Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

dalawampu't tatlo

Hesitation creeps me out the whole day. 

Ang ideya na may gusto sa'kin si Ryuu ay hindi ako pinatulog. Nagmamanman lang ito sa isipan ko buong gabi hanggang sa tuluyang sumikat ang araw. 

Umamin siya sa'kin at hindi ko lang iyon binigyan ng pansin dahil ikakasal na ako sa kapatid niya. 

I don't know how I should feel. Alam kong dapat akong maging masaya dahil naging tapat ako sa magiging asawa ko. But there's this big part of me that feels like it's broken into a million pieces.

Ni hindi ko rin alam kung bakit ganito ang naging reaksyon ko.

"Nagawa 'yon ni Ryuu para tigilan si Iyana sa pagtatangkang pagpatay sa'kin." 

Wala sa wisyo kong tinikom ang bibig matapos bitawan ang mga salitang iyon. Maski sina Cynthia at Carmela ay napatigil sa ginagawa nilang paggagantsilyo ng bigla na lang akong mag-salita sa kabila ng labis na katahimikan.

Cynthia looked at me with disbelief. "Pagtatangkang pagpapatay?"

"Ano ang iyong nais sabihin, Binibini?" Tanong din ni Carmela.

Sumimsim ako sa tasa ng tsaa at saka sila hinarap. "Gusto akong patayin ni Iyana no'ng araw na 'yon dahil akala niya, aagawin ko sa kaniya si Prinsipe Leon. Mabuti nga't dumating si Ryuu, kun'di ay baka ako ang nakabaon sa kagubatan ng Ventnor."

Hindi ko alam kung bakit ko kinailangan aminin ang totoo.

Maliwanag na nga sa'kin noong una pa lang na hindi ko na kailangan sabihin sa kanila ang totoong rason kung bakit naging ganoon ang desisyon ni Ryuu. 

Ngunit kung patuloy na pagmamalupitan ng dalawa ang hindi nanlalaban na si Ryuu bilang paghiganti sa yumaong kaibigan ay wala akong magagawa kun'di ang sabihin ang totoo.

Ako na kasi ang pinagbutihan ng loob, ngunit lumalabas na siya pa ang napupurwisyo.

"Umabot si Iyana sa punto na iyon?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Cynthia, bakas ang galit sa tono. "Para lang sa lalaki ay papatayin niya ang matalik niyang kaibigan?!"

"May sira na ba talaga sa ulo ang isang iyon?!" Balik na tanong ni Carmela kay Cynthia habang nananatili ang pagkakuyom ng kaniyang kamao.

Siguro kung buhay pa si Iyana, paniguradong lulusubin nila ang babae at tatapunan ng masasamang salita. They never tolerate that kind of attitude. Ngunit hindi rin naman magtatagal ay pinapatawad din nila ito sa oras na makitaan ng pagbabago ang kaibigan.

"Si Iyana ang may kasalanan kung bakit ganoon ang inabot niya... ngunit hayaan niyo na dahil nangyari na," I bit my lower lip. "Bilisan niyo sa ginagawa niyo at samahan ninyo akong mag-tingin ng damit."

Pagtatapos ko sa usapan. 

Nilinis ko lang talaga ang pangalan ni Ryuu. Parang hindi ko kasi kayang pakinggan sa oras na malaman ko ulit na sinugod siya ng dalawa kong kaibigan dahil sa sobrang galit. Wala namang ginawang masama ang lalaki...

"Dapat ay hinayaan na lang natin ipakain sa buway—"

Masama kong tiningnan si Cynthia na tila ba walang balak tumigil sa pagbabanta sa yumaong kaibigan. Agad niyang sinara ang bibig at tumango na lamang bago binalik ang atensyon sa ginagawang paggagantsilyo.

Tahimik din ako na bumalik sa ginagawa. 

Akala ko ay lilipas ang araw at mangyayari ang mga inaasahan namin. 

Ngunit hindi pala.

Nang sumapit ang gabi ng lunes ay may natanggap kaming liham ni Keitaro. Liham iyon galing sa prayle na mangunguna sa kasal namin ni Keitaro. Nakapaloob sa liham na nakansela ang byahe ng barko na sasakyan nila dahil sa paparating na malakas na bagyo.

I don't know why there was a part of me that was happy when I received that bad news.

Akala namin ay magkakaroon pa ng ilang problema, ngunit nangako sila na nakakasiguro na makakalapag sila sa Heseke sa araw ng sabado. For that reason, Keitaro and I chose to reschedule our wedding.

Sa araw ng sabado na lamang sa halip na sa martes. 

Tradisyon kasi sa kanilang mga maharlika at noble na ang prayle na iyon ang mangunguna sa bawat magaganap na kasalan. Hindi namin iyon dapat tiwalagin.

Sa tingin ko ay napabuti naman dahil mas nakapaghanda kami kahit paano.

"Bilisan niyo namang maglakad! Mga pagong ba kayo?!" Asik ko sa dalawang kaibigan. Tinapunan naman nila ako ng naiinis na tingin at sabay na binuhat ang laylayan ng mahaba nilang damit upang hindi sila mahirapan sa paglalakad.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa makipot na mga kalsada ng Argyll. Damang-dama ko ang lamig ng simoy ng hangin na humahaplos sa aking mukha.

"Binibini, bakit hindi mo na lang kasi sinama ang Prinsipe? Para sa ganoon ay napahiram tayo ng kahit na dalawang karwahe!" Suhestiyon ni Cynthia.

Umiling naman ako. "Ewan ko ba sa tradisyon sa taon na 'to, bawal daw makita ng ikakasal ang isusuot ng isa't isa sa araw ng kasal!"

Hindi ko na pinakinggan ang iilan nilang reklamo. Nilibot ko ang mga mata ko at hindi naiwasang hindi mamangha. Ang mga tindahan sa magkabilang panig ay puno ng mga tela at kasuotan na nagliliwanag kahit sa dilim ng gabi. 

"Ayon na sila!" Lumiwanag ang mukha ni Carmela at may tinuro sa hindi kalayuan.

I looked in the direction she was pointing. Naroon ang dalawang tanyag na mananahi ng Argyll na sina Madame Celeste at Monsieur Antoine.

Nakita ko ang pag-takbo ni Carmela sa dalawang mananahi. Nang makahinto sa harapan ay saka niya ako tinuro ng may malawak na ngiti sa labi. 

"Pilian niyo siya pinakamainam," Utos niya, ang kanyang tinig ay puno ng kasabikan. "Ikakasal siya sa prinsipe ng Humilton, hindi maaaring pangit siya sa araw niya!"

Pinasadahan ako ng tingin ng dalawang mananahi at tinuro sa'min ang direksyon patungo sa atalier. Nang makapasok ay agad akong namangha sa karangyaan ng lugar. Ang mga tela ay nakabalandra na tila ba mga obra maestra. 

Ang mga seda, lace, at brocade ay nagmistulang mga hiyas na naghihintay na magawang kasuotan.

"Tunay ngang nakakamangha ang inyong mga obra maestra!" Sigaw ni Cynthia. Pinanood ko ang paghawak niya sa iba't ibang tela. 

"Lokaret, hindi ikaw ang ikakasal kaya't huwag mong pagpantasyahan ang mga iyan para sa iyo!" Suway ni Carmela sa babae. "Ni nobyo ay hindi ka pa nga nagkakaroon, paano ka ikakasal niyan?!"

Hinarap siya ni Cynthia na nakapamaywang. "Kung makapagsalita ka'y akala mo'y may nobyo ka!"

Tinawanan ko ang dalawa sa kanilang naging pag-uusap.

Sa pagkakarinig ko ay parehas silang no boyfriend since birth at mukhang wala pang balak sa bagay na iyon. Parehas abala ang dalawa sa panlabas na buhay upang buhayin ang sari-sarili nilang pamilya.

They don't have time to look for a man.

Habang hinahanap ng isang mananahi ang kaniyang sketch at iba't ibang uri ng tela ay naglakad ako sa isang silid. Lumapit ako at sinimulan ang paghawak sa iba't ibang tela. Ang mga ito'y napakakinis sa aking mga kamay.

 Ang isang asul na seda ay agad na umakit sa akin. 

"Gusto ko ang kulay na ito... bagay ba sa'kin?" tanong ko kay Cynthia na sumunod sa'kin gamit ang aking tinig na puno ng pagkamangha.

Marami rin namang magagandang tela sa dalawang libo't sampu, ngunit mas napukaw talaga ang interes ko sa mga tela rito. It looks so elegant and effortless. Isama mo pa ang mga palamuti!

"Bagay na bagay sa iyo, Binibini!" Pag-apruba ng babae. Tinawag niya si Carmela upang sabihin na tama ang kaniyang pananaw sa damit. Ganoon din naman ang sinabi ni Carmela at binato ako ng sunod-sunod na puri.

"Ganito ang nais na kulay ng Prinsesa," Anunsyo ni Cynthia sa dalawang mananahi. 

Tumango ang dalawang mananahi, mukhang namangha dahil sa maganda kong taste. Syempre, ako 'to, eh. Anak ako ng fashion designer kaya't hindi na ako magtataka kung bakit magaling ako sa pagpili ng mga kasuotan.

"Ito ang aming mga ideya para sa inyong kasal," sabi ng isang mamanahik, ipinapakita ang mga detalyadong disenyo na halos magmukhang buhay sa papel. 

"Ang asul na iyon ay kasing ganda ng iyong mga mata." Bulong pa ni Cynthia. Tinawanan ko lamang ito. 

Habang sinusukat nina Madame Celeste at Monsieur Antoine ang aking mga sukat, hindi ko mapigilang mapatingin sa paligid. Ang mga kagamitan sa paggawa ng kasuotan ay pulido at moderno para sa aming panahon. Ang mga makikinis na tela at mga kumikislap na mga burda ay tila ba mga bituin sa kalangitan.

"Sa tingin niyo, anong kasuotan ang iyong pipiliin ni Keitaro?" tanong ko, habang tinatanggal ang suklay sa aking buhok upang masukat ang tamang haba ng aking damit.

Humilig sa upuan si Cynthia. "Paniguradong isang tradisyonal na kasuotan ng angkan nila ang kaniyang susuotin." 

"Sigurado akong magiging napakagwapo ng mapapangasawa mo," Impit na tili ni Carmela kaya napairap ako.

Kahit naman anong damit ang suotin ni Keitaro ay bagay sa kaniya. 

"Binibini," tawag ko sa mananahi. "Gusto ko ng isang damit na hindi lamang maganda kundi komportable rin. Ayo'ko ng masyadong mabigat na damit na mahirap dalhin."

Inaprubahan naman ni Cynthia ang sinabi ko at inulit pa ito sa mga mananahi. Pinanood niya ang dalawang mamanahi sa ginagawa habang si Carmela ay lumapit sa'kin.

"Nagtungo ako kanina sa Pier upang tingnan ang listahan ng mga aalis. Ako'y nangangamba na baka may planong umalis ang lola ko ng hindi ako sinasabihan," 

Hindi ko alam kung bakit niya sinabi sa'kin iyon ngunit nakinig na lamang ako.

"Ano naman? Naroon ba ang pangalan niya?" Singit ni Cynthia sa usapan namin.

Carmela shook her head, halata ang pagkaginhawa at pagkapanatag sa mukha. "Ngunit nakita ko ang pangalan ni Prinsipe Ryuu sa listahan ng Pier... hindi ba siya dadalo ng kasal ng kaniyang kapatid?"

Doon ako saglit na natigilan nang marinig ang pangalan ng lalaki. Mariin akong napalunok, may kung anong kirot na naramdaman sa puso. I turned to face her, my brow wrinkled as I focused all of my attention on her.

"Saan patungo ang barko?"

"Kung hindi ako nagkakamali ay patungo iyon sa Valtory." 

Tumango-tango ako at pilit na hinila ang kulay sa mukha. Pero kahit anong gawin ko ay nagiging blangko lang din ang diwa ko at hulog ang mga balikat. Napuno ang utak ko ng makakapal na ulap.

Ano naman kaya ang gagawin niya roon? Magaling na ba siya? 

"Bakit, Binibini? Interesado ka ba?"

Mabilis akong umiling at inismiran si Cynthia. "Hindi 'no!"

Magsasalita pa sana ang dalawang kaibigan ngunit hindi na nagawang ibuka ang bibig nang lumapit ang mananahi. Pinakita nito ang nakahandang damit at kailangan na lamang ng kaunting ayos.

Ayos na sa panlasa ko ang damit kaya inaprubahan ko na ito.

Habang naghihintay naman ay nag-tingin kami saglit ng maaring ibagay na mga palamuti sa magarang damit na iyon. Maingay ang dalawa kong kaibigan habang ako ay walang lakas na ibuka ang bibig.

Nagtataka pa rin ako kung bakit...

Humugot ako ng malalim na hininga at hindi namataan ang sarili na nakauwi na sa Ventnor. Ipipikit ko sana ang mga mata ko upang ipahinga ang sarili ngunit sumigaw si Cynthia mula sa ibaba.

"Narito na ang iyong sundo!"

Inis akong sumilip sa bintana at agad na nakita ang kalesa. Paniguradong pinadala iyon ni Keitaro upang sunduin ako.

Doon ako aayusan sa palasyo... may tatlong oras pa naman para mag-handa.

"Binibining Aurora!" Sigaw naman ni Carmela. "Nakabihis na kaming dalawa ni Cynthia! Sana'y maabutan kitang nakahanda na at hindi nakahilata!"

Hindi ko alam... pero lahat ng galak ko ay natunaw.

"Oo na, pababa na." Pabalik kong sagot at walang ganang sinalubong ang dalawang kaibigan sa sala.

Nakasuot sila ng saya na ang kulay ay mapusyaw na asul. Nakapares dito ang kanilang bakya na may kataasan ang takong. May tanda ng kolorete ang bawat sulok ng kanilang mukha habang ang buhok ay kulot sa pamamagitan ng pagtanggal na matagal na trintas.

"Ganda niyo," I smiled at them.

Nag-high five naman ang dalawa. 

"Sinong mas maayos ang paglalagay ng kolorete sa amin, Binibini?" Usisa ni Cynthia at pareho nilang binalandra ang mukha sa harapan ko. "Hindi ba't ako?!"

"Anong ikaw? Ako kaya!" Panlalaban ni Carmela.

Tinawanan ko lamang ang dalawa at naghilamos. Dinala ko ang lahat ng kailangan ko sa kalesa at nang makasiguradong wala ng naiwan ay saka ako sumenyas na maaari na kaming umalis.

Nauna na sa Palasyo sina Cynthia at Carmela kasama si Rowan. Alam kong mas nagagalak pa sila kaysa sa akin.

Puro pagbati ang natanggap ko sa mga taong nakakasalubong. Nginingitian ko naman sila at pinasasalamatan. Nang kumunti ang mga tao sa paglalakbay ay tumikham na ako at tumulala sa kawalan.

Nakakainis, bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

"Ako na ho ang magbibitbit papasok sa loob." ani ng dalawang dama. Tumango naman ako at tahimik na naglakad papasok sa loob dala ang sarili.

Pero nakakapagtaka ang awtomatikong paghinto ko sa harapan kung saan matatanaw ang tambayan ni Ryuu... at kung saan naganap ang pangyayari noong gabing walang tila ang ulan.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ko. Magpapatuloy sana ako sa paglalakad ngunit napahinto nang marinig ang pamilyar na boses.

"Prinsesa, maari ko bang mahiram ng saglit ang iyong oras?" Tanong n'ya na agad na nagpapihit sakin paharap sa kaniya.

Naguguluhan akong tumingin sa militar na si Noel. Pinasadahan ko ang kabuuhan niya. There was hope and concern on his face habang nasa likuran ang dalawang kamay niya at tila ba may tinatago.

Nag-angat ako ng kilay at taka siyang tiningnan.

Bakit naman kaya niya ako kakausapin? Malimit niya naman akong kausapin. Depende na lamang kung patungkol ito sa mahalagang bagay o sa ensayo ng mga prinsipe.

"Ayos lang..." Pagkatango ko ay naglakad siya. 

Sinundan ko naman ang lalaki at nakarating kami sa likuran ng Palasyo.

Dumampi sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Hanggang ngayon ay makulimlim pa rin habang ang iilang kidlat ay gumuguhit ng linya sa kalangitan. My eyes lowered from the sky to the tree's height.

Mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ko.

Bakit ganoon? For some reason, the image of Ryuu sleeping in the large branch of the tree is still visible to me. Para bang minumulto ako no'n...

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, Prinsesa,"

Tuluyang naagaw ng militar ang atensyon ko. Binigyan ko siya ng malagkit na tingin, umaasang hindi tama ang hinala ko. I awkwardly tilted my head toward him. I have a gut feeling that he will open up to me about something personal.

Sana naman hindi siya aamin ng nararamdaman n'ya sa'kin. Hindi naman kasi ako pumapatol sa bente ang taon na agwat sa'kin. At isa pa ay sawa na akong makarinig ng pag-amin ng nararamdaman nila sa'kin.

Tsk, ang ganda ba naman ni Aurora. 

"Anong sasabihin mo?" Maangas ang tono na gamit ko. 

Para naman hindi niya ituloy ang balak niyang pag-amin sa nararamdaman niya dahil sa takot. Mas gugustuhin ko pa na sabihin niyang nakalimutan niya o wala iyon para hindi maging nakakailang sa paligid.

Handa na akong mag-salita ngunit natutop din nang ilahad niya sa harapan ko ang maliit na kwaderno. Yari ang kwaderno na iyon sa pinakamanipis na na tapyas sa kahoy. Sunog pa nga ang gilid no'n.

I arched an eyebrow. "Ano iyan?"

"Iyan ay talaarawan ng Prinsipe Sarathiel," Tuwid niyang pagkakasabi.

Napalunok ako at tinanggap ang nakalahad na talaarawan ng Prinsipe. Halos mawala sa isip ko ang pagkabigo sa sarili sa pagiisip na aamin siya sa'kin ng nararamdaman niya.

"Ano naman ang gagawin ko rito?" Pagsusungit ko. 

"Hindi ba't nagamit mo ang ritwal ng Ciuineos?"

Malakas ang pagkalabog na naganap sa loob ng dibdib ko nang marinig ang binitawan niyang mga salita. Tila ba nawala ang kulay sa mukha ko dahil sa labis na pagkagulat sa mga salitang binitawan niya.

He tilted his head, hinihintay ang sagot ko. 

Peke naman akong ngumiti, nahihirapan na nilunok ang malaking bara sa lalamunan habang ang pagtanggi sa mga sinabi ng militar ay nananaig sa'kin.

Paano naman niya nalaman ang tungkol doon?! Ako lang ang nakakaalam doon!

Mabilis akong umiling, pilit na nilalahad sa kaniya ang puno na pagtataka na ekspresyon sa mukha. Ayo'kong malaman niya ang totoo... natatakot ako na baka hindi ko siya mapagkatiwalaan at ipagkalat ito sa karamihan!

Shit, anong gagawin mo, Katana?

Paano kung... ligpitin ko siya?

A smirk drew on my lips. Patago kong hinawakan ang hawakan ng sandata mula sa likuran ko. Hindi manlang pumasok ang pagaalinlangan sa isip ko. Handa ko nang hugutin ang sandata ngunit napahinto nang magsalita ang militar.

"Huwag mong tangkain ang nais mong gawin. Prinsesa. Lingid sa aking kaalaman na wala kang kaalaman sa pakikipaglaban... at kung ipagpapatuloy mo ang iyong binabalak ay wala kang magiging laban sa akin."

Ang mga salitang iyon ay tila ba nagpagising sa diwa ko. I looked away and clenched my shaking fist. Ilang beses akong napalunok at napakurap, walang paki kung mag-mukha akong guilty sa harapn niya.

Alam naman na niya ang totoo.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi ko ito sasabihin..."

"Paano ako makakasigurado?" Tanong ko. 

Mariin niyang pinikit ang mga mata. "Maniwala ka na lamang sa akin—"

"Sigurado ka bang hindi mo ako lolokohin?" I snorted.

Inis niya akong tiningnan at pilit na kinalma ang sarili. "Nang mahalungkat ko ang mga kagamitan ng Prinsipe ay dali-dali kong tinago ang kaniyang talaarawan at hindi binigay sa reyna. Dahil... natatakot akong mabasa ng reyna ang tungkol sa iyo."

Those words somehow comfort me. Nilunok ko ang negatibong kaisipan at binitawan ang hawakan ng sandata. Kinalma ko ang sarili ko at bahagyang tinagilid ang ulo, hindi pa rin tapos ang labis na pagtataka.  

"Tungkol sa'kin?" I faked a laugh. "Paano naman magkakaroon ng tung—"

Kuso akong natikom nang mag-salita siya, "Ang iyong pangalan ay laging binabanggit ng Prinsipe Sarathiel sa kaniyang talaarawan. Halos walang pahina na hindi kasama ang iyong pangalan."

Natutop ako. 

I swallowed hard and looked down at Prinsipe Sarathiel's diary that I was currently holding. May kung anong kumurot sa puso ko. 

Naalala ko na naman kung paano siya pinatay... sa brutal na paraan.

Binuksan ko ang nasabing talaarawan habang pinapakinggan ang mga salita ni Noel.

"Nabanggit niya riyan na noong araw na una kayong magkita ay naramdaman niya na ikaw ang pinaka-unang nakagamit sa ritwal ng Ciuineos. Alam niya ang totoo tungkol sa iyo ngunit mas pinili niya itong itago dahil gusto ka niya."

Kung ganoon ay nagsinungaling sa'kin si Prinsipe Sarathiel? Sinabi niya sa'kin na hindi niya matukoy kung sino ang naka-gamit ng ritwal ngunit ang totoo pala ay alam niyang ako iyon...

Mariin kong pinaglapat ang labi at bumaling sa militar. "Sigurado ka ba talagang wala kang pagsasabihan?"

Hindi na siya tumango pa, mukhang pagod na sa paulit-ulit kong tanong. "Nakalimutan mo ang iyong memorya at maging ang iyong lakas sa pakikipaglaban, ngunit hindi nawala ang estado mo sa buhay. Higit na mas mataas ka kaysa sa akin kaya't wala akong karapatan tiwalagin ka."

Wala akong ideya kung pagkakatiwalaan ko siya o hindi. Pero kung papasadahan naman siya ng tingin ay mukhang papanindigan niya ang mga sinasabi niya.

Right, I should trust him. 

"Paano ka napunta rito?"

Sinandal ko ang sarili ko sa puno at pinag-krus ang mga braso. Noong una ay nagdadalawang isip pa ako sabihin ang totoo ngunit sa huli ay binanggit ko rin ang tungkol sa kaluluwa na nangungulit sa'kin sa paaralan at dormitoryo.

Tahimik lang ang militar na si Noel habang nakikinig sa'kin. Nagkaroon lang siya ng tyansang mag-tanong nang matapos na ako. 

"Subalit sino ang kaluluwa na iyong tinutukoy?"

I let out an annoyed groan. "Tinatanong mo sa'kin e, hindi ko nga rin alam." Magsasalita sana siya ngunit hinarang ko. "Pero kilala mo ba ang tigreng-ibon?"

Baka sakaling matulungan niya ako. Tutal ay alam naman na niya ang totoo, wala na akong dapat itago pa.

Mabilis siyang umiling. "Kilala ko ngunit tapat ang pangako ko sa hari."

"Ano?!" Sinapo ko ang noo ko at pinaningkitan ito ng mga mata. "Anong pangako mo naman sa hari?!"

"Na hindi ito sasabihin sa kung sino man." He flatly answered.

Inis akong napakamot sa ulo, mukhang hindi matitinag ang lalaki kahit anong gawin kong pilit. Alam ko ang batas nila patungkol doon, kaya alam kong walang bibigay para sabihin sa'kin ang hinihingi ko. 

Maging si Prinsipe Sarathiel nga ay tinago sa'kin! 

I was about to talk, but then he continued.

"Alam kong may prinsipe ang naroon ngayon sa panahon mo,"

Bumilog ang mga mata ko at napakunot ang noo. "Sino? At paano mo nalaman? Galing ka rin ba sa taon ng dalawang libo't sampu?!"

Ang dami talagang hiwaga na nangyayari sa mundo. 

"Ang mga prinsipe na pinatay sa hindi makatarungan na paraan ay may kakayahang mabuhay sa hinaharap gamit ang ibang memorya, pagkakakilanlan at paniniwala. Ngunit... ang pagkakapareho lamang ay ang itsura..."

Napatango-tango ako, hindi maiwasang hindi mamangha. 

Kaya ba't magkamukhang-magkamukha kami ni Aurora? Parehas ang hulma ng mga mukha namin ngunit ang pinagkaiba lang ay ang memorya, pagkakakilanlan at paniniwala, katulad ng sinabi ni Noel.

Pero... ano naman kaya ang naging dahilan ng pagkamatay ko noon? At sino ang prinsipe na nasa taon ng dalawang libo't sampu?

"Paano kapag namatay dahil sa katandaan?"

Umiling siya. "Hindi na siya maaaring mabuhay pa. Ibig-sabihin ay tapos na ang pananatili niya sa mundo."

"Eh," I scrunched my nose. "Bakit kaluluwa ang napunta sa'kin? At hindi na lang nabuhay bilang isang normal na tao ulit?"

"Marahil ay hindi talaga matahimik ang kaluluwa niya."

I tsked. Hindi naman talaga matahimik si Yevhen. Kulang na lang ay lagyan ko na ng tape ang bibig niya para hindi na siya makapagsalita pa. Malas, napunta tuloy ako rito! 

Kumunot naman ang noo ko. "Bakit mo alam?"

"Kapatid ako ng Reyna na si Eireen ngunit magkaiba ang aming tatay," He explained. "Ako ang gumawa ng ideya ng ritwal... siya lamang ang bumuhay sa ideya ko."

Napatayo ako ng tuwid, para bang napuno ng pag-asa ang buong pagkatao ko. "Kung ganoon ay alam mo ang iba pang daan pabalik sa taon ko?!"

Sa tingin ko ay ito na ang araw! Makakabalik na ako sa taon na pinagmulan ko!

Natigilan siya na nagpaudlot sa kasiyahan na nararamdaman ko. "Kung mayroon ba ay... gagamitin mo ito kahit na ngayon ang kasal ninyo ng Prinsipe Keitaro?"

Napaisip ako at tumango rin. "Nakaraan naman na ito. Dapat ay matahimik na ang inyong mga kaluluw—"

"Wala ng ibang paraan bukod sa pula at bilog na buwan."

Mabilis na nahulog ang balikat ko. Napahilamos ako sa mukha gamit ang mga pala. I think I celebrated too early! 

"Sigurado ka bang wala talaga?" Mas mabuti ng sigurado. 

Baka kasi tinatanggi lang ng militar dahil alam niyang hindi ako magdadalawang isip na gawin ang lahat para lang makabalik sa taon na nararapat ako... kahit na iwanan ko ang kasal namin ni Keitaro. 

"May talaarawan ba si Aurora?" Sunod niyang tanong at walang gana naman akong tumango. "Mahiwaga ang talaarawan na iyon para sa mga taong naka-gamit ng ritwal."

Gumuhit ang bilog sa aking labi. "Paano?"

"Isulat mo mula sa likod din ng talaarawan niya ang mga nangyari sa iyo kahit hindi magkakasunod ang araw, basta totoo ang pangyayari at nararamdaman na iyong isusulat. Kapag natapos ka ay isarado mo ng limang minuto at buksan ulit," He stopped. "Lalabas doon ang sinulat ni Aurora bawat araw."

"Ganoon?!"

I can't believe what he is saying! Hindi makatotohanan ang mga sinabi niya ngunit kaagad akong napaniwala sa seryoso at kalmado niyang tono. It gave me so much hope and brightened my face.

Alam kong... desidido na ako. 

"Saan ka pupunta, Prinsesa?"

Mariin akong napalunok at tinapunan ng mabilis na tingin ang militar. "Uuwi ako sa Ventnor—"

"Ngunit dalawang oras na lamang ay magsisimula na ang seremonya ng pag-iisang puso ninyo ni Prinsipe Keitaro!" Paalala niya sa'kin. 

Bahagya akong natigilan at napakurap bago tuluyang mariin na napapikit.

Tila ba naglalaban ang mga laman ng utak ko. They argue over the choice I will make. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa kabila ng pag-iisip sa aking konsensya.

But then, I followed my instincts. 

"Hahabol din ako kaagad! Kailangan kong umuwi!" Pasigaw na anunsyo ko kay Noel. 

May sinigaw siya sa'kin upang pigilan ako ngunit hindi siya nagtagumpay. Nagpatuloy ako sa paglakad palabas ng palasyo, ramdam ang labis na pagkagalak sa puso dahil sa hindi malaman na dahilan.

Ngunit may parte rin sa'kin na nagsasabing huwag ng tumuloy dahil kailangan kong siputin si Keitaro sa aming kasal. Still, I have a hunch that I need to look over Aurora's diary because I know there's something... important I should be aware of.

I heaved a sigh. 

Paumanhin, Keitaro.

^________________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro