Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

dalawampu't isa

"Lagyan mo lamang ng kontrol ang paghawak sa espada," 

Mabilis akong tumango at ginaya ang kaninang ginawa niya. 

Matapos namin magkamustahan at magpalitan ng matatamis na salita ay nagpasya siyang ipakita sa'kin ang iba't ibang paraan ng paghawak ng espada. Nagtungo kami sa pribadong lugar sa palasyo kung saan nagsasanay ang mga prinsipe.

Kaming dalawa lamang ang narito sa tahimik na lugar habang ang iba ay nasa Mulave, nagtitipon puksain ang kagutuman.

"Malapit ba kayo sa isa't isa ni Prinsipe Sarathiel?" I can't help myself but ask. 

Kanina ko pa siya gustong tanungin tungkol dito ngunit hindi ko magawa dahil baka mapagalitan niya ako. Istrikto ang lalaki pagdating sa pagtuturo nang paghawak ng mga sandata.

Kaya normal lang sigurong kabahan sa oras ng pagsasanay.

But the good thing is, he never shouts at me. Kapag napupuno siya sa'kin ay mariin niyang pinipikit ang mga mata niya at huhugot ng malalim na hininga bago ngingiti sa'kin. Hindi niya yata ako kayang pagsabihan ng kung anong salita na ikakasakit ko.

Keitaro shook his head. Pinorma niya ang hawak na pana at pinikit ang isang mata, tinatyansa ang gitna ng bilog na nakaguhit sa kayumangging papel. 

"Hindi lumaki ang dalawang prinsipe rito sa Humilton. Parehas silang nanirahan sa Valtory dahil iyon ang kagustuhan ng ama," Paliwanag niya. "Kaya't ang prinspe Ryuu at prinsipe Sarathiel ang higit na magkasundo."

Valtory? "Saan iyon?"

"Isang araw ang byahe mula rito. Iyon ay isla na may kalayuan sa Peham."

Tumango-tango ako. "Bakit ginusto ng hari na roon manirahan ang dalawa?"

Napahinto si Keitaro at bahagyang lumamlam ang mga mata. "Matindi ang pag-aaway ng ina at ng ama noong araw na iyon. Napagkasunduan nila na ang panganay at ang bunso ay ang mapunta sa ina habang kaming dalawa ni prinsipe Leon ay sa ama."

"Eh kung ganoon... bakit gano'n 'yong reaksyon ng kasalukuyang reyna sa pagkamatay ng prinsipe?"

Hindi naman pala sila magkadugo. Grabe naman ang arte niya sa harap ng mga tao. Para ano? Para magpa-goodshot sa hari at mas tumagal sa kaniya ang korona?

"Noong nag-tungo sa Valtory ang mga kapatid ko't ina, ilang linggo lamang ay namatay ang ina. Bata pa no'n ang dalawa kong kapatid. Siyam na gulang ang prinsipe Ryuu habang si prinsipe Sarathiel ay sanggol pa lamang."

Binaba ko ang hawak kong pana para mabigay ng buo sa kaniya ang atensyon ko. Binigyan ko siya ng kuryosong tingin, ang noo ay puno ng butil ng pawis habang naka-pamaywang sa kaniyang harapan.

Kaya pala si Sarathiel at Ryuu lamang ang magkasundo sa kanilang apat.

"Ibigsabihin... inalagaan ng kasalukuyang Reyna ang sanggol na si Sarathiel?" Tanong ko at tumango naman siya. "Ngunit bakit namatay ang Reyna?"

"Hindi mo na maalala?" 

Napakurap ako. "Iyong ano?"

"Isang dekada makalipas at napatunayan na ang tagapagsilbi ang pumatay sa ina... at ikaw ang naatasan ng hari na pumatay sa naninilbihan," He explained as my jaw dropped. "At iyon ang unang misyon mo bilang isang prinsesang sicarius."

Hindi ko alam kung bakit nagsitaasan ang mga balahibo ko. Nanalatay ang iilang hindi ko memorya sa aking isipan... na para bang nandoon talaga ako. Ramdam ko ang bawat emosyon at ang hindi maaninag na mga mukha.

Ako ba talaga si Aurora? Na nabuhay bilang si Katana?

Nag-peke ako ng tawa nang tingnan ako ni Keitaro gamit ang hindi makapaniwalang tingin.

"Oo nga pala... sa dami kong n-napatay ay hindi ko na halos maalala." I lied. Kinuha ko ang pana at nagkunwaring inayos ang bala nito para lamang maka-alis ng tingin kay Keitaro.

Iisa lang ba talaga kami?

Kung ganoon...

Buong pagsasanay ay tahimik lamang kami. Nag-uusap lamang kami kapag may itatanong siya sa'kin at sasagutin ko rin naman ito kaagad. Napagkasunduan din namin ang gagawing pamamanhikan sa araw ng linggo. 

Hinatid ako ni Keitaro nang sumapit ang paglubog ng araw. Masaya naman akong kumaway sa kaniya at pinanood ang pag-alis niya. 

Ang gaan sa pakiramdam kapag siya ang kasama ko.

"Ayon, may pahatid," 

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang ligaw na boses pagkabukas ko pa lamang ng pinto. Agad na sumalubong ang nanlilisik at nanunuksong mga tingin ni Carmela at Cynthia sa'kin.

"Kaya pala ang tagal dahil magkasama sila buong araw." Bulong ni Cynthia kay Carmela na sinadyang iparinig ito sa'kin. Nakapamaywang pa ito habang naka-pako lang ang tingin sa'kin.

Pinangliitan ko sila ng mga mata. "Ano na naman gawa niyo rito?"

Ginaya naman nilang dalawa ang ginawa kong panliliit ng mga mata. Somehow... I miss Iyana's presence. Parang hindi kumpleto ang grupo kung wala ang pagsusungit ni Iyana. 

"Hinihintay ka namin dahil walang maiiwan sa bahay—wala si Ginoong Rowan." Sagot ni Carmela.

Hinubas ko ang sapatos ko at bahagya silang tinulak-tulak. "Sige na, umalis na kayo. Nakakahiya naman sa inyo, hindi ko naman kasi sinabing bantayan niyo ang bahay at hintayin ako."

"Aalis na talaga kami, Binibini." Cynthia waved her hand.

"Maaga kang gumising para pagbuksan kami ng pinto!" Protesta ni Carmela.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit? Ayo'ko nga. Simula ngayon ay pinagbabawal ko na ang pagpunta niyo rito ng maaga. Lagi niyang ginagambala ang tulog ko!"

"Hindi karapatdapat ang masarap na tulog sa iyo kung hindi mo nilalahad sa amin kung ano ang mayroon sa inyo ni Keitaro," Nag-high five pa ang dalawa habang sabay na bumubungisngis.

"Mauuna na kami. Paalam, binibini!"

Kinawayan ko na lang din ang dalawa. Dapat akong magpasalamat dahil hindi nila naitanong kung nakita ko ba si Iyana sa Palasyo. Paniguradong matututop lamang ako at hindi alam ang isasagot.

Nang makaalis sila ay binalot ng katahimikan ang bahay. Nagtungo ako agad sa itaas matapos maligo. Mabuti nga at may imbak na tubig sa malaking palayok dahil ayo'kong mag-poso. Nakakapagod iyon at nakakaubos ng lakas.

Hindi na ako kumain dahil mabigat pa ang tiyan ko. Hinintay kong dumating si Rowan buong gabi ngunit hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya na umuwi sa bahay. 

Nakakapagtaka. Saan naman kaya nagpapalipas ng gabi ang matandang iyon?

Posible bang sa pagamutan? Posible.

Kinabukasan, pangbubulabog ni Cynthia at Carmela ang narinig ko. Hindi sila tumigil sa pag-iingay hangga't hindi ko nabubuksan ang pintuan. Wala akong nagawa kundi ang pilit na bumangon at padabog silang pinagbuksan ng pintuan.

"Ang aga-aga!" Asik ko. Tiwanan lang ako ng dalawa.

"Palibhasa't mataas ang ranggo—maaga pa para sa kaniya ang alas-dose." Natatawang bulong ni Cynthia kay Carmela. 

Napatingin tuloy ako sa dingding, umaasang makakakita ng orasan ngunit napasapo ng noo nang maalala na hindi pa pala nauuso rito ang relo na nakasabit sa dingding. Ang tanging relo lamang dito ay ang mataas na basilika.

Sumangayon si Carmela sa sinabi ng kaibigan. "Nakapag-linis na ako ng hardin at bukirin. Maging ang mga alaga naming biik ay napaliguan at naasikaso ko na. Nakapag-igib na rin ako ng ilang palayok. Habang ang isa riyan ay may panis na laway pa."

Inismiran ko ang dalawa. "Sige, paringgan niyo ako. Kunwari na lang wala ako rito."

Ganito ang nakasanayan namin sa halos pitong buwan na paninirahan ko rito. Aaminin kong napamahal na ako sa kanila... napalapit na ang loob ko kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ko noong masaksikan ang pagkamatay ni Iyana... sa hindi makatarungan na paraan.

Ang bilis ng panahon.

Hindi ko na tanda ang mga normal na araw na nalagpasan ko. Ang tanging tumatak lang sa isipan ko ay ang masasaya, malulungkot at sari-saring emosyon na araw. 

At... unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na makakabalik pa ako sa taon na nararapat ako. Ni hindi ko na hinihintay ang pag-sapit ng pulang buwan... ang tanging nasa utak ko na lamang ay ang mamuhay ng matagal.

Ganoon naman pala kasi talaga ang buhay.

Hindi araw-araw malungkot at hindi rin palaging masaya. If you have a positive mentality and just go with the flow, everything will pass by like fresh air. Hindi mo kailangan tapusin ang buhay dahil lang sa isang suliranin.

Nanatili ang dalawa sa bahay ng buong maghapon. Sari-saring kwentuhan ang kinuwento nila sa'kin. At sa pagkakaintindi ko sa kwento nila, may matanda silang kinakainisan dahil halos lahat ng masasakit na salita ay binabato nila rito.

Hindi ko magawang tumawa kahit na nakakatawa ang sinasabi nila. Parang bawal ang pagtawa lalo na't alam ko ang nangyari kay Iyana.

"Binibini, nasaan ang bukasan ng pintuan sa likuran? Nais naming magtambay sa sapa."

Gumilid ako para maabot ang bukasan ng pintuan sa likuran. Ito ay lagusan patungo sa sapa at hardin na lagi naming pinagtatambayan. Inabot ko ang bukasan at nanlaki ang mga mata. Hinarang ko ang katawan ko sa maliit na lamesa malapit sa pintuan.

Bakit nandito ang presado ni Rowan? Umuwi ba siya kagabi?!

"Ano iyon?" Takang tanong ni Cynthia at mabilis naman akong umiling. "Halika, sumama ka sa'min at nanguha kami ng mga paborito mong prutas."

"S-Susunod na lang ako..."

"Halika na!"

"Oo na, teka." Mabilis kong dinampot ang presado at tinago ito sa aking kwarto. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang tuluyang makasunod sa lugar na balak nilang pagtambayan.

Palubog na ang araw at ang ingay ng mga insekto ay bumabalot sa'ming tainga.

"Anong mayroon sa inyo ni prinsipe Keiataro?"

Halos mabulunan ako sa naging tanong ni Cynthia. Bahagya kong nilayo sa bunganga ko ang pulang mansanas at sinamaan ng tingin ang babaeng sabik sa pagkwento ko.

Akala ko ay makakalagpas ako kay Cynthia ngunit sinundan iyon ni Carmela.

"Sige na, magkwento ka na. Pangakong hindi ito makakarating kay Rowan." Pangungulit niya, nilambitin pa ang kaniyang kamay sa aking braso. 

Agad ko naman iyong hinawi sa braso ko at humugot ng malalim na hininga. "Mamamanhikan kami sa araw ng linggo tapos..."

Napahinto ako nang makita ang nahulog nilang mga panga. Napatigil sila sa pagnguya at bahagyang tinagilid ang mga ulo. Bakas ang sobrang pagkagulat sa mga mukha.

"Magpapakasal na kayo agad?!" They asked in chorus.

Tumango na lamang ako. "Baka sa martes agad."

"Agad?!" Again, they asked in chorus.

Halos lumuwa na ang mga eyeball nila sa panlalaki ng mga mata. Para silang tanga kaya hindi ko maiwasang tawanan ang mga naging reaksyon nila.

Umayos sa pagkakaupo si Carmela at tila ba asong ulol na aatakihin na ako. "Naiintindihan naman namin na mabuting ginoo si prinsipe Keitaro, ngunit bakit ang bilis?!" 

"A-Ang ibig niyang sabihin ay... hindi kami makapaniwalang napaamo ka niya ng ganoong kabilis lalo na't ikaw ang nag-iisang prinsesang sicarius sa balat ng Heseke..." Pagpapaliwanag ni Cynthia. 

 "Ano naman ngayon kung ako ang nagiisang prinsesang sicarius sa balat ng Heseke?" Nangingiti kong tanong sa hindi makapaniwalang mag-kaibigan. "Wala na ba akong karapatan magpakasal?"

Inismiran ako ni Cynthia at nag-layo ng tingin. Napakamot naman sa batok si Carmela at tila ba tuluyang nakumbinsi sa mga sinabi ko. Parang wala silang choice kundi ang maging masaya sa kahilingan ko dahil kaibigan nila ako.

How cute. Naalala ko tuloy si Violet.

"Natatakot ako na baka hindi hayaan ni Prinsipe Keitaro na makita ka namin sa oras na tumira kayo sa malayo..." Bulong ni Carmela sa hangin, malayo ang tingin sa'kin at pilit itong iniiwas.

Naiiyak ba siya?

Tinawanan ko ang babae. "Bakit naman? Kailangan ko ba talaga kayong makita pa?"

"Talaga lang, ha?! Simula ngayon ay tapusin na natin ang pag—"

"Ipagbalat mo pa ako ng mangga," May bibong ngiti ang nakapaskil sa mukha ko at binato ang mangga na hawak sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin at walang nagawa kun'di ang gawin ang inutos ko.

Naramdaman ko ang pag-baling sa'kin ni Cynthia. 

"Alam na ba ni Ginoong Rowan?" She asked.

Doon ako natigilan. Nahulog ang bibong ngiti sa labi ko at pinako ang mga mata sa magandang kulay sa kalangitan na ginuguhit ng paglubog ng araw. May kung anong kaba ang nanalatay sa'kin.

Alam kong ayaw ni Rowan ang ideya na makikipag-isang dibdib ako sa tiga-Palasyo. Hindi ko alam ang rason sa likod ng kagustuhan niya na iyon. Ngunit sinabi niya rin sa'kin na kung saan ako masaya ay ayos lang din sa kaniya.

"Alam mo. binibini," Naagaw ang atensyon ko kay Carmela. "Kung narito si Iyana ay paniguradong kanina ka pa no'n sinikmuraan sa inis! Gumagawa ka ng desisyon na hindi man lang nagsasabi sa amin!"

 Sa aming apat, si Carmela ang pinakabata sa'min. Sumunod ay ako at ang dalawa. Magkapareho lamang ang edad ni Iyana at Cynthia. Hindi na rin ako magtataka kung bakit pinakainiingatan nila si Carmela.

"Sinabi ko naman na sa inyo na may napupusuan ako," I pouted.

Napakamot si Cynthia. "Nasaan na ba aksi si Iyana?! Hindi mo ba siya nakita sa palasyo? Nasaan na kaya ang lokaret na iyon?!"

Muli akong natigilan. Kung aaminin ko sa kanila ang totoo ay wala naman atang mawawala... makakahinga pa ako ng maluwag at makakatulog sa gabi ng walang tinatagong madilim na sikreto.

Ngunit paano?

"Hindi kaya'y siya ay nasa bakasyon? Sa pagkakarinig ko ay tumulak sa Matis ang kaniyang Lola. Marahil siya ay sumama?" Tanong ni Carmela saming dalawa.

Hindi ako nakaimik.

Cynthia shook her head. "Hindi naman aalis si Iyana ng hindi tayo sinasabihan. Paano kung... ipaalam natin sa sektor ang pagkawala niya? lalo na't dalawang araw na siyang hindi nagpaparamdam? Baka matulungan niya tayo?"

Mabilis na sumangayon si Carmela at tumayo. Pareho nilang sinuot ang bulaklaking bakya ngunit natigilan nang mag-salita ako gamit ang seryosong tono.

"Patay na si Iyana,"

Mabilis na dumausdos si Cynthia sa damuhan. Si Carmela naman ay may ngiti pa sa labi ng umupo sa harapan ko, nanginginig ang mga kamay niya at hindi maitanggi ang bakas ng kaba sa kaniyang mukha. 

"Hindi ako nagbibiro, Carmela. Patay na si Iyana."

Humalagpak ng tawa ni Carmela at paulit-ulit na umiling. "Nagbibiro ka ba? Niloloko niyo na naman ba kaming dalawa ni Cynthia? Kung oo ay hindi ito magandang biro."

"Hindi nga kasi ako nagbibiro," I bit my upper lip. "Kung ayaw ninyong maniwala ay sasamahan ko kayo sa kagubatan ng Ventnor. Naroon ang katawa—"

"Sinungaling!" Cynthia shouted. Nagsihulugan ang mga luha na natipon sa kaniyang mata.

Sumangayon naman si Carmela sa sinabi ni Cynthia. Pinanood ko ang peke nilang pagtawa gamit ang nanlalabo kong mga mata. Hirap na hirap nilang kinukumbinsi ang kanilang sarili sa ideya na patay na ang matalik nilang kaibigan.

"Tayo ang solusyon niya sa kaniyang mga suliranin. Paniguradong lalapitan niya muna tayo bago gumawa ng desisyon. At isa pa... masiyahan ang babaeng iyon sa kabila ng daan na problema. Imposibleng kitilin niya ang kaniyang sariling buhay, hindi ba? Cynthia, Aurora?"

Nahulog ang mga mata ko sa talampakan ko. Parang ang hirap pakinggan ang piyok sa bawat salita na binibitawan nila. All it does is remind me of the pain that Violet's death caused me.

Nag-high five ang dalawa bilang pagsang-ayon ni Cynthia sa sinabi ni Carmela. "Tama, hindi na nila ulit tayo mapapaikot dalawa," Bumaling sa'kin si Carmela. "Hindi ba, binibini? Totoo iyon?"

Dumausdog ang luha sa aking pisngi.

"Hindi siya nagpakamatay... pinatay si Iyana." 

Nanlaki ang mga mata nila at mukhang unti-unti nang nakumbinsi sa luha na nilalabas ng mga mata ko. 

"Kung ganoon ay sino ang pumatay?!" Sigaw ni Carmela.

Ngayon ko lamang siya nakitang ganito kagalit. Naglalaban ang emosyon sa mukha nilang dalawa. Ang galit at ang puot. 

Kinuyom ni Cynthia ang kaniyang kamao. "Paano? Nasaan ang katawan niya? Hindi ako maniniwala hangga—"

"Pinatay siya ni Ryuu." I interrupted her and said the man's name without thinking twice. 

May kung anong kirot sa puso ko nang bitawan ang apat na salita na iyon. Lalo na nang makita ang pagkawasak sa mukha ng dalawang kaibigan. Nanginginig ang buong kalmanan nila at hindi maitanggi ang luha na lumalabas sa kanilang mga mata.

"Bakit, binibini?! Anong ginawa ni Iyana para patayin niya?!"

Handa na akong magsalita ngunit natigil nang kuhanin ni Cynthia ang patalim na kanina ay pinangbabalat nila ng prutas. Mabilis niyang nasuot ang bulaklaking bakya at kumaripas sa paglalakad.

"Saan kayo?!"

"Kikitain ko lamang ang prinsipe." Ani Cynthia.

Hindi ako nakatayo agad dahil ginawa akong tukuran ni Carmela sa kaniyang pagtayo. Mabilis niyang hinabol ang kaibigan dala-dala ang maliliit na bato, mukhang balak na lusubin ang lalaki. 

Shit. Ito na nga ba ang sinasabi ko. 

Mariin akong napapikit at napailing. Tinapon ko sa sapa ang may kagat na mansanas at mabilis na tumayo.

I ran as fast as I could. Sinisigaw ko pa ang pangalan ng dalawang kaibigan na naglalakad malayo sa'kin. Mukhang desidido ang dalawa sa gagawing paglusob sa Palasyo.

Nang marating ang poste sa pagitan ng Ventnor at ng Humilton ay saka ako napahinto. Pinalis ko ang mga luha na natipon sa mata, pilit tinutuon ang atensyon sa dalawang kaibigan. Ngunit mas nanaig sa atensyon ko ang mga tao na natatarantang tinahak ang isang direksyon dala-dala ang sari-sarili nilang batya na naglalaman ng tubig.

They are all panicking and have big question marks on their faces because they don't know what to do.

Ano naman kayang nangyayari?

Magpapatuloy sana ako sa paglalakad upang sundan ang dalawang kaibigan ngunit napahinto rin sa nakita. 

Humawi ang mga taong nagkakagulo nang dumaan ang pamilyar na maharlikang kabayo. Mabilis na dumoble ang kunot sa aking noo nang maaninag ang postura ni Keitaro. Matulin ang takbo ng kabayong sinasakyan kaya't hindi niya ako nakita.

Hindi ako nagkakamali, alam kong si Keitaro iyon! Ano naman ang ginagawa niya roon?

Pupuntahan niya ba ako? Shit... anong uunahin ko? 

Takang-taka akong luminga sa harapan ko. Napasapo naman ako ng noo nang mapagtanto na tuluya ng nawala sa mga mata ko ang dalawang agresibong kaibigan. 

"Anong nangyayari?!" Tanong ko sa matandang babae na nakasalubong nang mapagdesisyunan na bumalik sa Ventnor. Natataranta ang babae habang hawak ang batya na may kalahating tubig.

"May sunog, hija! Kapag hindi iyon napatay kaagad ay kakalat ang sunog! Dikit na dikit pa naman ang mga bahay sa Ventnor! Paniguradong walang matitira na kahit ano kapag nangyari iyon!"

May sunog? Narinig ba ni Keitaro ang tungkol doon kaya't mabilis siyang nagtungo rito?!

Pumuslit ako ng kabayo sa kakilalang may-ari. Mabuti ay pinahiram niya ako nang walang pagaalinlangan kaya't nakatulak kaagad ako pabalik sa bahay. Sinasakop ng malaking usok ang ilong ko na nagpapahirap sa'kin sa paghinga. Hindi ko pinansin ang init ng epekto ng malaking apoy at dire-diretso lamang. 

Wala pa man sa kalayuan ay naaaninag ko na si Keitaro mula sa harapan ng bahay namin.

He was standing tall in the middle of chaos while panickingly tiptoeing. Hindi mapakali ang buo niyang katawan ngunit wala siyang magawa kun'di ang mag-angat ng tingin sa bintana ng kwarto ko. 

Pinapanood niya ang mga militar na naghahanap ng pwedeng madaanan patungo sa loob.

A bittersweet smile drew on my lips.

Hindi ko lubos maisip na gumawa ako ng napakagandang desiyon... ang pakasalan ang lalaking para sa kaniya ay kapahamakan ko ang nangingibabaw. He even rushed here just to know if I was okay or not.

"Keitaro," 

Mabilis niyang nahanap ang direksyon ko nang tawagin ko ang pangalan niya. Mabilis siyang tumungo palapit sa'kin para salubungin ako ng isang mahigpit na yakap. Naramdaman ko kaagad ang malakas na pagtibok ng puso niya.

Mukhang labis siyang nag-alala...

He breathed in relief. Saglit niyang pinahinga sa baywang ko ang nangangatog at malamig niyang mga kamay bago tuluyang humiwalay mula sa pagkakayakap. Sumalubong naman sa'kin ang punong-puno ng takot at pag-aalala sa mga mata niya.

"Ayos ka lang? Nasaan ka nag-tungo? Mabuti'y wala ka rito sa looban ninyo..." 

Pinakitaan ko siya ng ngiti para sa ganoon ay humupa ang kaba niya. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya at hinarap siya sa'kin.

"Magtutungo sana ako sa palasyo ngunit nakita kitang kumakaripas dito kaya't bumalik ako."

Ngumiti rin siya. May sasabihin pa sana ang lalaki sa'kin ngunit naaninag ang matandang may hawak na batya na may puno na tubig. May kung ano siyang binulong sa'kin bago tuluyang tinulungan ang matanda.

The old woman and I watched him throw water into the house.

"Saan ho nagsimula ang sunog?" Tanong ko sa matandang babae. Mabilis namang gumuhit ang atensyon niya sa'kin. 

"Doon sa pagamutan ng iyong ama... ang sabi ay nabangga ang kandila habang siya ay nagguguhit ng gasolina." 

Pagtataka at pag-aalala ang dumapo sa mukha ko. Handa na akong magtanong pa tungkol sa kung nasaan si Rowan ngunit hindi ko naituloy. Pinanood ko ang pag-kuha ng matanda sa kaniyang batya at nagpasalamat bago tuluyang tumakbo palayo.

Nasaan si Rowan? 

"Keitaro..."

"Hmmn?" Agad niyang sagot, pinupunasan ang basa niyang kamay gamit ang basahan.

Umiling naman ako agad, tila nag-dalawang isip sa sasabihin. Naalala kong nasa loob ang presado ni Rowan. Alam kong mahalaga ang bagay na iyon sa kaniya... 

Hindi pa naman kumakalat ang apoy sa likuran ng bahay... maaari pa akong makapasok. 

"May kukuhanin lang ako..."

Mabilis siyang umiling. "Delikado, Binibini."

"Hindi pa naman nasusunog ng buo... may daan sa likuran—"

"Gaano ba ka-importante ang bagay na iyon?" 

Doon ako natigilan. Bahagya kong niluwagan ang pagkakakapit sa kaniyang mga kamay at naglayo ng tingin. 

Alam kong importante ang Presado kay Rowan... hindi pwedeng maging abo na lang 'yon.

"Saglit lang naman, Keitaro. Nasa bungad lang iyon ng bahay, madali kong mahahanap kaagad kapag kapasok ko." Pagsisinungaling ko. 

"Sasama ako."

Mabilis akong umiling. Hindi maaari... 

"Ako na lang, Keitaro. Hintayin mo na lang ako rito sa bakuran. Sisigaw ako agad kapag may nangyaring masama sa loob." Diniinan ko ang bawat katagang binitawan na nagpatango sa kaniya.

Hindi ako nag-hinay at pumasok sa bakuran ng bahay. Punong-puno ng ulap ang isip ko habang nagtatambol ang puso nang magtungo ako sa likuran. 

Rinig ko ang sigawan ng mamamayan at pagkakaisa nila mula rito. Ngunit lahat ng iyon ay nabura nang marinig ang garalgal na sigaw mula sa hindi kalayuan.

May tao rito?! 

"Aurora!" 

Napabagal ang lakad ko dahil sa sigaw. Malakas ang sigaw na iyon ngunit kung nasa harapan ka ng bahay ay hindi mo maririnig dahil natatabunan ng sari-saring sigaw. And I'm pretty sure that voice is not from Rowan.

"Aurora!" Again with his raspy voice. Sunod na bumalot sa aking tainga ang pagkabasag ng bagay at malakas na kalabog. "Naririnig mo ba ako? Nariyan ka ba?!"

Nilakihan ko ang hakbang ko at halos mahulog ang puso nang maaninag kung sino iyon.

"Lumabas ka riyan!"

Tumilamsik ang dugo galing sa kaniyang kamao at gumuhit ito sa pader. Iyon ang sikretong pinto na pinagmamalaki ni Rowan sa'ming magkakaibigan dahil babasagin ito at hindi yari sa kahoy.

Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil sa biglaang pag-bara ng malaking bagay na hindi ko mawari sa aking lalamunan... na kahit na anong gawin kong lunok ay tila ba hindi ito bumababa.

Mula sa gilid ay tanaw na tanaw ko siya. 

"Aurora!"

Unti-unting nawasak ang puso ko nang marinig ang paulit-ulit niyang sigaw. Ni hindi niya man lang ako naaninag dahil abala siya sa ginagawa niya. 

Ang tanga talaga ng isang ito... nakakainis!

Nilapitan ko ang lalaki. 

Si Ryuu iyon, sinisigaw ang pangalan ko sa kawalan gamit ang garalgal niyang boses. Dugo ang nananalatay sa kaniyang kamao ngunit tila ba hindi niya ito nararamdaman dahil abala siya sa pag-suntok at pag-basag ng salamin... habang nakaluhod sa mga bato.

Hindi niya ba nararamdaman ang init ng apoy?

"Mangmang ka ba? Anong ginagawa mo rito?!" I shouted from the top of my lungs.

Dadampi pa sana ang kamao niya sa basag na pintuan ngunit hindi ito natuloy nang marinig ang boses ko.  He immediately looked for my direction with his clenched jaw. At nang tuluyang mag-tama ang mga mata namin ay saka siya napatinga, mariin na pinikit ang mga mata habang hinahabol pa rin ang hininga.

Ang mukha niya ay tila ba nabunutan ng tinik.

"Bakit ka pa nandito?!" He shouted to me.

Napakurap naman ako at bahagyang tinagilid ang mukha sa gulat. Hindi ko inaasahan na sisigawan ako ni Ryuu gamit ang pinaka-mataas niyang tono. 

"Ikaw ang dapat na tanungin ko niyan! Anong ginagawa mo rito?! Mangmang ka ba?!" 

Dudugtungan ko pa sana ng sigaw pabalik ang sinabi niya ngunit tuluyan akong natutop. Kusang lumandas ang mga mata ko pababa sa kaniyang kamao. Nakakuyom ito, nanginginig at binabalot ng pulang dugo.

"T-Tinatanong kita, Ryuu! Anong ginagawa mo rito?! Paano ka napunta rito?!"

I looked up at him.  

His eye screamed in fear as a tear dropped from his face. Sinubukan niya iyon na itago sa'kin sa pamamagitan ng pag-punas niya rito gamit ang palad niya. Nag-mantsa naman kaagad ang dugo niya sa mukha.

"Hindi ko rin alam, A-Aurora. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko rito noong makita ko mula sa palasyo ang usok galing dito sa V-Ventnor."

I sarcastically laughed. "May sira na ba talaga ang utak mo?!"

Hindi siya umimik, nananatiling malaki ang distansya sa'kin. He just looked into my eyes, and I saw how his eyes slowly became calm.  

Gusto kong buksan ang dibdib ko para pigilan ang pag-tibok ng puso ko. It was beating so fast that I could hardly even feel myself. At maging ang ingay na naririnig ko na lamang ay ang pagtibok nito... 

Bakit ganito ang epekto sa'kin? 


^_____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro