Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

labing apat

Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing ako'y naliligaw at hindi alam ang patutunguhan, natatagpuan ko palagi ang kaniyang mga mata.

Like we were being duped by chance.

"H'wag mo nga akong tawanan," Suway ko.

Kanina ko pa naririnig galing sa bunganga niya na para bang pinagtatawanan niya ako at minamaliit ang aking kakahayan. Pakiramdam ko tuloy ay dahil iyon sa nakita niyang pag-iyak ko.

Pero... big deal ba ang pag-show ng emotions?

Mukha lang akong dyosa pero tao ako. I have emotions just like everyone else. Natatakot ako, umiiyak, nagagalak, nagugulat o anumang emosyon ang nararamdaman. Everyone has the right to express their feelings.

Dahil kung hindi, sarili lang din natin ang mahihirapan kung kikimkimin natin ito.

"Hindi ba't ikaw ang pinaka-magaling na prinsesa sa buong kaharian? Paanong nangyaring umiiyak ka dahil lamang sa kadiliman?"

Lumipad ang tingin ko sa gilid nang marinig ang nang-aasar na boses ni Ryuu. Naniningkit ang mga mata nang tinitigan ko siya habang hinahayaan ang mabagal na pag-lakad ng mga kabayo na sinasakyan namin.

We started to continue our walk after just an hour. Ramdam ko na ang matinding pagod kahit na nakaupo at nakasakay lang ako sa kabayo.

Gusto ko sanang ayain si Ryuu na magpahinga muna saglit sa isang tabi ngunit parang hindi uso sa kaniya ang pagpapahinga. Mukha ngang wala rin siyang kapaguran. Gusto ko tuloy siyang tanungin kung ano ang source ng lakas niya.

"Sabing hindi nga ako natatakot sa dilim-" Kusa kong pinutol ang sinasabi nang biglang dumausdos ang kabayo na sinasakyan ko sa damuhan kasabay nang pag-tilamsik ko sa malayo.

Kaagad akong napadaing, pinupuna ang gasgas sa aking siko at tuhod.

"Ayos ka lang?" Mausisang tanong ni Ryuu.

Tumango naman ako at tumayo, mabuti na lang at na-balanse ko kaagad ang sarili ko gamit ang kamay dahil kung hindi ay baka tumama ang ulo ko sa bato.

"Mag-i-ingat ka... may mga patibong sa paligid," Banta niya sa'kin.

Naguguluhan akong nag-tungo sa likod niya. He inspects my horse, which is now dead and lying in its own blood due to an unknown trap.

"Nanghuhuli ang mga taong-gubat ng mga hayop na mapapadpad sa lugar nila at gagawing pag-kain."

"Kabayo? Gagawin nilang pag-kain? Iw?!" Seafoods lang ang alam kong mga species na pwedeng kainin. Nagtataka tuloy ako kung ano ang lasa ng kabayo kapag kinain? HIndi ba't nakakadiri?

Ganoon ba talaga sa panahon na ito?

Tila ba lahat ng nasa isip ko ay nabura at dali-daling napahakbang paatras nang tumayo si Ryuu at saka pumihit sa'kin. I twitched when he grabbed my arms to check my wound. Hindi ko maintindihan ngunit tila ba may kung anong kuryente ang dumaloy sa aking balat.

"Hindi ka kasi nag-iingat,"

Agad na umarko ang kilay ko at inis siyang pinanlisikan ng mga mata. "Para ipaalala ko sa 'yo, hindi ko naman alam kung saan ang eksaktong lugar ng pagtataniman nila ng patibong. At saka hindi ko masiyadong maaninag 'yong daanan kasi nga madilim!"

He crossed his arms and slowly released my arm, then tipped his head and narrowed his eyes at me. Napalunok tuloy ako.

Aaminin kong lagi na lang may kung anong 'di malamang nararamdaman ang nananalatay sa aking sistema sa tuwing tititigan niya ako gamit ang mga mata niya na tila ba ibubunyag na lahat ng sikreto ko.

Actually... I'm a little timid of him. Kaunti lang naman. Hindi katulad ng ibang tao na takot na takot sa kaniya. Wala naman kasi yatang dapat katakutan sa kan'ya.

"Ikaw ang namamahala sa kagubatan na ito, paanong hindi mo alam kung nasaan nag-lalagay ng patibong ang iyong mga tauhan, Binibini?"

Oh... gano'n ba 'yon? Hindi ko kasi alam... hala... ano sasabihin ko?

Lumikot ang mga mata ko at pakiramdam ko ay kakapusin na ako sa hangin. Hindi ko naman kasi alam ang ibang bagay tungkol kay Aurora. Mas marami kasi akong nabasang artikulo tungkol sa haring si Lycus.

Malay ko bang mapupunta ako sa katawan ni Aurora. E 'di sana nag-aral ako tungkol sa kaniya para mas matulungan ko ang sarili ko sa mga tanong nila rito.

"Ako na lang ang maglalakad at ika'y sumakay sa kabayo," Untag niya ulit.

Hindi ko man nakikita ang sarili ko pero paniguradong gumuguhit na ang liwanag sa mukha ko. Mabilis akong tumango dahil baka mag-bago pa ang isip niya at saka sumampa sa kaninang sinasakyan niya.

"Malayo pa ba-" Kusa kong pinutol ang sarili at napalayo ng tingin.

Hindi pala ako pwedeng mag-tanong tungkol sa layo ng lugar dahil kailangan kong umasta na alam na alam ko ang lugar.

"Dalawang oras na paglalakbay pa patungo sa Matis."

Napapikit ako, hindi na napigilan mapakamot sa ulo. Nakakainis! Ano bang trip ni Aurora at siya ang nag-bigay ng suhestiyon patungkol sa aktibidad na 'to?! Ako tuloy ang nagdurusa!

"P-Paano ka?"

Lumipad ang tingin sa'kin ni Ryuu kaya mabilis na nagtama ang mga mata namin. He was looking up at me, and since I was riding a horse, I was looking down at him. Nakatuwid ang tayo na hawak-hawak niya ang lampara na nagbibigay liwanag sa paligid.

"Anong paano ako?"

"I mean... ah... ang ibig kong sabihin, ayos lang ba sa 'yo ang dalawang oras na paglalakad?" Mausisa kong tanong na nagpahinto sa kaniya sa paglalakad at tinitigan ako, wala yatang balak iwaksi ang tingin sa'kin.

Did he misunderstand what I said? Nako, baka ma-issue at akalain niyang may gusto ako sa kaniya!

"Mali pala ako... sarili ko pala dapat ang tinatanong ko kung paano na ang sarili ko," Lumunok ako, mabuti na lang at naisipan ko ito ng dahilan. "Kasi nagugutom na ako. Hindi mo ba naririnig 'yong pagkalam ng sikmura ko? Parang may dinosauro na!"

Totoo naman ang sinasabi ko at hindi lang 'yon palusot 'no! Nagugutom na ako. Hindi pa nga ako nakapag-tanghalian dahil inuna ko ang pag-aayos ng mga gamit para sa paglalakbay. Saglit pa nga akong patagong nag-ensayo kung paano humawak ng tamang sandata at pana!

Ayaw ko naman na kasing mapahiya.

"May bayan na madadaanan pagkalabas ng gubat na ito. Maari kang kumain doon kung nasa iyong pagnanais."

"Huh?!" I rolled my eyes in amusement. "Ako lang ang magpupunta ro'n mag-isa? Hindi ka sasama? Kung gano'n h'wag na lang. Ayo'ko na pala. HIndi na ako kakain. Hindi na ako nagugutom. Mamatay na lang."

Ni hindi ko nga alam kung saan 'yong bayan na tinutukoy niya. Paano kung hindi na ako makabalik sa Ventnor ng buhay dahil sa pagiging patay gutom ko?

Narinig ko ang pag-halakhak niya. "Tila ba'y isang bata na nagmamaktol," Bulong pa niya sa sarili.

"Bakit ba ang hilig mong bumulong kahit na naririnig ko naman mga sinasabi mo-"

He cut me off. "H'wag kang mag-aalala. Wala akong tiwala na maibabalik mo pa ng buhay ang aking kabayo kaya't sasamahan kita."

Napangiti ako.

Okay... okay na 'to... minaliit niya ang kakayahan ko pero at least sasamahan niya ako.

Nagpatuloy kami sa paglalakbay at aaminin kong hindi ko maiwasang hindi maramdaman ang antok sa aking sistema. Sa ganitong oras kasi sa kasalukuyan ay natutulog na ako dahil naglilibot ang mga madre at inaalam kung sino-sino pa ang gising.

Kahit gaano ko kaayaw ang panahon kung saan ako nagmula ay hindi ko maiwasang hanap-hanapin ito. Kung papipiliin nga ako ay mas gugustuhin kong doon kaysa rito.

"Hindi ka ba inaantok?" Sinilip ko sa gilid ng mga mata ko si Ryuu na nasa gilid ko. Diretso pa rin ang katawan niya habang naglalakad at hawak hawak ang lampara. Para bang hindi siya dinadalawan ng pagod at ng antok.

Nakakainggit. O baka kasi unhealthy lang ang pamumuhay ko habang siya ay laging nag-e-ehersisyo?

"Hindi ka rin ba nagugutom? Ako kasi oo," Ngumuso ako.

Ramdam na ramdam ko na ang bigat ng mga tulikap ko. Pakiramdam ko nga ay ang pangit na ng tindig ko dahil hindi ko na talaga hilain pabalik ang tuluyang nahulog kong mga balikat dahil sa matinding pagod.

"Pagod na ako... parang binugbog buong pagkatao ko sa sobrang sakit ng katawan ko." Bulong ko sa hangin. Hindi naman ako kinakausap pabalik ni Ryuu kahit ilang beses ko siyang tanungin at subukang kausapin.

Mas mabuti pang sa hangin ko na lang ihain 'tong mga reklamo ko sa buhay. Kaysa naman kay Ryuu na para bang ako ang ginagawang hangin at dedma lang.

Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad at natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa isang syudad na halos lahat ng mga tao ay gising pa.

Marami yatang kakilala rito si Ryuu dahil naiwan niya kaagad ang kabayo niya sa isang kubo at sinabing babalikan na lamang. It seems like almost everyone is familiar with Ryuu this year. Siguro dahil sa malakas na appeal ng mukha niya?

Eh, ano naman? Bakit ako lang ang hindi nag-gugwapuhan sa kaniya?

Nagpatuloy si Ryuu sa paglalakad habang ako ay nakasunod lang sa kaniyang likuran, tila ba bata na hindi alam kung saan sila paparoon.

"Hindi ba't siya ang anak ng manggagamot na si Rowan?"

"Tunay ngang siya si Prinsesa Aurora," Tuluyang naagaw ang atensyon ko sa gilid ng maliwanag na tindahan ng pulseras at nakita ang tatlong matatanda na nakasuot ng sira-sirang damit.

Nakakatawa ngunit nakakailang din dahil sa tuwing paghakbang namin ni Ryuu ay maraming humihinto na tao na makakasalubong namin para lang yumuko at magbigay galang. Ibigsabihin ay ganoon katanyag si Aurora at si Ryuu rito...

"Sa pagkakarinig ko ay may misyon sila sa Matis... ngunit bakit nandito sila sa bayan ng Lapi? Mukhang aabutin sila ng umaga patungo sa totoong pupuntahan nila dahil sa pagliko patungo rito sa Lapi..."

Lumipad ang tingin ko sa likod ni Ryuu nang marinig ang sinabi ng isang matanda sa mga kakwentuhan. Nilakihan ko ang mga hakbang na ginawa ko para mahabol ang pag-lakad n'ya.

"Akala ko ba madadaanan lang natin ang lugar na 'to papunta sa Matis? Bakit lumiko na tayo?"

Bumagal ang paglakad niya kaya hindi ko kinailangan maglakad na para bang may tinatakasan na kalaban sa likuran.

"Hindi ba't ika'y nagugutom na?"

"Oo nga, pero hindi ko sinabing-"

"Nandito na tayo, Aurora. H'wag ka nang mag-reklamo at sumunod na lamang sa'kin."

I tightly closed my eyes. Kung bossy ako ay mas bossy ang lalaki sa'kin! Nakakainis! Para tuloy niya akong puppet at sunod-sunuran sa mga sinasabi niya.

We headed to a place full of light. Gawa ang lugar na 'to sa kawayan at tuyong dahon ng saging. Maraming lampara sa labas hanggang sa loob na mas lalong nagpaganda sa kainan. Maingay sa loob dahil maraming tao ang kumakain.

At tama nga ako, mamahalin ang kainan na 'to dahil kadalasan ng mga tao rito ay nakasuot sa mga damit na pang-matataas na ranggo at may posisyon sa buhay lang ang may kakayahan makasuot.

"Pumili ka ng gusto mo, may dadaanan lang ako saglit,"

"Iiwan mo ako?" Kunot noo kong tanong. "Mapipigil ko pa naman 'tong gutom ko... isama mo na lang ako sa dadaanan mo kaysa iwanan mo ako rito."

"Binibi-"

"Hindi naman sa hindi ko kaya ang sarili ko... kadi 'di ba, narinig mo naman na hindi pa ayos ang kalagayan ko? Paano kung bigla akong matumba rito't mamatay na lang? O kaya naman..." Napatikham ako.

"Sa taas lang ako, Binibini,"

Napahalukipkip ako at napakagat ng labi, tuluyang nilamon ng hiya.

"M-Malay ko bang doon ka lang... hindi ko naman kasi alam. At saka hindi ba't kasiyahan ang nasa itaas?" Narinig ko na bar ang nasa itaas. "Nag-iinom ka ba?"

Bahagyang umarko ang kilay niya. "Nakita ko ang dalawang dapat nasa Matis ngayon."

"Dalawang dapat nasa Matis? Dalawang prinsipe? Sasama ako nang malintikan ang dalawang 'yon. Hindi ba sila natatakot sa'kin at nagawa pang magkasiyahan sa lugar na ito? Mga walang galang! Dapat silang parusahan!"

Umakyat kami ni Ryuu sa pangalawang palapag. Agad namang bumalot sa tainga namin ang malakas na paghampas sa iba't ibang uri ng instrumento katulad ng Gandang, Tinonggo, at Saronay.

Sa gilid naman ng mga tumutugtog ay may mga kababaihan na sumasayaw at nakasuot sa pulang bestida na gawa sa Satin. Ang ibang tao na nandito ay sumasabay din sa pag-sayaw habang ang iba ay may kan'ya-kaniyang pinagkakaabalahan sa sari-sarili nilang lamesa.

"Akala ko ba nakita mo? Wala naman akong nakikita na prinsipe rito maliban sa 'yo-"

Halos matigalgal ako ng buksan ni Ryuu ang kahoy na pintuan at agad na bumungad sa'min ang kumpol-kumpol na mga tao. Lahat sila ay sumisigaw at para bang tensyonado ang lahat sa isang bagay na pinagkakaabalahan.

"Magkano ang iyong pusta?"

"Itong pana ko na yari ng hari ng Humilton!"

Umugong ang malakas na hiyawan sa buong lugar. Siniksik ko ang sarili ko sa mga lalaking nakaharang at agad na nakita ang Prinsipe na si Leon na may dalawang babae sa kaniyang gilid.

Napahugot ako nang malalim na hininga.

Naiintindihan ko sa ibang paraan ang mga prinsipe na gusto lang ang kasiyahan at ayaw ang pakikipaglaban. Ganoon din naman kasi ako sa hinaharap; napipilitang gawin ang mga bagay na hindi naman pasok sa kagustuhan namin kahit anong gawing pagpilit.

Tao lang din naman kasi sila... pero... ang hindi pagpunta sa Matis para mag-sugal sa Lapi ay ibang uri na. Hindi ko dapat 'to pinapalampas.

Akmang mag-sasalita ako ngunit nahagip ng mga mata ko si Prinsipe Sarathiel na may hawak ng may kalakihang bote ng alak. Napahinto siya sa paglalakad at nawaksi ang ngiti sa labi, mukhang nagulat nang makita ako.

Ngunit mas nagulat ata siya nang makita ang kapatid niyang si Prinsipe Ryuu mula sa gilid niya.

"Anong ginagawa niyo rito?"

Pinaningkitan ko ito ng mga mata. "Kakain sana ako sa baba pero inudlot niyo kasi nakita ko kayo-"

"Ako ang nakakita sa kanila."

Napasulyap ako kay Ryuu na nasa tabi ni Sarathiel. Ang competative niya talaga! Hindi ba pwedeng ibigay na lang 'tong chance sa'kin para naman kahit gaano ako kagutom ay maangas pa rin ako pakinggan?!

"Kung sino man ang nakakita, wala akong paki," Humakbang ako palapit sa Prinsipe na si Sarathiel. "Hindi ba't dapat ay nasa Matis kayo para sa pag-e-ensayo? Ano na lang ang sasabihin ng Heneral kapag nalaman na wala kayo ro'n?"

"Paumanhin, Prinsesa Aurora..."

"Talaga namang nag-lakas loob pa kayong uminom ng alak, mga lasenggo," I rolled my eyes. "Ibigay mo na 'yan sa iba. Papanoorin ko kayong umalis at bumalik sa paglalakbay patungong Matis. Tawagin mo na 'yong si Leon."

Mabilis siyang tumango at sumingit sa tumpok ng mga tao.

Lumapit siya sa kapatid na si Leon. "Umalis na tayo, Leon..."

"Bakit ako aalis? Alam mo bang nagsusugal pa ako rito? Narinig mo ba na tinaya ko ang pana na gawa ni Ama para sa prinsipe na si Ryuu? Kapag umalis ako'y lalabas na ang kalaban ang panalo kaya mapupunta sa kaniya ang espada. Paano na lang kapag nalaman ni Ryuu na wala na ang pana niya na gawa ni ama-"

Nagbago ang ihip ng hangin nang magkasalubong ang mga mata ni Leon at Ryuu. Panic quickly covered Leon's face, while Ryuu just calmly leaned himself against the door with crossed arms.

Kung gano'n ay ginawa ng Hari iyon para kay Ryuu? Natawa naman ako.

"Anong ginagawa ni Prinsipe Ryuu rito?" Bulong niya kay Prinsipe Sarathiel.

"Anong si Prinsipe Ryuu lang? Alam mo bang kapag tumingin ka sa gilid mo'y lalong mapupunta sa panganib ang buhay mo kaya mas mabuti pang umalis na tayo rito nang hindi tumitingin sa gilid." Bulong ni Sarathiel, halatang ako ang tinutukoy.

"Ikaw na," Matigas ang boses na ani nung kalaban niya sa sugal, mukhang naiinip na dahil sa tagal ng kasunod na tira ng Prinsipe na si leon. "Hinahanap ka na ba ng hari, bata? Kung gano'y ikaw ay nararapat nang umuwi at iwan mo ang sandata sa'kin."

"Asa ka, matanda," Giit ni Leon at saka ginalaw ang nilalaro nila.

Mukhang wala talaga silang balak umalis. Ngunit sige dahil mabait naman ako. Hahayaan ko muna silang patapusin ang isang laro bago tuluyang umalis. Wala naman na akong magagawa.

Tinaya kasi ni Prinsipe Leon ang pana ni Ryuu na gawa ng hari. Alam kong mas gugustuhin ng dalawang prinsipe na mapagalitan ko kaysa ang mapagalitan ng hari na si Lycus at si Ryuu.

Hahakbang sana ako palapit kay Ryuu ngunit napatigalgal nang marinig ang sigawan mula sa labas ng silid.

"May mga armado!"

"Hinahanap daw ang mga prinsipe na nag-tungo rito!"

"Sinong nag-pakalat ng balita na nandito ang ilan sa mga prinsipe?!"

Tumapyas ang lukot sa noo ko at hindi maiwasang tingnan si Ryuu gamit ang nagtatakang tingin dahil sa mga narinig. He looked around, and immediately his jaw clenched. Napansin ko ang pag-senyas niya sa'kin pero hindi ko nakuha ang mensahe roon.

Malay ko ba sa pinapahiwatig niya.

"Lumisan na kayo ng mga prinsipe... ako na ang bahala sa mga armado. Bilis!"

"Hah?"

Umusad siya sa akin at kaagad naman na bumaba ang tingin ko sa braso ko nang mahigpit niya itong hawakan. I was standing in front of him, clueless, while he was staring at me as if it were exceptionally serious.

"Sikapin niyong huwag makuha ng mga armado... babantayan ko ang inyong pag-alis patungo sa kagubatan ng Lapi. Kapag natunton niyo ang magarbong puno ng narra, lumiko kayo at pumasok sa isang maliit na eskenita. May daan doon patungo sa Matis. Maliwanag ba?"

Hindi ako nakaimik agad.

"Binibini, naiintindihan mo ba ako?!" His voice rose. Napakurap ako dahilan upang mapalunok siya.

"Itigil ang kasiyahan! Libutin niyo ang buong lugar at siguraduhing makukuha lahat ng mga prinsipe ng Humilton!" My trauma was finally triggered by an outside voice. Para bang binuhay nito ang mga ala-ala noong hinahabol ang mga magulang ko ng mga sibilyan.

Idinagdag pa ang pag-sigaw ni Ryuu sa'kin...

It's like I'm in that scenario again... kung saan kinailangan kong tumakbo palayo at sundin ang mga sinabi ng mga magulang ko na iwanan sila. At sa huli... napanood ko kung paano sila pinatay habang ako ay nagtatago sa likod ng puno...

"Paumanhin sa pag-taas ng aking tono."

Pinanood ko ang pag-lapit ni Ryuu sa dalawang prinsipe na tila ba walang kamalay-malay sa nangyayari sa labas. May binulong siya sa dalawang ito na ikinadahilan upang manlaki ang mga mata nila at agad na tumayo.

"Ngunit paano ka? Hindi ba't ikaw ang mas pinaghihinaalan nila?"

Umiling si Ryuu sa tanong ni Sarathiel. I saw as Ryuu pulled out his weapon and shattered the bamboo wall without thinking. Bumaling siya sa'kin at nilahad ang kaniyang kamay.

"Bilisan mo,"

Katana naman... hindi oras ngayon para maalala ang pagkamatay nila mama. Isipin mo na kapag nakaligtas ka rito ay mas malaki ang tyansa na mag-bago ang hinaharap at maligtas mo ang pamilya mo sa mga sibilyan!

Kinuha ko ang kamay ni Ryuu at agad naman niya akong inalalayan pababa. When I finally got down, I was about to let go of Ryuu's hand, but he held me even tighter.

"A-Ano?"

Bakas ang pag-aaalala sa kaniyang mata at ang iilan pang emosyon na hindi ko kayang mabasa. Tuluyan niya akong binitawan at saka sinunod na inalalayan pababa ang dalawang prinsipe.

"Tinuro ko ang sikretong daan sa prinsesa... mag-i-ingat kayo."

In a blink of an eye, I found ourselves passing through the path that Ryuu told me. Nadaanan na namin ang puno ng Narra at mukhang alam na ng dalawang prinsipe ang daan patungo sa Matis dahil sa sabay nilang pag-hugot ng malalim na hininga.

"Ano ang mga armado na 'yon?" Taka na tanong ko.

Palaisipan pa rin ngayon sa'kin kung para saan ang mga agresibong armado na 'yon at kailangan hanapin ang mga prinsipe. Ano ang pakay nila sa mga prinsipe?

"Mga armado iyon galing sa pangalawang kaharian. Nais nilang malaman kung sino ang tagapagmana ng susunod na trono sa oras na bumaba ang ama." Paliwanag ni Prinsipe Leon sa'kin.

"Bakit naman?"

"Nais nilang patayin ang tagapagmana at sakupin ang buong kaharian ng Humilton." Aniya pa dahilan upang mas lumalim ang pag-iisip ko sa mga maaaring mangyari.

"Anong gagawin nila sa prinsipe na makuha nila?"

"Papahirapan hangga't tuluyang mapa-amin kung sino ang susunod na kukuha sa posisyon ng ama," Sagot naman ni Sarathiel sa'kin. Bakas din ang takot sa kaniyang mga mata.

"Paano naman kapag hindi umamin 'yong nakuha?"

"Papatayin."

Hah? Eh... paano si Ryuu?

Ako ang nag-sabi na huminto kami saglit para kumain dahil nagugutom na ako. Paniguradong hindi ako pagtatakpan ni Ryuu at sasabihin ang totoo sa hari. Ano na lang ang mangyayari kapag nagkataon?!

Lagot ako sa hari...

Halos mapasigaw ako nang buong pwersa akong hinila pa-dapa ng dalawang prinsipe at sumenyas na huwag akong gumawa ng kahit na anong ingay. Napatingin naman ako sa gilid namin at halos manlaki ang mga mata nang makita ang magkakasunod na karwahe ng mga armado.

Hindi talaga ako makakatagal sa mundong 'to. Halos araw-araw ay nasa panganib ang buhay ko.

"Prinsesa, may ahas..."

Mabilis akong napagulong nang marinig ang bulong sa'kin ni Sarathiel. Nanginginig ang boses niya at tila ba takot na takot. Mariin niyang hinawakan ang bibig niya ngunit tuluyang kumawala ang sigaw do'n.

"Sarathiel naman..." Suway ni Leon ngunit huli na ang lahat.

Tumigil sa harapan namin ang karwahe ng mga armado at tila ba hinahanap nila ang kung saan nagmula ang sigaw na iyon.

Katana... ano na...? Paano na 'to?!

Bahala na. Mamamatay din naman.

I gave a forceful kick to the snake on Sarathiel's leg. Napansin ko ang pag-daan ng gulat sa mukha ng dalawang prinsipe sa ginawa ko.

"Tutal ako naman ang mas marunong makipaglaban..." Paubaya ko. "Pumunta kayo sa Matis at sabihin ang totoong nangyari. Sabihin niyong nangangailangan kami ng tulong. Okay?"

Hindi ko na hinintay ang pag-tango nila at tumakbo palabas sa malalaking dahon. Kaagad naman nag-tama ang mga mata namin ng mga armado kaya naman tinaas ko na lang ang dalawa kong kamay bilang pagsuko.

Bata pa ang dalawang prinsipe... hindi pa nila deserve ang mamatay.

Siguro nga kapag namatay ako ay makakabalik na ako sa pagiging Katana. Ayaw ko na rito.

Sinakay ako ng dalawang armado sa isang karwahe kung nasaan nandoon ang mga bihag. Bigla na lamang dumilim ang buong paningin ko nang hampasin ng pana ang ulo ko ng iilang armado.

Kinusot ko ang mata ko at napagtantong nasa kaharian kami ng hindi ko alam na lugar. Napahawak ako sa ulo ko dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labis na pagkahilo dahil sa pagpukpok sa'kin ng pana sa ulo.

Kung sino man ang punyetang pumukpok sa ulo ko ay sana'y mamatay na.

"Madali naman akong kausap. Buhay ng mga bihag o buhay ng taga-pagmana?!"

Tuluyan akong hinila ng mga armado patungo sa initan kung nasaan nakahanay at nakaluhod ang mga bihag nilang mga tao. They were all wounded and seemed to be weak. Humahangos pa ang iyak ng iilan dahilan para mas lalo akong kabahan.

Nakakatakot... kailangan ba talaga nilang gawin ito para sa kasakiman?

Nag-angat ako ng tingin at kaagad na nakita sa gitna ng malaking lugar si Ryuu. Nakaluhod siya sa initan at nakatali ang buong katawan habang ang mga mata ay nakapikit, tila ba walang balak sagutin ang mga armado.

May gasgas ang gilid ng kaniyang ulo at may malalim tama sa braso. Hindi pa rin tumitigil ang mga armado sa pananakit sa kaniya... pero parang wala lang iyon sa kaniya.

Ang tanga talaga niya. Bakit hindi man lang siya pumalag?

"Kuhanin niyo isa-isa ang bitag... paslangin ang lahat hangga't hindi umaamin ang prinsipe." Utos ng armado na halata namang nasa mataas na posisyon dahil sa agarang pag-sunod ng ilang armado.

Nag-simula sila sa pag-hila ng mga bitag at halos kapusin ako ng hininga nang makita ang walang pag-aalinlangan nilang pag-kitil sa mga buhay ng mga ito. Sigawan at iyakan ang bumalot sa aking tainga.

Lahat sila ay takot... galit... at walang kamuwang-muwang sa nangyayari.

Noong bata ako... takang-taka ako sa ideya na bakit pinapatay ng mga tao ang kapwa nila tao. Hindi ba't hindi iyon makatarungan? Ganoon ba talaga katindi ang galit nila at gumagawa ng labis na kasalanan?

My thoughts ended when the two men caressed me and placed me on top of the heat, where the people next to me were the people without life. Maging ang mga dugo nila ay kumapit na sa balat ko.

Natatakot ako... G-Gusto ko nang umuwi. Sana panaginip lang 'to.

Sunod-sunod akong napailing nang makita ang pag-bwelo ng armado na tila ba tuwang-tuwa sa ginagawa niyang pang-aabuso at pag-patay sa mga tao na walang ginagawa sa kanila.

"Parang awa niyo na, h'wag niyo akong patayin! Kahit gawin niyo na lang akong alipin! H-Handa akong maglinis ng bahay ninyo... mag-luto at ano pang gawaing bahay!" I shouted from the bottom of my lungs.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanginginig ng sobra ang buong kalamnan ko sa takot at maging ang pag-tibok ng puso ko ay hindi ko na maramdaman.

Pero parang nabuhayan ito nang imulat ni Ryuu ang mga mata niya at mabilis na nag-tama ang paningin namin. Napansin ko mula sa kalayuan ang pag-igting ng panga niya habang ang mga mata ay sumisigaw ng labis na pag-aalala at galit.

Umayos siya sa pagkaka-luhod.

"Hindi kayo makakuha ng sagot kapag sinaktan niyo ang mga bitag!" Lahat ay napahinto sa kaniyang malakas na pag-sigaw.

Narinig ko ang pag-tawa ng armado na nasa mataas na posisyon. "Paano naman kami magtitiwala sa 'yo, Prinsipe Ryuu?"

"Pakawalan niyo muna sila at saka ko sasabihin."

Malakas na humalakhak ang lalaki sa sinabi ni Ryuu ngunit kinalaunan ay sinenyasan ang ilang armado na pakawalan ang mga bitag. I quickly stood up and approached some captives to help them remove the rope from their bodies.

"Sabihin mo na..." Pangungulit ng armado ngunit ayaw sumagot ni Ryuu. Bumaling ang armado sa iilan n'yang kasamahan at may kung ano ang sinenyas.

Umarko ang kilay nung armado. "Paano kita mapagkakatiwalaan na gagawin mo ang iyong sinasabi?"

"Patayin mo ako kung hindi ako tutupad." Untag ni Ryuu na bahagyang nagpatigil sa'kin.

Bakit niya nasasabi 'yon? Hindi ba dapat ay nanlalaban siya sa mga armado at hindi sinusuko ang buhay niya na ganoon ganoon lang?!

Napatingin ako sa likuran ko nang sapilitan akong tinayo ng mga armado at hinila papasok sa isang templo.

Sanay'y muli akong matagpuan ni Prinsipe Keitaro.

"Sabihin mo na!" I stopped when I heard a shout coming from outside.

Naramdaman ko ang pilit na paghila sa'kin ng mga armado ngunit walang balak umabante ang mga paa ko.Gusto kong marinig kung aamin ba si Ryuu o hindi. Dahil sa oras na hindi ko marinig ang boses niya mula sa labas... alam kong hindi ko na ulit siya makikita.

Mabilis naman rumespo ang umaalingawngaw na pag-tawa ni Ryuu.

"Tagapagmana'y nasa harapan mo lamang, Ginoo,"

Nahulog ang panga ko. Umamin siya... siya ang tagapagmana?

"Paano ako maniniwala?!"

"Hindi totoo ang kumakalat na balita na ako ang tigreng-ibon,"

TIla ba nagpanting ang tainga ko nang marinig ang tigreng-ibon. HIndi ba't si Yevhen ang tigreng-ibon? Kung ganoon... kung hindi si Ryuu ang tigreng-ibon... sino?

Parang sasabog na ang isip ko sa sobrang daming tumatakbong isipin dito.

"Nasa akin ang kwintas bilang patunay na ako ang tagapagmana," Ryuu sounded so calmly. "Ako ang susunod na hari ng Humilton. Habang si Keitaro ang tigreng-ibon."

^_____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro