Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

pito

Umakyat sa aking ugat, mula kalamnan hanggang sa aking ulo ang hindi maintindihang nararamdaman. Hindi ko iyon maipaliwanag sa salita dahil walang salita ang makakapaliwanag sa nararamdaman ko.

Para akong naiihi. 

"M-Maraming t-tao doon..." Kusa na lamang lumabas sa aking bibig ang katagang iyan. Unti-unti kong inangat ang aking kamay at tinuro ang direksyon kung nasaan ko nakita sina Rowan gamit ang hintuturo ko.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga nilalaman ng isip ng mga tao rito. 

Naramdaman kong tinanggal ng lalaki ang nakapulupot niyang braso sa aking leeg at mabilis akong hinarap. Naroon ako nakahinga ng maluwag ngunit ang tensyon sa pagitan namin ay nananatili.

Mariin niyang hinawakan ang aking magkabilang pisngi gamit ang kaniyang isang kamay.

Napaka-mapanakit naman ng isang ito! Akala ko ba'y si Aurora ay isang prinsesa na may mataas na ranggo? Ngunit bakit ganito ang pinapakita niyang asal sa'kin?!

Mariin ang ginawa niyang paghawak saakin kaya naman napahawak ako sa kaniyang kamay. Ramdam na ramdam ko ang galit dahil sa kaniyang panginginig. Hindi alintana, kusa na lamang bumagsak ang luha mula sa aking mata.

Gusto ko nang umuwi... ayaw ko na rito. Hindi ako nababagay dito. 

"Nagtingin na kami doon, Prinsipe Ryuu. May mga bakas ng dugo doon ngunit ni isang bangkay, wala kaming nadatnan." Maya maya'y ani ng militar na si Noel. Tiningnan ko siya nang nanghihingi ng tulong ngunit tanging lunok lamang ang singot niya saakin.

Nakakainis! Maging siya ay hindi ako magawang tulungan!

"Ryuu, tama na, nasasaktan siya." Utos ni Prinsipe Keitaro na nagpalingon sa lalaki at agad na bumaling saakin. Tumaas ang kaniyang kilay, nananatiling blanko ang emosyon ngunit nababasa ko sa kaniya ang matinding pagkagalit.

Muli na namang lumagas ang luha sa aking mata. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa takot... tila ba ngayon lang ako tinablan ng takot sa kamatayan.

Marami pa kasi akong pangarap na dapat tugunan... At kung mamamatay man ako, gusto kong ang dahilan no'n ay ang pagkakita kay Yevhen. 

"Sinong kakilala ang nakita mo?" Tanong ng lalaki saakin. Malamig ang kaniyang boses at bakas ang senseridad. 

Si Rowan... 

Ngunit mababa ang estado ni Rowan at kapag sinabi ko iyon... mawawala na rin ako sa mundong ito. 

"H-Hindi ko sila nakita... n-nakatalikod silang l-lahat saakin t-tapos nakasuot n-ng itim na t-tela."

Mas lalo lang dumiin ang kaniyang kamay sa akin kaya naman idinalawang kamay ko ang paghawak sa kaniyang pulso. Naramdaman ko ang pagdiin ng may kahabaan niyang kuko sa aking balat dahilan upang mapalunok ako.

"Ryuu, walang kinalaman ang prinsesa, bitawan mo siya." Pagmamakaawa ni Prisipe Keitaro sa lalaki. 

Ryuu ang kaniyang pangalan? Magkakilala ba sila? Marahil ay oo.

"Paano ako makakasiguradong hindi ka kasabwat sa pagpaslang sa hari?" Malamig ang tono nang itanong niya saakin iyan. Sunod sunod akong napalunok kasabay nang mabilis na pagtambol ng aking puso nang magkasalubong ang aming mata.

Matangkad siya saakin at hanggang leeg niya lamang ako. Moreno ito, bagay na bagay ang kulay niya sa kaniya. Hanggang leeg ang kaniyang itim na buhok, magulo ito dahil hindi pantay pantay ang gupit. 

Makapal ang kaniyang kilay na bumagay sa mapang-akit at anggular niyang mata. Matangos ang kaniyang ilong at ang mapula at manipis niyang labi ay mas lalong nagbigay ng tanda na lahat ng tao ay takot sa kaniya.

Pero ako? Hindi ako takot sa kaniya.

Kinagat ko ang kamay niya na nagpabitaw sa kaniya mula sa pagkakakapit saakin. Nagkaroon ako ng tyansang makalaya at agad na tumakbo sa likod ni prinsipe Keitaro. Humawak ako sa damit nito habang sinisilip ang lalaking iniinda ang sakit.

"Gan'yan ang napapala kapag hindi naniniwala sa'kin! Ilang beses ko na ngang sinasagot iyang katarungan mo, hindi ka naman nakikinig sa'kin! Anong silbi ng pag-sagot ko kung mangmang ang kausap ko?!" Sigaw ko, dinidipensahan ang sarili at nagtago sa likod ni Prinsipe Keitaro.

Hindi ko alam kung ano ang laman ng isip niya ngayon. Ngunit sa tingin ko ay maging siya ay nabigla sa ikinilos ko dahil sa bahagya niyang pagtigil. Gumuhit ang mapanlarong ngisi sa kaniyang labi habang hawak ang kaniyang kamay kung saan ko siya kinagat. 

Nakakainis! Mukha tuloy lalo siyang nagalit sa'kin! Pero ano naman? Nasa pabor naman ang sinasabi ko!

Napalunok ako, pinipilit ipakit na hindi ako natatakot sa lalaki. Sinabit ko ang takas kong buhok sa likod ng aking tainga at tiningnan din ito nang masama. 

Nagtataka ako kung anong gagawin ng totoong Aurora kapag siya ang naipit sa magkaparehong sitwasyon? Lalabanan niya ba pabalik ang lalaki gamit ang espada? O gagawin niya rin ang ginawa ko?

"Tama na, Ryuu. May sugat siya kaya't ihahatid ko na ang binibini pauwi." Sabi ni Prinsipe Keitaro. Agad akong nakahinga nang maluwag nang marinig na uuwi na ako. Unti unti kong niluwagan ang pagkakakapit sa kaniyang damit nang humarap ito saakin.

"Halika na, Binibini. Hayaan mong ihatid kita sa Ventnor at gamutin ka." Maamo ang kan'yang boses ng bigkasing niya ang bawat salita... para bang hinehele ako nito... at sa hindi malamang dahilan... pakiramdam ko ay ligtas ako. 

Agad akong tumango at bago tumalikod ay sinamaan ko ng tingin ang lalaking masama ang tingin saakin. Nang tuluyang makatalikod, tila nabunutan ako ng tinik sa katawan.

"Paano ka napunta sa kagubatan ng Argyll?" Maya maya'y tanong ng lalaki na ikinadahilan upang mapalunok ako nang sunod sunod. Halos masamid ako sa sariling laway ngunit hindi ko iyon pinahalata at mariin kong pinagalapat ang aking labi 

Anong dahilan ang sasabihin ko?

Ilang minuto pa bago ko ibuka ang aking bibig. 

"Nais ko lang sanang lumibot sa lugar ng Argyll ngunit natagpuan ko ang isang kuting na nagtungo sa kagubatan kaya iyon... sinundan ko." Hindi ko maiwasang hindi mautal dahil sa kasinungalingang aking binitawan. 

Nanginginig ng sobra ang basang basa kong kamay dahil sa pawis. 

Paano kapag nalaman nilang nakita ko ang lahat? Papatayin ba nila ako agad?!

Bahagya siyang natawa. "Kuting?" Hindi makapaniwala niyang ani.

Pinagdududahan ba ako ng prinsipe na 'to?

Tumango tango ako at napalabi. Pinanood ko ang pagsayaw ng mga magagarbong puno sa tuwing hinahangin ito. Muling humangin nang malakas na ikinadahilan upang matangay ang iilan sa buhok ko. Agad ko iyong sinabit sa likod ng aking tainga.

"Nakalimutan kong nasa Ventnor at Metis ka palagi at mukhang hindi mo pa nga napupuntahan ang Argyll," Natatawa niyang ani. "Ano ang iyong pangalan, Binibini?"

Nakahinga ako nang maluwag. Agad akong nagpakita ng maliit na ngiti sa labi at binuka ang aking bibig. Akmang sasabihin ko ang tunay kong pangalan nang maalala ko na hindi ko pwedeng sabihin iyon. 

"Aurora. Aurora ang pangalan ko."

Ilang beses siyang tumango, "Kung ganoon... ikaw ang prinsesa na magtuturo sa mga prinsipe- ang ibig kong sabihin ay sa aming mga prinsipe?" Natatawa niyang ani dahilan upang makaramdam ako nang pagkainsulto.

Minamaliit niya ba ang kakayahan ko?

Tumango ako bilang sagot at hindi na nagsalita pa. Umalis kami sa kagubatan ng Argyll. Hindi ko alam kung bakit pero may kabayo naman si prinsipe Keitaro gayunpaman mas pinili niyang sabayan ako sa paglalakad. 

"Saan ka nagtungo, Prinsesa Aurora? Kanina ka pa namin hinahanap!" Iyan ang bungad ng babaeng nakasuot na katulad sa kasuotan ko. Bumaling siya kay Prinsipe Ketaro. "Saan kayo nagtungo ng prinsesa, Keitaro?"

Lumapit saakin sina Iyana, bakas sa mukha nila ang pag-aalala. May dala si Cynthia na bandeha na may lamang mga berdeng damo at may benda. Inilapag niya sa upuan ang bandeha at kinuha ang benda.

"Sino siya, Binibini?" Tanong ko kay Cynthia at Carmela. 

Sabay nila akong pinangunutan ng noo. Binuka ni Carmela ang kaniyang bibig, "Si Prinsesa Weylin. Ang unica hija ng hari... una mo siyang naging kaibagan kaysa saamin ngunit bakit umaakto ka na hindi mo siya kilala?"

Kaibigan? Hindi ko alam na marami pa lang kaibigan si Aurora bukod kina Cynthia.

Nagpeke ako ng ubo dahilan para mapatingin ang lahat saakin. Naaasiwa akong ngumiti sa kanilang lahat at muling bumaling sa direksyon ng mga kaibigan ko. Hulog ang kanilang mga panga at mukhang hindi makapaniwala sa inugali ko.

"A-Ah, oo naman, s-syempre. Binibiro k-ko lamang k-kayo. B-Bakit ba ang hirap niyong p-patawanin?" Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang aking kamay nang maramdaman ang pawis ko sa aking noo.

Mariin akong napapikit at ipinanalangin na sana'y hindi ako mabuko ng mga babae. 

"Anong ginawa niyo sa kagubatan ng Argyll? Hindi ba't dapat ay nasa seremonya kayo?" Sunod sunod at walang hintong tanong ni Prinsesa Weylin sa aming tatlo nina Prinsipe Keitaro at ang militar na si Noel.

Binuka ko ang aking bibig at bago pa man may lumabas na salita sa aking bunganga ay nakita ko ang pag-iling ni Prinsipe Keitaro bilang senyas na 'wag sabihin. Humugot ako ng hangin at mabilis iyong binuga. 

"N-Naligaw ako."

Sinimulan ni Carmela ang paggagamot sa hiwa sa aking leeg. Sa tuwing ididkit niya ang tela na may gamot ay hindi ko maiwasang hindi mapapikit sa hapdi. Nang matapos ay agad niyang kinuha ang benda at nilagay iyon sa aking leeg.

"Labis kaming nagalala sa iyo, Aurora. Akala namin ay kung ano nang nangyaring masama sa iyo..." Dugtong ni Prinsesa Weylin.

Kumunot ang noo ko. Hindi niya ako tinawag na 'prinsesa', kung ganoon ay mas mataas ang ranggo niya saakin. Ano pa nga bang aasahan ko kung siya ang unica hija ng pang-dalawampu't isa hari na si Lycus.

"Nabalitaan mo na ang nangyari sa iyong ama, Prinsesa Weylin?" Tanong ng malitar na si Noel, nakayuko ito sa babae, nananatiling nakasakay sa kaniyang kabayo.

Bakit hindi nga pala siya nandoon kung isa rin siyang prinsesa?

"Oo. Kaya nga't nag-alala ako agad sayo, Keitaro. Dahil alam kong kayo ang hahabol sa mga nagtangkang pumatay kay Ama." Ani niya.

Paulit-ulit akong napalunok.

"Magpahinga ka na, Prinsesa Aurora sa iyong silid. Ako na ang bahala sa mga kamahalan." Utos saakin ni Prinsesa Weylin na nagpatalon sa aking puso. Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka tinanguhan ang mga bisita bago pumasok sa loob ng aking silid.

Nanghihina akong natumba sa likod ng pinto ng aking silid. Hindi ko alam ang dapat kong maging emosyon sa nararamdaman ko ngayon. Litong lito ako. Mariin kong pinikit ang aking mga mata, kasabay nang pagbagsak ng aking mga luha.

Gusto ko ng bumalik sa hinaharap. Pero paano? 

Minulat ko ang aking mga mata saka mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo. Kinuha ko ang kahoy at tinukod iyon sa bintana ng aking kwarto. Nilabas ko ang ulo ko sa bintana upang silipin ang buwan.

Nalaglag ang aking balikat ko at nagmistulang bulaklak na nalanta. Nananatiling puti ang buwan at hindi pula! Nakakainis! Namumuti na ang aking mata sa kakahintay!

Iniwan kong nakabukas ang bintana ng kwarto at humiga sa kama. Ilang ulit kong pinagsasapo ang aking noo at nang masaktan na ay saka lamang tumigil. Padabog ang tumayo at inilibot ang tingin sa kwarto.

Huminto mula sa paglilibot ang mata ko nang mahagip nito ang kuwaderno. Kinuha ko iyon at walang paalam na binuklat ang bawat pahina. Mukhang hindi lamang ito ordinaryong kuwaderno, dahil nandito nakasulat ang lahat ng pangyayari sa buhay ni Aurora.

Ang kaniyang talaarawan.

Dinala ko iyon sa kama at nakahiga iyong binasa. Bawat pahina, nandoon nakasulat ang nangyayari sa bawat araw. May mga petsa doon. Napatigil ako sa paglipat ng pahina nang maagaw ang atensyon ko sa kasalukuyang binabasa.

Hulyo isa, isang libo walong daan at dalawampu't dalawa.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan madamay ang anak kung ang magulang naman ang may sala? Ang komplikado ng mundo. Hindi ko maintindihan ang pagikot nito.

Nagugulumihanan,

Aurora.

Ano ang ibig niyang sabihin? Kumunot ang aking noo, nananatiling nakatutok ang mata sa kuwadernong binabasa. Nilipat ko pabalik ang pahina kasabay nang paguwang ng aking bibig.

Hunyo tatlumpu't isa, isang libo walong daan at dalawampu't dalawa.

Gusto kong magkwento minu-minuto sa bayan ng Ventnor kung minu-minuto ko ring masisilayan ang ginoong nagpatibok sa aking puso. Alam kong mali ngunit walang mali sa taong umiibig.

Nagtatapat,

Aurora.

Bahagya akong natawa, hindi napigilan ang pag-ikot ng aking mata. 

Hindi ko alam na marunong rin palang umibig si prinsesa Aurora. Ang naririnig ko kasi tungkol sa kaniya na galing sa kaniyang mga kaibigan ay masungit ito at minsan lamang makausap. Sinong maniniwala na marunong din sa mga bagay na ito ang totoong Aurora?

Inilipat ko pabalik ang pahina, nasasabik na mabasa ang iba pang pangyayari sa buhay ni Prinsise Aurora. Halo halong emosyon ang nakasulat doon. 

Binasa ko iyon hanggang sa balutin na ako ng antok.

Kinabukasan, nagising na lamang ako sa ingay ni Iyana kasama si Carmela at Cynthia. Paulit ulit ngunit mahina nila akong niyugyog hanggang sa magising ako. Marahan kong minulat ang aking mga mata at agad na tumambad ang hindi maipinta nilang mga mukha.

"Ano?" Giit ko sa kanilang tatlo.

"Prinsesa, nakalimutan mo ba na ngayon ang pagsasanay niyo ng mga prinsipe?"

Halos mabulunan ako nang marinig anunsyo ni Cynthia. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inis na kinusot ang aking mga mata. Tumingin ako sa orasan at napalunok nang makitang alas diyes na ng umaga.

Hindi ba pwedeng ipagpabukas muna? Ang sakit pa ng mga kasukasuan ko. Gusto ko na lamang humilata magdamag sa kama.

"Prinsesa... nahuli na kayo ng anim na minuto. Kanina pa nakatipon ang mga prinsipe doon sa Humilton."

Punyeta! 

Nahihilo pa nang tumayo ako sa kama at mabilis na sinuot ang aking tsinelas. Bago bumaba, sumilip ako sa bintana at nakita si Rowan na kasalukuyang nagpo-poso na tila ba walang nangyari kagabi.

Sumunod ako kina Carmela. Inayusan nila akong tatlo, habang ako ay walang kaalam-alam sa nangyayari at humihikab pa. Masiyado akong natuwa sa pagbabasa ng talaarawan ni Aurora kaya't inumaga na ako sa pagtulog.

"Prinsesa... maari bang iabot mo ang liham na ito kay Prinsipe Leon?" Nahihiyang inilahad ni Iyana ang kayumangging papel sa distansya namin. Pinasadahan ko siya ng tingin, mula paa hanggang sa kaniyang mata at bahagyang natawa.

At gagawin niya pa talaga akong daan para patagong maibigay ang mga liham niya kay Prinsipe Leon, hah?

Tumaas ang aking kilay, bumuga ako ng hangin at labag sa loob na tinanggap ang liham. Wala naman akong magagawa. Nakabisado ko na ang galawan ng mga kaibigan ni Aurora lalo na itong si Iyana. Hindi siya titigil sa pangungulit hangga't di nasusunod ang kaniyang nais.

Kinakabahan akong sumakay sa kabayo. Ilang beses na akong nakasakay at nasasanay na ako ngunit nananatiling nakakapit saakin ang kaba. Kinawayan ako nilang tatlo ngunit hindi ko sila pinansin at pinatakbo nang mabagal ang kabayo.

Hindi nila ako maaring samahan. May mga ginagawa silang tatlo sa Ventnor. Mabuti na lamang at nakakabisado ko na kahit paunti-unti ang direksyon papunta sa kaharian ng Humilton mula sa Ventnor.

Mabagal lamang ang patakbo ko sa kabayo. Nasa gitna ako nang maliit na daan na napapalibutan ng mga dahon at puno kaya naman nang makarinig ako ng mabilis na yapak ng kabayo ay agad akong gumilid.

Nahulog ang aking panga at marahang ibinaling ang paningin sa aking gilid nang maramdaman ang pagbagal nang takbo ng kabayo. Agad na nagtama ang mata naming dalawa kasabay nang pagakyat ng hindi ko maintindihan na nararamdaman.

Bahagya akong natawa, umaakto na hindi takot sa lalaki.

Binagalan niya ba ang pagpatakbo sa kabayo niya upang sabayan ako at pakuluin lamang ang dugo ko?!

Medyo binilisan ko ang pagpapatakbo sa kabayo, inaakalang nagkataoon lamang na pagod na ang sinasakyan niya ngunit katulad ko ay ganoon din ang ginawa niya. Nagangat ako ng tingin at nagtataka siyang tiningnan.

"A-Ano ba ang iyong g-gusto?!" Barumbado kong tanong.

Ngumisi siya at lumingon sa kaniyang harapan, tila hindi ako narinig. Kulay lila naman ngayon ang kaniyang kasuotan. Ang buhok at ang awra niya ay nananatiling ganoon, nananatiling nakakatakot at malakas ang dating.

"Bakit? Sigurado ka bang maipagkakaloob mo iyon saakin kapag sinabi ko?" Malamig ang kaniyang tono at may diin ang mga salita nang bigkasin niya iyon dahilan upang magsitayuan ang aking mga balahibo.

Bakit ka ba natatakot, Katana?! Katulad mo ay tao lang din naman siya kaya wala kang dapat ikatakot!

Sarkastiko akong tumawa, nakatingin sa nakatagilid na lalaki. Tinuwid ko ang aking likuran at binuka ang bibig, "Sige ba. Basta't ipangako mo saakin na hindi ka na muling magpapakita saakin!" sigaw ko.

"Ano ba ang iyong gusto?" Dugtong 'ko.

Tumingin siya sa kaniyang gilid kung nasaan nandoon ako. Agad na nagkasalubong ang mga mata namin na mas nagpalawak ng ngisi sa kaniyang labi. 

"Ikaw."

Dumagundong ang pagkalabog ng aking puso. Mahangin naman ngunit ako'y pinagpapawisan ng matindi. Nagpeke ako ng ngiti saka lumunok.

"A-Anong ako? S-Sira na ba talaga ang u-ulo mo?!"

Hindi niya ako pinansin. May hinawakan siya sa Pangunahing lubid na nagpabilis nang kaunti sa sinasakyan niya at agad itong hinarang sa dinadaanan ko dahilan para mapahinto rin ang aking kabayo.

Kumurba ang labi niya sa isang malawak na ngisi at siniyasat nya ako ng tingin. Hinawakan ko ang pangunahing lubid ng aking kabayo upang umatras ito ngunit sinundan parin ako ng lalaki.


"Ang ibig kong sabihin; ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Kasing lamig ng yelo ang kaniyang tono na nagpapataas sa aking mga balahibo. "Nandito ka na naman ba upang pagtangkaan ang hari?"

Agad na tumaas ang aking magkabilang kilay, kasabay nang pagguhit ng isang mapanlarong ngisi sa aking labi. "Ikaw ba isang klase ng inutil? Ilang beses ko na n-ngang sinabi n-na hindi ko g-gagawin 'yon!"

Pinanliitan niya ako ng mata at mas lalong nilapit ang kaniyang kabayo sa akin. Kaunti na lamang ang distansya naming dalawa kaya naman hindi ko maiwasang hindi mangatal sa takot.

"Kung ganoon... ano ang iyong gagawin sa kaharian ng Humilton?" Maangas niyang tanong.

Wala bang tiwala saakin ang lalaking 'to?!

Sarkastiko akong tumawa. "Hindi mo ba alam na ako ay isang prinsesa?" Nag-angat baba ako, inaayos ang aking tindig. "Ako ang m-mangunguna sa pagtuturo sa mga prinsipe... at d-dapat nga ay gumalang ka saakin dahil isa ka lamang pangkaraniwang t-tao."

Ano? Bakit mo sinabi 'yon, Katana! Akala ko ba hindi ka sangayon sa mga ranggo ranggo sa taon na ito?!

"Ikaw ang magtuturo sa mga prinsipe?" Nakakainsulto itong tumawa. "Hindi ba't hindi mo naman kayang lumaban sa isang kalaban noong nasa gubat ng Argyll?"

Gusto ko siyang tirisin na para bang isang kuto! Nakakainsulto siya!

"K-Kahit maglaban pa tayo ngayon, h-hindi ka saakin m-mananalo!" Giit ko. 

Sa isip ko ay sinasaktan ko na ang aking sarili dahil sa mga sinasabi ko. Hindi ko makontrol ang aking sarili at awtomatikong lumalabas ang mga salita saakin.

Sarkastiko na naman itong tumawa, "Asa." Aniya at mabilis na pinaandar ang kaniyang kabayo. 

Nakakainis!

Ryuu... Ryuu, huh. Hindi kita makakalimutan. Ikaw pa lamang ang lalaking trinato ako ng ganoon. Trinato niya ako na para bang wala akong silbi sa mundong ito at ganoon na lamang kadali ang pagde-desisyon niya sa pagpaslang saakin, nakakainsulto!

Tumayo ako at pinaandar ang aking kabayo. Hindi nagtagal ng sampung minuto ay nakaratinga ko sa kaharian ng Humilton. Nang makilala ako ng mga bantay sa malaking pintuan ay agad nila iyong binuksan at pinapasok ako.

Iniwan ko ang aking kabayo sa labas at naglakad papasok sa likod ng palasyo kung saan doon gaganapin ang ensayo. Tinago ko sa aking likuran ang liham ni Iyana at nilinis ang barado sa aking lalamunan.

Kaunti pa lamang ang mga prinsipe doon at mukhang isa isa silang tinuturuan ng militar na si Noel. Nagtago ako sa likod ng malaking poste upang panoorin kung paano turuan ng militar na si Noel ang isang prinsipe.

"Prinsipe Sarathiel! Hindi ganyan ang paraan nang paghawak ng espada!" Sigaw ng militar na si Noel at tinaas sa ere ang kaniyang kamay na may hawak na espada. Pinanood iyon ng lahat.

Napatango tango ako habang sinasayaw niya ang espada sa ere, kumukuha ng ideya kung paano hawakan ang bagay na iyon. Nakita ko ang pagpasok ng tatlo pang prinsipe galing sa kabilang daanan.

"Bakit hindi ka pa pumupunta roon?" 

Halos magulantang ako nang marinig ang boses ni Prinsipe Keitaro mula sa aking likuran. Nakayuko akong bumaling sa kaniya, nagiisip ng idadahilan. "A-Ah... tinitingnan ko kung paano... nayari ang poste na i-ito?"

Ano 'yun, Katana?! Isa ka bang engot!

Bahagya siyang natawa. "Halika na, Binibini. Kanina ka pa namin hinihintay."

Agad akong tumango at inayos ang tindig ng aking postura. Nakita ko ang pagyuko ng militar na si Noel saakin nang makita ako at agad din itong bumaling sa mga prinsipe. 

"Nandito na ang prinsesa... Bakit kulang pa kayo?!"

Narinig ko ang bulungan ng mga prinsipe. Umakyat ako sa tinatayuan ng militar na si Noel at tumabi sa kaniyang habang pinapakinggan ang mga sari saring bulungan ng mga prinsipe.

"Saan ka nagtungo at bakit ang tagal mo? Kanina pa nagrereklamo ang mga prinsipe." Ani Militar na si Noel. 

Napairap ako sa kawalan at tumingin sa kalangitan habang hinihintay makumpleto ang mga prinsipe na nasa harapan. Unti unting nagpupuntahan ang mga prinsipe sa kanilang pwesto ngunit ang isang pwesto... ay nananatiling wala.

"Mag-umpisa na tayo-"

Agad kong pinutol ang militar na si Noel. Hindi naman patas kung masiyado siyang mahigpit sa ibang prinsipe habang sa isang prinsipe na nakapwesto doon ay papayagan na lamang niyang lumiban.

"Kulang pa sila... bakit ka magsisimula kulang pa si-"

"Nahuli na ba ako?" 

Agad akong napatigil at napatingin sa lalaking nagsalita. Nakita ko ang pagyuko ng lahat ng prinsipe at ang katabi kong militar na si Noel nang pumasok si Ryuu at tumayo sa kaniyang pwesto.

Kung ganoon ay isa siyang prinsipe?!

Paulit-ulit akong umilig at pinanood ang mga prinsipeng nagsisitanguan ng ulo sa lalaki, nagpapakita ng galang sa prinsipe. Mababa ang estado ko para sa kaniya ngunit hindi ako yumuko. Nagtataka rin ako kung bakit nag-siyukuan din ang ibang prinsipe maliban kay Keitaro. 

Takot lang ba sila sa lalaki? Wala namang nakakatakot sa kaniya maliban sa kaniyang itsura. 

"Maaari na tayong magsimula..." Nakita ko ang paglunok ni Noel sa aking gilid dahilan upangg mapairap ako. "Napag-usapan na natin ang tungkol dito noong ipakilala ko sa inyo ang prinsesa kaya naman-"

"Ako na ang unang sasalang. Hindi ako magtatagal, Noel." Malamig na tugon ni Ryuu at humakbang ng tatlong beses papunta sa harapan namin. Nagangat ako ng tingin at agad na nagkasalubong ang aming mga mata.

Kung minamalas ka nga naman oh!

Ilang beses akong napalunok. "H-Hindi ba pwe-"

"Hindi ba't sinabi mo kanina na hindi ako mananalo kapag nagtapat tayong dalawa? Ganoon na lang ba kadali at nakalimutan mo ang iyong sinabi?" Sarkastiko itong tumatawa.

"W-Wala naman akong sinabing nakalimutan k-ko-"

"Natatakot ka?"

Hindi ba pwedeng patapusin niya muna ako?

Humakbang ako ng tatlo at huminto sa kaniyang harap. Nilibot ko ang aking mata bago hugutin ang espada sa lagayan na nakasabit saaking katawan nang mahagip ng mata ko si Prinsipe Keitaro. Isang ngiti ang ginawad niya saakin dahilan upang mas kabahan ako.

Inayos ko ang pagkakahawak sa aking espada at humakbang papunta sa kung saan kami nagtatanghal. Malaki ang espasyo dito at sa gilid ay ilog na. Nasa likod ko ang ilog habang ang kaniya naman ay ang mga prinsipe na nanonood.

Nakita ko ang pagsenyas ng militar na si Noel, tanda ng magsisimula na kami. 

Nanginginig ang aking kamay ng itaas ko sa ere ang espada at mabilis na sinangga ang espada ni Ryuu. Halos manghina ako kaya naman idinalawa ko ang aking kamay sa pagkawak ng matalim na sandata.

Kaya mo 'yan, Kat! Saksakin mo na lang agad sa dibdib!

"Akala ko ba ay maibubuga ka?" Mayabang niyang ani na nagpakulo sa aking dugo. Hindi ko siya pinansin at paulit ulit na inilagan ang kaniyang espada.

Gusto kong maiyak sa takot dahil baka hindi ako makailag sa kaniyang espada at makitilan ako ng buhay. Ilang beses akong humakbang paatras upang maiwasan ang sandata ng lalaki.

Narinig ko ang mahina ngunit sarkastiko niyang tawa. "Hindi ka marunong humawak ng espada... nagpanggap ka ba upang mapatay ang hari?"

Hinabol ko ang aking hininga at binuka ang bibig. "Ilang beses ko bang sasabihin na wala a-akong a-alam sa mga pinagsasabi m-mo?"

"Kung ganoon, isa ka lamang talagang mangmang at pumasok ka sa gubat ng Argyll upang iligaw ang iyong sarili?" 

Nakakainsulto na ang lalaking 'to ah!

Akmang magsasalita ako, kasabay nang paghakbang ko patalikod nang maramdaman kong dumulas ang paa ko sa bato, tanda nang mahuhulog na ako sa tubig. Tumayo ako ng tuwid, sinisikap maikontrol ang aking balanse.

Dahil kapag nagkataon ay mahuhulog ako sa ilog.

At ayaw ko no'n... nakakahiya. Paniguradong pagtatawanan at mamaliitin ako ng Ryuu na 'to!

Lumapit saakin si Ryuu at agad na tinutok sa aking lalamunan ang kaniyang patalim na nagpaatras saakin. Agad akong napapikit, hinahabol ang hininga at tila ba tanggap na ang mga mangyayari dahil sa paghintay sa sariling mahulog sa ilog.

Gusto ko na talagang bumalik sa kung saan ako nagmula. Ayaw ko na rito. Tatanggapin ko ang lahat ng aktibidad ng paaralan... makikipag-ayos na ako sa aking mga kaaway... basta't makabalik lang ako sa kung saan ako nararapat.

Bahagya akong napamulat nang marinig ang mahinang halakhak mula sa aking harapan. At ang bahagyang mulat ng aking mga mata ay naging doble at nanlaki nang nang maramdaman ko ang kamay mula sa aking likuran.

Si Ryuu.

Isang dangkal na lamang ang aming pagitan. Miski ang kaniyang mainit na hininga ay nararamdaman ko. Nahagip ng mata ko ang Militar na si Noel na winawagayway ang pulang watawat, simbolo na natalo ako ng isang prinsipe.

Mas humigpit ang kapit niya sa aking baywang. 

"Hindi ko alam na maganda ka pala sa malapitan."

Isang maliit na ngisi ang gumuhit sa kaniyang labi, nananatiling hawak ang aking likuran. 


^____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro