Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16: Needy

Chapter 16: Needy


Third Person's Point Of View.


Magkahawak ang kamay ni Yeon Gavril na nakaharap sa lolo niyang galit na galit, "Ano itong lumalabas sa artikulo na magkasama na naman kayo ng panganay ng mga Garcia?!" Galit na galit ito.

Yumuko si Yeon, "Gavril answer me!"

"Yes lo, aksidente kaming nagkatagpo niyan. But we're not together." Yeon Gavril lied, he knows that it's not an accident since his friend told him that Sierah's at the club.

"Is that all?" Tumango si Yeon.

Nagkatinginan sila ng magulang niya tsaka ito huminga ng malalim. "Okay, do well." Paalam ng lolo nito at inalalayan na ng isang guard.

Nang makaalis ay nakahinga ng maluwag si Yeon, "I'll do my best, mom and dad. Trust me." Paalam ni Yeon at humalik at yumakap sa magulang.

"I'll just rest for a bit." Paalam niya at umakyat sa sariling kwarto sa bahay nila, ngunit bago siya pumasok sa kwarto niya ay natigilan siya sa pagtikhim ng nakababatang kapatid.

"Are you sure you're not going to regret everything?" Yeon Gavril stopped himself from entering his room.

"How will I regret a thing?" Yeon asked back.

"Can you really do it tho?" His brother asked.

"How can I not really do it? That's my only choice. That old man kept on pretending he doesn't know his fucking game, lol. I'll just rest and leave." Paalam ni Yeon at wala sa mood na pumasok sa kwarto niya.

Pahiga pa lang sana siya ngunit agaran siyang napabangon na may halong nerbyos nang makitang tumatawag si Sierah sa kaniya.

Sinagot niya agad 'yon ngunit bahagyang nadismaya nang ibang boses ang narinig. Ngunit napatayo kaagad nang malaman na nasa presinto ito dahilan para magmadali siyang pumunta doon.



Sierah's Point Of View.

Isang linggo na ang nakakalipas ay madalas si Amaya at si Yeon sa condo ko, parati silang may kung anong dala-dala. Ngayon ay naghuhugas ako ng plato habang si Amaya ay nagsasalansan at pinupunasan ang mga plato na nahugasam ko na.

Si Yeon? Nakatulog sa kwarto ko dahil sa ininom niya bago siya pumunta sa akin. Yeah, "Uuwi na rin ako later, I'll meet my lil' sister." Paalam ni Amaya kaya ngumiti ako.

"Take careee!"

At dahil umalis na si Amaya ay pumunta ako sa kwarto ko upang suriin si Yeon ngunit taas kilay ko siyang minasdan nang wala na siyang shirt pantaas habang nakadapa siya at nakakumot ang kalahating katawan.

Lumapit ako at bahagyang pinalo ang likod niya, "Umuwi ka na kaya?" Pag-gising ko sa kaniya at inaayog pa ang kaniyang likod.

"Hmm, no love." Malambing niyang sabi dahilan para pigilan ko ang sariling ngumiti.

"Bakit hindi pa? Para mas makapagpahinga ka." Pabulong kong sabi sapat na para marinig niya, bahagya siyang nagmulat tsaka muling pumikit.

"Ikaw yung pahinga ko, love." Natigilan ako at napatitig sa kaniya, nakagat ko ang dila ko tsaka ako natawa upang hindi mahalata na kinikilig ako.

"Ang korni mo, sige na nga. Diyan ka na matulog, bili lang ako sa convenience store sa ibaba." Paalam ko, tatayo na sana pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila pahiga sa tabi niya.

Amoy na amoy ko ang pabango niya at medyo amoy menthol siya from his cigarette siguro, "'Wag na, stay beside me. Let's take a nap, love."

Napahinga ako ng malalim sa kaka-love niya diyan, hinayaan ko siyang yumakap sa bewang ko kahit na nakadapa siya kaya isang braso lang ang yumayakap sa akin.

Tumulala lang ako hanggang sa mabigat na ang paghinga niya ay alam kong tuluyan na siyang nakatulog.

Naalimpungatan ako nang magising ako ay sobrang dilim na, nakatulog rin pala ako. Nasulyapan ko si Yeon na nakatulog pa rin sa tabi ko.

Hinanap ko ang orasan ngunit madilim kung kaya't hindi ko makita ay inabot ko yung cellphone ko. Nang makita ko na 12am na ay napabangon ako agad.

Hindi pa kami nag-dinner!

Ginising ko si Yeon na agad ring napamulat. "Anong nangyari?" He asked bigla kaya natawa ako. "It's 12am, we didn't eat yet."

"Ah, I'm sorry. I overslept." Tumayo siya realizing he's not wearing a shirt made him touch his body to cover it.

"Where's my shirt?" Tanong niya kaya tumayo ako to open the light, nang makita ay pinulot ko 'yon tsaka ko naglakad papalapit sa kaniya upang i-abot 'yon.

Dumeretso ako sa banyo upang mag-sepilyo, matapos no'n ay kumuha lang ako ng jacket ko. "Sa cafeteria na tayo kumain, bukas naman 'yon." Anyaya ko.

Nang maayos niya ang sarili ay napalunok ako nang makalabas kami ng condo ay hinawakan niya ang kamay ko at ilagay sa bulsa niya dahilan para pumasok sa isip ko si Yuno.

Nakagat ko ang ibabang labi at iniiwas doon ang tingin ko, mahina akong umiling para iwaglit sa isip ko 'yon.

What the hell.

Nang nasa cafeteria na ay siya ang umorder ng food namin, minamasdan ko naman siyanng matagal hanggang sa mapailing ako at matawa sa sariling naisip ko.

Magtatampo siguro siya ng lubusan sa oras na malaman niyang naalala ko si Yuno sa galawan niya, naupo siya sa harapan ko.

"Inaantok ka?" Inayos niya ang suot na salamin kaya naman inabot ko ang salamin niya.

"Why love?" He wondered and handed his eyeglasses to me, I tried it on and immediately took it off as I felt dizzy.

"Ang taas ng grado ng mata mo, siguro ng bata ka panay ka gadgets 'no?" Napatitig siya sa akin sa sinabi ko, natigilan ako nang matipid siyang ngumiti.

"Kahit sa dilim kasi ay nagbabasa ako noon, ganito na siguro ang naging dulot nito sa akin." Nang sagutin niya 'yon ng katagalog ay pinigilan kong mamangha.

I mean he seem like he doesn't speak tagalog a lot of times pero pag kausap niya ako ay napaparami 'yon.

"How's your childhood?" I asked out of curiosity.

"Simple, study, training, study. I don't have time to play and I don't even have a hobby just reading." Ngumuso ako sa malungkot niyang childhood.

"Hindi ka naglalaro?" I asked.

"My parents and grandparents will not allow me, I'm the eldest." Napatango ako, later on dumating yung order namin kaya kumain kami.

Before that he even took us a fast snap, mabilisang kuhanan sabay tago ng cellphone.

"Baka ang pangit ko doon," reklamo ko.

"Huh? What do you mean?" Nakakunot ang noo niyang tanong at ibinaba ang kutsarang hawak.

"Yung mukha ko kako baka pangit sa picture," pag-uulit ko.

He chuckled, "Paano ka papangit sa picture kung maganda ka palagi?" Tumaas ang kilay ko upang hindi niya mapansin ang pag-init ng pisngi ko.

"Bolero." Bulong ko, pigil ngiti.

"Sie, you are really beautiful. I hope you know that in every circumstance." Dahil sa seryoso niyang tono nang sabihin 'yon ay natawa ako.

"Nakakainis ha four-eyed, hindi ako masanay sanay sa pagiging honest mo." Gatong ko na ikinangisi ng manipis at mamula mula niyang labi.

"C'mon, eat na love." Kagat-kagat ko ang dila sa sinabi niya, Yuno dated me pero he never gave me an endearment.

Kumain kaming dalawa at nang matapos ay may binili kami sa convenience store, naiwan na siya sa labas dahil balak niya yata mag-smoke.

Nang matapos ay hawak ko na 'yon na mabilis niyang kinuha sa kamay ko, sinuri ko siyang humihipak. Ngumuso ako, "That's unhealthy." Turo ko.

"Hmm, I know. So don't inhale it, love." He sweetly said while blowing the smoke in the opposite direction so it won't go to me.

I waited for him to finish, sabay na kami umakyat pagkatapos niya. We're not living together, actually ngayon nga ay hindi siya busy gaano kaya tumambay siya sa condo ko.

Nakatulog lang talaga siya, naupo siya sa sofa. "You have work?" Tanong ko.

"Hmm, by 9am." Matipid niyang sagot at minamasahe ang sariling kamay.

Hindi na ako umimik hanggang sa maya-maya ay naramdaman ko muli ang antok at naisipan niya ng umuwi.



Dalawang buwan ang nakalipas, taas kilay kong minamasdan si Yeon na nagsasalita sa harapan ng classroom namin, introducing himself.

Yeah, our professors invited him to talk in front of the class, share some tips.

Napapasulyap siya sa akin madalas habang nagsasalita kaya naman napapalunok siya, after that class pinaningkitan niya ako ng mata waiting me outside my room.

Pagkalabas ko ay pinagkrus niya ang braso, flexing how big is it pero bagay sa kaniya kasi sakto lang 'yon hindi super big na nakakatakot.

Sa tangkad niya ay bumabagay 'yon sa kaniya, "Did I do well?" Baka sakali niya at sinabayan ako maglakad.

"You did great," pagsasabi ko ng totoo.

"You make women scream, it feels like I was invisible the whole time." He gave me a low chuckle.

"I'd be happy to see you jealous, love." Natawa ako lalo sa sinabi niya, "Shut up, you don't know what you were saying." Banta ko.

"No, seriously. Be jealous over little things, so that I can feel how much you like me." Pinaglaban niya pa 'yon kung kaya't inambahan ko siya but he didn't flinch.

Sabay na kami umalis ni Yeon ng school, patapos na rin naman school ko. Going 4th year na rin.


Another month came and I became more attached to him, he's sweet as ever. Hindi 'yon nag-bago.

I crossed my arms in front of him, "Who's that woman?" I raised a brow waiting for his answer.

He chuckled, "Oh she's a businesswoman love, one of the board members."

Naningkit ang mata ko, "Ah so she's that comfortable around you huh?" A smirk formed on the corner of his lips, he adjusted his eyeglasses and stared at my eyes.

"I didn't make her that comfortable around me, love." Malambing niya pa ring sabi dahilan para irapan ko siya na ikinatawa niya.

Napatitig ako sa kaniya nang kuhanin niya ang bewang ko at ilapit sa kaniya dahilan para magtama ang katawan namin.

"What?" Masungit na sabi ko.

"I like you a lot." Bulong niya at hinalikan ang tunggi ng ilong ko.

"Like lang?" Asar na tanong ko.

"Love." Napapikit ako nang idampi niya ang labi sa pisngi ko.

Bigla ay nakalimutan naming dalawa na nasa parking lot kami ng kumpanya nila, pinasakay niya ako sa sasakyan niya at nasapo ko kaagad ang pisngi niya nang basta-basta niyang ihagis sa likod ang bag niya at halikan ang labi ko habang nakaupo ako sa tabi ng driver's seat.

Salitan naming hinalikan ang bawat labi ng isa't isa hanggang sa maubusan kami ng hangin ay natatawa siyang sumandal sa sandalan bago nag-suot ng seatbelt.

Nahihiya kong naitago ang mukha sa mga palad, he drove his car. Nang makarating sa condo ay kukunin niya raw muna ang alaga niya.

Pagkabalik niya ay kasama niya na ang pusa niyang mas maputi pa sa snow. Hinayaan ko naman ang alaga niyang maglibot libot at matulog sa kung saan, nakabihis at nakapalit na rin si Yeon.

Nanood lang kami ng movie habang nagpapahinga, hanggang sa maka-idlip ako sa dibdib niya ay hinayaan niya lang ako.


Few months later..

Nagtatampo sa akin si Yeon ngayon dahil bigla ko na namang nabanggit si Yuno, hindi niya ako pinuntahan sa condo ko kahit ma day off niya naman.

Dahil doon ay nakapantulog akong nagdala ng meryenda at pumunta sa condo niya.

I rang his bell binuksan niya naman 'yon, nagsalubong kaagad ang kilay niya. "I'm sleeping, what do you need?" Ngumuso ako sa masungit niyang tono.

"Sorry na." Nakangusong sabi ko.

"Ano 'yan? Is that suhol?" Pinapasok niya ako kaya ibinaba ko 'yon sa center table at lumapit sa kaniya.

"Sorry na nga eh, I didn't mean to mention him naman." I gave him a beautiful eye to soften his heart, naningkit ang kaniyang mata bago huminga ng malalim.

"Say the magic word." Masungit niyang sabi.

"W-What magic word?" Nauutal kong tanong, hindi ko alam eh.

"Sorry what?" Nangunot lalo ang noo ko.

"Say the magic word, Sie." Taas kilay niyang sabi kaya napaisip ako ng malalim.

"Hindi na mauulit?" Kwestyon ko na inilingan niya agad, "How is that a magic word?"

"A-Ano?"

"Our endearment." Seryosong sabi niya.

Umawang ang labi ko nang subukin kong sabihin ay hindi ko masabi, "Nahihiya ako." Seryosong banggit ko tsaka ko nasapo ang mukha.

"Uwi ka na, matutulog na ako." Masungit niya na namang sabi kaya ngumuso ako.

"Sorry na love." Sobrang hina kong sabi ngunit nagpapa-awa sa kaniya.

Nakita ko ang pagpigil niya ng ngiti, "Sorry na." Umusad ako sa tabi niya at pasimpleng tinusok tusok yung braso niyang bahagyang matigas.

Inakbayan niya naman ako dahilan para mas mapalapit at mapasandal ang siko ko sa dibdib niya, "Sleep here." Bulong niya sa tenga ko mismo dahilan para tumaas ang balahibo ko.

"Why? You want to explore?" Asar ko at hinawakan ang dibdib niya dahilan para hulihin niya ang kamay ko, napangisi tuloy ako.

"Explore?" He stated.

"Hmm—"

"Love me first, you are very unfair." Singhal niya kaya natawa ako, "Ang daming dama ha, akala mo naman— gusto ka na nga eh." Natigilan siya upang titigan ako nang naniningkit niyang mata.

"I still like you more." Seryosong sabi niya.

"Like lang?" Kwestyon ko muli, I was waiting for his answer.

"Love." Ngumiti siya at tsaka niyuko ako upang halikan sa labi ngunit isang dampi ay hindi siya nakuntento at inalis ang salamin upang mas mahalikan ako ng walang sagabal.

Napasandal ako sa braso niya na nakaakbay sa akin habang humahalik pabalik, ang tamis ng mga 'yon at hindi ko maiwasang maadik.

He kissed me torridly and sucked my lips most of the time, we did that alternately while his hands were respectfully on my waist.

I grabbed his hand and placed it inside my clothes that made him stop from kissing me, "Naughty." He whispered that gave me butterflies in my stomach.

"C'mon love." Malandi kong bulong at sinunggaban muli ang labi niya.

In between our kisses he whispered something, "Are you sure love?" Napatigil ako at bahagyang binuksan ang mata ko tsaka ngumisi ang labi ko.

"We're not doing anything wrong yet, what are your worries? Hmm?" Hinaplos ng hinlalaki ko ang mukha niya at tsaka hinalikan ang labi niya.

"I don't want to disrespect you," napagod ako kakahalik kaya kami tumigil dalawa. Magkayakap.

"Thank you for staying beside me, every time." I hugged him tighter.

"My pleasure." Mahinang tugon niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Ever since that day, I admitted that I was really attached to him. Seeing him completes my day, and having an argument with him makes it hard for me.

It's been so long and I got an award in recognition for being the first this 4th year of my course.

May party mamayang gabi, buong school 'yon. Ganito talaga every year, pupunta naman si Yeon dahil invited rin siya dahil isa siyang magandang halimbawa ng estudyante noong nag-aaral pa siya rito.

Halo ito, lahat ng course kasama. Nandito rin si Amaya, pati na ang parents ko sinamahan nila akong kunin yung award kahit sumaglit lang sila.

Pagkatapos no'n ay dala-dala ko 'yon na lumapit ako kay Yeon na maganda ang ngiti habang nakatingin sa akin.

Minasdan ko siyang nakasandal sa pillar ng school. Habang hawak niya ang coat niya at tanging ang polo niya lang na nakatupi hanggang sa siko niya at itim na pantalon.

"Congrats, love." Malambing niyang sabi, I didn't notice that his other hand was behind him and it's holding a flower bouquet.

"Thank you love." Nakangiting sabi ko at humalik sa pisngi niya.

"Oh PDA, wala ako rito ha? Nakakahiya friend." Natawa ako kay Amaya.

"Punta ka sa party mamaya." Anyaya ko.

"Ay syempre, inuman eh." After that hinatid ako ni Yeon sa condo ko to get some rest before the party.

6pm kasi ang party at natapos yung recognition around 4pm.

Sa party na kami magkikita mamaya dahil sabay kami ni Amaya pupunta, naging mabilis ang takbo ng oras at simpleng party dress lang ang sinuot ko.

Pagkapasok sa club ay panay estudyante ng school namin ang nakita ko, humanap kami ng seat at dahil doon ay naupo na kami sa malaking pabilog na table.

Yeon texted that he'll be late for at least 30 minutes as the company had an emergency, it's okay since I understand his working schedule.

Uminom at may pagkain kaagad, nadagdagan ng nadagdagan ang kasama namin sa table not until I saw him again.

Napatigil ako nang magtama kaagad ang mata namin, kinabahan ako sa kaniyang presensya.

Si Yuno.

Ang tagal na ng huli ko siyang nakita, halos isang taon rin. Yung mga kasama namin sa table ay inimbita siya, nalingon ko kaagad si Amaya na nag-aalala akong tinignan.

"Inom ka lang." Pinilit ko ngumiti tsaka uminom.

"Upo ka dito engineer." Anyaya nila kay Yuno ay pinaupo sa halos katapat ko.

He's wearing a black leather jacket and a simple shirt with his khaki slacks on. Umayos rin at mukhang bagong gupit siya.

Umiwas tingin na ako at uminom na lang, "Are you okay?" Bulong ni Amaya, sobrang hina kaya tumango lang ako.

It's really uncomfortable, hindi tulad noon na sa tuwing makikita ko siya ay hindi ganito.

Dahil siguro parehas kaming nagkasakitan, ganoon na lang ang epekto sa amin no'n. "Si Mr. Villamos na lang ang hinihintay kong makita sa party na 'to." Kinikilig na sabi ng kaklase ko na para bang wala ako rito.

Yuno jammed with them, nanatili lang akong nakaupo at umiinom hanggang sa tumawag si Yeon ay tumayo ako at sinagot 'yon habang lumalayo sa maraming tao.


"Wait, I can't hear you yet." Sagot ko at nang makalabas sa gilid ng club ay hinintay ko siyang magsalita.

"Love, are you alone or do you have company? Amaya?" Mahina akong natawa sa nag-aalala ngunit nagmamadaling sabi niya.

"No need to rush if you're still in a meeting, but somehow the group was waiting for your presence." Nakangiting sagot ko.

"Really, love? Matatapos na rin 'to. I'll go to you instantly after this." Ngumiti ako.

"Sure, hindi ka naman scammer." I joked.

"You don't make me wait naman, go ahead. Take care, I've been drinking responsibly." He chuckled on the other line, ang gwapo naman ng tawa dito.

"Amoy sigarilyo rito, babalik na ako sa loob." Paalam ko.

"Okay love, I'll see you in a minute." Paalam niya, ngumiti ako at pinatay ang tawag tsaka ako humarap sa right ko ngunit natigilan ako ng makita ko si Yuno na nakatayo sa gilid ng poll.


Nakatayo siya doon mukhang kanina pa siya nandoon dahil nagsisigarilyo siya, tumikhim ako at aalis na sana pero nagsalita siya bigla.

"Congrats on getting first." Hinarap ko siya tsaka ako tumango.

"Thank you."

"How have you been?" Napakurap ako sa tanong niya, kinakabahan ang puso ko at hindi mapakali.

"I'm good, i-ikaw?" Matipid siyang ngumiti bago niya pinatay ang sigarilyo.

"I missed you." My lips parted a little, getting swayed by it pero pinakalma ko ang sarili ko.

"I did, missed you too, Yuniko." Mahinahon kong sabi tapos ay matipid na ngumiti.

"It's been a year since we last saw each other and didn't even bid goodbye." Mapait ko iyong sinabi, hinintay ko siya. Umasa akong babalikan niya ako.

"Hmm, yeah. I tried to forget her, so I could go back to you confidently." Sa sinabi niya ay napatitig lang ako sa kaniya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko at naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Babalik siya? Babalik dapat siya? Pero hindi niya man lang sinabi sa akin.

"T-That's nonsense, I don't want you back, Yuniko. You left without a word, w-wala akong pinanghawakan kung babalik ka pa ba." Mariing sabi ko, pinipigilang maluha tsaka ako umalis sa harapan niya.

Sinubukan niya akong pigilan ngunit hindi ko kayang harapin siya, nasasaktan pa rin ako.

Bumalik ako sa table namin at napansin ni Amaya ang mukha ko, uminom na lang ako. "Ano nangyari friend?" Tumikhim ako at huminga ng malalim.

"H-He's messing with my head, Amaya." Nagugulumihan kong sabi, "I d-don't understand." Nakagat ko ang ibabang labi at napainom na lang lalo.

"Hays," nanlulumo rin na tugon ni Amaya.

"Iwaglit mo siya sa isip mo friend, kaya mo 'yan. Focus on Yeon. He's a good guy." Lumabi ako at napainom na lang lalo, nang bumalik si Yuniko sa table ay nakatitig lang siya sa akin.

Napapansin ba niyang nagugulo niya ako dahil sa sinabi niya? Masaya ba siyang bumalik para guluhin na naman ako?

Wala siyang iniwan na salita na pwede kong panghawakan, tapos sasabihin niya ngayon na lumayo lang siya to fully forget his feelings towards my cousin?

That's a fucking lie.


///

@/n: Hmm, any thoughts? Don't forget to vote and drop your thoughts! Thank you ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro