anim
Pinanood ko ang pag-agos ng tubig sa ilog habang ang isang kamay at dalawang paa ay nakalubog sa tubig. Mariin kong pinikit ang aking mata, dinadama ang sariwang hangin na yumayakap saakin.
Kasalukuyan akong nandito sa tabi ng ilog, nag-iisa. Ito ang pangalawang araw kong pananatili sa taong isang libo walong daan dalawampu't dalawa. Ang madilim at tahimik kong buhay ay tila nagkaroon ng kulay.
Nakakatakot sa lugar at panahon ito.
Gabi gabi, inaabangan ko ang pulang buwan magpakita sa kalangitan upang gawin ang ritual ng ciuineos at makabalik sa taon kung saan dapat ako naroroon.
Mas gugustuhin ko pang makasama si Yevhen kaysa matungo rito...
Ngunit sa tingin ko... mamumuti na lamang ang mata ko kakatingin sa kalangitan habang naghihintay sa pulang buwan.
"Prinsesa Aurora! Kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala namin makikita!"
Boses iyon ni Iyana. Napatingin ako sa aking likuran at agad na nakita si Cynthia kasama si Iyana at Carmela. Naglakad ang tatlo sa direksyon ko at umupo rin sa inuupuan kong malaking bato.
"Hindi ka pa ba mag-a-ayos ng iyong sarili? Dadalo kayo ni Gininoong Rowan sa Ritwal ng hari mamayang alas-singko ng hapon sa kaharian ng Humilton, Prinsesa Aurora!" Paalala ni Cynthia saakin.
Hindi ko pinansin si Cynthia at pinanood si Carmela na kasalukuyang tinatanggal ang kaniyang sapatos at agad na nilubog ang kaniyang paa sa tubig-ilog. Bumaling siya sa akin at malawak na ngiting binuka ang bibig.
"Naku... ano pa nga ba ang aasahan niyo kay Binibining Aurora, e kasing tigas ng bato ang kaniyang puso. Biruin mo, ang daming ginoo sa Ventnor ang nagkakagusto at nagpapadala ng mensahe sa kaniya ngunit ni isa ay wala siyang sinagutan na mensahe!"
Sabay sabay na nagtawanan ang tatlong babae na ikinadahilan para umikot ang mga mata ko.
Si Aurora kasi 'yon, ngunit kung si Katana iyon... paniguradong dadalhan niya pabalik ng mensahe ang mga ginoo na nagpapadala ng mensahe sa kaniya para gawing libangan at pangpalipas oras lamang.
"Hindi natin sigurado," Lintanya ni Carmela gamit ang nantutuksong tono. "Malay niyo ay may iniibig na pala iyang prinsipe sa loob ng Humilton kaya't gustong-gusto makapasok doon."
Umalingawngaw ang tawanan nilang tatlo sa buong lugar. Akmang magsasalita ako nang maunahan ako ni Iyana. "Hindi namin alam kung sino sa mga prinsipe ang napupusuan mo, Prinsesa Aurora, at kung mayroon man ay sabihin mo saamin!"
Tanyag pala ang pagiging romantiko sa kababaihan dito.
Bumuga ako ng hangin at winisikan ng tubig ang tatlong babae na nakaupo sa magkabilang gilid ko, "Wala akong napupusuan o iniibig kaya pwede ba'y 'wag niyo na akong kulitin sa mga bagay na iyan!" Giit ko.
Sinamaan ko ng tingin ang tatlong nagbabalak pang asarin ako. Nandito ako para malaman ang pagkamatay ni Yevhen at ni kailanman ay hindi pumasok sa isipan kong maghanap ng ginoong magiging kasintahan ko sa panahong ito.
"Mga binibini!"
Sabay sabay kaming napalingon sa likuran nang marinig ang boses ng aking ama na si Rowan mula sa likuran. Nakita kong ang pagmamadali sa kanilang mga mukha nang maamoy ang pagkain na nanggagaling sa loob ng bahay.
Nauna silang tumayo saakin at nagtungo sa loob. Sinuot ko ang aking sapatos at nang makatayo ay agad na pinagpag ang pulang tela sa puwetan ko. Kinuha ko ang espada na nakasandal sa puno bago pumasok sa loob.
Nasa likod ng bahay ni Rowan ang ilog na ito kaya naman napapadalas ang pagtambay at pananatili ko dito kapag gusto kong mag-isa at magpalamig.
"Umupo ka, 'nak. Pinagluto kita ng paborito mong lugaw," Bumaling si Rowan sa tatlong babae na nakapwesto na sa lamesa at may mga laman na ang kanilang luwad palayok na lugaw. "Tirhan niyo si Aurora ng lugaw. Hindi iyan para sa inyo dahil sa anak ko 'yan." Biro ni Rowan.
Agad na ngumuso si Iyana at Carmela. Sumubo si Iyana ng isang kutsarang lugaw bago binuka ang kaniyang bibig. "'Wag kayong mag-alala, Ginoong Rowan, Hindi naman malakas kumain si Prinsesa Aurora!"
Napairap ako. Ang kakapal ng mga mukha ng mga babaeng ito. Nauna pang kumain kaysa sa totoong anak.
"Kayo ng bahala sa anak ko... may dadaanan lamang ako sa bayan." Paalam ni Rowan at sinuot ang kaniyng sumbrero. Bago tumalikod, humarap siya saamin para kumaway at naglakad din palabas.
'Anak', sa tuwing naririnig ko ang katagang iyan mula kay Rowan, nadadagdagan ang rason ko para manatili rito sa panahong ito. Tila may humihimas sa aking puso at unti-unti, napapalapit ako kay Rowan.
Ang mga magulang ko kasi sa hinaharap, kahit nabubuhay pa sila ay ni minsan, hindi ko narinig ang pagtawag nila saakin na 'anak'.
Galit ako sa kanila hindi dahil hindi nila ako tinatawag na ganon.
Galit ako sa kanila dahil hindi nila pinaramdam na anak nila ako. Noong mga panahong buhay pa sila, noong nakakatayo pa sila sa sarili nilang mga paa ay mas inuna nila ang pagnenegosyo keysa saakin at pinaampon ako kay Mader Ising.
Sabi nga ng ibang tao; Hindi mabibili ng pera ang kaligayahan ng tao ngunit para sa mga magulang ko, kapag may pera sila ay tila sila na ang pinakamasayang tao sa mundo. At sa tingin ko... kung papipiliin sila sa pera at sa anak nila ay ang pera ang pipiliin nila.
Umupo ako sa tabi ni Iyana kung saan kaharap ko si Cynthia na tahimik na kumakain. Tinanggal ko ang lagayan ng espada na nakasabi sa aking katawan at nagsalin ng pagkain sa aking luwad palayok.
Sinanay ko ang sarili kong masanay sa paghawak ng espada kahit saan magtungo. Hindi dahil ayon ang nakasanayan ng totoong Aurora kundi para sa pagtatanggol sa sarili. Sa panahon kasing ito legal ang pagpapatayan.
"Samahan niyo akong bumili sa bayan ng pang-ipit ng buhok mamaya bago magsimula ang sayaw ng espada." Wika ni Carmela at sinabit ang kaniyang ligaw na buhok sa likod ng tainga niya.
Binaba ko ang kahoy na kutara at nilunok ang laman ng aking bibig.
"Sasamahan kita, Carmela. Sa halip na magtungo ako sa Ritwal ay sasama na lamang ako sa iyo! Maari naman akong manood na lamang sa sayaw ng espada pagkatapos ng ritual!"
Nahulog ang ngiti sa kanilang mga labi. "Hindi maaari. Kami ang mapapagalitan ni Ginoong Rowan kapag nangyari iyon, Prinsesa Aurora."
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magtungo ro'n.
Ngumuso ako. "Ako ang bahala kapag pinagalitan kayo ng Ama ko. Ayokong umupo sa gilid ng Hari mamaya sa ritual lalo na't hindi pa masiyadong maganda ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko.
Maganda na ang pakiramdam ko, ayoko lang talagang pumunta sa ritual mamaya at tumabi sa pang-dalawampu't isa na Hari na si Lycus. Natatakot at kinakabahan kasi ako.
"Bakit ba ang hirap mo kausap, Prinsesa Aurora? Paniguradong kami ang pagsasabihan dahil saamin ka binilin ni Ginoong Rowan-"
Pinutol ko siya. "Bibilhan ko kayo ng kinseng nyuki, ano?"
Sa pagkakarinig ko, nauuso ang nyuki sa panahong ito.
Tila nabuhayan ang tatlo at sabay sabay napaangat ng tingin saakin. "O sige na nga. Basta't ikaw ang bahala kay Ginoong Rowan kapag kami ang pinagalitan, hah?" Sangayon ni Carmela sa desisyon ko.
Napairap ako. Madali lang naman pala sila kausap, pinahirapan pa nila akong pasangayunin sila sa ninanais kong gawin.
Matapos kumain agad akong dumiretso sa kwarto ko. Kinuha ko ang alkansya na yari sa kawayan at binuksan iyon. Hindi lang naman ito pera ng totoong Aurora dahil hinulog ko rin dito ang mga pera na kinita ko sa pagk-kwento kagabi sa bayan.
"Prinsesa Aurora! Bilisan mo't aayusin na namin ang iyong buhok!" Narinig kong sigaw ni Iyana sa labas ng aking Silid. Kinuha ko lahat ng laman ng alkansiya at sinuot ang aking sapatos bago naglakad palabas ng silid.
May tatlong babae doon at isa doon ang nakakita saakin sa tulay nang makapunta ako sa taong ito. Agad silang nagsiyukuan bilang paggalang saakin at tinuro ang upuan sa harap ng salamin na yari sa kahoy.
Hindi ko alam ngunit nakakaramdam ako ng ilang sa tuwing makikita kong nagpapakita ng galang saakin ang mga tao na makakasalubong ko sa Ventnor. Lahat sila ay yumuyuko na tila ba isa akong santo na sinasamba.
Sinimulan nila ang pagaayos sa aking buhok.
Trintas na paikot ang ginawa saakin ni Binibining Imee at ang kalahati ng buhok ko ay nakalugay. Nilagyan niya ang gilid ng aking ulo ng peacock hairclip o pang-ipit sa buhok na kulay puti.
Tumayo ako at agad na tumango kay Imee, ang nag-ayos sa aking buhok. "Salamat."
"Ang ganda mo, Prinsesa Aurora. Tiyak na mahuhulog ang mga panga ng mga ginoo kapag nakita ka." Puri pa ni Imee saakin.
Bahagya akong natawa. Nagpasalamat ako sa kaniya at tiningnan ang sarili sa salamin. Magkamukha lang naman si Katana at Aurora pero bakit mas nakakatanggap si Aurora ng maraming papuri keysa kay Katana?
Dahil siguro sa salamin ni Katana? Pero maganda naman ako. Sobra.
"Ngunit sa tingin ko ay mas maganda siya kapag nakangiti." Puna sa akin ni Iyana, kasalukuyan siyang inaayusan ng isa pang mangaayos. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nginitian lamang niya ako.
Ang ngiti ko. Ayan ang madalas napupuna noong si Katana pa ako. Nakakainis dahil sa dami ng dapat nilang mapuna ay ang ngiti ko pa sa labi. Kasalanan ko bang hindi ako masaya sa buhay ko? at isa pa ay ayoko naman magpeke ng ngiti.
"Bakit hindi niyo siya tanungin kung mayroon na siyang iniibig, Binibining Imee?" Tanong ni Carmela, may nanunuksong tingin at ngiti na nakapaskil sa kaniyang mukha.
Nahihiyang napayuko si Imee. "Hindi ko gugustuhin na tanungin ng ganyan ang unica hija ni Ginoong Rowan. Lalo na't ayoko pang mamatay... Alam niyo naman kung gaano ka-strikto si Ginoong Rowan pagdating sa kaniyang anak, hindi ba?"
Bahagyang natawa si Iyana sa pinakitang reaksyon ni Imee. Tumayo si Iyana at tiningnan ang kaniyang sarili sa salamin. "Mauuna na kami mga binibini. Hindi kami maaring gabihin dahil tiyak hahanapin si Prinsesa Aurora ng Hari sa Sayaw."
"Teka, ayos lang ba ang mukha ko?"
Humarap ako kay Cynthia, "Oo, mukha kang polboron dahil sa sobrang puti ng iyong mukha." Natatawa kong ani.
Natataranta siyang lumapit kay Imee. Nagpatulong siya kay Imee pantayin ang kaniyang kulay kaya naman tinulungan siya ng babae.
Nang matapos sa pagaayos ng amin mga sarili ay umalis din kami agad sa lugar na iyon. Sinamaan ko ng tingin si Iyana at Cynthia na tinutukso ako sa maitsurang ginoo na nakasalubong ko.
"Maari bang manahimik kayo? Halos lahat ng binatilyong ginoo na madadaanan natin ay tinutukso niyo saakin." Natatawa kong suway sa kanila.
Halos lahat ng masasalubong namin ay inaasar nila saakin at pinapakilala. Kulang na nga lang pati ang mga matatandang lalaki ay ipakilala at itukso nila saakin.
Kasalukuyan kaming naglalakad sa pasilyo ng bayan. Unti unti nang binabalot ng kadiliman ang kalangitan, tanda ng palubog na ang araw. Maraming tao sa bayan, kulang na lang ay magkapalit na ang mga mukha ng mga tao rito.
Lahat sila ay may kanya-kanyang mundo. Ang iba ay abala sa pagaalok ng kanilang mga paninda at ang iba naman ay namimili katulad namin. Piyesta raw kasi ngayon sa Ventnor pero kahit hindi naman daw Piyesta sa lugar na ito ay marami talagang tao.
Inismiran ako ni Carmela at tinuro ang bandang nasa gilid ko. Agad akong napatingin doon at sinundan sila na lumapit sa direksyon na iyon.
"Ano ang iyong gusto, Prinsesa Aurora?" Tanong saakin ni Carmela, hinahawakan at sinusuri isa-isa ang mga pang-ipit sa buhok.
Napalabi ako at dahan dahang napailing. Hindi naman ako mahilig sa bagay na iyan. Tamang lugay lamang ako ng buhok o isang pusod ay ayos na saakin. Hindi ko na kailangan ng iba pang palamuti sa ulo, dagdag bigat lamang iyon para saakin.
"Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang iyong kasarian, Prinsesa Aurora. Dahil kung papipiliin ka sa Sumbrero at pang-ipit sa buhok ay pipiliin mo ang Pang-ipit sa buhok." Natatawang pangaasar saakin ni Carmela.
Akmang magsasalita ako nang maunahan ako ni Iyana. "Nasasabi mo iyan kay Prinsesa Aurora dahil hindi niya dala ang kaniyang espada, ngunit kapag dala naman niya iyon ay para kang maamong tuta sa tuwing kakausapin mo siya. Hindi ba, prinsesa Aurora?"
Bahagya akong natawa dahil tama naman ang sinabi ni Iyana. Parang isang makahiya si Carmela kapag dala ko ang aking espada. Hindi ko iyon dinala ngayon dahil mabigat.
"Bumalik na lang tayo mamaya rito. Bilhan mo muna kami ng nyuki, prinsesa Aurora. Nagugutom narin ako." Sehustiyon ni Carmela na agad sinangayunan ni Cynthia at Iyana.
Kinapa ko ang mga barya na dala ko sa aking bulsa ngunit wala doon. Magsasalita na sana ako nang tumakbo sila papunta sa bilihan ng nyuki at agad na tumuhog. Napasapo ako ng aking noo.
Kung iiwanan ko sila doon ay sila ang sisingilin ng nagtitinda... pero hindi... hindi ko alam ang daan papunta sa palasyo ng Humilton.
Nakakainis! Bakit ko ba nakalimutan yung mga barya ko?!
"Magkano ho ang isa, Ginoo?" Rinig kong tanong ni Cynthia sa nagtitinda.
Binalingan siya nung matanda. "Tatlong barya." Sagot nito. Agad na napangiti ang tatlo kong kaibigan at binilang ang kanilang mga tinuhog.
Bumaling sa likod si Cynthia kung nasaan ang direksyon ko. "Nakikita niyo ho ba, Ginoo ang prinsesa na iyan? Siya ang magbabayad ng mga kinain namin!" Aniya.
Nahihiya akong lumapit kay Iyana. "May pera ka ba diyan? Babayaran ko na lang mamaya pagdating sa bahay. Nakalimutan ko kasi ang aking mga barya."
Halos mabulunan siya sa narinig. Pinunasan niya ang kaniyang bibig at bumaling saakin, "Naku, Prinsesa Aurora. Wala kaming mga dalang barya." Napakamot siya sa kaniyang ulo.
"Busog na kami, Prinsesa Aurora." Pahayag saakin ni Carmela, nakahawak pa sa kaniyang tiyan.
Anong irarason ko?
Kinapa ko ang aking bulsa. Napangiti ako nang may tumunog doon at may nakapa ngunit agad din iyong naglaho ng tatlong piso lang ang makita. Nahihiya akong ngumiti sa nagbebenta.
"Magkano lahat, Ginoo?"
"Kinseng barya lahat, binibini. apat na pu't limang piraso ang nakain nila." May ngiti sa labi nang banggitin iyon ng matanda, patuloy na nagluluto.
Napamura ako sa aking isipan. Wala akong pera!
May naiilang na ngiti sa aking labi ng ibuka ko ang aking palad at inilahad iyon sa matanda. Nakita kong napasapo ang mga kaibigan ko nang makita ang tatlong barya, parang gusto na lamang nila iluwa ang mga kinain nila.
"Aba'y-"
"Eto ang bayad nila."
Boses galing sa aming likuran. Agad kaming napalingon at nakita kong nagsiyukuan ang aking mga kaibigan sa babae. Ilang minuto kong inisip kung sino ang pamilyar na lalaking iyon at napatango ng malaman na siya ang isa sa mga prinsipe.
Inabot niya ang tela na may mga lamang barya at agad iyong tinanggap ng matandang nagtitinda. Nag-angat ako ng tingin at agad na nagkasalubong ang aming paningin.
Kulay berde ang kaniyang mga mata na mas lalong bumagay sa makapal niyang kilay at matangos niyang ilong. Manipis din ang kaniyang labi at bagay na bagay ito sa hulma ng kaniyang maliit na mukha.
Maging ang kakisigan ng kaniyang balikat... Ang gwapo.
Naramdaman kong sinenyasan ako ni Iyana at bahagyang lumapit saakin. "Prinsesa, magpasalamat ka kay Prinsipe Keitaro."
Keitaro. Bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang pangalan.
Bahagya akong yumuko. "S-Salamat. 'wag kang mag-alala, ibabalik ko sayo iyon kapag nagkita tayo."
Tumango tango siya at akmang magsasalita ng may humila sa kaniyang kamay. "Hinahanap na tayo ng Militar na si Noel, Keitaro. Kung nagugutom ka ay bukas ka nalamang bumili."
Hinabol ng mga paningin namin ang dalawang prinsipe na naghihilahan at sumakay sa kanilang mga kabayo. Naramdaman ko ang kinikilig na pagpalo saakin ni Cynthia sa aking braso nang makaalis ang dalawa.
"Si Prinsipe Keitaro na iyon, Prinsipe Aurora, bakit mukhang hindi ka man lang nahulog sa kaniya? Ganoon ba kabato ang iyong puso? O sadyang babae rin ang iyong tipo?"
Hindi ka sigurado sa iyong sinabi tungkol kay prinsipe Keitaro.
Gumuhit ang mapanlarong ngiti sa aking labi, "Oo, tama ka. Ikaw nga ang tipo ko." Pangaasar ko sa kaniya, nagbabakasakaling tumigil sa kaniyang pangaasar tungkol sa aking napupusuan.
Tumikham ang babae dahilan para magtawanan kaming tatlo maliban kay Cynthia na namumula. Nanghingi ako ng pasensya sa matandang nagtitinda at umalis din.
"Nagsisimula na ang espada ng sayaw, mga binibini! Halikana't manood!" Narinig kong sigaw ng isang babae sa hindi kalayuan, pinapalaganap ang impormasyon sa grupo ng kababaihan.
Agad na nagtanguhan ang mga babaeng nasabihan at nagmamadaling naglakad papunta sa direksyon ng Argyll.
"Bukas na tayo mamili ng mga pang-ipit sa buhok, Binibining Carmela! Nais kong panoorin si Prinsipe Leon!" Impit na napatili si Iyana, nasasabik nang manood ng esapada ng sayaw na nagaganap ngayon sa Argyll.
Bumuga ako ng hangin nang magtanguan ang tatlo at nagmamadaling naglakad. Wala tuloy akong nagawa kundi ang sumunod sa kanilang paglalakad.
Hulog ang balikat kong sinundan ang tatlong babaeng halos tumatakbo na habang tinatahak ang daan papunta sa Argyll. Malalaki ang hakbang na ginagawa ko upang mahabol ang tatlo ngunit napahinto ako nang makita si Rowan, may humahabol sa kaniya.
"Oh anong nangyayari, Binibini?" Narinig kong tanong ni Iyana sa mag-ina na mukhang nagmamadali at mukhang kalalabas lamang sa Argyll. Hindi ko sila pinansin at hinabol ng tingin ang naghahabulang mga lalaki na nakasuot na kulay itim, mata na lamang ang nakikita.
"May nagbalak pumatay sa Hari!" Naiiyak na sagot ng matandang babae. Mahigpit niyang hinahawakan ang kaniyang anak na mukhang nasugatan ng Espada sa braso.
Muli ako nagangat ng tingin mula sa mag-ina patungo sa mga lalaking naghahabulan. Mukhang patungo sila sa kagubatan ng Argyll.
Tinapik ko ang balikat ni Iyana. "Hintayin niyo ako. May pupuntahan lamang ako." Ani ko at hindi na hinintay pa ang kanilang sagot. Tumakbo ako at sinundan ang mga nagtatakbuhang mga lalaki na nakasuot ng itim, at ang iba pa nga ay nakasuot ng maskara.
Si Rowan. Ang tatay ni Aurora. Anong ginagawa niyo roon?
Matataas na nagtatalunan ang mga lalaking nakasuot ng itim, isa na doon si Rowan, na animo'y mga ninja sila. Dumaan sila sa bayan ng Argyll at doon naghabulan patungo sa kagubatan.
Halos matapilok na ako kakatakbo ngunit hindi ko iyon pinansin. May mga nababangga ako ngunit tanging 'pansensya na po kayo' ang binabanggit ko at patuloy na tumatakbo.
Huminto sila sa kagubatan ng Argyll. Madilim ang buong paligid at ang tanging liwanag lang ay ang buwan na bilog. Puro matatayog at malalaking puno ang kagubatan. Puno ng buko, puno ng saging at kung ano ano pa.
Kumalabog ng sobra ang aking dibdib.
Ano ba 'tong pinasok mo, Katana?!
Madudulas sana ako ngunit agad kong tinukod ang aking kanang kamay at halos mahugot ang hininga, mabuti na lang at naitakip ko ang kaliwang kamay sa aking bibig nang masaksihan kung paano patayin ng lalaki ang mga nakakulay itim na katulad niya.
I swallowed my own saliva and my entire face turned pale.
Nakatalikod siya saakin kaya't hindi niya ako nakikita at mukhang siya ang namumuo.
"Sa t-tingin k...ko p-po ay may n-nakakita saatin." Anunsyo ng isang lalaking pawisan na lumapit sa lalaking namumuno. Agad na binunot ng lalaki ang espada sa iba pang kasamahan at sinaksak ang lalaking lumapit sa kaniya ng walang kaingay-ingay.
Nakita kong nagtalsikan ang dugo ng lalaki kasabay nang pagtulo ng aking luha.
Ang gulo... hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakakapit ko sa mga damo at tinakpan ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Tumutulo na ang pawis sa aking katawan kahit pakiramdam ko ay nanlalamig na ako sa kinauupuan dahil sa kaba na nararamdaman.
Gusto ko nang umuwi... G-Gusto ko nang...
Impit akong napasigaw nang unti-unti akong nadudulas sa kinauupuan kong mga dahon. Humugot ako nang malalim na hininga at nilibot ang paningin sa buong kagubatan.
Katana... ano ba 'to? H'wag kang umiyak... maririnig ka nila.
Nang makatayo ay tuluyang nag-ingay ang mga tuyong dahon na maapakan 'ko. Bahagya akong napapikit at napailing nang tumingin sa direksyon ko ang lalaking namumuno.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rowan.
Nagkasalubong ang aming mata ngunit tila hindi niya ako nakita. Agad akong tumakbo at nakaramdam ng pag-asang mabuhay nang marinig ko ang paguusap ng dalawang lalaki mula sa kalayuan.
Agad akong tumakbo sa direksyon na iyon.
"Simple lamang ang iyong gagawin. Sabihin mo kung sinong nasa likod nito at kapag nangyari iyon... sasabihin ko sa hari na wala kang kinalaman dito..." Huminto ang lalaki dahilan para malayo ako sa kanilang direksyon.
"Ako ang pangatlong prinsipe, si Ryuu. Kung pagkakatiwalan mo ako ay maipapangako ko sayo na gagawin ko ang aking pangako."
Umaalingawngaw sa buong kagubatan ang kanilang usapan.
Mabilis akong tumakbo nang makita ang presensya ng dalawang lalaki, nagtututukan ng espada. Akala ko'y hindi nila ako mapapansin ngunit agad akong napahinto sa paglalakad at napatayo nang tuwid nang maramdaman ko ang kamatayan...
Ang kamatayan ko... ngayon na ba iyon?
Hindi naman ako nananaginip. Totoong nasa ibang taon ako dahil sa ritual...
Naramdaman ko ang paglapit saakin ng lalaking naka-itim, katulad ng suot ni Rowan. Agad niyang pinalupot ang kaniyang braso sa aking leeg at tinutok ang matalim na espada sa aking lalamunan. Sunod sunod akong napalunok.
I feel like my heart is going to explode because of its strong and fast beating.
"Patayin mo siya..."
Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang marinig ang tinugon ng lalaking nasa harapan ko, may maliit na ngisi sa kaniyang labi. My eyes widened as the man in black wrap and tightened his arm around me.
"Ang sabi ko'y patayin mo siya," Dugtong niya pa na ikinadahilan ng sunod sunod na paglunok ko. "Kung hindi... dapat bang ako ang gumawa?"
He quickly pointed his shining sword at me.
Humakbang ako paatras dahilan para sumabay din ang lalaking hawak ako. I felt the wound on the side of my neck made by the sharp sword of Rowan's ally. Kaagad akong napadaing dahil sa sugat na namuo sa aking bandang leeg.
Halos maihi na ako sa kaba.
Naninikip ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga at kung hindi lamang ako hawak ng lalaking ito ay baka kanina pa ako natumba sa mga tuyong dahon. Kapos hiningang binuka ko ang aking bibig.
"P-Parang a...awa m-mona... I-Iligtas mo a-ako..."
Gusto nang humangos ng nagbabadyang mga luha sa aking mata. Sobrang lamig na ng buong katawan ko at ang mga tuhod ay nanlalambot.
Mas lalong lumawak ang ngisi ng lalaki at umaktong hindi narinig ang aking pagmamakaawa.
"Wala akong pakialam kung anong gawin mo sa babaeng iyan. Tigilan mo ang kamangmangan na inuugali mo at sabihin mo kung sino ang nasa likod nito."
Kinakabahan ngunit napagtagumpayan ko ang kanina pang tumatakbo saaking isipan.
Kaya mo 'yan, Kat!
I gave the man a backwards kick to the sensitive area of his body. Agad siyang nanghina kasabay nang pagtumba ko sa lapag.
Ngumiwi ako.
Nakita ko ang pagdaan nang pagkamangha sa lalaking binaba rin ang kaniyang espada. Hinabol ko ang aking hiningang nag-angat ng tingin nang maramdaman ko ang presensya ng lalaking naka-itim. Tumayo ito at bumwelo na isasaksak niya ang kaniyang espada saakin.
"Aalis na ako... h'wag niyo lang akong saktan!" Nanginginig ang buong kalamnan ko sa sobrang pagkatakot na nararamdaman. Para bang anong oras ay aatakihin ako sa puso at mawawalan na lamang ng hininga.
I was about to back away, but as soon as my eyes met Keitaro's, the fear I was experiencing vanished. Lalapit sana ako sa kaniya ngunit napahinto rin nang masaksihan ng dalawang mata ko ang walang pag-aalinlangan niyang pag-patay sa lalaking minaltrato ako.
G-Gusto ko nang... bumalik sa taon kung nasaan ako nararapat...
Ayaw ko na rito...
Pinanood ko ang pagbunot ni Prinsipe Keitaro ang espada niya sa lalaki at agad akong binalingan.
Akmang lalapitan niya ako ng sa isang pikit ay naramdaman kong nakatayo na ako mula sa pagkakaupo, hawak ng lalaki ang aking leeg at halata sa kaniyang mukha ang labi na galit.
"Hawak ko na ang tumangka ngunit nawala dahil sa 'yo,"
Sa isang iglap, nadatnan ko na lamang ang espada niya sa aking leeg. Napabuga ako ng hangin at hirap na hirap huminga. Nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga namumuong luha sa aking mata.
Umangat ang tingin ko sa leeg ng lalaki nang may nakatutok doon na espada. As soon as the man and I turned to look behind, we saw Keitaro. He had the same dark expression as the man who was holding me.
"Bitawan mo siya." Malamig na tugon ni Keitaro.
Dahan dahan naman na inalis ng lalaki ang espada sa akin at pinalupot niya ang kaniyang braso saaking leeg habang ang espada ay nakatutok na ngayon kay Keitaro.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari...
Nanghihina ako habang pinapanood silang nagtututukan ng espada sa isa't isa.
"Ang sabi ko bitawan mo siya." Ulit ni Keitaro.
The man whose arm had wrapped around me tilted his head and slowly parted his lips. "Paano kung ayaw ko?"
^____________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro