dalawampu't walo
"Maligayang kaarawan, binibini!"
Nagkaroon ng uwang ang aking bibig nang marinig ang sigaw ni Carmela. Kabababa ko lamang mula sa itaas galing sa mahimbing na pagkatulog. Hindi ko inaasahang ganito ang bubungad sa'kin.
Birthday ni Aurora?
Nobyembre tatlo, isang libo walong daan at dalawampu't dalawa. Kung ganoon ay iyan ang araw na pinanganak siya.
Wala akong kaalam-alam tungkol sa sarili ko. Hindi ko na halos matandaan. Maski nga ang edad ko ay hindi limit sa aking kaalaman. Nakakahiya naman magtanong dahil baka pagtawanan nila ako.
"Salamat..."
"Ano ang iyong balak sa araw na ito?"
Sumilay ang malawak na ngiti sa aking labi at minata si Carmela.
Nakapaskil sa kaniyang mahabang buhok ang tatlong maliit na kulay rosas na laso. Suot-suot niya ang kulay puting saya na may kulay rosas sa ilang parte at kapares ang puting bakya. Her face also had a hint of light makeup, which highlighted its innocence.
Bahagya kong nilagyan ng uwang ang labi, nananatiling nag-iisip sa isasagot. I don't have any plans for today. Hindi ko rin naman kasi alam na kaarawan ko ngayon.
"Ano... hindi ako sigurado, eh," Nahihiya kong sinukbit ang takas na buhok sa likod ng tainga. "Siguro ay magandang ideya ang pag-dako sa Argyll at maghayag ng kwento sa mamamayan?"
Tumango-tango siya, sumasangayon sa akin. "Sasamahan kita bago ako mag-tungo sa palasyo."
Lumukot ang noo ko. "Anong gagawin mo roon?"
Carmela sighed and her eyes lowered. Bakas na bakas ang lungkot sa kaniyang mapungay na mata. Kinagat niya ang ibabang labi at nilaro ang mga daliri, tila ba hirap na hirap mag-salita.
"Kailangan kong manilbihan bilang dama sa kaharian ng Humilton, binibini," She smiled, sinusubukan hilain ang kasalukuyang emosyon sa pagitan namin. "Huwag kang mag-alala dahil dalawang taon lang naman ang kailangan ko!"
"Kung ganoon... iiwan mo na akong mag-isa rito?"
Two months have passed after the deaths of Cynthia and Iyana. Kaming dalawa na lang ni Carmela ang naiwan sa aming apat.
Ang bahay ko na laging puno ng tawanan at sigawan ay unti-unting nagiging tahimik. Wala ng Cynthia na tinatawanan ang pagalit ni Iyana. At wala ng Iyana ang nagagalit sa'ming tatlo sa lahat ng mali naming aksyon.
Everything has changed in an instant.
Bawat pagtakbo ng oras ay ibang-iba na sa nakaraan.
We will never be complete again—the four of us.
"Hindi naman kita iiwan, binibini. Sa loob ng dalawang buwan ay may karapatan kaming lumabas ng palasyo at dalawin ang mga mahal namin sa buhay. Kaya... dadalawin kita! Pangako iyan!"
Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko. My chest feels narrowed, and there's a large lump in my throat. Tanging pag-tapon lang ng tingin ang nagawa ko.
Hindi ko kayang mag-reklamo, though part of me wanted to beg her not to go.
Natatakot ako na baka pati siya ay mawala sa'kin.
I can't lose her.
I can't die three times.
Humugot ako ng malalim na hininga. "Paano pala ang l-lola mo?"
Malawak siyang ngumiti ngunit bakas ang lungkot dito. "Hindi niya ako pinapansin simula noong sinabi ko ang tungkol dito. Siguro dahil siya'y naguulyanin na. Sinabi ko naman sa kaniya na mas magagampanan ko ang pinansyal namin at ang mga alaga naming biik."
"Ayaw niya parin?"
Malungkot siyang tumango.
"Pwede bang huwag ka na lang tumuloy?"
She quickly shook her head. "Bawal iyon. Sa aming mabababa ang estado, responsebilidad namin ang manilibihan ng dalawang taon bilang dama sa palasyo sa araw na tumungtong kami ng bente anyos."
Kumibot ang labi ko.
Heto na naman tayo sa estado.
Bakit kailangan pagsilbihan ng mga mabababa ang estado ang mga matataas ang estado?
"Mabuti nga at napakiusapan ko ang hari na paabutin ang simula ng paninilbihan ko pagkatapos ng iyong kaarawan!" Ngumiti siya ngunit agad din iyon nahulog. "Nakakalungkot lang dahil hindi tayo kumpletong apat sa iyong kaarawan."
I heaved a sigh and looked away.
"Pa'no 'yan? Isang beses lang tayong magkikita sa dalawang buwan. Hindi naman kita pwedeng dalawin sa palasyo."
Simula noong nangyari ang pagpatay kay Cynthia, tinalikuran ko na ang mga gampanin ko sa loob ng palasyo. I haven't been there for two months. Wala akong ganang dumalaw doon dahil wala rin naman akong dahilan.
Nandito lang ako sa Ventnor, nakahiga sa bahay at mag-isa.
Hindi pa rin kasi umuuwi si Rowan. Nag-aalala na nga ako dahil dalawang buwan ko na siyang hindi nasisilayan. Ang narinig ko galing sa mga kaibigan niya ay nagtungo sila sa malayong lugar dahil sa hindi masabing dahilan.
I hope he is safe there.
"Hindi pa rin ba kayo ayos ni Prinsipe Keitaro?"
Sumama ang timpla ko matapos marinig ang pangalan ng lalaki. I annoyingly rolled my eyes. "Hindi na kami mag-kakaayos no'n. Mamamatay muna ako bago ko siya muling pansinin."
"Hindi ba't pinapadalhan ka niya ng mga liham?" Lukot ang noo niyang pinag-krus ang braso.
"Nakakasawa na nga. Halos minu-minuto na lang may kakatok sa bahay na militar para lang ibigay sa'kin 'yong punyetang sulat ni Keitaro. Kulang na lang e, sunugin at itapon ko!"
Sa dalawang buwan na lumipas, hindi tumigil si Keitaro sa pagpapadala sa'kin ng liham. Sinubukan kong basahin ang ilan ngunit naumay din ako agad dahil puro paumanhin at pasensya ang nakalagay sa liham.
Minsan nga'y nakikita ko siya sa harapan ng bahay, pero dedma lang sa'kin.
"Eh... kayo ni Prinsipe Ryuu? Nagkikita pa ba kayo?"
Doon ako natigilan. I pressed my lips together and slowly shook my head.
"Hindi na rin," Pagtatapat ko. "Bakit mo ba nilalabas 'yang mga prinsipe na 'yan? Hindi ko naman sila kailangan. Wala naman na akong parte sa palasyo kaya wala ng dahilan para makita ko sa pa sila."
Pero nakakatampo... ni hindi man lang sumubok si Ryuu na makipagkita sa'kin.
"Mag-bihis ka na at umalis na tayo." Pagtatapos ko sa usapan, nananatiling may kirot ang dibdib.
Nasaan na kaya si Ryuu? Ayos lang kaya siya? Hindi niya ba ako hinahanap? Hindi ba siya nag-aalala sa'kin? Ganoon lang ba 'yon? Wala talaga?
Hinatid ko si Carmela hanggang sa harap ng bahay. Nagpaalam siya sa'kin na medyo matatagalan siya bago makabalik dahil marami pa siyang aasikasuhin na damit.
Hinilig ko ang katawan sa pader at pasimpleng sinipat ang gilid na may malaking palayok. I rolled my eyes in annoyance. Sinipa ko ang palayok bago tuluyang sinara ang pinto.
Punong-puno na naman ang palayok ng liham ni Keitaro.
Nakakainis. Kailan ba siya mapapagod kakapadala ng liham sa'kin?
"Aurora, anak!"
Angat ang kilay kong nilibot ang mata sa buong lugar. Hinanap ko ang direksyon kung saan nag-mula ang boses at agad na gumihit ang malawak na ngiti sa labi. Tila ba nabunot ang malaking tinik sa lalamunan ko nang makita si Rowan.
Mabuti at ligtas siya.
Dali-dali kong binukas muli ang pinto. "Saan ka nag-punta?"
Hindi niya pinansin ang tanong ko at agad akong niyapos ng yakap. The hug was so warm.
"Narinig ko ang nangyari sa palasyo noong umalis ako... ayos ka lang ba?" Umalis siya sa pagkakayakap at pinasadahan ang kabuuhan ko, sinisipat kung may galos ba ang balat ko.
"Ayos lang ho ako." Ngiti ko.
Naglaho naman ang pag-aalala sa mukha niya nang makitang wala kahit isa. Humugot siya ng malalim na hininga at bahagya pang pumikit, mukhang nagpasalamat pa sa may kapal na ligtas ang nag-iisa niyang anak.
Napansin ko ang pagbawas ng timbang niya at bahagyang paglubog ng mga mata.
"Mabuti nga'y nakaabot ako sa iyong kaarawan. Inakala mo ba na hindi ako makakauwi at kakalimutan ang araw na ito?" Natatawa niyang tanong kaya tumawa na lang din ako. "Sabay tayong kumain, bumili ako ng paborito mo."
Tumango-tango ako at nag-handa ng gagamitin sa pagkain. Umupo ako sa harapan niya at pinanood siyang mag-sandok ng kanin at ulam sa aking plato.
"Ganoon talaga ang buhay, anak. Maraming darating ngunit mas marami ang mawawala at aalis,"
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nag-salita habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya. Humugot ako ng malalim na hininga at sinandal ang likuran sa sandalan ng upuan.
"Ang kailangan mo lang ay maging matatag at maging malakas sa lahat ng oras."
Mapait akong ngumiti. "Ayos naman na po ako."
"Sigurado ka ba?" Umayos siya sa pagkakaupo at hinawakan ang kubyertos. "Narinig ko ang tungkol sa inyo ni Keitaro... hindi na ba talaga matutuloy ang pag-iisang dibdib ninyo?"
I tsked.
"Ayo'ko na ho sa kaniya. Sinubukan niya ho akong pagbuhatan ng kamay. Partida, hindi pa kami kasal no'n. Paano pa kaya kung kasal na kami? Baka pasa at galos ang abutin ko sa kaniya. Mabuti talaga hindi ako nagpakasal sa kaniya."
Ayo'ko sa asawa na mapang-abuso.
"Mabuti at ganoon ang iyong naging desisyon. Huwag mong hahayaan na pagbubuhatan ka ng kamay ng kung sino man—hindi nga kita pinagbuhatan ng kamay, sila pa kaya?" Halata ang inis sa boses niya.
Tumango-tango lang ako.
Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin dahil sa pagsisimula ng pag-kain. Maya-maya pa ay uminom si Rowan sa palayok at tinapon ang tingin sa'kin.
"Paumanhin kung wala ako sa tabi mo noong nawala ang dalawa mong matalik na kaibigan... at maging ang lalaki na iyong iniibig. Wala ako sa tabi mo upang damayan ka."
Ngumiti naman ako. "Ayos lang ho 'yon. Nandito naman si Carmela—"
"Aba, kahit na. Ako ang iyong ama at kailangan ako ang unang mas nakakaalam ng pangyayari sa iyong buhay. Kaya't huwag kang mag-dalawang isip na mag-sabi sa akin patungkol sa kahit na pinakamaliit na bagay. Makikinig ako dahil kakampi mo ako sa lahat ng bagay."
Nag-baba lang ako ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng gilid ng aking mata.
Rowan is such a good father.
Hindi niya hinahayaang maramdaman mo na hindi ka libre magbukas ng nararamdaman at opinyon. He doesn't make me feel like I have no rights; instead, he listens to all of my thoughts and feelings.
"Maligayang kaarawan ulit, anak. Nawa'y magustuhan mo ito."
Nilahad niya sa pagitan namin ang malaking sapot. Hinayaan niya akong tingnan ang kung ano ang nasa loob no'n. I couldn't help but smile broadly right away.
Pares ito ng itim na bakya at dalawang libro. Isang baybayin at isang filipino.
"Ayan lamang ang nakayanan ko—"
"Ang ganda nga ho, eh!" I scrunched my nose.
Tahimik naming inubos ang natirang pagkain sa hapag. Dumating din naman si Carmela dala-dala ang ilang sako ng damit habang ang mata ay mugto pa. Sumalo siya sa'min sa hapag.
"Kaninong prinsipe ka naka-toka?" Tingin ni Rowan kay Carmela.
"Sa pagkakarinig ko ho ay kay Prinsipe Leon. Ngunit nakiusap ako na sa Heneral na lamang."
"Pinayagan ka?" Singit ko sa usapan at umiling naman si Carmela.
"Kung sa Heneral kasi, mas makakalabas ako ng palasyo lalo na't palaging narito sa Ventnor ang Heneral. Ngunit hindi pumayag ang heneral dahil sapat na raw ang dalawang militar sa paligid niya. Sayang talaga."
Rowan clicked his tongue. "Bisitahin mo pa rin ang iyong kaibigan, ha?"
Natawa ako naman ako. "Kapag hindi ako binisita niyan, 'di na niya ako makikita pa."
Carmela nods her head. "Papadalhan ko na lang ho ng liham ang binibini kapag hindi ako nagkaroon ng oras makadalaw sa kaniya. Ngunit pangakong hindi mangyayari iyon. Dadalawin ko siya rito—"
"Sus," Natatawa kong inikot ang mata. "Tara na. Marami na sigurong naghihintay sa'kin do'n."
Kumunot ang noo ni Rowan. "Saan kayo?"
"Sa Argyll po. Nag-reserba kami ng oras para mag-kwento."
"Mauuna na ho kami, Ginoong Rowan!"
Naglakad na kami palabas ni Carmela. Sandali niyang hinintay ang kalesa na magdadala sa mga gamit niya papunta sa palasyo bago kami tuluyang tumahak sa Argyll.
Halos lahat ng makakasalubong namin ay kinakamusta ako at tinatanong kung anong nangyari sa'kin. Katulad ng nakasanayan ay si Carmela ang sumasagot sa kanila dahil wala akong lakas para sagutin ang sari-sari nilang tanong.
Sumampa ako sa mababang entablado na gawa sa pinagdikit dikit na kawayan at binuklat ang libro. Mas timbang ang kabtaan kaysa sa mga matatanda. Lahat sila ay galak pakinggan ang tinig ko habang ang labi ay may ligaw na ngiti.
Sa gilid ko naman ay naroon si Carmela. Inaayos niya ang natirang paninda ni Cynthia. Mga laso iyon na ginantsilyo pa naming apat.
I cleared my throat and started to read.
Tahimik ang lahat habang nakikinig at nang matapos ay doon lamang nila nilabas ang naging reaksyon sa napakinggan na kwento. Bumaba ako sa entablado dahilan upang mas lalong umugong ang ingay, tila ba bitin na bitin sila.
"Hindi mo na itutuloy?" Tanong ni Carmela nang lapitan ko.
Mabilis akong umiling. "Nasira na araw ko."
"Bakit?"
"Nalaman ko na kung anong dahilan sa likod ng 'di paghahanap niya sa'kin," Inis akong umirap at nagkibitbalikat. "May kasama na pala kasing ibang babae."
Naaninag ko mula sa gilid ng mga mata ang pag-tingin sa'kin ni Carmela. Binaba niya ang buslo na hawak at maging ang pinagkakaabalahan ay hininto upang ituon ang buong atensyon sa'kin.
"Sino iyon, binibini?" Pinasadahan niya ang direksyon ng mga taong naglalakad na palayo. "Si Prinsipe Ryuu ba at ang prinsesa na kasama niya?"
Right, sila iyon.
Kanina ay nakikinig sila sa pagkukwento ko. Magkatabi sila sa dulo at kaunti lamang ang distansya sa isa't isa.
"Prinsipe, may nagustuhan akong laso!"
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang patakbong tumahak sa direksyon namin ang prinsesa na kasama ni Ryuu. Paniguradong prinsesa siya dahil sa kaniyang kasuotan. Huminto siya sa harapan namin at minata ang mga nakalatag na laso sa harapan namin.
Mahaba ang kaniyang buhok at maraming palamuti na nakapaskil dito. May bahagyang kolorete ang mukha niya na mas lalong nagbigay amo sa kan'ya. Maging ang kasuotan niya ay bagay na bagay sa hulma ng kaniyang katawan.
I tsked. Sa daming tindahan ng laso, dito niya pa talaga naisipang bumili.
"'wag mong pagbilhan 'yan." Inis kong bulong kay Carmela.
Magsasalita pa sana ako ngunit natikom na lang. Pinanood ko kung paano sinundan ni Ryuu ang prinsesa na nagagalak sa mga laso.
I tsked again. Halos sumakit na ang mata ko sa kakairap.
"Magkano it—"
"Paumanhin ngunit magsasarado na ang kaibigan ko." Malawak akong ngumiti.
Naaninag ko ang paglipad ng mata ni Ryuu sa direksyon ko. Mukhang nagulat pa nga siya nang makita akong narito. I rolled my eyes again.
Para saan pa ang halik na 'yon kung may kabet naman siya?!
Huminto ang dama sa harapan namin, hinahabol niya ang kaniyang hininga dahil kakagaling lamang sa pagkaripas ng takbo. Mariin siyang pumikit at ngumiti sa'kin.
"Prinsesa Aurora... hayaan mong pagbilhan ang prinsesa bago ka mag-sara!" Aniya, nakikiusap.
Nag-kibitbalikat ako, nakatingin lang sa dalawang babae na nasa harapan.
"Kaarawan naman niya ngayon," Baritonong boses ang bumalot sa aking tainga. "Ibigay mo kung ano ang gusto niya at babayaran ko. Kahit doble pa sa presyo ng iyong produkto."
Lumipad ang tingin ko kay Ryuu na kasalukuyan nang nakatitig sa'kin.
My throat felt like it was about to shut, and I felt a squeeze in my heart.
Madilim ang mga mata niya at hulmang-hulma pa rin ang kaniyang panga. Sa tingin ko ay nagpagupit din siya dahil nabawasan ng kaunting haba ang kaniyang buhok. Walang nagbago sa kaniya...
Just the way he looked at me. It became colder.
Kinuyom ko ang kamao ko. "Si Carmela na ang bahala sa inyo. Mauuna na ako."
Napatingin sa'kin ni Carmela, mukhang nagulat ata sa sinabi ko. Hindi ko na ito pinansin pa. Kinuha ko ang mga gamit ko at nagmadaling umalis, hindi tumitingin sa prinsipe na alam kong nakatitig pa rin sa'kin.
Hindi niya man lang naalala ang kaarawan ko? O hindi niya talaga alam?
Sus, e alam niya nga na kaarawan ngayon ng prinsesa na kasama niya.
Eh, ano naman? It's not a big deal, Kat.
Tahimik akong naglakad mag-isa pabalik sa Ventnor. Halos masira ang araw ko sa nakita at narinig. Umasa ako at dahil doon ay labis na nadismaya. He didn't even remember my birthday.
Ayos lang naman ata iyon dahil maging ako, si Katana ay hindi alam na ngayon ang kaarawan ni Aurora. Pero hindi pa rin eh.
Badtrip. Nasira tuloy ang araw ko. Maging ang mga plano namin ni Carmela na magtutungo sa isang pista sa Peham at doon magpalipas ng umaga ay mukhang hindi na matutuloy pa.
Fuck! Sino naman kaya iyon?!
Mula sa kalayuan ng bahay ay bumagal ang lakad ko dahil sa naaninag. I don't know how I should feel. Humigpit ang hawak ko sa libro at pinanood ang matipunong lalaki na bumaba sa kaniyang kabayo.
Nagkasalubong ang kilay ko nang lapitan niya ang malaking palayok.
"Ano 'yan? Sulat 'yan ni Keitaro sa'kin, ah. Bakit mo kinukuha?"
Mabilis kong inagaw sa kaniya ang mga liham. Nakuha ko naman ito kaagad mula sa kamay niya. He tried to take the letters from me with a gripping jaw, but I put them behind me. Wala siyang nagawa kun'di ang mag-iwas ng tingin at bumigay.
Taka kong sinilip ang liham. Wala naman kasi siyang rason para kuhanin ang liham ni Keitaro sa'kin. I even smelled it to make sure.
Gumuhit ang kunot sa noo ko.
Iba ang paraan ng sulat... maging ang amoy ng pabango ay iba ang amoy.
Tuluyang kumawala ang ngiti sa aking labi.
Amoy ni Ryuu.
I laughed. "Sinusulatan mo pala ako ng liham?"
Nahihiya siyang mabilis na umiling. "Anong rason para gawin ko ang walang kwentang bagay na iyon?"
"Itatanggi mo pa. Ito na nga oh," Binuklat ko ang tuyong papel sa harapan niya. "Sabi rito, galing sa 'yo ang liham."
Hindi siya kaagad nakaimik dahilan upang mas lumawak ang ngiti ko.
Tangina. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang ihip ng araw ko. Ang kaninang masamang timpla ko ay naging kabaliktaran. At aaminin kong para bang nagtatalon ang puso ko sa tuwa.
Sinusulatan niya pala ako ng liham. Wala man lang akong ka-ideya ideya. Hindi ko rin naman binabasa dahil akala ko ay galing kay Keitaro ang lahat ng ito.
"Akin na iyan,"
I pouted. "Akin na 'to. Umalis ka na, paniguradong hinahanap ka na ng prinsesa mo."
Halata bang nagtatampo ako? o nagseselos, gano'n? Bahala na.
Kinuha ko ang ang lahat ng liham sa loob ng luad palayok. Akmang isasarado ko na ang pinto nang humakbang palapit sa'kin si Ryuu dahilan upang matigilan ako. Taka kong pinanood ang pagbaba ng mata niya sa mga liham.
Naglalaro sa ilong ko ang pabango niya... ito ay lavander water.
"Ito lang ang kuhanin mo,"
"Hah?"
Mabilis akong umiling at hinigpitan ang hawak sa iba pang liham.
Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga babasahin ang ibang liham maliban sa liham na galing kay Ryuu. Ayo'ko lang isipin niya na pinili ko ang mga liham niya at iniwan ang liham ng iba.
"Ito lang ang akin." Matigas niyang sabi at tinuro ang apat na nakatuping papel de hapon.
"Ano naman kung kukuhanin ko 'to?" Sarkastiko akong tumawa. "Pinagbabawalan mo ba akong tumanggap ng liham galing sa iba? E, ikaw nga may kasamang babae—"
"Siya ang bagong tagapagsanay ng mga prinsipe."
Inis akong tumango-tango. "Kung ganoon ay araw araw kayong magkakasama?"
"Sinong nagsabing dadalo ako sa pagsasanay?"
Pumarte ang labi ko. "Bakit naman hindi?"
"Minamaliit mo ba ang aking kakayahan?"
Napakurap ako. "Anong sinasabi mo? Hindi ba't kailangan mo naman talaga mag-sanay?"
Umiling naman siya dahilan upang mapakibitbalikat ako. "Oh, e bakit dumadalo ka noong ako ang nag-sasanay?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Dahil maganda ang tagapagsanay."
Muling kumawala ang malawak na ngiti sa aking labi. Binalik niya naman ang mata sa'kin dahilan upang itago kong pilit ang bwisit na ngiti sa labi.
Delikado. Kinikilig na ako. Kakaiba 'to, Kat.
"Ewan ko sa 'yo, Ryuu. Bahala ka na sa buhay mo, papasok na ak—"
"Mag-tungo tayo sa Peham. May alam akong magandang tanawin malapit sa dalampasin," Kibot ang labi niyang wika. Napansin ko rin ang pamumula ng kaniyang tainga.
Is he making move to me?
I looked aside, refusing to look at him any longer. Hindi na ito ang unang beses na matatalo niya ako sa patalasan ng tingin. Sure, nanlalambot ang buong kalamnan ko sa tuwing tinitingnan niya ako sa gano'ng paraan.
"Bakit naman?" I clicked my tongue.
"Dahil kaarawan mo."
Kinagat ko ang ibabang labi ngunit hindi nito kinaya ang ngiti sa'kin.
Akala ko ay nakalimutan niya.
"Sige na nga, pinilit mo ako, eh." I laughed. "Magpapalit lang ako damit."
Napakurap ako nang mabasa sa mukha niya na may nais pa siyang sabihin.
"Ano 'yon—"
"Nais kong umakyat ng ligaw kung pahihintulutan mo ako." Ryuu stated.
Napamura ako sa isipan.
I thought I have already remove the volts of electricity that he gave me - mukhang saglit lamang pala itong naka-switch off. He can switch it on whenever he want to.
My cheeks went crimson and I decided to brush it off. Akala ko ay mapapahiya ako sa harapan niya dahil sa sobrang pagkatutop, mabuti na lang at dumungaw si Carmela.
Binigyan ito ng espasyo ni Ryuu papasok ng bahay. Bago isarado ang pinto, binigyan ko ng sagot si Ryuu.
Oo.
Dumaan ang tag-araw at muling bumulusok ang tag-ulan.
Hindi ko pinatagal ang panliligaw ni Ryuu at sinagot din ang lalaki.
He was by my side at all times.
Minsan ay hindi siya nakakadalaw sa akin ngunit hindi ibig-sabihin nito ay nawawalan kami ng komunikasyon sa isa't-isa. He constantly sends me a letter that smells like him.
May araw din na sasabihin niya sa'kin na makipagkita ako sa kaniya sa dating tagpuan. Iyon ay ang sapa sa Argyll kung saan kitang-kita ang buong tanawin ng Heseke.
Ryuu is not the type of man whose love language is physical touch. Mas hilig pa nga niya ang physical attack dahil konserbatibo ang lalaki. He's not making any moves toward me.
Mabuti nga'y hindi rin ako fan ng physical touch at sapat na ang paghawak ng mga kamay namin.
Although Ryuu doesn't express his feelings much, he shines when it comes to his actions.
Sa tabi niya, alam kong ligtas ako at malayo sa kapahamakan. I didn't just feel secure and at home; I felt whole, complete, and utterly cherished.
^_______________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro