liham
four decades later.
"Tagal nila... malapit na ba sila?" Inikot ko ang mata ko at sinalampak ang sarili sa upuan.
Sinipat ko ang kalangitan kung saan sunod-sunod ang dumadaan na mga eroplano. Ngunit kaagad ding binalik ang mata sa gilid ko nang mag-salita si Auriel, ang bunsong anak namin ni Jeo.
"Nay, kakarating pa lang po natin, inip ka na kaagad. Delayed po flight nila, eh. Wait natin siguro mga thirty minutes andito na 'yon."
Jeo laughed. "Gan'yan talaga kapag matanda na—"
"Isang taon lang tanda ko sa 'yo, Je. Kung makasalita ka parang ilang dekada tanda ko sa 'yo..." Muli kong inikot ang mata. "Parehas naman na tayong may tatlong apo, ngayon ka pa nag-yabang."
Tumawa ang lalaki ay tinaniman ang noo ko ng halik.
Yes, Jeo and I dated after we had moved on. It was nearly six years before we crossed paths again at the 1822. Ngayon, may lima kaming anak. At sa katandaan, may tatlo ng apo.
We are currently at the airport, awaiting the arrival of my middle child. Halos anim na taon din silang bumukod samin mag-asawa upang doon palakihin ang apo namin sa Norway simula nang isilang.
Kaya kahit ako ay hindi ko pa nakikita. That's why I'm so excited to see him! I'm sure he's pogi. Nasa dugo naman na namin eh.
Naghintay kami ng halos kalahating oras bago tuluyang masalubong ang magbabakasyon na anak sa Pinas. May ngiti sa labi ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap.
Kakaiba pa rin talaga kapag nalayo sa iyo ang anak mo.
"Nasaan ang apo ko, Sea?" Tanong agad ni Jeo.
Sea pouted. "Tingnan mo, Nay, itong si tatay! Imbis na yakapin 'tong anak niya kasi six years hindi nagkita, inuna pang hanapin iyong apo niya!"
Sabay-sabay kaming natawa.
"Nasaan na ba kasi sila?" Tanong din naman ni Seth sa gilid.
Si Seth ang panganay sa lima. Siya lang ang nag-iisang lalaki dahil ang apat ay puro babae na. Sumundo sa kaniya ay si Sea, si Raquel, si Auriel at Thea.
Halos si Jeo ang nagpangalan. Pero mas pinaka-tumatak daw sa kaniya ang pangalan ni Thea na kinuha galing sa Asotea.
"Mommy!" Isang batang lalaki ang sumalubong ng yakap kay Sea. "Si Daddy po bumili ng ipis-ipis! Huhu I'm scared po!"
His face was hidden in his mother's stomach. Hindi ko halos maaninag ang kahit anong pigura ng mukha niya. Pero sa tindig pa lang niya ay halata ng mana sa akin.
"Say hi ka muna kina Lola at Lolo," Pilit pinilig ni Sea ang mukha ng umiiyak niyang anak paharap sa amin.
My heart dropped. Ilang beses akong napakurap at kinusot pa ang mata, pinapaniwala ang sarili na namamalikmatay lamang ako. But as I looked back at the child's face, I realized what I was seeing was real.
Kaagad umantabay si Jeo sa likod ko nang mapagntanto ang muntik kong pagtumba dahil sa biglaang pag-ubos ng aking lakas.
It was him. Ryuu. Who was reincarnated as my...
"Lola?" Matinis ang boses niyang kinuha ang kanang kamay ko upang mag-mano. Bumaling naman siya kay Jeo. "Hello po, Lolo!"
Tears shed on my eyes.
He found me... again. No, fate brought us together again. Ngunit hindi na pwede.
------
Thank you for reaching this far!
Actually, it was a great journey from 1822 to 2024. I had a lot of fun writing this novel with a roller coaster of emotions, and I never expected it to wrap up so quickly.
Well, I'm planning to turn this stand-alone into a trilogy called the "hisrepelf trilogy" (history repeats itself), but I'm not sure yet, so I'll simply keep you updated whenever I decide. :)
love, Zha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro