Chapter 22: Have Him Back
Chapter 22: Have Him Back
Sierah's Point Of View.
Hindi ko na pinansin 'yon tsaka ko pinilit mag-umagahan, mabuti na lang at wala akong pasok. I won't need to leave my condo.
Matapos ay sinulyapan ko ang cellphone ko nang muling tumunog 'yon, nang makita na si mommy 'yon ay napatitig ako doon.
M-Mommy..
Kinuha ko 'yon at sinagot ang tawag niya..
Narinig ko sa background ang boses ni daddy, "Anak, hello?"
"Mommy.." Tugon ko.
"Are you alright? We saw the article, anak.. Totoo ba 'yon?" Bumuntong hininga ako.
"Mom, rumors are not true." Kalmadong sabi ko.
"Ah, gawa-gawa na naman ba ng media para pumutok ang pangalan nila?" Huminga ako ng malalim at pinilit siglahan ang tono ng pananalita.
"Yes mommy, ganoon naman talaga. Sige na mommy, may studies pa ako. Take care! Love ko kayo ni daddy."
"Okay anak, love ka rin namin. Ingat always.." Pinatay niya na ang tawag kaya huminga ako ng malalim.
Kinagabihan ay bahagya akong naka-inom, gusto kong kausapin si Yeon baka bumalik na siya sa akin. Nag-bell ako sa condo niya.
Ngunit natigilan ako nang pagbukas no'n ay nakita ko si Amaya, naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib. "S-Sierah." Naiiyak ko siyang tinitigan.
"A-Ano 'to?" Nanlulumo at nanghihina kong sabi.
"Okay ka lang ba? Bakit hindi ka lumalabas ng condo mo—"
"Concern ka ba talaga?" Sumbat ko.
Natigilan siya, nang makita si Yeon na sumilip ay nangunot ang noo niya nang makita ako. "Sierah, a-ano bang sinasabi mo?"
Sinubukan akong hawakan ni Amaya ngunit iniiwas ko ang sarili, "What do you think? After the article, s-seeing you here makes me think a lot, Amaya." Gitil ko.
"What? I-Iniisip mo bang totoo yung article?!" Gulat niyang sabi.
"Kung ganoon anong ginagawa mo rito ha? Tambay? Kino-comfort mo siya?" Nangunot ang noo niya sa sinabi ko bago siya nanlumo.
"Sierah ano ba?" Naguguluhan niyang tanong.
"I came here so I could talk to him, if I could ask him back, pero nandito ka? What do you want me to think Amaya?!" Nang mag-taas ako ng boses ay nanlumo siya lalo.
"H-Hinding hindi ko gagawin s-sa'yo 'yon, Sierah." Mahinang sabi niya.
"A-Ang sakit sakit niyo naman eh.." Nasapo ko ang mukha nang sunod-sunod akong humikbi.
Ramdam na ramdam ko ang kirot sa dibdib, "Alam n-niyo bang pinagdududahan ko kayo noon? Ha?" Pinahid ko ang luha sa mata.
"S-Sierah hindi ganoon 'yon. H-Hinding hindi ko magagawang lokohin ka," Amaya stated.
"Lokohin ka na ng lahat pero ako? Hindi, hinding hindi ko gagawin sa'yo 'yon." Hinawakan niya ang kamay ko ngunit iniiwas ko ang tingin sa kaniya.
"What about you huh? Why did you want to break up with me?" Sumbat ko kay Yeon.
"Don't you love me anymore? Nakakasawa ba ako? Nagsawa ka na ba sa akin?" Nanatili siyang nakatayo at nakatitig sa akin.
"I don't think I should still explain, Sie." Seryosong sabi niya, salubong ang kilay.
"Ano 'yon? Biglang ayaw mo na lang?" Para akong kawawa rito nakikiusap, parang bata na pinipilit sumama sa magulang.
"Maybe." Mahinang sagot niya.
"Leave, Sie.." Tumitig ako sa kaniya.
"You let her stay here with you, but you're making me leave?" Kumuyom ang kamao ko.
"Yes." Sa sagot niya ay nanlumo ako at nasapo ang mukha ko dahil sobra akong nasasaktan at nagseselos sa kanilang dalawa.
"Ano ba Yeon!" Narinig kong pag-taas ng tinig ni Amaya.
"Fuck, don't you ever follow me." Banta ko sa dalawa, "Don't ever look for me!" I yelled and started walking away.
"Wait, Sierah!" Humabol si Amaya.
"I said don't follow me!" Bulyaw ko tsaka nagpumiglas sa hawak niya.
"Please, please, makinig ka sa akin.." Hindi niya ako binibitawan, nagpupumiglas ako hanggang sa biglang may humawak sa magkabilaang balikat ko at iharap ako sa kaniya.
Napatitig ako kay Yeon na galit ang tingin sa akin. "Don't you ever make some foolish decisions, Sie."
Sinamaan ko siya ng tingin, "Pinababayaan mo na nga ako 'di ba?" Sumbat ko.
"Bakit mo pa ako aawatin kung gagawa ako ng katangahan?" Itinulak ko siya sa dibdib ngunit hindi siya nagpatinag.
"Concern ka ba? O takot kang masisi kung sakaling mapano ako sa gagawin ko?" Tumalim ang tingin niya sa akin.
"Sierah, listen to me.. Very carefully, okay?" Lumamlam ang mata ko habang nakatingala sa kaniya, "We broke up because I am the problem, I broke up with you because I have to.." Unti-unti na kumalma ang tibok ng puso ko habang pinapakinggan siya.
"Hindi dahil may iba, hindi dahil hindi na ako kuntento sa'yo. It will take time to adjust without me, but I swear to god it's the best decision I made, maybe not for me but for you.." Pumikit ako at sunod-sunod na lumuha sa harapan niya na parang bata.
Naniniwala ako, nang ipaliwanag niyang walang iba. Ngunit hindi ko maunawaan kung bakit kailangan naming maghiwalay.
"Forget me, okay?" Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. "Amaya, take her to her condo." Nang bitiwan niya ako ay kinuha agad ako ni Amaya.
Para akong lobo na nakalutang at hawak-hawak nang nagmamay-ari sa akin.
Pagkapasok sa condo ko ay naupo ako sa sofa ko at yumuko, hindi ko kinausap si Amaya kahit na nasa paligid siya.
Hanggang sa isang linggo na akong miserable ay hindi umalis si Amaya sa tabi ko, kahit pa ayaw ko kumain. Hanggang isang araw ay maupo siya sa harapan ko.
"Sierah.." Tinignan ko siya sa pagtawag niya sa akin.
"Gusto ko lang sabihin na kahit minsan hindi ako nagka-gusto sa lalakeng 'yon, at kahit na minsan walang namagitan sa amin." Kumurap lang ako.
"Hindi mo dapat iniisip 'yon. I would never betray a friend, Sierah. Hindi ko ugali 'yon." Yumuko na lang ako.
"Pero hindi rin pwede na dahil sa break up niyo ay ganiyan ka lang, kailangan mo ring ayusin ang buhay mo. Dahil hindi siya babalik kung magpapakalumo ka sa ganiyang routine." Bumuntong hininga ako.
"Nandito lang naman ako, Sierah. Hindi ako aalis rito," nasapo ko ang mukha at muli na namang umiyak sa harapan niya.
Napapikit ako nang hilain niya ako at yakapin habang hinahagod ang likuran ko, "Hindi ko kasi maintindihan, b-bakit magb-break." Pabulong kong sabi.
"A-Ayokong tanggapin, k-kasi ang saya-saya ko na sa piling niya." Bumuntong hininga siya at hinayaan akong umiyak at magmukmok.
Sumunod pang mga araw ay medyo naging maayos ako, pinipilit ko. Inayos ko yung studies ko kahit madalas ay lumulutang ang utak ko.
Another week came and I missed him so much, sinubukan kong silipin siya dahil ganitong oras siya umuuwi. Sumakay ako sa elevator tapos ay dala-dala ang cake ay nagmadali akong lumapit sa pinto ng pad niya tsaka ko iniwan 'yon.
Tsaka ako nagmadali umalis sana pero halos masapo ko ang dibdib nang bigla ay makaharap ko siya pagharap ko sa likod ko.
"What are you doing?" Nagsalubong ang makapal niyang kilay at ang salamin niya ay awtomatiko niyang naitulak pataas sa tangos ng ilong niya.
"Ah.."
"Uhm.." hindi ako makaisip ng dahilan!
"I-I.. I j-just.." Napahinga ako ng malalim nang walang masabi, sabihin ko na ba yung totoo?
"What?"
"Uhm.." Kinakabahan kong sinalubong ang tingin niya, napansin ko naman na nasulyapan niya yung nasa pinto niya.
"What's that?" He pointed.
"It's a cake.." Sagot ko.
"Why did you place it there?" He asked, I watched him loose his tie.
"Because I want you back," nang masabi 'yon ay bahagya kong napansin ang pag-awang niya ng labi.
"You know I won't come back." Mahinahon niyang sabi kaya ngumuso ako.
"I won't give up." Seryosong sabi ko pa, ngumiwi siya at hindi na alam ang susunod na sasabihin, "Go home." Ayon na lang ang nasabi niya.
Tumikhim ako at tinalikuran na rin siya para makaalis, I'd love to make his fridge full of cakes. Different cakes.
Kinabukasan ay pumuslit ako muli para bigyan siya ng cake at hindi lang nahuli niya na naman ako, "Sie, enough."
Pero tinalikuran ko na lang siya at umalis, hanggang sa isang linggo ay ginawa ko 'yon. Ang ika-walo na araw ay sinalubong niya na ako habang magka-krus ang braso niya.
"Tama na." Awat niya.
Pero tinitigan ko lang siya tsaka ko inilapag ang kahon ng cake sa harapan niya tsaka ako muling umalis.
"Sierah.." Pagtawag niya.
Hmp!
The next is inagahan ko ang punta dahil kailangan ko pumunta sa Palawan because it's my Tita Saji's birthday.
Ngunit saktong papasok pa lang siya ng trabaho, akala ko ba 9am ang pasok niya?!
Naitago ko sa likuran ko ang maleta na ikinakunot ng noo niya, "It's early in the morning.."
He started the conversation with that phrase, "Are you going somewhere?" Nagtatakang sabi niya.
Inabot ko lang yung cake at ngayon ay nagdalawang isip siya kung aabutin niya ba ngunit inabot niya 'yon. "Aren't you tired yet?" Pabulong niyang sabi.
Hindi ko siya sinagot tsaka ko siya tinalikuran at tsaka ako naglakad hila-hila ang maleta ko.
Habang naglalakad ay sinagot ko ang tawag ni Kuya Laze, "Oppa.. I'll head to the airport, I'll see you there." Kalmadong sabi ko.
"Okay, Sierah. Take care, I'll just fetch Miran and I'll meet you there." Tugon niya kaya pinatay ko na ang tawag tsaka ako pumasok sa elevator.
Natigilan ako nang mapansin na naka-sunod pala siya, dala ang box ng cake kaya hindi ako kumibo. "Where are you going?" Sa tanong niya ay nalingon ko siya.
Hindi ko ginawang umimik at nanatili lang na nakatitig sa kaniya, "Somewhere.."
"Where?" He repeated.
"Magm-move on." Biro ko.
"Ah.." Tumango siya at ibinulsa ang isang kamay sa pants na suot niya.
"Good luck." Pahabol niya pa kaya ngumiwi ako.
"I love you.." Mahinang sabi ko, napatikhim siya sa narinig.
"Take care.." Sagot niya kaya ngumuso ako.
Hinarap ko siya tsaka ako tumiklay napatigil siya nang madampian ko ng halik ang labi niya. Sandali ko pang tinitigan ang naguguluhan niyang hitsura tsaka ko siya tinalikuran at naglakad na papaalis.
Babalik naman ako next week..
Ganoon kabilis na lumipas ang oras at nakabalik na ako, maayos and medyo magaan ang nararamdaman.
Dahil na-miss ko talaga si Yeon ay siya ang inuna kong puntahan kahit madaling araw na, I opened his condominium and entered the room silently.
Pagkapasok ko ay nagulat ako nang magkakrus ang braso niya habang naka-sandal ang bewang sa shelves habang deretso ang tingin sa akin.
"O-Oh.." Napabulong ako nang makita na simpleng cotton gray shorts at longsleeve lang na puti ang suot niya.
Mukhang nagising lang para uminom o 'di kaya ay umihi, "What are you doing?" Masungit niyang tanong.
Wala pa siyang suot na salamin dahilan para kitang kita ang makapal at itim niyang pilikmata.
I tried to open my mouth to explain myself but his hazel eyes roamed on my body before meeting my eyes again. "Any words?" He tried to make me speak.
"Ah, k-kauuwi ko lang and I-I wanted to see you?" Pabulong na sabi ko, bulong na nga ay pahina pa ng pahina.
"Kauuwi?" He asked.
"G-Galing sa ibang lugar.." Mahina kong sabi.
"And why did you open my door without my permission?" Napatayo ako ng maayos nang tumikhim siya, "Do you want me to sue you, trespassing a private property?" Umawang ang labi ko sa pahabol niyang sabi.
"Wow ha, trespassing agad.." Bulong ko pa sa sarili.
"What?" Napatingin agad ako sa kaniya.
"E-Eh ba't kasi hindi ka pa nagpapalit ng password?" Turo ko sa pinto niya.
"I don't have time to change it." Sagot niya kaagad.
"Eh. Ano.. Uhm, galit ka?" Bulong ko.
"Dapat ba hindi ako magalit?" Tumaas ang isang kilay niya habang matalas ang tingin sa akin.
"N-Nakakainis ka naman eh." Bulong ko.
"Oh? Ako pa?" Sumbat niya.
"Eh miss ka nga eh.." Bulong ko pa tapos sinilip ang reaksyon niya.
"Matulog ka na." Singhal niya at tinalikuran ako dahilan para magmadali akong unahan siya sa kwarto niya tsaka humiga.
"Sie." His tone was threatening me.
"You said, sleep?" Dahilan ko.
"In your room." Paglilinaw niya.
"Well, I'm tired." Mahinang sabi ko at pumailalim sa kumot.
"C'mon, ihahatid kita sa condo mo." Napatitig ako sa kaniya sa sinabi niya tsaka ko itinungkod ang siko sa unan niya at ipinatong ang baba ko sa palad ko.
"Hmm, ayaw.." Sagot ko at humiga na.
Not until someone clicked the doorbell and it started ringing. Napalingon si Yeon sa pinto bago kami sabay na tumayo upang alamin kung sino 'yon.
Sinilip niya sa loophole kaya nagtaka ako nang lingunin niya ako kaagad, "Follow me." Nang hawakan niya ang kamay ko ay nagtaka ako nang dalhin niya ako sa walk in closet niya.
"Hide for a while." Napalunok ako at nagtaka.
"Huh? Bakit?" Kwestyon ko, nagdududa.
"Yeon."
"Just hide, Sie." Mariing sabi niya kaya naupo ako at natakpan ng mga damit, napanguso ako at nanatiling nakatago.
"Someone visited you?" Nang marinig ang boses ng lolo niya ay nagtaka ako at nag-isip.
Bakit kaya niya ako itinatago sa lolo niya?
"Ah, wala lo. Kanina meron pero umalis rin kaagad, it's just some girl in this building." Halatang pati kwarto ay tinignan ng lolo niya.
"I already paired you up for someone, huwag ka ng humanap pa ng ibang babae at ikakasal ka na sa susunod na taon!" Natakpan ko ang bibig sa narinig.
Ikakasal?
Kanino naman?
Bwisit talaga yung lolo niya, nakakainis!
"Opo lolo." Magalang na sagot ni Yeon kaya napanguso ako lalo.
"Get me some jacket, I forgot mine." Utos ng lolo ni Yeon kaya napalunok ako nang makita na nasa mga jacket ako nakatago.
Narinig ko na humakbang siya kaya naman nang nakaharap niya ako ay nagtama ang mata namin, ngunit inabot ko ang batok niya at tsaka ko siya inilapit sa akin.
"I'll make sure to ruin the wedding," bulong ko bago siya hinalikan sa labi.
Bahagya pa siyang lumayo ngunit napayuko siya nang mas hapitin ko siya, siniil ko ang labi niya dahilan para wala siyang magawa kundi tuluyang mapaawang ang labi niya accepting my kiss.
"Gavril ano't ang tagal mo naman riyan?!" Binitiwan ko ang labi niya tapos ay nakipagtitigan sa mata.
Huminga ito ng malalim at inabot ang kung anong klase ng jacket tsaka siya umalis sa harapan ko. Pinigilan ko mangisi.
Nang mukhang makaalis na ay bumalik si Yeon sa harapan ko, magka-krus ang braso habang nakatingin sa akin. "Now that you know I'm getting married, will you let me go now?"
Tumikhim ako, "Well, it seems like it's an arranged marriage so to burst your bubble, no." Mariing sagot ko.
"Ang kulit." Bulong niya.
"Gusto mo—"
"Gusto kita." Sagot ko.
Bumuntong hininga siya at napasandal na lang sa cabinet niya sa loob ng closet, "Balik ka na." Derektang sabi ko.
"Kulit naman, Sie—"
"I-Itago na lang natin?" Pagsasabi ko dahilan para matitigan niya ako, hindi makapaniwala.
"That will be unfair for you." Sagot ni Yeon.
"Think about it." Suhestyon ko, tumikhim siya at umiwas tingin sa akin.
"Go home—"
"Makikita ako ng ibang tao, dito muna ako." Pabulong ko na sabi.
"Go home or I will not consider your offer—"
"Eto nga, uuwi na oh." Pagmamadali ko, napasunod na lang siya sa akin hanggang sa pinto kaya dere-deretso na akong lumabas baka makita pa kami ng ibang tao.
Lumipas ang ilang araw ay inaasikaso ko na ang pag-aaral ko, hanggang sa isang araw ay yayain ako ng mga kaklase pumunta sa isang birthday party.
Sa club.
To unwind myself from studying hard, yeah bonus na siguro yung mga ganitong party for me. Napasinghap ako sa hangin ng makapasok sa loob.
Amoy sigarilyo kasi sa labas, nang makapunta sa table ng mga kasama ay binati nila ako. "Punta ka ba sa org next week? Graduating ka na. You should come." They suggested and smiled at me.
"Sure, if my schedule is not too tight then I should go." Nakangiting sambit ko.
"Inom ka muna." Inabutan nila ako kaya sinulit ko 'yon.
Habang umiinom ay tumatawa kami dahil sa nakakatawang kwento ng lalake not until my phone vibrated to a single notification.
I checked my phone and tapped on the popped up notification, after reading the message my lips parted in shock.
@yg.villamos: Laugh on his corny joke one more and I'll cover your mouth with my lips.
Nanlaki ang mata ko at napatingala sa kung saan, hinanap siya kaagad ng mata ko not until I saw him on the other side, near our table.
He's sitting on a couch while his legs are crossed and his fingers tapping on their table while looking at me. I scanned his whole body noticing his black buttons up polo tucked in on his black slacks.
Nakagat ko ang ibabang labi at napaayos ng upo.
Hindi ko alam na nandito rin pala siya. Nang tignan ko ulit yung nasa group namin na nagk-kwento ng life experience niya na nakakatawa ay tumitikhim na lang ako sa tuwing gusto kong matawa.
Nang sulyapan ko muli si Yeon Gavril ay nakangisi ang labi niya habang nakikinig rin sa babaeng nagsasalita kaya napairap ako at doon naisipan mag-reply.
@gsierah: ngisi ka pa, sasakalin kita.
Nangunot ang noo niya ng mabasa yung chat ko sa IG tsaka siya sumulyap sa akin..
@yg.villamos: Something's funny, that's why..
@gsierah: funny rin yung kaharap ko rito. :)
@yg.villamos: K.
@gsierah: potassium.
@yg.villamos: I love gold without A.
@gsierah: ano? Wala namang letter A sa gold ah?
@yg.villamos: Sige, isipin mo.
Napatigil ako sa pagt-type at nag-isip rin, ngunit walang kahit anong pumapasok sa isip ko kaya huminga ako ng malalim.
Hindi naman siguro ako bobo sa lagay na 'yon hindi ba?
Not until someone talked on her phone, yung single mother na friend ko, she's really brave for studying while taking care of his son.
Grabe, she's what I call a supermom.
"Hala, anak hindi naman ako magaling sa science na 'yan. Anong element raw ba?" Napatingin ako, magaling ako sa science 'no!
"Element na AU?" Napatingin siya sa amin, waiting for an answer then I realized what Yeon told me!
"That's gold." Sagot ko.
Bigla ay pinigilan kong mapangiti at kinagat na lamang ang dila ko nang maintindihan ang pinapaunawa niya sa akin.
I love u raw hehehehe.
I tried to hide my smile by touching my lips and glancing at my phone.
After drinking so much, I stood up and faced them. "I'll go home, thanks for tonight!" Paalam ko at nag-flying kiss pa ako.
"Lasing ka na yata, how about ihatid ka na namin?" Tanong ng isang guy kaya umiling ako.
"I can handle it, bye guys!" Paalam ko, naglakad na ako at medyo nawala pa sa balanse.
Sa paglalakad ko ay sinulyapan ko si Yeon sa table nila at nang makita niya ako ay bahagyang tumaas ang isang kilay niya at sa pagkakasandal ay napaayos siya ng upo kaya naglakad na ako.
Pagkalabas ko ng club ay tumingin ako kung may taxi na dumadaan hanggang sa may humawak sa kamay ko at tangayin ako.
Nang maamoy siya ay alam ko na kaagad, nang dalhin niya ako sa sasakyan niya ay siya pa nag-suot ng seatbelt sa akin bago siya pumunta sa driver's seat.
Nang paandarin niya ang sasakyan ay pasimple kong isinandal ang ulo sa balikat niya dahilan para bahagya niyang bagalan ang pagmamaneho at subukan akong sulyapan ngunit hindi itinuloy.
Matipid akong napangiti. "I miss you.." Malambing kong bulong.
"I miss you love," I whispered and hugged my arms around his arm.
"Mmm.." Tugon niya lang but it's fine, sandali akong pumikit hanggang sa maramdaman ko na tumigil kami matapos maging mabagal yung pagmamaneho niya.
"We're here.."
Nag-mulat ako at umayos, "Ihahatid mo lang ba ako pauwi?" I asked and unbuckled the seatbelt, ganoon rin naman siya at tsaka niya ako sinulyapan.
"Yeah, I'll just take you home and go back there.." He explained, I pursed my lips and sighed.
"Alright, take care.." Pabulong kong sabi at labas sa ilong, na-miss ko talaga siya, gusto ko siyang makasama pa ng mas matagal.
I would fight my drunk ass just to stay with him a little longer, "I'll take you to your pad." Seryosong aniya niya dahilan para tumango ako at maglakad na.
Nang bahagyang mawala sa balanse ay inalalayan niya ang braso ko, habang nasa elevator ay sinulit ko at kumapit ako sa braso niya upang isandal ang sintido ko.
I heard him sighed and lets me do what I wanted, nang makarating sa harapan ng condo room ko ay binuksan ko ng malaki ang pinto.
"Pasok ka muna." That's actually nor a question, it's a demand and that's a good idea since sumunod lang siya.
I went into my kitchen, "I'll make coffee, wait me there." That's a command so he can't do anything but to actually wait for me.
Matapos ay dinala ko 'yon tsaka ako naupo sa mahabang sofa since pinili niya maupo sa single sofa.
Habang nakaupo doon ay kinuha niya naman ang tasa at tinikman ang gawa ko, I watched his reaction changed. His messy brows suddenly rose and his eyes showed confusion.
Maybe it tastes awful?
I looked away and removed my heels while sitting on the couch, napansin kong pinanood 'yon ng mga mata niya.
"Do you need to go back already?" I asked while staring at his eyes with my siren eyes.
I watched his eyes glance at his watch on his wrist, "After I finish the coffee you made me," he replied and continued staring at my face while holding his cup and sipping on it.
I stopped myself from smirking and keeping my serious face, I nod as a reply to his response. I leaned forward to reach my cup and I knew that my chest was showing a bit.
I noticed how his eyes glanced on it before clearing his throat, one point for me.
I kept my back arched so I have a great posture, "So.. you decide to take me back?" Mabagal kong tanong, gamit ang malumanay na boses.
"Uh." Bigla ay hindi niya alam ang isasagot, "I guess?" He said in a low tone, he seems sleepy or he's just affected by what I'm doing?
Is it effective?
"This will be hard," he said in a low tone.
"This kind of relationship is hard, I don't know how long you can manage to stay.." Nasulyapan ko siya sa sinabi.
"It's okay, the business industry is like being an artist. Full of pretendings.." I explained.
"For a good environment," I added and sipped on my coffee, crossing my legs that made my skirt lift up to my legs.
Showing more skin, his eyes glanced and looked away immediately. Two points for me..
I watched how his Adam's apple moved as he swallowed hard, eyes were a bit darkened. His legs were tapping on the floor, he seemed challenged.
"Didn't you miss me?" I asked.
Napalingon siya kaagad, "I do." Mahinang sagot niya, tumayo ako at tsaka naglakad papunta sa kwarto.
Pumasok ako sa closet to change my clothes into comfortable, sinadya kong hindi tulungan ang sarili sa zipper ng dress ko sa likod. "Yeon!" I called him for help.
"Wait.. should I enter?" I bit my lips as he asked me.
"Yes please, I need help.." Lumabas ako ng closet at tsaka lumapit sa kaniya, ihinarap ko ang buhok tsaka tumalikod sa kaniya.
"Help me unzip my dress, it's out of my reach." Pag-iinarte ko.
"Nasuot mo pero hindi mo maalis," I heard him whisper that made me smirk, "Oh please just remove it.." I said in a seductive tone pero hindi halata syempre.
Nang dahan-dahan niyang ibaba 'yon ay napangisi ako nang ilang beses siyang tumikhim, nang maibaba 'yon sa pinakababa ay for sure kita na ang lower back ko.
Padded ang dress so wala akong bra na suot, nang maibaba niya ay sinadya kong ipakita ang batok. "Okay na ba?" Pasimple ko siyang nilingon.
"Y-Yes." Napatikhim siya muli nang marinig ko ang mabigat na paghinga niya, "Okay, stay there." Utos ko talaga dahilan para tumayo lang siya doon.
Nakatalikod akong tumayo sa harapan niya habang kunyare ay inaalis ang suot kong mga jewelry.
Maakit ka please.. ehehehehe..
"Hindi mo ba ako na-miss, love?" Pag-uulit ko habang kunyare ay abala ako sa pag-aalis.
"'Cause I miss you so damn much.." Napansin ko ang ilang pag-tikhik niya sa bandang likuran ko.
Yes, admire me from there.
"Love.." I called him.
"You didn't miss me?" Pag-uulit ko at mabilis siyang nilingon upang sulyapan lang.
"I did." Sagot niya.
"It doesn't seem that way.." I whispered, making him feel guilty for not showing it.
"I miss you." Pag-uulit niya kaya pasimple akong napangisi.
"Really?" Pagtatanong ko pa.
"Oo." Sa sagot niya ay nasulyapan ko siya sa salamin na inaayos ang suot niyang salamin sa mata.
Nakagat ko ang ibabang labi ko, "You don't seem to love me that much n—" Naputol ang sasabihin ko when I felt him closer to my back.
As I felt his breath on my nape, that's when I knew I did a great job, his hands were on my waist. I felt those butterflies in my stomach when his big palm touched my tummy as he hugged behind my back.
This is what I want..
///
@/n: This is a draft only, sorry for not updating on time. Having hard time writing these days, thank you and love lots! ✨❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro