apat
Maaga akong nagising dahil sa galak na aking nararamdaman. Alam kong wala akong mapupurat kahit na mapatunayan kong hindi totoo ang ciuineos at ciuineous. Gusto ko lamang ipamukha kay Yevhen na mali siya.
Na isa siyang mangmang na naniniwala sa ciuineos at ciuineous.
"Si Talaitha, natuklasan ko ang kaniyang bahay kahapon, subukan natin siyang kausapin 'pag ka-punta natin sa anak ni Rowan. Baka sakaling mabigyan niya tayo ng iba pang impormasiyon." Lintanya ko at patuloy na tinulak ang bisikleta.
Asawa ni Talaitha ang taga-pagpatupad ng Reyna na si Profan. At siya din ang dating sekretarya ng Reyna. Kung makakakuha kami ng impormasiyon sa kaniya ay maari ko iyong isama sa pagkamatay ni Reyna Eirene.
"Wala kang p-pasok ngayon, binibini?" Tanong nito gamit ang mababang tono.
Umiling lamang ako bilang sagot.
"Nabalitaan mo ba ang balita kagabi? Pula ang buwan mamaya at katulad nang sinabi mo ay pulang buwan, dugo, tulay, alas-dose ng gabi ay magagawa ko ang ritual ng ciuineos. Nagagalak na akong gawin 'yon,"
Sandali siyang natutop at bumuga ng hangin bago magsalita.
"Hindi naman kita pinipilit na gawin 'yon-"
Pinutol ko siya at kusang gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi, "Bakit? Natatakot ka ba na magkamali ka sa pinapaniwalaan mo? Na hindi totoo ang ciuineos at wala iyong kwenta?" Sarkastiko kong wika.
"Bahala ka sa buhay mo. Hindi naman kita pinipilit at binalaan na kita na 'wag nang tumuloy dahil delikado iyon..." Bulong niya sa hangin.
Akala niya ba ay hindi ko maririnig yon?
Napairap ako sa kawalan at hindi na ito pinansin. Basta, gagawin ko ang ritual. Kaya lang naman niya sinasabi ang mga bagay na iyan para hindi ako tumuloy dahil natatakot siyang magkamali.
Kumatok ako sa pinto, hindi naging mahirap dahil agad na bumukas ng kaunti ang pinto. Sumilip sa hawi ng pinto ang babaeng ugod-ugod na. Sa itsura niya ay mas matanda s'ya sa anak ni Rowan kahit na mas matanda si Rowan sa kaniya ng ilang dekada.
Nakakapagtaka dahil maayos pa ang kaniyang kalagayan sa kabila ng sobrang katandaan.
"Ah... gusto ko po sanang itanong ang tungkol sa pagkamatay ni Reyna Eire-"
Pinutol niya ako, "Bakit ka nagtatanong? Sa mga pangyayaring naganap? Sa matagal na panahon? Para ano? Umalis ka na!" Sigaw niya saakin at mabilis na binagsak ang pinto pasarado.
Ayon na 'yon? Bwisit 'tong mga sinaunang tao na 'to, ginagawa akong people pleaser!
"Ayaw niya?" Tanong sa akin ni Yevhen.
Bumuntong hininga ako at kinagat ang ibabang bahagi ng labi, "Alam kong may alam siya. Sa kinikilos at inuugali pa lamang niya ay halatang marami siyang alam..." Huminto ako para lumunok. "Magtungo muna tayo kay Abraham at bumalik na lamang pagkatapos."
Ganoon ang ginawa namin. Umalis kami sa lugar na iyon at nagpunta sa kapon naming pinuntahan. Katulad kahapon ay naiwan si Yevhen sa ilabas, hindi siya makakapasok dahil nung buhay siya ay gulpo ang lugar na ito.
Nagtataka ako kung bakit bukas na bukas ang pinto. I went in without his permission, and as soon as I saw Abraham dying on the floor, my heart began to race.
Naramdaman ko agad ang tensyon sa aking dibdib, hindi maiwasang manghina dahil muling nanunumbalik sa'kin ang ala-ala ng mga magulang ko noong nanghihina sila at humihingi sa'kin ng tulong.
Agad akong tumakbo palapit sa kaniya.
"Gumising po kayo! 'Wag kayong mamamatay!... Hindi pwede. Hindi pa kumpleto ang impormasiyon na binibigay niyo saakin!" Nilibot ko ang aking paningin at nakita ang bola. Agad ko iyong kinuha at pinatalbog iyon sa mukha ng lalaki.
Amputa... siguro naman kapag namatay ang matandang ito ay hindi ako ang dahilan!
Nagising siya, inuubo, dahilan upang makahinga ako nang maluwag. Inalalayan ko siyang humiga sa kama at binigyan pa ng tubig. Umupo ako sa kaniyang gilid, handa na siyang tanungin.
"Matanda na ako at mahina na ang puso. S-Salamat at napadalaw ka..." Aniya, nahihirapan.
Paano ko matatanong ang matandang ito kung ganito na siya sumagot. Hindi ko siya pwedeng biglain dahil baka pumanaw siya at hindi masagot ang mga katanungan ko. Hindi pa siya pwedeng mamatay... saka na kapag nasagot na niya ang mga tanong ko.
"Ang totoo po... m-may itatanong lang ako, pero saka na lang po kapag magaling na kayo-"
Umiling siya na ikindahilan upang mapahinto ako sa sinasabi, "Sige lang.. magtanong ka lang at sasagutin ko ang gusto mong malaman," Nahihirapan niyang ani gamit ang kaniyang hininga.
"Hindi ko alam kung alam mo ang tungkol dito pero anak ka naman ni Dr. Rowan, maaring alam mo," Ngumuso ako at tinitigan siya sa mga mata. "Ang ginawang tagapagpatupad ng pang-labing walong reyna ng Humilton palace para sa kaniyang testamento..."
Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "Ngunit ng siya ay mamatay... pangalan ni Dr. Profan ang mga nakasulat sa mga papeles."
Bumuga siya ng hangin. "Si Profan... pinalitan niya ang nakasulat sa testamento para m-maangkin ang l-lahat ng kayamanan," Huminto siya at nahihirapang huminga. "A-Alam mo? Hindi ako naniniwalang basta na lamang nawala si Aurora..."
Hirap na hirap siyang bumuga ng hangin. "Alam kong niligpit siya ni Profan. Pinatay n-niya si Aurora. Siguradong p-pinatay niya si Aurora..."
"Abraham..."
Tangina... nawalan na naman siya ng malay.
Bahala na, hindi ko na kasalanan kung mawalan siya ng buhay dito.
Tumayo ako at pinagpag ang puwetan. Tiningnan ko ang kaniyang pulso at nang maramdamang tumitibok pa ito ay nagpaalam ako sa kaniya bago naglakad paalabas.
Inaya ko si Yevhen na bumalik sa bahay ni Talaitha.
Kumatok ako sa pinto at muli itong bumakas sa maliit na hawi. Nang makita ako ng matanda ay isasarado na sana niya ang pinto nang mahawakan ko ito sa gilid.
"Si Abraham na anak ni doctor Rowan... sinabi niya saakin ang lahat at... sinabi niyang ibubunyag niya ang ginawa mo,"
Pananakot ko sa matanda. Kumunot ang kaniyang noo at napahawak sa dibdib, "At buhay pa pala ang walang-hiyang matandang yon? Anong sinabi niya sayo?!" Sigaw niya.
Gumuhit ang mapanlarong ngisi sa kaing labi at pinantasaan siya ng kilay, "Gusto niyong sabihin ko rito?" Tanong ko, tinitingnan ang mga taong dumadaan.
Nag-dalawang isip ang babae at wala ring nagawa.
Pinapasok niya ako kaya naman pumasok kamiong dalawa ni Yevhen. Nakakapasok si Yevhen dahil dati daw ay walang nakatayong bahay dito at puro lupain lamang. Magulo ang bahay. Nakakalat ang lahat.
"Ang asawa ko... wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng Reyna. Inosente siya. Kahit siya ang ginagawang tagapagpatupad ng testamento ng reyna. Namatay ang aking asawa na mahirap pa sa daga. Wala siyang iniwan saakin na kahit isang baryang duling!"
Tuloy tuloy at walang hinto niyang paliwang.
"Alam mo ba? Ako ang nagbabayad sa bahay na ito? hindi sana kami naghihirap kung nakinabang kami! Matagal-tagal na nang mangyari iyon. Ayoko nang bulatlatin pa. Ayoko nang pagusapan ang tungkol doon... kaya tigilan mo na ako!"
Umupo siya sa maalikabok na upuan at humarap saakin.
"Kausapin mo lang siya... aakyat ako sa itaas." Utos saakin ni Yevhen.
Tumango tango ako sa kaniya at sinundan ang kaniyang amoy, nang makalayo na ang kaniyang amoy ito ay muli akong bumaling kay Talaitha, tanda ng nasa itaas na siya.
"Noon pa man, alam na ng lahat na sadyang malaki ang pagkagusto ng reyna sa albularyong si Rowan. Kaya lang may problema sila sa kanilang estado kaya't hindi sila makapagpakasal. Siyempre, isa siyang Reyna at pangkaraniwan lamang ang albularyong si Rowan!"
Kung ganoon ay magkasintahan silang dalawa.
Tumango-tango ako sa kaniyang mga sinasabi.
Hindi naman ako mahilig sa mga kaso at patayan dahil bumabalik lang ang ala-ala ko sa mga magulang ko tuwing nakakarinig ng ganitong kaso. Hindi ko alam ngunit ngayon lang ako na-intriga at tila ba sabik na mabuo ang tila ba puzzle na pangyayari noon.
Magsasalita pa sana ako ngunit kumalabog ang dibdib nang makaamoy nang masamang kaluluwa.
Bad spirits... black... Paniguradong nandito ang espiritu para puksain si Yevhen.
"Sorry, aakyat lang po ako sa taas!"
Ayan ang ginawa kong paalam na nagpa-alarma sa matandang babae ngunit hindi ko siya panansin. Si Yevhen lamang ang inaalala ko.
Nang makaakyat ay agad akong sinalubong ng hangin. It was so strong that it made me slide to the floor. Akala ko ay makakatayo kaagad ako ngunit mas lalo lamang nadiin sa lapag nang maramdaman ang magkabilang kamay na sumasakal sa'kin.
Napadaing ako at mariin na napapikit. Nahihirapan akong lumaban sa espiritu. Ang lakas nito.
"Tama na! Bitawan mo siya!" Rinig kong sigaw ni Yevhen, kasabay nang paghampas ng malakas na hangin sa'king balat. Habol hininga kong minulat ang mga mata nang mapansin na hindi na masamang kaluluwa ang aking nasa ibabaw.
It was Yevhen. Sigurado ako, naamoy ko siya.
"Ayos ka lang, Binibini?" Mausisa niyang tanong.
Nananatili ako sa paghabol sa aking hininga at handa nang sumagot ngunit napahinto nang dahan dahan akong tutukan ng baril ni Talaitha sa ulo. Nanginginig siya at mukhang takot din sa kaniyang ginagawa.
"Tumigil kayo! Tama na iyan! Tama na! Hindi ko na 'to kaya! Umalis ka na! Lumayas na kayong dalawa!"
Naming dalawa?
Nakikita niya ba si Yevhen.
"Ano pang hinihintay mo, Binibini. Umalis na tayo."
Iyon ang huli kong narinig at natagpuan na lamang ang sarili na nasa labas ng bahay ni Talaitha, tulala at wala sa sarili.
I was shaking in fear.
Para bang... bumalik ang mga ala-ala ko noong makita ang baril na nakatutok sa aking sintido.
"Binibini, paumanhin ngunit—"
Hinilot ko ang aking sintido at hindi na hinayaang patapusin ang lalaki.
"Ang sakit na ng ulo ko. Hindi ko alam kung paano papagsamahin ang mga impormasiyon na nakuha ko. Gabi naganap ang pagpatay, hinampas ng matigas na bagay sa likod ang ulo ng Reyna na si Eirene,"
Huminto ako at inalis ang tali sa aking bisikleta na nakasandal sa puno.
"Sa tingin ko, wala kina Talaitha at Rowan ang mamamatay. Posible kayang pinike lang ng Profan ang kaniyang pagkamatay para takasan ang mga kasalanang ginawa niya?" Tanong ko.
"Imposible." Maikli niyang sagot.
Napailing ako at nagpaalam sa kaniya na babalik ako sa dormitoryo at sinabing huwag na niya akong sundan dahil mapapagkamalan na naman kaming magkasintahan ni Violet. Mukha namang naintindihan niya ang pinaparating ko dahil hindi ko na naamoy pa ang kaniyang amoy sa paligid.
Nang makabalik ay agad akong umupo sa kama para magpahinga. Hinubad ko ang bilog at makapal kong salamin bago humiga. Akmang ipipikit ko ang aking mga mata nang pumasok si Hiro, parang wala sa kaniyang sarili.
"Anong nangyari?" Tanong ko.
I furrowed my brow as he kept shaking his head. Balisang-balisa siya at puno ng luha ang mugtong mata.
"S-Si Violet..."
Napalingon ako sa kama ni Violet. Sinubukan kong huwag maniwala sa iniisip ko pero... nag-bago ang ihip ng hangin at alam kong may hindi magandang nangyari.
Idagdag pa ang sinabi ni Yevhen sa akin.
"Anong nangyari kay Violet?!" Sigaw ko.
Napayuko siya. "H-Hindi ko alam na hahantong sa ganitong pangyayari na magpapakamatay siya."
Everything froze.
Nagkaroon ng uwang ang labi ko.
Isa... dalawa... tatlo... saka lamang ako bumalik sa wisyo. Nilapitan ko ang lalaki at pilit na ngumiti.
"Hiro, huwag ka namang magbiro ng gan'yan. Wala namang rason para gawin ni Violet 'yon. At saka... nakita mo ba siya? Nasaan si Violet? Halos apat na araw na kaming hindi nagkikita."
"K-Kat..."
"Ano ba 'yon, Hiro?" Parang baliw akong tumawa. "Huwag ka ngang magloko."
"Tumalon siya mula sa asotea sa pang-limang palapag at nahulog m-mula sa unang pala-palapag ng school," Humikbi siya. "Sa tingin ko ay dahil 'yon sa hubad niyang litrato."
Hubad na litrato?!
Hindi ko siya inimik. Kaagad akong nag-punta sa silid kung saan naroon nakalagay ang mga laptop na ginagamit lang mga estudyante kapag kailangan para sa paaralan. Hindi rin ako humingi ng permiso sa mga madre.
As soon as I went to the school blog and saw the post about Violet's nude photos, my stomach twisted.
Para bang gusto kong manghambalos ng tao.
I saw the bad-quality video and knew I couldn't watch it. Kaagad na nag-sihulugan ang mga luha ko kasabay nang pag-igting ng panga ko at pagkuyom ng kamao.
Naked, Violet slept soundly on the comfortable bed.
Kinuyom ko ang aking kamao at sunod sunod na napaulunok habang binabasa ang mga kumento ng mga estudyante. Puro babae lamang ang nandoon ngunit may isang lalaki.
Si Casper.
Inis kong sinara ang laptop at tumayo, kasabay nang paghulog ng pirasong papel sa lapag. Agad ko iyong kinuha at nakita na sulat iyon ni Violet... para saakin.
Kat... Nakita mo ba ang ginawa ko nung gabing iyon? Nabalitaan mo bang kinalat ko ang edited mong pictures sa school blog? Sorry, Kat. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa iyon. Paumanhin... Paumanhin, Kat... Paumanhin kung nagawa ko iyon. Hindi ako nag-isip. Mali ako. Mali ako, Kat. Sorry, Kat.
Tinawagan ko si Hiro para burahin kaagad ang blog dahil nawalan ako ng access. Hindi ko alam ang gagawin ko, Kat. Hindi ka umuwi kagabi at hindi rin pumasok... galit ka ba sa'kin? Kat? Kung mabasa mo man ito, nanghihingi ako ng paumanhin. Kahit na... huwag mo akong patawarin.
Alam kong kasalanan ko ang lahat. Tama ka nga, nababaliw na talaga ako. Hindi ko alam ang pinaggagawa ko. Ako ang nagpakalat ng litrato mo pero ako rin ang nagalit sa mga taong pinag-uusapan ka. Kaya... para makalimutan nila kaagad 'yung litrato mo, nilabas ko 'yung akin. Ako ang nagpakalat ng sarili kong katawan, Kat. Huwag kang magalit sa iba. Paumanhin, Kat. Mahal kita.
Binasa ko ang kaniyang liham sa aking isipan. Nag-init ang mga sulok ng mata ko. Naghahalo-halo ang mga nararamdaman ko. Galit, inis, puot at kung ano-ano pa na hindi ko maipaliwanag sa salita.
Ayon pala ang sinasabi ni Hiro sa'kin...
Umakyat ako sa asotea ng paaralan. Agad kong nakita ang Nokia keypad ni Violet na nasa madalas naming inuupuan. Binuksan ko iyon at agad na bumungad ang litrato namin ni Violet, nakahiga sa berdeng damo at may malawak na ngiti sa labi.
Ang sakit...
Tumingin ako sa kalangitan, sunod sunod na bumagsak ang mga luha sa aking mata.
Halos kumupas ang kulay ko. Hapong-hapo ako nang mag-tungo pabalik sa kumbento.
Hiningi ko kay Madre Ising ang susi ng kwarto ng pinsan ko at binigay naman niya kaagad saakin iyon. Binuksan ko ang gamitan ni Violet, agad na bumungad saakin ang mga litrato naming dalawa na nakadikit sa likod ng pinto.
Ang mga gamit niya na halos lahat ay kasama niya ako bumili at ako ang nagbigay. Kinuha ko ang kaniyang telepono at agad na binuksan. Bumungad doon ang litrato naming dalawa.
Pinanganak si Violet na hindi alam kung ano ang kaligayahan, pero sa maikling panahon ng kaniyang buhay, naniwala siya na natagpuan na niya ang tunay na pagmamahal... bago naging bangungot ang lahat.
At sa mga panahong iyon, natagpuan ni Violet ang kaligayahan sa sarili niyang munting daigdig. Daigdig na sinasabi ng lahat na isang kalokohan, kamangmangan at imoral. Subalit wala siyang pakielam.
Tumalikod ako sa kaniyang gamitan, nananatiling nakatingin sa kaniyang keypad. Napasinghap ako at inalis ang tingin sa bagay na iyon nang maamoy ang paborito niyang pabango.
Orange, gardenia, and jasmine combined to create a fruity, floral aroma. Ayan ang kaniyang amoy at ang paborito niyang pabango, ang amoy ng pag-asa. Tumigil iyon sa aking harapan kasabay nang pagbuhos ng luha sa aking pisnge.
"Katana..."
Bigkas niya sa aking pangalan gamit ang madalas niyang ginagamit na tono.
"Maraming salamat, Kat. Ikaw lang ang tanging naging kaibigan ko sa buong buhay ko. Paalam, Katana. Hanggang sa muli!"
Nang mga sandaling iyon ay naramdaman kong kasama ko siya. Pinuntahan niya ako para magpaalam, sa huling sandali. Mas lalong bumuhos ang aking luha nang unti unting mawala at tuluyang maglaho ang kaniyang amoy.
Hanggang sa muli, Violet...
"Saan napupunta ang mga patay tao pagkatapos mamatay?" Tanong ko kay Yevhen, ang mga mata ay pilit hinahanap ang pulang buwan na natatabunan ng mga dumadaan na makakapal na ulap.
"Wala lang. Nananatili ang mga espirito kung saan siya madalas pumunta... hanggang sa dumating ang takdang oras..." Paliwanag niya na agad naman akong tumango tango bilang pagsangayon.
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa tulay kung saan doon gaganapin ang ritual. Wala ng mga tao na naglalakad at wala naring mga sasakyang dumadaan, sadyang kami lang. Solo namin ang daan. Abandonado narin kasi ito.
Inangat ko ang namamaga kong mata sa kalangitan nang mahagip nito ang grupo ng mga ibon, "Anong paborito mong hayop?" Tanong ko kay Yevhen.
"Wala." Aniya.
Napairap ako. "Ako? Ang paborito ko ay tigre at ibon-"
"Tigreng ibon," Bahagya siyang natawa. "Madalas iyan ang tawag saakin ng mga tao noong nabubuhay pa ako."
Humugis bilog ang aking bibig. "Bakit?"
Tumawa lamang siya, tanda na nakalimutan na niya. Sinabi ko sa kaniya na 'wag niyang aaminin na nakalimutan niya ang isang bagay at tumawa na lamang dahil naiinis ako kapag sinasabi niya iyon.
Mukha ba siyang tigre? O baka naman mukha siyang ibon?
Tumingin ako sa aking relos. Labing tatlong minuto na lamang ay tutunog na ang kampana upang ilantad sa karamihan na alas-dose na ng gabi. Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi.
Ayaw ng katawan kong tumayo at gustong manatili lang sa pagkakahiga sa kama pero wala siyang nagawa dahil ang puso't isip ko ang kaniyang kalaban.
"Noong panahon ko, normal lamang may hawak na mga sandata ang mga tao. pwede ang lahat dahil iisang lang batas. Ang batas na tungkol sa estado sa buhay-"
Pinutol ko ang kaniyang sinasabi.
"Kung ako ang nasa panahon mo noon ay paniguradong hindi ako magtatagal dahil baka naaway ko na ang tagapagpatupad ng batas kung bakit ganoon ang ipinapatupad niya. Walang kwenta. Kasalanan ba ng isang tao kung bakit pinanganak siya na mababa ang estado?!"
Umirap ako at nagkibit-balikat.
"Dapat ay patas ang ipinapatupad na batas. Dahil parang sinasabi nila na wala kang karapatan maging masaya o mabuhay kapag mababa ang estado mo sa buhay. Pwede kang magpa-api sa may mga matataas na estado sa buhay kapag mababa ka!"
Huminto ako.
"Kaya hanggang ngayon, ang mga tingin ng mga mayayaman sa mahihirap ay sobrang baba, dahil pala iyon sa tagapagpatupad sa panahon niyo noon. Estado-estado pang nalalaman e pare-pareho rin namang tao!-"
Huminto ako at agad na kinuha ang matalas na armas na nasa loob ng aking bulsa. Pumwesto ako sa gitna ng malaking tulay, kung saan kitang kita ang malaki at bilog na pulang buwan, nang tumunog ang kampana.
"Binibi! Binalaan na kita na 'wag kang tumuloy!" Sigaw ni Yevhen pero hindi ko ito tinuunan nang pansin. Pumikit ako at hiniwa ang aking balat sa bandang may pulso, pero tila ba ay hindi ko naramdaman ang sakit.
Bumilang ako ng limang segundo sa aking isipan at nang maglimang segundo na ay biglang tumahimik ang mundo. Maging ang hangin ay nawala kaya naman marahan kong minulat ang aking mata.
Napangiti ako ng nasa tulay parin, hinanap ang amoy ni Yevhen ngunit wala na ito. Unti-unting bumalik ang ingay. Ang pula at mabilog na buwan ay napalitan ng araw.
"Prinsesa Aurora!" Rinig kong sigaw ng babae mula sa kalayuan.
"Prinsesa Aurora!" Sigaw pa nito at hinihingal na huminto sa aking harapan, hawak hawak ang kaniyang mahabang suot.
Bumaling siya saakin nang makahinga nang maluwag. "Prinsesa Aurora! Kanina ka pa namin hinahanap! Ako ay may magandang balita na ilalahad sa iyo!" Nagagalak niyang ani. Napatingin ako sa aking likuran ngunit walang tao doon.
Ako ba ang kinakausap niya?
"Ikaw ang napiling prinsesa na papasok sa Humilton palace na magtuturo sa mga prinsipe ngayong taong isang libo walong daan dalawampu't dalawa!"
Napakunot ang aking noo at tinuro ang aking sarili. "Ako ba ang k-kinakausap mo?"
Tumango-tango siya at humawak pa sa kaniyang dibdib. Katulad ng kaniyang kasuotan ay ganoon din ang aking kasuotan. Mas mukha lamang maayos at mahal ang akin kesa sa kaniya. Napahawak ako sa aking mukha at agad na nanlaki ang mata ng hindi ko suot ang aking salamin.
Hindi ko suot ang salamin ko pero bakit hindi malabo ang mata ko?
"Hindi ka ba natuwa sa balita na ikaw ang prinsesa na magtuturo sa mga prinsipe ngayong taong isang libo walong daan dalawampu't dalawa, Prinsesa Aurora?!" Taka niyang tanong.
Napakunot ang aking noo. "Anong t-taon?"
"Taong isang libo walong daan dalawampu't dalawa, Prinsesa!" Aniya.
"Ngayon ay taong isang libo walong daan dalawampu't dalawa? at ako si Aurora?!" Tanong ko pa, hindi makapaniwala. Tumango-tango siya bilang sagot.
Wala ako sa dalawang libo't sampu dahil nasa taon ako ng isang libo walong daan dalawampu't dalawa ako?!
^______________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro