Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Belated Happy Birthday Claud Ramos 🥳

CHAPTER 1

HUMAHANGOS NA NAGMULAT ng mga mata si Blake, kapagkuwan ay inilibot niya ang tingin sa kinaroroonan. Natigilan siya nang rumehistro sa isip niya kung nasaan siya.

He was in a private plane bound to the Philippines.

Ihinilamos niya ang mga palad sa mukha, saka ilang beses na huminga nang malalim para paklamahin ang sarili.

He stilled when he saw his twin eyeing him weirdly. "What?" he snapped at Blaze.

"Still having nightmares?"

He sighed. "Yeah. You?"

Blaze shrugged. "Every damn day. Sanay na ako." Itinuro nito ang seat belt niyang hindi naka-unbuckle. "Buckle up, we're about to land."

Ihinilamos niya uli ang mga palad sa sariling mukha, saka umayos ng upo. "Sinabi ba sa 'yo ni Velasquez kung ano'ng kailangan niya?"

Umiling si Blaze. "Nope. You know him, he's weird. He says it's a favor."

"A favor?" Bumuga siya ng marahas na hininga. "Baka nakakalimutan niyang maraming gustong pumatay sa 'tin sa Pinas?"

"He's a friend." 'Yon lang ang sinabi ni Blaze. "Let's see what he wants."

"He's a nut job. Who knows what he wants?" Blake buckled his seat belt. "Hindi ko nga alam kung bakit wala pang nakakapansin sa tunay niyang ugali sa village. Hindi naman siya sintu-sinto talaga."

Blaze chuckled. "Sintu-sinto..." Napailing ito habang tumatawa. "Iparinig mo 'yan kay Volkzki—"

"And Volkzki will agree with me. Sintu-sinto naman talaga ang conde na 'yon kapag gusto niya."

"Hayaan mo na. Gusto ko rin namang umuwi," sabi ni Blaze, saka may lungkot na ngumiti. "I want to see Mom and Cassie again. I miss them."

Sa sinabing 'yon ng kakambal, naalala niya si Calle. Isa ito sa rason kung bakit kahit mapanganib ay umuwi pa rin siya. Mabibisita niya uli ito at masasamahan kahit sandali lang.

Humugot si Blake ng malalim na hininga, saka tumingin sa labas ng bintana ng eroplanong kinalululanan.

It had been eleven years, but he couldn't still forget. Dala-dala pa rin niya ang alaala nila ni Calle at ang pagsisisi niya sa mga nangyari. Nakatatak pa rin sa isip niya ang pangakong binitiwan niya sa harap ng kabaong nito na susunod siya.

Eleven years later, he couldn't still do it. He couldn't still leave his brother behind. At hindi na lang ito ang iiwan niya kung sakali.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at ipinikit ang mga mata.

"Blake?" tawag ng kakambal sa pangalan niya para kunin ang atensiyon niya.

"What?" sagot niya habang nakapikit pa rin ang mga mata.

"Have you tried going out with, you know, women after Calle?"

"Hindi." Nangako siyang susunod kay Calle. There was no use dating. "Why are you asking?"

"Most of our friends are married and happy. Napag-iwanan na tayo," natatawang sabi nito.

Iminulat niya ang mga mata, saka tumingin sa kakambal. "It's not too late for you."

Blaze frowned at him. "You say it like you're leaving."

"Saan naman ako pupunta?" pabiro niyang tanong. "Anyway, unless she's too nice, too sweet and too kind, she will never get my attention."

Tumawa ang kakambal. "Too nice, too sweet and too kind," ulit nito na natatawa. "May babae pa bang ganoon?"

"Wala na. Kaya nga 'yon ang gusto ko."

Blaze laughed. "In short wala kang balak palitan si Calle."

Nagkibit-balikat lang si Blake, saka tinanggal ang seat belt kahit pa nga gumagalaw pa rin ang eroplano pero naka-landing na sa airport.

Pareho silang tahimik ni Blaze hanggang sa makalabas sila ng eroplano at pumasok sa airport. Nang makalabas naman sila ng airport, may sumalubong sa kanilang dalawang lalaki at binigyan sila ng tig-isang susi ng sasakyan.

"The count is waiting for you in his house," sabi ng isa sa mga lalaki, saka umalis ang mga ito agad.

Nagkatinginan sila ni Blaze at sabay na napailing bago sumakay sa nakaparadang sasakyan sa harap nila.

Knight and his cryptic ways.

Mabilis na pinaharurot ni Blake ang kotseng minamaneho patungo sa Bachelor's Village. Nang makarating sila sa gate, ibinaba niya ang bintana ng kotse, saka sinaluduhan ang guard na si Mang Danny.

"Sir Blake!" Halata ang gulat sa mukha nito. "Welcome back!"

Ngumiti siya. "Am I clear for entry?"

"Oo naman, Sir. Kayo pa," nakangiting sabi ng Mang Danny. "Pasok ho kayo."

Tumango siya, saka ipinasok ang sasakyan sa gate ng BV habang nakasunod sa likuran niya ang kakambal.

Nang makarating sa harap ng bahay ng conde, ipinarada niya ang sasakyan, saka lumabas. Hinintay niyang makalabas ng sariling sasakyan si Blaze bago sila sabay na tinungo ang pinto ng mansiyon at kumatok.

Pinagbuksan sila ng asawa ni Knight.

Knight's wife automatically smiled when she saw them. "He's waiting for you. Come on in."

Nauna nang maglakad ang asawa ni Knight at sumunod naman sila rito. Nang pumasok ito sa isang kuwarto, sumunod din sila at bumungad sa kanila ang napakaraming laruang pambata at nasa gitna ng kuwarto si Knight, nakikipaglaro ng tren-tren sa dalawa nitong anak.

"Waaahh... my train is about to hit yours," wika ni Knight sa pambatang boses. "I will crush you."

The scene in front of him was somewhat funny. He knew the count. He knew how scary he was, but looking at him playing with his kid, he looked like an ordinary person to him. Not a scary man who could end someone's existence in just one call.

"Nandito na ang mga bisita mo," wika ng asawa ni Knight, saka nilapitan ang mga batang kalaro ni Knight. "Come on, KN, NK. Papa has visitors."

KN—the younger—pouted at Knight. "But I want to play more."

Ginulo ni Knight ang buhok ni KN. "Later, kiddo. We'll go to Tito Val's house and mess with him, RV and the twins, okay?"

NK—the eldest—grinned. "Okay."

Napailing naman ang asawa ni Knight. "You're a bad influence." Inirapan nito si Knight. "By the way, I told you to wash the dishes while you wait," pabulong nitong tanong pero narinig pa rin naman nila. "Ginawa mo ba?"

Napakamot sa batok ang conde habang nakangiwing nakangiti sa asawa. "Mamaya na. Promise."

"Okay." Lumabas na ang asawa nito at naiwan silang tatlo sa playroom.

"Come on." Knight tapped the floor. "Sit. We'll have a meeting."

Blake gave him a deadpan look. "In your kid's playroom?"

Knight shrugged. "It's a good place as any."

Napailing na lang siya, saka umupo sa sahig. Ganoon din ang ginawa ni Blaze.

"What do you want, Velasquez?" walang paligoy-ligoy niyang tanong.

"I need your help."

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "You?" Mahina siyang natawa. "Velasquez, we both know that you don't need help."

Naghikab si Blaze. "Fuck, I'm sleepy."

"You can sleep later," sabi ng conde kay Blaze at may kinuhang folder na nakatago sa ilalim ng carpet at ibinigay 'yon sa kanya.

"Ano yan? May ipapapatay ka?" tanong niya.

Kinunutan siya ng noo ni Knight. "Why the fuck would you say that? I'm a good citizen of the world."

Blake gave him an arched looked. "Really?" Puno ng sarkasmo ang boses niya.

"Yes." Knight smiled. "Now, this person..." Itinuro nito ang folder. "Is in real danger. I need you to protect her."

"Why would I do that?"

Knight looked at him in the eyes. "My men are busy. I can't pull them out from their assignments. That why I called you for a favor." Pagkatapos ay bumaling ito sa kakambal niya. "And you, my friend, I don't even know why you're here. Maliwanag ang sabi ko nang tumawag ako, si Blake lang ang kailangan ko."

"We're like a package, Velasquez." Tinapik ni Blaze ang balikat niya. "Kung nasaan ang kakambal ko, nandoon ako. And fuck you, ako ang tinawagan mo, baka nakakalimutan mo."

"I misdialed," palusot ni Knight. "Akala ko ikaw si Blake."

"So even your phone can't distinguish the two of us?" Puno ng sarkasmo ang boses ni Blaze.

"Yeah," sabi ng conde na walang pakialam kung maniniwala si Blaze rito. "Whatever. Do your thing and stay put. Tatawagan kita kapag may paggagamitan na ako sa 'yo."

Blaze hugged himself dramatically. "I feel like I'm a whore when you say it that way."

Binato ni Knight si Blaze ng toy train, saka tiningnan ito nang masama. "Tumahimik ka nga."

Napailing na lang si Blake. Wala talagang matinong usapan sa conde na 'to.

"Shoo! Alis!" sabi ni Knight, saka bumaling sa kanya. "Call me for update. Ilang araw lang naman 'to, makakaalis na rin kayo agad. Tatapusin lang ng isa kong tauhan ang ginagawa niya, 'tapos papalitan ka na niya."

It was a favor from a friend. "Whatever. I'll call you if I have an update." Pinulot niya ang folder, saka tumayo.

Ganoon din ang ginawa ni Blaze at ipinakita nila ang gitnang daliri sa conde bago umalis.

"Fuck you for calling us," sabi Blaze.

"Fuck you too, lunatics," sagot ni Knight.

Napailing na lang silang magkambal.

Nang makalabas sila ng bahay ni Knight, bumuga ng marahas na hininga si Blaze. "You'll do this alone?" tanong nito habang nakatingin sa folder na hawak niya.

"Yeah. Piece of cake."

"Okay." Humakbang si Blaze patungo sa kotse nito. "I'll visit Romero's Hospital. Who knows? Maybe I'll apply as a doctor again."

"Go. Call you later."

Blaze saluted him before entering his car and speeding away. Siya naman ay sumakay sa kotse niya pero hindi iyon pinaharurot agad. Binuksan muna niya ang folder para basahin ang laman n'on.

He blinked in confusion after he read the profile. "Lucky Hart. Pre-school teacher." He looked at her picture. It was taken from afar. She was sitting on a bench, holding a drink while looking sad and discourage. He knew that look all too well. "What the hell did you do to be in danger?"



NAPABALIKWAS SI LUCKY habang habol ang hininga at takot na inilibot ang tingin sa kabuuan ng kuwarto.

Another nightmare again!

Niyakap niya ang sarili. Kailan ba siya patatahimikin ng mga alaala niya? It was so vivid. She could feel her fear radiating throughout her body!

Napahawak siya sa kumot at ipinulupot iyon sa katawan habang pilit na pinapakalma ang sarili. Nasapo niya ang dibdib nang makaramdam siya ng munting kirot doon.

Calm down... Calm down...

Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga, saka ipinikit ang mga mata.

Happy thoughts. Happy thoughts.

Lucky forced herself to remember something good from her class the other day and a smile crept into her lips when she remembered the happy kids who were dancing, playing and just enjoying life to the fullest.

Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya at nawala ang takot sa isip niya.

Umalis si Lucky sa kama at hinawi ang kurtina sa malapad at mataas na sliding door na gawa sa salamin para pumasok ang araw sa loob ng kuwarto. Binuksan niya ang sliding door at lumabas sa balkonahe habang nakapikit ang mga matang ninanamnam ang sikat ng araw na tumatama sa mukha at katawan niya.

New day. New life. New experience. She smiled. "A very good day to me."

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nagbabad sa araw bago pumasok uli sa kuwarto para magluto ng agahan.

While cooking her breakfast, her grandmother called.

"Good morning, Mommy La," masayang bati niya sa nasa kabilang linya. "How's your sleep?"

"Ayos naman, apo. Ikaw? Kumusta ka? Kumusta ang tulog mo?"

Naalala niya ang panaginip at paninikip ng dibdib kanina pero ayaw niyang pag-alalahanin ang lola niya. "Ayos lang ho ako, Mommy La. Nagluluto ako ng agahan ko ngayon. Nag-agahan ka na po ba, Mommy La? Miss na kita—"

"Don't stress yourself, Lucky. Alam mong hindi 'yon puwede sa 'yo. Ipapadala ko riyan ang isa sa kasambahay natin."

"Mommy La." Malambing ang boses niya. "Huwag kang mag-alala sa 'kin. Okay lang ako. Hindi ba napag-usapan na natin 'to?" She tapped her heart. "My heart is strong. I can take whatever the world throws at me. Ako pa ba?"

"Ang apo ko talaga..." natatawang sabi ni Mommy La. "Sige. May tiwala naman ako sa 'yo, basta mag-iingat ka palagi. Kapag may naramdaman kang kakaiba sa katawan mo, tawagan mo agad ako."

"Mommy La, ayos lang talaga ako. I'm happy where I am and where I work. I will take care of myself because life should be taken good care of like you taught me. Bibisitahin ko po kayo bukas diyan sa mansiyon. Okay po ba, Mommy La?"

Bumuntong-hininga ang lola niya. "Sige, hihintayin kita, apo. Miss ka na rin namin ng Daddy Lo mo."

"Aww... my sweet grandma. See you tomorrow."

"See you tomorrow."

"Love you, Mommy La. 'Bye."

Nang makapagpaalam sa abuela, magaan ang pakiramdam na naghain si Lucky, saka mag-isang nag-agahan.

After breakfast, she left her apartment to buy some groceries. Dahil umaga pa at hindi pa naman masakit sa balat ang sikat ng araw, napagdesisyunan niyang maglakad patungo sa grocery store na malapit sa apartment niya. 'Buti na lang at maaga iyong nagbubukas.

Habang tulak-tulak ang pushcart na may laman nang mga gulay, tinahak niya ang daan patungo lagayan ng sanitary napkin. Wala na siyang stock.

Napasimangot si Lucky nang makitang halos panggabi, mahahaba at malalapad ang mga sanitary napkin na nasa ibaba at abot ng kamay niya. Nasa itaas ang mga regular pads na siyang pakay niya.

"Ano ba naman 'yan..." reklamo niya. "Nag-aayos ba sila? Bakit nasa 'taas?"

Hindi siya kataasan kaya hindi niya maabot 'yon. Kulang pa ang height niyang 5'2 para maabot 'yon.

Akmang tatawag siya ng helper na puwedeng umabot nang may tumayo sa likuran niya at inabot ang kanina pa niya pilit na inaabot.

"You'll trip," a deep baritone voice behind her said. "What color? I'll get it for you."

Lucky stilled. It's a man! But a help was a help. "Ahm... regular flow please. Four packs." Nag-iinit ang pisngi niya. "'Yong kulay-lavender."

Nanatili itong nakatayo sa likuran niya habang kinukuha ang sanitary napkin na gusto niya kaya naman amoy na amoy niya ang pabango nito.

Ang bango naman ng lalaking 'to.

Hindi masakit sa ilong ang bango nito. Tama lang pero mabango pa rin.

"Here." Inilagay nito ang apat na packs ng napkin sa pushcart niya.

Humarap siya sa lalaki para magpasalamat. "Thank—" Pero wala na ito sa likuran niya. Napakurap-kurap siya, saka luminga-linga. "Nasaan na 'yon?" Napalabi siya. Hindi man lang ako nakapagpasalamat.

Bumuntong-hininga si Lucky, saka itinulak uli ang pushcart patungo sa mga biscuits, candies at tubig para sa mga bata na dadaanan niya mamaya. Pagkatapos doon ay sa meat section naman siya pumunta.

Habang hinihintay na ibalot ang binili niyang pork, beef at chicken, may tumabi sa kanya na may kaparehong amoy ng lalaking tumulong sa kanya kanina.

Hindi niya napigilang tingnan ito. She was taken aback by the tattoos on the man's body. Naka-T-shirt ito kaya kitang-kita ang tattoo sa mga braso nito pababa sa pupulsuhan. Kahit ang batok nito ay mayroon. At mayroon din sa dibdib nito pero naitatago lang ng suot nitong T-shirt.

Tumikhim siya bago kinuha ang atensiyon ng lalaki. "Excuse me?"

He looked at her without saying a word.

"Ahm..." This is awkward. "I-ikaw ba 'yong tumulong sa 'kin kanina roon sa may sanitary napkin?"

"Why are you asking?" His voice was cold, it sent shiver down her spine.

But she still managed to smile brightly at the man. "I just want to thank you, for helping me... even though it's kind of embarrassing."

Tumango lang ito at akala niya ay hindi na siya papansinin pero nanatili itong nakatitig sa kanya—hindi, nanatili itong nakatitig sa mga labi niyang nakangiti.

Siya ang unang nagbawi ng tingin, saka akmang tatanggapin ang karneng binili niya nang ang lalaking katabi niya ang tumanggap n'on, saka ito na ang naglagay sa cart niya.

"It's heavy," sabi nito sa baritonong boses. "Be careful."

Napatitig lang siya sa papalayong likod ng lalaki. "Thank you!" nagagalak niyang sigaw.

Kahit hindi siya nilingon ng lalaki, napangiti pa rin si Lucky. He was cold but there was something about him that said he was nice.

Huminga siya nang malalim, saka itinulak ang pushcart at napangiwi nang mapansing mabigat nga 'yon.

Sana pala hindi siya bumili ng karne ngayon. Pero nasa counter na siya kaya binayaran na lang niya lahat ng nasa cart niya.

Sinubukan niyang buhatin ang isang plastic. Mabigat 'yon. Nang ang isang plastic na may lamang karne ang binuhat niya, napangiwi siya dahil mas mabigat 'yon.

Malapit lang naman ako, pagdadahilan niya sa isip niya kahit alam niyang bawal 'yon sa kanya.



MULA SA SASAKYAN, matamang pinagmamasdan ni Blake ang babaeng kailangan niyang protektahan. She was struggling to carry her groceries but she wouldn't give up.

Binuksan niya uli ang folder, saka tiningnan ang larawan nito. She looked sad and depressed in the picture. He knew that emotion very well because he was used in seeing it on Calle's.

But earlier... her smile was bright, like she's untouched by the cruelty of this world.

Tiningnan niya uli ang babae na nahihirapan pa ring buhatin ang mga pinamili.

Napapailing na lumabas siya ng kotse at nilapitan ito. He should be protecting her from afar. His plan was to not engage with her but he couldn't help it earlier.

He had to see for himself if she was depressed or not. Her bright smile... she could be pretending. Maraming tao ang pinepeke ang mga ngiti para lang sabihin sa iba na maayos ang lagay nito at masaya pero ang totoo, hindi naman.

This woman could be one of those people.

Bahagya itong nagulat nang kunin niya rito ang isang plastic na may lamang groceries, saka nauna nang maglakad.

"Come on, hurry up. Your noodle arms will break if you carry these for more than two minutes," sabi niya.

"I don't have noodle arms!" sigaw nito, kapagkuwan ay bumaba ang boses. "But thank you for helping me. Palalampasin ko na lang ang pang-iinsulto mo sa 'kin."

Gustong matawa ni Blake. From angry to nice and soft.

"Saan ba ang bahay mo?" pakunwari niyang tanong. "Malapit lang ba?"

Of course, he knew where she lived. But it'd creep her out. And his job was to protect her. For whatever reason, Velasquez thought that this woman was in danger.

Napatitig siya sa babae na nauna nang maglakad sa kanya. She looked harmless to him. This small, delicate and fragile woman... is in danger. What did you do to be in this situation?

Napatigil si Blake sa paglalakad nang makitang nilapitan ng babae ang mga bata na nakahiga sa gilid ng kalye, saka may kinuha ito sa plastic na dala at ibinigay sa mga bata.

Biscuits, candies and water.

Nilingon siya nito. "Iwan mo na lang diyan, baka matagalan ako rito. Nakakaistorbo na ako sa 'yo. Kaya ko naman na, saka malapit na ang bahay ko rito." Pagkasabi n'on ay bumalik ang atensiyon nito sa mga bata.

Sa halip na umalis na tulad ng gusto nito, pinagmasdan niya lang ang babae na nakikipag-usap sa mga bata habang kumakain ng gummy worms.

She looked comfortable talking to the kids. Masaya itong nakangiti habang hinahaplos ang buhok ng mga bata at inaayos ang damit ng mga ito. Wala siyang makitang arte sa katawan ng babae habang nakaupo sa semento at sinasaluhan ang mga bata na kumain.

And he couldn't look away. He kept on staring at her happy face, asking himself if it was all fake.

"Mamayang gabi pumunta kayo sa apartment ko. Magluluto ako ng masarap na caldereta at adobong manok," nakangiting sabi nito. "Gusto n'yo ba 'yon?"

"Opo, Miss Lucky."

The kids knew her. Mukhang hindi iyon ang unang beses na ginawa iyon ng babae.

"Sige. Hihintayin ko kayo. Sasabihan ko si Manong Guard na papasukin na lang kayo."

"Salamat, Miss Lucky," sabi ng batang babae, saka yumakap dito.

Ngumiti lang ang babae, nagpaalam na sa mga bata at tumayo, saka humarap sa kanya. Nagulat ito nang makitang naroon pa siya. She walked back towards him and offered him one gummy worm.

"A thank you for carrying my groceries. Kahit tinawag mong noodle arms ang mga braso ko, salamat pa rin. But don't mistook me for a weak woman, I'm strong. Stronger than I look."

Bumaba ang tingin niya sa gummy worm na hawak nito. He disliked sweets, especially the one she was holding out to him, but he found his mouth opening and accepting the gummy worm.

A bright smile appeared on her lips.

There's that smile.

"Masarap ba?" nakangiting tanong nito.

Pinilit niyang hindi mapangiwi. "Matamis na ewan."

Tumawa ito, saka nanatili ang masayang ngiti sa mga labi. "You should eat more gummy worms. It can sweeten your day if you're having a bad one—"

"That's a lie. Nothing can sweeten a bad day," hindi niya napigilang komento.

Natigilan ito, saka napatitig sa kanya. Wala na ang ngiti sa mga labi nito na masarap pagmasdan. "That's not true. There's God. He can definitely sweeten your day."

"That's also a lie," hindi mapigilang sabi uli niya.

Napasimangot ito. "Why are you so negative?"

"Look at the world around you, nothing is positive."

"The more reason why you should be positive. The world needs it." Nginitian siya nito, saka kinuha ang pinamili nitong siya ang nagbuhat at nauna nang maglakad sa kanya.

Si Blake naman ay napatitig sa babae, kapagkuwan ay tinawagan si Knight.

"Oh, Blake, what the update—"

"Am I protecting this woman's positivity?"

"What the fuck are you talking about, Vitale? You're protecting her because she's in a serious danger."

"She's delicate and fragile, Velasquez. She looks harmless to me."

"Blake, there's more to that girl than meets the eye. At ang sabi ko, protektahan mo siya. Hindi ko sinabing kilalanin mo. Bakit mo nilapitan—"

Pinatayan niya ng tawag ang conde, saka pinakatitigan ang babae na ngayon ay papasok na sa apartment nito.

I wonder if the apartment next to her is vacant?


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro