Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

tatlumpu't apat

Kung ano ang mayroon ka ngayon ay hindi pang-habangbuhay. Ika nga nila, things don't last forever—even people or whatever your eyes can see.

Na kahit gaano pa ang kapit mo sa isang bagay, kung nakatadhana itong mawala sa 'yo, ay mabibitawan mo ito nang hindi namamalayan.

The realization that nothing lasts forever, including people and all things visible to our eyes, is a fundamental part of human existence.

I gasped for air and was suddenly brought back to reality when I heard a noise coming near me. Niyapos ko nang mahigpit ang libro sa balikat.

"Maaari niyo muna kaming iwanan."

Nagkaroon ng bahagyang pagitan sa aking mga labi matapos marinig ang boses ng Militar na si Noel na nagpapahiwatig sa mga dama at iba pang militar na umalis muna.

I noticed their faces suddenly stiffen, as if they were afraid to leave me alone with Noel. Nagkatinginan pa ang ilan habang ang iba ay napalunok na lamang, tumatanggi sa nais mangyari ni Noel.

"Ako na ang bahala sa Reyna, sisiguraduhin kong hindi siya makakaalis dahil iyon ang utos ng hari," may diin sa bawat bigkas ni Noel. "May pag-uusapan kami saglit at kapag natapos, maaari na kayong bumalik."

"Ngunit—"

The dama attempted to speak for herself, but I interrupted her with a sigh. "Naririnig niyo naman sinasabi ni Noel 'di ba?"

Sumenyas na ang isang militar sa kanila. They bowed to me before leaving me with Noel. Mukhang kinilatis muna nila kaming dalawa para tingnan kung may plano ba kami o wala. 

Napairap tuloy ako.

Daig ko pa ang isang daga na kailangan pag-higpitan para hindi makawala. It's not like I truly have any intention of running away from them. Kung magkakaroon man ako ng lakas ng loob umalis ng Palasyo, ayon siguro ang oras na walang nagbabantay sa'kin.

Inosente silang naninilbihan lamang. Paniguradong madadamay ang buong pamilya nila sa gagawing parusa ni Keitaro sa oras na makawala ako sa paningin nila.

"Bakit?" Panimulang tanong ko bago pa man tuluyang makalingon sa gawi ko ang militar. Siniyasat at sinigurado muna niyang malayo ang mga dama at militar bago bumaling sa akin.

He sighed. "Narinig mo na ba ang tungkol sa pulang buwan?"

I stopped at his question. Sasagot pa lang sana ako ngunit nauna niya nang mahanap ang kasagutan sa sarili niyang tanong. Saglit niyang pinasadahan ang libro na hawak ko. 

"Nalaman mo na pala..." 

"Paano kung gawin ko ang ritwal? ang tunay na Aurora na ba ang magkokontrol sa sarili niya?" Mausisa kong tanong.

By the time I return to twenty-ten, I wonder what will happen next.

Sigurado akong maiiwan ko ang mga tao na narito... but if something does happen, I pray I'll forget everything and they'll vanish from my memory.

Alam ko ang pakiramdam ng mabaon sa ala-ala ng mga taong naiwanan at naiwan.

"Wala nang itutuloy pa, Kamahalan," Noel answered flatly. "Matatapos ang lahat sa oras na makabalik ka sa taon kung saan ka nagmula."

"Kung ganoon... nakatadhana talagang maulit nang maulit at hindi magbago ang mga pangyayari?" 

He arched his brow. "Gagawin mo ba ang ritwal?"

Muli akong natigalgal. Napahalukipkip ako at napaisip bago tuluyang magpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Hindi, wala akong plano." I clenched my teeth.

Gusto kong manatili rito hanggang sa huli ng aking hininga. Kahit na ang kapalit nito ay ang paghihintay ng panibagong isang daan na taon bago muling masilayan ang pag-pula ng buwan.

I told Ryuu I would never leave him. Papanindigan ko iyon. Papanindigan ko siya.

Noel smiled. "Ang ibig-sabihin niyan ay mananatili kaming nabubuhay kasama mo."

Tumango na lamang ako.

Ang totoo niyan, kahit na kampante na ako sa sagot ko na hindi ko gagawin ang ritwal, may malaking parte sa akin ang nagsusumamo na makabalik na sa taon kung saan ako nararapat.

It wasn't easy to decide.

It felt as if I was choosing life over death.

Yevhen and Ryuu were the sole things that kept me from doing the ritual. Tila ba hindi ko kayang bumalik sa hinaharap kung wala ng Ryuu sa aking tabi.

I want him to stay by my side forever.

Kaya nangangako ako sa sarili kong mananatili ako sa tabi niya hanggang sa dulo.

Kinuha ko ang quill at sinimulan ang pag-sulat sa talaarawan ni Aurora. I even wrote a letter for Ryuu, but I'm not sure how to send it to him. Maraming nagbabantay at nanonood sa mga kilos ko, tila ba may nakasakal na isang daang kamay sa akin.

Sa dalawang araw na hindi namin pagkikita ni Ryuu, tila pahigpit nang pahigpit ang seguridad na binibigay sa'kin ni Keitaro.

I was just becoming fatigued.

Nagbilang ako ng limang minuto bago tuluyang binuksan ang talaarawan ni Aurora. Ang liwanag sa mukha ko ay kaagad napalitan ng dilim at tila bumagsak ang resistensya ko.

Muli kong binasa ang liham, ang mga luha ay nagbabadya sa mata. Pinalis ko ito kaagad upang maalis ang nagpapalabo sa paningin.

I am sure I just read it incorrectly. Nagkakamali lang ako...

Sa totoo lang, kabisado ko ang aking sarili. Malakas ako at mabilis sa pakikipaglaban ngunit aaminin kong kahit kailan ay hindi ako nanalo sa pakikipaglaban kay Prinsipe Ryuu.

Ano ba ang mayroon sa kaniya? Ang bilis niya at tila ba kahit sino ay walang makakabisa sa kaniyang kilos. Kaya nga kahit mag-tulong-tulong ang isang daan na mga militar para puksain siya ay hindi siya matalo-talo. Nakakabighani.

Ngunit ngayon? Natalo ko siya. Dumugo ang kaniyang labi ngunit mas nanaig ang saya ko kaysa sa pag-aalala.

Ayon nga lang, nagdesisyon ako. Bumalik ako sa palasyo upang mag-protesta na ako'y hindi sapat para maging reyna ng Humilton. Umaasa ako na baka sa dahilan na iyon ay marami rin ang magprotesta na hindi ako karapat-dapat sa trono.

Ngunit hindi ko inaasahan na maabutan ko ang walang pulso na si binibining Carmela, ang pangalawang tao na inaasahan at pinagkakatiwalaan ko sa buong buhay ko. Kaming dalawa na lamang ang natira sa pagkakaibigan namin, ngunit hindi ko inasahang maging ako ay iiwan niya rin.

Isa kang hayop, Prinsipe Keitaro

- Aurora.

Halos mag-dalawa ang paningin ko sa huling mga salita na binasa. 

Parang nahulog ang kaluluwa ko sa katawan ko. 

Kinuyom ko ang aking kamao at sandaling napatulala sa kawalan. Nanginginig ang buong kalamnan ko habang ang mga luha ay rumaragasang sa mata. 

I continued shaking my head, pilit niloloko ang sarili na hindi totoo ang nabasa ko. 

Muli kong binasa ang liham. Halos mapunit na ang papel na hawak ko dahil nababasa ito ng mga luha ko. 

"C-Carm..." Para akong nadudurog nang dahan-dahan. Na tila ba kinukuryente ako ng sakit.

Akala ko ba'y hindi niya ako iiwan mag-isa? Ngunit bakit?

Kahit na walang suot na bakya ay tumakbo ako palabas nang nakayapak habang ang mga luha ay nanggigilid sa mata. Kaagad naman akong sinalubong ng dalawang dama na nagbabantay mula sa labas ng silid ko.

"Kamahalan, saan ka—"

"Nasa'n si Carmela?!"

Yumuko ang dama na humarang sa akin. Mas lalo akong nadurog sa naging reaksyon nilang dalawa. On their faces, I saw nothing to lead me to doubt the accuracy of what I had read. Hinintay ko ang pag-imik nila ngunit walang salita ang nanalo sa kaniyang labi.

I laughed. "Tinatanong ko kayo 'di ba? Nasaan si Carmela?!"

"Paumanhin ngunit wala na ang dama na si Carmela, Kamahalan."

Tuluyan akong nanghina, paulit-ulit na umiling sa kawalan. 

Iyana, Cynthia... and now... Carmela. The heck?!

Hindi ko hinayaang bumuka muli ang bibig niya at kumaripas ng takbo. Kaagad kong nakita si Keitaro. Tinigil niya ang ginagawa niya nang masaksihan akong tumatakbo palapit sa kaniya.

"Ano bang kailangan mo, Keitaro?! Ano pa bang gusto mo, hah?! Bakit ba hindi mo pinapatahimik 'yong mga mahal ko sa buhay?!" Ramdam ko ang matinding galit sa akin. 

Gusto kong durugin si Keitaro na parang bato. Ganoon ako kagalit sa kaniya. 

Napansin ko naman ang gulat sa kaniyang mukha ngunit mas pinili niya itong itago dahil nasa harapan kami ng maraming tao. Malaking eksena ito kapag pinatulan niya ako.

He faked a smile. "Hinintay ko ang iyong pagba—"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil sa nararamdaman kong init ng galit na sumusunog sa loob ko.

Mabigat na kamay ang nilapat ko sa kaniyang pisngi. "Tangina naman, Keitaro. Nagpakasal na ako sa iyo lahat-lahat, bakit ba hindi ka mapirmi?! Bakit pati si Carmela pinatay mo?! Hindi pa ba sapat 'yong paglalaro sa buhay ni Ryuu, hah?!"

"Pinatay ko ang iyong kaibigan?" Sarkastiko siyang tumawa.

He's really getting on my nerves.

"Nagpakamatay siya at hindi ko pinatay. Magkaiba iyon, aking mahal."

"S-Sinungaling..." Nanginginig ang boses ko, nangingilid ang mga luha sa aking mga mata habang hinaharap ko ang katotohanang masakit tanggapin.

I don't want to hear his voice call me that way.

Mas lalo lang akong napupuno sa kaniya.

"Nag-bigti siya dahil sa takot," Sagot n'ya pa na nagpatiim sa aking bagang. 

Agresibo kong hinilamos ang kamay sa mukha. "Nag-bigti siya dahil sa'yo! Pinagbantaan mo siyang papata—"

"Siguro'y mas tama kung sasabihin natin na siya'y nag-bigti dahil sa iyo."

Natutop ako at napakapit sa dibdib kong tila ba may nagliliyab na apoy sa loob. Ang sakit at galit ay labis, nakakabagot. Gusto kong sumigaw, umiyak, sumalungat, ngunit ang lahat ng magagawa ko ay manatiling nakatayo roon, nanginginig at walang magawa.

Pagod na ako...

Kailan ba matatapos ito?

"Sabihin nating totoo ang pinataw kong kamatayan sa kaniya, ngunit hindi natin mababago ang katotohanan na nag-bigti siya upang maunahan ang pag-hataw sa kaniya. Dahil... natatakot siyang makita mo rin ang kaniyang kamatayan katulad ng dalawa mong kaibigan."

Wala sa wisyo kong hinugot ang aking espada. Nanginginig ang buong pagkatao ko. 

Keitaro flinched; even the militars and his dama panicked. Ngunit huli na sila at walang nagawa kun'di ang mapaatras na lamang. I swollowed hard as I pointed my sword at Keitaro's neck, kung saan nilagay ni Carmela ang lubid sa ginawa niya.

Walang salita ang makakapagpahupa sa galit na nararamdaman ko.

I want to tear him apart. Wala akong paki sa paligid ko. 

"Hindi niya gagawin 'yon kung hindi mo siya tinakot. Hindi naman gano'n ang isip ni Carmela, Keitaro. Hindi siya sakim katulad mo, hindi niya gagawin 'yon kung hindi dahil sa 'yo!"

Why do I keep losing people? Bakit pakiramdam ko lahat sila ay iniiwan ako?!

Nabaling ang aking isip nang biglang magsalita si Keitaro at inilabas niya ang isang liham mula sa kanyang kapa. "Narito ang liham na natagpuan sa silid ni Carmela. Nais mo bang basahin ko ito ng malakas para sa iyo, mahal na reyna?"

Bakas sa kanyang tono ang pang-aasar at pagsalungat sa aking damdamin.

I tightened my grip on the sword. Pinanood ko siya habang binubuksan ang liham, kasabay ng pag-agos ng mga luha sa aking mga mata nang makita ko ang sulat-kamay ni Carmela.

"Binibini," sabi niya, ginagaya ang tono at estilo ni Carmela, tila ba isang mapanuksong anino ng aking nawawalang kaibigan.

"Ano bang problema mo?!" My voice breaking with anger and frustration.

"Nais kong magpasala—"

Without hesitation, I swung my sword at him. I was shocked at how quickly he parried. I didn't expect him to grab his sword so swiftly and block me.

My lips parted, my hands trembling as I struggled to keep my sword against his. Binitawan niya ang espada niya dahilan upang mapunta sa'kin ang lahat ng pwersa at tumilapon sa kan'yang tabi. I gasped for air. Inis kong binato ang espada na hawak at tumingala.

Keitaro pointed his sword directly at my neck.

Una pa lang, sana'y nakilala ko agad siya ng lubos.

"Patayin mo na ako," I whispered, my voice laced with pain and sorrow. "Mas pipiliin kong mamatay kaysa mabuhay nang ikaw ang kinikilala kong asawa."

I noticed how he tightened his grip on the sword. Bakas ang tanda ng galit, puot at pagpipigil sa kaniyang mukha.

"Nagsisisi akong pinakasalan kita, Keitaro. Nagsisisi akong nakilala kita—"

Umamba si Keitaro, tila naubos na ang pagpipigil sa kaniyang sistema. Handa ko nang ipikit ng mariin ang mga mata ko ngunit isang rumaragasang na palaso ng pana sa aming direksyon ang nagpagising sa aking diwa.

I hold my breath for a second. My life flashed before my eyes.

Parang nabura ang mga isipin sa akin. 

But I ignored it because I had deja vu when I first saw Ryuu in Aurillia.

Halos isang metro lang ang layo ng direksyon ng palaso sa aking mata.

Naramdaman ko ang pag-baba ng espada ni Keitaro mula sa akin. Sabay naming sinundan ang direksyon kung saan nag-mula ang palaso. It was from the gate.

A tear fell from my eye. He's here. Ryuu.

"Paumhin, kamahalan, ngunit nasasaktan mo na ang aking mahal." 

His presence brought everyone to fear. 

Lahat ng tao sa loob ng palasyo ay naalarma. Napatuwid ng tayo ang lahat ng militar habang ang kanilang mga espada ay nakaangat kay Ryuu, handa na sa kahit anoman ang mangyari.

Napamura ako sa aking isipan. Why is he even here?!

Pinilay ko na nga ang kanyang paa para hindi siya maglakas-loob na sundan ako rito sa Humilton. Hindi ito kasama sa plano! Hindi siya dapat nandito dahil tiyak na paglabas niya ay wala na siyang buhay. 

Argh! Talagang sakit ng ulo ang isang ito.

I heard Keitaro sigh and laugh in disbelief.

"Narito na pala ang aking kapatid..." His lips curling into a mocking smile. "Ang tagal kitang hinanap at kung kailan hindi na kita kailangan, saka ka naman nagpakita. Narito ka ba upang saksihan ang pagkamatay ng iyong mahal na reyna?"

Ryuu smirked slightly. Pinasadahan niya ang kaniyang buhok at halata ang gigil sa mukha nang umigting ang kaniyang panga.

"Narinig ko sa iilan na nauubos na ang bilang ng mga militar sa kaharian na ito dahil sa kakahanap sa akin. Ako'y nalungkot sa narinig kaya't upang hindi na kayo mahirapan ay nag-kusa na ako." 

I looked away and heaved a sigh.

Akala ko pa naman ay dapat akong kabahan at mabahala dahil sa kalagayan n'ya. But based on everything I've heard and seen, I think I should be more terrified of what will happen to the people in Humilton than to Ryuu.

"Tinatanggap ko ang parusang kamatayan, huwag mo lamang hawakan ang kahit hibla ng buhok ni Aurora," Ryuu declared firmly, his voice full of determination and sacrifice.

Marahas kong pinalis ang mga luha na natipon sa aking mata. 

"Anong sinasabi mo?!" Hindi ko mapigilang sumabay ngunit nahulog lang ang puso ko dahil hindi niya ako pinansin. 

I don't know why Ryuu said such stupid things.

Iika-ikang lumapit si Ryuu sa lugar kung saan ginagapos ang mga taong may ginawang kasalanan. He didn't even glance back at me as he walked past. The soldiers quickly followed him.

I quickly stood up to follow him, but a loud shout from the front made me stop. 

"Magbigay-galang kay Binibining Amanda!" The crowd parted to let through Binibining Amanda, the former queen, accompanied by Princess Weylin at her side.

I glanced at Ryuu. Maging siya ay napahinto.

"Anong kaganapan ito?" Amanda demanded, her voice full of authority.

Para akong nabunutan ng tinik sa pagdating nila. 

"Bakit hindi kayo nagpadala ng liham na kayo'y magtutungo sa palasyo? Upang sa gano'y napaghandaan namin ang inyong pagbisita, Ina." Ngiti ni Keitaro.

Napansin ko ang mabilis na paglipad ng tingin ni Prinsesa Weylin kay Ryuu. Mabilis na dumaan ang pag-aalala sa kanyang mga mata, tila may nais gawin ngunit nag-aatubili.

"Hindi pa ba surpresa ang bumungad sa aking pagbisita?" Amanda's voice dripped with sarcasm.

Hindi ko masiyadong kilala si Amanda kahit na madalas akong nasa palasyo simula noong maging reyna siya. Pero sa mga nakikita ko ngayon, masasabi kong hindi siya one-sided. 

Keitaro bowed to the former queen. "Paumanhin sa iyong nadatnan. Ngunit sana'y malaman mo na buong pusong tinatanggap ni Prinsipe Ryuu ang parusang kamatayan sa kaniya."

"Parusang kamatayan?" Kunot ang noo ni Weylin.

I heaved a sigh. Halos magmakaawa ako sa may kapal na sana kampihan nila Weylin si Ryuu.

Hindi ko na alam ang gagawin ko... 

"Para saan? Ano ang kaniyang ginawa at kailangan maparusahan siya ng kamatayan?"

"Pinatay niya ang hari, Ina," Keitaro answered with conviction.

I clenched my fist and stood up. "Hindi si Ryuu ang pumatay! Ito ay ang a—"

"Hindi ko alam kung bakit sa ganitong uri ng sitwasyon tayo nagkita. Ngunit.. tunay kong tinatanggap ang parusa ng hari."

Natigalgal ako nang sumabat si Ryuu sa pagsasalita ko.

Bawat pagbuka ng kaniyang labi ay siya ring naging dahilan nang pagkadurog ko. 

I stared at him in shock. Why did he cover for my father's name? Why?!

"Dalhin niyo na ang isang iyan sa lumang simbahan. Nais kong doon ganapin ang pagpatay sa kaniya," Keitaro ordered.

Nahulog ang dibdib ko. 

I have no idea what I'll do if I lose a loved one once again.

Tama na ang ilan... huwag lamang si Ryuu. 

Halos magkandarapa akong lumuhod sa harapan ni Amanda.

Minamata ako ng lahat gamit ang hindi makapaniwalang ekspresyon. 

Alam kong ako ang reyna ng Humilton. Ako dapat ang masusunod sa lahat. But if kneeling before her meant saving Ryuu's life, I was prepared to do so.

Hindi ko alintana ang aking dignidad bilang reyna. 

"P-Pakiusap... huwag niyo hayaang patayin si Ryuu! Hindi niya ginawa ang pagpatay sa hari..."

Kung mawawala pa si Ryuu, sino na ang kakampi ko?

Naramdaman ko ang pag-papatayo sa akin ni Prinsesa Weylin ngunit hindi ako nagpatinag at mas niyuko ang mukha sa harapan ni Amanda. Halos isubsob ko na ang sarili ko sa kaniyang talampakan, umaasang madidinig niya ako.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, pero wala akong magagawa." Amanda's voice was firm. "Hindi na ako ng reyna ng Humilton—"

"Pigilan niyo po si Keitaro sa gusto n'yang mangyari... Kahit na mag-testigo ako sa nangyaring pagpatay sa hari. Papatunayan kong walang ginawa si Ryuu! Pakiusap!"

Walang salita ang nanalatay sa kaniyang bibig. Pinalis ko ang mga luha at halos gumapang para lang makalipat sa paahan ni Prinsesa Weylin.

Para akong tanga... para akong masahol pa sa hayop...

"P-Prinsesa..." Basag na basag ang boses ko.

"Ipasok niyo na si Prinsipe Ryuu sa loob." Boses ni Keitaro mula sa likuran ang bumalot sa aking tainga.

Tumingala ako kay Weylin. "Pakiusap, kausapin mo naman si Keitaro para pigilan ang pag-patay kay Ryuu. Mali ang pinaparatang niya sa kapatid mo... hindi siya ang pumatay sa hari, Weylin. Pakiusap—"

"Paumanhin ngunit gustuhin ko man ay wala rin akong magawa."

Iyon ang huling salita na narinig ko galing sa bibig ni Prinsesa Weylin. Naiwan na lang akong nakaluhod, puno ng pagkabigo at lungkot. 

Umalis lang sila... umalis lang sila kahit na kailangan sila ni Ryuu...

Wala man lang silang ginawa... o kahit subukan na pigilan si Keitaro.

Para akong hayop na pinadampot ni Keitaro sa mga dama at kinulong sa aking silid. Wala akong lakas para lumaban. Wala akong lakas sa kabila ng halo-halong emosyon na naglalaro sa aking dibdib.

Pakiramdam ko ay wala akong lakas.

Pakiramdam ko ay ang hina ko at napaka-inutil ko.

I didn't do anything to defend Ryuu.

"Mahal na reyna, pinapatawag ho kayo ng kamahalan. Sinasabi niya'y sabayan mo siya sa pag-kain ng tanghalian."

Parang walang narinig, sinalampak ko ang sarili ko sa hindi kalambutan na kama.

Ayo'ko munang makipag kapwa tao ngayon. 

Nawala ang mahalagang tao para sa akin... at ang isa ay unti-unting nawawala.

I was completely out of control.

"Mahal na reyna?" Ulit ng dama mula sa labas.

Pagod at mugto ang mata kong pinalis ang luha. "Susunod na lang ako. Buksan mo na lang ang pinto riyan at mag-iwan ka ng lampara."

"Para saan ho ang lampara?"

"Sundin mo na lang."

Pinakiramdaman ko ang pag-sunod niya sa habilin ko. Nang umalis siya ay saka lamang ako nagkaroon ng pagkakataon mag-tungo sa abandonadong simbahan sa likuran ng Humilton.

I did not go for dinner with Keitaro; instead, I came here.

Tanghali pa lamang at tirik pa ang araw. Napapaligiran ng nagtataasan na puno ang simbahan kaya may kadiliman ang loob nito. Tahimik ang lugar at nakakatkot. Sa gitna ng mga sira-sirang haligi at mga lumang kandila, nakita ko si Ryuu na nakahandusay sa sahig.

Sa paninirahan ko rito, I'll admit that Ryuu has grown in significance to me.

Ngayon ko lang naramdaman ang isang ito sa payak na tao.

Hindi naman ako ganito dati. Ni kailanman ay hindi ako naging malapit sa isang tao. Hindi ko hinahayaang makilala ako ng kung sino man. 

But him... lahat ng iyon ay binago niya nang hindi niya namamalayan.

At sa magulong panahon na ito, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili kung paano na ang gagawin ko kung wala siya?

"Bakit mo ginawa 'yon?!"

Mukhang naalimpungatan siya sa boses ko. Iniwan ko ang lampara sa gilid at pinanood ang pagbalingkwas niya mula sa pagkakahandusay sa lapag. 

I get a chilly glance from him. Matagal n'ya akong tinitigan sa mata bago marahan na bumaba ang paningin niya sa tuhod ko na hanggang ngayon ay namumula pa rin.

"Ayos ka lang ba?" Basag ang boses nang muli niyang binalik ang paningin sa akin. "Narinig ko ang nangyari kay Carmela... pauman—"

"Nagpakamatay si Carmela, Ryuu. Wala na siya. I-Iniwan na nila ako... wala nang natira sa akin," Sinabunutan ko ang sarili. "Tapos malalaman kong iiwan mo rin ako... Bakit mo ba ginawa 'yon, ha?!"

Maging ang mga luha ko ay sumuko na. Wala ng luha ang lumalabas sa aking mata.

Napagtanto ko ang pag-lamlam sa mga mata ni Ryuu. It seemed like he wanted to give me a hug but was unable to do so due to the chain he was wearing.

"Kilala mo kung sino ang pumatay sa hari. Hindi mo kailangan idiin ang sarili mo!"

"Masasaktan ka sa oras na aminin kong si Rowan ang pumatay sa aking ama." Wika niya.

Here we go again...

"Nahihibang ka na ba?! Nasisiraan ka na ba ng bait—"

"Masakit pa rin ang tuhod ko, Aurora," Bahagya siyang ngumiti. "Maari bang huwag mo muna akong pagalitan at tabihan na lamang?" 

Mas lalong lumaki ang bara sa aking lalamunan.

As I watched, he patted the ground beside him, gesturing for me to have a seat. Nanlalabo ang paningin kong nag-iwas ng tingin.

How could he say those things right now?

"Ayaw mo na ba akong t-tabi?" 

Saka ko lang siya nagawang tingnan. Humugot ako ng malalim na hininga at pinanood ang kamay niyang nananatiling nakaturo sa espasyo sa kaniyang tabi. 

"Ewan ko sa'yo, Ryuu." 

Kahit anong pagmamatigas ko ay nanlambot din. Kinuha ko ang lampara na kanina'y binaba bago maglakad papalapit sa kaniya. Tumayo rin naman siya nang makalapit ako sa altar, kung saan naroon siya.

Taka ko siyang tiningnan. 

"Aurora Goroña, tinatanggap mo ba si Ryuu Hideo bilang iyong asawa at kasama sa panghabang-buhay?"

I arched my brow. Muling nanlabo ang mga mata ko nang marinig ang bibo niyang boses.

"Sumagot ka, Aurora..." He whispered.

"Ano ba, Ryuu? Hindi ako nakikipagbiru—"

"Pakiramdam ko ay ayaw ni Aurora kay Ryuu," Tumamlay ang mukha niya, nananatiling umaarte bilang pari. "Muli natin siyang natunungin," Muli siyang bumaling sa akin. "Aurora Goroña, tinatanggap mo ba si Ryuu Hideo bilang iyong asawa at kasama sa panghabang-buhay?

Hindi ko alam ang sinasabi niya...

He twitched his brow, attempting to get me to talk.

Napabuga ako ng hangin. "O-Oo,"

Mas lalong lumiwanag ang mukha niya. "Hindi ko marinig,"

"Ano ba?" Singhal ko. "Oo nga sabi..."

"Ayon na ba iyon?" He secretly rolled his eyes. "Wala na bang ilalakas pa? Parang kumakausap ng langaw lang!"

Ilang beses ko nang nakita ang side na 'to ni Ryuu. But I am still shocked and thrilled since he looks better with this side of him.

Sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi. "Tinatanggap ko si Akaryuu Hideo bilang aking asawa pang-habangbuhay...."

Para akong kahoy na marupok, na nahulog sa kaniyang patibong. 

He chuckled. Muli niyang tinapat sa bibig niya ang nakakuyom na kamao, umaarteng may mikropono na hawak. Bumaling siya sa harapan, na parang sinisiyasat ang mga nanonood sa amin.

"Ryuu Hideo, tinatanggap mo ba si Aurora Garoña bilang iyong asaw—" Hindi niya hinayaang patapusin ang sariling sinasabi at muling iniba ang boses.

Pinanood at hinayaan ko lang siya.

"Kahit na sa susunod na pang-habang buhay, kung saan kahit hindi na Ryuu Hideo ang aking pangalan, nangangako akong mamahalin ko si Aurora, panghabang buhay, higit pa sa iniisip niya."

Mapait na ngiti ang gumuhit sa aking labi. Inirapan ko ang lalaki at handa nang magsalita ngunit mukha yatang marami siyang baon. 

"Ngayon naman ay sasabihin nila ang kanilang pananampalataya para sa isa't-isa." He continued as a priest. 

"Wala namang gan'to noong kinasal kami ni Keitaro ha?" 

He plucked his lips. "Kasal natin ito, Aurora at hindi ninyo ni Keitaro. Ibahin natin dahil ayaw kong magkapareho ang kasal natin sa inyo."

Doon lamang ako natawa.

"Ikaw ang mauna." 

Nahulog ang ngiti sa labi ko sa naging suhestiyon niya. "Bakit ako?"

"Dahil ikaw ang gusto ko," Seryoso niyang sagot. 

I rolled my eyes, trying to hide my smile.

Humugot ako ng malalim na hininga at napakurap. Tumama naman kaagad ang mata ko sa mata ni Ryuu. Naramdaman kong hinawakan niya ang dalawang kamay ko habang mariin na nakapikit, naghihintay sa akin.  

Hindi naman kasi ako vocal pagdating sa nararamdaman ko. Since the day I was born, I have grown used to being the only one who is aware of my emotions and secrets.

Pinisil ni Ryuu ang kamay ko na nagpatalon sa aking dibdib. I glared at him. Kapansin-pansin sa kaniyang nakatikom na bibig ang pagpipigil ng tawa.

"Ano bang nakakatawa?" I rolled my eyes. "Hindi naman kasi ako sanay sa gan'to! At saka galit ako sa 'yo, Ryuu! Hindi mo ako madadaan sa ganito!"

He shook his head with a smile. Kinuha niya ang kamay ko na handa nang bumitaw mula sa pagkakahawak sa isa't-isa.

"Nais kong marinig kung ano ang iyong nararamdaman," sabi niya.

"'Di ba dapat ikaw ang mauna sa'tin?" singhal ko pa/ 

Umiling naman siya kaagad. "Sabi nila'y mga babae raw ang palaging nauuna. Hayaan mo't isipin mo na lamang na wala ako sa iyong harapan."

"Oo na, sige na,"

Mariin kong pinikit ang mga mata ko. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sabihin ang nararamdaman ko. Pero... gusto kong humiling ng mahaba pang oras kasama ang lalaking mahal ko..."

I opened my eyes and saw Ryuu's half-open eyes. Nakatingin siya diretso sa aking mukha na tila ba sinisiyasat ang bawat sulok ng mukha ko.

"Huwag n'yo po siyang hahayaang tumingin sa ibang babae katulad ng tingin na kasalukuyang ginagawad niya sa'kin. Amen." I softly chuckled when I saw him tightly close his eyes. "Ikaw na," 

He heaved a sigh, tila ba naiklian sa pananampalataya ko. Sinenyasan ko siya at wala siyang nagawa kundi ang ipikit ang mata niya. Pinikit ko rin naman ang mga mata ko.

"Ama, pangakong iingatan ko ang babaeng nasa harapan ko," he began, his voice steady and full of emotion.

Binalot kami ng katahimikan. I opened my eyes as a minute had already passed.

"...Amen," Ryuu mouthed. 

Gumuhit ang lukot sa aking noo at inis na tinanggal ang kamay namin sa pagkakahawak.

"Ayon lang? Ang haba nung akin tapos iyo—"

He clicked his tongue. Kinuha niya ang kamay ko at mariin na pumikit.

It's weird but he feels home.

Ngayon ay napagtanto ko na kung bakit sa simbahan na ito laging nananatili ang kaluluwa ni Ryuu. Dahil... dito naganap ang kasal nila ni Aurora. 

"Ama, kung dumating man ang oras na magkahiwalay ang mga kamay naming kasalukuyan nang magkahawak, ang aking tanging adhika ay bigyan siya ng kapayapaan. Na kahit sa akin na lamang mapunta ang bigat at pasakit, huwag lamang sa babaeng aking iniibig. Nawa'y magaan ang bawat araw na dumaan sa kaniya at huwag siyang pahirapan... Tulungan niyo siyang makabangon sa nakaraan at maging matatag sa hinaharap..."

Tuluyang nanikip ang dibdib ko at hindi maiwasan ang pagtitig kay Ryuu habang nagsasalita siya. Parang may kung anong humahaplos sa aking puso.

I'm too soft for this...

"Amen." he ended his prayer with a smile on his face. May kung ano siyang kinuha sa kaniyang bulsa na tuluyang nagpaluha sa akin.

It was a ring made of papel de hapon.

"Paumanhin kung hindi ito metal katulad—"

"Daming sinisabi," nilahad ko ang kamay ko sa pagitan naming dalawa. "Maari mo nang isuot ang singsing sa iyong asawa." Ako naman ang umarteng pari.

Mas lalo tuloy naunat ang ngiti sa labi ni Ryuu. Naniningkit ang mga mata niya nang isuot sa akin ang singsing.

I took the other paper ring from him. Ako naman ang nagsuot sa kaniya nito. 

"Mabuhay ang bagong kas—"

Binalot ng katahimikan ang buong simbahan matapos marinig ang malakas na kampana sa labas. Dinagundong ang dibdib ko sa ingay na nagmula sa labas. Handa na akong mag-salita ngunit naagaw ang buong atensyon ko sa kalangitan.

Mas lalong kumunot ang noo ko.

That kite seems like something I've heard of before. 

Pamilyar ito sa akin ngunit hindi ko matukoy kung ano...

"Alas-dose na ba? Bakit may kampana?" Binasa ko ang labi, couldn't help but ask Ryuu.

Nananatiling magkahawak ang kamay naming dalawa. He looked eager not to let go of my hand as he grasped me tightly. Mas lalo lang akong kinabahan nang humakbang si Ryuu sa harapan ko upang mapanatili niya ako sa kaniyang likuran. 

"Sa tingin ko ay may gulo na nagaganap sa labas..."

"Ano iyon?" 

"Nariyan ang mga rebelde, Aurora." sagot niya, ang tono niya'y puno ng pag-aalala.


^_____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro