dalawampu't apat
Kung ano ang sinabi ng militar na si Noel ay ganoon din ang ginawa ko.
Bawat pahina ng talaarawan ni Aurora ay blanko sa likuran. Doon ko sinulat ang mga nangyari sa akin simula noong mapadpad ako sa taon na ito.
Masakit na ang kamay ko at pakiramdam ko ay mapuputol na ito kakasulat ngunit hindi ako natinag nito.
I have a lot of questions, but I also have a lot of hope.
Nang mapuno ang talaarawan ay sinarado ko ito. Sa pagkakatanda ko ay limang minuto ang kailangan bago muli itong buksan. Kaya naman habang naghihintay ako ay napasilip ako sa bintana.
I looked off into the distance, where the palace was visible. Halos lahat ng ilaw ay nakabukas kaya't tila ba bituwin na nagniningning ang kaharian dahil sa mahalagang okasyon.
Hindi ko maiwasang balutin ng pait at pagsisisi.
Alam ko ang kaba na nararamdaman ngayon ni Keitaro kahit hindi ko siya nakikita. Paniguradong nangangamba siya dahil sa pag-aalala... kung may nangyari bang masama sa'kin o para sa kadahilanan na hindi ko siya siputin sa kasal namin.
Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa direksyon kung nasaan naroon ang basilika. Pasado alas-quatro na at dapat ay naroon na ako sa seremonya, suot ang mamahalin kong damit.
But if my feelings for him suddenly change, how can I get married?
Nagustuhan ko naman talaga si Keitaro at hindi ko siya pinaglaruan o pinaikot.
I know... I liked him.
Sinigurado kong umabot ng limang minuto ang nakasarang talaarawan ni Aurora bago ito binuksan. Akala ko ay mabibigo ako sa panloloko ni Noel ngunit lumabas na totoo ang mga sinabi niya.
Ang mga blangkong pahina ay biglang napalitan ng mga titik. Maging ang kaba sa dibdib ko ay napalitan ng labis na pag-asa at pag-kagalak.
Hindi na ako nagpalipas pa ng oras at agad na binasa ng mahina ang mga salita. Ang unang talaarawan ay patungkol sa kaniyang alagang ibon na naputol ang pakpak at ilang araw ay namatay din agad.
I can't believe Aurora has that side.
Nilipat ko ang talaarawan sa kabilang pahina at tahimik itong binasa.
Talaarawan, marso dalawa, isang libo walong daan dalawampu't isa
Ako'y nag-tungo sa Valtory upang tapusin ang isang payak na misyon. Hindi ko inakalang binabalot ng kapahamakan at panganib ang lugar na iyon kaya't hindi ko inaasahan ang biglang pag-lusob sa akin ng dalawang barbaro. Malaki lamang ang kanilang katawan ngunit hindi ako kinabahan. Nakakatawa dahil napatumba ko kaagad ang dalawang barbaro.
Ako'y paalis na ngunit may maliksing kabayo ang dumaan sa harapn ko kasabay nang paglipad ng palaso sa aking direksyon. Halos dumaplis sa aking mukha ang palaso ng pana. Sinubukan kong habulin ang lalaki ngunit wala na ito. Ang tanging palatandaan ko lamang sa kaniya ay ang palaso ng pana niya na may nakaukit sa salitang espanyol na tigreng-ibon.
Sa tingin ko ay isa siyang prinsipe... ngunit sino at saang kaharian?
- Nagugulumihanan, Aurora.
May kung anong pagdagundong sa aking dibdib nang mabasa ang dalawang salita. Dalawang salita lamang ngunit nag-dulot ito ng samo't saring emosyon sa'kin. Sinandal ko ang sarili ko sa dingding at takang-taka na kinagat ang kuko ng hinlalaki.
Tigreng-ibon? Kung ganoon ay kilala ni Aurora si Yevhen?
Naghalo ang kaba at galak sa'kin nang ilipat ang kabilang pahina.
Talaarawan, marso labing-walo, isang libo walong daan dalawampu't isa
Nagalit sa akin ang ama dahil sa pagtungo ko sa Valtory ng walang pahintulot niya. Kakauwi ko lamang dito sa aking tahanan sa Ventnor at sinalubong kaagad ako ng pag-aalala ng ama. Maging ang tatlo kong kaibigan ay pinagalitan niya dahil sa pagtatago ng aking misyon. Mabuti ay hindi niya ako natiis kaya't bilang parusa ay nagbantay ako sa aming pagamutan.
- Natutuwa, Aurora.
Muli kong nilipat sa kabilang pahina.
Talaarawan, nobyembre labing-isa, isang libo walong daan dalawampu't isa
Kinukulit ako ni Iyana na mag-boluntaryo sa pag-e-ensayo sa mga mangmang na prinsipe ng kaharian ng Humilton. Tinanong ko siya kung bakit at ang sagot naman niya ay para magkaroon siya ng tyansang masilayang ang iniirog niyang prinsipe. Ginawa pa akong tulay sa pagiibigan nilang dalawa.
- Naiinis, Aaurora.
Kung ganoon ay totoong matagal ng napupusuan ni Iyana ang prinsipe na si Leon?
Talaarawan, nobyembre labing-tatlo, isang libo walong daan dalawampu't isa
Ngayon na ang huling araw ng pag-boluntirismo bilang taga-pag ensayo sa mga mangmang na prinsipe. Dumaan ako sa palasyo dahil nais kong maglahad ng kwento sa Argyll, ngunit hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng dahilan upang mag-boluntaryo. Alam kong tama ako na isa siya sa mga prinsipe ng Humilton. Ang lalaking halos mapatay ako gamit ang palaso niya noong nagtungo ako sa Valtory.
- Nakakasigurado, Aurora.
Napatuwid ako sa pagkakaupo at mariin na kinagat ang labi.
Ang kaba na nararamdaman ko sa bawat paglipat ng pahina ay tila ba nanonood ako ng tayaan sa lotto.
Talaarawan, nobyembre labing-apat, isang libo walong daan dalawampu't isa
Nagpalipas ako ng oras sa tulay para sa kapayapaan. Ngunit tinawag ako ng tatlong kaibigan upang ianunsyo sa akin na ako'y pasok bilang mag-e-ensayo sa mga mangmang na prinsipe. Mukhang mas nagagalak pa sila sa akin. Nag-tungo ako sa Kaharian ng Humilton at hindi ko inaasahan na tama ang hinala ko, siya ang lalaking nasa Valtory noong marso. Malakas siya at natalo ako sa unang paglalaban namin, hay.
- Nahihiya, Aurora.
"Ang mangmang din nito ni Aurora... baki hindi niya nilalagay ang pangalan ng kung sino ang nakakasalamuha niya?" Asik ko.
O baka naman ay... hindi niya talaga alam?
Talaarawan, nobyembre labing-lima, isang libo walong daan dalawampu't isa
Hindi ako makapaniwalang hindi ako nananalo sa tuwing nagtutuos kami ni Prinsipe Ryuu. Ako'y naiinis na sa kaniya. Halos lahat ng palaso ko ay naiilagan niya! Maging ang sandata ko ay hindi siya natatamaan kahit na anong lakas na ang gawin ko.
Sana pala'y hindi ko sila hinusgahan at tinawag na mangmang. Paano kaya kung takutin ko si Ryuu na sasabihin ko sa mga tao na siya ang tigreng-ibon? Bibigay kaya siya at hahayaan akong manalo kahit sa unang pagkakataon?
- Nagdadalawang-isip, Aurora.
Napahinto ako at tuluyang natulala sa dalawang salita. Para akong nahipnotismo nang makita ang sagradong pangalan ng isang prinsipe. I don't know why my million emotions exploded.
Si Ryuu ang tigreng-ibon?
Siya ay si Yevhen...
Mabigat ang dibdib ko nang ipalis ang luha na kusa na lamang nahulog sa aking pisngi. Hindi ko rin maintindihan kung bakit.
Sobrang linaw... Sobrang linaw ng imahe sa isipan ko at sa sobrang linaw nito ay hindi ko maaninag. At ang mga emosyon, bakit ramdam na ramdam ko ang bigat nito?
Dahil... ako pa rin si Aurora? Ngunit bakit wala akong maalala kahit anong pilit ko? Bakit hindi ko maalala ang kahit anong maliit na detalye?
Sinarado ko ang talaarawan ni Aurora at hindi nag-dalawang isip na magtungo sa kung saan. Puno ang isip ko ng mga tanong na mahirap hanapan ng kasagutan. Ang natatandaan ko na lamang ay ang mabilis na pagpapatakbo ko sa kabayo patungo sa pier.
At maging ako ay hindi makapaniwalang kaya kong magpatakbo ng kabayo na gano'n kabilis.
My safety is not a concern of mine... wherever I die... and what I'll encounter.
"Ginoo, may nakansela bang byahe patungong Valtory?" Nararanta kong tanong.
Umiling ang lalaking matanda. "Doon sa kabilang Pier, hija. Maraming nag-kansela nang paglalayag dahil nangangamba ang karamihan sa paparating na malakas na-"
"Maraming salamat ho!" I shouted, hindi na hinayaang patapusin ang lalaki.
Patakbo kong tinahak ang daan patungo sa kabilang pier. Ilang dipa lang naman ang layo nito sa naunang pier na pinuntahan ko. Mabuti nga'y walang pasikot-sikot na daan dahil kung hindi ay maliligaw talaga ako.
Habol hininga akong lumapit sa matandang mangingisda.
"May alam ho ba kayong byahe ng barko patungong Valtory ngayong gabi?"
Matagal bago siya nakaimik. "Oo, ngunit puno na rin ang barko sa pangpang."
Nang marinig ang mga salitang iyon ay mariin akong napapikit. Sinapo ko ang noo ko sa inis ngunit muling napatingin sa matandang lalaki. Nalulunok siyang nakatingin sa pala-pulsuan ko, mukhang tinitingnan ang pulseras na binigay sa'kin ni Prinsesa Weylin.
"Ano po iyon?" Taka kong tanong, medyo nakakaramdam na ng kaba.
"Patungo akong Valtory ngunit ayos lamang sa akin kung ikaw na ang kumuha ng byahe ko," He said while smiling broadly. "May kinabukasang paglalayag pa naman..."
Napakunot ang noo ko at manlalaban pa sana ngunit natutop. Bakit ganoon ang pinakita niyang pag-uugali noong makita ang pulseras na binigay sa akin ni Prinsesa Weylin?
Hindi kaya'y... kapag mayroon ka nito ay mas papakitaan ka ng paggalang?
"Maraming salamat ho talaga," Ngiti ang sinukli ko sa kaniyang kabutihan.
Tinuro niya sa'kin ang kabilang pier at naroon agad sa pangpang ang barko. Hindi ako nahirapan sa paghahanap ng pwesto at dali-daling sinalampak ang sarili sa gilid.
Si Ryuu at si Yevhen ay iisa lamang.
And the idea of why Yevhen was there at twenty-ten consumed me even more with an unknown emotion.
Ang bigat sa pakiramdam... bakit gano'n?
Napatitig ako sa kawalan, dinadama ang pakiramdam ng nakasakay sa barko na inaalon ng malakas.
I heaved a sigh and cleared my throat.
Kung mamamatay si Ryuu ay ano ang magiging kamatayan niya? At sino ang sangkot dito?
Pero may bagay din na gumagabala sa isipan ko.
May posibilidad ba na mabago ang hinaharap kapag naprotektahan ko si Ryuu sa mga taong may balak ng kasamaan sa kaniya?
Kung ganoon... baka hindi na niya ako guluhin sa hinaharap.
Iyon ay... paano?
I tightly closed my eyes. Sinubukan kong ipahinga ang sarili sa kakaisip ngunit nang dahil doon ay hindi ko namalayan ang mga nangyari sa paligid.
Sumapit ang araw at tumama ang masakit na sinag nito sa aking balat. Kaagad akong napabalingkwas nang maaninag ang dalampasigan na may puting buhangin.
Maganda ang kulay ng kalangitan dahil sa pag-angat ng araw. Maraming mga tao sa dalampasigan at halos lahat ay abala sa kanilang ginagawa.
Hindi ako makapaniwalang... gising na ang mga tao ng ala-sinco sa taon na ito upang mag-hanapbuhay at maghanap ng mapagkakakitaan.
Tinaas ko sa ere ang kamay ko upang harangan ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nag-lakad ako pababa ng barko at sumabay sa mga naglalakad sa dalampasigan.
Nilunok ko ang kaba sa lalamunan at walang hiyang lumapit sa matandang babae na halos nasa singkwenta na. Nagbebenta siya ng mga isda at halos lahat ng dumadaan sa kaniyang harapan ay hinaharang.
"Valtory ho ba ito?"
Mabilis na napunta ang atensyon niya sa'kin.
"Oo, hija. Ano ang iyong pakay?"
Doon ako nakahinga ng maluwag. Ilang segundo akong nag-isip at sumilay ang ngisi sa labi. Pasimple kong binalandra sa harapan niya ang pulseras, umaasang makikita niya ito.
"Magkano ho ang bangus?" Tanong ko at walang arteng hinawakan ang isda na malapit sa kaniya. Hindi ko naman talaga bibilhin ang isda na hawak, she only needs to see my bracelet.
Baka kapag nagkataon ay magbago ang isip niya at ibigay sa'kin ang mapa.
"Bibili ka ba, hija?" Tanong n'ya at hindi ako hinayaang sumagot. "Kung bibili ka ay mas mainam na hintayin mo na lamang ang bagong angkat na isda. Mas sariwa iyon dahil bagong huli kaysa riyan na halos mamula na ang mga mata."
Patay... she appears very genuine and kind para umalis lang ako matapos siyang paasahin na bibilhin ko ang paninda niya.
I bit my lower lip. Bukod sa wala akong pera ay wala rin akong gagawin sa isda na iyan.
Ayos lang, kahihiyan naman ni Aurora 'to kahit anong gawin ko.
"Ang totoo po niyan ay... hindi pa po ako kumakain ng dalawang araw na," Humugot ako ng malalim na hininga, pinikit ang mga mata at niyapos ang palad sa tiyan. "P-Pero hindi ko po kailangan ng pagkain, kailangan ko lang po ng mapa ng Valtory para hanapin ang pamilya ko."
Nang bahagya kong imulat ang mga mata ko ay mabilis kong nakita ang pagdaan ng labis na pag-aalala sa kaniyang mga mata. Tinukod niya ang sarili sa hanggang bewang na pader at kinuha ang mapa.
Inabot niya iyon sa'kin.
Ang galing, gumana!
Umarte akong masakit pa rin ang tiyan at mabagal na tinanggap ang nilahad niya sa'king mapa.
"Mas mainam kung sasabayan mo na rin kami sa pagkain." Aniya at may tiningnan sa malayo. Binuklat ko naman ang mapa at agad na naningkit ang mga mata.
Ang lawak din pala ng Valtory kahit na sabihing ang lugar na ito ay ang pinakamaliit sa buong mapa ng Heseke. At saan ko naman hahanapin ang pakay ko rito?!
"Nariyan na pala siya," Bulong ng matandang babae. Hindi ko ito pinansin dahil abala ako. "Bilisan mo't ahinan mo ng pagkain sa loob ang bisita natin dahil dalawang araw na raw siyang hindi kumakain!"
Napalinga ako sa direksyon ng matandang babae at mapait na ngumiti.
Naalala ko tuloy ang mga maaalalahanin na madre sa kaniya.
"Sabi ko kasi sa iyo'y huwag mo na kaming tulungan!" Sigaw niya pa mula sa malayo. Susundan ko sana ng tingin ang tinitingnan ng mga mata niya ngunit nilipad ang mapa na hawak. Agad akong umagap upang kuhanin ito sa buhanginan.
"Anton, tulungan mo na nga si Akaryuu!"
Halos malunok ko ang buong lalamunan ko dahil sa mariing pagkakalunok nang marinig ang pamilyar na pangalan. I'm sure I heard it right.
I'm sure it's his name...
Kumalabog ng sobra ang dibdib ko at nagdadalawang isip na nag-angat ng tingin. Gusto ko sanang tumalikod at tumakbo na lang dahil mukhang hindi ko yata kayang harapin ang lalaki.
But it was too late. Tila ba tinaksil ako ng mga mata ko at kusang hinanap kung saan ang direksyon ng lalaki.
I gulped.
Dressed in a thin black t-shirt that was meant to show off his well-built body, he glanced at me. Kaagad na nagkasalisi ang mga mata namin.
Magulo ang buhok niya at basa pa ang nakatuping dulo ng itim niyang pantalon.
Alam kong maging siya ay nagulat nang makita akong narito. But what is he doing here?
Bumagal ang lakad niya at nag-iwas ng tingin sa'kin. Pinorma niya sa kabilang braso ang batya na puno ng isda dahil mukhang ngalay na.
Walang salita ang lumabas sa bibig ko. Hinintay namin siya ng matanda na huminto sa harapan namin. Binaba niya agad ang batya kasabay nang pagkawala ng isang malalim na buntong-hininga.
I don't know why my heart hurts.
Ganito pala ang hitsura ni Yevhen...
"Akaryuu hijo, sa susunod ay huwag ka nang mag-abalang tumulong sa amin at sa halip ay magpahinga."
Ryuu shook his head. "Ayos lang ho iyon."
"Ah nga pala," Bumaling sa akin ang matanda dahilan upang mangatal ako. "Asikasuhin niyo ni Anton ang dalagang ito. Dalawang araw na raw siyang hindi kumakain dahil hindi niya mahanap ang pamilya niya."
Agad kong naramdaman ang malagkit na tingin sa'kin ni Ryuu mula sa gilid.
What the hell...
Gusto kong sapuhin ang noo ko at magpakain sa lupa, ngunit hindi ko alam kung paano mangyayari iyon lalo na't ipit na ako sa sitwasyon na ginawa ko!
Mabilis akong umiling, may nakapaskil na pekeng ngiti sa labi. "Hindi na ho, nakakahiya naman kung makikikain pa ako sa inyo... sapat na ho ang mapa na ito!"
But then she refused.
Nahanap ko na lang ang sarili ko sa loob ng pinag-tagpi tagpi nilang bahay. Gawa lamang sa kung ano ang bahay ngunit aaminin kong nakakaaya ang kalinisan nito. Maging ang mga paso ay nagbigay balanse sa bahay.
Binigyan nila ako ng pagkain at inahinan na tila ba hindi lamang ako bisita rito.
Sa totoo lang, aaminin kong napaka-puro at busilak ng mga puso ng mga tao rito. Marahil ay hindi lahat ngunit mas higit ang may mabuting asal.
Nakakalungkot dahil hindi roon napasama si Ryuu.
Natawa ako sa isipan. Pinanood ko si Anton, ang anak ng matandang babae na nag-salin ng tubig sa isang maliit na palayok.
"Ka-ano-ano niyo 'yung si Akaryuu?"
Sa labis na pagtataka ay hindi ko na naiwasang mag-tanong. Agad naman akong tinapunan ng tingin ni Anton at tumigil pa sa pag-aasikaso ng mga plato sa hapag. He clicked his tongue and pouted.
"Ang kwento ni inay sa akin ay natagpuan niya ang batang iyan sa hacienda. Nag-aaral ito kung paano gumamit ng pana sa pamamagitan nang panghuhuli ng mga agresibong hayop sa kagubatan,"
Napakunot ang noo ko sa naging salaysay ni Anton. "Lagi siyang nandito?"
He shook his head. "Malimit lamang dumalaw ang isang iyan dito. Halos isang beses lamang sa tatlong taon, walang tiyak na araw at oras dahil basta na lamang siyang susulpot kapag gusto niya. Tinatanong nga siya ng inay kung saan siya naninirahan, ang sagot naman niya ay riyan-riyan lang din."
Tumango-tango ako. Kung ganoon ay may ibang mundo pala si Ryuu at hindi lang siya naninirahan bilang buhay prinsipe.
"Bakit mo pala naitanong?" Kuryoso niyang tanong sa'kin.
"Hindi n'yo ba alam na isang pri-"
"Mauuna na ako," Halos umalingangaw ang malamig na boses ni Ryuu mula sa likuran namin. Sabay kaming napatingin sa kaniya ni Anton.
Basa pa ang kaniyang buhok dahil mukhang kakaligo lamang. Nakasuot siya ng baro na mas lalong nagbigay dating sa kaniya. Still, the sicarius's attire, which featured a sword at his waist, fit him better.
Lumipad ang tingin niya sa'kin nang maaninag ang naging pag-titig ko sa kaniya. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring may ginagawa. Nakayuko lamang ako, naghihintay na tawagin niya ngunit umalis lamang ang lalaki.
Nalukot ng sobra ang noo ko. Bakit kaya hindi niya ako pinapansin?
Nag-lakad siya palabas kaya sumunod ako agad.
"Saan ka tutungo, hijo?"
Napahinto si Ryuu sa paglalakad dahilan upang mapahinto rin ako. Nagpanggap akong may inaayos sa kasuotan ko habang ang buong atensyon ay naghihintay sa isasagot ng lalaki sa matanda.
"Ako'y may kailangan puntahan. Babalik na lang ulit ako sa makalawa."
Sa makalawa? Anong araw na ba ngayon?
"Kung ganoon ay mag-iingat ka," Ngumiti ang matandang babae.
I heaved a sigh. Mukhang mapapasubok na naman ako. Kailangan ko siyang sundan dahil siya ang pakay ko sa pagpunta rito sa Valtory.
Bakit pa kasi siya aalis?! Ayos na ngang nasa iisang lugar lang kami!
Tinaas ko ang braso ko upang mapusod ang umaalon na buhok. Umihip ang hangin kaya humampas sa mukha ko ang natipon kong buhok. Napamura naman ako sa isipan. Aasik pa sana ako ngunit napahinto nang makitang nilipad ang mapa na nakalagay sa mababaw na bulsa ng damit ko.
Lumipad iyon sa paahan ni Ryuu.
Mabilis akong napamura sa isipan at nag-labas ng mabigat na hangin bago saglit na pinikit ang mga mata. I bit my lip so hard that it almost bled.
Naramdaman naman niya iyon agad kaya't nag-baba siya ng tingin.
Kinuyom ko ang kamao at pinagtibay ang loob. Kaya mo 'yan, Katana!
"Mauuna na rin ho ako!" I shouted. Nilakihan ko ang hakbang ko upang mabilis na makapunta sa kinatatayuan ni Ryuu. Yumuko ako at dinakot ang mapa. "Narito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Parang sira ang ulo na bulong ko sa kawalan ngunit sinadya kong lakasan iyon para marinig ni Ryuu.
Kung nakikita ko lang ang sarili ko sa salamin, paniguradong kanina ko pa ito pinagtawanan. Nakakahiya na talaga ang pinaggagagawa ko sa taon na ito!
Nag-angat ako ng tingin sa matanda. "Maraming salamat ho. Nabusog ako sa hinain ni Anton. Kapag nahanap ko ho ang pamilya ko ay babalik ako rito upang pasalamatan ulit kayo!"
"Ano ka ba't wala lamang iyon." Ngingiti ng matanda.
Nginitian ko lang din ito at bahagyang sinilip si Ryuu sa gilid ng mga mata ko. Madilim ang kaniyang awra at aaminin kong nakakatakot siya... kahit na ang pormal niyang tingnan sa baro.
"Aalis na rin iyang si Akaryuu, mas mabuti pang mag-sabay na kayo-"
"Hindi na ho."
"Mas mabuti nga ho."
Mabilis na lumipad ang masamang tingin ko kay Ryuu. He didn't look at me, and it was as if I were invisible in front of him.
Ang kapal naman ng isang ito para tanggihan ako?! Talaga namang sabay pa kaming sumagot ngunit magkabaliktad ang sinabi!
"Pagpasensyahan mo iyang si Akaryuu, hija. Simula bata iyan ay ganiyan na talaga ang isang iyan. Hindi siya pala-imik at laging nakasimangot," Lumapit sa'kin ang matanda para may ibulong. "Ngunit busilak ang kaniyang puso."
Napangiti ako dahil sa hindi malaman na dahilan. A part of me feels happy with what I've heard.
Handa na akong mag-salita ngunit humagikgik ang matandang babae. "Sa totoo lang ay bagay kayong dalawa. Tila pinagkaloob kayo ng diyos para sa isa't isa."
Doon ay natutop ako at kusang humigpit ang kapit sa hawak na mapa.
"Aalis na ho ako." Tipid na sabi ni Ryuu at nagpatuloy sa paglalakad.
Ayon lang ang reaskyon niya? Walang iba? Ganoon lang? Aalis lang? Bwisit!
"Ako rin ho!" Sunod kong paalam sa matanda at mabilis na sinuot ang bakya. "Maraming salamat ho talaga!"
Nang tuluyan akong makalabas ng bahay ay napuno ako nang inis. Hindi ko iyon pinansin at nilakasan ang loob bago sundan ang bawat yapak ni Ryuu. Malalaki ang hakbang na ginagawa niya kaya't hindi ko magawang mahabol ang mga paa niya.
Iniiwasan niya ba ako?
Sinubukan kong bilisan ang paghakbang ko para mahabol siya ngunit napatigil din. It was as if all the noise around me disappeared. Napahawak ako sa aking ulo bilang pag-inda sa sakit.
Hinarap ko ang lalaking nakatama ng batya sa ulo ko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Hindi mo ba ako nakita?!" Panggigilaiti ko sa binatang lalaki habang sapo ang parte ng ulo ko na tinamaan niya.
Agad siyang yumuko at nalulunok sa takot. "Paumanhin, binibini-"
"Hindi ka kasi nag-iingat," I rolled my eyes in annoyance. "Bwisit."
Matangkad naman si Aurora para hindi niya makita! Ang sakit tuloy!
I heard someone click their tongue.
"Mauna kang mag-lakad,"
Mabilis kong dinapo ang masamang tingin kay Ryuu nang marinig ang baritonong boses. He turned to face me now, putting a good distance between us. Malamig ang tingin na binibigay niya sa'kin at tila ba pinapamadali akong gawin ang inutos niya.
I scrunched my nose and tilted my head.
Nag-tapon ako ng tingin sa lalaking nakabangga sa akin. Umalis na ito kaya muli kong binalik ang tingin kay Ryuu.
Akala ko ba ay ayaw niya akong kasabay? Parang kanina lang ay halos mag-mistulang hangin ako sa kaniya dahil hindi niya ako pinapansin. An'yare? Anong klaseng hangin ang umihip at napagdesisyonan niyang pansinin ako?
"Bakit naman?"
He just glared at me before turning around and continuing walking. Halos matameme ako nang tuluyang makalayo ang lalaki sa akin. He was walking comfortably, like he was in his own world.
Inis kong kinuyom ang kamao ko, humugot ng malalim na hininga upang kumuha ng maraming pasensya bago tuluyang patakbo na nilakad ang daan na dinaanan niya.
Habol hininga kong napantayan ang nilalakaran niya.
He side-eyed me as his jaw clenched. Napansin ko naman ang pag-liit ng mga hakbang niya kumpara sa kanina.
Siguro ay nakaramdam siya ng kaunting awa kahit paano para sa'kin!
Nababasa ko sa kaniyang mukha ang labis na pagtataka na may kahalong irita. Pero ano pa bang aasahan ko? Lagi namang iritado ang isang ito.
"Saan ka ba pupunta?" Asik ko. "Kanina pa ako pagod, pwede bang tumigil muna tayo?!"
Hindi niya ako pinansin. Napamura naman ako. Gusto ko siyang suntukin!
Pumihit siya paliko at bumungad sa'min ang tahimik na siyudad. Karamihan sa mga taong nag-lalakad ay pasulong at mukhang patungo sa bayan. May ilang nagbebenta rin sa tabi-tabi ng kung ano-anong materyal na bagay.
Walang salita na lumabas sa bibig ko nang mapagtantong pumasok si Ryuu sa isang silid-aklatan. He entered quietly so I did the same. Para akong anino niya dahil sa kakasunod sa kaniya.
"Hindi mo ba talaga ako papansinin?" Inis na pabulong kong usal.
Ang pakipot naman ng isang ito! Ganito ba talaga ang mga lalaki rito kapag nabubusted?
Pumirmi si Ryuu sa isang eskenita na pinapaligiran ng mga libro na punong-puno ng iba't-ibang lengguwahe. Huminto siya sa harapan ng makakapal na libro at pinasadahan ito isa-isa.
I rolled my eyes and roamed it around the whole place.
Tahimik ang buong paligid dahil kami lamang ang tao ni Ryuu sa loob. Punong-puno ng libro ang lugar. Ngunit kung ipagkukumpara ay mas malaki ang silid-aklatan na pinuntahan namin ni Prinsipe Sarathiel kaysa rito.
Hinilig ko ang katawan sa sandalan ng nakitang upuan sa gilid, ang mga mata ay tinatanaw si Ryuu habang ang braso ay naka-krus. Nasa harapan ako ng bintana kaya't humahaplos ang preskong hangin sa'kin galing sa magagarbong puno.
This place is incredibly stunning and seemed unreal.
Hindi ko namalayan ang pagkampi sa antok na kumalaban sa'kin noong oras na dinadalaw ako ng sunod-sunod na hikab. I looked around again, and this time, the bright, still sun had been replaced by darkness and a half moon.
Kaagad akong napabalingkwas habang ang isip ay napuno ng mura.
Anong oras na? Bakit nakatulog ako? Nasaan si Ryuu? Iniwan niya ba ako?!
Sinilip ko ang lahat ng pasilyo ng silid-aklatan ngunit wala siya roon. Binalot naman kaagad ako ng kaba. Hindi ko alam kung nasaan ako at hindi ko rin alam kung saan ang daan pabalik!
Katana, ano ba 'to?!
Kagat ang balat ng hintuturo nang hinakbang ko ang paa ko patungo sa madilim na pasilyo ng silid-aklatan. Nilibot ko ang mga mata ko sa kabila ng kadiliman ngunit wala roon ang lalaki. Tatalikod na sana ako ngunit napahinga ng maluwag.
Prenteng nakaupo si Ryuu sa gilid habang naka-dekwatro. Magkasalubong ang kilay niya, ang buhok ay magulo habang ang hulma ng kaniyang panga at ilong ay kitang-kita dahil sa liwanag ng buwan.
Mukhang abalang-abala siya sa pagbabasa ng libro na hindi ko alam kung anong lengguwahe iyon nakasalin.
I tsked and whispered using my breath. "Buti 'di umatake pagiging kampon ni satan mo, 'no?"
Sumimangot ako. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at umaasta na hindi ako naaaninag sa harapan niya!
"Hoy!" I shouted. Nagtagumpay naman ako roon dahil nag-angat siya ng tingin. "Alam mo bang iniwan ko ang kasal namin ni Keitaro para lang puntahan ka rito tapos hindi mo lang ako papansinin?!"
Sana naman ay ma-guilty siya kahit paano!
Ngunit hindi sumangayon sa'kin ang tadhana.
Tahimik niyang tinikom ang may kakapalang libro gamit ang isang kamay at tumayo. I was about to shout again but bit my lower lip instead. Walang salita niyang binalik ang libro sa istante na sinasandalan ko, isang dangkal lamang ang distansya namin sa isa't isa.
I don't know what he did to make my whole body go electric, and my knees almost went weak!
Napalunok ako ng tatlong beses at napakurap. Hindi siya nagtagal sa harapan ko at nagpatuloy ang lalaki sa paglalakad, tila ba hindi ako naririnig.
Sa dami ng pwedeng maging si Yevhen, bakit itong sutil pa na 'to?!
"Ryuu, nariyan ang bantay!" Pinadausdos ko ang palad ko sa kaniyang makisig na braso at buong lakas siyang hinila palapit sa'kin. Napahinto siya sa paglalakad dahil sapilitan siyang napapihit sa'kin.
He looked down to me, shock was evident in his face. Napatingin siya sa kamay ko na nasa braso niya.
"Ano naman?" He coldly asked, gulping.
Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Lumaki ako rito sa Valtory... a-at bawal magkasama ang lalaki at ang babae sa iisang lugar ng ganitong oras."
It was all a lie.
Sa Baler ako lumaki, Ryuu, hindi sa Valtory!
"Papatayin nila ang babae sa oras na mahuli ang dalawa. Habang ang lalaki naman ay makakalaya lang na parang walang nangyari." I almost mumbled.
Bahagya akong napaatras ng maramdaman ang labis na pagdidikit ng mga balat namin.
Matagal niyang tinitig ang mga mata sa'kin habang ang panga ay naka-igting. Pinasadahan niya ang buhok niya dahilan upang gumulo ito, bagay na bagay sa mapungay niyang mga mata.
I arched my brow. Handa na akong mag-salita ngunit pinilit kong tinikom ang bibig sa pamamagitan ng pag-kagat sa labi. I was trying so hard... pero parang tangang sumilay at kumawala ang malawak na ngiti sa labi ko.
Nag-iwas ako ng tingin nang umupo si Ryuu sa tabi ko at sinamahan ako sa pagtatago.
Fuck! Uto-uto rin pala ang isang ito.
^________________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro