dalawampu't lima
Malakas akong humalakhak matapos ang pananatili sa isang gilid. Napansin ko naman ang pag-hawi ni Ryuu sa kamay ko na nasa braso pa rin niya. Bakas ang inis sa kaniyang mukha nang mapagtanto ang pagiging uto-uto niya.
"Kung kapatid lang kita ay baka kanina pa namumula ang iyong noo dahil sa pitik ko."
Handa na akong mag-salita upang manlaban pabalik sa mga salitang binitawan niya ngunit natutop ay napalayo ng tingin. Napagtanto kong... ayon ang sinabi sa 'kin ni Yevhen noong pumayag akong tulungan siya matapos mag-inarte ng ilang linggo.
Walang pinagbago sa kaniyang hilig.
A smile drew on my lips as I looked at him. "Aminin mo na lamang na uto-uto ka!"
Lumabas siya at hindi na ako pinansin pa. Akala siguro niya ay hindi ko siya susundan ngunit nagkakamali siya. I followed him with my small jump.
Hindi pa rin mawaglit sa isip ko na ang nag-iisang tigreng-ibon ay uto-uto.
Bumagal ang lakad niya kaya't nakasunod naman kaagad ako.
"Ka-ano-ano mo 'yong matanda kanina?" I asked, still confused.
Akala ko ay hindi niya ako sasagutin at iiignora lamang. Handa ko nang ibuka ang labi ko ngunit nag-salita naman siya. So I just let him.
"Lumaki ako rito sa Valtory kaya't hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa iyong pagsisinungaling na may ganoong tuntunin dito." He said in disbelief.
Napahalakhak naman ako matapos siyang pangkunutan ng sobra ng noo. Huminto ako sa paglalakad at nilagay ang takas na buhok sa likuran ng aking tainga. Nagpamulsa ako upang mabawasan ang lamig na nararamdaman at nananatiling natatawang hinarap ang lalaki.
"Eh alam mo naman pa lang walang ganoong tuntunin, pero naniwala ka rin naman!"
Para ano? Para matabihan din ako? Sus, moves mo.
He just glared at me and continued walking.
"Pwede bang sagutin mo muna iyong tanong ko?!" I rolled my eyes.
"Si Ginang Linda ang nag-alaga sa akin hanggang sa muli siyang umuwi sa Espanya."
Kumibot ang labi ko at bahagyang tinagilid ang ulo. "Ahh, ibig-sabihin ay taga-espanya si Ginang Linda at naturuan kang mag-espanyol?"
Ang espanyol na lengguwahe na pinagtataguan niya sa tuwing may nais siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya kayang sabihin. Funny how he used to flirt with me using the words of Spain.
I smirked and stopped from walking. Hinayaan ko siyang mauna habang nananatili ang galak sa damdamin ko.
"Siguro inalagaan siya ni Ginang Linda noong namatay si Reyna Eireen. Nabanggi kasi sa'kin ni Keitaro na nagpaiwan si Ryuu rito sa Valtory at hindi sumama sa kaniyang kapatid na si Prinsipe Sarathiel..."
Kaya pala mukhang maganda ang relasyon ni Ryuu sa mga tao rito.
Napatango-tango ako. It's all making sense.
Patakbo ko siyang sinundan habang hawak ang magkabilang gilid ng mahabang palda, ngunit napahinto rin nang maramdaman ang pagkapigtas ng suot na bakya.
The corners of my eyes crinckled as I tightened my grip on my dress.
Mabilis kong tinapunan ng tingin ang likod ni Ryuu na tila ba hindi napansin ang paghinto ko sa pagsunod sa kaniya. The colors drained out of my face, and I took a deep breath before looking for somewhere to sit.
Hindi ko alam kung bakit pagkabigo ang bumalot sa aking sistema. Naupo ako sa gilid upang tingnan ang bakya ko na tila ba wala ng pag-asang maayos pa. I know sadness clouded my face because of frustration.
"Bakit ba laging nasisira 'tong bwisit na bakya na 'to?!" Ilang segundo kong mariin na pinikit ang mga mata ko at inis na hinagis sa malapit ang bagay na nasira.
Tumingala ako, sinusubukang hanapin si Ryuu sa dagat ng mga tao. Siksikan ang mga tao at lahat ay may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan. Maingay din ang paligid dahil may nagaganap na pista sa hindi kalayuan.
I pouted and looked down, feeling the heat in my eyes.
Akala ko ay hihinto si Ryuu sa oras na mapagtantong walang makulit na sumusunod sa likuran niya. Mali pala ako. Tila ba nag-laho na lamang siya na parang bula... without realizing that I could no longer keep up with him.
"Hindi niya ba napagtanto na wala na ako sa likuran niya? Maski maramdaman ang pagkawala ng presensya ko sa kaniyang likuran ay hindi niya ba naramdaman? Ganoon ba talaga siya kawalang paki sa'kin? Is he that cold that he isn't even aware that I am no longer with him?!"
Muli akong napapikit ng mariin at sunod-sunod na lumunok upang mawala ang malaking bara sa lalamunan.
I want to cry... hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Maging ang mapa na binigay sa'kin ay nawaglit ko na. Ni wala akong ideya kung saan ang daan pabalik sa pier...
Hindi ko na alam... It was as though I had been repeatedly stabbed in the heart.
Pinalis ko ang mga natipon na luha sa aking mata at pilit na pinagaan ang mabigat na loob sa pamamagitan ng sunod-sunod na paghugot ng malalim na hininga. As soon as I had completely calmed down, I got up barefoot.
"Saan na ako pupunta ngayon?" Tumulis ang dulo ng labi ko. "Bahala na..."
Punong-puno ako ng pangangamba nang tahakin ang daan kahit na hindi ko alam ang aking patutunguhan. Ang sabi kasi ni Aurora sa talaarawan niya ay pinakamapanganib ang Valtory sa buong Heseke. At wala akong alam kung kailan ako lalapitan ng panganib.
Wala akong mapa... wala akong palatandaan para sa daan pabalik sa Pier...
Nakakainis... wala man lang siyang paki sa'kin. Baka nga hanggang ngayon ay naglalakad pa rin siya patungo sa kaniyang destinasyon... without looking back to check on me... without knowing that I'm not with him anymore...
"Sumakay ka,"
Hearing Ryuu's voice beside me made me blanch and swiftly look up. Nakasakay siya sa kalesa habang kinokontrol ang kabayo sa mabagal na bilis upang mapantayan ang maliliit kong hakbang.
Wala akong ideya kung bakit gusto kong humangos ng iyak. Maging ang paninikip ng dibdib ko at malaking bara sa lalamunan ay hindi ko mahanap ang kasagutan kung bakit kailangan ko itong maramdaman.
I should have known better than expected that Ryuu would notice my absence right away, considering I'm... nobody to him.
"Aurora, sumakay ka."
"A-Ayo'ko." Mabilis kong pagtanggi sa alok niya at nilakihan ang hakbang habang ang mukha ay nasa iisang linya lamang.
Narinig ko naman ang paghugot niya ng malalim na hininga at tumigil. It feels like he has already given up. Kinuyom ko ang kamao ko at mabigat ang bawat hakbang na nagpatuloy sa paglalakad, iniignora ang lalaki sa likuran na hinayaan na ako.
"Kaya ko namang umuwi mag-isa..." I scowled. "Nakarating nga ako rito mag-isa, kaya makakauwi rin ako mag-isa! Hindi ko naman siya kailangan para makauwi! Hindi siya kaw-"
My jaw fell as the sound of a horse neigh echoed in my ears, forcing me to instantly stop. Mabilis kong inangat ang tingin ko sa harapan ko, maging ang mga kamay sa gilid ng palda ay napabitaw dahil sa gulat.
Ryuu's carriage is now in front of me and blocking my path. Nagkasalisi ang mga mata namin. Madilim ang tingin niya, nakaigting ang panga at ang buhok ay magulo dahil sa hangin na sinalubong niya. Maging ang pagkakahawak niya sa tali ng kabayo ay mahigpit, exposing the veins in his manly hands.
"Paumanhin... " He almost begged, using his very soft tone. "Sana pala'y sinabi ko sa iyo na ako'y kukuha lamang ng kalesa upang hindi ka na mag-lakad ng walang suot sa talampakan."
It made me gulp and fold for no reasons.
Nag-iwas ako ng tingin upang bumaling sa likuran namin. Halos lahat ay napahinto at humawi, bakas na bakas pa ang malaking espasyo sa gitna kung saan hinarurot ni Ryuu ang kalesang sinasakyan.
Gulat na gulat silang lahat dahil sa pananatiling paghinto sa gilid. Ang iba ay pinagbubulungan kami dahil mukhang napinsala ang kanilang ginagawa dahil sa pagharurot ni Ryuu sa daanan...
But some people are cheering us as though we're a man proposing to a woman.
Matigas kong tiningnan pabalik si Ryuu, walang planong bumigay sa kaniyang ginawa. Handa na akong mag-salita ngunit sumulpot bigla ang lalaking matanda sa harapan namin. Bitbit niya ang bakya at hinahabol ang hininga.
"Akaryuu, hijo!" Humugot siya ng malalim na hininga. "Naiwan mo itong binili mong bakya..."
Lumipad muli ang tingin ko kay Ryuu. He nodded slightly and took the item from the old man with gentleness, displaying an aura of shyness.
Doon ako napalunok, tila ba may humaplos na kung ano sa aking puso.
Handa nang magsalita ang lalaking matanda ngunit natigilan din. Lumipad ang tingin niya sa akin, sandali niyang pinasadahan ang kabuuhan ko na may malawak na ngiti sa labi at nanunuksong binalik ang tingin kay Ryuu.
"Siya ba ang iyong nobya?" He asked Ryuu and looked at me. "Nasira ba ang iyong bakya? Kaya pala'y nagmamadaling sumuong sa amin si Ryuu upang bumili ng ipapalit sa nasira mong bakya. Ngunit sinabi niyang mas mainam daw kung kalesa na lamang ang kaniyang kuku-"
"Mang Kanor," Ryuu tried to stop the old man.
Mukhang hiyang-hiya siya dahil sa sinasabi ng matandang lalaki patungkol sa kaniya. Bakit? Nakakahiya ba ang pagiging maginoo?
Sinenyasan siya ng matanda at inignora bago muling tumingin sa'kin. "Napakabuting lalaki ng iyong nobyo, hija. Akalain mo'y kasing bilis niya ang kidlat sa pag-takbo para lamang palitan ang nasira mong bakya dahil nag-aalala siyang malamigan ang iyong talampakan?"
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko at may maliit na ngiti sa labi na umiling.
"Hindi ko po siya nobyo-"
"Bakit naman hindi? Kayo'y bagay na bagay para sa isa't-isa," Dismayado siyang tumingin kay Ryuu. "Hindi mo ba nililigawan ang dalagang ito? Akala ko nga'y mag-asawa na kayong dalawa na may kaunting hindi pagkakaintindihan." He laughed.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halos lahat yata ng tao rito sa Valtory ay iisa lamang ang sinasabi... na pinagkaloob kami ng diyos para sa isa't-isa.
I looked up at Ryuu, who's sighing as the color of his face drained out of his face.
"Akaryuu hijo, sana'y tigilan mo ang pagiging torpe mo't pakasalan na s-" The old man looked at me. "Ano nga ba ang iyong pangalan?"
I gulped. "A-Ah Kat... A-Aurora po..."
"Oh, napakagandang pangalan," Muli na naman siyang bumaling kay Ryuu, ang kamay ay tila ba pinagkakaisa na kami. "Sana'y maimbitahan ako sa inyong pag-iisang puso bago ako bawian ng buha-"
"Mauuna na kami, Mang Kanor." Matigas na sabi ni Ryuu at binalingan ako. Sinenyasan niya ako gamit ang kaniyang mga mata at mabilis ko iyon nakuha. I hesitated so badly, pero kung hindi ako magpapatinag ay paniguradong iisipin niya na nagugustuhan ng tainga ko ang mga sinasabi ni Mang Kanor.
I tsked. Sa ugali pa lang ni Ryuu ay alam ko na ang gagawin niya.
"Nagagalak ho akong makilala kayo, Mang Kanor!" Bati ko sa matanda na may ngiti sa labi. I don't know, but he seems to have lifted my mood. Aalalayan pa nga sana niya ako pasakay sa kalesa ngunit naunahan siya ni Ryuu.
Ryuu helped me get into the carriage. Muli siyang sumakay sa harapan nang masiguradong nakasarado ng mabuti ang maliit na harang sa gilid ko.
"Mag-iingat kayo, ha!" Mang Kanor waved to us.
Ngumiti naman ako sa kaniya. "Huwag po kayong mag-alala, nasisiguro po akong iimbitahan ko kayo sa kasal ko."
Nakakaway lamang si mang kanor sa ere hanggang sa tuluyan kaming makalayo. The smile immediately fell from my lips when I finally looked ahead, and I sat up straight, feeling the tension in the atmosphere.
"Kasal mo?" Pagbasag ni Ryuu sa nananalatay na katahimikan.
Pinanliitan ko naman ito ng mga mata at pinag-krus ang braso. Prente akong umupo at pinanood ang pag-galaw ng braso niya sa tuwing kokontrolin ang kabayo. I can't see his face, but I know he has dark eyes and a poker face.
"Bakit? Dapat bang kasal natin ang sinabi ko sa kaniya?" I spit it out without hesitating.
Hindi naman siya nakaimik kaagad, malayong-malayo sa nakasanayan niya na halos lahat ng sinasabi ko ay may rebut siya. Handa na akong mag-salita muli para bawiin ang sinabi ngunit sa halip ay napakunot ang noo.
Mula sa dilim ay nangingibabaw ang tainga niyang grabe ang pamumula.
What? Ano bang sinabi ko? May sakit ba siya? Bakit siya namumula? Did he felt butterflies in his stomach?
Sorry kung naiintindihan mo ang banat ko. Hayaan mo sa susunod ay sasabihin ko iyon sa lengguwaheng ingles para hindi mo maintindihan... katulad ng ginagawa mo sa'kin sa lungguwaheng espanyol.
"N-Nagugutom ka na ba?" Pag-iba niya ng usapan.
Doon naman ako napakunot at saka lamang naramdaman ang pagkalam ng sikmura. Hindi na ako nagkaroon ng tyansang sumagot pa dahil hininto niya kaagad ang kalesa sa harapan ng maliit na kainan.
Maraming tao sa loob dahil hapunan na.
"Ako na ang hahanap ng mapupwestuhan natin... ikaw na ang pumili ng pagkain-kahit ano ay ayos lang sa'kin."
He quickly shook his head and clicked his tongue. Kunot noo kong nilandas ang mata ko sa kaniyang tainga at napangiwi nang makita ang nananatiling pula rito.
"May alam akong lugar na maari nating kainan."
Tumango na lamang ako at hindi na nanlaban pa dahil gutom na rin ako. Mabilis lang kaming nakabili ng pagkain at habang nasa kalesa ay tahimik lamang kami, habang ako sa likuran ay pinipigilan ang kamay na huwag galawin ang pagkain sa kabila ng pagkagutom.
Nakakahiya naman kung kumain ako dahil parehas lang naman kaming gutom.
Gusto ko rin mag-salita ngunit tinikom ko na lang ang bibig ko sa pamamagitan nang pagkagat sa labi. I was tiptoeing while looking at the view. Walang city lights dahil puro kandila at lampara lamang ang nauuso sa panahon na ito. Maging ang mga gusali nga ay wala rin.
Pero swak naman na sa mata ang bilog at matingkad na buwan.
Tumingala ako sa kalangitan at dinama ang sariwang hangin na humahampas sa aking balat. Bilog na bilog ang puting buwan at aaminin kong nakakamangha ito.
How I wish it turned red... But there's also a part of me that doesn't want it to be red.
Huminto si Ryuu sa dalampasigan na nagpahulog ng panga ko. Walang imik kong tinanggap ang alok niyang kamay para alalayan ako sa pagbaba at nangingiting naglakad palapit sa baybay-dagat.
Hinayaan ko si Ryuu na ibaba ang mga pinamili naming pagkain. Napansin ko ang pag-latag niya ng may kalakihang tela sa damuhan at doon nilapag ang mga pagkain.
I smiled and rushed into his direction. Agad akong naupo sa kabilang gilid niya. Between Ryuu and me was the meal he bought and the lamp, and we were sitting on either side, beneath the moon and the gorgeous sea.
Prente akong umupo at sinabayan ang katahimikan. Tanging ingay lamang ng hampas ng alon at ang mga kulisap ang naririnig sa kabuuhang lugar. Walang tao dahil kami lamang ang naririto.
Inayos ni Ryuu ang pagkain ko bago ito ibigay sa'kin para hindi ako mahirapan. Tahimik naming inubos ang pagkain namin habang hinahayaan ang kagandahan ng kalawakan na lamunin ang buong paligid.
Kunot noo akong nag-angat ng tingin nang tumayo si Ryuu at nag-lakad. Nang marating niya ang dulo ng alon ay yumuko siya para tupiin ang kaniyang itim na pantalon bago nilusong ang hanggang tuhod na dagat.
Fuck, naiinggit ako. I have never been to the sea at this hour.
Inayos ko ang pinagkainan ko at tumayo rin para sundan siya. Hawak-hawak ko ang mahabang palda nang lumapit hanggang sa dulo ng alon.
Alam kong ang saya ko ngayong gabi...
"Nasaan si Ryuu?" Tanong ko sa sarili nang mawala sa paligid si Ryuu. Niyapos ko ang buhok na hinahangin ng malakas na hangin upang hindi nito matabunan ang mga mata ko.
Asan iyon nag-punta? Delikado na para maligo lalo na't kami lang ang narito.
Sakit talaga sa ulo ang isang iyon.
Handa ko nang hubarin ang bakya na suot ko upang ilusong ang paa sa tubig ngunit napahinto rin. Sexy laughter from my side echoed in my ears. Agad kong hinanap kung saan iyon nagmula at mabilis na nakita si Ryuu na naglalakad palapit sa'kin.
"Ryuu, ano 'yan?!" Nanggagalaiting tanong ko sa kaniya.
May munting ngiti sa labi niya nang ihaon niya sa dalampasigan ang malaking talangka na nanlalaban pa. I thought I would be amazed by the big crab he caught, but it was his smile.
Sa walong buwan na paninirahan ko rito, hindi ko inaasahang ang laging nakasimangot pala na si Ryuu ay marunong ngumiti. It was his first, and I hope to see it often.
"Anong ginagawa mo riyan?" He asked me back. "Hawakan mo ito at manghuhuli pa ako."
Mabilis akong umiling. "Ayo'ko nga! Nasisiraan ka na ba ng bait? Paano kung sipitin ako niyan?!"
Sana pala'y sinipot ko na si Keitaro sa araw ng kasal namin. Pakiramdam ko ay mas tinatrato niya pa ako ng tama!
"Hawakan mo lamang sa kaniyang katawan at hindi na ito makakasipit pa." With a very soothing voice, Ryuu instructed me, assuring me that the crab wouldn't hook me.
Gusto ko pa sanang mag-reklamo at manlaban ngunit wala na akong nagawa pa. Para akong nahihipnotismo nang maglakad patahak sa kaniya habang ang mukha ay nangangasim at hindi maipinta.
Nang makalapit sa kaniya ay laking gulat ko nang kuhanin niya ang aking kamay. I don't know why, but as he lightly grabbed my hand, I felt an electric shock. Sunod-sunod naman akong napalunok at napakurap.
"Dito lamang ang iyong kamay at huwag mo masiyadong ilapit sa iyo." Nangingiti niyang ani pa.
Napatuwid ako sa pagkakatayo at bahagyang minulat ang mga mata mula sa pagkakapikit nang tuluyang maramdaman ang timbang ng alimango na halos kasing laki ng ulo ko. Agad namang nagkasalubong ang mga mata namin ni Ryuu.
His head was tilted as he gazed at me, a broad smile remaining on his face.
Lumunok ako kahit na natutuyo na ang lalamunan. "Ano? Tatayo ka na lang ba riyan?! Kumuha ka ng lalagyan do'n, Ryuu! Hindi iyong pinapanood mo lang ako!"
Sumeryoso ang mukha niya at naglaho bigla ang ngiti.
May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan?
"Mamaya na..." His arms were crossed in front of me. "Nais pa kitang pagmasdan."
Tuluyan akong natutop at hindi na kinayanan pa ang makipagtitigan sa kaniya. Nag-layo ako ng tingin kasabay nang pagguhit ng ngisi sa kaniyang labi na para bang tuwang-tuwa siya sa kasalukuyan kong kalagayan.
If he continues to be like this, I know I won't be able to control myself.
Ilang segundo bago ko matapang na binalik ang tingin sa kaniya. But as soon as I caught his seductive gaze on me, I also started to weaken and hurriedly glanced down at the crab.
"P-Paano kung may pamilya pa 'tong alimango?" Nalulunok kong sabi, sinusubukang baguhin ang ihip ng hangin sa pagitan namin. "Paano k-kung siya na lang ang inaasahan sa pamilya niya? Paano kung may inuuwian 'tong mga anak n-n'ya?!"
Kapansin-pansin ang paghulog ng ngiti niya at napalitan ito ng hindi pagkapaniwala.
"Alimango lamang iyan, Auror-"
"Kahit na! Kahit ano pa 'yan, may buhay pa rin 'to!" I rolled my eyes.
Hindi ko alam kung may sense pa ba ang sinasabi ko o wala. Ang mahalaga ay mag-iba lamang ang atmosphere.
Nag-tiim naman ang bagang niya at ilang segundo bago lumamlam ang mga mata. Humugot siya ng malalim na hininga at tinapunan ng tingin ang alimangong hawak bago bumaling sa'kin.
"Oh!" Asik ko at mapwersang inaabot sa kaniya ang alimangong hawak. Mabilis ko namang narinig ang pag-daing niya kasabay nang paglayo niya ng tingin sa'kin.
Kumunot ang noo ko. Pinanood ko ang paggalaw ni Ryuu at hinawakan ang kaniyang pisngi.
"Anong nangyari? Nasipit ka ba?!" Pag-aalala kong tanong.
Umupo ako at mabilis na pinakawalan ang alimango na hawak. Pinanood ko ang paglakad nito pasulong sa dalampasigan at hindi na hinintay makatungo ito sa tubig. Muli akong tumayo at nag-aalalang pinaglapat ang mga ngipin.
I don't know why I felt fear. Parang umiikot na agad ang sikmura ko dahil pakiramdam ko ay papagalitan ako ni Ryuu dahil sa hindi pag-iingat.
Teka... may poision ba ang alimango na iyon? Paano kung ayon ang kinamatay ni Yevhen?
"Patingin nga!" I grab his face angrily in my direction. Naramdaman ko naman ang bahagyang pagbaba ng kamay niya mula sa kaniyang pisngi nang ilapat ko ang magkabilang palad ko sa kaniya.
I saw him gulp as he clenched his jaw. "A-Aurora..."
"Bakit? Masakit ba? Ang tigas kasi ng ulo mo!" Asik ko at marahas na pinalandas ang hinlalaki ko sa kaniyang kanang pisngi. "Mabuti nga't hindi ka nasipit! Sino ba kasing nagsabing manghuli ka no'n?!"
Nakakabwisit naman kung naghanap si Yevhen ng hustisya para sa pagkamatay niya kung isang malaking alimango lang naman ang nakagawa sa kaniya!
"Mas mainam kung bibitawan mo ako hangga't may kakayahan pa akong kontrolin ang aking sarili." He said it coldly as he glared at me.
Hindi naman ako nagpatinag at sarkastikong tumawa, nananatiling nakalapat ang mga palad sa kaniyang pisngi. "Para ano? Magagalit ka na naman sa'kin kasi hindi ako nag-iingat, ganoon ba? O baka naman-"
I froze in my spot as his lips suddenly touched my lips.
Walang dalawang segundo ang pagtatama ng mga labi namin ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan ang aabutin ko bago maproseso 'yon. I couldn't even feel myself in front of him!
Para akong blangkong papel sa harapan niya na naghihintay mapunan!
Nag-iwas ako ng tingin at inalis ang mga palad sa kaniya.
"Bumalik na tayo sa Humilton, Aurora." As if nothing had happened, he muttered and walked ahead of me..
^_______________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro