tatlumpu't pito
"Oh my god! Thanks, god—you're awake now!"
Pagkamulat pa lamang ng mga mata ko ay agad akong sinalubong ng puting silid. Maging ang mga kurtina at mga palamuti sa paligid ay kulay puti.
Tila nasisiraan ng bait, I rubbed my stomach and looked beyond the nurse in front of me. Nag-iwas din naman ako ng tingin sa kaniya matapos magkasalubong ang mga mata namin.
Anong nangyari?
Takang-taka kong pinalis ang mga luha sa mata, nananatiling hinahabol ang hininga habang ang kamay ay naglilikot pa rin sa tiyan.
Why am I crying?
Saglit akong napatulala sa kawalan, hindi maintindihan ang mabigat na dibdib. Kahit ang luha ko ay hindi tumitigil at umiiyak ako na parang tanga.
I know I got stabbed.
How? Am I just dreaming?
Wala namang saksak ang katawan ko o anumang bahid ng dugo. Maging ang kasuotan ko ay malayong-malayo sa kasuotan ko sa panaginip ko.
In that location, I was dressed in traditional clothes, but here, I was dressed in modern clothes.
Maging ang teknolohiya ngayon ay walang-wala roon.
I sighed deeply and lowered my shoulders, feeling as though something had been plucked out of my throat.
Nananaginip nga lang ako. Panaginip lang ang lahat...
Isang bangungot na ayaw ko nang balikan pa.
Ngunit bakit hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako? It's so unusual of me.
Hindi ko maintindihan kung bakit labis kong dinamdam ang isang panaginip. At hanggang ngayon, pakiramdam ko ay naiwan pa rin ang kaluluwa ko roon, ubos at simot, luhaan at sugatan.
Why do I feel like this? Who are these people in my dream?
"Katana, ayos ka lang ba?"
Saka ko lang nagawang balingan ng tingin ang nurse na nasa gilid ko. She looked like she was done injecting something into me, since she was holding the syringe.
Napalunok naman ako, nananatili ang usisa sa mukha. I'm confused by something I don't understand. I was thinking so much that I was on the verge of getting a headache.
Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko.
I opened my mouth. "Bakit ako nandito?"
Sa pagkakatanda ko, sa tulay ako huling nagtungo. So, I should be there, not here!
"You've been in a coma for over a year. Halos lahat ng madre sa paaralan mo ay nagsasabing hayaan ka na lang dahil palaki na nang palaki ang hospital bills. And despite the fact that I have no right, I declined... alam ko kasing magigising ka pa."
Mas lalo akong naguluhan sa narinig.
Over a year comatose? Am I still dreaming?
Bahagya kong tinapik-tapik ang pisngi. Wala namang nangyari, nasa harapan pa rin ako ng nurse, naka-upo sa hospital bed at nakasuot ng hospital gown.
"Ano bang nangyari?"
"Hindi mo matandaan?" She sighed. "Tumalon ka sa tulay and almost commit suicide. You even cut your wrist. Ang sabi ng mga madre, Violet's death is the reason behind your behavior—"
"S-Si Violet?" I asked, shaking my head.
Tila ba nanumbalik ang mga sakit sa akin. Idagdag pa ang tatlong tao na namatay sa aking panaginip... that's unfamiliar to me, yet in my dream, they claimed to be my closest friends.
Ano bang nangyayari? Ilang buwan na ba akong nasa loob ng silid na ito?
"Halos isang taon na simula noong mag-bigti siya, Kat. Dahil ito sa bullying. Nasampahan na ng kaso ang teacher ninyo, even your classmates were sent to the DSWD."
Saka lamang ako napaniwala.
Ngunit... "Hindi si Violet ang dahilan kung bakit ako nasa tulay."
Hindi ba't may espiritu na laging sumusunod sa akin? Totoo ba iyon o kasama rin siya sa panaginip ko?
"Matulog ka na lang muna, Kat," She plucked her lips. "Ibabalita ko muna sa mga madre ang pag-gising mo. At ilang linggong pahinga lang ang kailangan mo saka ka na pwedeng makalabas ng hospital."
Even though I wanted to ask questions to satisfy my curiosity, hindi na lang ako nagpumilit pa dahil wala akong lakas. Hapong-hapo akong bumalik mula sa pagkakahiga at hirap na hirap na pinalis ang mga luha sa pisngi.
I don't know why I feel so down.
It feels like I was carrying too much shit.
Nanatili ako sa loob ng hospital upang magpahinga. Mabuti nga'y pinadala nila ang laptop ko upang hindi ako maboryo. Hindi rin kasi ako hinayaan ni Nurse Joy na makalabas hangga't hindi umaayos ang pakiramdam ko.
But, to be honest, I am physically okay now. But, mentally, I suppose the answer is no.
Hindi ko rin mahanap ang sagot kung bakit.
Siguro dahil sa panaginip ko noong nakaraang araw pa?
Nababaliw na yata ako.
Sinubukan kong alalahanin ang nilalaman ng panaginip ko, ngunit iilang pangalan lamang ng tao ang ang natatandaan. Maging ang mga mukha nila ay malabo sa tuwing inaalala ko.
As far as I recall, his name is Akaryuu.
"Kilala mo siya?" Pagbasag ko sa labis na katahimikan.
Kunot ang noo nang lumingon si Nurse Joy sa direksyon ng mata ko. Hininto niya ang ginagawa niyang pagtitingin sa kalagayan ko para lang ibigay sa akin ang atensyon.
Nang masiyasat naman niya ang tinitingnan ko ay kaagad na gumuhit ang panggagalaiti sa kaniyang mukha, tila nagdaalawang isip kung itatanggi ba ang lalaki.
"Kakalabas lang niyan galing mental,"
Nagkaroon ng tapyas ang noo ko kasabay nang pagkaroon ng uwang sa labi. "Bakit daw?"
"Hindi siya lumalabas ng kwarto. Noong pinasok naman nila mommy 'yong kwarto n'ya para tingnan kung ano 'yong mga pinagkakaabalahan niya, ayon, nakita na may pinagkakaabalahan siyang weird things..."
So kapatid niya? Sabagay, they look alike. Halos pinagbiyak na buko sila.
"Katulad ng?"
"Mga antique. Nalaman din namin na halos hindi na siya matulog dahil babad lang siya sa pagreresearch tungkol sa nakaraan... I guess it was way back in 1822," She answered. "Madalas din siyang tulala sa kawalan tuwing may family events kami, kaya we decided na ipatingin siya sa psychiatrist."
Tumango-tango na lamang ako.
Siya ang unang tao na nakita ko simula noong una kong maimulat ang mga mata ko galing sa mahabang tulog. Nakita ko siyang nakasilip sa maliit na salamin ng pintuan ng silid ko. But he avoided looking at me and left when he noticed that I was looking at him.
May malaking parte sa akin na nagsusumamo ngunit hindi ko maintindihan.
His face looks familiar to me, but I'm not sure where I saw him.
"Hintayin mo si Mother Ising, siya ang mag-susundo sa 'yo rito palabas..." Tuluyan niyang tinanggal ang tubo na nakakabit sa akin. "Mag-i-ingat ka, Kat. No matter what the problem is, do not think about ending your life."
Magsasalita pa sana si Nurse Joy pero hindi na tinuloy dahil sa dramatikong pag-pasok ni Hiro.
I tsked and rolled my eyes. Pinanood ko kung paano siya halos manlupasay sa lapag at dali-daling humakbang patungo sa akin. Sinubukan niya pang hawakan ang kamay ko pero mabilis akong lumayo.
"Hindi naman ako namatay, Hiro. Pero kung maka-iyak ka riyan ay tila namatay ako."
"Tears of joy ang tawag dito, Kat! Sobrang saya ko nang mabalitaan ko na ayos na ang kalagayan mo!" Bakas sa ngiti niya ang pagkagalak. "Halos narito ako sa room mo umaga, tanghali hanggang gabi para bantayan ka!"
I heaved a sigh.
"Hindi ko naman sinabing bantayan mo ako, Hiro. Pero salamat pa rin, dahil kahit ikaw ang mukhang pasyente sa atin ay nagawa mo pa rin akong bantayan." I joked, sinusubukang ayusin ang mood sa loob ng kwarto.
Hiro scrunched his nose. Napansin ko naman ang pilit na pagtawa ni Nurse Joy sa aking gilid.
Hindi na ako nakapag-salita pa. Sa gitna ng katahimikan, I don't know why my eye fell on my finger. Maging ang singsing na yari sa papel de hapon ay lumusong sa aking isipan.
Sumakit na naman ang ulo ko at bigla na lamang bumigat ang pakiramdam. Lagi na lang ganito, lagi na lang sa tuwing may biglang papasok sa aking isip na hindi matukoy na bagay.
Ang gulo... parang may mali.
Hindi nagtagal ay dumating ang madre na si Ising upang sunduin ako. Laking pasasalamat ko kahit na isang oras siyang late sa usapan namin. Hindi ko na rin kasi kaya pang tiyagain ang masakit sa tainga na boses ni Hiro.
Bumalik ako sa dormitoryo at katulad ng nakasanayan, maraming mata ang nakapako sa akin.
"Ang creepy niya talaga... ang tagal niyang nawala at halos ipakalat na ng mga madre na pinatay niya ang sarili niya katulad ni Violet. Ngunit nabuhay ulit siya!" Wika ng babae sa kabilang table, hawak-hawak ang bandeha.
"Paano kung totoo talaga na nakakausap niya ang mga kaluluwa?"
Nagpanting ang tainga ko.
Sanay naman na ako sa bulungan nila sa akin, but I can't believe the nuns tried to spread the rumor that I killed myself, like Violet did.
I moved in their direction. Natigalgal ang dalawang kasama niya habang siya ay parang mahuhugot na ang hininga. I adjusted my round glasses and tilted my head slightly.
"Hindi ako nakakakita ng kaluluwa... pero nakakaamoy ako ng mga espiritu," I wiggled my brows and glared at her. "Huwag ka pa sanang mamatay, ha. Ayo'ko pa kasing maamoy ang masangsang na amoy ng ugali mo."
Umalis ako sa Canteen at mas piniling dalhin ang pag-kain sa likod ng paaralan kung saan ako madalas tumambay. Iniwan ko ang bisikleta sa tabi at umupo sa duyan, hinayaang sampalin ang balat ng malalakas na hangin.
To be honest, being here makes me feel complete. Na kahit na may mabigat akong suliranin ay nawawala sa tuwing nasisilayan ko ang magandang tanawin sa lugar na ito.
Pero ngayon... para akong simot. Parang may kulang. Parang may mali.
Sarili ko lang naman ang kasama ko lagi kapag pumupunta ako rito...
Alam kong hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman iyon.
Totoo ba ang panaginip ko na may espiritu akong kausap? Na kahit saan ako mag-tungo ay naroon siya, nangungulit at sumusunod.
Ngunit nasaan na siya? Bakit hindi ko na siya maamoy pa?
Nang tumunog ang kampana ay dali-dali kong nilisan ang lugar. Sumakay ako sa bisikleta ko at mabilis itong pinatakbo pabalik sa eskwelahan.
But on my way, a familiar old man made me stop.
I bit my lower lip as I played with my fingers.
Matagal kong pinasadahan ang mukha niya kahit palayo siya nang palayo sa akin, kinikilatis ang bawat sulok ng pamilyar niyang pigura. Hindi rin nag-tagal ay nawalan ako ng pagpipigil sa sarili.
Hinabol ko ang lalaki at bumaba sa bisikleta.
"Magandang tanghali po," There was hesitation in my voice as I continued to analyze his face.
Maging siya ay hindi kaagad nakasalita sa biglang pagsulpot ko sa kaniyang harapan. Mukhang labis pa siyang nagulat dahil halos masapo niya ang kaniyang dibdib habang hinahabol ang kaniyang hininga.
When our eyes met, I noticed his eyeballs twitching and swallowing one after the other, which led me to have doubts about him.
Nababasa ko sa kaniyang mata na kilala niya ako.
"Mawalang galang na ho. Ang totoo po niyan, hindi ako sigurado... ngunit maari ko po ba kayong tanungin?" Huminto na lamang ang matandang lalaki at nginitian ako, handa na sa tanong ko.
"Kayo po ba si Abraham Garoña?"
Isang sinok ang kumawala sa kaniyang bibig. Kapansin-pansin din ang muling pag-likot ng mga mata niya kasabay nang pag-lunok, na tila ba may tinatago. Marahan, pinalig niya ang ulo bilang pag-tanggi.
Mas lalo lang nangunot ang noo ko.
Hindi, eh. Alam kong kilala ko siya. Alam kong nagkita na kami. At nakakasigurado akong nagkausap na kami.
My instincts would never betray me.
Hindi ko hinayaang mawaglit siya sa paningin ko. Hinabol ko ang matanda na naka-layo na ng limang hakbang sa akin. Lunok-laway kong hinila ang braso niya upang muli siyang mapahinto.
Siguro'y minumura na niya ako sa isipan niya dahil sa walang hiya kong pag-sulpot sa harapan niya. But I don't give a fuck.
"Huwag niyo pong itanggi, alam kong kayo si Abraham—"
"Oh, ano naman ngayon?"
Sa kabila nang pabalang niyang sagot, tila ba tumalon ang puso ko sa tuwa. Alam kong tama ako dahil naaalala ko siya.
"Kung ganoon... kilala niyo po si Akaryuu?" Banggit ko sa pangalan na tumatak sa aking isipan.
Ilang saglit siyang natigalgal. The corners of his mouth turned up as his eyebrows rose. "Mas mabuti kung umupo muna tayo sa parke na iyon... matanda na ako at madaling sumakit ang buto dahil sa aking rayuma."
"Ayos lang po. Sorry din kung naabala ko kayo."
Inalalayan ko ang matandang lalaki patungo sa parke. Sinigurado kong hindi siya makakaalis doon sa oras na dalhin ko ang bisikleta ko. Inalok ko rin siya ng sorbetes ngunit dali-dali niya itong tinanggihan kaya wala na akong nagawa pa kun'di ang umupo sa kaniyang tabi.
Natatandaan ko ang pangalan ni Aurora at Akaryuu mula sa aking panaginip. At alam ko rin na nabanggit sa akin ni Abraham ang tungkol sa ulilang si Aurora.
He must know Akaryuu as well since he knows Aurora.
Baka matulungan niya ang isipan kong makaahon mula sa kaguluhan.
"Si Akaryuu? Ang prinsipe na pinaslang si Prinsesa Aurora dahil sa sarili niyang panloloko at mga kasinungalingan?"
May kung ano sa dibdib ko ang nagpauwang sa aking labi. I averted my gaze just to think and recall that really well-known name.
Nag-laro sa aking isipan ang iilang malabong detalye.
Akala ko pa naman ay matutulungan ako ni Abraham sa paglinis ng gulo sa aking isipan. Pero mali ako, tila mas lalo lamang gumulo ang lahat. At parang mas lalo lang nadagdagan ang mga piraso sa puzzle na binubuo.
Si Prinsipe Akaryuu at Prinsesa na si Aurora?
Are they connected? "Bakit po pinatay ni Akaryuu si Aurora?"
"Magkasintahan si Prinsesa Aurora at Prinsipe Ryuu, ngunit ang katotohanan na mas mahal ni Prinsesa Aurora si Prinsipe Keitaro ay hindi nito mababago," He let out a sigh. "Ayon sa ama ni Prinsesa Aurora—"
"Hindi ba't sinabi niyo na ulila si Aurora?"
Sa pagsabat ko ay natigalgal siya. Hindi ako sigurado sa tanong ko ngunit ang ekspresyon na ginawad niya ay sa akin ay isa na kaagad kasagutan.
Handa na muli akong mag-salita pero parang may hangin na umihip at nag-bigay ito ng ideya sa akin. Other details from my dream seem to be sticking in my memory... well... a dream? Or should I say that this isn't a dream?
"Si Ginoong Rowan ang tatay ni Prinsesa Aurora, hindi ba?"
Walang nagawa ang lalaking matanda kung hindi ang tumango na lamang. Busted.
It all make sense now.
"Maaari niyo na pong ituloy... anong dahilan kung bakit pinatay ni Prinsipe Akaryuu si Prinsesa Aurora? Dahil po ba ito ay Prinsipe Keitaro?"
Pinikit niya ang mga mata kasabay nang pag-silay ng ngiti sa kaniyang labi.
"Ang totoo niyan ay nais sakupin ni Prinsipe Akaryuu ang buong Heseke ngunit wala siyang kakayahan dahil sa Prinsipe Keitaro ang tagapag-mana, idagdag mo pa ang katotohanang si Prinsesa Aurora at Prinsipe Keitaro ay kasal,"
Sa kaniyang pag-hinto ay hindi man lang ako gumalaw.
Sinubukan kong alalahanin ang lahat habang patuloy na nakikinig sa kaniya. And it appears to be effective because I am able to recall the faces of the individuals Abraham mentioned.
Mabilis na nag-taasan ang mga balahibo ko sa katawan.
Why do I look like Aurora? Halos lahat ng pigura namin ay hulmang-hulma. Posible bang nagkakamali lang ako? Pero hindi, eh. Hindi maaari.
"Pero alam naman nating lahat na bago masakop ang Heseke ay kailangan pabagsakin muna ang hari. At noong mga araw na iyon, si Prinsipe Keitaro na ang hari. Kaya noong nag-tipon na ang mga rebelde upang magplano ay inunang paslangin ni Prinsipe Akaryuu si Prinsesa Aurora upang hindi ito makagulo sa kaniyang plano na pagpaslang sa Hari na si Keitaro at sa pagsakop ng Heseke."
May kung anong kirot sa aking dibdib. I can imagine how Aurora defended Keitaro against Ryuu.
Kaya siguro matapos kong magbalik-tanaw sa nakaraan nila ay puro luha na lang ang mata ko. Masakit pala ang pinag-daanan nila. I can't even imagine the pain they suffer just to hold onto each other's hands.
How poor of them.
"Ano naman pong naging reaksyon ni Prinsipe Keitaro nang malaman niyang pinatay ni Prinsipe Ryuu si Prinsesa Aurora?"
Nagalit ba si Keitaro kaya niya pinatay si Akaryuu biglang paghihiganti sa kaniyang asawa?
"Matagal bago nalaman ni Prinsipe Keitaro ang tungkol sa pagkamatay ni Prinsesa Aurora. Ang sabi pa nga niya'y baka raw nakipag-tanan na ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na si Prinsipe Akaryuu. At nang sumapit ang taon ng isang libo walong daan at dalawampu't anim, doon niya nalaman ang pag-patay sa kaniyang asawa,"
Bahagya siyang umubo dahilan upang mapatakip ako sa aking bibig. Iaabot ko sana ang bote ng tubig sa kaniya ngunit kaagad din naman siyang naging maayos at nag-patuloy sa pagkwento.
"Saktong pag-pula ng buwan ay saka lumusob ang mga rebelde. Ngunit sa galit na dala ni Prinsipe Keitaro ay hindi niya hinayaang masakop ang mahal niyang bayan. Pinaglaban niya pati ang mahal niyang asawa hanggang sa mapatay niya ang kaniyang kapatid."
It seems like the puzzle is gradually taking shape in my head.
Sila pala ang mga tao na napanaginipan ko...
Pero... ayon sa aking naalala, ang unang pag-pula ng buwan ay noong isang libo anim na raan dalawampu't tatlo at ang pangalawa ay noong isang libo pitong daan dalawampu't tatlo. At kung inaabot ng isang daan taon bago muling sumapit ang pag-pula ng buwan...
If I'm using math, the third eclipse will be... isang libo walong daan dalawampu't tatlo at hindi noong isang libo walong daan at dalawampu't anim.
I feel strangely about what he's talking about because of this.
Iba ang sinasabi niya sa mga natatandaan ko.
At isa pa, hanggang ngayon ay malinaw sa aking isipan kung paano nag-isang puso nang patago si Prinsipe Ryuu at Prinsesa Aurora sa isang lumang simbahan.
Nangyari ang lahat bago sumapit ang pangatlong pag-pula ng buwan.
And this was in one thousand eight hundred and twenty-two.
"Maraming salamat po... marami akong nalaman tungkol sa 'yo," Kinuha ko ang bisikleta na nakasandal sa likod ng upuan namin at dali-daling sumakay. "Mauuna na po ako, may klase pa po ako!"
I jumped at the chance and headed straight to the hospital, where I had been unconscious for six months.
Sure, I skipped my Calculus subject. Wala rin naman akong naiintindihan doon kaya mas mabuti pa kung hindi ko na lang muna ito pasukan. Maari ko namang idahilan na bumalik ako sa hospital dahil sa biglang panghihina. Kung hindi naman sila maniwala ay mayroon namang summer class.
I have no idea why I am taking the time to dive this far just to find out what has happened in the past.
Binalagbag ko lang sa harapan ng hospital ang bisikleta at hindi pinansin ang bantay na guard na humarang sa akin.
Kaagad kong hinanap si Nurse Joy.
I know she can help me... I mean, he. He can help me.
"Bakit ka nandito?" Nag-laro ang pag-aalala sa mata niya, inaakalang kaya ako nagpunta rito ay dahil sa hindi maayos na kalusugan ko.
"Nasaan ang kapatid mo?"
Mabilis na nag-laho ang pag-tataka sa kaniyang mukha. Napalitan ito ng pilyong ngisi. Nurse Joy pressed her lips.
"Type mo?"
What the? Akaryuu ba pangalan niyan?
"Gusto ko siyang makita, Binibi... I mean—nasaan siya?"
Hindi na nabura ang ngiti sa kaniya. "Kaaalis lang ng Hospital. For sure nasa parking lot pa ang isang 'yon."
Hindi na ako sumagot pa at humarurot patungong parking lot. Laking pasasalamat ko sa may kapal nang makita ko ang rebulto niyang papasok pa lamang sa driver's seat ng kulay berde na jeep wrangler.
Hindi ako nagpaligoy at huminto sa shotgun ng kaniyang wrangler. He turned on the engine, but he stopped as I knocked. Kunot noo niyang binaba ang salamin.
"A-Ano?"
Habol hininga akong nagpakawala ng hangin. I looked aside, then looked back at him while running a finger through my hair.
"Buksan mo, sasakay ako."
"Bakit? I don't even know y—"
"Alam kong patay na patay ka sa'kin noon," I said it without hesitating. Hindi naman siya nakasagot at tanging pag-titig lamang ang ginawad sa akin. "Bingi ka ba? Buksan mo. Gusto kong makita ang silid mo."
"I'll call the cop—"
Muli ko siyang hininto sa pamamagitan ng pag-hampas sa kaniyang sasakyan.
"Hindi ba't naghahanap ka ng impormasyon tungkol sa taong isang libo walong daan dalawampu't dalawa?" Wala sa sarili kong tanong na nagbigay dahilan upang sumilay ang kunot sa kaniyang noo.
Humugot siya ng malalim na hininga, tila ba pagod na sa kaniyang sitwasyon. "Kung nandito ka upang sabihin na nababaliw lamang ako at nasisiraan ng bait. You can leave now."
The corners of my eyes crinckled.
Hindi ako handa sa magiging ugali niya. Paano kaya siya napadala sa mental ng pamilya niya? Sapilitan? Kinaladkad, ganoon?
"Curious ako sa bagay na curios ka rin," I squeezed my eyes shut. "You know... we're in the same boat."
His brows snapped together. Ilang segundo niyang pinasadahan ang bawat sulok ng mukha ko bago tuluyang pag-buksan ng pinto.
Tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Malapit lang din naman ang bahay nila sa Hospital kaya kaagad kaming nakarating.
Jeo stopped walking just to give me a glance.
Natawa naman ako dahil nabasa ko kaagad ang pinapahiwatig niya. "Hindi kita type, 'no. At lalong wala akong balak pag-nasaan ka. Titingin lang ako sa kwarto mo, iyon lang."
Hindi niya na ako pinatapos at binuksan ang pinto ng kwarto.
The color drained out of my face. Lahat ng sigla ko kanina ay biglang naglaho nang bumungad sa akin ang malalaking pamilyar na guhit-kamay na kasalukuyang nakasabit sa kulang puting dingding ng silid ni Jeo.
His room was like a museum full of old things.
Kung saan lahat ng emosyon ay matatamasa sa oras na lumapat ang iyong mata sa kahit anong bagay na nasa loob ng silid.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa pinagkakaabalahan ko?" Jeo suddenly asked.
Napabalik ako sa katinuan. "Nakakaamoy ako ng espiritu na nanghihingi ng hustisya tungkol sa kaniyang pagkamatay. At ang espiritu na iyon ay isa sa mga prinsipe sa kaharian ng Humilton."
Tumango-tango si Jeo bilang pag-intindi sa akin at naupo sa gilid ng kaniyang kama. He observed me while I examined every object in his room.
I came to a stop in front of the large Prince portrait.
May bibong ngiti sa kaniyang labi. Ang kasuotan niya ay kasuotan ng mga prinsipe.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit kamukhang-kamukha mo ang nasa painting na 'to?" Hinarap ko si Jeo habang nananatiling nakaturo sa malaking painting.
He grimaced. "Lagi siyang dumadaan sa aking panaginip. Halos gabi-gabi ay siya lamang ang aking nasa isip... kaya minabuti kong magsaliksik tungkol sa taon na 'to dahil pakiramdam ko ay may mali."
It's funny how his history still comes to visit him.
"Ito lang ba? Ang sabi nila marami ka pa raw—"
Natigalgal ako nang tumayo si Jeo at binuksan ang pintuan. Kaagad na tumambad sa akin ang masikip na pasilyo ngunit may kahabaan. Iba't ibang uri ng espada at mga palaso. Maging ang mga kasuotan ng mga prinsipe ay narito.
Tumama ang mata ko sa isang lukot na papel na gawa sa trapo.
My eyes watered. Halos mahirapan ako sa pag-hinga nang makita ang lahat.
"N-Natatandaan ko na ngayon..."
Guhit-kamay ito ni Ryuu gamit ang papel na gawa sa trapo at ang uling. Kung saan kami ay nasa dalampasigan. He was looking at me while I stood in front of him, gripping a big crab.
Narito rin ang kaniyang espada at palaso... na may nakasulat na tigreng-ibon sa gilid.
"Marahil dahil ginamit ng aking ina ang aking dugo sa ritwal kaya't hanggang ngayon ay hindi ako iniiwan ng nakaraan," Jeo's voice echoed in my ear. "Hindi ba't kayo ni Prinsipe Ryuu ang naka-guhit sa papel na iyan?"
I looked at Jeo, who was Sarathiel in his past life.
Sa mga nakita ko, nakumbinsi ako sa madaling paraan. Na ang lahat ng bagay na nangyari sa inakala kong panaginip ay totoo. Nangyari ang lahat ng iyon noong nakaraan.
I did the ritual, and that's why I came back in 1822.
Everything isn't a dream. That's why everything remains vivid in my heart and head...
^____________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro