Chapter 26: Oh To Be Back..
Chapter 26: Oh To Be Back..
Sierah's Point Of View.
A-Ayoko na siyang makita pa ulit, naalala ko kung gaano ako katanga na naghahabol at ipinipilit ang sarili ko sa kaniya without knowing that his intention is to get his revenge.
Yes, his only intention is to get his revenge. All he did is part of his plan kaya nakakainis.
After that scenario, nasabi ko kay Amaya ang nangyari at magka-krus ang braso niya akong hinarap. "Pinakita mo lang sa kaniya na hindi ka pa moved on Sierah, you should act normal. Hindi tense, hindi galit, act like you don't care ganoon."
"Naka-move on na ako 'no, tagal na no'n, tatlong taon na." Singhal ko.
"Wow, ako pa niloko mo ha. Galit na galit ka nga diyan kasi ginamit ka niya." Umirap ako at suminghal.
"I won't meet him anyway, busy rin ako sa company and for sure ganoon rin siya. Wala rin akong oras magalit pa." Tumango na lang siya.
"Unless, mauwi ka ng city?" Nasulyapan ko siya.
"What do you mean? 'Di ba sa Cebu ang branch na hawak niya—" Naitikom ko ang bibig nang masabi 'yon.
"See, moved on ka na niyan ha?"
"I mean, m-malalaman ko kasi I am a businesswoman." I cleared my throat trying to change what I've said.
"I just noticed that iba yung kumpanya na binanggit kanina? Nagpalit ba sila name?" Nagtatakang sabi ko.
"I don't know," sagot ni Amaya.
"I will make him taste his own poison, hindi pa ako tapos sa pinaramdam niya sa akin noon." Seryosong sabi ko at doon na pumasok ang mga plano ko sa isipan.
After a few weeks, destiny or I should say our ill-fated relationship is making us meet each other for fuck's sake.
He was wearing a white plain long sleeve button up shirt and black slacks, formal attire for work I should say. Then I noticed my clothes, I was also wearing a black skirt and a white long sleeve.
Nang magtama ang mata namin ay pairap kong inalis ang tingin sa kaniya tsaka ko inabot ang stick sa desk nang makumpleto ang laman ng conference room.
"I didn't expect that I would meet all of you here, again.. But it's nice seeing you, allow me to introduce myself, I am Sierah Garcia the successor of ZG company or known as Garcia Company." Nakatingin lang sila lahat sa akin at namanangha ang mga tingin.
Maybe they didn't expect it to be me? "I thought yung younger brother mo ang successor ng Garcia Company?" Biglang singit ng isang matanda kaya ngumiti ako.
"Hmm my brother will have his own company soon, he's focusing on his studies. Let's talk about business first, personal matters can wait." I smiled firmly and then tapped the stick on the white board in front of us.
"We are a company in one organization so we'll meet each other when needed. This project will be funded by us, it is a charity event for less fortunates." Tumikhim ako at isinenyas ang nasa white board.
"Apartments, scholarships, medical missions, and feeding programs, at marami pang iba that will be discussed after a few introductions." Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa kabilang gilid.
I felt Yeon's gaze were following my movements, as he is supposed to, dapat lang na makinig siya dahil hindi ko uulitin ang sinabi ko.
"You're saying that this won't benefit us?" The other businessman asked.
"It will benefit us, people will remember us helping them and when they're good and stable they will be the one to help us soon. So, a few months ago a strong typhoon visited the Philippines. Marami ang nasalanta, ilan ang namatay at ang ilan ay nangangailangan pa ng financial support." Lumipat ako muli sa kung saan nandoon ang foundation.
"This one," turo ko sa itaas ng white board, "By next week we need to get it done and ready, more sales more donations, iba-iba ang kumpanya natin, may damit, electronics, medical equipment at iba pa so I'm expecting a great cooperation with everyone?" I even raised my right hand to receive some answers.
"Maasahan mo 'ko Ms. Garcia." Tumango ako habang nakangiti sa isa.
"Well, I'm in."
"We're in."
"Magandang ideya."
"I'll be ready to help." Umirap ako nang magsalita si Yeon na ikinakunot ng noo niya.
Matapos ang meeting ay inayos ko na ang damit ko sa mesa, nandoon kasi ang bag ko, cellphone at ang iba pang folders na dala ko.
"Take care Ms. Garcia." Paalam nila.
"Yes, thank you. Kayo rin," I said and stood up straight, inabot ko na ang bag ko tapos ay aalis na sana ako nang biglang pumasok si daddy sa conference room nang iilan na lang ang tao.
"Hi there," bati niya at kumaway sa akin.
"Dad, hi." Bati ko napupuno nang pagtataka.
"Uhm I guess you heard about it already?" Nang sulyapan niya si Yeon ay nagtaka ako.
"About what dad?"
"Well, after this project alam mo naman sigurong investor natin si Mr. Villamos?" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni daddy.
Investor?!
Ano bang trip niya? Wow.
Ayaw ba niya akong iwasan? Hindi ba siya nahihiya sa akin? Nag-invest pa talaga siya sa kumpanya namin?
"Oh." Sinulyapan ko si Yeon na nakatingin sa akin habang prenteng nakaupo at itinitipa ang daliri sa mesa.
"Okay," kalmadong sagot ko hindi pahalatadong gustong manakit ng mapanakit.
After that umalis na rin kami, hinatid naman ako ni dad sa tinutuluyan kong hotel kasi dahil sa project ay nasa iisang hotel lang kaming lahat.
Wala kasi kami sa city, I also found out that Yeon is part of a company group and guess what? Magkakasama kami.
Nagpahinga ako ng matagal tsaka ako lumabas nang mag-crave ako sa inihaw na street foods at balut.
Kagat labi kong sinuot ang slippers ko tapos inabot ang wallet tsaka ako lumabas ng kwarto, naghanap ako sa gilid ng hotel na nadaanan kanina ngunit tumaas ang kilay ko nang makita si Yeon Gavril kasama ang ibang staff niya sa company niya.
They were laughing and giggling, ang ilan kasi sa mga 'yon ay babae, kakaunti lang ang lalake.
Umirap ako, kumakain pala siya nang ganitong klaseng pagkain? "Sir, 'di ba po kumpanya ng lolo niyo ang hawak niyo?" Nangunot ang noo ko at pasimpleng lumapit.
"Ah yes, but that was ages ago. Let's not talk about it." Yeon tried to gave them a smile but I know how fake that smile is.
"Excuse me." Sambit ko na ikinagulat nila, si Yeon ay humakbang lang ng isa patalikod.
"Ma'am Sierah, 'di ba po kayo yung kasama namin sa hotel?" Matipid lang akong tumango.
"Tatlo nga po dito, tapos tig lima rito." Turo ko sa mga gusto ko.
"Akala ko po yung mga mayayaman na tulad niyo ay hindi kumakain ng ganito." Sinulyapan ko muli ang babae.
"Uhm street food is still exotic food, they serve this in fine restaurants but you know, originally this tastes best." Turo ko dahilan para ngumiti rin ang nagtitinda at bumulong sa kasama niya.
"Really?" Nang sulyapan ko si Yeon sa bulong niya sa sarili ay umiwas tingin siya sa akin.
"Ma'am sama na po kayo sa amin, may table po kami doon oh." Turo ng staff ni Yeon.
"Ah no thanks, uuwi rin ako sa room ko." Tumango sila kaya naman habang naghihintay ay nakatayo lang ako not until Yeon walk towards me.
"What?" Kwestyon ko wala pa man ah nagsusungit na.
"Just sit with us until your food is cooked, they're the one who suggested it." Para hindi ko na siya makausap pa ay tumango na lang ako at naki-upo.
Habang hinihintay ko ang pagkain na binili ay napasulyap ako sa dala kong cellphone nang may notification na lumabas sa screen.
Dinampot ko naman 'yon para i-check..
From Yuniko Marshall:
Good evening, I'll call. Business purposes only.
Wow may ganoon Yuno? Napairap ako at hinintay ang tawag niya hanggang sa mag-ring 'yon ay sinagot ko. "I'll just answer a call." Paalam ko sa lahat at bahagya lang na lumayo yung hindi sobrang layo dahil ilang hakbang lang.
"Good evening, what about it?" Panimula ko.
"I heard from your dad that we're in one group of business people, so It's nice having you in our group Sierah." Matipid akong ngumiti.
"Yeah, It's great that you're in my group Yuno. Para hindi naman nakakahiya na iisa lang or dalawa ang kilala ko." Napatikhim siya sa kabilang linya.
"How about we go out for dinner sometimes? Or lunch if it's too difficult to go out at night?" I chuckled on his suggestion.
"Maybe you just want a date with me?" Ngising sabi ko.
"Of course not, but surely a friendly date siguro?" I rolled my eyes and chuckled, "Sure, bye.."
"Bye Sierah see you."
Pinatay ko na ang tawag, Yuno didn't change, his voice was still hot, for sure his looks were upgraded.
Maganda lahi eh, bumalik na ako sa kinauupuan tapos ay sakto naman na dumating na yung food ko kaya kinuha ko 'yon.
"Thank you, I'll go first." Paalam ko sa lahat, marami silang sinabi at wala man lang binanggit si Yeon.
The day of when the project started, we were all busy helping with the project for unfortunate people.
Taga abot ako ng school supplies na nasa isang bag na para sa mga bata and free scholarships for colleges naman.
"Ms. Garcia, have a rest first." Natingala ko si Yeon nang sabihin niya 'yon at marahan na agawin sa kamay ko ang inaabot na bag.
"I can handle this Mr. Villamos." Salubong ang kilay kong sabi at sinubok kunin 'yon sa kaniya ngunit iniiwas niya.
"I said have a rest first, eat and drink some water. Go." My lips parted a little when I heard his tone with authority.
Hindi niya naman ako girlfriend para mag-alala siya sa akin, "Look, Mr. Villamos may designated tasks tayo rito, why not just do what you have to do?" Sumbat ko.
"Yes, I'm done with mine and your father told me to help others. Go ahead." Nang talikuran niya na ako ay nakita ko na lang ang likod niya kaya ngumiwi ako.
Sinunod ko na lang siya, kumuha ako ng food na naka-styro at drinks. Naupo ako sa sulok habang pinanonood siya.
Habang kumakain ay sinusulyapan ko siya.
T-Tinitignan ko lang naman kung nagagawa niya yung trabaho niya ng maayos 'no..
Nang ngitian niya ang bata at i-pat pa ang ulo no'n matapos abutan ay napaiwas tingin ako, hindi ako sanay na may soft spot siya for other people.
Mukha kasi siyang masungit at parang bad boy kung kumilos so seeing him soft makes me want to smile and forget what he did.
Matapos ko kumain ay inayos ko lang ang ID lace na suot at lumapit na doon, "Tapos na ako, kaya ko na 'to." Sinimulan ko na kumuha at mag-abot pero siya ay sinulyapan lang ako at patuloy pa rin.
"Kaya ko na." Pag-uulit ko pero tinignan niya lang ako at nagbigay ulit, "Mr. Villamos can you hear me?" I asked.
"Yes." Matipid niyang sagot tapos ay lumapat na ang labi niya at ngumingiti sa mga bata.
"Then leave, kasi kaya ko na—"
"I am helping a colleague." Sagot niya.
"Nothing's wrong with that?" Ngumiwi ako at hinayaan siya, at dahil sa pagtulong niya ay mabilis na natapos at hindi ako gaano nahirapan.
Pagkatapos ay inabot ko ang water bottle sa gilid ng mesa at ininom 'yon, then I felt Yeon's stare at me.
"Ano ba?" Tinaasan ko siya ng kilay, bumuntong hininga siya.
"You don't just grab anything on the table, that's my water." Halos maibuga ko ang nasa bibig nang marinig ang sinabi niya.
"W-What?" Hindi makapaniwalang sabi ko at tinignan ang bote, "Nasa side ko?" Turo ko sa gilid at ibinalik doon ang water bottle.
"Yeah, that's mine. Nilapag ko diyan kanina while doing this," tukoy niya sa mga natirang bag.
"Then where's mine?" Gitil ko.
"Over there.." He pointed to the table where I ate my food a while ago, nakagat ko ang ibabang labi nang makita nga doon.
"Fine, I'm sorry. Hindi ko alam," nahihiya at napapahiyang sabi ko.
That's an indirect kiss!
Gosh!
Dahil doon ay nahablot ko ang bag ko at mabilis na hinanap si daddy, babalik na kasi ako sa city after this event.
"Daddy, nakikita niyo ba yung ginagawa niya?" I said in monotone after I got in his car.
"Sino? Alin anak?" Naguguluhan na sabi ni daddy at naayos ang buhok niya sa mismong salamin sa sasakyan.
"That man, t-that opportunist dad." Sa pagka-utal ko ay bahagya pa akong nautal, "Who?" Naguguluhan niyang sabi.
"Dad please don't make me mention his name, umiinit ulo ko. That user ex I got." Pinagkrus ko ang braso matapos nag-seatbelt.
"Ah, you mean your last ex?" That sounded like a tease, si daddy naman nakakainis.
"Yes, him. He's acting kind all of a sudden, parang hindi niya ako niloko at ginamit, 'di ba kasal na siya?" Singhal ko at umirap.
"Oh ano ba ginawa? Nililigawan ka ba ulit? Sumbong mo sa asawa 'nak." Ngumuso ako sa suhestyon ni daddy.
"Daddy naman nakakainis." Reklamo ko at nasapo ang mukha ko.
"Asawa lang naman 'yon—"
"Daddy!" Halos mangiyak ako dahilan para matawa siya.
"Parehas talaga kayo ng mommy mo, magkaugali na magkaugali. Attitude ka girl?" Napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil sa sinabi ni daddy.
"Daddy I will never forget this day, inasar niyo pa ako." Masungit na sabi ko.
"Biro lang anak, tara na uwi na tayo. Three days lang ako sa city, babalik na ako sa Palawan. Susunod naman mommy mo to guide you and give you reports ha, listen to your mom." Hindi na ako sumagot at sumakay na lang, hanggang sa nasa airport na ay sumakay na ako at hinanap ang seat ko.
Kasama rin naman namin ang ilan sa mga nakasama sa project na 'to, then I noticed Yeon walking towards us that made me shut my mouth.
"Mr. Garcia, same plane?" Ano bang pakialam niya 'di ba? Pati eroplanong sasakyan namin tatanungin pa.
"Maybe Mr. Villamos, kumusta pala lolo mo? I heard he got hospitalized last week?" Si daddy naman kinausap pa, dalikang isyoso rin.
"I don't have any idea, Mr. Garcia, walang balita." Ngiti pa ni Yeon kaya inirapan ko siya at nakita niya 'yon.
"Ah ganoon ba, alright. Ingat sa flight." Ngiti pa ni daddy, alam naman niyang sinaktan ako niyan ngingitian niya pa.
Pagkasakay sa plane ay mabilis rin kami nakarating sa condo ko, sa dati pa rin. Pagkahatid sa akin ni daddy ay nagtaka ako nang abutan niya ako ng card.
"Keep this anak, marami kang kailangan palitan at bilhin so use it okay? That's for you." Natigilan ako at tinitigan ang itim at mabigat na card for ATM machines.
"Pero daddy—"
"Pinag-ipunan 'yan ng daddy mo noon pa lang anak, bigay mo na 'to sa akin. I know you have a lot of money right now, pero make me feel like a dad that spends for his daughter okay?" Ngumiti ako kay daddy at tumango.
"Thank you daddy, palagi." Niyakap ko siya at ganoon rin siya.
"Laki-laki na nang anak ko. Hindi na baby oh," ngumiti ako at mas yumakap.
"Bye dad!" Kaway ko pa.
"Bye anak," nauna na si daddy umalis ay tinignan ko naman ang kwarto, maayos naman wala lang stocks.
Pinalilinis 'to ni Lola Miyu palagi, kaya wala gaanong alikabok. I checked the ref and it's really empty.
As in wala, nasapo ko naman ang noo nang makita na pati toothbrush ay wala, lahat wala. Oh my gosh.
Wala pa man din akong car, I know may walking distance na ATM machine malapit sa condo. Bagong open last three months, I heard ha.
Nag-bigis ako ng kumportable, cotton shorts, at hoodie jacket lang tapos slippers. Kinuha ko ang maliit na bag tsaka ako lumabas ng condo.
Alas nuebe na rin naman ng gabi, pero hayaan na noon nga ay alas onse ako namimili. Open naman sila 24/7 so it's not a problem for me.
Nilakad ko ang malapit na ATM machine at tama nga ako kasi five minutes lang ang nilakad ko to reach it.
Using what my dad provided me, doon ako nag-withdraw ng cash para less problem if may problema sa machine ng ATM sa grocery.
Nag-withdraw ako ng may kalakihan, binilang ko pa 'yon tsaka ko inilagay sa bag ko tapos ay naghintay na ako ng taxi sa bandang kalsada.
Ngunit medyo nagtaka ako sa apat na lalakeng nasa gilid, napapansin ko ang pagsulyap nila sa akin.
Ngunit umakto ako ng sakto lang dahil baka paranoid lang ako, kalmado man ay napaatras ako nang lapitan nila ako.
"Ano ho 'yon?" Tanong ko at umatras.
Ngunit naitikom ko agad ang bibig nang tutukan ako ng kutsilyo sa tagiliran, "Tumahimik ka kung ayaw mong ma-gripuhan." Napalunok ako at hindi gumalaw.
"Amin na 'yang bag mo, bilis!" At hindi ako nag-alangan ibigay 'yon.
Kaya ko lang pumalag kung iisa pero yung apat? Baka may kalakihan pa na parang palaka ang katawan.
Umbok ang mga tyan at parang mga pirana sa mga sira-sira nilang ngipin.
"Ibinigay ko na ang kailangan niyo." Sagot ko.
"Hindi pa lahat.." Nagtaka ako nang sulyapan nila ang kabuohan ko at dahil doon ay kumabog ang dibdib ko, bigla ay napuno ng takot ang dibdib ko.
"Sumama ka sa amin." Banta nito ngunit nanatili ako sa kinatatayuan.
"Ibibigay ko po lahat, kahit ilan pa, h-huwag niyo lang akong sasaktan." Sinubukan ko makipagkasundo.
"Kahit isang daang libo?" Hamon ng isa.
"Kahit isang daang libo." Pagsangayon ko ngunit ngumisi ito, "Mukhang mas gusto ka namin matikman." Nagsimulang mangatog at manghina ang tuhod ko.
"Ibibigay ko lahat, huwag lang ako." Mariing sabi ko.
"Huwag ka na kumontra miss ano ba? Mas mahalaga pa ba ang pagkababae mo kesa sa buhay mo?" Tumatawa pa sila at pilit akong hinihila, naramdaman ko na ang talas at humapdi na ang bandang tagiliran ko.
Alam kong sugat na ako.
"Nakikiusap ho ako." Pinigilan ko maiyak.
"Ang dami mong dada sumama ka na lang!" Sigaw nito at hinila ako dahilan para maiyak ako.
"Ayoko." Pigil ko ngunit inambahan ako ng kutsilyo dahilan para mas matakot.
Ano't tila nawala lahat sa isip ko ang self-defense na inaral?
Bakit hindi ako tulad ng mga pinsan ko? Bihasa lumaban..
Nang nasa gilid na ay takot na takot ako nang maramdaman ang hawak nila na iniiwas at tinatakpan ko ang sarili, "Sexy mo miss, naglalaway ako." Diring diri ako ngunit sa leeg ko na nakatutok ang kutsilyo.
Apat sila, matataba at kahit may bilbil ay malaki ang katawan, "Please po, h-hindi ako magsusumbong sa pulis pakawalan niyo lang ako—"
"Wala kaming pakialam," napapikit ako nang singhot singhutin nila ako.
"Bango bango mo."
"Ugh para kang bulaklak." Napapikit ako nang ilabas nila ang ari nila at paglaruan 'yon sa harapan ko.
Ang isa ay idinikit niya pa sa akin kaya panay ang iyak ko hanggang sa may sumigaw, "Hoy!" Pamilyar ang tinig na 'yon.
"Tangina umepal!" Reklamo ng isa.
"Gago kayo ah!" Nang makita si Yeon na sumugod ay napatigil siya nang tutukan siya ngunit pati ako ay tinutukan.
"Umalis ka kung ayaw mo madamay!" Sigaw ng lalake.
"Madamay? Ulol mula nang tawagin ko kayo damay na ako!" Nanlaki ang mata ko nang basta lang sumugod si Yeon hindi natatakot sa kutsilyo!
Paano pag nasaksak siya?!
Ngunit napatili ako nang maagaw ni Yeon ang kutsilyo at sipain sa mukha yung malaki at matabang lalake.
Dahil doon ay sinubukan kong depensahan ang sarili, hinampas ko sa pader na nasa gilid ko ang kamay ng lalake na sobrang lakas dahilan para mabitiwan nito ang kutsilyo.
Matapos no'n ay tumakbo ako papunta sa bandang likuran ni Yeon, "Stay back." He reminded, ihinarang pa niya ang braso't kamay.
Pagkasugod ng isa ay hindi niya naman inatrasan, hanggang sa matumba ang mga 'yon at hangos na hangos si Yeon na tumawag ng pulis.
"Huwag kayong tatakas." Banta niya sa apat habang nagr-ring ang telepono niya, pinahid ko naman ang luha ko at tinakpan ang nadaplisan ng kutsilyo kanina.
Mahapdi 'yon at sadyang madugo talaga kahit hindi naman bumaon sa kung anong organs ko, hiwa lang pero ganoon kakalat.
"Yes, malapit sa mismong ATM machine." Rinig kong sabi niya at pagkatapos no'n ay lumapit siya sa akin.
"Are you hurt?" Umiling ako bilang sagot, huminga siya ng malalim at natigilan ako nang hawakan niya ang likod ng ulo ko at ilapit ako sa kaniya.
Napakurap ako ng maraming beses, naamoy ko siya dahil nakadikit ang pisngi ko sa dibdib niya, "You're safe now, you can calm down." Napapikit ako at nanghihinang sumandal doon.
///
@/n: knight and shining armor yarn? Char! Thank you for still supporting this story, medyo busy lang sa buhay pero sana makapag-focus ako ulit sa pagsusulat! Love lots.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro