dalawa
"Noong taong isang libo walong daan dalawampu't dalawa, naimbento ni Ethel ang hudyat na mga saranggola. Ginagamit lamang ito o pinapalipad sa ere bilang babala sa mga tao kapag may paparating na giyera o away,"
Kasalukuyang nagleleksyon ang guro namin sa araling pang-nakaraan. Sinusulat niya pa sa pisara ang kaniyang mga sinasabi at agad naman itong kinokopya ng mga estudyante sa kani-kanilang kuwaderno.
Halos lahat sila ay nakikinig ngunit ako, iba ang pinagkakaabalahan.
Pinikit ko ang aking mga mata at nang tuluyang mawala sa aking isipan ang mga boses nila ay agad akong nag-mulat ng mga mata. Glancing down at the news paper, I kept looking for an article about Queen Eirene's murder case.
Ang pagkamatay ng ikalabing walong Reyna Eirene.
Isang libo't walong daan, ikalawa ng marso, natagpuan ng isang animnapu't lima-taong-gulang ang bangkay ng ika-labing-walo na reyna sa palasyo ni Humilton na si Eirene. Ito ang isa sa mga pinaka nakakagambalang pagkamatay noong isang libo at walong daan.
Si Eirene, ang ika-labing walo na Reyna ng Humilton Palace ay dumalo sa isang ritwal ng Metis noong araw bago matuklasan ang kanyang kamatayan. Sinabi ni Simon, nakatira sa Metis, na umalis siya sa ritwal bago pa man lumubog ang araw kasama ang kanyang bantay militar.
Gayunpaman, ang ika-labing walong reyna na si Eirene ay hindi nakabalik sa palasyo ng Humilton dahilan upang hanapin siya ng ika-dalawampu't isa na Hari na si Lycus.
Bagamat mayroong ilang mga haka-haka tungkol sa pagkamatay ng ika-labing walong Reyna, ang naglilingkod na si Duman ay hinatulan ng kamatayan noong isang libo walong daan labing isa para sa pagpatay sa ika-labing walo na reyna sa Humilton Palace.
Napatuwid ako mula sa pagkakaupo.
Ang komplikado. Hindi ko alam kung anong papaniwalaan ko sa dami ng artikulo na nabasa ko. Madami na akong nabasa ngunit lahat iyon ay iba-iba.
Lahat ay komplikado at hindi madaling paniwalaan.
Mayroong artikulo na nagsasabing namatay ang Reyna na si Eirene dahil sa katandaan. Mayroon din namang artikulo na kaya raw ito namatay dahil sa kaniyang sakit. At may artikulo naman na nagsasabing nagpakamatay lamang ito. May mga artikulo na nagsasabing pinatay ito dahil sa inggit.
Ang gulo.
"Katana Xanthia Ildefonso,"
Nagitla ako nang marinig ang matinis na boses ng madre. Kaagad akong napalunok at nag-angat ng tingin sa kaniya. Ramdam ko ang malagkit na tingin sa akin ng mga kaklase ko kasabay ang mga bulungan at tawanan ng iba.
Hindi ko sila pinansin.
"Bakit po?"
"Kanina pa kita tinatawag, ngayon mo lang ako narinig. Nasaang lupalop ka ba ng mundo?" Sarkastikong sabi ng madre na inikadahilan upang malakas na mag-tawanan ang mga estudyante.
Humugot na lamang ako ng hininga at tumingin sa madre. "Paumanhin po,"
"O siya, ipaliwanag mo ang tinalakay ko," Waksi niya dahilan upang mas lumakas ang tawanan ng mga estudyanteng minamata ako. "Kapag nasagot ni Katana ang tanong ko ay maari na kayong magpahinga."
Naging triple ang hiyawan.
"Siya pa talaga pinag-sagot. E 'di hindi na tayo makakapag-pahinga niyan. Hindi naman siya nakikinig. Lumilipad lang isip niya sa lalaking katalik niya kahapon sa sementeryo." Bulong ng isang babae sa gilid.
"Totoo?"
"Hindi mo ba nabalitaan? Kalat kaya iyan sa buong kumbento. Usap-usapan na naman siya ng mga madre at estudyante. Napaka-weird niya talaga."
I couldn't help but roll my eyes at them.
Akmang ibubuka ko na ang bibig ko ngunit saglit na napatikham nang binalot ang ilong ko ng pamilyar na amoy. Kaagad kong sinundan ang amoy ng lalaking espiritu... a scent of fresh flowers.
Narito siya... nasa gilid ko lamang at mukhang hinihintay akong sumagot.
I cleared my throat. "Paano ka nakapasok dito? Baka makita ka nila."
Nako, isyu na naman 'to.
Narinig ko naman ang umaalingawngaw niyang mahinang halakhak. Malalim ang kaniyang boses at medyo garalgal. "Tinatawag ka ng madre... ganito ba kalakas ang presensya ko sa'yo kaya't napupunta agad ang atensyon mo sa'kin?"
Napaismid naman ako, hindi maiwasang hindi mailing. "Naamoy kita. Ang lakas ng pabango mo."
"Huwag ka nang mag-kunwari, aminin mong hinihintay mo ako,"
Awtomatikong umikot ang mata ko. "Hinihintay kitang lisanin ako."
"Paano ba 'yan? Tutulungan mo na ba ako?"
Bago pa man ako sumagot ay narinig ko ang muling pag-tawag sa'kin ng madre. Mukhang iniisip na naman nilang nasisiraan na ako ng bait. Hindi ako nagkaroon ng tyansang sagutin ang huling binitawang salita ng espiritu.
I cleared my throat. "Ang Saranggola ng Digma ay isang uri ng saranggola na ginamit noong nakaraan bilang isang hudyat o babala sa mga komunidad kapag may paparating na digmaan o laban. Ipinapalipad ito sa mataas na lugar upang makita ng lahat, at nagsisilbing tanda na kailangan nilang maghanda para sa isang malupit na sigalot. Sa kasaysayan, ang saranggolang ito ay nagsilbing paraan ng komunikasyon sa mga oras ng pangangailangan, at isang simbolo ng pagtatanggol at pag-iwas sa panganib."
Ayon ang mga katagang huling narinig sa loob ng silid bago maglabasan ang mga estudyante. Maagang natapos ang klase dahil tinupad ng madre ang pangako niya na sa oras na masagot ko ang kaniyang tanong ay hahayaan na niya kaming makalabas.
Nag-desisyon kaming mag-tungo sa lumang silid-aklatan. Kasunod ko lamang ang lalaking espiritu.
"Anong pangalan mo?"
Sinubukan kong basagin ang bumabalot na katahimikan sa pagitan naming dalawa sa pamamagitan ng pagtatanong ko sa lalaki habang ang atensyon ay nakatuon sa mga libro.
"Hindi ko matandaan,"
"Kung ganoon... hayaan mong tawagin kitang 'Yevhen'," Aniko. Mukhang bagay naman sa kaniya ang pangalan na iyon.
"Bakit?" His brow probably furrowed in confusion as he asked.
"Dahil hindi ka tinanggap sa Heaven?" The joke sounds lame, but I don't care, as long as it makes me laugh. Napa-ismid ako nang katahimikan lamang ang bumalot sa'min, ni hindi niya man lang tinawanan ang aking biro.
Isinara ko ang libro at ibinalik iyon kung saan ko kinuha.
"Heaven? Anong heaven?"
Nakalimutan kong hindi pa pala naiimbento ang salitang ingles sa panahon niya.
Ipinasok ko ang aking kamay sa bulsa ng aking palda at nagpatuloy sa paglalakad. "Ang heaven ay isang salita sa ingles at ang tagalog ng heaven ay langit."
Umalingawngaw saaking tainga ang sarkastiko niyang pagtawa. "Ang galing mong mag-biro, binibini. Dapat ba akong tumawa?"
Gumuhit ang maliit na ngisi sa aking labi ngunit agad din iyong naglaho. "Hindi, iyakan mo."
Tumawa lamang siya. "Anong taon na nga ba ngayon, Binibini?"
Huminto ako sa paghahanap ng libro. Kasalukuyan kaming nandito sa lumang aklatan malapit sa aking paaralan, naghahanap ng libro na may detalye tungkol sa pagpatay na nangyari sa Argyll noong taong isang libo't walong daan.
"Ang taon ngayon? dalawang libo't sampu." I answered.
Yevhen is most likely 200 years old today if math is used.
Sumampa ako sa puting upuan at tumingkayad upang maabot ang libro na nakalagay sa itaas. Inayos ko ang tali ng bag ko sa balikat at inabot iyon. Yet, I stumbled and nearly fell. I opened my mouth to give a brief shout, but as soon as I felt the wind pushing me back to balance, I closed it.
Tumamaa naman ang mukha ko sa mga libro dahilan upang mapadaing ako sa sakit.
Pucha... nakakahiya naman!
Sinundan ko ang amoy ng lalaking espirito na nilagpasan ako matapos akong itulak nang malakas.
"Dapat ba akong magpasalamat?" Bulong ko sa sarili.
Hindi na pala. He pushed me so hard that my face hit the books. Hindi man lang gentleman!
Kumunot ang aking noo, patalon na bumaba sa pagkakasampa sa upuan at sinundan ang lalaki sa pamamagitan ng kaniyang amoy. "Paano mo ako nahawakan? Hindi ba't tumatagos ang mga multo o kaluluwa kapag nakakahawak ng mga bagay o tao?"
That's what I watch on TV when it comes to shows or teleseries. It's amazing how he touched me without actually touching me, especially since ghosts can pass through anything.
Umalingawngaw ang mahina niyang tawa sa aking tainga. "Ang mga nahahawakan lamang ng mga patay ay kapag buhay na ang isang tao o nagawa na ang isang bagay noong taon na nabubuhay pa ang patay."
"Huh? Paano ka nakapasok sa lumang aklatan na ito?"
"Kaya nga tinawag na luma, dahil matagal na itong aklatan na ito. May luma ba na bago?"
Ang pilosopo talaga. Pasalamat siya ay hindi ko siya masaktan.
"Anong ibig mong sabihin? Nakatayo na ang aklatan na ito noong buhay ka pa?"
"Oo. Noong nabubuhay pa ako ay aklatan na ito, hanggang sa mamatay ako. Ang paniwala ng mga tao, ang mga multo ay pwedeng lumagpas sa mga pader, pero hindi iyon totoo,"
Dire-diretso at walang hinto niyang paliwanag.
"Mahahawakan lamang namin ang mga bagay o lugar na mayroon nung buhay pa kami... Kapag nakita mo ang kaluluwa na lumagpas sa pader, dahil nung buhay pa siya ay walang pader doon. Kaya nakakalagpas ang multo sa lugar na iyon,"
Huminto siya upang ibaba ang libro sa pinagkuhaan niya.
"Subalit kung may pader noon at ngayon ay naging pintuan na ay hindimakakalagpas ang kaluluwa." Naamoy ko ang kaniyang amoy na lumapit saakin. "Kaya kailangan ko ng tulong mo, Binibini."
Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. Ibinuka ko ang aking bibig at nagsalita. "Naitulak mo ako? Ibig sabihin non ay buhay na ako noong nabubuhay ka pa?"
I felt fear and goosebumps.
"May bagay sa likuran mo, Binibini. Posibleng buhay na ang bagay na iyan nung buhay pa ako. Ayon ang nahawakan ko, hindi ang likod mo."
I looked behind me. My bag was there, slung over my shoulder. Napasapo naman ako sa aking noo, dapat talaga ay hindi ako nag-a-assume kaagad. Tinakot ko lang tuloy ang sarili ko sa walang kwentang bagay.
"Oo nga pala. May nahanap ako sa lumang dyaryo tungkol sa Argyll at Humilton palace. Bumili narin ako ng kopya,"
Inilagay ko sa harap ko ang bag at binuksan iyon. I searched my unkempt bag for the newspaper I had purchased earlier at the market. Nakita kong nahulog ang pagkakakilanlan ko at akmang kukuhanin iyon nang magsalita ang lalaki.
"Katana Xanthia Ildefonso. Katana Xanthia Ildefonso ang iyong pangalan, Binibini?" He sounded sexy while mouthing my name.
Gwapo ba siya? O... mukhang matanda na? I couldn't believe myself that I was confused by his appearance.
"Oo," Sagot ko at kinuha ang bagay na iyon mula sa lapag.
"Pati ba naman sa litrato ng bagay na iyan ay nakasimangot ka parin?" Humahalakhak niyang tanong.
"Ano nga pala ang bagay na iyan? Hindi ko pa nakikita yan noong panahong buhay pa ako pero madalas kong nakikitang nakasabit ang bagay na iyan sa leeg ng mga estudyante sa paaralan niyo."
Bumusangot ako.
"Pagkakakilanlan ang tawag dito at kung nakasimangot man ako ay wala ka nang pake roon." Kinuha ko ang dalawang puting papel sa loob ng aking bag at inabot iyon sa kaniya.
Ay, hindi niya pala iyon mahahawakan.
Ibinaba ko ang aking bag sa upuan na kanina'y pinagsampahan ko. "May tatlong pangalan ang nabanggit. si Reyna Eirene, Rowan at Lycus? Ang sabi rin dito ay ika-dalawang pu't isa'ng hari sa Humilton Palace si Lycus at si Reyna Eirene naman ay ika-labing-walo'ng reyna sa Humilton Palace..."
Bumaba ang tingin ko sa pangalan ni Rowan.
"At si Rowan. Ang matalik na kaibigan ni Reyna Eirene at Hari na si Lycus. Walang nakalagay kung anong estado niya sa buhay pero may ilang pangungusap dito na nagsasabing mahirap lamang daw si Rowan kaya tinulungan siyang makapasok ng dalawa niyang kaibigan sa Humilton palace,"
"Hindi 'ko matandaan," Sabi niya gamit ang mababang tono habang patuloy na naghahanap ng libro.
"Paano kita matutulungan kung hindi mo lahat matandaan?!" Asik ko. Akmang dudugtungan ko pa iyon ng may ideya na pumasok sa isipan ko.
"Ang sabi mo; kung ang tunay na salarin ay nandiyan parin, patuloy niyang mumultuhin ang lugar na ito. Ibig sabihin ay nandito parin iyon?" Tanong ko ngunit walan sumagot saakin. Binaba ko ang libro na hawak ko at hinahap si Yevehn sa pamamagitan ng kaniyang amoy.
"Anong hinahanap mo?"
"Nakita ko na libro tungkol sa ciuineos at ciuineous, Binibini," Lintanya niya.
Napapagitnaan kami ng istante ng libro. Hindi ako makapunta kung nasaan siya dahil nakaharang na ang istante ng libro kaya si Yevhen lang ang pwedeng pumasok doon dahil noong buhay pa siya ay hindi pa iyon nakaharang.
"Ciuineos, isang itong rituwal na may kakayahang maghatid ng isang tao pabalik o pasulong sa oras. Kapag ang buwan ay bilog at kulay pula, doon mo lamang magagawa ang rituwal sa isang tulay. Pagtumunog ang kampana, tanda ng alas-dose na ay sugatan mo ang iyong sarili gamit ang matalim na armas,"
Paliwanag niya. Mapait naman akong napangiti.
Kung totoo man ang Ciuineos, hinihiling ko na sana'y bumalik ako sa taon na buhay pa ang mga magulang ko. Pero hindi naman iyon totoo. Haka-haka lamang nila iyon.
Kasinungalingan kumbaga.
"Ipikit mo ang iyong mga mata at kapag mulat mo ay makakarating ka na sa taon na ninanais mo," Huminto siya at tumagos sa istante ng libro. "Ang Ciuineous naman ay isang hypothetical na aparato na nagpapahintulot sa paglalakbay sa nakaraan at hinaharap."
Nagkibit-balikat ako. "Gagawin ko ang ritwal upang patunayan na hindi iyan totoo. At kapag nangyari iyon ay wag kang mag-alala, tutulungan pa rin kita sa pamamagitan ng mga dyaryo."
Bahagya siyang tumawa ngunit hindi nagsalita.
"May pasok pa ako ng alas-dos, babalik na muna ako sa dormitoryo," Paalam ko at nagalakad palabas sa silid. Kinuha ko ang bisikleta ko at agad na sumakay.
Noong nagdesisyon akong tulungan si Yevhen, nagsimula na akong maghanap ng mga impormasiyon. Gabi naganap ang pagpatay, hinampas ng matigas na bagay sa likod ang ulo ng Reyna na si Eirene.
Sa lakas nang hampas, nabasag ang kaniyang bungo. Bumagsak ang kaniyang katawan sa matataas na damo ng kagubatan ng Argyll. Natagpuan ng isang militar ang isang bagay na may bahid na dugo.
Kung kaya't nahuli ang suspect, si Duman, matagal nang nagsisilbi bilang tagapagsilbi ni Reyna Eirene sa Humilton palace. Hinalughog ang kaniyang bahay at doon natagpuan ang maraming alahas na pagaari ng reyna.
At dahil mababa ang kaniyang estado, nagpasya ang hari na si Lycus na walang saysay ang mga agrumento ng nasa sakdal. Nahatulan si Duman at ang kaniyang buong pamilya ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad.
"Natuklasan kong tatlong tao pa ang sangkop sa kaso. Una, ang tagapagpagamot ng Reyna na si Dr. Profan. Siya ang unang nakakita ng bangkay ni Reyna Eirene sa kagubatan ng Argyll. Namatay siya noong isang libo siyam na raan at labindalawa,"
Tuloy tuloy kong paliwanag sa aking sarili, pinipilit pagsamasamahin ang mga impormasiyon na aking nahalukat.
"Pangalawa, ang militar na guwardiya ni Rayna Eirene. Si Ramon, siya ang madalas kasama ni Reyna Eirene. Dalawampu't isang taon na siya patay. At ang pangatlo... si Talaitha, ang dating sekretarya ng Reyna. Natanggal siya dahil sa pagnanakaw at biglang nawala pagkatapos nang murder at buhay pa siya ngayon."
"At..." Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"Ano?"
"Wala na," Sinarado ko ang libro na hawak at sinilid ito sa loob ng bag. "Iyan lang ang iilang impormasyon na nakuha ko galing sa iba't ibang balita. Lumubog na ang araw, uuwi na ako."
"Sige, mag-pahinga ka na." Sumeryoso ang kaniyang boses.
Bahagya tuloy akong natigilan doon. Gusto ko pa sanang mag-salita ngunit naamoy ko ang pag-layo ng kaniyang amoy mula sa'kin. Mukhang may pupuntahan na siyang iba. Mabuti nga dahil kahit ngayon lang ay tatantanan niya na ako.
Pagod akong umuwi. Gusto ko nang ipikit ang mga mata ko at matulog hanggang sa muling sumapit ang araw. Maaga pa ang unang klase ko bukas. Hindi rin ako pwedeng mahuli dahil sinusubukan kong bumawi sa mga madre sa kabila ng mga ginawa ko.
Napag-usapan namin ni Yevhen na kapag bilog ang buwan gagawin namin ang ritwal. Pumayag naman ako doon dahil alam ko ang kakalabasan. Paniguradong walang mangyayari. Masusugatan lamang ang katawan ko.
Akala ko ay magiging matiwasay ang pag-uwi ko sa dormitoryo.
Maliban sa mga tawanan at bulungan ng mga estudyante, hindi ko inaasahang magtatagpo ang landas namin ni Violet sa silid ko.
"Anong ginagawa mo?!"
Nakabukas ang lagayan ng mga damit at mahahalagang gamit ko. Nakakalat ang lahat sa maliit na silid ko. At naroon si Violet, agresibong kinakalkal ang mga bagay at tila ba desperadong makita ang pakay.
Pabagsak kong binaba ang bag at agad siyang nilapitan.
"Ano bang problema mo?!" Hindi ko maiwasang mapantaasan siya ng boses.
"Bakit gano'n, Kat?! Pinagbabawalan mo akong makipag-kita kay Sir Casper pero kapag ikaw, ayos lang na makipag-kita sa lalaki! Ano 'yon, Kat? Ikaw lang ba may karapatan sa'tin?!"
Nagkaroon ng uwang ang labi ko. I was shocked to hear those words come out of her mouth. Kinuyom ko ang kamao ko para pigilan ang sarili sa gustong gawing pananakit sa babae.
Paniguradong si Yevhen ang lalaking tinutukoy niya... pero, nakakapagtaka.
"Ikaw ang problema ko, Kat!"
"Ano bang sinasabi mo?!"
"Nag-mamaangmaangan ka pa! Ikaw lang naman ang nakakaalam na natulog kami ni Sir Casper sa bahay niya nang magkasama! Kaya walang ibang magpapakalat ng balita na 'yon kun'di ikaw lang!"
Parang may kung anong sumaksak sa akin.
Violet is a woman who is always been called as prostitute. Laging kumakalat ang pangalan ni Violet dahil sa mga kalokohang ginagawa nito noon.
Pero ni minsan, hindi ko siya kinilala bilang isang ganoon.
For me, Violet is a wonderful woman.
Lahat ng tao ay mababa ang tingin sa kaniya. Lahat ay pinagtatawanan siya at pinagbubulungan. Lahat ay sinisiraan siya at kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi sa kaniya.
Pero... lihis ang landas ko sa mga taong nakapalibot sa kaniya.
Kung ang lahat ay minamaliit siya.... ako naman ay... tinitingala siya.
Pinalis ko ang aking mga luha. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Violet. Ni hindi pa ako nakikisalamuha sa mga estudyante rito. Wala pa akong nakausap ni isa sa kanila... kaya paanong mangyayari 'yon?"
Gulong-gulo akong tumingin sa kaniya. Gusto ko siyang kausapin nang matiwasay at sa mahinahon na paraan. Pero paano ko gagawin 'yon kung siya na mismo ang hindi kayang kumalma.
"Sinungaling ka, Kat!" She roared.
Muli akong umiling-iling. "Maniwala ka man o hindi, hindi ako ang nagsabi no'n! Hinding-hindi ko magagawa sa'yo 'yon, Violet. Kilala mo na ako simula pa noon! Kanino ka mas magtitiwala? Kay Casper o sa akin?!"
"Sa kaniya!" Her words hit me hard and broke me into a million pieces.
Ni hindi man lang siya nagdalawang isip sa pag-sagot.
"Alam mo ba, Kat," Pinantayan niya ang laki ko. "Simula nung kumalat 'yung mga hubad kong litrato, gabi-gabi... gabi-gabi akong umiiyak! Gabi-gabi akong humihiling na sana mamatay na ako!"
Hindi ako nagkaroon ng tyansang mag-salita. Tuluyan akong nanigas sa kinatatayuan dahil sa mga salitang naririnig.
"Hahanapin ko 'yung litrato mo nung nakipag-talik ka sa lalaking hindi mo naman kilala! Tingnan natin kung sino naman ang pag-uusapan nila! Ipapakalat ko rin 'yon sa buong kumbento!"
Mabilis na umangat ang tingin ko sa kaniya. "Hibang ka ba, Violet?! Akala ko ikaw lang 'yung maniniwala sa'kin na gawa-gawa lang nila 'yung litrato na 'yon! Kasi hindi naman talaga totoo 'yon, Violet! Hindi ako gano'ng tao!"
Tila nag-iba ang ihip ng hangin. Napalitan ng galit ang kaninang sakit na nararamdaman ko.
"Simula ngayon, hindi na kita pinsan, Kat! Huwag mo na akong kikilalanin bilang pinsan mo dahil nahihiya akong maging kadugo mo!"
"Sige! Mapagod kang maghanap ng litrato riyan at sana lumuwa 'yang mata mo! Sana rin..." I don't know why those words came out of my mouth. Parang may kung anong napindot sa'kin at awtomatikong binigkas ang mga salitang hindi ko dapat sabihin.
"Sana nga mamatay ka na!"
Umalis ako ng dormitoryo.
Nakayapak akong nag-tungo sa lugar kung saan saksi ang kalikasan sa mga luha na lumalabas sa aking mata. My eyes are all blurry, my chest is tight, and I can barely breathe with this blockage in my throat.
Hindi ko maiwasang mag-sisi sa mga sinabi.
Gusto ko siyang balikan at bawiin ang mga binitawang salita. Pero...
"Yevhen, nariyan ka ba?" Kusa na lamang lumabas ang mga salita sa bibig ko.
"Nakita ako ng pinsan mo?"
Kumawala ang buntong hininga sa aking bibig. Aaminin kong bahagyang naging panatag ang sarili ko nang marinig ang boses niya.
Sa totoo lang, kanina ko pa siya naaamoy simula nung lumabas ako sa dormitoryo. Hindi lang siya nag-sasalita habang sinusundan ako patungo sa lugar na tinatahak ko.
Marahil ay... naiintindihan n'yang gusto kong mapag-isa.
"Oo, kung ano-anong sinasabi—"
"Katana," As soon as he said that, I just stopped. Ngayon ko lang narinig ang pag-tawag niya sa pangalan ko. "Nakikita mo ba ako?"
Napatikhim ako.
Sa totoo lang... hindi ko siya nakikita. Naaamoy, oo. Pero ni kailanman ay hindi ko pa siya nakikita. Kahit ilang segundo. Kahit isa man lang sa parte ng kaniyang mukha. Tanging amoy niya lang.
Sinalampak ko ang sarili ko sa damuhan matapos ipuyod ang buhok sa iisang tali. Nilapat ko ang mata ko sa kalmadong lawa. It was ten o'clock at night, and the half moon was the only source of light, so it was already dark.
"Bakit? Sagutin mo ako. Nakikita mo ba ako? Hindi ba't hindi?" Pabalik niyang tanong.
Kung makikita ko siya... siguro ang una kong gagawin ay sakalin siya. Nakakainis. Araw araw niya na lang sinisira ang araw ko.
"Paano ka nakakasiguro?"
Tumahimik siya kasabay ng pagdaan nang malakas na hangin sa harapan namin. Napasukbit tuloy ako ng buhok ko sa likuran ng aking tainga at inayos ang aking posisyon, naghihintay parin sa kaniyang kasagutan.
"Ang mga taong nakakakita ng multo... 'yung iba dahil may koneksiyon sila... pero madalas..."
"Ang mga taong nakakakita ng multo, malapit na silang mamatay." Dagdag niya.
^____________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro