Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

labing lima

Kung ganoon... tama nga ang hinala ko. 

si Keitaro ang tigreng-ibon...

There was a small jump in my heart for unknown reasons. Siguro dahil tama ang instincts ko? O baka nararamdaman ko ito dahil tumugma sa hinahanap ko ang lalaking gusto ko?

"Prinsesa," 

The sound of the familiar voice made me quickly look up. Kasalukuyan akong nasa likod ng mga rehas, hindi mawari ang tunay na nararamdaman. Aaminin kong nag-aalala ang sarili ko sa hindi matukoy na tao.

Dahil sa'kin? Kina prinsipe Sath at Leon? Kay Keitaro?... o kay Ryuu?

Bahala na. Ang mahalaga ay mapapabilis ang pagbalik ko sa taon na kung saan talaga ako nag-mula. Mabuti na lang at nangyari ang mga bagay na 'to; na nakuha ng mga armado ang prinsipe na si Ryuu para maging dahilan nang pag-amin niya.

Ngayon ay naniniwala na ako sa sinasabi nilang sometimes, the wrong train takes you to the right station.

"Prinsesa," 

Mabilis na tumama ang mga mata ko sa pamilyar na mata. After a few minutes of staring into his eyes, I got up from my seat as soon as I realized who it was that was in front of me. 

Kung hindi pa niya ipapakita ang malalim niyang dimple ay hindi ko siya makikilala dahil sa kadahilanan na nakasuot siya ng pang-armado.

Sabi na nga ba... hindi dapat ako mabahala sa kalagayan namin dahil alam kong may tulong na lalapit sa'kin. Favorite talaga ako ni Lord. 

"Anong ginagawa mo rito?"

"Shh, umupo ka lang, Prinsesa. Baka mahalata tayo ng mga armado..." Utos sa'kin ni Prinsipe Leon kaya naman kaagad ko 'tong sinunod at labis na nagtataka nang nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Nasaan si Prinsipe Sarathiel? Ayos lang ba siya? Nasa Matis na ba siya?"

Tuwid na nakatayo at nakatalikod sa'kin si Prinsipe Leon kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. I heard him cleared his throat.  "Nasa asotea siya ng kaharian na ito, Prinsesa. Nililinlang niya ang iba pang armado gamit ang inuming lambanog."

"Anong plano niyo?"

"Hindi pa kami sigurado sa magiging kalabasan, Prinsesa. Ngunit plano naming kumuha pa ng isang kasuotan ng armado at pag-panggapin ka rin bilang isa sa kanila." Seryoso niyang untag. 

Matipuno si Prinsipe Leon at mukhang may paninindigan sa sarili. Hindi na ako magtataka kung bakit hulog na hulog sa kaniya si Iyana at halos araw-araw ay pinagpupuyatan ang mga liham na ipapadala niya sa Prinsipe.

Maganda naman si Iyana, banyaga ang atake ng ganda niya. May paninindigan din ang babae sa kaniyang sarili kaya masasabi kong bagay silang dalawa ni Prinsipe Leon.

Ang problema nga lang... hindi sinusulatan ng pangalan ni Iyana ang mga liham na ipapabigay niya sa'kin kay Prinsipe Leon. Kaya't ang lumalabas sa pananaw ni Prinsipe Leon ay ako ang sumusulat sa kaniya ng liham.

"Paano tayo makakalabas?" Tila ba hindi maubos ang tanong sa isipan ko. 

"Inutusan ng barbaro ang tatlong armado na tumungo sa Lapi upang balikan ang dalawang Prinsipe na nakita nila kagabi," Humakbang paatras ang prinsipe sa'kin para walang ibang makarinig ng mga sasabihin niya. "Paniguradong lasing na ang tatlong armado na inutusan at maari tayong magpanggap bilang sila."

I gave him a thumbs up. Mukhang pinagplanuhan nila nang mabuti ang tungkol dito. 

"Bibigyan kita ng tanda kung kailan ka magpapaalam sa armado na gumamit ng palikuran. Iiwan ko ro'n ang kasuotan at kailangan ay makapag-palit ka kaagad dahil kailangan mong sumabay sa mga nagpaalam din na gumamit ng palikuran, Prinsesa."

Mas lumalim pa ang gabi nang hindi ko namamalayan ang oras. Nakadungaw lamang ako sa likod ng mga kinakalawang na rehas habang hinihintay ang pagbigay ni Prinsipe Leon sa'kin ng palatandaan na kailangan ko nang lumabas.

May mga naglalakad na armado at nagbabantay sa labas. Umaalis din naman sila ngunit paminsan-minsan lang kapag may gagawin o may kakausapin.

Mabilis na dumagundong ang puso ko nang makita ang naglalakad na si Prinsipe Leon sa harapan ko. Tatlong beses siyang sumenyas sa'kin nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

Go, Katana! Fighting!

"Ah!" I shouted from the bottom of my lungs. Napansin ko ang pagiging alerto ng mga armado at sabay-sabay na nilabas ang kanilang mga sandata. Napalunok tuloy ako.

Ang OA naman ng mga armado na 'to... parang naiihi lang naman... bakit may labasan ng sandata? Sana alam nilang sasabog na ang dibdib ko sa labis na kaba na nararamdaman.

It's not that I don't want to die. Ayaw ko lang mamatay sa ganitong paraan. Mas ayos sa'kin ang mahirapan sa malalang sakit kaysa ang mapatay gamit ng mga kamay ng ibang tao. 

Lumapit sa'kin ang isang armado. "Bakit?"

"K-Kailangan kong gumamit ng palikuran..." Anas ko, nakapikit pa ang mga mata habang ang mga kamay ay nasa tiyan para mas ganap ang pagpapanggap na iniinda ang sakit ng aking tiyan. 

Sana naman ay effective ang acting ko dahil kung hindi ay iiyak talaga ako.

Bahagya kong minulat ang mga mata ko upang panooring ang dalawang armado mag-bulungan kung papayagan ba akong pumunta sa palikuran o hindi. Mabuti na lang talaga at nadala sila sa ganda ko kaya heto ako ngayon, nasa palikuran.

"Nasaan ang kasuotan? Akala ko ba inihulog nila 'yon dito?"

Argh! Binigyan lang nila ako ng limang minuto! Kailangan kong sumabay palabas sa mga tao na nasa palikuran para hindi ako makagawa ng eksena!

Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ang kasuotan ngunit nawala rin ang ngiti na 'yon nang maamoy ang damit. Parang hindi nilabhan ng sampung dekada! Amoy paa, na kulob, na patay na daga o ano pang nakakadiri na amoy!

Sana naman mabango 'yong kinuha nila! Hindi ganito. Kadiri!

Having no other option, I wore it. I followed the people leaving the bathroom after hiding my clothes there. Para akong denedelubyo sa sobrang tibok ng puso. 

Mahilig ako sa mga pelikula na action pero ayaw ko naman maranasan 'yong mga 'yon sa totoong buhay.

Nang makalabas ay sinalubong ako ni Prinsipe Sath at Prinsipe Leon. Katulad ko ay nakasuot din sila nang pang-armado at mukhang handa nang mag-layag dahil sa mga armas nila na nasa gilid.

"Ang bango ng damit... sana naman pumili kayo ng mabaho 'no?" Sarkastiko kong usal.

"Huwag ka nang mamili, mamamatay ka na lang gusto mo pang mahalimuyak ang iyong kasuotan." Irap sa'kin ni Prinsipe Sarathiel kaya naman pinang-ikutan ko rin siya ng mga mata.

Hindi kasi nila nage-gets ang punto ko! Paano kung mahawa ako sa amoy na 'to?! Baho!

Napanisn ko ang malalim na pag-hugot ng hininga ng dalawang Prinsipe na nasa tabi ko bago tuluyang mag-martsa patungo sa lagusan ng kaharian. Napahinto naman kaagad ang dalawa nang mapansin ang barbaro sa harapan.

"Anong gagawin natin?"

Lumunok ako. "Ayos lang 'yan, alam naman na nila na may tatlong armado ang maglalayag 'di ba?"

Tumango ang dalawa sa'kin kaya pinangunahan ko na ang paglalakad. Gusto ko na talagang makalabas mula sa impyerno na 'to.

"Ngunit paano si Prinsipe Ryuu?" I halted when Prinsipe Sarathiel spoke. 

"H'wag kang mag-alala, babalikan natin siya kasama ang Heneral."

Iiwan ba talaga nila ang kapatid nila? Wala namang kasiguraduhan na mababalikan namin ang Prinsipe na si Ryuu dahil walang karapatang umapak ang Heneral at mga Militar sa kaharian na 'to. Maging ang Hari ay walang magagawa kapag nasa loob ng kaharian ang kaniyang anak.

That's how it works here

Sobrang komplikado. 

"Kayo'y tatlo?"

Sunod-sunod akong napalunok kasabay nang pagkawala ng sunod-sunod na mura sa isipan ko. Hinarang kami ng barbaro na may tripleng timbang ko ang laki at mukhang hasa na sa pakikipag-laban. 

Nahagip naman ng mga mata ko ang dalawang prinsipe sa tabi na mariin na nakapikit ang mga mata, halata ang panlalambot ng mga buto sa kanilang katawan. 

Alam kong alam nila na wala kaming laban sa isang barbaro na nasa harapan namin. 

"Maiwan ang isa sa inyo para dalhan ng pagkain at maiinom ang tagapagmana." 

Mariin akong napapikit ngunit dumilat din nang mag-salita ang barbaro, turo-turo ako. "Ikaw. Pumunta ka sa Asotea at dalhan ng pagkain at maiinom ang tagapagmana, maliwanag?"

Bakit ako?! Hindi ba pwedeng sina Sarathiel at Leon na lang?! Malas!

"Aya-" Tinapik ako ni Prinsipe Leon at umiling, senyas na sundin ko na lamang ang barbaro. "Ang ibig kong sabihin ay ako'y nagagalak dahil ako ang iyong naatasan maiwan dito sa halip na harangin ang mga sutil na prinsipe sa Lapi."

Tumalikod ako at saka nakahinga nang maluwag.

Patay na.... paano na 'to? May back-up plan ba sila? Mababalikan pa kaya nila ako? At saka... paano kung mahuli akong nagpapanggap lang bilang isang armado?!

Wala kang choice, Katana. 

Nag-tungo ako sa kung saan kumakain ang mga armado at kumuha ng buslo. Pinuno ko ito ng pagkain at ng maiinom bago tumulak patungo sa labas kung nasaan nandoon ang Prinsipe na si Ryuu.

Nag-mula ako sa dalawang libo't sampu. Hindi ko alam ang sistema sa taon na 'to. Wala akong kamalay-malay sa mga pagdiriwang at ritwal para sa alay na nagaganap. Hindi rin sapat ang kaalaman ko sa paghawak ng mga armas at mga paniniwala. 

Sa madaling salita... wala akong laban sa mga tao na nasa taon na 'to. 

Iisa lang naman ang nasa isip ng bawat tao; ang mamuhay at ang mabuhay. At para mabuhay, gagawin nila ang lahat kahit na ito ay pagpatay. Kahit ako rin naman... kahit nga gawin nila akong utusan ay ayos lang... basta't mabuhay lang ako.

"Ryuu," Huminto ako sa harapan niya at binaba ang buslo sa gilid niya. 

He was lying on the ground covered in blood. Hinang-hina siya at tila ba walang lakas dahil sa hindi pag-laban sa mga armado na hindi siya tinantanan hangga't hindi siya mapaamin.

Hindi ko tuloy maiwasang tanuningin ang sarili tungkol sa tumatakbo sa isip niya ngayon. Has he thought of a plan? Alam kong mayroon. Isa siyang magaling na mandirigma at may matulis na kaisipan. 

At... umaasa ako sa pagiging kalmado niya. 

Naputol ang tumatakbong kaisipan sa isip ko nang dumapo ang pagod niyang mata sa mga mata ko. An unsettling sensation suddenly played inside of me. Hindi ko alam kung bakit may kirot sa dibdib ko.

Dahil siguro ay guilty ako? Kasalanan ko rin kasi. Kung hindi sana ako nag-bigay ng suhestiyon na tumigil muna kami para kumain, dapat ay nasa Matis na kami at nagsasanay. 

"Kumain ka na," 

"Bakit ka pa nandito?" 

I glanced away in disbelief and heaved a sigh before looking back at him. "Sa tingin mo ba gusto kong nandito ako? At saka bugbog at sarado ka na nga, halata pa rin ang galit mo sa'kin."

Gets ko naman na galit siya sa'kin. Pero bakit naman pati sa ganitong uri ng sitwasyon? Hindi ba pwedeng magka-alyansa muna kami ngayon na gumawa ng plano kahit hanggang sa makalabas lang?

Tsk. Kailangan niya rin naman ang utak ko sa pag-paplano. 

"Bakit hindi ka lumaban? Bakit mo sinabi 'yong totoo? Alam mo bang matagal na nilang binabalak patayin ang tagapagmana? Hindi ka ba natatakot na mamatay?" Gusto ko mang isigaw ang sunod-sunod at walang katapusan na katanungan na iyan ngunit hindi ko magawa dahil baka may makarinig sa'min.

"Lo hice porque tu seguridad es más importante que la mía." He whispered using his breath.

Hindi ko alam kung bakit tumaas ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ang pagsalita niya sa ibang wika. Pero... wika ba 'yon? O binabasahan niya ako ng ritual dahil galit siya sa'kin? 

"Pinagsasabi mo? Kasama na naman ba 'yan ng kamangmangan mo?" 

"Umalis ka na, maari ba? Hindi ko gusto ang makita ka." 

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Hindi ko rin naman gustong makita ka. Sa totoo lang, kung may daan lang palabas dito'y marahil kanina pa ako wala."

I looked away from him and looked ahead. 

Lagi niya na lang akong pinagtatabuyan kahit hindi ko rin naman kagustuhan ang mapalapit sa kaniya. 

"Mag-tungo ka sa Asotea ng kaharian at idahilan na ika'y pinapatawag ng Barbaro. Kapag nandoon ka na'y matatagpuan mo ang hagdan pababa patungo sa kweba. Walang bantay doon dahil halos lahat ay takot pumasok-"

Kapansin-pansin ang paglaho ng liwanag sa mukha ko. "Bakit sila takot?"

"Usapan nila'y may tigre raw do'n."

Tumuwid ako sa pagkakatayo. "Ayaw ko na pala. Hindi na ako-"

"Hindi totoo ang tigre na sabi-sabi ro'n. Napatunayan ko iyon noong patago akong pumaslit sa kaharian na ito. Dumire-diretso ka lang at makakapunta ka na sa lagusan ng Matis."

I gave him a short glance and noticed him looking at me. Hindi ko maiwasang hindi mapalunok sa tuwing maiisip na papasok ako madilim na kuweba na ako lamang ang mag-isa. 

Hindi ako takot sa dilim... takot ako sa kung ano ang mayroon sa loob. 

"Paano ka naman?"

Sumilay ang ngiwi sa kaniyang labi. "Nag-aalala ka ba?"

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya gamit ang mga nanlilisik na tingin. Hindi ko alam kung bakit nagawa niya pang ngumiwi sa harapan ko sa kabila ng nasa panganib niyang buhay.

Para bang wala siyang takot sa maaaring mangyari sa buhay niya. 

"Humayo ka na, Aurora. Sisigaw ako kapag nakita ka ng barbaro kung sakali. Idahilan mo na akala mo'y may nakita ka ngunit ang totoo ay namamalikmata lamang at saka bumalik dito sa'kin."

I hesitate badly. 

Para bang kalaban ko ang mundo sa pagdedesisyon. Maraming maaring masamang epekto ang pumapasok sa isip ko sa oras na gawin ko ang bagay na sinasabi ni Ryuu. Ngunit hindi rin kakayanin ng sarili ko ang panghihinayang.

Bahala na... at least I will try.

Nag-tungo ako sa Asotea dala-dala ang dumadagundong na puso sa kaba habang puno ng pag-iingat. Huminto ako sa harapan ng kuweba at hindi nagdalawang isip pumasok sa loob.

Naniniwala naman ako kay Ryuu na walang kung anong mabangis na hayop ang nasa loob. 

Madilim ang buong kweba at tanging maririnig lamang ay ang pagaspas ng mga paniki. Hindi naman na bago sa'kin ang mga paniki dahil marami ako nakikitang ganito sa tambayan na madalas akong nagpapalipas ng oras.

I gave it a try, and I felt like the happiest woman alive when I saw a light coming from the outside. Tuluyan akong napadausdos sa buwalan ng kuweba at napatingala sa kalangitan, hindi makapaniwalang wala na ako sa kaharian na 'yon.

Thank you, Lord!

"Prinsesa!"

Tuluyang nahulog ang puso ko nang magitla sa matinis na boses ng lalaki na tumawag sa'kin. Nilibot ko ang mga mata ko sa mapuno na lugar at tuluyang nakahinga ng maluwag nang matagpuan ko ang prinsipe na si Leon na tumatakbo palapit sa'kin.

"Paano ka nakalabas?

Finally, I feel alive again. 

"Tinuro sa'kin ni Ryuu ang tagong daan na kweba patungo rito."

"Hindi mo siya sinama?" Puno nang pagtataka ang kaniyang mukha.

"Hindi ko siya nasama dahil ayaw niya. Mas mahihirapan daw kaming umalis doon kung bibitbitin ko ang bigat niya."

Prinsipe Sarathiel tightly closed his eyes. 

"Prinsesa, ang totoo niyan ay hindi nahuli ng mga armado ang prinsipe na si Ryuu. Nasa lagusan siya ng Matis noong madatnan namin... ngunit nang matukoy namin na nahuli ka ng mga armado ay para bang wala siya sa sariling pag-iisip nang tumakbo at nag-tungo sa kaharian ng mga armado."

Para bang binuhusan ako ng malamig na tubig. 

"Kung ganoon ay hindi nahuli ng mga armado ang Prinsipe?" 

Tumango-tango siya na mas lalong nagpakirot sa aking damdamin. Bakit naman gagawin ni Prinsipe Ryuu iyon para sa'kin? 

Hindi naman kami close. Hindi rin naman maganda ang relasyon namin sa isa't-isa. Anong rason para itaya niya ang ligtas niyang buhay para sa'kin? 

"Siya ang nag-bigay sa'min ng kasuotan na pang-armado at sinabing magtungo kami ro'n para sa 'yo," 

Imposible... ni ayaw niya nga akong makitang nandoon. 

"Kaya ba kayo nandoon dahil inutos niya?" 

Umiling ang dalawang prinsipe at si Prinsipe Leon ang sumagot. "Hindi naman sa ganoon, Prinsipe. Siyempre ay nais ka rin naming tulungan makalabas sa kaharian na iyon... hindi naman namin susundin ang prinsipe kung labag sa loob namin."

Tuluyan akong napasapo sa batok at bahagyang nag-unat. 

Ako pa rin pala talaga ang dahilan kung bakit na-ipit ang lalaki ro'n... ngunit hindi naman kasi niya kailangan gawin iyon. HIndi naman siya superhero o ano! Wala nga siyang laban sa mga armado... ano naman kaya ang pumasok sa isip ng mangmang na 'yon?

"Prinsesa, maari mo bang itago ang tungkol dito?" Naagaw ang atensyon kong muli kay Prinsipe Leon. "Malapit na ang kaarawan ng hari. Paniguradong mag-aalala siya ng lubusan sa oras na malaman ang nangyari sa prinsipe."

"Eh..." Natigalgal ako. "Paano natin kukuhanin ang prinsipe ro'n?"

"Hindi ko rin alam... pag-iisipan pa namin."

Hindi na ako umimik pa at halos mapuno ng ulap ang isip ko habang naglalakad. Tahimik lang din ang dalawang prinsipe at mukhang hindi na rin nila nagugustuhan ang kasalukuyang sitwasyon.

Nang makarating kami sa Matis ay agad na bumungad sa'min ang iba pang Prinsipe. Lahat sila ay may sari-saring tanong tungkol sa nangyari at bakit nahuli ang pag-dating namin. But I don't have the strength to answer them.

"Nakita niyo ba si Prinsipe Keitaro?" Tanong ko sa ilan. 

Gusto kong mag-tampo kay Keitaro dahil iniwan niya ako sa Humilton. Ngunit sa tuwing maalala ko ang sinabi ng militar na si Noel na nagpumiglas ang lalaki sa kagustuhan ng hari ay para bang napuksa kahit kaunti ang bigat sa dibdib ko. 

"Nag-tungo siya sa mga malalapit na lugar sa kagubatan upang hanapin ka, Prinsesa," Prinsipe Elias stated, and it made my heart wrench. 

Nag-a-alala ba siya? 

"Bakit daw?"

"Natagpuan niya ang iyong walang buhay na kabayo sa loob ng patibong at kasabay niyon ay ang pag-ugong ng balita mula sa mga tao na nakatira sa kagubatan na may natagpuan silang patay na bangkay ng isang babae,"

I froze from my spot. Natigalgal ako at hindi nakaimik. 

"Lubos na nag-aalala ang Prinsipe sa 'yo, Prinsesa. Hindi siya kumain at hindi rin nagpahinga, nagpatuloy lang siya sa paghahanap at para bang walang ideya sa pag-tigil hangga't hindi ka nasisilayan."

"Nasaan siya ngayon?"

"Sa pagkakaalam ko ay kasalukuyan siyang nasa lawa."

Tinuro sa'kin ni Prinsipe Elias kung nasaan ang daan patungo sa lawa na kung saan naroon ang Prinsipe na si Keitaro at iniwan din. Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang lalaki sa tahimik na lugar.

The spot is quite romantic. Gorgeous view of a green lake with a willow tree on one side. 

Isang patak ng luha ang dumausdos sa'king pisngi matapos makita ang malapad na likuran ni Prinsipe Keitaro. He was looking at the sky and seemed to be deep in thought. Magulo ang kaniyang buhok at maging ang kaniyang kasuotan.

"P-Prinsipe,"

Napansin ko ang pagkataranta sa kaniya nang humarap siya sa'kin at napalunok nang magtama ang mga mata namin. Punong-puno ito nang pag-aalala na kaunti-unting humuhupa habang tumatakbo ang oras na magkatitigan lamang kami.

I'm not sure why, but I cried and rushed to give him a tight hug.

Pakiramdam ko ay napawi at napuksa ang lahat ng takot na tumatago sa bawat katauhan ko. 

"Sabi ko na nga ba't hindi magtatagal ay makikita rin kita," Yevhen. 

^_______________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro