labing siyam
Hindi ko na inalam pa ang susunod na nangyari.
Basta lingid sa aking kaalaman ang tensyon sa pagitan ng kaharian ng Peham at ng Humilton. Hindi ko na masiyadong natandaan kung paano pinaglaban ni Prinsipe Keitaro at ni Ryuu ang karapatan ko.
Nalaman pa nga ng Reyna ang tungkol sa pagka-desperado ng hari ng Peham na malaman kung sino ang tagapagmana. At upang maiwasan ang digmaan sa dalawang kaharian, kitang-kita ko kung paano tinanggi ng Hari ng Peham ang bagay na nasaksihan ko.
Nang makuha ang katawan ni Prinsipe Sarathiel ay lutang akong sumunod sa daan na tinatahak nila Noel patungong Humilton. Hindi ako nagkaroon ng tyansang sumabay sa Reyna at sa ibang prinsipe.
Paniguradong mababastos ko sila kapag sumabay ako sa kanila.
Maski ang pagkausap kay Keitaro at Ryuu ay hindi ko nagawa. Gusto kong magpasalamat ngunit may humihila sa sarili ko palayo sa kanila. Para bang... kinakain ang sarili ko ng konsensya. Kasalanan ko ang nangyari sa kapatid nila, paniguradong galit sila sa'kin.
But deep inside, I really wanted to talk to Keitaro.
Sa tingin ko kasi ay gagaan kahit paano ang mabigat kong dibdib sa oras na makapagusap kami.
Tahimik lamang ako na naglakad. Sinikap kong may malaki akong espasyo sa Heneral at sa mga militar na nasa harapan. Ang isip ko naman ay patuloy na binabagabag ng tila ba bundok na katanungan.
Sino si Yevhen? Ako ba talaga si Aurora? Ano nang mangyayari sa'kin pagkatapos nito? Paparusahan ba ako ng hari? Tatanggapin ko ba ang anyaya ni Keitaro na magpakasal?
Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.
Hindi ko namalayan ang pagdating sa destinasyon dahil sa sabog na kaisipan. Mabuti na lamang at hinarang ako ni Prinsipe Leon dahil kung hindi ay nakakahiya ako sa mga nadadaanan ko. Baka inaakala nilang baliw na ako.
"Ayos ka lang, Prinsesa? Natagpuan kitang malalim ang iniisip."
Natigilan ako upang harapin siya. "Ayos lang... anong gawa mo rito? Pupunta ka bang Ventnor?"
Kasalukuyan kaming nasa bandera ng pagitan ng Humilton at ng Ventnor. Maraming tao rito dahil malapit ang pangpang at ang terminal ng bangka patungo sa ibang lugar. May bangketa rin sa gilid kung saan abala ang lahat sa pagtitinda.
Prinsipe Leon cleared his throat. Napatingin naman ako sa kaniya. Nahihiya siyang panakamot sa kaniyang batok habang may pilyong ngisi sa labi. What a naughty kid.
"Ang totoo niyan ay nais kitang makausap... ngunit kung mas hihilingin mo ang pagpapahinga sa iyong tahanan ay tanggapin mo ang liham na ito."
Pagod na bumaba ang tingin ko sa lumang papel na nakatupi. Inilahad niya ito sa pagitan namin ngunit wala akong balak kuhanin ito. Kapag tinanggap ko ang isang iyan ay paniguradong magkakaroon na naman kami ng pagtatalo ni Iyana.
Peke akong ngumiti. "Sabihin mo na sa'kin ngayon. Hindi ko mababasa 'yan kasi masakit ulo ko."
"Ano kasi..." He gulped. "May kaunting kasiyahan na magaganap sa baryo kinabukasan. Ako ang napiling prinsipe... at nais kong ikaw ang prinsesa na tatayo sa aking tabi."
Diniin ko ang pagkakatitig sa kaniya at inis na humugot ng hininga. He was smiling like an idiot in front of me. May halong kilig pa ang ngiti niya, hindi iniisip na halos masuka na ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.
Hindi niya ba alam ang nangyari sa kapatid niyang si Sarathiel? Kinabukasan din gaganapin ang pagsunog sa katawan ng prinsipe patungo sa abo. Paniguradong kapag dumalo ako sa sinasabi niya ay mas lalong gugulo ang relasyon namin ng reyna.
Pogi sana, hindi lang marunong makiramdam ng iba.
"Hindi ako pwede," Diretsa kong ani. "May kilala akong kaibigan, sa tingin ko papayag 'yon na samahan ka kinabukasan."
Agad kong nakilatis ang lungkot sa kaniyang mukha. Sa kabila no'n ay nagawa niyang mag-tulak ng matamis na ngiti kahit na ang mga mata niya ay kabaliktaran ang emosyon na pinapakita.
"Mauuna na ako." Tumalikod ako at iniwan ang lalaki.
Pagkaharap ko ay hindi ko inaasahan na makita si Iyana na nagtatago sa likuran ng dagat ng mga tao. Mas hawak siyang buslo at mukhang kagagaling lamang sa trabaho. Puno ng pait ang mukha niya na nag-iwas ng tingin sa'kin.
"Iyana, kanina ka pa?" Mausisa kong tanong.
Hindi niya ako pinansin at binilisan ang paglalakad. Nakaramdam naman ako ng kaunting kaba. I paused to take a deep breath and closed my eyes for a moment.
Pagod na ako sa sunod-sunod na pangyayari.
Simula noong mapunta ako sa hindi pamilyar na taon na ito ay para bang lagi na lang puno ang laman ng utak ko. I can't even feel myself anymore. Para bang walang araw na huhupa ang suliranin na mahirap solusyonan.
Noong una, tuwing sasapit lamang ang gabi ay saka lamang bubuhos ang luha ko. Ngunit ngayon, wala ng napipiling oras. Lahat na ata ng bagay ay kailangan kong iyakan.
Wala akong ideya kung hanggang kailan pa ako mananatili rito.
Suko na ako.
Mabigat na ang bawat tulikap ng mga mata ko at ramdam ko ang pagbagsak ng mga balikat ko. Ang sabi rin ng mga kaibigan ko ay namumutla ako ng sobra simula noong mga nagdaang araw. Maging si Rowan ay nababahala na.
Pinalis ko ang ligaw na luha na lumandas sa pisngi ko.
"Hindi naman kasi ako si Aurora... mahina ako, eh," Muli akong humugot ng malalim na hininga at marahan na minulat ang mata. "Pero ako si Aurora, anong karapatan kong maging mahina?"
Binilisan ko ang paglalakad para habulin ang direksyon na pinuntahan ni Iyana. Sinigaw ko pa ang pangalan niya sa kalawakan gamit ang pagod at nanginginig kong boses. Pero huli na ako, hindi ko na naabutan pa ang babae.
Kasalanan ko ba na nagkaroon ng nararamdaman sa'kin si Leon?
Bumalik ako sa Ventnor at siniksik ang sarili ko sa kumot. Inipit ko ang bawat hikbi ko sa unan. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili kung bakit ako nagdurusa? May ginawa ba akong masama at hindi kaaya-aya?
Tinulungan ko lang naman si Yevhen, ah.
"Anak," Tatlong katok ang ginawa ni Rowan bago pumasok sa silid ko.
Mabilis kong pinalis ang mga luha ko at tinago ang sarili sa ilalim ng kumot. Pinag-isipan ko pa ng ilang minuto kung ano ang gagawin ko. Pero huli na. Mariin ko na lang na pinikit ang mga mata ko, sinadya ang pagpapanggap.
Ayaw ko munang makausap siya... gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip-isip.
"Tulog ka? Kakarinig ko lang ng iyong yabag, imposibleng nakatulog ka ng ganoon kabilis."
Hindi ako umimik at pinanindigan ang pagpapanggap. Ramdam ko ang butil ng pawis ko sa noo dahil sa init habang pinipigil ang hininga. Maski ang maliit na paggalaw ay iniwasan ko upang maniwala siyang nakatulog ako agad.
"Ikaw ba'y ayos lang? Ramdam namin ng mga malapit sa iyo ang pagbawas ng iyong timbang at pangangayayat. Kung may problema ka'y nandito ang dalawa kong tainga upang pakinggan ang iyong boses,"
Awtomatikong namulat ang mga mata ko. Naaninag ko naman agad mula sa may kanipisang kumot ang anino niya. Tuwid itong nakatayo sa harapan ko. Mukhang kakauwi niya lang galing sa pagamutan.
"Ama mo ako kaya't huwag kang mahiya na mag-sabi sa akin, Aurora. Iintindihin kita. Ako ang nagpalaki sa iyo simula noong ika'y isilang kaya't alam ko na ikaw ay problema na tinatago."
Dumoble ang bigat ng nararamdaman ko. Maging ang bara sa lalamunan ko ay mas lumaki. A tear fell to my cheek. Sinalampak ko ang kamao ko sa bibig upang hindi niya marinig ang pag-hikbi ko.
Tahimik akong humugot ng malalim na hininga. Parang wala akong karapatan mag-sabi sa kaniya dahil hindi ko ramdam na ako ang anak niyang si Aurora. Malakas at matapang si Aurora habang ako... kabaligtaran.
Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng inggit.
Bilang si Katana, wala akong ganitong magulang na kilala ako base sa mga aksyon at pisikal na pangangatawan ko. Iyong tipong tumahimik pa lamang ay tatanungin na ang iyong kalagayan. Hindi ko naranasan iyon.
Sa totoo niyan, sinubukan kong mag-sabi ng damdamin at problema ko sa mga magulang ko. Pero ang sabi nila agad, bakit ko raw iniiyakan ang mga mabababaw na bagay at madaling masolusyonan.
Ang laki ng pinagkaiba namin ni Aurora.
Kaya nga't nagpapasalamat ako dahil tinuruan ako ng mga magulang ko tumayo sa sariling paa. Tinatak ko sa sarili ko na baka ginagawa at sinasabi nila iyon sa'kin dahil ensayo iyon kapag nawala na sila. Iyong kikimkimin ko ang totoo kong nararamdaman.
"Hindi ko pa hinugasan iyong mga pinagkainan dahil hinihintay kita,"
I pouted. Para bang pinipiga ang puso ko sa sobrang lumanay ng boses niya.
I am aware that when we are feeling low, we need those words.
Totoo nga siguro ang sinasabi nilang no man is an island. Hindi mo kayang mabuhay para sa sarili lamang. Kailangan mo ng kalakip sa lahat ng bagay kahit na sabihin mong kaya mo ito malagpasan mag-isa.
"Pinauwi ko rin sina Cynthia at Carmela dahil baka nahihiya kang mag-sabi sa akin sa tuwing narito ang dalawa," He took a pause. "Kung gising ka't naririnig mo ako'y bumaba ka, sabay tayong magtanghalian."
Tuluyan akong napahikbi nang marinig ko ang pagsarado ng pintuan. Pinalis ko ang mga luha at hinintay na marinig ang pinaka-mahinang yabag ng paa ni Rowan, tanda na nakababa na siya sa ibaba.
Bumangon ako at inayos ang sarili sa harapan ng salamin. Matapos ay marahan akong bumaba ng hagdan. Mabilis ko naman nakita ang rebulto ni Rowan na nag-aahin ng mga pagkain sa lamesa.
Inihaw na isda ang ulam.
"Oh," Untag niya nang makita ako mula sa hagdan. "Halika't akoy nag-ihaw ng paborito mo."
I smiled at him. Pumwesto ako sa harapan niya at sinaluhan siya sa pag-kain.
Ngayon lang kami nakakain ng kaming dalawa lang ang nasa hapag. Nakasanayan kasi ng tatlo kong mga kaibigan ang dito mamalagi at makikain. Sila naman minsan ang sumasagot ng putahe kaya wala lang iyon kay Rowan.
"Nakita ko kayo ni Iyana kanina... kayo ba ay nag-away o mayroong hindi pagkakaunawaan?"
Inayos ko ang kubyertos sa kamay ko at bahagyang nag-iwas ng tingin. Sinimulan ko ang pag-salo ng pagkain. Mainit pa ito kaya bahagya kong hinipan.
Gumagamit ba ng po at opo si Aurora sa pakikipag-usap kay Rowan?
"O-Oho, nakita niyang lumapit si Prinsipe Leon sa'kin kanina. Akala niya siguro ay patago akong nakikipagkita sa lalaki. Pero ang totoo ay hinarang niya lamang ako para ayain sa walang kabuluhang bagay."
"Iyon ay?"
Doon ako natigilan. Nagtama ang mga mata namin at tila ba nahigop ang gana na naipon ko. Kung sasabihin ko ay paniguradong magdududa si Rowan.
"Iyon ba ay kasal?" Tanong niya na nagpasamid sa'kin. "May nag-aaya na ba ng kasal sa iyo na hindi ko alam, nak?"
Mabilis akong umiling ngunit binawi rin nang maalala si Keitaro.
"Hindi ho ako inaya ni Leon ng kasal, inaya niya ako para gawing prinsesa sa munting kasiyahan daw sa baryo. Tinanggihan ko naman agad 'yong gusto niya, balak ko ngang si Iyana ang ipalit sa pwesto ko."
Tumango siya at kumain.
Sa pag-uusap namin ngayon, napagtanto ko na may maganda silang relasyon ni Aurora. Mukhang malaki ang tiwala ni Rowan sa nag-iisa niyang anak.
"Nabalitaan ko ang tungkol sa bunsong anak ni Eireen. Ano ang nangyari roon?"
I scrunched my nose. Hindi ako nakasalita agad at wala akong balak mag-salita. Para bang wala akong karapatan mag-sabi ng kahit anong salita tungkol sa pagkamatay ni Sarathiel.
"Kumain ka na lamang, hindi na ako magtatanong pa," Anas niya. "Umiwas ka na lamang sa kapahamakan, anak. Wala ako sa tabi mo lagi upang ika'y protektahan. Kaya't kalmahan mo ang pagpasok sa sarili mo sa mga gulo."
Para bang may humimas ng puso ko sa mga sinabi niya.
Ganoon ba talaga sila mag-usap ni Aurora tungkol sa pakikipag-digmaan sa mga tao? Bakit parang normal lang sa kaniya ang tungkol dito? Ang kalmado pa niya at hindi man lang nagulat.
Ngumiti ako at hinawakan muli ang kubyertos.
Sa taon na 'to, maraming tao ang nakakaintindi sa'kin.
Nag-usap kami tungkol sa pagpapatakbo ni Rowan sa pagamutan niya. Minsan daw ay matumal ito ngunit mas sangayon daw siya roon. Dahil syempre, kaunti lang ibigsabihin ang may sakit o sugatan.
Nakikita ko kung gaano siya dedikado sa kanyang mga tao. He's nice and knowledgeable.
Nag-udyok si Rowan na mag-hugas ng pinagkainan ngunit tinabla ko ang nais niya. Akala ko nga ay matatagalan kami sa pagtatalo at pagsusuyuan ngunit sa huli ay ako rin ang naiwan sa bahay upang mag-hugas. Umalis si Rowan kaya naiwan akong nagliligpit sa bahay.
Habang nag-liligpit ay para akong tanga na palinga-linga. I was waiting on Iyana to show up. Desperada akong ipaliwanag sa kaniya na hindi pareho ang nararamdaman namin ni Prinsipe Leon sa isa't isa.
Pero kung pilit niyang nilalayo at tinatago ang sarili niya sa akin ay wala na akong magagawa pa. Hindi ko naman pwedeng ipilit kung ayaw naman niya. Basta sinubukan kong hanapin siya at hindi binalewala lang.
"Oh,"
Paakyat na sana ako sa silid ngunit napahinto sa harapan ng kahoy na upuan. Tinitigan ko ang bilog at makinang na bagay na alam kong pagmamay-ari ni Rowan. Napaisip ako. Sa pagkakaalam ko ay hindi siya papapasukin sa isang lugar kung wala ito sa kaniya.
Babalik kaya 'yon? Paniguradong malayo na siya para balikan pa ang bagay na 'to. Pero... baka naman nasa pagamutan siya unang nag-tungo?
Nag-palit ako ng damit at nag-ayos ng sarili. Nag-tungo ako sa gamutan at akmang liliko na ngunit naaninag ang likuran ni Rowan. Sinubukan kong tumakbo ng mabilis ngunit mahaba ang palda na suot ko kaya dumadausdos ito sa lapag.
Napamura ako sa isipan.
"Ang lampa mo naman, Katana! Wala na! Hindi mo na nahabol si Rowan!" Pagalit ko sa sarili. Hinila ko ang dulo ng palda at hirap na nag-lakad.
Laking pasasalamat ko at wala masiyadong tao na paharang-harang sa paningin ko. Nakita ko si Rowan na pumasok sa isang pribado at malawak na lugar. Hindi ko alam kung anong lugar iyon ngunit sinundan ko siya.
Dumungaw ako nang marating ang bungad ng lugar. Madilim ang nasa loob dahil walang pumapasok na liwanag ng araw. Ang mga kandila lang ang mga nagsisilbing ilaw sa loob. At sa tingin ko ay may kung anong tunog sa loob. Tambol ata iyon o ano.
I don't know but I feel strange. I feel uneasy.
Sigurado naman akong tama ako. Na ito ang pinasukan ni Rowan.
Just as I was ready to step in, I noticed Iyana passing by me and heading into the dimly lit area. Binalandra niya sa lalaking nakasuot ng itim ang bilog na katulad ng hawak ko. Nakita ko ang pag-tango ng lalaking naka-itim, mukhang pinapayagan siyang pumasok.
Tumakbo ako sa kaniya at hinigit ang braso. "Iyana, anong ginagawa mo rito?"
Tama naman ang daan na pinasukan ko, hindi ba? Maaaring may trabaho sila ni Rowan dito. Tinago ni Iyana ang bilog na hawak sa likuran at gulat na tiningnan ako.
"Ikaw ang... ano ang iyong pakay?"
Hindi ko alam kung bakit para siyang nakakita ng multo. Hindi niya ba ako inaasahan dito?
"Nasa loob ba ang Ama?" Tanong ko at nag-aalangan naman siyang tumango. Inilahad ko ang bilog na kung ano sa kaniyang palad. "Pasabi na lang na naiwan niya 'yan sa hapag pagkaalis kanina. Aalis na ako..."
Hindi ko gusto ang pakiramdam ko sa lugar. Ang uncomfy.
Hinintay ko na makapasok si Iyana sa loob bago ako tuluyang nag-lakad. Napahinto na lamang ako nang matanaw ko sa hindi kalayuan ang pamilyar na lalaki. Nakasandal ang katawan niya sa puno at dinudungaw ang lugar na kakalisan ko lamang.
"Anong ginagawa mo rito?"
Napansin ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya. Nawala rin ang gulat doon nang mapagtanto na ako ang nasa harapan. Medyo tinagilid niya ang ulo n'ya at akmang magsasalita ngunit napahinto.
"Ryuu!" I shouted.
Hinawakan niya ang kamay ko at binuhat ang buong timbang ko gamit ang isa niyang braso. Napadikit ako sa kaniya habang hinahabol ang hininga.
Katana, ano ba?! I nearly fell onto the rocks!
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?!" Asik ko. "Kung hindi sana kita nakita rito, e 'di sana hindi ako mapapadpad dito!"
Dumilim ang kaniyang mga mata at luminga sa paligid. "Sarili mo ang tanungin mo. Masama ang iyong pakiramdam ngunit nandito ka. Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka sa inyong bahay?"
"Pinagsasabi mong masama pakiramdam ko-"
"Mainit ka, Aurora."
Napalunok ako. Inalis ko ang kamay niya sa'kin at bahagyang lumayo. I felt my feverish temperature and checked myself stupidly, then scoffed.
Nilagnat na ako sa sunod-sunod na kamangmangan na nangyayari sa'kin!
"Wala kang pake," I snored at him. "Anong ginagawa mo rito? Tinatanong kita pero hindi mo sinasagot. Tungkulin ko ang tanungin ka dahil gampanin ko na protektahan ang lugar ko. Malay ko bang spy ka galing sa Humilton?"
Dumaan ang hindi makapaniwalang tingin sa kaniya.
"Ikaw ang natatanging prinsesa ng Ventnor, Aurora. Dapat ay alam mo ang nangyayari sa iyong lugar simula noong nakaraang linggo,"
I gritted my teeth. "Paano ko malalaman kung lagi akong nasa palasyo ng Humilton?"
Tumikham siya at mapait na humugot ng hininga. Mukhang masamang balita ang sasabihin niya base sa ekspresyon at kulay ng mukha niya. Dadagdag na naman ba ito sa isipin ko?
"Hinihinala ng hari na ang mga nakapaloob sa lugar na ito ay gumagawa ng mga krimen."
Kung totoo ang sinabi niya... posibleng kabilang dito si Rowan? Imposible, Katana.
Inangat ko ang kilay ko at sarkastikong tumawa. "Pinagloloko mo ba ako? Talagang may krimen sa taon na 'to? Kung ganoon ay bakit malaya ang pagpatay sa kung sino?!"
Kung may krimen ay paniguradong may batas. Ngunit bakit hindi nila malimitahan ang pagpatay dito? Ganoon ba kahina ang tagapagtupad? Hindi ba't si Talaitha ang kabilang sa mga mataas na politiko rito?
He looked at me. Bahagyang lumamlam ang kaniyang mga mata.
"Umuwi ka na't magpahinga," Dagdag niya, hindi man lang naging konektado sa tanong ko.
Halata naman sa kaniya na gusto niyang iwasan ang tanong ko. Maski nga siya ay daan na ang napatay na tao... o baka nga libo pa.
"Ayo'ko nga!"
"Aurora," Tawag niya.
"Ano ba?"
"Pinapatawag ka ng hari."
Noong una ay hindi ako naniwala sa kaniya. Ngunit noong ipakita niya ang liham patawag ay sumama ako sa kaniya. Naglakbay kaming dalawa patungo sa kaharian ng Humilton. Hindi kami nagiimikan at tahimik lamang.
Alam kong marami siyang gustong sabihin sa akin ngunit ramdam niya rin ang distansya ko sa kaniya.
"Kamahalan, pinapatawag niyo raw ho ako?"
"Maupo ka,"
Nilunok ko ang takot sa kalamnan ko at sinunod ang utos niya. Umupo ako sa harapan malapit sa kaniya kung nasaan nasa harapan ang Heneral at ang militar na si Noel. Mukhang seryoso ang pag-uusapan namin.
"Maraming kabataan na galing sa Ventnor ang nawawala,"
Ayon ba ang tinutukoy ni Ryuu sa'kin kanina?
"Mayroon kaming pinaghihinalaan na pribadong lugar. Iyon ay ang Peham ngunit natuklasan naming kami ay mali noong hinayaan niya kaming halughugin ang buong kaharian," Seryosong paliwanag ng heneral.
Ni hindi ko magawang tumingin sa kan'ya. Nandidiri ako na tila ba bumabaliktad ang sikmura. Paano ba naman ako magkakaroon ng maayos na relasyon sa kaniya pagkatapos ng mga pangyayari sa Peham?
He didn't even hesitate to point the sword at my neck.
"Wala masiyadong tao sa Argyll kaya't mabilis namin itong nabigyan ng seguridad. Ang apat na kalapit lugar na lamang ang kailangan naming pagtuunan ng pansin. Una roon ay ang Ventnor."
Isinandal ko ang likuran ko sa lingkuranan ng upuan at pinagkrus ang mga braso. Gusto kong umirap at ipawalang bahala ang mga sinasabi nila sa'kin. Ngunit ako ay isang prinsesa na sicarius at isa pa ay ang taga-ensayo ng mga prinsipe.
Kahit na anong pag-ayaw ko ay wala akong magagawa.
"Inilahad ni Prinsipe Ryuu na siya'y gumawa ng imbestigasyon sa Ventnor kanina lamang. Natagpuan niya ang bagong tayo na tagong pasilidad sa pinaka-dulo ng Ventnor. Nakakapag-taka ang isang iyon dahil kailangan dumaan kay Talaitha ang mga lupa bago ito matayuan ng gusali,"
Hindi ko alam kung bakit nila sinasabi sa'kin ang tungkol dito. Magsasalita sana ako ngunit hindi ako pinahintulutan ng Heneral. Ibinalandra niya sa gitna ng lamesa ang isang bagay na nagpahulog sa aking panga.
Ito ay ang gintong makintab na bilog na bagay. May kung anong simbolo iyon sa gitna, kaparehong-kapareho ng kung ano ang nakita ko kay Rowan.
Pinagkrus ko ang braso ko at lumunok. "Ano ang mayroon diyan?"
"Ang lahat ng mayroon ng bagay na ito ay kasapi ng tinatawag na grupo. Pamilyar ka ba rito?"
That made me halt. Nag-iwas ako ng tingin sa Heneral ngunit agad na nagtama ang mga mata namin ng hari. Tinikom ko ang bibig ko at lumunok. Pasimple akong nag-iwas ng tingin sa hari at agad na tumama ang mata sa lalaking kakaupo lamang sa tabi ng Heneral.
Nakatingin na siya sa'kin bago ako tumingin sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang ang pag-doble ng kaba. Mas lalo akong na-blanko at hindi alam ang isasagot.
"Prinsesa?"
Nakagalaw lang ako nang tawagin ako ng militar na si Noel. Mukhang lahat sila ay handa nang marinig ang sagot ko. Napaisip naman ako, hindi maiwasang mag-taka sa nangyayari.
Kung mayroon ng bagay na iyon si Rowan ay posibleng isa siya sa kanila?
At kapag sinabi kong oo ay madidiin sa kapahamakan si Rowan? Maari namang nagkakamali lang sila sa iniisip nila. Hindi naman masamang tao ang ama ko.
"Hindi," Diretso kong sagot at tumuwid sa pagkakaupo. "Paano kayo nakakasiguradong totoo ang hinala ninyo? Kilala ko ang mga tao sa Ventnor, mababait sila at hindi makakagawa ng pinagbabawal na grupo,"
I believe there are both positive and negative consequences to denying it. Pero wala akong pakialam, gusto ko lamang tutukan ang magandang epekto. At iyon ay ang protektahan si Rowan.
Sigurado akong may dahilan siya. Sigurado akong hindi niya ito balak itago sa'kin ngunit naghahanap lamang ng magandang tiyempo. Sigurado ako roon.
"Natagpuan namin ang presado na ito malapit sa pribadong lugar na iyon. Maaaring ito'y nahulog bago pumasok sa loob-"
I cut the Heneral off. "Katulad ng sinabi mo ay maaring nahulog ito ng kung sino. At kung sa lupa ay paniguradong nahuli lang iyon ng pag-rehistro. Hindi tayo maaring mag-akusa ng ganoon kadali,"
Ni hindi ko alam ang sinasabi ko. Basta ang alam ko ay tindig akong nakaupo at pinapakinggan ng apat na armado at hasa sa pakikipaglaban na mga nasa matataas ang posisyon.
Tumingin ako kay Ryuu. Ilang beses akong napakurap ngunit siya'y nakatitig lang sa'kin. May kung anong mensahe ang pinaparating niya sa pamamagitan ng malalim niyang pag-tingin ngunit hindi ko iyon matukoy.
His eyes softened, making me gulp. Iniwas ko ang tingin ko at luminga sa Hari.
"Bilang manggagamot, sa tingin ko'y may problema sa pag-iisip ang prinsipe na si Ryuu. Maaaring tumama ang kaniyang ulo sa matigas na bato noong nasa kaharian siya ng Peham. Huwag ninyo siya bastang paniniwalaan."
Namuo ang pagkagulat ng apat sa aking sinabi. They all looked at me with a disappointed and amused look. Umalingawngaw ang tipid at sarkastikong tawa ni Ryuu sa tainga ko.
Nag-tama ang mga mata namin ni Ryuu ngunit iniwas ko rin ang tingin ko sa kaniya.
Ayo'kong makatitigan siya. Ayo'ko ng nararamdaman ko kapag nagtatama ang mga mata namin. Parang ang laking mali...
"Hindi ko maintindihan kung ano ang iyong sinasabi," Mariin na ani Ryuu.
Hindi ko siya pinansin at bumaling kay Noel. Umagap naman agad si Noel nang tumayo ako mula sa pagkakaupo. Yumuko ako sa hari bilang paggalang. Handa na akong umalis ngunit hinarang ni Noel ang pag-alis ko gamit ang mga salita niya.
"Kung ganoon..." Lumunok siya. "Ibibigay ko ang presado na ito sa iyo. Ikaw ang naatasan naming mag-maman kung may kaguluhan o kataka-takang kilos na nagaganap sa iyong lugar. Malaki ang tiwala namin sa iyo, nawa'y hindi mo kami biguin."
Napatitig ako sa presado. "Maaasahan mo ako."
Natapos ang pag-uusap at sa halip na umuwi ay nag-tungo ako sa bukana ng Humilton. Inaasahan ko na makikita ko si Keitaro. Wala kaming pagsasanay ngayon kaya't hindi ko pa siya nakikita.
Labis na akong nagtataka kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa niya.
Should I say I miss him? Kahit na... hindi siya ang tigreng-ibon?
"Bakit mo iyon ginawa?"
Umarko ang kilay ko. Boses iyon ni Ryuu mula sa likuran ko. Hindi ko pa man din nakikita ang mukha niya ngunit sigurado akong punong-puno ito ng pagtataka. Siguro nga ay mukha pa siyang apoy na nagliliyab dahil sa galit.
"Ano ang iyong ibig-sabihin na hindi totoo ang aking nakita? Na ako'y nasisiraan lamang ng bait?"
Hindi ko ito sinagot at nagpatuloy sa pag-ayos ng sandata sa katawan.
"Aurora," Diin niya sa pangalan ko na nagpatingin sa 'kin. I looked at him directly in his eyes. Nilabanan ko ang pag-titig niya ngunit hindi rin nakayanan nang makita ang pag-igting ng mga panga niya.
"Ano ba 'yon?" Inis kong tanong.
"Kaya mo ba sinabi ang mga iyon dahil kabilang ka sa grupo nila?"
Doon ako natigilan at hindi makapaniwalang tinagilid ang ulo. Sandali ko siyang tinitigan bago nagpakawala ng sarkastiko ang malakas na pagtawa.
"Anong pinagsasabi mo-"
He grabbed my arms, which made my jaw drop. Mahigpit iyon kaya buong lakas niya akong nalapit sa kaniya. Lahat ng pagiging kalmado niya kanina ay naglaho sa kaniya. Napalitan ito ng galit.
Dumagundong naman ang dibdib ko sa hindi malaman na dahilan.
He was clenching his jaw too much. Magulo ang buhok niya at hindi pa humuhupa ang sugat na natamo niya galing sa kaharian ng Peham. Bakas niya madilim niyang mga mata ang matinding galit.
No, Katana... you shouldn't be scared.
"A-Ano ba?!" Asik ko, pilit na nanlalaban sa malaki niyang braso. "Bitawan mo nga ako!"
Hindi siya natibag at mas lalong hinigpit ang pagkakahawak sa'kin.
"Huwag mong sabihin na kabilang ka sa grupo na iyon kaya't pilit mong pinagtakpan," He gritted his teeth. "Konektado ba ang pangyayaring ito noong natagpuan kita sa kagubatan ng Argyll? Balak niyo bang paslangin ang hari?!"
His shout... It made my tears fall.
Agad kong dinipensahan ang sarili ko sa pamamagitan ng tipid na pag-iling. "Ewan ko sa 'yo, Ryuu. Hindi ko nga alam 'yang pinagsasabi mo! Bitawan mo na nga ako, nasasaktan ako!"
Marahas niyang binitawan ang braso ko. Humakbang naman ako paatras at napansin ang pag-daan ng labis na pag-aalala sa kaniyang mga mata nang tingnan n'ya ang namumula kong braso.
"Paumhin." He said, softly.
Magsasalita pa sana ako ngunit wala siyang sabi na umalis sa harapan ko. I hold onto my arms and gradually close my eyes. Hindi ko inaasahan na paparatangan ako ni Ryuu ng ganoong bagay...
Ngunit... paano kung totoo ang sinasabi niya? Konektado ba iyon sa pagpatay sa hari?
Inayos ko ang sarili bago tuluyang sinimulan ang paglalakbay patungong Ventnor. Hindi na ako gumamit ng kabayo kahit na pinapahiram ako ni Noel. Mas gugustuhin kong mag-lakad mag-isa kaysa sa magpakahirap sa pagsakay ng kabayo.
Kapag nagkataon, baka sabihin ni Ryuu sa hari na kasabwat ako sa grupo na iyon. Hindi pa naman sila sigurado. Paniguradong hindi ako tatantanan ni Ryuu lalo na't pinaratangan na niya ako noong una pa lamang na kasabwat sa pagpatay sa hari.
Ngunit sigurado ako na mali ang sinasabi ni Ryuu. Mabait si Rowan at hindi gagawin iyon. At si Iyana, hindi niya rin magagawa 'yon.
"Nais kong bilhin ito,"
Huminto ako sa isang bilihan ng mga laso sa bangketa. Alam kong hilig ni Cynthia ang mga laso na kulay lila. Paniguradong magugustuhan niya ito at sasapat bilang regalo sa kaniya sa nalalapit niyang kaarawan.
"Ganoon ba? Heto." Inabot ng tindera sa akin ang sapot na naglalaman ng binili ko. Nag-abot naman ako agad ng barya at tatalikod na sana.
"Nasaan ho ang nireserba ko? Kukuhanin ko na."
Nagkatanginan kami ni Iyana. Mabilis na nahulog ang ngiti sa labi niya nang makita ang sapot na bitbit ko.
"Ito ba 'yon?" I asked.
Hindi niya ako pinansin at inis na naglakad palayo. Narinig ko ang paghingi ng paumahin sa kaniya ng tindera ngunit hindi niya rin ito pinansin.
I rolled my eyes. "Hoy!"
Halos magkandarapa na ako kakahabol sa kaniya. Gusto kong hablutin ang buhok niya sa inis ngunit hindi ko magawa. Dapat ko bang pahabain ang pasensya ko kung siya ang pagpapasensyahan?
"Hoy, babae! Alam kong naririnig mo ako! Kung ito 'yong pinareserba mo, ito na. Ibibigay ko na sa 'yo!"
She then stopped. Kumibot naman ang labi ko at inis na pinasadahan ang buhok.
"Arte pa, hihinto rin naman." Bulong ko. Napunta kami sa isang tagong lugar dahil sa kakatampo niya sa'kin.
"Hindi ko maintindihan kung bakit lagi mong ginugulo ang buhay ko. Lagi mong inaagaw ang mga bagay na pinagpapantasyahan ko. At... ang lalaking nais ko,"
Sarkastiko akong natawa. "Hindi ko inaagaw sa 'yo si Leon, Iyana. Wala akong gusto sa kaniya at hindi ko siya pinakitaan ng kahit ano para mahulog siya sa'kin. Ginagalang ko nga kayo. Naglalaan pa nga ako ng oras para lang ibigay ang liham mo sa kaniy-"
"Porket ba'y ika'y prinsesa? At ako'y isang pangkaraniwang babae lamang na madalas na naninilbihan sa inyo?!"
Kumunot ang noo ko. "Ewan ko sa 'yo, Iyana! Sinabi ko na ngang wala iyan sa ranggo. Ano naman ngayon kung naninilbihan ka? At kung prinsesa ako? Parehas lang naman tayo ng hangin na hinihingahan 'di ba?!"
Nakakainis talaga itong mga taong nahilig ikumpara ang kanilang ranggo sa'kin.
"Maang-maangan! Patago kang nakikipagkita kay Leon kahit na alam mong ako'y may gusto sa kaniya!"
I sarcastically rolled my eyes. Ang hirap kausap ng mga mangmang!
Inis kong binuka ang bibig ko ngunit natikom din agad. I withdrew a single step and swallowed. May kung anong kaba ang bumalot sa'kin nang bumaba ang tingin sa kamay niya. May hawak siyang patalim at ang paraan ng pagkahawak niya ay handa na itong itahak sa'kin.
"Ginagawa mo?" Taka kong tanong, kuryoso sa paglabas niya ng patalim.
Hindi ko maiwaksi ang kaba sa 'kin.
Wala sa ulirat ang babaeng 'yan. Kahit anong sabihin ko ay hindi siya matitinag dahil dalang-dala siya sa puot na nararamdaman niya.
"Dapat sa 'yo ay pinapatay!"
As she dropped the bomb, I ran as fast as I could.
Alam ko ang kakayahan ni Iyana. Matapang siya at magaling din sa pakikipaglaban dahil lumaki ito galing sa bukid. Alam kong mas malakas siya sa'kin. Paniguradong hindi s'ya magdadalawang isip puksain ako nang patago.
Nasisiraan na ba talaga ng bait ang isang iyon? Dahil lang sa lalaki?
"Wala kayong pinagkaiba ni Violet! Mga mangmang!"
Napahinto ako nang makita ang tila ba tigre sa sobrang bilis. Sakay ng kabayo, hinabol niya ang babaeng kaninang humahabol sa'kin.
Sino 'yon?
Imbis na dumiretso sa pagtakbo ay lumiko ako at binalikan ang kaninang dinaanan. Para akong batang naliligaw sa gubat dahil sa pag-linga sa buong kagubatan.
Tila ba huminto ang paglakad ko nang makita ang pamilyar na likod ng isang prinsipe. May dala siyang pana habang nakasakay sa kumakaripas na kabayo.
Anong ginagawa ni Ryuu rito? Paano niya ako nahanap? Hindi ba't nasa kaharian ng Humilton ang isang ito?!
"Ryuu!"
I shouted from the top of my lungs. Akala ko ay maaabutan ko pa sila. Ngunit nahuli siguro talaga ako. Huminto ako sa pagtakbo at agad na napadausdos sa damuhan. I looked away from their direction while blinking repeatedly.
Ni hindi ko mawari ang tibok ng puso ko.
Saktong-sakto sa puso ni Iyana ang pagtama ng pana na binitawan ng Prinsipe.
"R-Ryuu?"
Lumaganap ang may kalaputan na dugo ng babae sa kaniyang pana pababa sa kamay niya. Lumunok ako at nag-baba ng tingin sa dumausdos na katawan ng babae.
"Aurora,"
I looked at him. Pakiramdam ko ay napaso ako. Para akong tumitingin sa araw kaya't nag-iwas agad ako ng tingin. Hindi ko yata kayang tingnan siya matapos ang ginawa niyang pagpatay sa kaibigan ko.
^______________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro