon sinabi sa lalagyan niya."
"Gusto mo subukan natin para malaman mo?"
Kinurot niya ito sa tagiliran. "Manghahalik ka na naman. Umalis na nga tayo."
Natawa lang ang lalaki, saka pinagsalikop ang kamay nila. "Halika na nga. Baka ano pa'ng magawa ko sa 'yo."
Excited siyang lumabas ng apartment niya at ng gusali. Nagulat siya nang makitang nakaparada ang sasakyan ni Blaze sa labas.
"I borrowed it," wika ni Blake.
"Ah." Sumakay si Lucky sa passenger seat, saka hinintay na makasakay rin si Blake.
Nang nasa biyahe na sila, hindi niya mapigilan ang excitement nang makita sa Web site na showing pa ang pelikula na gusto niyang panoorin.
She was excited to watch it with Blake. She just hoped it wouldn't bore him.
BLAKE LOOKED HESITANT to enter the cinema with her. Tinitingnan nito ang buong paligid, saka tumuon ang tingin sa kanya.
Kinunutan ni Lucky ng noo ang lalaki. "Sasamahan mo ako o iba na lang ang gawin natin?"
Huminga ito nang malalim, saka umiling. "Nah, it's okay, let's do it. Let's watch."
She grinned. "Yes!" Hinawakan niya ito sa kamay, saka hinila patungo sa bilihan ng ticket. "Come on, come on."
Nagpaubaya naman sa kanya si Blake. At nang makarating sila sa ticket booth, ito ang nagbayad para sa ticket nilang dalawa.
"Isang oras pa," sabi ni Blake nang iabot sa kanya ang ticket. "May gusto ka bang gawin?"
"Eat?"
Natatawang napailing nito. "Nope. You're not eating. You're on a diet, remember? Baka mapaano ka na naman. Ayokong mawala ka."
That put a smile on her face. "Mami-miss mo ako?"
Umiling ito. "Hindi... mababaliw ako."
Nawala ang ngiti niya at napatitig sa lalaki. "Blake..."
"I already lost two important people in my life, and now you're becoming a vital part of my life. Kaya kapag iniwan mo pa ako, hindi ko alam kung saan ako pupulutin."
Nginitian niya ito para hindi na ito malungkot. "Don't think like that. Hindi ako mawawala. I'll be okay and I will live. Don't be pessimistic."
Tumango ito. "Sorry if I'm full of negativity."
"Want some gummy bears?"
"Bibigyan mo na ako?"
Inungusan niya ito. "Oo nga pala. Itinapon mo ang gummy bears ko, hindi kita bibigyan."
Natatawang inakbayan siya ni Blake. "Hindi na ako manghihingi. Saan mo gustong pumunta para palipasin ang oras?"
"Department store?"
"Okay."
Natuwa si Lucky dahil akala niya hindi ito papayag sa gusto niya.
Nang makapasok sila sa department store, agad niyang hinila si Blake patungo sa mga sandals.
Lucky tried every pair of sandals and shoes that she liked, and Blake just patiently wait for her to finish.
"What do you think?" tanong niya kay Blake habang suot ang isang wedge na may apat na pulgada ang taas.
Umiling ito. "I don't like it. It's too tall. Baka matapilok ka, ano pa'ng mangyari sa 'yo."
Natawa siya sa rason nito pero hinubad pa rin niya iyon at tiningnan ang dalawang sandals at isang sapatos na nagustuhan niya at balak sana niyang bilhin.
Napalabi siya. "I can't decide."
Kinuha ni Blake ang tatlong nagustuhan niya, saka naglakad ito patungo sa cashier. "Come on, baby, we'll miss the movie."
Hinabol niya ito. "Pero ang mamahal kasi—"
"I'll pay for it."
"Ayoko. May pera naman ako pero ayoko lang gumastos."
Nilingon siya nito habang nakapila sa cashier. "Kaya nga ako na ang bibili."
"Babayaran na lang kita kapag sumahod kami," suhestiyon niya.
"Whatever you say, baby."
Nasa likuran lang siya ni Blake habang pumipila ito. At nang makabayad ay ibinigay nito sa kanya ang paper bag.
"May bibilhin ka pa?"
Tinitigan niya ang lalaki. "Hindi ka nababagot? My Daddy Lo hates shopping."
"I'm fine. Though I suggest we roam around after the movie."
"The movie!" Nanlaki ang mga mata niya at natawa naman si Blake.
Tatakbo sana siya nang pigilan siya nito. "Don't run. Your heart."
Napahawak si Lucky sa dibdib, saka napakagat-labi. "Let's go?"
Kinuha nito ang paper bag na dala niya, saka ito ang nagbitbit n'on hanggang cinema. Walang masyadong tao, lalo na sa napili nilang upuan.
Nang makaupo sila, nagpaalam itong bibili ng popcorn at tubig para sa kanila.
Tamang-tama naman na nang umalis si Blake, nag-ingay ang cell phone niya. Nagmamadali niyang sinagot ang tawag.
"Hello?" pabulong niya sabi.
"Why are you whispering?" It was Blaze.
"Movie theater," she whispered again.
"Oh. Kasama mo ba si Blake? Nandito ako sa apartment niya, nakasara."
"Oo, kasama ko siya."
"Oh."
She frowned. "What's with you and oh?"
"Wala naman. Alam ko lang na ayaw niyang nanonood sa sinehan."
"Bakit naman?"
"Iyon kasi ang huling lugar na pinagdalhan niya kay Calle kaya ayaw niyang pumupunta."
"Oh, God, I didn't know." Nagsisisi na tuloy siya. "Sana pala hindi ko siya niyayang manood."
"That's okay. Hindi naman 'yan sasama sa 'yo kung ayaw talaga niya. Pagkatapos n'yong manood, yayain mo siyang manood ng sunset. Sige, 'bye na. Duty pa ako sa ospital."
"Bye." She ended the call and silenced her phone.
Minutes later, Blake returned with popcorn and water.
"Hindi ko alam kung ano'ng gusto mo kaya cheese and sour cream na lang ang binili ko," sabi nito nang makaupo sa tabi niya. "Here's your water. Baka mauhaw ka mamaya."
Madilim sa loob pero nakikita pa rin niya ito dahil sa liwanag na nanggagaling sa malapad na TV screen.
Lucky leaned in and placed a kiss on the corner of Blake's lips. "Salamat sa pagsama sa 'kin. It means a lot to me."
Ngumiti lang ito, saka itinuon ang mga mata sa screen kung saan nag-uumpisa na ang pelikula.
Lucky was eating popcorn as she watched the movie with her full attention. The movie was fun, Blake was laughing with her in some funny scenes.
Halfway through the movie, she felt Blake rested his head on her shoulder.
"Inaantok ka?" pabulong niyang tanong sa lalaki.
"Nah. Just resting. Couldn't sleep last night," he whispered back.
"Why?"
"Thinking of you."
She stilled. Her heart was beating so fast. "Iniisip mo ako? Bakit?"
"I had a nightmare again," sabi nito, saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. "I remember how you sang me back to sleep. That's why."
"Oh." She looked down at her shoulder and saw Blake watching the film and smiling at the scene. "Nag-e-enjoy ka ba?"
Sinalubong nito ang tingin niya, kapagkuwan ay hinalikan ang leeg niya bago sumagot. "Yes. I'm enjoying myself."
Ibinalik niya ang atensiyon sa screen pero hindi siya makapag-focus dahil hinalikan na naman siya ni Blake sa leeg.
But she didn't stop him. She liked the sensation she was feeling. It was new and it felt good.
Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Blake nang paglandasin nito ang dila sa likod at loob ng tainga niya. Because of what he was doing, she started panting and her lips and throat went dry.
What he was doing to her, she knew what this was. Marami na siyang napanood na pelikula na ginagawa ang ginagawa nito. And she had always wondered what it would feel like.
And this was what it felt like. Her body felt so hot and there was tingling sensation on her womanhood.
"Blake..." Lucky didn't know if it was a whisper or a moan. "Blake..."
He bit her earlobe and whispered. "Just watch."
"H-how when y-you're doing t-that?" Nakagat ni Lucky ang pang-ibabang labi nang magpatuloy ito sa ginagawa.
His tongue kept licking her neck and sometimes he would bite her, earning a soft groan from her. She even tilted her head a little to give him an access while her lips were parted and her eyes were closed.
Lucky thought she knew what pleasure was. Oh, boy, she was so wrong.
Nawala na ang atensiyon niya sa pinapanood, naka-focus siya sa ginagawa ni Blake sa kanya na may kasamang paghaplos sa baywang niya.
Thankfully, Blake finally stopped and hugged her, calming her nerves. At wala na itong ginawa hanggang sa matapos ang pinapanood nila.
Nang makalabas sila ng sinehan, saka lang niya napansin na parang basa ang pagkababae niya. Then she remembered what Blake did to her inside the cinema.
Is that why I'm wet?
Napakagat-labi niya.
Oh, God. Why is my body tingling and wanting it to happen again?
Marahas niyang ipinilig ang ulo.
"You okay?"
Napatitig siya kay Blake ng ilang segundo bago tumango. "Y-yeah."
"You sure?"
Umiling siya. "I'm not."
Amusement was in his eyes. "Iniisip mo ba ang ginawa ko sa 'yo sa loob?"
Namula ang pisngi ni Lucky. "Paano mo nalaman?"
Blake let out a soft laugh. "My baby, you're so adorable. Come on." Pinagsalikop nito ang kamay nilang dalawa. "Let's go shop."
Pinigilan niya ito nang maalala ang sinabi ni Blaze. "Actually, gusto kong manood ng sunset. Puwede mo ba akong samahan?"
He stilled and all the emotion on his face disappeared.
Does Calle likes watching sunset too?
"Sorry," sabi niya nang hindi ito nakapagsalita. "Uwi na lang tayo. Pagod na rin ako." She didn't want to push him.
"No," sabi nito, saka tumingin sa kanya. "Let's watch the sunset together."
Gulat siyang napatitig kay Blake. "Are you sure? Para kasing ayaw mo kanina."
He gave her a tight smile. "I just, ahm, I know someone who likes watching sunset and I was just taken aback by the memory. Sorry."
Calle. "Okay lang ba talaga sa 'yo?"
"Yeah. I don't mind." Hinaplos ito ang pisngi niya habang titig na titig sa kanya. "Maybe it's time to make new memories and bury the old ones."
"Sigurado ka bang kaya mo nang ibaon sa limot ang mga alaalang 'yon?" tanong niya sa malumanay na boses.
Blake nodded with certainty. "When you give me the reason to live, you also give me the reason to be happy. Nahihirapan ako, oo, my past is still haunting me, but I can't keep looking back anymore. Baka mawala ka sa 'kin."
Pinisil niya ang kamay nito. "Blake, forgetting your past is not easy, lalo na't dala-dala mo 'yon sa mahabang panahon. Huwag mong pilitin ang sarili mo. You will forget about it in due time, and when that time comes, I'm still here. I'm still with you. She took a deep breath and smiled. "Ang totoo, ayokong manood ng sunset," pag-amin niya. "Si Blaze kasi, sabi yayain kita."
Tumalim ang mga mata ni Blake. "That fucker. Gusto yata niyang masaksak uli."
"Tumigil ka nga," saway niya. "Mabait naman si Blaze. He's like a big brother I never had."
Blake held her gaze. "So, ano mo ako? Ano tayo?"
"Gusto kita." She smiled. "Pero walang tayo."
"Gusto mo, may tayo?"
Umiling siya. "Ayoko. Saka na, kapag sigurado ka nang gusto mo rin ako."
"But I do like you," may diin nitong sabi.
"Then keep liking me," sabi niya habang nakangiti pa rin. "Ipunin mo ang pagkagusto mo sa 'kin, at kapag buong-buo na, magsabi ka sa 'kin, doon pa lang magkakaroon ng tayo. I'd been fighting for my life since I was a kid, so I know my worth as a person and as a woman. At 'yong pagkagusto mo sa 'kin ngayon, kulang pa 'yon, hindi pa 'yon sapat para sa 'kin kaya ganito lang muna tayo. I like you, a lot, and you like me, sort of, and we'll leave it at that."
Pinakatitigan siya ni Blake, saka ngumiti na parang nasisiyahan sa nakikita. "I like how positive you are. I like how much you love yourself."
"Sino pa ba ang magmamahal sa sarili mo nang wagas kung hindi ikaw rin mismo?"
He lost his smile. "I don't love myself. I couldn't..."
"I'll teach you how and maybe after that, you'll be able to love another person."
"My baby is wise."
Natawa siya. "Mommy La taught me well, Blakey."
Napangiwi ito. "Gumagaya ka na sa kakambal ko. How about instead of Blakey, call me baby? It rhymes and I like it more than my name."
Umiling siya. "Nope, you'll be my Blakey—"
"Make me happy so call me baby." He pouted adorably at her. "Please? Call me baby?"
She smiled. "Blakey. I like Blakey more."
"Baby."
"Blakey," she argued.
"It's baby."
"Blakey-baby?" Napangiwi si Lucky. "That sounds so bad."
Blake bit his lower lip. "Sounds good to me."
"Okay. Kung 'yan ang gusto mo," she said with a nonchalant shrugged. "Come on, Blakey-baby, let's go watch the sunset."
Nagpaubaya naman ito sa kanya. "Akala ko ayaw mo?"
Makahulugang tiningnan niya ito. "Paano mo makakalimutan kung hindi kita tutulungan?"
"That's my baby."
"I'm Lucky," pagtatama niya rito.
Tumawa lang si Blake at ito pa ang humila sa kanya palabas ng mall, patungo sa parking lot.
Habang nagmamaneho, hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito tuwing nagkakatinginan sila.
And when they reached the beach, he hugged her from behind and whispered over her ear. "Would you like to make happy memories with me?"
Tumango siya, saka nilingon ito. "What do you want to do?"
Bigla siya nitong binuhat at dinala sa dagat.
"Blake! Blake!" Naghahalo ang tili at tawa niya, lalo na nang mabasa silang dalawa. "Bakit mo ako binasa?"
Tatawa-tawa lang si Blake kaya inirapan niya ito at lumangoy palayo.
"Wala bang tao rito?" tanong niya habang nasa medyo malalim na parte sila ng dagat.
Umiling si Blake. "It's a private property," sagot nito na ikinaluwa ng mga mata niya.
"Baliw ka ba?! Trespassing tayo, halika na," aya niya.
"Relax, baby." Niyakap siya nito. "This is Coleman's property, kaibigan ko ang may-ari nito."
Dahil sa sinabi nito, lumangoy siya uli.
Lucky happy and she felt contented. Ngayon siya nagpapasalamat na hindi siya sumuko noon, na lumalaban pa rin siya para mabuhay. Kasi kung hindi, hindi niya mararanasan ang maging masaya sa simpleng ginagawa lang kasama si Blake.
Life was really beautiful. That was why everyone should take care of it, because it was precious.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro