tatlumpu't anim
Talaarawan, pebrero dalawampu't siyam, isang libo walong daan dalawampu't isa
Kumakailan lang ay napagtantuhan kong iisa lamang ang daloy ng isip namin ni Ama. Maging ang direksyon ng landas ng aming plano ay iisa lamang ang paroroonan.
Ang saya ko ngayong araw. Hindi ko inaakalang sa murang edad ay makakabuo ako ng samahan. Walang maniniwala ngunit kanina lamang ay natapos na ang maliit na tuluyan sa Nyebes kung saan ako ang namamahala nito.
Nais kong mapalawak ang aking grupo ngunit hindi ko alam kung paano ito sisimulan. Marami akong plano para rito ngunit alam kong matagal pa bago ito makamit. Mabuti nga rin ay tinulungan ako ng aking ama sa pag-iimpok ng iba't-ibang uri ng armas.
At napagdesisyonan kong simulan na ang aking unang misyon pagsapit ng marso.
Lubos na nagagalak, Aurora.
Hinayaan kami ni Ginang Linda tumuloy sa bahay niya. Medyo mahaba ang byahe patungong Valtory, but I'm finally at ease. Tila nalagyan ng malaking seguridad ang buhay namin ni Ryuu nang makalayo kami sa lugar ng Humilton.
Ngunit... galit ata sa'kin si Ryuu.
Ni hindi ko man lang namalayan ang pag-sapit ng umaga. I was too busy writing in Aurora's diary. Halos maging isang buong libro na nga ang talaarawan ni Aurora dahil sa pagpipilit kong dagdagan ito ng pahina.
I'm certain that I will find the answers to my questions if I don't give up what I'm doing.
Ngunit sa halip na maging masaya dahil tuluyan kong natunton ang hinahanap, tila ba may yumapos at sumasaksak sa aking dibdib. It was that page that opened my eyes to everything.
Parang ngayon lang ako nagising sa katotohanan mula sa matagal na pagkakatulog.
I heaved a sigh. Hindi pa rin nagpoproseso ang lahat sa akin ngunit mas pinili kong huwag na itong pag-tuonan ng pansin. NIlipat ko ang pahina at doon lamang nahimasmasan.
Talaarawan, nobyembre labing-apat, isang libo walong daan dalawampu't isa
Ngayon lamang ako nagkaroon ng interes sa isang ginoo.
Halos maluwa na ang aking mata para lamang magsaliksik tungkol sa maliliit na detalye ng lalaki. Nakakaloko hindi ba? Sinong mag-aakalang gagawin ko iyon? Maski langgam ay hindi iisipin na gagawin ko ang mga ganitong uri ng bagay.
Ngunit mas lalo akong naging interesado nang mapagtanto kong nanay niya ang reyna. Naninirahan siya sa Valtory ngunit bumalik dito sa Humilton dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina. Mukhang galit na galit siya at hinahanap ang pumatay sa kaniyang ina.
Siya ang tigreng-ibon, ang prinsipe sa kaharian ng Humilton at ang panganay na anak ng reyna na si Eireen.
Nakakatawa ngunit ako'y handa ng makaharap siya kahit anomang oras.
Nasasabik, Aurora.
Planado pala ang lahat. Planado ang mga pangyayari sa isip ng mag-ama.
Nakakatawa dahil marami ang nahulog sa kanilang patibong...
Talaarawan, nobyembre labing-siyam, isang libo walong daan dalawampu't isa
Mali itong ang aking nararamdaman. Hindi ko dapat ito nararamdaman.. hindi dapat masira ang aking plano dahil lamang sa walang kwentang nararamdaman.
Nahulog na sa akin ang tagapagmana. Hinihintay na lamang namin ni Ama ang pagsapit ng ritwal at pagtapos nito ay paniguradong kakailanganin na ng bagong hari. Kapag nangyari iyon ay magiging reyna na ako ng Humilton.
Nasa palad na namin ang mga mangyayari sa hinaharap. Nasa amin na rin ang espada ni Ryuu... ngunit tila may malaking parte sa akin ang tumututol sa gagawin.
Aaminin ko ang totoo kahit kapalit nito ang pagtalikod sa aking grupo. Pakiramdam ko ako'y nahuhulog kay Prinsipe Ryuu. Hindi ko rin maintindihan. Gulong-gulo ako ngunit sigurado akong siya ang dahilan kung bakit pumapasok sa aking isipan ang pagtalikod sa aking grupo... maging sa aking ama at sa dati ko pang inaasam-asam na pangarap.
Nagugulumihanan, Aurora.
Ngunit tila yata maging si Aurora ay nahulog sa isang patibong...
Napabuga ako ng hangin. Every word on Aurora's last page that I read was written with clear sincerity. Damang-dama ko ang pagkagulo sa kaniyang nararamdam... similar to how curious I was after learning that I like Ryuu.
Speaking of...
"Saan po natulog si Ryuu?"
Kasama ko siya sa iisang silid kagabi ngunit umalis din siya. Tinanong ko siya kung saan pupunta at ang sagot naman niya ay tutulungan niya si Ginang Linda sa pag-aangkat ng bagong huli na mga isda.
Ngunit hindi na siya bumalik pa hanggang sa makatulog na ako.
Napansin ko ang pag-linga ni Ginang Linda sa kaniyang likuran. Kaagad na nagtama ang mata nila ni Anton na kasalukuyang naghahanda ng mga platito sa hapag-kainan. Bakas ang pag-aalilangan sa kanilang mga mukha.
Anton smiled. "Magandang umaga, kamahalan... mas mabuti kung sasabay ka muna sa aming almusal. Nag-luto ang ina ng laing at tuyo... nag-timpla rin ako ng tsaa para mainitan ang iyong tiyan."
I wiggled my eyebrows. Handa na akong tumanggi ngunit hindi na tinuloy pa. Tumango na lang ako sa binatang lalaki at umupo sa harapan niya para saluhan sila sa pag-kain.
"Nakatulog ka ba ng maayos, mahal na reyna?" Mausisang tanong ni Ginang Linda, sinasandukan ng kanin ang aking plato.
Naiilang akong ngumiti. "Ayos lang po—Aurora na lang po ang itawag niyo sa'kin."
Tumango-tango ang matandang babae. Inalalayan siya ni Anton hanggang sa makaupo nang maayos sa upuan. Umupo rin naman si Anton sa tabi niya at nag-simula sa pag-kain.
"Nakita niyo po ba si Ryuu?"
"Hindi ba't kayo ito?"
Binalandra ni Anton sa harapan ko ang papel na gawa sa trapo. Kaagad na sumilay ang mapait na ngiti sa aking labi. Naging mabigat ang bawat pag-hinga ko nang makita ang guhit-kamay ni Ryuu gamit ang uling.
We were at the beach, and he was looking at me while I stood in front of him, gripping a big crab.
Nakatagilid kami at halos linya lamang ang nasa papel. Kitang-kita sa kaniyang guhit ang nangangasim kong mukha, takot na takot sa hawak na alimango, habang siya ay may ngiti sa labi, mukhang tuwang-tuwa na pinagmamasdan ako.
"Saan mo nakuha iyan?"
Lumabi si Anton matapos ilahad sa palad ko ang papel na gawa sa trapo. Tinupi ko naman iyon matapos titigan at nilagay sa bulsa ng damit. Muli akong bumaling kay Anton.
"Nahulog niya matapos umalis kani—"
"Anton," Mariin na suway ni Ginang Linda sa anak na nagpasapo ng bibig kay Anton.
I plucked my lips. Binaba ko ang kubyertos na hawak at takang tumingin sa matandang babae. I know she knows something but doesn't want to tell me.
Tila ba may humataw sa aking dibdib.
"Saan po pumunta si Ryuu?"
Sabay silang nagpakawala ng malalim na hininga. Umayos na sa pagkakapwesto si Anton at nag-simula sa pagkain na parang walang nangyari, tila wala nang balak mag-salita at binigay ang tyansang pagpapaliwanag sa kaniyang ina.
"Ang totoo niyan ay hanggang ngayon ay gulat pa rin ako nang malaman ko na isang prinsipe si Akaryuu. Kung hindi pumunta rito ang isang lalaki na nagpakilalang Prinsipe na si Leon ay hindi ko pa malalaman..." Malayo ang naging sagot n'ya sa tanong ko.
"Ano naman ang ginawa ni Leon dito?" I asked.
Wala naman ibang pakay si Leon para sunduin dito si Ryuu. At isa, nakakapagtaka. Nabanggit sa akin ni Ryuu na kaming dalawa lamang ang may alam sa lugar na ito... kung kaya't paano malalaman ni Leon na narito kami?
"Ang sabi niya'y hindi dapat sila pumayag na masakop ng mga rebelde ang Humilton na pinag-hirapan ng kanilang ama. Malaki raw ang lugar na iyon upang mabalot lang ng kasamaan."
"Bumalik po si Ryuu sa Humilton?!" Kinagat ko ang labi matapos mapagtaasan ng boses ang matanda. It seemed as if I were going insane. "Delikado po ngayon ang kalagayan sa palasyo! Bakit hindi niyo po kaagad sinabi sa'kin?"
Halos mapamura ako sa isipan.
Binalot ng pag-aalala ang buong sikmura ko nang mapatayo mula sa pagkakaupo.
Kahit na kasama ni Ryuu si Leon ay hindi nila kakayanin ang bilang ng mga rebelde. And the fact that Leon wasn't great enough to fight!
"Pasensya ka na, Aurora. Hindi namin napigilan si Akaryuu dahil mapagpumilit siya. Ang habilin niya sa amin ay huwag sabihin sa iyo kung saan siya tutungo... ngunit mukhang kailangan mo itong malaman—"
Tumango ako at hindi na hinayaan siyang matapos pa. "Maraming salamat po... aalis na ako."
Hindi man lang pumasok sa isip ko ang pagdadalawang isip. Maging ang pag-aayos sa aking sarili ay hindi ko pinag-tuunan ng pansin. Kasing bilis ng alas-quatro nang makarating ako sa Pier.
Mabuti nga't nakahabol ako sa huling paglalayag. Buong byahe ay nakatulala lamang ako sa kawalan, ang pakiramdam ay mas palala nang palala sa tuwing lilipas ang oras.
Kalahating araw ang byahe kaya nakarating ako ng gabi, hindi na naabutan pa ang pag-lubog ng araw. Pagkababa ko pa lamang ng Pier ay kaagad akong sinalubong ng mga militar.
"Bawal ho kayong pumasok, kamahalan," Bakas pa rin ang pag-galang sa kanilang tono nang yumuko sa harapan ko.
Tila nasisiraan ng bait, nagpakawala ako ng tawa at hindi nag-dalawang isip sa paglalabas ng espada. I actually pointed it out to them. Walang salitang kumawala sa kanilang bibig nang mapaatras sa takot.
"Nasaan si Noel?"
Yumuko ang militar na pinag-tanungan ko. "Hindi pa namin nakikita ang katawan niya simula kahapon, kamahalan."
Parang nahulog ang puso ko sa narinig.
Kung ganoon... maliit ang posibilidad na nakaligtas si Noel.
Fuck, Kat! Wala ka man lang nagawa para tulungan siya.
Humugot ako ng malalim na hininga. "Hihiramin ko ang kabayo na 'to." Turo ko sa kabayo na kayumanggi.
"Ngunit delikado sa—"
"Ibigay mo na lang sa'kin." Mariin ang bawat salita na waksi ko.
Tumango na lang ang militar sa pagmamatigas ko. I got on the horse just after I saw him take it. Lakas loob na tumahak ako patungo sa Humilton. Sinubukan akong pigilan ng mga militar ngunit sa huli ay umaatras na lang sila at wala nang nagawa pa.
I'm not sure what I'm getting myself into.
Alam kong mali at delikado ang ginagawa ko... ngunit mas mali ang hayaan ko lamang si Ryuu.
Isa rin naman akong sicarius at prinsesa—I'm also the Humilton's Queen... ano pa't nakakabit ang tatlong mabigat na pamagat na iyan sa pangalan ko kung hindi ko kayang ipaglaban ang mga dapat kong ipaglaban?
Kahit na hilo dahil sa byahe ay mabilis kong pinatakbo ang kabayo patungo sa palasyo.
Madilim na ang buong mundo ngunit kitang-kita ko ang pagbabago sa buong palasyo.
Naging payapa na ang magulong lugar na iniwan namin kahapon. Ngunit hindi pa rin maiwasan na makita ang iilang katawan na walang buhay... ang mga bahay na sira... at ang mga dugo na tanda ng kasamaan.
Hinarang ako ng mga rebelde sa bungad ng palsyo, ngunit ang ginawa ko ay mas binilisan ko ang pagpapatakbo sa kabayo at nilagpasan sila. I stopped in front of the palace and entered it.
"Patungo siyang Matis... paniguradong gagamitin niya ang tulay upang mas madali ang pagpunta sa destinasyon. Kaya't doon ko iniwan ang ating mga kasapi."
Umalingawngaw sa aking tainga ang pamilyar na boses ng lalaki. Kaagad ko naman hinanap ang direksyon kung saan ito nanggagaling habang ang noo ay nakakunot.
"Kung ganoon ay maayos na... ang problema na lang natin ay nakatakas si Prinsipe Keitaro."
Para akong nadurog nang makita si Prinsipe Leon at Rowan na magkaharap, parehong may ngiti ang labi habang nag-papalitan ng impormasyon.
Hindi ba't narito si Prinsipe Leon kasama si Ryuu upang kalabanin ang mga rebelde?!
But what the heck am I seeing now?!
I bolstered my grasp on the sword. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harapan ng dalawa. Awtomatiko kong tinutok sa kanilang dalawa ang espada.
Nabalot sila ng gulat. Napaatras si Prinsipe Leon at hinugot ang kaniyang espada, habang si Rowan naman ay kalmado lamang na nakatayo pa rin sa kanina niyang posisyon.
I looked at Leon. "Hayop ka! Anong ginawa mo kay Ryuu?!"
Leon composed himself and grinned. "Ang sabi niya'y magtutungo siya sa Matis upang kitain doon ang iyong ama. Ngunit hindi niya alam na narito ang hinahanap niya... at nakakalungkot dahil may nakaabang na mga kasapi natin sa tulay na madadaanan niya—"
"Bakit mo ginawa 'yon, Leon? Kapatid mo 'yon! B-Bakit?!"
"Alam mo... simula noong mapanganak ako'y lagi akong walang kakampi. Hinahayaan ko ang mga tao na apihin ako sa kabila ng estado ko sa buhay. Binabato nila ako ng mga lata, ng mga papel at maging ang pagkuha sa aking pera at pagkain ay ginagawa nila," Bakas ang sakit sa boses niya.
Wala akong ideya kung bakit bigla na lamang niyang kinuwento ang nakaraan niya.
"Talunan ako't hindi marunong ipaglaban ang aking sarili. Maging ang paghawak ng espada ay hindi ko kaya... maski nga ang pag-sabi sa ina at ama ay hindi ko kaya... para akong inutil! Mabuti na lamang at nariyan ang iyong grupo na ginawa, binibini."
I clenched my teeth. "Pwede mo naman ipagtanggol ang sarili mo kahit na hindi ka gumagawa ng kasamaan! Sino bang—"
"Huli na ang lahat... hindi na mabubura ang nakaraan, binibini. Napadala ko na ang iyong iniirog sa Matis," Nakakalokang ngiti ang ginawad niya sa akin. "Maya-maya lamang ay makikita mo ang katawan ni Prinsipe Ryuu na walang buhay."
Nag-tiim ang bagang ko sa mga narinig.
Kahit na nasa tabi lang namin si Rowan ay hindi ko napigilan ang sarili kong iguhit ang espada sa ere. Nasalag naman kaagad ni Prinsipe Leon ang espada ko. He stepped closer to me. Nilahad niya ang lahat ng lakas niya dahilan upang mabitawan ko ang espada na hawak.
He pointed his sword at my neck.
"L-Leon.." I can feel his sword on my neck. Ramdam ko ang hapdi at namumuong sugat sa aking leeg.
"Paumanhin, Binibini. Ngunit hindi na ako nahuhumaling sa iyong gand—"
Nahulog na lamang ang panga ko nang matagpuan ko ang katawan ni Prinsipe Leon na dumausdos sa lapag, nanghihina siya habang hinahabol ang kaniyang hininga. He vomited blood.
Dahan-dahang lumipad ang tingin ko sa direksyon ni Rowan.
"A-Ama... bakit mo ginawa iyon?!" May piyok na kumawala sa akin.
Minata niya ako, nananatiling mahigpit ang hawak sa espada na ginamit niya sa pagsaksak kay Prinsipe Leon. His hand was full of blood, while his eyes screamed with anger.
Umakyat ang takot at sakit sa aking kalamnan.
"Anak... ikaw na lamang ang kakampi ko sa magulong mundo na ito," Garalgal ang boses niya. "Kaya't handa akong talikuran ang grupo natin kung ang kapalit nito ay ang iyong kaligtasan..."
Napaawang ang bibig ko.
Hindi ako makapaniwalang sa kabila nang pagtalikod ko sa kaniya, nagawa niya pa rin akong ipagtanggol. Mas nananaig pa rin ang pagiging tatay niya para sa akin... sa kabila ng mga pangyayari.
Sinukbit ko ang takas na buhok sa likod ng tainga upang hindi nito harangan ang paningin ko.
I almost got killed but he saved me.
Handa na akong magsalita ngunit natigilan nang maalala ang sitwasyon ni Ryuu.
Fuck. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa susunod...
"Nasaan si Ryuu? Saan siya papunta?"
Muli na namang gumuhit ang mapanlarong ngiwi sa kaniya. "Pinuntahan niya ang mga mamamayan na nakuha ng ating grupo. At alam mo ba..."
Kumunot ang kilay ko. Ano na naman kaya ang sasabihin niya?
"Galit siya sa iyo, Aurora, anak. Naiinis ako sa kaniya ngayon dahil galit siya sa iyo," Lumungkot na naman ang mukha niya, tila ba pinapaikot na lamang ako. "Tinanong ko siya kung ano ang kaniyang uunahin, kung ang bayan niya o ikaw... at ang sagot naman niya'y..."
Muli siyang huminto at nilapat ang kamay sa dibdib, para bang isang aktor na nag-aala-dramatik.
"Hindi ko kailanman ipagpapalit ang mamamayan ng aking bayan sa isang babae na pumatay sa aking ina... at sumira ng aking pamilya," Inikot niya ang mata, parang isang ahas na naglalabas ng kamandag. "Ayan ang kaniyang sagot, Aurora, anak."
Nag-tiim ang bagang ko sa narinig. I pressed my lips together.
"Mahal niya ako, Ama! Hindi niya gagawin sa akin 'yon!" sigaw ko pabalik, desperadong ipagtanggol ang aming relasyon. Naramdaman ko ang paminsan-minsang pagkirot ng takot, ngunit pinilit kong maging matatag.
"Kung ganoon ay nagkakamali ka. Hindi ganoong klase ng tao ang lalaking nakilala mo! Gumising ka sa katotohanan at huwag nang magbulag-bulagan pa, Aurora, aking anak!"
I shook my head, gusto kong punitin ang tainga ko para lang hindi marinig ang mga sinasabi niya. "Hindi! Kilala ko si Ryuu. Alam kong mahal niya ako, at hindi mo 'yon mababago!"
Nasisigurado akong tama ako... tama ang sinasabi ko...
"A-Ako lamang ang magiging kakampi mo sa buong buhay mo, anak ko. Ako lang ang mapagkakatiwalaan mo at wala ng iba pa. Ako lang! At hindi ang mga lalaki sa buhay mo!" Patuloy na pumipilit si Rowan, ang kanyang mga salita'y puno ng pagkumbinsi at pighati.
Handa na ako sa gagawing pag-tutok sa kaniya ng espada. Ngunit tila ba ako'y naging manhid at nanigas sa kinatatayuan, I can't even move my hand! At maski ang mga salita sa akin ay hindi ko masabi.
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na binitawan ang espada.
What the?! Anong nangyayari?! I didn't do that!
Gulong-gulo ako... hindi ko na maintindihan pa.
"Mahal kita, anak... ibibigay ko ang iyong pangarap. Hindi ba't pangarap mo ang mapa sa iyo ang buong Heseke? Kaya't ito, unti-unti na nating natutupad ang iyong matagal nang inaasam-asam!" Wika ni Rowan.
I opened my lips to speak, but nothing came out.
"Paano ka nasisigurong gagawin sa akin ni Prinsipe Ryuu iyon?" Narinig ko ang boses ko.
Halos mapa-lunok ako nang mapagtanto.
Aurora was inside me, controlling my whole being.
Kaya ba't hindi ako makagalaw? Ngunit posible ba ito? Posible ba dahil... sinubukan kong baguhin ang hinaharap?
Rowan's gaze softened, but his eyes held a glint of triumph. "Anak, hindi mo ba nakikita? Si Ryuu ay prinsipe. Sa oras na malaman niya ang katotohanan tungkol sa atin, iiwanan ka niya. Hindi ka niya mapoprotektahan. Tulad ng ginawa ng ina mo, iiwanan ka rin niya."
His words stung, and despite my inner resistance, they began to sink in. "Ang ina mo, iniwan ka niya. Ako lang ang nandito para sa iyo. Ako lang ang magmamahal sa'yo nang walang kondisyon."
My resolve weakened, and I felt a strange acceptance wash over me. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mundo ko.
Pakiramdam ko'y nawawalan ako ng hangin, at ang mga salita ni Rowan ay tila mga kutsilyong tumatarak sa puso ko.
Rowan's manipulation was taking hold.
Napaniwala niya si Aurora...
"May pupuntahan po muna a-ako..." Hindi na ako naghintay pa sa sagot ni Rowan.
Kinuha ko ang lampara na nakasabit sa dingding bago sumakay sa iniwang kabayo. Hinayaan akong makaalis ng mga rebelde ngunit si Rowan, hindi. Naririnig ko ang pag-sunod ng kabayo niya mula sa aking likuran.
But I didn't bother to stop and didn't even look back at him.
Ingay nang naghahabulang yapak ng kabayo ang bumabalot sa aking tainga, yet, my heartbeat is still audible.
Huminto ako sa gubat malapit sa tulay na nabanggit ni Prinsipe Leon sa usapan nila ni Rowan kanina. Narinig ko rin naman ang pag-hinto ng kabayo ni Rowan at agad akong sinundan ngunit hindi ko siya binigyan ng atensyon.
Sinipat ko ang tahimik at madilim na tulay.
Tuluyan akong nanghina, nanlambot ang buong katawan habang pinasadahan ang madilim na lugar.
Walang mga rebelde... walang kung ano...
"Sa norteng tulay ang tinutukoy ni Prinsipe Leon, Anak... at hindi rito."
Doon lamang ako nakumbinsing lingunin siya. Mabilis na nagtama ang mga mata namin. Nag-tiim ang bagang ko nang mapansin ang ngiwi sa kaniyang labi.
"Kapag may nangyaring masama kay Ryuu, hindi kita mapapatawad." I jump into the horse. With a swift motion, I urge the horse forward, racing towards the northern bridge.
Gusto kong alamin kung totoo ba ang sinasabi ni Rowan...
The wind whipped through my hair as I urged the horse to go faster. My mind was racing just as quickly, filled with worry and fear for Ryuu. The forest around me blurred into a mixture of greens and browns, my focus entirely on reaching the northern bridge in time.
Habang papalapit, naririnig ko ang umaalingawngaw na mga ingay mula sa hindi kalayuan. The clash of metal, the shouts of men. I pressed on, the horse galloping at full speed, until I broke through the trees and saw the scene unfold before me.
Para akong nawasak sa milyong piraso.
Napapalibutan si Ryuu ng mga rebelde, ang kanyang espada ay kumikislap sa mahinang liwanag habang ipinagtatanggol niya ang sarili.
"R-Ryuu!" I shouted, my voice cutting through the chaos.
He turned for a split second, his eyes widening in surprise and relief. But that moment of distraction was enough for one of the rebels to land a blow, sending Ryuu staggering back.
Halos mahapo ako nang hugutin ang espada, throwing myself into the fray.
Saglit na natigilan ang mga rebelde sa bigla kong pagsulpot sa kanilang harapan.
"Bakit ka nandito?" Bakas sa himig ni Ryuu ang galit. "Paano kung mapahamak ka? Hindi ka dapat narito, Aurora."
"Mas ayos pa na mapatay ng mga rebelde kaysa mamatay ako kakaisip kung ayos ka lang ba."
Hindi na siya nakaimik pa matapos ako tapunan ng malamig na tingin.
Aaminin kong nawasak ako sa naging reaksyon niya. But Aurora was more hurt and disappointed. Ang mga emosyon niya ay nag-laro sa akin hanggang sa mapagtanto ko na lamang ang pag-kontrol niya sa'king katawan.
A bitter smile drew on my lips.
Nababasa ko ang nasa isipan ni Aurora...
Mukhang napatunayan niya na totoo ang sinasabi ni Rowan.
Fuck. What the...
I drew my sword while standing behind Ryuu. Kasalukuyan kaming nasa tulay, naghihintay ng mga rebelde na susugod sa amin.
"Paumanhin sa aking nagawa... mali pa rin ako kahit na sabihing nasa murang edad pa lamang ako noon," Aurora sighed. "Ni hindi ko naisip na masisira ko ang pamilya mo, aking mahal."
Ayan ang sinabi ni Aurora kay Ryuu.
Fuck... anong nangyayari? Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko?!
Ryuu's silhouette stark against the twilight sky. He turned as I neared, relief flooding his features when he saw me.
"Aurora..." he called out, stepping towards me.
I tried to speak, to warn him, but no words came out. My body moved of its own accord, controlled by a force beyond my comprehension. My hand reached for the dagger at my side, the cold metal hilt pressing into my palm.
"Ryuu..." I whispered, my voice barely audible.
He frowned, sensing something amiss.
"May problema ba tayo?" he asked, concern etched in his voice.
I wanted to scream, to tell him to run, but I was powerless. My feet moved forward, closing the distance between us. My heart pounded in my chest, a prisoner in my own body. Tumulo ang luha ko habang tinataas ko ang punyal.
"Ryuu..." I managed to choke out, but it was too late.
In one swift motion, I plunged the dagger into his back, feeling the sickening resistance as it pierced his flesh. Ryuu gasped, his eyes wide with shock and pain. He stumbled forward, collapsing onto the bridge.
"R-R...!" I cried out internally, the horror of my actions overwhelming me.
Bahagyang ibinaling ni Ryuu ang kanyang ulo, ang kanyang mga mata ay nakatutok sa akin. There was confusion, betrayal, and a deep sadness in his gaze.
"B-Bakit?" he whispered, his voice weak.
I dropped to my knees beside him, my hands trembling. Mas lalong namugto ang mga mata ko nang mapansin ang singsing naming dalawa sa kaniyang dailiri.
May bahid ng dugo ito ngunit matatag na nasa daliri niya.
"P-Paumanhin... Pa... P-Paumanhin, Ryuu..."
Maging ang basag kong boses ay narinig ko sa buong lugar. It echoed through my heart, causing me to shake even more. Nanlambot ng husto ang bawat buto ko.
Para akong lata na walang laman, ubos at luhaan.
"Ginawa mo ba ito dahil nalason ni Rowan ang iyong isipan?" He smiled a little.
Mas lalo lang akong nadurog sa ngiti niya.
"Noong matagpuan kita sa Valtory, alam ko na simula pa lang na ikaw ang hinahanap ko," His raspy voice echoed through my ear. "Sinubukan kong magalit sa iyo ngunit hindi ako nag-wagi."
Kung ganoon ay alam niya ang lahat simula una pa lang...
But why did he still love me?
"Paumanhin, Ryuu..." Rinig ko ang boses ko.
"Nais kong malaman mo na sa tuwing ako'y iyong nasa harapan ay tila roon ko lang natatagpuan ang sarili kong ngumiti... kaya't wala akong pinagsisihan simula noong nagtagpo ang landas nating dalawa."
Hinilig niya ang kaniyang ulo, nananatiling hinahabol ang kaniyang hininga. Tears were overflowing from his eyes. Tila bawat patak ng luha sa kaniyang mga mata ay siya ring dahilan ng labis kong panghihina.
"Paumanhin kung hindi ko n-na kayang manatili pa sa iyong tabi..."
"Hindi! Hindi totoo 'yang sinasabi mo!" Mahigpit kong niyapos ang kamay niya. "Hindi mo ako iiwan 'di ba? S-Sabi mo mananatili ka sa tabi ko hanggang sa pag-puti ng mga buhok natin 'di ba?! Sabi mo pa..."
"Natatakot ako, Aurora. Natatakot ako na baka hindi ko matupad ang aking mga pangako... ang pananatili sa iyong tabi hanggang sa pumuti ang ating mga buhok.. n-natatakot ako na baka hindi na ulit kita masilayan pa... natatakot akong maiwan kang mag-isa sa gitna nang kaguluhan," He hicupped.
"Natatakot akong... hindi ko masabi sa iyo ng harapan na mahal kita higit pa sa iyong inaakala."
Bawat salita niya ay naging mas mabigat para sa akin.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha na nalikom sa mata.
"Hanggang sa dulo ng aking hininga, Ika'y mananatili sa puso't isipan ko, aking mahal." He gulped. "Pangakong... ang bawat daan na matatagpuan ko ay magiging daan pabalik sa iyo."
Nang pumikit na ang mga mata ni Ryuu at unti-unti nang nawalan ng pagkakakapit sa akin, nadama ko ang isang malalim na lungkot na parang isang malaking bahagi ng aking buhay ang nawala kasama niya
Sa pag-tunog ng kampana, doon ko lamang napagtanto ang panunumbalik ko sa katawan ni Aurora. Ang kaninang pamamanhid ko ay tila ba naglaho. I quickly hugged Ryuu tightly, feeling tears welling up in my eyes.
Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat, despite my best efforts to change the chain of events.
Ngunit sa bawat patak ng luha, napagtanto kong... nangyari na ang lahat.
Wala akong kakayahan para baguhin ang kinabukasan.
I'm here to see Ryuu's death and what actually transpired.
Mugto ang mga mata kong minata ang buwan habang hinahayaang balutin ang tainga ng sunod-sunod na pagkumpas ng kampana sa buong kalawakan.
It was really, really red. an eclipse.
Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. Eclipse is taking place now. Wala ako sa tamang katinuan para magdesisyon ngayon. Pakiramdam ko ay lumilipad ang utak ko sa mga pangyayari.
But I made a decision thereafter.
Muli kong niyakap ang walang buhay na katawan ng lalaki. I grabbed the hilt of my sword from behind him and closed my eyes tightly.
"Paumanhin... paumanhin kung hindi kita naipaglaban." I whispered and slowly pressed the sword to him. It immediately reached my body but I ignored the pain.
Ang tanging nasa isip ko lamang ay nasa gitna kami ng tuloy habang nasa ilalim ng pulang buwan. Kung saan ang tunog ng kampana ay umaalingawngaw sa buong lugar, hudyat nang pag-tungtong ng alas-dose ng madaling araw...
^_____________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro