wakas
Time will heal. Or perhaps, not.
Perhaps the past wouldn't really disappear if it were engraved in our hearts forever.
Maraming bagay ang nabaon na sa limot. Maraming ala-ala ang hindi na nais pang balikan. Ngunit paano kung ang mga bagay at mga ala-ala na binaon na sa limot at hindi na nais pang balikan ay kusa na lamang dumalaw sa pag-tulog?
Paano na makakausad...?
"Marami akong gamit na tinapon ni mommy—pero makukuha ko pa 'yon kasi hindi pa naman kumukuha ng basura," He went poker-faced. "Aabutin nga lang ng ilang araw bago ko makuha kasi nasa kabilang bahay..."
Ni hindi ko siya tinapunan ng pansin at sumimsim sa bote ng C2.
Nag-punta kami sa parke upang tanawin ang pag-lubog ng araw.
I swung my crossed feet and then I turned to face him. "Nung nasa asotea tayo, nag-sisi ka ba dahil sinamahan mo ako? kasi kung hindi ka sumama sa'kin, masasaksihan mo pa sana ang pulang b—"
"Kaarawan ko no'n hindi ba?" He asked and I nodded. "Noong binati mo ako, pakiramdam ko'y napunan na 'yong mga pangangailangan ko sa buong buhay ko, kaya I died happily. Hindi ko rin inaasahan na may iiyak kapag namatay ako..."
Tumango-tango na lamang ako.
I know now, at least, that I don't have to feel any regrets over his death. At sa tingin ko'y siya ang tinutukoy ni Noel na muling nabuhay na prinsipe dahil maayos at tinanggap niya ang kaniyang naging pagkamatay.
"Anong parusa ang binigay sa iyo ng reyna?"
Doon ako natigilan at napabuga ng hangin. "Hindi ko pa matandaan."
He pouted. "Lahat? Akala ko pa naman ay tanda mo na ang lahat..."
"Naalala ko ang iilan pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang kasagutan sa pagkamatay ni Ryuu, ni Aurora, ni Reyna Eireen. Halos ang pagkamatay lang ni Sarathiel ang naalala ko dahil sa iyo."
Parehas kami ni Jeo na naguguluhan pa rin sa mga nangyayari. Ngunit natitiyak kaming naging parte kami noong taong isang libo walong daan at dalawampu't dalawa.
Nag-desisyon kaming tapusin ang pag-uusap nang tuluyang balutin ng dilim ang kalangitan. Nangako si Jeo na hindi siya magpapakita sa akin hangga't hindi niya maipapakita sa akin ang iilang bagay na magpapabalik sa aking memorya.
Habang ako naman... sa halip na magpahinga sa dormitoryo ay nag-tungo sa likod ng paaralan kahit na madilim.
Binuksan ko ang flashlight ng keypad at tumingala sa langit.
"Yevhen..." Parang tangang bulong ko sa hangin at pinalis ang luha sa aking pisngi. "Kailan kaya ulit kita maamoy? Ang tagal na kitang hindi nakakausap. Nanawa ka na ba kakahintay sa kasagutan ko kaya naghanap ka na lang ng ibang makukulit?"
The pain of Yevhen's absence seemed to always be with me, wrapping around my heart.
Anim na buwan... anim na buwan wala si Yevhen sa tabi ko.
"Hindi ka ba proud sa akin? Nakabalik ako sa taong isang libo walong daan at dalawampu't dalawa. Natuto akong gumamit ng espada... pati ang pagsakay sa kabayo ay kaya ko na..." I pursed my lips.
"Kung maalala ko ba ang lahat, uuwi ka ulit sa'kin?" Halos mabasag ang boses ko. "B-Babalik ka ulit sa'kin 'di ba? Magparamdam ka naman, oh..."
Para akong tanga... para akong tanga na nakikipag-usap sa hangin.
Sure, I yearned for Yevhen's simple presence.
"Alam mo ba, pagod na pagod ako kahit wala akong ginagawa. Napapatulala ako sa kawalan nang hindi namamalayan. Wala akong gana sa lahat. Kahit ang acads ko, napapabayaan ko na rin... kaya sana magparamdam ka sa'kin kahit saglit lang... kahit hayaan mo lang maamoy kita, kahit ilang segundo lang... kahit maramdaman ko lang ang presensya mo sa gilid ko. Kasi sa totoo lang, kailangan kita ngayon...."
My emotions exploded in that calm, gloomy lake.
Hinayaan ko lang ang sarili ko roon hanggang sa tuluyang kumalma ang bagyo sa damdamin ko.
I believe that everyone must accept and let go of all of their emotions. I'm still a human, after all. It's okay to feel a wide range of emotions—they're valid.
Nang makabalik ako sa dormitoryo ay nakayuko lamang ako para hindi mapansin ng mga makakasalubong sa'kin ang mugto kong mata.
Magdamag ay tanging tahimik na paghangos lang ang ginawa ko sa dormitoryo. Mugtong-mugto na ang mata ko sa kakaiyak pero parang wala pa ring balak huminto ang bagyo sa aking dibdib.
"Mother," I bit my lower lip and played with my finger. Hinintay ko ang madre na makalingon sa akin bago muling binuka ang bibig. "Hindi po muna ako papasok ngayon, masama pa rin ang pakiramdam ko kaya mananatili na lang muna ako sa dormitoryo."
Halata naman ang pagsisinungaling sa tono ko, but I hope that she won't question me or believe that I'm telling lies.
PInasadahan niya ako ng tingin simula paa hanggang sa muling mag-tama ang mga mata namin. Kaagad naman akong umarteng umiinda habang sinasabayan ng pag-pikit pikit.
"May long test kayo ngayon, Kat—"
"Pwede naman po akong mag-special long test 'di ba? Ika nga ninyo, mas mahalaga ang kalusugan naming mag-aaral kaysa sa pag-aaral," I gritted my teeth. "Paano po kung kumbolsyunin ako ng lagnat habang nagsasagot?"
Mabilis niyang nilapat ang palad sa aking noo. "Wala ka namang lagnat o anong sakit, Katana. Gusto mo lang yatang hindi pumasok."
I pouted. "Payagan niyo na po akong huwag pumasok ngayon at mag-take na lang ng special long test. Hindi rin po kasi ako makakapag-focus sa pag-sagot kapag nag-sagot ako nang masakit ang ulo—"
"Oo na, sige na."
No counter, eh.
Smiling, I gathered my belongings and headed to the dorm. Walang tao sa dormitoryo dahil lahat ng mga estudyante ay nasa paaralan. Magkatabi lang naman ang dormitoryo at ang paaralan namin kaya hindi na kailangan pang bumyahe ng malayo.
Bago lumabas mula sa bintana, katulad ng nakasanayan, pinag-tumpok-tumpok ko ang mga unan at tinabunan ito ng kumot para mag-hugis tao.
Hindi ko maintindihan kung bakit ang galing ko sa pag-akyat at pagbaba sa dormitoryo na ito. Hindi naman ako akyat-bahay nung past life ko.
Dala-dala ang bisikleta, nag-tungo ako sa bahay ni Talaitha. Ngunit hindi ko inaasahang maabutan ko ang bahay niyang nakabukas habang ang mga gamit ay nilalabas ng dalawang lalaki.
"Tao po? Andito po ba si Talaitha?"
Kagabi habang nasa kalagitnaan nang pagmumuni, bigla na lang pumasok sa isipan ko ang pag-dalaw sa bahay ni Talaitha. Wala akong ideya kung bakit bigla ko na lang ito naisip. I think it will be helpful for me.
Kung gagatungan ko ng isang case ng alak si Talaitha, paniguradong magkukwento iyon tungkol sa nakaraan.
Hinarap ako ng matanda na tumigil pa sa kaniyang ginagawa. Inalis niya ang gloves at inayos ang salamin. "Nagpakamatay ang matandang si Talaitha, Ineng. Marahil dahil sa pagkalulong niya sa droga. Wala rin naman siyang kamaganak kaya heto, hindi namin alam kung saan itatambak ang mga gamit niya."
Nagpakamatay? "Kailan pa po?"
"Isang araw matapos mong dumalaw," sagot niya na nagpalunok sa akin. "Narinig namin siyang nagsisisigaw noong gabi bago siya magpakamatay. At noong umaga naman, isang putok ng baril ang narinig namin. Naabutan na lang namin siyang wala ng buhay."
My eyebrows went up a little, my mouth corner tipped downward, and my eyes widened. Humangin ng malakas kaya mabilis na nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan.
Sa pagkakatanda ko, nakita ni Tailatha si Yevhen no'n.
Her death was caused by this.
"K-Kayo po ba ang may-ari ng paupahan?" Tanong ko at mabilis siyang tumango. "Pwede ko po bang tingnan ang ilang gamit ni Talaitha? May sisiguraduhin lang..."
Nakangiting tumango ang matanda at muling nag-suot ng gloves.
I entered and looked around the entire place. Wala akong nakita mula sa baba, tanging mga litrato lamang ni Talaitha at ng asawa niya ang nandoon. Marami rin siyang bote ng alak at mga sigarilyong gamit na.
Umakyat ako sa taas at hindi maiwasang makaramdam ng pait.
I still remember Yevhen rescuing me from the horrible spirits who inhabit this realm. Hindi ko na maamoy ang mga masamang espiritu na iyon ngayon. Even Yevhen... hindi ko na rin mahagilap ang partner ko.
Nawala ang lahat nang bumabagabag sa isip ko nang mahulog mula sa paahan ang maliit na talaarawan ni Talaitha. Manipis lamang ito at luma na. Mukhang sinubukan din itong sunugin dahil sa malaking sunog nito sa gilid.
Walang laman ang talaarawan. Puro blangkong pahina.
Ngunit sa likod, may nakasulat gamit ang sigarilyong may sindi. Kaagad na nagkaroon ng maliit na uwang ang aking labi at labis na naguluhan.
Kung ganoon... gumamit si Talaitha ng Ciuineos.
Kaya pala hanggang ngayon ay buhay pa siya sa kabila ng ilang daan na taon ang lumipas.
Weird. Ibig-sabihin, muli siyang bumalik sa isang libo walong daan at dalawampu't dalawa? O hindi na dahil tapos na ang nakaraan at ito'y nakaraan na? Ngunit saan na mapupunta ang kaluluwa ni Talaitha?
Gagala katulad ng kay Yevhen? O may pag-asa siyang mabuhay ulit bilang ibang tao?
Isinilid ko ang talaarawan niya sa loob ng bag at nag-siyasat pa. Halos abutin ako ng isang oras sa lugar bago mahanap ang totoong pakay kung bakit ako pumarito.
Si Talaitha ang sekretarya at taga-anunsyo sa taon na iyon... kaya't siya ang may hawak ng report book.
Umupo ako sa gilid nang hindi pinapansin ang alikabok na kumapit sa itim kong pantalon. Bahagya kong pinagpag ang report book para maalis ang alikabok na nakakapit dito at mabasa ng maayos.
I bit my nails and furrowed my brow as I silently read over all of the events recorded here. As I read, my feelings are virtually contradictory.
Unti-unti kong naalala ang lahat...
Pinalis ko ang luha na natipon sa mata ko. I adore how Aurora and Ryuu's relationship evolved from wanting to kill one other to being willing to die for one another.
Ngunit naputol ang report ni Talaitha tungkol sa Humilton simula nang umupo si Keitaro sa trono.
"Ikaw na naman, batang paslit?"
Naputol ang pagbabasa ko at kaagad na nag-angat ng tingin kung saan naroon nagmula ang boses. My mouth curled into a scowl the moment my eyes locked with Abraham's. Tumayo ako mula sa pagkakaupo upang harapin siya.
Nice timing. Nagpaplano pa lang akong puntahan siya sa bahay niya pero siya na mismo ang nakahanap sa akin.
Nilagay ko ang report book sa bag ko. "Ang totoo niyan, hanggang ngayon po ay nalilito pa rin ako... putol kasi ang pangyayari sa report book. Nagtataka rin ako kung bakit alam mo ang lahat tungkol sa taon na iyon pero kahit isang militar ay walang nakabanggit sa pangalan mo..."
Isn't that confusing?
Pero dapat pa ba akong mag-taka? Iba-iba na nga ang sinasabi niya sa'kin. Ulila na nga ako rito sa taon na ito, sinabi niya pang ulila rin ako sa past life ko. Kinawawa naman ako masiyado sa kwento niya.
Halos mahugot ko ang sariling hininga nang makita ang paghugot niya ng pistol mula sa bulsa. He grasped it and aimed it at my head, making me lose all color in my face.
Ang aura niyang may sakit at nanghihina ay napalitan ng malaking pagbabago. Hindi naman siya mukhang may sakit. Nagagawa n'ya pa ngang ngumisi na parang halimaw at mamamatay tao.
"Wala po kayong sakit sa puso?"
"Malusog ang pangangatawan ko at ang puso, Katana."
I gulped when he started to walk my way. Hindi ko alam kung bakit tila naninigas ang buong katawan ko at ang tanging maliit na pag-hakbang lamang ang ginagawa.
"A-Anong ginagawa mo?"
He smirked. "Hindi ba't nais mong malaman ang lahat ng tungkol sa nakaraan?!" Sa isang iglap ay hindi ko namalayang nasa harap ko na siya. He grabbed my hair swiftly, and due of his strength, I have nothing against him!
"Sumama ka sa'kin at imumulat kita sa nakaraan!"
Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya upang ialis ito sa buhok ko. I couldn't feel my head because of how hard he was pulling my hair. Nahulog ang bag ko sa balikat at agad na dumausdos sa lapag.
"Bitawan niyo nga ako!"
"Alam mo, gusto kitang bata. Naalala ko ang aking tatay sa iyo... na dahil sa kaniyang kasakiman ay iyon din ang naging dahilan ng kaniyang pagkamatay," Tinutok niya ang pistol sa aking ulo kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.
Dumaan siya sa likod ng paupahan kaya't walang nakarinig sa sigaw ko at nakakita sa ginagawang kasamaan ng matandang si Abraham.
"Malay mo'y ang iyong labis na pagtataka at kasakiman ang magiging dahilan ng iyong pagkamatay katulad ng iyong tatay!"
My jaw went slack when I realized something.
Para akong namanhid. Hindi dahil sa kaniyang pagkaladkad sa akin habang hinihila ang aking buhok, ngunit dahil sa aking napagtanto.
"Kung ganoon... anak ka rin ni Rowan?"
Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil sinusubukan ko pa ring manlaban sa kaniya. But I know there is a wide smile on his lips, na tila ba ito na ang kaniyang tagumpay.
I don't know how to react.
Sa katotohanan na magkapatid pa rin kaming dalawa...
"Katulad mo ay anak din ako ni Rowan sa hindi kilalang babae. Iniwan niya akong ulila at walang masilungan na bahay dahil nagpakamatay siya," Bakas ang puot sa kaniyang tono. "Alam ko ang tungkol sa iyo at sa espiritu na iyong kasama sa tuwing pumupunta rito..."
"Kung ganoon ay nakikita mo si Yevhen?!" My mouth went agape.
Mamamatay na siya...
"Oo, at naiinis ako dahil nakikita ko ang mukha ng lalaki na naging dahilan kung bakit nagpakamatay ang ama ko!"
"B-Bakit nagpakamatay si Rowan?!"
Hindi ba siya nagtagumpay sa pagsakop ng Heseke? O sadyang kinain lang siya ng konsensya dahil sa kaniyang mga kasamaan na ginawa?
I think I remember everything now.
"Inunahan niya ang kaniyang katandaan at mas piniling tapusin ang kaniyang buhay. Ni hindi niya man lang ako nakita. Ngunit mukhang iniwan niya talaga ako upang protektahan ang kaniyang sirekto,"
"Pinagsasabi mong matanda ka—"
"Hanggang sa bigla ka na lang sumulpot at naghalungkat sa nakaraan!"
"Binatawan mo ako!"
Hindi ko alam kung paano niya ako nahila at namalayan na lang ang sarili sa abandonado at pamilyar na simbahan. Hinawakan ko nang mahigpit ang anit ko habang walang laban na hinihila paakyat ni Abraham paakyat kung nasaan naroon ang malaking kampana.
"Nasasaktan ako! Bitawan mo ako!"
"Ang tagal tinago ng ama ko ang mga pagkakamali na pinagsisihan niya! Maging ako, hirap na hirap akong mag-bura ng mga artikulo sa internet patungkol sa aking ama! Ngunit kung narito ka upang ilahad iyon sa lahat ay mas pipiliin kong patayin na lang kita!"
I scrunched up my face. "Kaya ba gumagawa ka ng kung ano-anong kwento? Para lasunin ang utak ko katulad ng ginawa ni ama sa akin noon?!"
Kinuyom ko ang kamao.
Nalason ni Rowan ang utak ko. Napaniwala niya ako sa kaniyang kasinungalingan. Paniwalang-paniwala ako sa mga bagay na hindi kayang gawin ni Ryuu..
I did that for that reason. He is the cause of why...
I did the fucking thing that will make me regret it every day and night!
Kung hindi dahil kay Rowan ay magiging maayos ang lahat. Kung hindi dahil sa kaniya...
"Ang aking ama lang ba talaga ang tunay na may kasalanan?" Tila ba unti-unti akong nabibingi sa kaniyang boses. "Ganoon ba talaga kalinis ang tingin mo sa iyong sarili, aking kapatid?"
Tumingala ako para silipin ang mukha niya. "Bitawan mo na ako, nasasaktan ako! At 'wag mo nga akong tawagin na kapatid mo! Wala akong kapatid na nagpapanggap na may sakit sa puso para paniwalaan ang sabi-sabi niya!"
Tila isang demonyo, nagpakawala siya ng halakhak.
Umalingawngaw ito sa lugar at halos mabingi ako.
"Ikaw ang unang nakaisip sa pagsakop ng Heseke! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Simula nung sinilang ka ay binago mo ang isip ni Ama! Kaya't huwag kang magpanggap na tila ba wala kang kasalanan! Pinatay mo ang re—"
"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa'kin?!"
"Kasi alam kong malalaman mo ang tungkol sa Ciuineos, at kapag nagkataon ay malaki ang posibilidad na maaari mong mabago ang nakaraan!" Binagsak niya ako sa lapag. Tumama ang likod ko sa malaking kampana kaya kaagad akong napainda.
Tumayo siya sa bukana upang takpan ang daan at makasiguradong hindi ako makakawala sa kaniya. "Hindi ako mapapanganak kapag nagkataon! Hindi ko maitatago lahat ng tinatago ng pamilya natin!"
Hinabol ko ang aking hininga at tinitigan nang masama ang lalaki.
"Anong dahilan nang pagtakip mo sa tatay mong nagpakamatay na?!" I almost trembled with anger. Nanghihina akong tumayo at kaagad na napalunok nang mariin matapos makita ang taas ng simabahan.
Nasagot na lahat ng katanungan ko. Napunan na lahat ng pagkukulang sa loob ko. Ngunit hindi ibig-sabihin no'n ay handa na akong mamatay...
I cannot pass away without speaking with Ryuu. Without offering him an apology...
Gusto ko pa siyang makausap uli...
"Dahil bago ako iniwan ni Ama, dalawang taon lamang ako, kinuwento niya sa akin kung paano niya sinikap mag-bago! Kung paano siya kinawawa ng mga tao dahil masama ang tingin ng lahat sa kaniya! At kung paano siya... nagluksa noong namatay ka... dahil daw sa kan'ya," Pinalis niya ang luha at nakakabinging tumawa.
"Bukod pa roon, kahit na ulila ako at matanda na, gusto kong mabuhay! Gusto kong mabuhay ng hindi ako tinitingnan ng mga tao bilang masama! Masarap ang mabuhay sa kabila ng mga problemang lumilipas. At katulad ng problema, lilipas ka lang din! Kapag hinulog kita rito ay papalabasin kong suicidal ito dahil hindi ka pa rin nakakausad sa pagkamatay ng iyong pinsan!"
Nagtagis ang ngipin ko habang isa-isang tumulo ang luha sa pisngi ko, nawala lahat ng tapang ko nang marinig ang naging una niyang paliwanag. The anger lasted for seconds.
Despite being a cruel person overall, Rowan is a truly kind parent.
Nag-luksa siya noong mamamatay ang anak niyang si Aurora. Maging ang pag-sisi sa kaniyang sarili ay kaniyang ginawa.
"Halika rito! Ipapakita ko sa 'yo ang nakaraan!" He pulled my hair again and pushed me to the edge of the place.
Mabilis akong napahabol sa hininga nang makita na kaunti na lang ay mahuhulog na ako. "A-Abraha—"
"Sipain mo siya!"
I was interrupted by a familiar voice. The familiar voice that I longed to hear again. Bumigat ang dibdib ko kasabay nang pag-bara ng labis sa aking lalamunan. I inhaled the scent of the flower—his scent that I always wanted to smell.
Muling namuo ang luha sa aking mata.
He's here. Naaamoy ko na siya ulit.
"Tumalon ka na! Mabura ka na sa mundo at pagkatapos ay iisipin ng lahat na nagpakamatay ka lang—"
As Yevhen mentioned, I kicked him in his sensitive area. "Ayo'ko sa lahat, ang nagpapanggap ng may sakit sa puso."
He slipped and immediately pulled the trigger of the pistol he was holding. The bullet struck the bell and quickly went to my foot.
Iniwasan ko ito at hindi ko namalayang mawawalan ako ng balanse.
I suddenly lost my balance and began to fall, mustering the courage to look upwards. I felt the surge of anxiety as my body descended, adrenaline coursing through my veins.
Bago pa man ako bumagsak sa kalsada, naramdaman ko ang kawalan ng timbang na para akong lumulutang.
When everything seemed lost, strong arms wrapped around me...
I gasped for air, my heart racing not just from the fall but from the flood of emotions—the relief of being saved, the shock of his sudden appearance.
Muntik na akong mamatay... muntik na akong mahulog... muntik nang...
"Y-Yevhen..." Mapait akong napangiti. "Nararamdaman na kita ngayon. Naaamoy na ulit kita..."
Naramdaman ko ang pag-ingat niya sa pagbaba sa'kin mula sa kaniyang pagkaka-karga. I straightened up, tears flowing down my cheeks as I faced the direction where his smell was strongest.
"Aurora,"
Tuluyan akong napahagulgol matapos marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. Para akong nawawasak, ngunit nabubuo rin nang paunti-unti.
Tinawag niya ulit ako sa pangalan ko... tinawag niya ulit ako.
"Paumanhin, paumanhin kung nagawa ko iyon sa 'yo. Paumanhin kung hindi ako nag-tiwala sa 'yo at mas naniwala sa mga sinabi ni Rowan. Paumanhin kung... ako ang dahilan ng lahat," Naradaman ko ang hinalalaki n'yang pumapalis sa luha ko. "Patawarin mo ako, Ryuu..."
"Matagal na kitang napatawad, aking mahal." His words echoed in my mind, each syllable heavy with regret and longing.
Handa na akong mag-salita upang muling magsumamo ngunit napakunot nang maramdamang unti-unting nagkakaroon ng problema ang ilong ko. Suminghap ako nang paulit-ulit ngunit walang nagbabago.
"Yevhen..." Mariin kong pinikit ang mata. "Bakit humihina na ang amoy mo?"
Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang mas humihina ang amoy niya.
"Hangad ko ang iyong kasiyahan, aking mahal. Nasagot na ang aking mga katanungan. Tahimik na ang aking isipan at masaya na rin ang aking puso—"
"A-Aalis ka? I... Iiwan mo ako?" Basag na basag ang boses ko. Nagpatuloy ako sa pag-iling sa kabila ng malabong paningin. "Huwag kang umalis, Yevhen. Huwag mo akong iwan... hindi mo pa rin ba ako pinapatawad? Bakit mo ako iiwan, ha?! B-Bakit?!"
The ache was not just emotional but physical, a dull throbbing that matched the rhythm of my broken spirit.
Narinig ko lang ang mahina niyang pagbuga ng hangin. "Masaya ako sa muling pagtatagpo ng ating landas. Ngunit labis akong nalulungkot dahil kahit saang panahon, hindi tayo ang nakatadhana para sa isa't-isa."
"Yevhen? M-Manatili ka na lang sa tabi ko... dito ka na lang... huwag mo akong iwan..."
"Magkaiba na ang ating daigdig," Naramdaman ko ang kamay niya sa aking pisngi. "Gusto kong malaman mo... ikaw ang pinakamagandang alaala sa buhay ko bago at pagkatapos kong mamatay,"
Muli kong naramdaman ang labi niya sa aking noo.
He gave me a kiss on the forehead... and kissed my tears away. "Huwag ka nang umiyak. Ingatan mo ang iyong sarili, aking mahal. Huwag mong hayaang malunod ka sa nakaraan... kailangan mong bumangon kahit wala na ako sa iyong tabi,"
"Pasensya ka na kung hanggang dito na lamang ako dahil kailangan ko nang umalis."
"Huwag..." I shook my head. "Huwag, Y-Yevhen... Huwag ka munang umalis... Huwag... Huwag mo akong iwan, parang awa mo na. Kahit kulitin mo ako! Kahit sundan mo ako kahit saan... k-kahit... Y-Yevhen naman, oh..."
"Patawad, Paalam, Mahal kong Aurora. Hanggang sa muli..."
His goodbye broke my heart into a million pieces.
Iniwan ako ni Yevhen sa harapan ng abandonadong simbahan, luhaan at sugatan ang puso.
Ang lumang simabahan kung saan namin ginanap ang aming kasal... ay hindi ko inaasahang magiging lugar kung saan kami magpapalitan ng mapait na paalam.
Sa kabila no'n, kahit anong kagustuhan ko, hindi ko na ulit naamoy ang paborito kong pabango ni Yevhen. Simot at wasak ako. Tulala ako palagi at tila ba wala nang pag-asa na makausad.
Simula nang mangyari 'yon, natagpuan ang katawan ni Abraham sa walang buhay. Ang sabi ng pulisya ay tumalon ito sa lumang simbahan. kung saan doon mismo sa lugar na iyon ay binalak niya akong ihulog at patayin.
Napawalang sala naman ang tagapagsilbi na si Duman. Hindi ko na muling naamoy ang kaluluwa niya sa paligid. Natahimik na rin ang kan'yang buong pamilya sa lahat ng sakit at galit na nararamdaman nila.
"Aalis ka na talaga? Nakahanap ka na ba ng dorm?"
Ngumiti ako kay mother Ising at bahagyang binaba ang maleta na naglalaman ng lahat ng gamit ko. "May nahanap na po akong apartment. May university na rin po akong napasukan."
Mahigpit niya akong niyakap kaya ganoon din ang ginawa ko.
"Paalam po, Mother Ising."
Simula noong mamatay ang mga magulang ko, itong dormitoryo na ang naging tahanan ko. Kahit na hindi kaaya-aya ang mga ugali ng mga estudyante ay kaaya-aya naman ang tanawin sa loob ng dormitoryo.
Ang bilis ng panahon at ngayon, kailangan ko nang umalis at lumipat ng matutuluyan.
"Bakit ka nandito?" Ismid ko kay Jeo.
Ngiti naman ang sinukli niya sa pagsusungit ko. "Ang tagal nating hindi nagkita, tapos gan'yan ang ibubungad mo sa'kin?" He chuckled. "Sumakay ka. I have a lot to show you."
Binuksan niya ang pinto ng pajero dahilan upang mapakunot ako. "Saan?"
"Sa mga kasagutan."
Natatawa kong inikot ang mata at walang nagawa kun'di ang sumama sa kaniya. Matagal kaming hindi nagkita dahil masiyado niyang ginampanan ang pangako niyang hindi siya magpapakita sa akin sa oras na hindi niya mahanap ang mga kasagutan sa tanong namin.
Halos isang taon na rin pala.
"Saan univ mo?"
Hininaan niya ang radyo upang magkarinigan kami. "Sa UST. Ikaw?"
I shrugged, laughing. "Gaya-gaya. Doon din ako," Tumingin ako sa kaniya. "Pinuntahan kita sa Hospital ng ate mo pero wala ka roon. Nasaan ka?"
"Hinahanap mo ako?" Nangingiti niyang tanong.
"As if naman," Humalukipkip ako. "Nakausap ko ang kaluluwa ng kapatid mo. Gusto ko sanang sabihin sa 'yo kaagad kaso hindi kita makita—"
"Anong sabi?"
"Wala naman... pero sa tingin ko'y natahimik na ang kaluluwa niya. Hindi na siya nagparamdam simula noong huli naming paguusap. Hindi ko na naamoy ang amoy niya."
I hope Ryuu is happy wherever he is right now.
Natahimik ako nang marating namin ang destinasyon. Huminto ang kotse niya sa harapan ng museum. It was an all-white museum that had just opened here, so I had just discovered it.
Nahulog ang puso ko sa pangalan ng lugar.
The 1822.
"Ba't tayo nandito?" Hindi ko siya hinayaang sumagot at taka siyang tiningnan. "Don't tell me kaya ka nawala ng isang taon dahil pinagawa mo 'to?!"
Tumawa lang siya at bumaba ng Pajero. Sumunod naman kaagad ako sa kaniya, may kaunting kirot at galak sa aking puso. Agad na sinalubong ng pag-bati ang lalaki kaya kaagad na napunan ang pagtataka sa aking isipan.
Pinagawa niya ang lugar na ito.
I smiled as soon as my foot touched the floor. Sobrang kalmado sa loob. Ang ganda sa mata... tila nakakawala ng mga bagabag at isipin.
"Natatandaan mo ba ang singsing na 'yan na gawa sa papel de hapon?"
Sinundan ko ang mata ni Jeo at agad na nanikip ang dibdib. Pinilit kong isilay ang ngiti sa labi kahit na ito ay mapait.
"Paano ko makakalimutan 'yan, e ayan ang wedding ring namin."
The paper ring is protected by glass. May bahid pa ng dugo ang ilang parte ng singsing na ito. At sa gilid, nakasulat ang kasaysayan.
This is the paper ring made by the 1st prince, Akaryuu Hideo, for his beloved Princess Aurora. He wore it until he died, a fragile symbol of their enduring love that outlasted even his mortal life.
Kay Ryuu ang singsing na iyon.
Inabutan ako ng panyo ni Jeo. Hindi ko siya binigyan ng pansin pero kinuha rin naman ito. Pinunasan ko ang mga butil ng luha na namuo sa aking mata at nagpatuloy sa pag-iikot.
Awtomatikong huminto ang paa ko sa harapan ng malaking portrait ni Keitaro.
Suot-suot niya ang kaniyang korona habang nakaupo sa trono. Malawak ang ngiti na nakapaskil sa labi niya at ang mata ay kumikintab pa.
Sinipat ko ang sulat sa gilid ng litrato niya.
Keitaro Hideo, the 22nd and final king of Humilton Palace, was a firm and loyal leader. He served until his final breath. His death was caused by old age, as he was seventy-six. He made a significant difference in Humilton since the rebels attempted to take over their territory. He creates the laws as well. He declared killing illegal because, according to him, Aurora desired equality and did not consider people's rank.
Nagsitayuan ang aking balahibo mula sa nabasa.
"T-Totoo 'to?"
Jeo nodded. "Ayan ang nasa talaarawan ng Heneral."
Kung ganoon... naligtas ni Keitaro ang kaniyang sarili noong araw na nanghihina na siya. Ang laki ng pinagbago niya. Maging ang kagustuhan kong pagkakapantay-pantay ay ginawa niya.
Nalaman kong tinanggal niya ang mga ranggo kaya siya na ang huling hari. Pinalit niya rito ang gobyerno kung saan si Talaitha ang nagpapatupad ng mga batas.
Lumuwag at naging payapa ang kaharian ng Humilton.
I smiled... natutuwa ako sa nakikita ko ngayon.
Nahulog din naman kaagad ang ngiti sa labi ko nang makita ang sulat-kamay na liham ni Ryuu. Maliit lang ang papel na gawa sa trapo. Nasa loob ito ng salamin ngunit nababasa ko pa rin ang nakasulat.
Sa unang mga salita, sunod-sunod na nahulog ang mga luha ko.
Aking mahal na Aurora,
Kay lalim na ng gabi ngunit salamat at ika'y nananatili sa aking tabi.
Hindi ako galit sa'yo. Hindi ako kailanman nag-tanim ng galit sa'yo dahil hindi ko rin kaya. Sino ba naman ang may kakayahan magalit sa isang prinsesa na tila ba bituin na nagniningning? Siguro'y hindi ka lang bituin dahil ikaw ang buong araw sa kalangitan.
Masaya ako. Masaya akong nakilala kita. Masaya ako sa tabi mo habang pinapanood ang pag-lubog ng araw... habang hinihintay ang mahuhuling isda sa mahinahong ilog... at habang nagkakagulo ang mundo, salamat dahil ika'y nanatili sa tabi ko.
Wala akong ideya kung kailan tayo magkakahiwalay. Walang kasiguraduhan ang kapahamakan at kaguluhan sa mundo, ngunit tandaan mong ako'y sigurado sa iyo sa kabila ng magulong mundo.
Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buong-buhay ko. Na kahit lumubog at lumitaw man ang araw, pangakong ang iibigin ay ikaw lamang. Ikaw palagi.
Mahal na mahal kita, aking sinta.
- Ryuu
Bumaba ang tingin ko sa gilid na nakasulat patungkol sa liham ni Ryuu.
Ryuu's last love letter to Aurora. He wrote it while he was on the abandoned church, waiting for Aurora to find him.
Mugtong-mugto ang mata ko nang lumabas sa lugar na iyon. Mabuti at wala masiyadong tao dahil nakakahiya kung masaksihan nila ang pag-iyak ko.
Hinatid ako ni Jeo sa apartment ko at siniguradong nakauwi ako ng ligtas bago ako iniwan.
Umupo ako sa lamesa at kinuha ang lapis at papel na nakasalansan pa sa loob ng bag ko. Mapait na ngiti ang sumilay sa aking labi nang sinimulan ang pag-susulat ng liham.
Hello, Akaryuu!!! :3
Sa totoo lang, ngayon lang ako susulat ng liham bilang si Katana. Hmmmn hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko sa 'yo. pero ngayon, siguro alam ko na.
Miss na miss na miss na miss na kita, Ryuu ko.
Ay, baka hindi mo pala maintindihan. Isasalin ko pa ba sa filipino para sa oras na mabasa mo ay maintindihan mo? O hindi na? Tutal gan'yan ka rin naman sa'kin gamit ang wikang Espanyol. Pero sige, ganito na lang. Sa madaling salita niyan, gusto kitang makita. Ang tagal na rin kasi simula noong huli tayong nag-kita at nag-kausap.
Nasaan ka na kaya ngayon? Sana ay masaya at ayos ka na kung nasaan ka ngayon. Puno pa rin ba ng galit, pagsisisi at lungkot ang puso mo? Sana ay hindi na.
Hay. Makikita pa ba kita? Magkikita pa ba tayo ulit? Dahil kung hindi na... paano na kaya ako?
Pero huwag kang mag-alala, sinusubukan kong makabangon ulit. Sumusubok ako ng ibang hobby para pang-palipas oras. Napagtanto kong may talento rin pala ako sa pag-guhit at pag-pinta kagaya mo.
Ang totoo niyan ay nakatungtong na ako ng kolehiyo. Kinuha ko ang kurso patungkol sa pagguhit. Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan, siguro dahil naengganyo ako dahil sa talento mo?
Alam mo ba, inulit ko 'yong ginuhit mo. Iyong nasa dalampasigan tayo kung saan may hawak akong malaking alimango habang ikaw ay tinatawanan ako. Haha kainis ka kasi. Pero hanggang ngayon nga, natutuwa pa rin ako sa tuwing naaalala na patago mo akong ginuguhit. Naka-simangot ka palagi sa harap ko pero... haha nahihiya na tuloy ako :[
Basta miss na kita. Kung pwede lang bumalik sa panahon kung saan masaya tayong dalawa, mas gugustuhin kong manatili riyan. Ipagluluto kita ng masasarap na pagkain. Sasamahan kitang manghuli ng mga isda sa ilog. Makikipag-laban ako sa iyo at pangakong tatalunin na kita. Pupunta tayo sa iba't ibang lugar at papanoorin ang paglubog at paglitaw ng araw... at ang pangako natin sa isa't isa na... mananatili tayong dalawa sa tabi ng isa't isa hanggang sa pumuti ang ating buhok.
Hayaan mo, hahanapin kita kung nasaan ka man. Kahit saang susunod na habang-buhay pa iyan. Sana'y hintayin mo ako... Hintayin mo ako dahil magtutuos pa tayo, sisiguraduhin kong matatalo ka sa laban natin na iyon.
— Ang nag-iisang prinsesa ng buhay mo, Katana Hideo
Malawak ngunit mapait na ngiti ang gumuhit sa aking labi. Tinupi ko ang papel sa hugis bangka bago kinuha ang pabango sa gilid.
Katulad sa nakaraan, nilagyan ko ng pabango ang liham.
Kinuha ko sa gilid ang bouquet flower na gawa sa papal de hapon. It was color white and yellow. Napansin ko kasing mahilig si Ryuu sa kulay na ito kahit na itim ang kadalasang suot niyang damit.
I also sprayed it with my perfume.
Umalis ako sa bahay at naglakad patungo sa tulay kung saan ko ginawa ang ritwal.
Tumayo ako sa gitna ng tulay at pinanood ang pag-agos ng tubig.
"Yevhen... hayaan mong sa mga payak na bagay kita maalala,"
"Alam mo... sa totoo lang, simula no'ng namatay ang mga magulang ko, maraming masamang espiritu ang dumadalaw sa'kin palagi. Pero buti na lang ay may ikaw... kahit na hindi ka-akit akit pakinggan, pakiramdam ko ay ligtas ako kapag nasa paligid kita,"
Pinalis ko ang luha sa aking pisngi.
"Paano pala kung hindi kita pinansin?" Mapait akong napangiti, pagsisisi ang dumadaloy sa sistema. "Sa tingin ko naman ay mas maayos iyon para... nasa tabi pa rin kita hanggang ngayon,"
"Matitiis ko pa ang pangungulit mo sa'kin. Pero ang mawala ka..." Bumuga ako ng hangin. "Hindi ko na alam. Pakiramdam ko ay simot at ubos na naman ako. Ano namang saysay ng pagkawala ng mga masasamang espiritu sa paligid kung maging ikaw ay wala na rin...?"
Napatitig ako sa bangkang papel at tila ba ilog ang luha na rumaragasang.
May mga bagay na mahirap paniwalaan lalo na't kung hindi inaasahan.
At kung ako man ang tatanungin tungkol sa pangyayaring hindi ko inaasahan... Marahil ay iyon ang araw na nakilala ko si Yevhen. Ang araw na sana'y hiniling ko na lamang na hindi na sumapit ang pula na buwan sa kalangitan para hindi ko nararamdaman ang kapighatian.
Ang araw na sana'y tinanggihan kong makita ang kunot niyang noo... ang mukha niyang masungit ngunit sa matagalan ay unti-unting umaamo... at ang araw na sana'y hiniling kong maging bingi para hindi marinig ang baritono niyang tono...
"Nakakapanghina, Yevhen," Sunod-sunod ang hikbi na kumawala sa bibig ko. "Iniwan mo akong mag-isa... naliligaw at hindi alam ang patutunguhan..."
Alam kong kahit anong bulong ko sa hangin na ako'y iyong matagpuan mula sa kadiliman, ay hindi ka na ulit masisilayan.
Humugot ako nang malalim na hininga.
"Pero huwag kang mag-alala, katulad ng sinabi mo, pipilitin kong makaahon. Hindi ko naman minamadali. Hindi ko rin sinasabing sa oras na ayos na ako ay makakalimutan na kita, hindi ko rin ata kayang gawin. Naka-tatak ka na yata sa puso ko."
Mapait akong napangiti. Iniwan ko ang bangkang papel at hinayaan itong marahan na agusin sa tubig-ilog.
Kung bibigyan ako ng kahilingan, nais kong hilingin kang muli. Sa pagkakataong ang oras ay hindi na masasabing mali. At kung mabibigyan man ng pagkakataong mahawakan muli ang iyong mga kamay, pangakong hindi na ito bibitawan.
^_____________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro