Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

dalawampu't siyam

Dumaan ang araw ng ritual at katulad ng nakasanayan, kailangan pumunta ang lahat ng maharlika roon.

Sa paglalakad, hindi ko maiwasang mamangha.

It feels surreal.

Hindi ako makapaniwalang isang taon na akong narito. Wala akong ideya na matatagalan ko ang mga tao rito. Pakiramdam ko nga ay sanay na sanay na ako sa paraan ng pamumuhay sa taon na ito.

"Binibini!" Kumaway si Carmela sa hindi kalayuan, tumatakbo palapit sa'kin.

Nabawasan ang timbang niya at naging maputla ang kutis. Pansin din ang paglubog ng kaniyang mata at paglalim ng kaniyang eyebags.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait.

Matagal din simula noong huli ko siyang makita. Halos isang buwan ko na rin siyang hindi nakakausap at nakukuwentuhan ng mga bagay-bagay. And I have to admit that I miss her a lot.

Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. "Sabi na nga ba't makikita kita rito!"

"Ayon nga lang ay abala ako, binibini."

I scrunched my nose. "Nakikita ko ngang halos lahat ng dama ay natataranta dahil sa mga bisita. Inaasikaso niyo pala kasi lahat ng mga maharlika sa labas 'no?"

"Paumanhin, Binibi—"

Mahina ko siyang hinampas sa braso upang itigil ang nasa isip niya. "May kwento lang ako. Saglit lang!"

Malawak siyang ngumiti, tila ba galak na sa mga salita na sasabihin ko.

"Huwag mo sabihin bumalik ka bilang tagapagsanay?"

I shook my head. Luminga ako sa gilid at sinipat kung wala ng iba tao maliban sa'min. 

"Kami na ni Ryuu."

"Totoo ba?!"

"Shhh ka lang."

Tinapunan niya ako nang nangaasar na tingin, bakas pa rin ang pagkagulat sa kaniyang mata. Kahit ako rin ay hindi makapaniwala sa kaisipan na kami na ni Ryuu.

Parang noon lang ay madalas niya akong pinagtatangkaang patayin.

Time goes by so quickly. Hindi ko namalayang ang galit ko kay Ryuu ay napalitan ng pagkagusto. 

"Nasaan na ang prinsipe?" 

I shrugged. "Nag-tungo siya sa Valtory dahil naiwan niya ang armas niya sa kung saan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan siya. Wala na rin siyang kasunod na liham simula no'n."

Alam kong kaya ni Ryuu ilayo ang sarili niya sa kapahamakan pero sa kabila ng iyon, hindi ko maiwasang mag-alala. 

Handa na siyang mag-salita ngunit hindi nagkaroon ng tyansa.

"Carmela!" Tawag sa kaniya ng isang dama. Mukhang nagmamadali silang dalawa.

"Mauna ka na! Kailangan ko pang mag-tungo sa hari upang ibigay ito." Halata ang pagod sa basag na boses ni Carmela.

Gusto ko siyang tanungin kung ayos lang ba siya at kamusta na ba siya. Ngunit halata naman sa mga mata niya na hindi siya ayos. Alam kong pagod na siya at kailangan na niyang magpahinga.

"Ako na." Pag-presenta ko.

"Sigurado ka?"

"Oo nga. Patungo rin naman ako sa direksyon na iyon."

Tuluyan siyang nakumbinsi at pinaubaya na sa'kin ang dapat niyang gawin. Iniwan n'ya ako dala-dala ang buslo kaya naman nag-umpisa na akong tumahak patungo sa kampo ng mga militar.

Nais ko lamang makita si Noel upang magtanong.

Naiintindihan ko rin naman ang pagiging abala ni Carmela at pagkakulang niya sa oras. Marami kasing tao ang nasa labas na kailangan nilang asikasuhin. Lalo na't magsisimula na ang ritwal.

Lumiwanag ang mukha ko nang maaninag mula sa malayo si Noel.

Napansin niya rin naman ako. Huminto siya sa ginagawa para ituon ang atensyon sa'kin.

"Militar, maari ba akong magtanong?"

"Ano iyon?"

"Amh... sa tingin mo ba'y maaaring magbago ang hinaharap?"

I'll endure living this year if I can protect Ryuu from those who would kill him. Mukhang wala na rin naman kasi akong pag-asang makabalik pa sa taon na kung saan nararapat ako. At isa pa, unti-unti ko ng nagugustuhan ang buhay ko.

I have everything here. Sapat na iyon sa'kin at hindi na ako humihiling pa ng iba.

Noel shrugged. "Hindi ko masabi dahil maski ako ay walang ideya. Ngunit marahil ay oo naman."

Ang mga salitang iyon ay tila ba tumayong motibasyon sa akin. 

"Maraming salamat ho!" Kumaway ako at tuluyan nang iniwan ang militar.

Pumasok ako sa palasyo ng may ngiti sa labi.

My instincts say I can change the future. Kung saan maliligtas ko si Ryuu sa mga kapahamakan at sapat na siguro kung ang katandaan na lamang ang makapaghiwalay sa'ming dalawa.

That way, I'm happier.

"Hindi kita kailanman tinuring na kaibigan, Lycus,"

Dali-dali akong prumeno sa paglalakad at nag-tago sa malaking poste. Mabilis na dumagundong ang dibdib ko habang ang tainga ay nagpapanting, sabik na marinig ang susunod na pag-uusap ng dalawa sa loob.

Si Rowan ba iyon?

"R-Rowan..."

"Hindi mo rin naman ako tinuring na kaibigan. Sa tingin mo ba'y sapat na sa akin na gawin mong prinsesa ang aking anak? Sa tingin mo ba'y makakalimutan ko ang pagtataksil mo sa akin sa oras na pinataas mo ang ranggo ni Aurora?!"

Kumibot ang labi ko, ang kilay ay salubong.

Akala ko ba ay maayos na magkaibigan si Rowan at Lycus? Anong nangyayari?

"Tama ka, ako nga ang laging nagtatangkang pumatay sa iyo sa oras na gaganapin ang ritwal. Tinalikuran ko na ang paglilingkod sa iyo noong araw na nalaman kong tinuloy mo ang pagpapakasal kay Eireen!"

"Rowan, ako ang pinili ni Eire—"

"Sinungaling! Alam mong nag-iibigan kaming dalawa noon pa man! Ngunit ano? Ano ang iyong ginawa? Hindi ba't inaya mo siyang makipag-isang dibdib?!"

Sinapo ko ang aking bunganga gamit ang dalawang magkapatong na palad.

I couldn't believe what I was hearing. Wala akong nabasa na kahit anong artikulo patungkol sa kanilang tatlo. Ang alam ko lamang ay maganda ang relasyon nilang tatlo sa isa't isa.

At kaya pala naging prinsesa si Aurora kahit na wala siyang maharlikang dugo ay dahil sa hari.

"Ngunit pumayag siya," Prenteng sagot ng hari. Bakas sa tono niya ang pagkahirap sa paghinga.

"Pumayag siya dahil pinilit mo!"

Shit, mukhang nag-iinit sa loob ng palasyo. Dapat ba akong umawat?

Bahagya kong tinapat ang mata sa kanilang direksyon upang silipin ang mga kaganapan sa loob. Mabilis na bumalot sa aking mata ang blangkong silid. Walang kahit anong militar o dama, tanging si Rowan at ang hari lamang.

Napalunok ako.

Handa na akong humakbang papasok upang awatin ang dalawa ngunit huli na. With both of my eyes, I witnessed Rowan pull out his sword and rapidly stab the king in the chest. Nakatalikod ang dalawa sa'kin ngunit kitang-kita ko ang pagdausdos ng hari sa lapag.

Ano? Si Rowan?

Sinuot ni Rowan ang tela sa kaniyang mukha at tumayo dala-dala ang espada na may dugo ng hari. Akala ko ay makakatago pa ako ngunit hindi nakagalaw at tuluyang nag-yelo. Pumihit si Rowan sa direksyon ko, lalabas na sana.

He halted in front of me.

Mabilis na gumuhit ang pagkagulat sa kaniyang mga mata. Sinapo niya ang kaniyang noo at kinuyom ang kamao. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa dugo ng hari sa kaniyang balat.

"A-Ama..."

"Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa?"

Hindi ko siya pinansin, nananatiling blangko ang isipan.

It all make sense now.

Nakita ko si Rowan noong unang ritwal na madaluhan ko. Totoo ngang tinangka niyang patayin ang hari noon. Ngunit hindi siya nagtagumpay dahil kaagad siyang nasalisihan ni Ryuu.

Wala akong ideya sa nangyayari...

"Isipin mo'y wala kang nakita, maliwa—"

"Aurora,"

Halos atakihin ako sa puso ng may tumawag sa'kin.

Kaagad akong napapihit sa aking gilid nang marinig ang boses ng Heneral. Pinalis ko ang mga luhang natipon sa mata at sinikap na huwag ipakita ang labis na pagkagulat at kaba sa mukha. Nilapitan ko siya agad para matago ang pinangyarihan ng krimen.

"Bakit? Nautusan akong ibigay ito sa hari." Wika ko, turo-turo ang buslo.

"Nasaan siya? narinig ko ang kaniyang sigaw..."

Hindi ko siya napigilan kaya malaya siyang nakapasok sa loob. Kinagat ko ang labi ko hanggang sa tuluyan itong dumugo. Para akong kakapusin ng hininga.

There were a few quiet moments within.

"Tumawag kayo ng manggagamot!" Ang tinig ng heneral mula sa loob ay umaalingawngaw.

Kaagad na dumaan mula sa likuran ko ang mga militar na bakas ang pagkataranta sa mukha.

Sumilip ako sa loob. Kaagad kong nakita si Rowan na tinatayo ng dalawang militar. Hawak niya ang kaniyang dibdib at hinahabol ng pilit ang hininga.

Anong eksena niya?

"Si Prinsipe Ryuu ang pumatay sa aking kaibigan!"

Ilang beses akong napakurap habang ang mga mata ay nakapukol kay Rowan. Kalmado siyang nakatayo sa harapan ng dalawang militar, tila hindi man lang nakakaramdam ng kahit anong konsensya sa maling paratang na sinabi.

Naninikip ang dibdib ko habang hinahabol ko ang sariling hininga.

Para akong aatakahin sa puso... para bang manhid na ang buong katawan ko.

"Si Prinsipe Ryuu?" Mausisang tanong ng militar.

Marahan na tumango si Rowan, lamlam ang kaniyang mata at humugot pa ng isang dismayadong malalim na hininga. There was disappointment, concern, and sorrow on his face.

Ngunit nakakapagtaka.

Wala man lang kahit anong tanda ng konsensya at kaba sa kaniyang mukha.

"Paano mo naman nasabi?"

Handa nang mag-salita si Rowan ngunit natigil nang humarang ang isang militar. Binalandra niya ang espada ni Ryuu na mayroong nakasulat na tigreng-ibon na maliit sa gilid.

Kinapos ako sa hangin.

Paano napunta kay Rowan ang nawawalang sandata ni Ryuu?

Rowan sighed again. "Narinig ng dalawang tainga ko kung paano nag-makaawa ang hari kay Prinsipe Ryuu. Humahangos siya habang tinatanong ang sariling anak kung saan siya nagkulang at bakit nagagawa siyang pagtaksilan ng sarili niyang anak!"

Punong-puno ng emosyon ang bawat salitang binibitawan niya. Na kahit sino ay mapapaniwala.

"Maging ang anak kong si Aurora ay nakita kung paano walang awa na sinaksak ni Prinsipe Ryuu ang sarili niyang ama!" Basag ang boses ni Rowan nang sumilay sa'kin.

Tumingin naman sa'kin ang dalawang militar, naghihintay sa isasagot ko.

I just looked away.

Maya-maya ay pumasok sa akto ang Militar na si Noel. Pinaupo ng dalawang militar si Rowan na uubo-ubo pa kaya binigyan din ng tubig na maiinom.

Parang kanina lang ay ang lakas niya pa. Bakit umaarte siyang may sakit?

"Nasabi ko na kay Talaitha na ihanda ang anunsyo bukas ng maaga," Ani ng heneral.

Kumunot naman ang noo ni Noel. "Nag-desisyon na agad ang maharlika?"

"Dalawang araw bago tuluyang umupo si Prinsipe Keitaro sa trono bilang hari. At... paniguradong hindi siya magiging madali kay Prinsipe Ryuu lalo na't tungkol ito sa kanilang ama."

Kung ganoon... paparusahan at papahirapan ni Keitaro si Ryuu? Sa paanong paraan?

Lumipad ang tingin ko sa gawi ng aking ama. Tumatango siya sa lahat ng sinasabi ng mga militar patungkol sa pinaniniwalaan na pagpatay ni Ryuu sa hari.

Shit...

Nag-sinungaling si Rowan. At wala man lang akong ginawa upang itanggi ang sinabi niya.

Maraming naniwala kay Rowan dahil bukod sa paninisi niya kay Ryuu, alam ng lahat na maganda ang relasyon nilang dalawa ng hari. 

Wala kahit isa ang naniwala kay Ryuu o kahit ipaglaban siya.

Takang-taka rin ako dahil hindi niya man lang sinubukan ang ipagtanggol ang sarili n'ya laban sa maling paratang. He accepted it wholeheartedly at wala man lang akong narinig na kahit ano galing sa kaniya.

"Pinatapon sa Aurillia si Prinsipe Ryuu, Anak."

Napalinga ako sa aking likuran at mabilis na nakita si Rowan na kasalukuyang abala sa pagbabalat ng sayote gamit ang patalim. Hindi niya pinupukol ang mga mata sa'kin...

Pero inis na agad ako.

Hindi ako makapaniwalang may lakas pa siya ng loob na sabihin iyan sa'kin! Ang kapal din ng mukha. 

I clenched my jaw. "Bakit mo ginawa 'yon?"

"Ang alin?"

"Ang pagpatay sa kaibigan mo at ang paninisi sa ibang tao..."

Ngumiti lamang siya. "Noong araw na iyon, napagtanto kong kakampi kita," 

Lumukot naman ang noo ko. "Kakampi?"

"Bilisan mo riyan at magtutungo tayo sa Nyebes."

Nyebes? Hindi ba't iyon ang gusali na tinayo sa Ventnor kahit walang pahintulot ang hari. Ang Nyebes na pinaghihinalaan ng maraming tao na roon tinatapon ang mga nawawalang bata sa Ventnor.

Sa pagkakaalam ko ay hindi pa natatapos ang kaso ng mga nawawalang bata.

Pumayag akong sumama sa kaniya sa Nyebes... hindi para kampihan ang kasamaan. I just want to know if the allegations against their group are true. 

At hindi ako makapaniwalang totoo nga.

"Tanggapin mo ang presado na ito," Inabot n'ya sa'kin ang bagay. "Ang mga mayroon lamang nito ang pwedeng makapasok sa loob."

Sarkastiko akong ngumiwi at hindi pinansin ang nakalahad niyang kamay.

Sa pagkakarinig ko, ang mga may presado ay mga miyembro ng kasamaan na 'to.

Nananaig pa rin pala ang kasamaan at kasinungalingan sa mundo. 

Halos mapatakip ako ng bunganga ng sumalubong sa'kin ang mga batang humahangos sa loob. I feel like my heart breaks into multiple pieces every time they cry.

Totoo pala talaga ang balita...

Nilibot ko ang mata sa buong lugar. Madilim ito at tanging maliliit na lampara lamang sa bawat sulok ang makikita. Marami rin ang mga tao sa bawat gilid, may dala silang armas at tila ba nagmamatyag kung sino ang nasa loob.

There's a lot of weight in the air.

At ang amoy... amoy ng kasamaan.

"Anong ginagawa niyo sa mga bata?" Hindi ko na naiwasan pang mag-salita.

Huminto naman si Rowan sa paglalakad at pinasadahan ng tigin ang mga bata mula sa malayo. The kids looked away from Rowan, and I saw them hide their eyes and remain silent. Bakas na bakas sa kanilang mga mata ang galit at takot.

Pati ba naman ang mga inosenteng bata na ito? 

"Sinasanay namin upang hasa na sila sa oras na may digmaan man na dumating." Pormal na sagot ni Rowan. 

"Nang sapilitan?"

Rowan glared at me. "Hindi mo ba gusto ang ideya na marami tayong kakampi sa digmaan?"

Kumibot ang labi ko, unti-unting binabalot ang sistema ng galit. "Masiyado pa silang bata, Ama. At isa pa, hinahanap din sila ng mga magulang nila."

Tao pa ba ang isang 'to? Asal niya'y pang-demonyo.

"Patay na ang hari na si Lycus, Anak. Sinarado na ang kaso. Wala na ring karapatan ang mga magulang ng mga bata na ito na hanapin pa sila."

"Kaya mo ba pinatay 'yong hari?" Para rito sa kawalanghiyaan na 'to? 

Nagpakawala siya ng demonyong tawa. 

"Maiintindahan mo ang ama sa oras na lumaki ka na—"

I cut him off. "Ano pa bang dapat kong intindihin?"

Alam ko na ang mga nangyari noon. Kahit ulit-ulitin 'yon sa'kin ay siya pa rin ang mali. Hindi sapat ang dahilan niya para patayin ang hari... lalo na't sinisi niya ang pagpatay kay Ryuu!

Hayop siya!

Nag-iwas lang ng tingin si Rowan. Mukhang pinipilit niya pang pahabain ang pasensya niya sa'kin at tansyahin ako. 

Nagpatuloy kami sa paglibot sa buong lugar. Binabalot kami ni Rowan ng matinding katahimikan dahilan upang labis akong mailang. Ngunit mas ayos na siguro ito, ayaw ko rin kasing makipag-usap sa kaniya.

Nandidiri akong kausapin siya.

Malaki pa ang loob dahil may underground pa silang ginawa. Ngunit hindi ako nagtagal sa loob. Pakiramdam ko kasi ay nasa impyerno ako. Umuwi ako sa bahay at agad na nag-hilamos ng mukha. 

I blinked twice. 

Matatawag ko pa bang mabuting ama si Rowan kung hindi ko naman gusto ang mga aksyon niya?

Ginugol ko ang oras sa pagsasanay. I spent the entire day practicing my sword and bow skills in the backyard of the house. Sa katagalan, nakikita ko na ang pagbabago ng hawak ko sa mga armas. 

Now I know how to handle a sword with confidence. 

Napansin ko rin ang pagiging mabilis ko sa pagkilos na tila ba isang batikan. 

Totoo nga ang sinasabi nila na hindi ka matututo kung hindi mo hahaluan ng pag-e-ensayo.

"Marunong na ako..." Ngiting mapait ang gumuhit sa aking labi. 

Humugot ako ng malalim na hininga, hindi pinapansin ang butil ng pawis sa noo. Humakbang ako paatras para makakuha ng bwelo bago taas noong ginuhit ang espada sa ere, as if there's a target in front of me.

Sa tagal kong nag-e-ensayo, napagtanto kong ang tagal ko na ring naghihintay sa mga sulat ni Ryuu. 

Kumusta na kaya siya? Bakit hindi na siya nagpapadala ng liham? O kaya naman... kahit man lang sagot sa mga liham na pinadala ko sa kaniya.

Ang dami kong nais sabihin sa kaniya. 

"Binibini,"

Mula sa malayo ay binalot ng tinig ni Carmela ang tainga ko. I turned forward and our eyes immediately met. May hawak siyang buslo na puno ng bilog na prutas habang ang kasuotan ay nakapang-dama.

"Hindi ka nag-sabi sa'kin na ngayon ka pupunta rito!"

"Maski ako ay hindi naramdaman ang pagdating ng sabado. Hindi ko tuloy nasabi."

Binaba niya sa maliit na lamesa ang buslo at ngumuso sa aking harapan. There was sadness in her eyes but despite that she chose to smile.

"Pinapatawag ka ng hari, binibini,"

Umakyat sa aking mukha ang pagiging sarkastiko. Tumalikod ako kay Carmela upang bumalik sa pagsasanay. I tied my messy hair with a leaf stem. 

Buwan na rin ang lumipas simula noong umupo si Keitaro sa trono ng hari. 

Lagi kong naririnig galing sa bunganga ng mga militar na pinapadala niya rito na pinapatawag ako ng hari. Maraming beses na niya akong pinatawag sa palasyo at hindi na ito mabilang sa aking daliri. 

Pero kahit isa sa mga imbitasyon na iyon ay wala akong pinuntahan. 

"Kung ayaw mo ay... mas mabuting tanggapin mo na lamang ang imbitasyon sa iyo ni Prinsesa Weylin sa Aurillia."

Tumimbang ang boses niya sa tainga ko.

Binaba ko ang espada na hawak upang ituon muli ang buong atensyon sa kaniya. "Sa Aurillia? Nandoon si Ryuu 'di ba?"

"Ngunit hindi namin alam kung ano ang tiyak na lokasyon kung nasaan siya. Ang sabi ni Prinsesa Weylin ay wala roon si Prinsipe Ryuu."

"Pupunta ako."

Kahit hindi alam kung ano ang dahilan, nag-desisyon akong tanggapin ang imbitasyon ni Prinsesa Weylin. Nag-tungo ako sa Aurillia mag-isa. Mabuti nga'y pagbaba ng Pier ay sinalubong ako ng dama ni Weylin kaya hindi ako nahirapan sa paghahanap ng direksyon.

Malayong-malayo ang Valtory sa Aurillia. 

Sa Valtory ay mas timbang siyudad at mamamayan. Na kahit saan ka tumingin ay may nagtitinda ng kung ano-anong produkto sa gilid. Maraming tao roon, malayong-malayo rito sa Aurillia.

Puro kagubatan lamang at bihira makakita ng kabahayan.

Halos lahat din ng tao rito ay may kaniya-kaniyang armas. Tahimik din kahit saan ka mag-tungo. Tanging huni ng ibon, alon ng dagat at ang mga kulisap lamang ang maririnig.

Sobrang mapanganib at nakakatakot ang lugar na ito...

Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. 

Huminto kami sa harap ng malaking bahay na yari sa tuyong dahon at puno. Marami rin iba't ibang klase ng bulaklak sa mataas na bakuran.

"Prinsesa Aurora!"

Mula sa magandang bahay ay lumabas si Prinsesa Weylin. Sinuot niya ang kaniyang bakya at mabilis akong sinalubong.

"Mabuti at naparito ka!"

Ngumiti naman ako. "Wala naman akong ginagawa sa bahay."

"Tila ba nabunutan ako ng tinik," Humugot siya ng malalim na hininga matapos pumikit ng mariin. "Halika't pumasok ka." 

Paghakbang ko pa lamang sa loob ay hindi ko maiwasang mamangha. Sa bahay pa lamang ay mababa mo ng nasa mataas na ranggo ang may-ari at nakatira rito. 

Tinimplahan ako ng tsaa ni Weylin at pinaupo.

"Paumanhin kung naabala kita. Ikaw na lamang ang alam kong manggagamot na maari kong lapitan."

Napahinto ako at binaba ang tasa ng tsaa. May kung anong parte sa'kin ang binalot ng kaba nang masalisihan ko ang punong-puno ng pag-aalala na mata ni Weylin. Mugto rin ito at nanunubig.

"Hah? Bakit? Anong nangyari?"

Mangggamot? Ako pa talaga ang naisipan niyang tawagin sa kabila ng bilang ng mga magagaling na manggagamot sa buong Heseke?!

Eh, wala nga akong alam sa mga gamot! 

At isa pa, paniguradong madali lang sa kaniya ang magtawag ng magaling na manggagamot kahit na malayo ito sa Aurillia. I mean, she's a noble, a princess!

Sa dinami-dami naman, bakit ako pa?!

"Ayaw niyang tumanggap ng kahit sinong manggagamot," Sinapo niya ang noo. "Malubha na ang sugat niya at halos ubos na ang kaniyang dugo... sana'y mapilit mo siyang gamutin."

Sarkastiko akong natawa sa kabila ng seryosong usapan. "Nasaan ba iyon?"

"Nasa silid ko si Prinsipe Ryuu, Prinsesa Aurora."

Kumibot ang labi ko nang marinig ang pangalan ng Prinsipe. It's like my world has slowed down. Hindi ko namalayan ang paglapat ng palad ko sa kamay ni Prinsesa Weylin sa sobrang pagkawindang.

Tila ba nahipan ang kandila ko.

"Anong nangyari sa kaniya?!"

Napayuko siya. "Sana'y wala kang ibang pinagsabihan na magtutungo ka rito sa Aurillia maliban kay Carmela. Dahil... sa oras na malaman ng hari na narito si Prinsipe Ryuu, paniguradong hindi niya hahayaang makitang humihinga pa ito."

Kinuyom ko ang aking kamao sa galit.

"Hindi kita maintindihan..." I shook my head. "Tangina bakit naman gagawin ni Keitaro iyon?"

"Ang dahilan niya'y ito daw ay dahil sa pag-patay ni Prinsipe Ryuu sa hari. Ngunit sigurado akong may iba pang dahilan ang nasa likod nito. Dahil alam kong sapat na ang ginawa niyang pagpapatapon sa ibang lugar—"

"Nasaan ang kwarto mo?"

Agad niyang sinenyasan ang tatlong dama. Sinundan ko naman ang tatlong babae dala-dala ang naghahalo-halong emosyon sa aking kalamnan. Maging ang paa ko ay nanlalambot dahil sa masamang balita na narainig. 

Pagbukas pa lamang ng pinto ng silid ay agad tumama ang mata ko sa lalaking nakadausdos sa lapag.

It was Ryuu, topless.

Halos maging kulay pula na ang puting kumot na hinihigaan ni Ryuu. His eyes were closed, and both hands were blocking his large stomach wound. Putlang-putla siya at tila ba ubos ang lahat ng lakas.

Kumibot ang labi ko at tuluyang nanikip ang dibdib. 

There was a feather with black ink and a piece of crumpled paper on his side.

Bumaba ang nanunubig kong mata sa nakasulat sa papel.

"Aurora," Bulong ko sa hangin, garalgal ang boses na binasa ang sariling pangalan na sinulat ni Ryuu sa isang pirasong papel. 

It seems like he was trying to write me a letter, but he was at a loss.

"Ryuu... narito na ako..." 

Tinanggal ko ang kaniyang dalawang kamay sa sugat niya at pinalit ang kanang kamay ko para mahinto ang pag-daloy ng dugo. Hindi pa rin kasi tumitigil ang dugo dahil sariwang-sariwa pa rin ang tama sa kaniyang tiyan. 

Maging ang mga braso n'ya ay may mga tama ng sandata. At sa tingin ko, palaso ng pana ang nakatama sa tiyan niya.

Fuck you, Keitaro!

"Bakit ka napadalaw?"

Mabilis kong pinalis ang luha sa aking pisngi nang marinig ang boses ni Prinsesa Weylin. Nilingon ko ang likod ko ngunit wala naman siya roon. 

Siguro ay iba ang kausap niya sa labas. 

"Pinadala ako ng reyna rito upang alamin ang kalagayan mo." 

Mariin akong napalunok at ang mata ay naging hugis bilog. My heart pounded so loudly that I could hardly feel it as I bit my lip. Ilang beses akong napamura sa isipan, ang mga mata ay nakatuon kay Ryuu.

Anong gagawin ko?!

"Ayaw mo ba ako rito, Weylin?" Tinig iyon ni Keitaro mula sa labas. 


^______________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro