Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: The Ex

Chapter 3: The Ex


Sierah's Point Of View.



Umiwas tingin na ako at nagsuot ng seatbelt. Pinaandar na ni Yuno ang sasakyan niya, "When did you start being friends with him?" Tukoy ko kay four-eyed.

"Ah, we're blockmates on a special business course. Last year," napatango naman ako.

"Matagal na pala—"

"Senior mo 'yon, try being friendly with him. Plus, he's really a genius." Yuno stated while smiling, looking proud.

"I can handle myself, hindi ko siya kailangang kaibiganin for grades." I hissed.

"What are you taking me for," I sarcastically said, which made him chuckle.

"When it comes to business, Sierah. Friends are enough to make you powerful for connections." He explained.

"Kahit na, kita mo naman na we both hate each other. Iba yung pakiramdam ko sa kaniya," pagsasabi ko ng totoo.

"Gwapo naman ah?"

"It's not always about the looks, okay? Duh." Gitil ko.

"By the way, Sierah. I smelled you a while ago." Nalingon ko si Yuno sa sinabi niya, naamoy niya ako? Mabango syempre.

"You smelled like cigarettes, too." Nanlaki ang mata ko, oo nga pala. Nahalikan ko si four-eyed kasi akala ko siya si Yuno!

"Ah." Napalunok ako.

"I know that I smoke, but please don't try to smoke. Mahirap tumigil," nakangiting sabi niya sa akin.

"Y-Yeah." Nahihiyang sabi ko.

Alangan ng sabihin kong humalik ako ng labi ng nagsisigarilyo? Edi na-turn off na siya.

Nang maihatid niya ako sa condo ay bumaba na ako, "Thank you for dropping me off." I waved my hand.

"Yeah, always. I'll see you." Kaway niya rin kaya pumasok na ako sa condo ko, not until pagkaharap ko sa likod ko ay nakita ko ang pamilyar na likod.

Pasimple akong lumapit, "Are you staying here?" Napalingon bigla si four-eyed.

Halata na nabigla siyang makita ako, "Yeah? 5th floor." Inayos niya ang salamin tsaka niya hinarap muli yung sa information center.

"I lost my card key, can I request a new one? I'll just pay for it." He took out an I.D from his wallet.

"Ah sir, kapag ganiyan po bukas pa po mapapalitan." Tumikhim ako at aalis na sana pero natigilan ako nang awatin ako ni four-eyed.

"Help me." Nanlaki ang mata ko.

"E-Eh? Paano kita tutulungan?" Gulat na sabi ko.

He sighed, "Can't we rush it? At least I can wait for an hour."

"P-Pero sir, anong oras na rin po kasi." Tumikhim ako tsaka hinarap yung babae.

"I guess you can just rush it? Since he needs it instantly. Hindi naman parating nawawalan ng card keys ang condominium owners, so maybe you could rush it?" I tried to speak and I guess it will work.

"My cat is waiting for me." Napalingon ako bigla kay four-eyed sa sinabi niya, wow, sa angas niyang 'yan may pusa siya?


Mahilig siya sa pusa?


"Okay sir, kindly wait for it na lang po and we'll deliver it to you." Sabi ng babae sa information center kaya nilingon ko si four-eyed.

"Four-eyed, una na ako." Paalam ko.

"Yeah, appreciate your kindness. Sie." Tumaas ang kilay ko sa pagtawag niya sa akin.

"S-Sie what?"

"Yuno told me, Sie is your nickname." Umawang ang labi ko at tsaka pekeng natawa.

"I don't think so, bye." Tinalikuran ko na siya at nagmamadaling umakyat.

"Seryoso ba siya?" Bulong ko sa sarili noong makapasok sa elevator.

Later on, Yuno called me chuckling.

"What the hell was that Yuno?" Singhal ko.

"Yes Sie?" Natawa siya muli matapos malambing na tawagin ang nickname na 'yon.

"Sinabi mo talaga 'yon kay four-eyed?"

"Alin? YUNIKO MARSHALL! ANO BA— Grabe naman si mama, wait!" Pinigilan ko matawa sa kabilang linya.

"Yuniko?" I stated.

"Wala! Wait ma! Wait lang rin Sie." Paalam niya sa akin kaya pinigilan ko ngumiti.

So Yuniko Marshall? In short Yuno?

Ah..


Few days later, I was busy studying late at night so I decided to go to the lounge of the condominium building. Yung may tables, cafe and canteen.

Masyado kasi akong nasasakal sa condo ko, after ko umorder ng drinks and food ay naupo na ako sa respected table ko.

Sinimulan kong buklatin ang libro ko, not until someone tapped my table with his fingernails to catch my attention.

Tiningala ko ito ngunit natigilan ako noong makita si four-eyed na nakatayo habang suot ang isang baggy jogging pants na gray at longsleeve na terno ng jogging pants niya.

Inayos niya ang salamin niya at sinuri rin ang mukha ko, napalunok ako noong bagsak ang itim niyang buhok ngayon.

"Financial management?" Tukoy niya sa libro ko, napalunok ako at tumango na lang.

"Why are you here though?" I asked and stared at my book, he pulled a chair and sat on it.

"That's the toughest subject." He cleared his throat 'cause his voice is way too deep, baka kagigising niya lang?

"Hindi ko naman tinatanong," sarkastiko kong bulong.

"Okay. I thought you would need my help." Natigilan ako at pasimple na minasdan ang pag-alis niya, mukhang bibili rin siya ng food niya.

Should I ask for help?

No, I shouldn't.

Bumuntong hininga ako at pilit iniintindi ito, may math pa, bakit ba kasi hindi ako magaling sa math?

Later on my father texted me.

From Daddy:

    Anak, your date is already set. Tuesday, 6:30pm. Make sure to be presentable and if you don't want the guy at least try three dates. Okay? Love you. Keep safe.

Napangiti ako sa huling sinabi ni daddy, well kilala niya siguro ako bilang mapiling babae. Syempre, hindi naman kung sino-sino na asungot lang pulutin ko 'no.

Tuesday?! Bukas kaagad?!


Nasapo ko ang mukha at tsaka ako yumuko sa libro dahil hindi ko talaga maintindihan, after 2 hours of studying suddenly four-eyed appeared with a one notebook on his hand.

"B-Bakit ka nandito?" Napapalunok na tanong ko.

He sighed and his hazel eyes blankly stared at me, "A-Ano?"

"What's so hard about that subject, you irritate me." Umawang ang labi ko at magagalit na sana pero parang may sama ng loob niya pang ibinaba ang notebook sa gilid ko tsaka niya ginulo ang buhok at tinalikuran ako agad.


What the fuck?


"Ano 'to?" Pahabol na tanong ko ngunit dere-deretso siyang naglakad, he even placed his hands on his pockets.

Umiling ako at kinuha yung notebook niya, noong buksan ko 'yon ay natigilan ako nang notes niya 'yon noong 3rd year siya.

Wow, tinatago niya talaga yung mga notes niya?


Binuklat ko yung notebook at sandali akong nahiya sa ganda ng sulat niya, pino and parang print, ang maganda pa ay may highlight na yung importants.

Detailed pa yung pagkakapaunawa sa math, kagat labi ay medyo natuwa ako dahil isang tingin ko pa lang sa notes niya ay nauunawaan ko na yung subject.

And because of his notes, things become easy for this subject. I sighed, I guess may tama si Yuno na kakailanganin ko pa rin ang tulong ng senior ko specially in math.

After that day, his notes were with me para maibalik ko rin, nakakahiya naman if hindi ko ibabalik.

May date pa pala ako ng 6:30pm, napahikab ako matapos ng klase ngunit si Azi ang nakita ko in his white uniform.

Yeah medicine nga pala ang tine-take niya, buti may med school sa school nila lola. "Azi." I called his name, natigilan naman siya at hinanap ako sa crowd so I waved my hand.

Nang makita niya ako ay matipid lang siyang ngumiti, ang bagay sa kaniya ng uniform niya. "Is your brother living with you?" I asked.

"Ah, no. We have a separate condo." Kinuha ko yung notes ng kuya niya tsaka ko inabot kay Azi.

"Can you hand this to him? Also I appreciate his kindness for letting me borrow his notes." Nagtataka si Azi na kinuha ang notebook.

"Sure." Matipid niyang sagot.

"I'll go ahead." Paalam niya.

"Take care, thank you." Tumango lang siya at medyo nahilot pa ang tangos ng kaniyang ilong tinititigan ang notebook ng kuya niya.

Umalis na rin ako to get ready for my date night, I'll try to be kind. Hindi naman sa umaasa ako pero sana si Yuno.

Habang nag-aayos ako ay natigilan ako noong may nag-bell sa condo ko, binuksan ko naman 'yon ngunit tumaas ang kilay ko nang makita si Yuno.

"Patambay." Pumasok siya at humilata sa sofa ko.

"Hmm, isn't this weird? Tumatambay ka sa condo ko? Dalawa lang tayo?" I asked and walked near the sofa.

"Wow, did I never do this before Sierah?" Taas kilay niyang tanong.

"T-Things are different now, I'm twenty and things can happen." Pabulong na sabi ko.

"What things? Such as what?" Napaupo siya sa sofa at ibinaba ang cellphone niya sa center table.

"Like I like you so I can make a move and take advantage of you here." Turo ko sa mismong sahig.

"Ah. That won't happen." Yuno announced.

"You only have 2 hours to stay, I have a dinner date with someone my dad sets me on." I explained and opened the television.

"Okay." Mahinang sagot niya at itinuon ang pansin sa TV.

Nang makaayos na ako ay mamaya na lang ako magbibihis dahil may isang oras pa naman ako, sinamahan ko si Yuno sa sala na tumatawa habang naka-akbay sa sandalan ng sofa na mahaba habang bahagyang nakabuka ang legs.

"Food? Drinks?" I asked.

Napalingon siya sa akin ngunit natigilan ako noong tumayo siya bigla dahilan para ako ang mapaupo sa sofa na single. "Nakakagulat ka naman.."

"Ako na kukuha," bigla siyang ngumiti at dahil doon ay bahagyang nawala ang mata niya at lumabas ang malalim niyang dimples.

Gwapo accckkkkk!


"Okay. Get me some wine." Utos ko.

"Sure," he replied back and came back with a glass of wine and chips.

"Hatid na kita mamaya." Mahinahon niyang sabi.


Hindi siya ang date ko kung ganoon?


"Sige, kung ako na lang kasi hindi na sana ako makikipagdate." Bulong ko pa sa sarili na panigurado ay maririnig niya.

"You can just stop dating anyone then, heal first." He announced, "You don't need a boyfriend anyway, nandito naman ako palagi and your boyfriend will just be your problem." Sa sinabi niya ay naitikom ko ang bibig.


Nandito siya palagi?


"How long will you be available for me, Yuno?" Balik sumbat ko.

"As long as we're friends." He seriously stated, walang halong biro kaya pinigilan ko ngumiti.

"Why don't you date me instead?" I responded, natigilan siya sa pag-nguya at bago pa man siya seryosong tumitig sa akin ay tumikhim na siya.

"I don't know if I can stay long if I'm your boyfriend, walang kasiguraduhan sa sarili ko ngayon kung kaya ko humawak ng relasyon, Sierah." Naitikom ko ang bibig at tumango.

"Okay." Inubos ko na ang laman ng wine tsaka ako bahagyang napapikit ng uminit 'yon sa lalamunan at tyan ko.

"I'll change na." Paalam ko at tsaka ako pumasok sa kwarto ko, pagkatapos ko magbihis ay nahirapan ako i-zipper yung dress na suot ko.

Prente naman akong lumabas, "Yuno, pa-zip up naman." Nagulat siya at napatayo.

"Zip what?" Napunasan niya pa ang bibig at balisa na tinignan ang likod ko tsaka umiwas tingin.

"Paki-zip pataas." Seryosong sabi ko at tumalikod sa kaniya.

"Sierah naman." Singhal niya.

"Oh, kanino ko iapapa-zipper? Sa date ko ba?" Ngumiwi siya at bahagya niya pang nahawakan ang balat ko.

"Dahan-dahan baka maipit yung balat ko." Banta ko pa, nang maitaas niya kahit papaano ay huminga ako ng malalim.

"Wait!" Natatarantang sabi niya.

Nang mai-zip niya 'yon ay ngumisi na lang ang labi ko, hinarap ko siya tsaka ako bahagyang umatras. "How do I look?" Napatitig siya sa kabuohan ko bago tumikhim.

"You always look good, of course. Wala ng bago kasi parati kang maganda." Pinigilan ko mamula sa malalaang puri niya.

Shet.

"Sige na, aalis na ako if you want to stay here then stay mun—"

"Ihahatid na kita, tara." Pinatay niya ang TV tsaka niya kinuha yung gamit niya at pati bag ko ay binuhat na rin niya.

Kagat labi akong sumunod sa kaniya, at habang naglalakad sa hallway ay pasimple akong humawak sa braso niya. "Yuno." Bulong ko.

"Hmm?" Tugon niya at mabilisan akong nilingon.

"When will you be ready to have a relationship?" Tumikhim siya dahil sa tanong ko, napapikit ako noong hindi niya ako sinagot.

"Yuniko." Asar ko sa kaniya.

"Don't call me that, no one knows my real name bukod kay Laze." Ngumiti ako at tsaka tatawa tawa na bumitaw sa braso niya.

"Nice name anyway, Yuniko parang nag-iisang anak na lalake. Powerful huh?" He smiled at me and even pulled me in my wrist since a guy passed beside us.

"You got it, nag-iisa at higit sa lahat panganay na lalake ng pamilya." Tumango ako na nakangiti sa explanation niya, nang makarating sa sasakyan niya ay sumakay na ako ng kusa.

"Careful, naka-dress ka." He reminded me, how gentleman right?


Sinong hindi mahuhulog sa lalakeng katulad niya? I doubt na wala.


Ang ayaw ko lang sa kaniya friendly siya sa babae, and sa lahat naman sa totoo lang. He's very approachable and fun to be with.

Nang makarating sa restaurant ay bumaba na ako, "Salamat!" Kumaway ako kay Yuno.

"Sure, ingat ka. Call me if anything happens." Nakangiting sabi ni Yuno sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.

"I will. Bye-bye." Pumunta na ako sa loob at umalis na rin naman ang sasakyan niya.

Pagkapasok sa restaurant ay sinabi ko yung name ng parents ko as they're the one who reserved for us.

"Here ma'am," sumunod ako sa babae. Nang makarating sa table namin ay natigilan ako bigla noong makilala yung lalake na nakaupo sa kabilang table.


Wait— siya ba yung date ko?



Nang makita niya ako ay napatigil rin siya, "Sierah."

Napakurap ako ng maraming beses, "I-Ikaw ba?" Naguguluhan na sabi ko, bigla ay tila nanumbalik sa akin ang feeling of betrayal.

"You look good," he gave me a head to toe look but I looked away.

"Dito ba yung table ko miss?" I pointed to his table, my first love, I mean my first heartbreak.

"Yes ma'am." Nakangiting sabi ng waiter at iniwan na kami.

Dahan-dahan akong naupo sa harapan niya, hindi ko alam ang sasabihin at nababalisa na rin ako.

Mabilis kong hinanap ang IG ni Yuno dahil hindi ko kabisado ang number niya at basta-basta na lang pinindot 'yon.

Nag-type ako ng pasimple at mabilisan. I asked for his help to take me out of here and because of my ex.

"So how have you been?" Panimula niya, bahagyang kumuyom ang kamao ko.

"H-Hindi ko alam kung bakit ka nandito, Sean. May anak ka na 'di ba?" Napatigil siya sa sinabi ko.

"My dad asked a favour, h-hindi kami kasal at wala kaming relasyon Sierah." Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo kaya bumuntong hininga ako.

"H-Hindi ka pa ba ayos na makita ako?" Nakagat ko ang ibabang labi at bumuntong hininga.

"It's no sense that I'm here, Sean." Gitil ko.

"Sierah, it's just dinner." Mahinahon niyang sabi at natigilan ako nang maayos niyang hawakan ang kamay ko.

Magalang naman 'yon, ngunit natigilan ako nang may kamay na nag-alis ng pagkakahawak ni Sean at hinawakan ng kamay na 'yon ang kamay ko.

Napatingala ako kaagad ngunit naguluhan ako nang makita si four-eyed.


Bakit siya nandito?


"You don't need to go on dates when we're having a fight, love." Awtomatikong umawang ang labi ko nang marinig ko ang malalim na boses ni four-eyed na sinabi 'yon.

"H-Huh?" Natulala ako sa kaniya.

"Let's go," inayos niya pa ang salamin niya at inalalayan ako tumayo. Nang makatayo ay hinawakan ni Sean ang isang pulsuhan ko.

"Kilala mo ba?" Tukoy niya, mahina akong tumango.

"Sino ka?" Maayos naman ang tanong niya kay four-eyed pero hinila ako ni four-eyed sa tabi niya upang mabitiwan ako ni Sean.

"Yeon Gavril Villamos, her boyfriend." Nag-init ang pisngi ko at hindi makapaniwala sa naririnig.

"Mind if we go now?" Hinawakan ni four-eyed ang kamay ko tsaka siya maayos at gwapong ngumiti kay Sean.

"Okay." Tumango si Sean at muli akong tinignan.

Nang umalis kami doon sa restaurant ay nangunot ang noo ko ng makasakay sa sasakyan ni four-eyed.

"F-Four-eyed? Bakit ka nandito?" Gulat na tanong ko, ngumiwi siya sa akin tsaka niya sinulyapan ang orasan niya sa cellphone at sinindi ang aircon ng sasakyan.

"We're in the same restaurant, I also have a blind date. Ano bang trip mo sa buhay?" Natigilan ako sa sinabi niya, lumunok ako ng husto.

"H-Huh? Hindi ko maintindihan."

"Check your damn instagram." Singhal niya at tsaka niya sandaling inalis ang salamin dahilan para makita ko ang maganda niyang mata.

Umiwas tingin ako at sinunod ko siya. Binuksan ko ang instagram ko at nanlaki ang mata ko sa nakita.


[email protected]=


@gsierah: Help me here, my fucking dumb first love who cheated on me is here.


"Sorry, a-akala ko si Yuno." Nahihiyang sabi ko tsaka ako napalunok.

"You can go back on your date, uuwi na lang ako." Nahihiyang sabi ko.

"Nah, I already declined the woman and for sure my dad is going to ground me." Napanguso ako sa sinabi niya.

"Decrease of allowance—"

"What should I do then?" Masungit ngunit nakokonsensya kong sabi.

"P-Pwede mo naman kasi deadmahin yung chat ko." Nagmamaktol kong sabi.

"I didn't know it was meant for someone else," wika niya at isinuot na ang salamin tsaka sita tumingin sa harapan habang ang isang kamay ay nasa manibela.

"Alam ko na, tayo na lang dalawa mag-date. Let's just say na kunyare nagkamali tayo ng napuntahan na table?" I suggested, nangunot ang noo niya.

"Us? On a date?" Parang nandidiri niya pang sabi.

"Ang arte mo 'no?" Singhal ko.

"Can't you see?" Pairap kong sabi.

"I'm trying to make up, pag nalaman nila na ako yung date mo of course they wouldn't be mad. Business is business after all." Umiwas tingin siya at tila malalim na pinag-isipan ang alok ko.

"Okay, deal."

"Okay, let's go." Anyaya ko at nag-seatbelt na.

"Yeah." Bulong niya. He drove his car to a fine restaurant and then we ordered food.

But while waiting, "What do you do on a first date?" He asked.

"Getting to know each other?" Walang gana na sabi ko.

"Ah, who are you?" Sa tanong niya ay halos samaan ko siya ng tingin.

"You know what four-eyed, kilala mo na ako eh—"

"Yeah, but you never introduced yourself to me." Naitikom ko ang bibig at napatango.

"Fine, Sierah Ramirez Garcia. 3rd year in business." I shook his hand.

"Okay, Yeon Gavril Villamos." He also shook my hand and we get back to our seat, parang diring diri pa kami sa isa't isa kung umasta.

"So you're taking care of your business now?" Kwestyon ko.

"Yeah, it started already. Since my brother has no passion in business, I was the one who needed to adjust." He calmly answered my question, he even placed his car keys on the side of the table.

I stopped when our phone both rang, "Yari." Bulong ko at sinagot ang tawag ni dad.


"You dissed him, anak." Panimula ni daddy.

"Dad, that fool cheated on me. How could you do this?" Nakangusong reklamo ko dahilan para masamid si dad sa kabilang linya.

"Cheated on what?!"

"On you? Gago 'yon. Sandali kikitain k—"

"Dad, don't make a fuss. Just tell the Villamos that I'm on a date with their eldest." I explained to dad and he got it already.


Dumating na yung food kaya naman pinanood ko kumain si four-eyed. "Ayaw mo sa chicken?" Turo ko sa chicken wings.

Napatitig siya sa akin dahil sa tanong ko, he massaged the bridge of his nose and sighed. "I don't like chickens." Lumabi ako at tumango.

"Hindi ka rin naman nila gusto," sarkastikong bulong ko sa sarili ko.

"Malabo ba mata mo?" Kwestyon ko pa.

"No, that's why I'm wearing eyeglasses because my vision is very clear." He sarcastically answered and patted his lips with a tissue.

Hindi na ako umimik kasi ang pangit niya talaga kausap, "Wala kang girlfriend?" I asked again.

"Are you interested in becoming one?" Masungit niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko at umiling iling.

"Asa ka naman 'no! Tinanong ko lang kasi the last time I went out on a date may girlfriend yung lalake. Naging kabit pa ako," but then nang tignan ko siya after my explanation ay parang hindi niya ako naririnig at panay kain lang siya.

Umirap ako at kumain na lang rin, hindi niya na ako muli pang kinausap kaya pinuno ko ang bibig at tila masama ang loob na ngumuya.

"What are you?" Tumaas ang kilay ko sa biglang pagsalita niya tsaka niya tinitigan ang mukha ko, "A hamster?"

Umawang ang labi ko at muntik pa malaglag ang nginunguya ko, "Ang sama talaga ng ugali—"

"Don't speak when your mouth is full." Halos samaan ko siya ng tingin ng kumuha siya ng tissue at itakip sa bibig ko kaya hinawakan ko ang tissue at inubos ang laman ng bibig ko.

Uminom ako ng tubig, "Kahit kailan four-eyes nakakairita ka." Gitil ko.

"Not asking," his hazel eyes looked away and his lips flattened.

Ngumuso na lang ako kasabay ng pagbulong ng asar niya, "Four-eyed."

He glanced at me with his kunot noo, "You're making it difficult, just call me Yeon."

"Eh sa gusto ko?" Maarteng sabi ko at uminom ng wine.

"Hindi ka iinom?" Tanong ko.

"No. I'm driving." Matipid niyang sabi.

"Wow, mabait yarn?" Asar ko.

"Just following the law, if you died because of me who'll be the murderer?" Hindi na ako umimik sa sinabi niya, umirap na lang ako.

May point pero siya.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami at pumunta sa parking lot, nang bahagya siyang lumayo ay susunod na sana ako ngunit lumingon siya kaya napatigil ako.

"A-Ano?" Gulat na sabi ko.

"Don't follow me, I'll just smoke." Paalam niya pa kaya pinigilan ko lumunok.


What does he mean by that?


"Ano naman?" Tanong ko.

He sighed, "Go ahead and die then." Masungit niyang sabi at tsaka siya naglabas ng stick of cigarette.

Napalunok ako nang ilagay niya 'yon sa pagitan ng pula niyang labi. Parang hindi naman siya nagsisigarilyo?

Lumunok ako, nang makuha niya ang lighter ay sinindihan niya 'yon tsaka siya agarang humipak.

Napanguso ako bigla, his jaw became visible as he inhaled through his mouth. Malayo ang tingin ng mga mata niyang medyo mapungay.

Umiwas tingin ako nang mahalata niyang pinagmamasdan ko ang mukha niya.

I can smell the menthol of the cigarette he's using, nakagat ko ang ibabang labi ko. "What do you get from smoking?" I asked.

"Nothing," matipid niyang sagot at sumusulyap sa kalangitan tapos ay bubuga niya ang usok.

"My dad stopped smoking because of me and my mom." Nakangiting sabi ko, kind of proud of my dad.

"Good for him." Matipid niyang sabi at muling humipak.

"I don't have someone to stop, I don't want to change my ways just because of love. How cringe." Seryosong sabi niya.

"Wow, ang bitter. Niloko ka ba noon?" Natatawang sabi ko.

"Loko? How would someone cheat on me if I didn't bother entering a relationship once?" Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi.

"Seryoso ba?!" Gulat na sabi ko, hindi niya ako inimik at tila nabingi na naman siya.

"Wala kang naging ex? Like a girlfriend? M.U?" Gitil ko hindi makapaniwala ng lubos.

Parang bingi siya at hindi ako sinasagot. "Wow ha, ang bait mo namang anak?"

"Shut up." Matipid niyang sabi at pinatay ang sigarilyo niya tsaka niya itinapon sa basurahan.

Nang maglakad na siyang muli ay sumunod ako, sumakay na ako sa sasakyan niya ngunit nag-alcohol siya ng kamay ngunit naamoy ko pa rin ang menthol sa kaniya.

"Tapang ng cigarette mo." Bulong ko.

"Sabi ko lumayo ka," ngiwing sabi niya at pinaandar na ang sasakyan niya.

"Mas okay ng lumanghap ng usok kesa pagtripan ng mga lalake." Seryosong sabi ko.

"Ge." Mahinang sagot niya.


Wala talaga siyang naging girlfriend? O talkshit siya?


///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro