Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

siyam

"Sino?!"

Ayan ang unang lumabas sa aking bibig matapos maalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ilang minutong nanatili ang aking mata sa kalayuan, pinipilit alalahanin ang katagang binitawan ng lalaki.

Hindi ko matandaan. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko maalala kung anong pangalan ang binanggit ng prinsipe na si Sath. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit.

Ngunit sa kabila ng iyon ay hindi mawala sa aking isip ung ganoon... sino ang tigreng ibon?

"Prinsesa, mabuti naman ay gising ka na,"

Boses iyon ng militar na si Noel. Napatingin ako sa tarangkahan ng madilim na lugar na ito at agad na nakita ang militar na si Rowan. Sinusian niya ang kandado ng tarangkahan at binukas  iyon.

"Kanina ka pa hinihintay ng mga prinsipe sa Mulave." Aniya at naglakad palapit saakin. May ingat niyang tinanggal ang nakakandadong bakal sa aking paa at kamay. 

Tumango ako bilang paggalang nang maalis na niya ng tuluyan ang bagay na nakagapos saakin. 

"Salamat." Linatanya ko at tumayo. Pinagpag ko ang damit ko at mabilis na naglakad palabas sa lugar na iyon.

Ang Mulave... hindi ko alam kung anong lugar iyon ngunit sa pagkakarinig ko, iyon ang lugar kung saan nagsasalo salo ang mga prinsipe sa palasyo ng Humilton. 

Aha!... sa direksyon na iyon.

Kinusot ko ang aking mata gamit ang gilid ng aking hintuturo habang patuloy na naglalakad. Dinama ko ang malamig na hangin na yumayakap saakin. Maitim pa ang langit, at mukhang pasikat pa lamang ang araw.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong oras ngayon... ngunit napansin kong sobrang bagal nang pagtakbo ng oras sa taon na ito. Para akong nakakulong sa selda ng apat na araw ngunit kung iisipin ay dalawang araw at isang gabi lamang ang tinagal ko doon.

Kakaiba...

Ngunit... sino ang tigreng ibon? 

"Prinsesa Aurora!" 

Napahinto ako sa paglalakad, at agad na tumalikod upang balingan ang boses na tumawag sa aking pangalan. Iyon ang pangalawang prinsipe. Pinangkunutan ko siya ng noo habang hinihintay itong makalapit saakin.

Huminto ito sa tapat ko. 

Hingal na hingal siya at mukhang may gustong ipaalam saakin. Hinabol niya ng paulit ulit ang kaniyang hininga at ilang segundo ang makalipas ay inilahad niya saakin ang banayad na kayumanggi na papel.

"A-Ayan ang sagot ni Leon sa iyong l-liham, Prinsesa," Aniya na mas lalong nagpakunot sa aking noo. "Ikaw pa lamang ang prinsesang naglakas loob bigyan ng liham ang ginoong katulad ni Leon..."

Mahina niyang tinapik ang braso ko ng dalawang beses at iniwan akong mag-isa. Napatingin ako sa kawalan, may uwang ang labi at ang noo ay nakakunot. 

Ano? Ang alam ko, kay Iyana galing ang liham na 'yon, ngunit bakit napunta saakin? Wala bang pangalan ni Iyana ang papel na iyon kaya't ang akala ng mga nakakita ay ako ang nagbigay no'n?

Nakakahiya naman... hindi naman ako sumusulat ng liham para sa matiponong lalaki. 

Napailing ako sa kawalan at unti unting bumaba ang paningin sa banayad na kayumanggi na papel. Nang makita ko ang mga letra na nakasulat sa baybayin ay agad akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.

Kahit saan ako mapunta, sa kasalukuyan man o sa hinaharap... hindi nagkakamali ang tadhanang ipagtagpo kami ng wikang baybayin na ito. Nakakapagod pa naman mag-salin ng salita. Inaabot ako ng siyam siyam. 

Tinago ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Nasa likod ko lamang ang aking kamay na may hawak na liham. Nang makarating sa Molave ay agad na nahanap ng mata ko si Keitaro.

Mag-isa itong kumakain sa isang tabi na tila ba may sariling mundo habang ang ibang prinsipe ay nagkakagulo at nagkakaisa sa pagkain. Tahimik ito at ang atensyon ay nakapukol lamang sa pagkain, malayong malayo sa inaasal ng ibang prinsipe.

Hindi kaya siya ang... tigreng ibon?

Napanguso ako at ilang beses na napalunok. May pagkakapareho silang dalawa ni Yevhen. Malabong magkamali ang instinto ko. At sa buong pamumuhay ko ay hindi pa ako ay hindi pa ako binigo ng instinto ko. 

"Kung hindi ka dadaan, maari bang 'wag mong harangan ang daanan?" 

Halos mapatalon ako sa sobrang pagkagulantang nang marinig ang baritonong boses na nanggaling sa aking likuran. Kusa akong napapihit patalikod upang balingan ang lalaking nagsalita.

Ramdam ko ang pagtibok ng puso ko sa ilang kadahilanan nang magtama ang mga mata namin.

Katulad nang nakasanayan, madiliim ang kaniyang mata, blanko ang kaniyang ekspresyon at animo'y may kaaway na paparating. Magulo ang kaniyang buhok, ngunit masasabi kong bagay na bagay sa kaniya ang pagkaposisyon no'n.

Isang maliit na ngisi ang sumilay sa kanyang mukha. Ang parehong pangungutya na ibinigay niya sa akin noong una kaming magkita.

"Tapos mo na ba akong tingnan?" 

Isang maiksing halakhak ang kumawala sa aking bibig at nagpamewang. Sumulyap ako sa malayo, humugot nang malalim na hininga at muling binaling ang tingin sa lalaking may maliit na ngisi sa labi.

"Alam mo, ginoo... Kasing kapal ng mukha mo ang ulap sa langit," Sarkastiko akong humalkhak at bahagyang tinaas ang hintuturo, tinuturo ang makakapal na ulap sa kalangitan. "Ikaw nga itong lumapit saakin tapos-"

Agad akong napahinto sa ginagawa at napahakbang pausog nang banggain niya ako at dire-diretsong pumasok sa loob. Sinundan ko siya ng tingin. Kumuha siya ng pagkain at umupo sa isang sulok. 

Inusog niya ang bandeha at luad palayok na may lamang pagkain, at akmang susubog na nang huminto sa ere ang hawak niyang  kubyertos. Unti unti iyong bumaba kasabay nang pagangat ng kaniyang tingin sa aking direksyon.

Nang magtama muli ang aming paningin, isang maliit na ngisi ang gumuhit sa kaniyang labi. Inayos niya ang kanyang buhok na nakaharang sa kaniyang mata. 

Nakakainis talaga ang lalaking iyon kahit saan banda ako tumingin. Kahit ang likuran niya ay kuhang kuha ang pagtigas ng aking kamao.

Tingin-tingin mo riyan? Dukutin ko mata mo eh!

Nanatili ako sa Mulave hanggang sa matapos ang inaalok nilang umagahan. Hindi ko maipinta ang nararamdaman ko sa tuwing magtatama ang mga mata namin ni Ryuu, tila ba isa akong takure sa sobrang inis na nararamdaman.

At... kabaliktaran naman ang nararamdaman ko kapag ang mga mata namin ni Keitaro ang nagtatama. Kuryente ang dumadaloy sa aking kalamnan sa tuwing naririnig ko ang boses ni Keitaro.

"Hindi ba't ayaw mong magkwento dahil barado parin ang iyong lalamunan?" Takang tanong ni Cynthia. 

Wala namang bara sa aking lalamunan simula nang makapunta ako sa panahong ito... Dinadahilan ko lamang iyon upang hindi makapagkwento. Wala naman kasi akong alam sa pagku-kwento na yan.

Umakto ako sa paglinis ng aking lalamunan at maingat na hinawakan ang leeg. Nag-angat ako ng tingin sa kanila at agad na umiling. "A-Ayos na ang pakiramdam ko. Hinahanap lang ng aking katawan ang madalas kong ginagawa."

Pagdadahilan ko.

Kailangan ko ng pera. Pera pangbili sa pulseras ng prinsipe na si Sath. Kapag nabili ko ang bagay na iyon ay doon ko itatanong kung sino ang tigreng ibon. 

Kung hindi ko lang siya kailangan upang malaman kung sino ang tigreng ibon ay hindi ko ipapahamak ang sarili ko. Ngunit nasa kaniya ang alas. Alam niya kung sino ang hinahanap ko.

"Ngunit hindi ka na-Iskedyul sa lugar kung saan madalas ka nagkukwento.... Paniguradong may ibang nakarenta doon ngayon." Anunsyo ni carmela, ang mga tingin ay tutok sa tinatahi niyang kulay rosas na palda.

Napairap ako sa kawalan. Kung ang lugar ang problema nila ay magagawan iyon ng paraan. Napasimple ng problema, pinapalaki ng mga babaeng 'to.

"Pwede naman akong mag-kwento sa kalye. Kung ayaw niyo akong samahan, hindi ko naman kayo pinipilit." Nagkibit-balikat ako. Kung kilala si Aurora sa lugar na ito, hindi magdadalawang isip dumayo ang ibang tao para marinig ang boses nito. 

Mga tao nga naman.

"Kasing init ng panahon ang ulo mo, Prinsesa. Hindi ba pwedeng nagtanong lang kami tungkol sa lugar na pagku-kwentuhan mo?... Sa dami mong sinabi, pwede nang magpakain ng sampung pamilya."

Narinig ko ang paghalakhak ng tatlo dahilan para mapairap ako. 

Tumigil si Carmela sa ginagawa niyang pagtatahi at binaba ito. "Ako na ang magaanunsyo sa mga tao na magku-kwento ka ngayon. SI Iyana at Cynthia na ang bahala sa lugar. At ikaw prinsesa... ikaw na ang bahala mag-ayos sa sarili mo."

Muli akong napairap. Naunang lumabas si Carmela sa bahay ni Rowan mag-isa habang kaming tatlo nila Cynthia ang natira sa loob. Pinanood ko ang rebulto ni Iyana na papalapit sa direksyon ko. 

"Nabigay mo ba ang mensahe ko kay prinsipe Leon, Prinsesa Aurora?" Nahihiya niyang ani, nilalagay ang takas na buhok sa likod ng kaniyang tainga.

Tumango ako at sinenyasan siya na maghintay. Hinanap ko ang liham na nanggaling kay Prinsipe Leon at mabilis iyong inabot kay Iyana. Agad na gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ng babae at kumaway bilang paalam.

Sinuklay ko ang buhok ko at dali-daling lumabas ng bahay. Tinuro na saakin ni Cynthia ang direksyon kung saan ako magku-kwento. Wala naman akong ibang dinala bukod sa tinurong libro ni Carmela na madalas ginagamit ni Aurora kapag nagkukwento.

Ang edad at kasarian ng mga tao dito ay halo, ngunit sa dami nila, mahahalata mo na iisa lamang ang kaniyang nararamdaman. At iyon ang kaligayahan at galak na nararamdaman lalo pa nang makita nila ang presensya ko. 

Madaming nagmamahal kay Aurora... ngunit kay Katana, saakin, ni isa ay wala.

Tumahimik ang kapaligiran nang makatungotong ako sa unang palapag ng hagdan. Huminto ako sa ikalimang palapag ng hagdan at inilapag ang libro na hawak sa maliit na lamesa. 

Halos mapapikit ako sa inis nang makitang nakasulat sa wikang baybayin ang nilalaman ng libro. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan at kinagat ang aking labi.

Nabudol ako! Akala ko pa naman ay tagalog na dahil tagalog ang nakasulat sa pabalat ng libro. 

Humarap ako sa mga tao at tumayo nang tuwid. Hindi pwedeng umatras ako. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan at agad na binuka ang aking bibig.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan... ngunit sinabi ko kung ano ang nasa isip ko.

"Magandang hapon sa inyo, mga binibini at ginoo..." Napahinga ako nang maluwag nang makita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi ng mga tao matapos banggitin ang walong salitan na iyon. 

Pinanood ko si Carmela na inilalagay ang nakolektang pera sa loob ng maliit na palayok. Libre naman ang ginagawa kong pagkukwento, depende lang kung may gustong magbigay ng kaunting halaga.

"Ito ang kasalukuyang sinusulat ko, wala pang pamagat ngunit inaalay ko ito sa lalaking multo na humihingi ng hustisya para sa kaniyang pagkamatay."

Narinig ko ang kaniya-kaniyang bulungan ng mga bawat grupo ng mga kadalagahan nang bitawan ko ang mga salitang iyon. Ang iba naman ay pumapalakpak pa sa tuwa at may malawak na ngiti sa labing naghihintay masimulan ang kwento.

Sinumulan ko ang pagku-kwento, at habang patagal nang patagal ay nagiging kalmado ako. "Araw-araw, kung saan magtungo ang babae ay nandoon ang lalaking espirito. Nakasunod ito sa kaniya na para bang isang anino,"

Sinabit ko ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. 

"Hanggang sa manawa ang babae sa presensya ng lalaki. Gumawa sila ng isang kasunduan, tutulungan ng babae ang espirito sa paglutas ng kaniyang kamatayan... kapalit nang paglayo nito sa kaniya."

Binanggit ko ang mga natatandaan kong linya na binitawan naming dalawa ni Yevhen. Sinalaysay ko iyon na tila ba nagduduladulaan, ngunit, sarili ko lamang ang kasama ko. 

"Ipikit mo ang iyong mga mata at kapag mulat mo ay makakarating ka na sa taon na ninanais mo." Ani ko, tinitigasan ang boses upang magboses lalaki ito. Nilinis ko ang lalamunan ko, handa nang sabihin ang sagot ni Katana sa espirito.

"Gagawin ko ang ritwal upang patunayan na hindi iyan totoo. At kapag nangyari iyon ay wag kang mag-alala, tutulungan pa rin kita sa pamamagitan ng pagkuha sa dyaryo at balita." Dugtong ko, binabanggit ang sinagot ko sa sinabi ni Yevhen.

"Hindi naniniwala si Katana sa bagay na iyon, kaya naman upang patunayan na mali ang lalaking espirito ay ginawa niya ang ritwal. Pagmulat ng kaniyang mga mata... nasa taon na siya ng isang libo walong daan at dalawampu't dalawa."

Hindi ko alam kung tama ang sinasabi ko... sinasabi ko lamang ang nasa puso't isip ko.

"...Nakulong sila sa bilanguan ng dalawang araw at isang gabi bilang parusa. Uminom silang dalawa, sinabi ng prinsipe na kasama niya kung sino ang tinatanong ni Katana, ngunit sa sobrang kalasingan niya ay hindi niya ito narinig... itutuloy."

Tumayo ako kasabay nang pagkamot nila sa kanilang mga ulo. Napabuntong hininga ang iba, ang iba naman ay nginusuan ako habang ang iba ay nagrereklamo dahil masiyado daw bitin at hindi na sila makapghintay sa susunod na araw para matuloy ang kwento.

"Tapos na ang tatlumpung minuto... ngunit mukhang kulang na kulang para sa inyo ang kwento. 'Wag kayong mag-alala... Itutuloy ko bukas ang kwento. Ngunit sa ngayon ay mauuna na ako." Anunsyo ko at bumaba sa sinasampahan.

Kung ako ang magdedesisyon, ayoko pa sanang tapusin ang pagku-kwento... ngunit sa tingin ko ay ayos narin iyon dahil hindi ko alam ang susunod na mangyayari, at kung ano ang katapusan nito.

"Magkano ang nalikom natin?" Takang tanong ko kay Carmela na hawak hawak ang luad palayok. Inilahad niya ang bagay na iyon sa pagitan namin at binuka ang bibig.

"Sampung piso ang lahat..." Kinuha ko ang mga barya sa kaniyang kamay. "Para saan ba ang pera na ito? May natitipuhan ka bang gamit, Prinsesa?" Dugtong pa ni Carmela.

"Mayroon pero wala ka na ro'n."

Hindi ko ito pinansin at bumaling kay Iyana at kay Cynthia. Halata ang pagod sa kanilang tatlo. Hulog ang buong katawan ni Iyana, mukhang bibigay na ang mata ni Cynthia at anumang oras ay makakatulog na.

Bumaling ako kay Carmela na nasa harapan ko, "Mauna na kayo upang makapagpahinga na rin, may dadaanan lang ako sa bayan at uuwi din agad." Sehustiyon ko. 

Mabilis na tumango si Carmela. "Magiingat ka, Prinsesa."

Tumango ako at mabilis na tinalikuran sila. Sa ilang linggo kong pananatili sa taon na ito, unti-unti ko nang nakakabisado ang mga daan patungo sa iba't-ibang lugar. dalawa lamang ang transportasyon sa taon na ito, at ayon ang kalesa at bangka.

Kaya't sariwa masiyado ang hangin, walang mabaho at maitim na usok, hindi katulad sa kasalukuyang polusyon sa taon na naiwanan ko.

Puno ang lugar na ito ng mga taong abala sa pamimili ng mga gamit. Ang iba naman ay mukhang namamasyal lamang, at mas madalas ang mga taong naglalako sa tinitinda nilang dilid at kung ano-ano pa.

Sobrang abala ng bayan dito sa Ventnor. Nakakatuwa tingnan dahil kahit ang daming tao ang paraan-daan dito ay wala kang makikitang mga kalat sa lupa. Malinis ito, malayong malayo sa taon na kinalakihan ko.

Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa aking labi nang makita ang linya ng mga bilihan ng pulseras. Nilabas ko mula sa aking bulsa ang sirang pulseras ng prinsipe na si Sath.

Kailangan ko makahanap ng kapareho nito... O kaya naman, kahawig ng pulseras na ito.

Humakbang ako palapit sa tindahan ng mga gamit. May mga nakasabit na palaumiti doon at kung ano-ano pa. Nilibot ko ang paningin ko at hindi naiwasan ang hindi pagikot ng mata nang walang makitang kapareho non.

Pang-limang tindahan ko na ito... ramdam ko na ang pagod dahil sa mahabang paglalakad ngunit hanggang ngayon ay wala parin akong nakikita. 

Grabe si Yevhen... kapag nakabalik ako sa isang libo walong daan at siyam pasado dos ay kailangan niyang lumuhod saakin upang magpasalamat at manghingi ng tawad.

"Binibini, may tinda ba kayong kapareho ng pulseras na ito?" Tinuro ko ang pulseras na sira na nasa ere at pinakita iyon sa tindera. Nanliit ang kaniyang mga mata at ilang minuto bago tumango.

Tumalikod siya saakin at ilang segundo naghanap bago bumaling saakin paharap. 

"Heto... hindi ordinaryo ang pulseras na iyan at mukhang walang kapareho... ngunit may pagkakatulad naman sila nito."

Inabot niya saakin ang pulseras na iyon. Kinuha ko iyon at pinagkumpara ang dalawang pulseras na hawak. May pagkakapareho nga ang dalawa ngunit kapag tinitigan ay mahahalata mong malayo ang pinagkaiba ng dalawa.

Muli kong tinaas ang bagay na iyon sa ere, at akmang magsasalita na upang tawagin ang nagtitinda ng may kumuha sa bagay na hawak hawak ko. 

"Pasensya ka na..." Tiningnan niya ang pulseras at bumaling saakin. "Ngunit gusto ko rin ito."

Kulang na lamang ay mapatakip ako sa aking ilong nang maamoy ang usok na ibuga niya galing sa kaniyang sigarilyo. Hindi ko siya kilala, at ito ang unang araw na nakita ko siya. 

"Hindi ba't ikaw ang anak ni Rowan?" Maya maya'y tanong niya.

Napalingon ako sa kaniya. Bahagyang umangat ang kilay ko at akmang magsasalita na nang maramdaman ko ang paglapit mula sa likuran ko ng dalawang lalaki, kasabay nang pagtakip saaking bunganga gamit ang puting panyo.

"Tulong!"

Sinubukan kong magpabigat upang hindi nila ako mabuhat, ngunit dalawa sila at malalaki ang katawan. Sinubukan ko din ang pagsigaw, ngunit kahit maraming tao, ni isa ay walang nakarinig saakin.

Napapansin ko ang paglingon ng iba, ngunit kita sa kanilang mga mata ang pagdadalawang isip sa pagtulong. Hindi ko alam kung bakit, pero dahil baka madamay sila.

Kinaladkad nila ako papunta sa lumang bahay, kung saan walang tao at walang makakarinig saaking sigaw. Tinulak ako ng dalawang lalaking may hanggang balikat ang buhok at mabilis na tinutukan ng patalim ang aking lalamunan.

Hindi ko yata talaga kayang mag-tagal sa panahon na 'to... para akong kakapusin ng hininga sa bawat kilos at lugar na mapupuntahan ko. 

Ang tutukan ng matalim na bagay sa lalamunan... ay tila ba nagdadala nang malakas na epekto mula sa aking pagkato. 

"Sabi na nga ba... hindi nagkamali ang instinto ko na kapag kinuha ko ang babaeng ito ay makikita kita." Lintanya ng lalaking mukhang nasa apatnapung taon na at mabilis na inangat sa ere ang kaniyang espada papunta sa lalamunan ng lalaking pumasok sa lugar na kung nasaan kami.

Hindi ko masiyadong maaninag ang mukha ng lalaking kakapasok pa lamang sa silid dahil sa namumuong luha sa aking mata. 

Natatakot ako... takot na takot.

Ngunit nawala ang takot na iyon at napalitan ng labis na pag-aalala nang magtama ang mga mata namin ng prinsipe na si Keitaro. Wala itong hawak na kung ano mang patalim, at mukhang sarili lamang ang kaniyang dalawa.

Diniin siya ng lalaki sa pader at tinutok ang maliit na espada sa lalamunan ng prinsipe na si Keitaro. Nakatalikod ang lalaking matanda saakin habang nakaharap ang prinsipe na si Keitaro sa direksyon ko. 

"Ngayon ko lamang nakita ang pangalawang prinsipe na ganito katakot," Hindi ko man makita ang reaksyon ng lalaking matanda, alam kong may maliit na ngiti sa kaniyang labi. "Sa tingin ko ay dahil iyon sa kaniya."

Tinuro ako ng lalaking matanda, dahilan upang magkasalubong muli ang mga mata namin ni Keitaro. Agad niya itong inalis upang balingan ang matandang lalaki. Kalmado lamang si Keitaro, at bukod doon ay hindi ko na mabasa ang iba niyang nararamdaman.

"Ako lang naman ang iyong kailangan, kaya't pakawalan mo siya." Utos ni Keitaro gamit ang kalmadong boses.

Umalingawngaw sa buong lugar ang paghalakhak ng matandang lalaki. "Ang buhay ng babaeng 'yan ay nakasalalay sa gagawin mo, Prinsipe Keitaro." 

Nakita ko ang paglapat ng matalim na espada na hawak ng matanda sa balat ni Keitaro. 

"Kung gusto niyo pang makita ang sarili niyo sa mundong ito, pakawalan niyo siya." Matapang ngunit kalmadong ani Prinsipe Keitaro. Madilim ang kaniyang mata at tila ba, anumang oras ay makakapatay ng tao.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Sobrang komplikado at bago nito para saakin.

Hinabol ko ang aking hininga nang makita mula sa gilid ng aking mata ang pagdaplis ng matalas na espada mula sa aking balat. Ramdam ko ang hapdi at sakit na nadudulot nito saakin.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo-"

"Bibigyan kita ng limang segundo para alisin ang iyong kamay sa kaniya." 

Kusang umangat ang mga mata ko nang marinig ang galit na tono ng lalaki. Mabilis na hinawakan ni Keitaro ang matalim na espada gamit ang kaniyang dalawang kamay, kasabay nang pagtulo ng aking luha. 

"Hindi ko alam na gano'n ka kahina't kinailangan mo pa mag-pain ng isang binibini." Nanginginig ang kamay ni Keitaro, diretso lamang ang kaniyang tingin sa mata ng matandang lalaki, hindi pinapansin ang dugong dumadaloy mula sa kaniyang kamay.

Napaayos ako sa pagkakaupo.

Kung sa hinaharap ay legal ang pagpatay... mangyaring ganito rin kalala ang mga tao... o marahil ay mas malala pa ang kaguluhan dito. 

"Sa oras na tumama ang inyong balat sa kahit anong parte ng kaniyang katawan, tiyak matatandaan ko na legal ang pagpatay sa taon at lugar na 'to."

Umalingawngaw ang kaniyang boses sa buong lugar at tila ba ayaw na iyon pakawalan ng aking mga tainga. 

Nag-kasalubong ang mga mata namin ni Keitaro ng mag-baba siya ng tingin sa'kin. 

Kung itutuloy ko ang kaninang naputol na kwento... iyon ay ang makakatagpo ng prinsipe ang binibini. At unti-unti... hindi niya inaasahang mahuhulog siya sa prinsipeng kasalukuyang nasa harapan niya. 

^______________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro