Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

labing anim

I felt Keitaro's arms around me as he hugged me back.

"Paumanhin kung kinailangan mong mag-lakbay mag-isa patungo rito... hindi ko natanggihan ang kagustuhan ng hari, Prinsesa," he said with a trembling voice.

Hindi ako nakagalaw kaagad dahil sa mahigpit niyang pagkakayakap. Para bang hindi niya na ako makikita... para bang mamamatay na ako dahil sa sobrang higpit ng yakap niya at halos hindi na ako makahinga.

"Keitaro..."

"Pangakong hindi ko hahayaang mangyari ang mga pangyayaring ito sa hinaharap... patawarin mo ako..."

Bahagya akong napayuko, hindi maintindihan ang para bang sasabog na nararamdaman. Dinaig ko pa ang binuhusan ng sobrang lamig na tubig matapos marinig ang pumipiyok na boses ni Keitaro.

Marahil ay madalas kong madatnan ang labis na pag-aalala sa mga mata ni Keitaro, ngunit hindi sa ganitong paraan. Siguro ay labis siyang nag-alala para sa'kin...

Congrats, Katana. You did worry him.

"A-Ayos lang ako, Prinsipe," I patted his back gently, trying to comfort him. "Wala namang nangyari na dapat mong ipag-alala."

There is a part of me that is happy. Sigurado akong dahil dito ay may nag-aalala sa'kin, may nag-aalaga at may naghahanap kapag nalilingat ako sa paningin nila. Things that, as Katana, I never encountered.

Umalis siya mula sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang braso ko. May butil ng luha ang kaniyang mga mata nang pasadahan niya ng tingin ang kabuuhan ko.

Ganito pala ang itsura ni Yevhen? Hindi na ako magtataka kung bakit maging si Violet ay nahulog sa kaniya noong oras na makita siya.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Wala bang masakit sa 'yo, Binibini?"

Napatango ako kaagad at napalunok. I didn't expect him to be so worried about me. Hindi nga ako umaasang hahanapin niya ako sa oras na mabalitaan na hindi ako nakarating sa Matis.

It crushed my heart, it was so unexpected.

"Ayos nga lang ako," Tiningnan ko siya diretso sa kaniyang mga mata. "Hindi ka dapat mag-alala dahil walang mangyayaring masama sa'kin... isa pa't kasama ko ang dalawang prinsipe."

Lumamlam ang kaniyang mga matang nakatitig sa mata ko bago tuluyang makahinga ng maluwag, tila ngayon lang nagproseso sa kaniya na ayos lang ako at nasa harapan na niya ako.

Sa mga oras na 'to, hindi ko maiwasang mag-tanong sa sarili ko.

Gusto niya ba ako? O kinakain lang siya ng kunsensya niya dahil dapat kami ang magkasama patungo rito sa Matis?

Bahagya akong natawa sa isipan at binalik ang sarili sa wisyo. Pinaupo ko si Keitaro sa isang natumbang puno kung saan malapit sa lawa at hinintay ang kaniyang pagkalma.

Imposibleng magkagusto siya sa'kin...

I let the wind tousle my hair as I sat next to him on the fallen log beneath the willow tree, gazing out over the lake in front of us. Humugot ako ng malalim na hininga, dinadama ang kapayapaan sa lugar sa kabila ng bagyo sa isipan ko.

Punong-puno ng ulap ang kalangitan maging ang isip ko.

"Keitaro," Maya-maya'y tawag ko sa pangalan niya. Alam kong hindi ako mapipirmi hangga't hindi nakakausap ang lalaki tungkol sa bagay na gumagambal sa isip ko. "Nahihiya akong bigkasin ang katagang ito ngunit..."

I paused and sighed. "Nais kong sanayin mo ako kung paano gumamit ng sandata at ng pana."

Kaagad na lumipad ang labis na pagtataka na mga mata sa'kin ng lalaki. Magsasalita na siya ngunit inunahan ko ito.

"Pakiramdam ko kasi ay hindi na ako magaling pa simula noong tumigil ako sa aking kagustuhan sa pakikipaglaban."

Walang tiyak na oras at araw kung kailan magiging pula ang buwan at makakabalik ako sa taon ng dalawang libo't sampu.

Kailangan kong mag-sanay...

Pumayag naman agad si Keitaro sa kagustuhan ko. Nagpalipas kami ng oras sa tabi ng lawa hanggang sa mag-tanghali at bumalik din sa Matis nang mag-sagawa ng pagtitipon ang Heneral. Inanunsyo niya ang pagbalik na gagawin namin patungo sa Humilton.

"Prinsesa, ayos ka na ba?"

Kapansin-pansin ang pag-lapit ni Prinsipe Sarathiel sa'kin. Kasalukuyan kaming naglalakbay sa kagubatan dala-dala ang mga armas at mga kabayo patungo sa palasyo. Hindi ko sana ito papansinin ngunit naalala ko ang pulseras na matagal ng nasa bulsa ko.

"Oh,"

"Ano 'yan?"

"Hindi ba halata?" Pagsusungit ko sa lalaki.

Ngumuso siya, halatang pinipigil ang pag-ngiti kaya inarkuhan ko siya ng kilay. Binigyan niya ba ng malisya ang pulseras na binigay ko?

Handa na akong mag-salita ngunit tumango siya at nag-lakas palayo sa direksyon. Sinundan ko naman ng tingin ang likod ng lalaking tumatalon pa sa tuwa.

May gusto ba sa'kin ang isang 'yon? Tsk.

"Binibini, ihahatid na k-"

Kaagad akong umiling na nagpatigil kay Keitaro. "Nandiyan ang ama ko upang sunduin ako. Magpahinga ka na lang at kumain, alam kong hindi ka nakatulog at nakakain dahil sa kakahanap sa'kin."

"Ngunit..." Panlalaban niya pa ngunit pinandilatan ko na ng mga mata ang lalaki. Wala tuloy siyang nagawa at tuluyang pumasok sa loob ng palasyo.

Napagkasunduan namin ni Rowan na susunduin niya ako sa palasyo pagkauwi namin galing sa Matis. Mabuti nga't nandoon na siya kaagad at naghihintay sa'kin.

Napag-usapan din namin nila Prinsipe Leon at Prinsipe Sarathiel na hindi lalabas ang anumang balita sa kung sino tungkol sa totoong pangyayari. Hindi ko rin alam kung ano ang kasagutan sa tanong na bakit. Ngunit mas maigi raw na mag-sinungaling kaysa sabihin ang totoo para sa bagay na 'yon.

And I still wonder why.

Bakit hindi maaring ipagsabi iyon sa iba? Bakit kailangan itago? At kung mangyari man 'yon... paano namin malalabas si Ryuu sa kaharian ng mga armado at barbaro?

"Argh, ang sakit ng ulo ko,"

"Binibini?"

"Oh?" Luminga ako sa direksyon ni Cynthia nang tawagin ako nito.

"Masakit ang iyong ulo? Paano iyan? Kailangan mong dumalo sa kaarawan ng mahal na hari."

"Aurora,"

Kaagad akong nabahala nang marinig ang baritonong boses ni Rowan. Napatigil din ang mga kaibigan ko sa ginagawa nilang pag-a-ayos sa'kin at bahagyang yumuko upang magpakita ng galang sa matanda.

Mukhang seryoso si Rowan, hindi ko tuloy alam kung kakabahan ba ako o ano.

"Narinig ko ang pag-papalitan ninyo ng liham ng prinsipe na si Leon,"

Lumipad naman ang tingin ko sa direksyon ni Iyanna. Nakayuko siya habang may pinagkakaabalahang anong bagay sa kaniyang kamay. Even though all I can see of her face is the side, I can tell how angry she is.

Para bang may nagbabantang bagyo sa kaniyang isipan.

"Mali lang siguro 'yong nasagap mong balita, Ama," I faked a laugh. "Imposibleng makipagpalitan ako ng liham sa isang lalaki na hindi nga kayang humawak ng sandata."

Narinig ko ang mahina at pigil na hiyaw nina Cynthia at Carmela habang patuloy na nakatingin sa ginagawa. Mukhang proud sila sa mga sinasabi ko ngayon.

Sino ba naman kasi ang papatol kay Leon? Kahit si Katana ay hindi siya gugustuhin. Hindi ko nga mapapansin ang lalaking 'yon kung hindi mababanggit sa'kin ni Iyanna.

"Kung ganoon ay ano ito?"

Mabilis na nagkasalubong ang mga tingin naming apat nang makita mula sa kamay ni Rowan ang liham na pinapadala sa'kin ni Iyanna patungo sa Humilton para sa Prinsipe na si Leon.

"Ang totoo niyan ay si Iyanna ang lumilikha ng liham para sa Prinsipe-"

Napalunok na lang ako at hindi na tinuloy pa ang nais sabihin nang bumaling si Rowan sa direksyon ni Iyanna. I am not able to read Rowan's thoughts, but I can tell that he is very rigid about Aurora dating someone else.

Siguro dahil unica hija si Aurora?

Sus, mabuti nga siya may tatay.

"Ang totoo po niyan... ako talaga ang sumusulat para kay Leon..." Iyanna pouted as though she was sewing something and was really feeling down.

"Sigurado ka?" Bumaling si Rowan kay Cynthia. "Totoo ba iyon?"

Cynthia nodded. "Oho... matagal ng nais ni Iyanna ang prinsipe."

"Ngunit ang aking anak ang sinusulatan niya ng liham pabalik."

Tuluyan akong napasapo ng noo nang mahagip ang pag-tikom ni Iyanna sa gilid.

Naiintindihan ko naman ang kalagayan niya. Gustong-gusto niya kasi talaga ang Prinsipe na si Leon simula pa raw pag-kabata. Hindi ko naman kasi inaasahan na magkakagusto sa'kin si Leon at ang malala pa ro'n ay akala ng lalaki na ako ang sumusulat sa kaniya ng liham.

Badtrip, naipit pa sa walang kwentang sitwasyon.

"Ama, may iba akong gusto..."

"Sino? Ang prinsipe na si Leon?"

Carmela cleared her throat, and it sounded like she didn't like the atmosphere we have at the moment. Kahit naman sino ay hindi gugustuhin maipit sa sitwasyon na 'to. Sino ba kasing nag-sabing mapunta ako sa kalagayan na 'to?!

"Ang prinsipe na si Keitaro..." I confessed, hindi na nakapag-dalawang isip pa.

Ayaw ko nang magkaroon ng kaaway lalo na't hindi ko masiyadong kakilala ang mga tao rito. Sapat na siguro na ako ang mag-a-adjust ngunit hindi palagi.

Puno ng senseridad ang pag-tingin sa'kin ni Rowan gamit ang nanlilit niyang mga mata. Napalunok naman ako at napalayo ng tingin. Mukhang galit na galit siya sa ideya na mayroong natitipuhan ang anak niya...

Ngunit... hindi ko pa rin makalimutan kung paano nag-sinungaling sa'kin ang anak niya tungkol sa ulila raw ang batang si Aurora. Ngunit ang totoo niyan ay magkaka mag-anak pala sila.

"Binibini," Pag-lapit sa'kin ni Cynthia.

Inarkuhan ko naman siya ng kilay. "Para ka namang naiihi na ewan? Anong nangyari sa'yo?"

"Nandiyan si Prinsipe Keitaro mula sa iyong likuran..."

Tila ba nagpanting ang tainga ko. "Huh?!"

"Paumanhin sa aking pag-tuloy... pinapasok ako ng dama,"

Para akong aatakihin sa puso nang magtama ang mga mata namin ni Keitaro. He had a straight stance and was smiling broadly as he looked at my father. Nakasuot siya sa kulay asul na mahabang abito na kapares ng itim niyang sapatos

He appears tidy and has his hair combed back. Prinsipe na prinsipe ang katayuan niya, idagdag pa ang sandata niya na nasa bandang baywang na may itim na lalagyan.

"Hayaan mo hong ihatid ko ang prinsesa patungo sa palasyo."

Rowan also smiled at him. "Maupo ka."

Dali-dali akong tumayo at hinawakan sa braso si Rowan. "Ama, maari bang pag-hintayin mo na lang ang prinsipe sa labas? Hindi pa ako tapos mag-ayos at makalat pa ang aking kagamitan... nakakahiya rin na narinig niya ang aking sina-"

"Maupo ka, Aurora."

Nagkatitigan kami ni Rowan ngunit wala rin naman akong nagawa. I looked away and clenched my teeth. Parang gusto kong magpalamon sa lupa... hiyang-hiya na ako... paano kung narinig ni Keitaro 'yon?!

"Nais kong magpasalamat sa iyong mabuting pakikitungo sa aking anak," Rowan smiled. "Ngunit nais kong itanong kung may namamagitan ba inyong dalawa?"

Hinigpitan ko ang pagkakawahak sa braso ni Rowan at pinaglapat ng mariin ang mga ngipin, sinisenyasan ang matandang lalaki na itigil ang ginagawa niya.

Nakakahiya! Ano ba 'tong pinasok mo, Katana! Hindi ka kasi nag-iingit...

"Wala po," Sagot ni Keitaro na nagpanguso sa'kin.

Sabi ko kasi na huwag nang tanungin... alam ko naman na iyong sagot. Alam kong masasaktan lang ako.

I sat on the other couch, near Keitaro, and continued to fix myself. Binilisan ko ang pag-aayos sa sarili ko para maputol na ang labis na pagkailang sa paligid namin.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay kasama si Keitaro at nang tuluyang makaalis ay tila ba nakahinga ako ng maluwag. Ngunit nanatili ang kaba na nasa puso ko.

"M-May narinig ka ba?"

Bahagyang bumagal ang paghakbang ng lalaki at lumipad ang tingin sa'kin. Bahagya naman umarko ang kilay niya ngunit kinalaunan ay lumiwanag ang mukha.

Narinig niya ba? Nakakahiya!

"Isipin mong wala kang narini-"

"Hindi ko narinig, Prinsesa."

Napatitig ako sa kaniya. Ang bilis niya pa lang kausap. Hindi katulad ni Ryuu at ng iba pang prinsipe na inaabot ako ng siyam siyam bago ako sundin. Walang duda kung bakit ko siya nagustuhan.

I gave him a smile and kept my mouth shut until we got to the Humilton. Malapit pa lang sa destinasyon ay bumalot na sa tainga namin ang iba't ibang tunog ng tambol na nanggagaling sa loob at labas ng palasyo.

Na-i-imagine ko na agad ang mga kababaihan na may suot na mahahabang kasuotan na sumasayaw sa harap ng karamihan.

"Prinsesa... simulan natin ang pag-e-ensayo bukas ng tanghali sa Argyll."

Kaagad na nagliwanag ang mukha ko at tumango. A part of me wants to know more because it's not just about saving Ryuu. Pakiramdam ko ay cool lang talaga ang ideya na marunong akong humawak ng espada o makipag-laban.

"Nandiyan na ang mahal na hari! Tayo'y magbigay galang!"

Napahinto kaming dalawa ni Keitaro sa paglalakad nang marinig ang boses ng militar na si Noel. Lahat ay huminto sa kanilang mga ginagawa at yumuko sa harapan ng hari na naglalakad patungo sa kaniyang trono.

Yumuko rin naman ako ngunit napalunok nang madatnan ang paa ng hari at ang mga dama sa likod nito. Nag-angat ako ng tingin at agad na nagtama ang mga mata namin ng Hari. Ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti rin ako.

"Maupo na kayo," Aniya, tinuturo ang malaki at mahabang lamesa na puno ng pagkain na nakahanda.

Nakaupo na roon ang mga prinsipe at lahat sila ay naka-kulay asul.

Umupo ako sa tabi ni Keitaro at agad na bumaling sa hari. "Maligayang kaarawan-"

"Prinsesa, batiin mo ang ama sa latin,"

Umawang ang labi ko ng biglang putulin ni Keitaro ang sinasabi. He was clearly serious, and when I turned to face all of the others at the table, I heard them all silent, as if they were waiting for me to say something.

Para bang gusto kong magpalamon sa lupa bigla.

"Felix natalis, mahal na hari," Bati ng dama at inilahad ang mangkok ng mansanas sa lamesa.

Nilunok ko ang malaking bara sa aking lalamunan. "F-Felix natalis, kamahalan..."

Lumipad ang tingin sa'kin ng hari. "Hindi na ako magtataka kung bakit ikaw ang pinaka-tanyag na prinsesa sa Heseke... bukod sa hasa ka sa pakikipaglaban ay matalino ka rin at maraming alam na lengguwahe."

Puta...

"Oho," I just nodded with a fake smile on my face.

"Nasaan nga pala ang anak kong si Ryuu?"

Sabay sabay kaming nagkatingin na tatlo nila Prinsipe Sarathiel at Prinsipe Leon.

"Hindi siya tumungo sa Matis, ama. Pakiramdam ko ay umandar na naman ang kaniyang pagiging topakin kaya't mas piniling mag-aksaya ng oras para sa mga walang kwentang bagay." Pagsisinungaling ni Prinsipe Leon.

Hindi ko tuloy maiwasang magtanong sa sarili ko kung ano na ang nangyayari sa Prinsipe na nasa kaharian ng mga armado at barbaro?

May pulso pa kaya siya? Siguro ay may taning na ang buhay niya?

"Totoo ba iyon, Prinsesa Aurora?"

"H-Huh?" Peke akong ngumiti at agad na tumango. "Oho... ang totoo niyan ay ni kailanman hindi dumalo ng aktibidad ang prinsipe. Nakakabahala ngunit sa palagay ko'y hindi naman na niya kailangan ang pag-sasanay. Hindi naman na rin niya nais ang matuto ng iba pang bagay."

"Sutil talaga ang batang iyon. Hindi niya ba alam na kaarawan ko ngayon?" He tsked and shook his head.

Buti alam niyang sutil ang anak niya 'no?

"Ay oho, totoong-totoo ang sinabi mo't walang duda. Minsan nga'y nakakainis ang prinsi-" Kusa kong pinutol ang sinasabi nang makita na lahat sila ay nakapukol sa'kin. "Ngunit... s-sa kabila ng iyon a-ay... m-ma... magkaibigan kami..."

Katana... pwede bang huwag ka na lang sumabat?

Akmang magsasalita ang Hari ngunit naputol ito nang mag-salita ang militar na si Noel. "Prinsesa, hayaan mong isayaw kita bilang tanda ng pagsisiyasat sa mga militar..."

Mabilis akong tumango, handa ng ialis ang sarili sa lamesa. Nakakainis... paano kung kausapin nila ako gamit ang ibang lengguwahe na hindi ko naman alam kung paano gamitin? Ano ang isasagot ko ron? Mabuti na nga lang at tinawag ako ni Noel!

Sumenyas ang militar na si Noel sa mga tumutugtog sa gilid.

"Prinsesa, nasaan ang prinsipe na si Ryuu?"

Napalunok ako nang marinig ang bulong sa'kin ng militar na si Noel. Bahagya tuloy ako natigilan ngunit nagpatuloy din sa pag-sayaw.

"Hindi ba't sinabi ko na ang dahila-"

"Alam kong nagsisinungaling ka. Pumirma sa sedula ang prinsipe tanda nang pag-sangayon niya sa aktibidad bago siya tumulak patungong Matis,"

Napakurap ako. "Maaring iyon ay pinirmahan niya ngunit nag-tungo sa ibang lugar?"

"Kasama ko siya sa kalagitnaan nang paglalakbay ngunt nahiwalay siya sa akin noong naaninag niya ang babae sa ilalim ng magarbong puno. Delikado ang lugar na iyon... nais ko siyang samahan noong nalaman kong ikaw iyon... ngunit kung gagawin ko iyon ay wala na akong matatagpuang bituin kaya't nag-pasya kami na ako'y mauna."

Hindi na ako nakaimik.

"Hindi ba lingid sa iyong kaalaman na kamatayan ng Prinsipe na si Keitaro ang kapalit sa oras na malaman ng hari na hindi nakabalik ang isang prinsipe?"

Tuluyang akong napahinto sa kalagitnaan ng malakas na tugtog. Tila ba nag-aaway-away ang ingay ng pag-tibok ng puso ko, ang bagyo sa isip ko at ang malalakas na paghahampas ng mga tumutugtog sa kanilang mga kagamitan.

Kung ganoon...

"Hindi kita maintindihan... paanong madadamay ang prinsipe na si Keitaro rito?"

"Siya ang inaasahan na kasama mo sa paglalakbay, Binibini," Aniya pa ngunit hindi na ako nakaimik at natutop. "Hangga't maari ay dapat nating mahanap ang prinsipe na si Ryuu."

I tightly closed my eyes and started to dance slowly again with a clouded thoughts.

Hindi maaaring mamatay si Yevhen... kailangan kong magtungo sa kaharian na iyon...

"Militar," Napanguso ako. "Nais ko bang mahiram ang mapa ng buong Heseke? Natitiyak akong nasa k-kagubatan lamang ang prinsipe... a-alam kong mahilig siyang matulog sa lugar na maraming puno... baka mahanap ko siya ro'n."

Ganoon ang nangyari. Natapos ang pagdiriwang ng wala akong kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Maging ang hari na kumakausap sa'kin ay hindi ko gaanong natuunan ng pansin dahil sa malalim na iniisip.

Nilahad sa'kin ng militar na si Noel ang mapa ng Heseke.

"Prinsesa, hinihintay ho kayo ni Prinsipe Keitaro sa Sapa malapit sa Argyll,"

Isang maliit na ngiwi ang sumalakay sa labi ko nang marinig ang katagang iyan galing sa isang dama na hinarang ako sa paglalakad. Para bang humapo ang lahat ng mga gumagambala sa utak ko.

Miss na ba niya ako agad para hanapin ako kahit kakakita pa lang namin?

Sus, Keitaro, moves mo, ha.

"Maari mo ba akong samahan patungo ro'n? Madilim na rin kasi at marami rin akong bitbitin."

Sinamahan ako ng dama hanggang sa bungad ng Sapa na malapit sa Argyll. Kaagad namang bumalot sa tainga ko ang mahinang pag-hampas ng tubig sa mga maliliit na bato at ang mga huni ng ibon.

Sa malaking bato naman ay matatanaw ang likuran ni Keitaro na nakaupo sa tumbang puno.

"Ano iyon? may kailangan ka ba?" Tanong ko kaagad at umupo sa kaniyang tabi.

Pinanood ko ang pagtayo niya at pag-upo sa harapan ko. Akmang mag-sasalita ako ngunit nahinto rin at tuluyang namangha ng ilabas niya ang ravanastron na sa kasalukuyan ay gitara ang tawag. It looks so cool... especially when he's holding it.

Ang matipuno niyang tingnan habang hawak ang ravanastron.

"Ang sabi nila, ang ravanastron ay ginagamit upang ilahad ang iyong nararamdaman sa isang babae. Noong una, sinabi ko sa sarili ko'y hindi ko kailan man matutugtogang bagay na ito. Ngunit noong makita kita, para bang nag-bago ang pananaw ko rito." He then started to strung it.

Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko, hindi maiwasang mag-taka.

I can't believe I'm going to experience this kind of thing.

Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae na nabuhay sa taon na ito. Sino ba naman kasi ang hindi matatawag na swerte kung ang nag-i-isang prinsipe na si Keitaro ay haharanahin ka?

"Mahal kong prinsesa..."

"Ano iyon?"

"Noong una'y akala ko'y hindi kita makakamit... ngunit mali pala ang inaakala ko noong nalaman kong idinahilan mo ang pag-e-ensayo sa mga prinsipe ng Humilton kahit na ang totoo'y nais mo lang akong makita,"

Para akong binuhusan ng tubig sa naririnig.

Hindi ba't may diary si Aurora? Ang ibig-sabihin... ang lalaking sinusulutan niya ay si Prinsipe Keitaro?

I clicked my tongue in disbelief.

Wow? Eh 'di ano ako rito sa loob ng katawan ni Aurora? Saksi sa pag-iibigan nila ni Keitaro?

Humugot ako ng malalim na hininga bago tumingin sa Prinsipe. Kaagad kong nabasa ang pag-dadalawang isip na may halong hiya ang nakapaskil sa kaniyang mukha. Para siyang hindi mapakali sa sasabihin kaya't pinangkunutan ko siya ng noo.

"Ano 'yon?"

"Nais kong hilingin na tayo'y magkaisa sa banal na sakramento ng pag-aasawa."


^________________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro