Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGO

EPILOGO
ADAM TOLENTINO

               
"Ma!" tawag ko kay Mama dahil ayaw niya akong turuan kung paano magpuyod ng buhok. Sinundan ko si Mama at kinulit siya.

"Anak umamin ka nga sa akin, hindi ako magagalit. Bakla ka ba?" sabi ni Mama at tumawa ako at kinurot niya ako sa tagiliran.

"Hay Mare!" boses babae kong sabi at nagulat si Mama. Sinusubukan ko lang naman siya at binibiro para makita ang reaksyon niya. "Hindi po ako bakla Ma." sabi ko at niyakap ang braso niya.

"Eh bakit ka nagpapaturo magpuyod ng buhok? Balak mo bang magpahaba ng buhok?"

"Mama naman eh, hindi nga ako bakla. Baka bigyan kita dyan agad ng apo eh." sabi ko at pinanlakihan niya ako ng mata.

Napakamot ako sa ulo at walang ibang naggawa kundi sabihin ang aking rason kung bakit ako nagpapaturo sa kanya magpapuyod. "Ma, gusto ko kasing ipitan yung crush ko. Yung katulad ng ginagawa sa iyo ni Papa, iniipitan ka niya." nahihiya kong sabi at napangiti siya.

"Binata na pala ang anak ko. Hindi na supot dahil may crush na. Eh sino ba yung babae?" tanong niya. Napakagat ako sa labi at umiling dahil ayoko muna sabihin ang pangalan ni Pat, syempre friend zone lagi ang turing nun ni Ma'am sa akin.

Pumunta kami sa may sofa at naupo doon. Kinuha ni Mama sa akin ang puyod na binili ko noong isang araw. Nagsimulang magbigay ng instructions si Mama sa kung paano gawin at mataman lang akong nakinig.

Nang matapos siyang magturo ay ibinigay niya sa akin ang puyod para subukan kong ipuyod ang buhok niya. Sa unang try ko ay nagkabuhol buhol ang buhok ni Mama pero hindi naman siya naggalit. Nakailang try pa ako hanggang sa makuha ko ang tamang pagpuyod.

...

"Adam." tawag sa akin ni Ma'am at pinahinto ako sa paglalakad. Pinaupo niya ako sa isang plant box at lumuhod siya para isintas ang sapatos ko.

Tamad akong magsintas ng sapatos at si Pat naman ay hindi palagi mapakali sa akin kapag hindi maayos nakasintas ang sapatos ko kaya siya na mismo ang nagboboluntaryo na magsintas para sa akin.

Nang matapos niyang isintas ang sapatos ko ay nagangat siya ng tingin sa akin at inayos ko ang kanyang magulo na bangs.

"Ang ganda mo Ma'am." sabi niya.

Tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko para hilahin na patayo. Nagsimula kaming maglakad pauwi at doon ako gumawa ng para-paraan. Inakbayan ko siya at palihim na hinahalikan ang buhok niya.

Matagal ko nang gusto si Pat hindi ko lang maggawang umamin dahil natatakot ako. Aminado akong torpe pero takot naman akong masira ang pagkakaibihan namin. Mas okay muna yung ganito lang, walang pagaalinlangan na baka iwasan ako ni Pat kapag nalaman niyang gusto ko siya.

"Ma'am, may sikreto ako." bulong ko habang naka akbay pa rin sa kanya.

"Ano yun?" tanong niya at inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga. "Anak ako ng Mafia." aniya at hinampas niya ako.

"Aray!" sambit ko at itinigil niya ang paghampas sa braso ko at kinilig naman ako nang halikan niya ang braso ko.

Shet na malagket!

...

Kasalukuyan akong naghihintay sa labas ng bahay nila Pat dahil sabay lagi kaming pumapasok. Paglabas niya ng bahay nila ay napangisi ako nang nakaayusan siya. Naka-headband siya, mas lalo tuloy siyang gumanda.

"Ang ganda natin Ma'am ah. Sinong pinagagandahan natin?" sambit ko at inayos niya ang headband na suot at nagsimula nang maglakad.

"Yung crush ko." sagot niya at napangisi ulit ako. Sino kaya ang crush niya? Wala naman siyang nababanggit nitong nakaraan.

"Sino bang crush mo?" lakas loob kong tanong kahit kinakabahan ako. Natatakot kasi akong malaman na may gusto siya sa iba.

"Secret." sabi niya.

"Sino nga ang crush mo?" pangungulit ko at lumingon siya sa akin. Laking gulat ko naman ng tumakbo siya at sumigaw.

"IKAW"

Sinipa ko ang bato na nasa kalsada at medyo nainis. Sinong ikaw? Sino ba yun? Ha? Wait lang? Ako ang crish ni Pat?! Akala ko ay pangalan yung 'ikaw' ang tanga ko naman.

Ako ang crush ni Pat. Sabi na eh, ang hirap talagang maging gwapo. Nakangiti akong naglakad papuntang classroom at halos mapunit ang labi ko sa labis na sa saya.

Lumipas pa ang araw ay inaya ko na pumunta si Pat sa bahay para maipakilala siya kay Mama. Matapos umamin sa akin ni Pat ay tsaka ko sinabi kay mama ang pangalan ng babae na nagpabihag sa puso ng gwapo niyang anak kaya simula noon ay ilang beses akong pinilit ni mama na ipakilala si Pat hanggang sa tuluyan ko nang maimbitahan si Pat sa bahay.

Hindi alam ni Pat na gustong gusto ko siya kasi ewan ko ba, sobrang torpe ko talaga. Iniisip ko pa lang na umamin ay baka himatayin ako ng wala sa oras dahil sa kaba. Pero ganun pa man ay nalaman ni Pat na may gusto ako sa kanya dahil kay Mama.

At simula noong malaman ni Pat na may gusto ako sa kanya ay ako naman ang inasar niya. Palagi niyang sinasabi na patay na patay pala ako sa kagandahan niya at totoo naman pero bukod doon ay hindi lang kagandahan ang nagustuhan ko kay Pat.

Lahat ng bagay at lahat ng kanya ay nagustuhan ko. Mahirap man siya, kung minsan may ay masikreto dahil ayaw niyang pinagaalala ako pero ganun pa man ay tanggap ko ang mga iyon kasi hindi na lang simpleng pagkagusto ang nararamdamn ko sa kanya kundi mahal na mahal ko na siya.

Nagsimula akong manligaw sa kanya at sa araw sa sinagot niya ako ng matamis na 'oo' ay may nangyari sa aming dalawa. First time namin iyon parehas, medyo natakot man ako sa sitwasyon namin noon dahil bata pa kami pero masaya ako.

Lumipas pa ang mga araw at buwan, maayos naman ang naging relasyon namin ni Pat. Pero isang araw ay isinugod namin ni Papa si Mama dahil sa nahihirapan itong huminga at pagdating namin sa hospital ay comatus siya. Ilang minuto pa ang lumipas ay sinabi ng doctor na dapat ilipat si Mama sa Manila dahil mas maayos at high tech ang mga kagamitan doon na siyang makakatugon sa kalagayan ni Mama.

Mabilis ang mga nangyari dahil nung araw na yun ay sinabi sa akin ni Papa na kailangan na din namin na lumipat sa Manila dahil walang magbabantay kay Mama. Nang sabihin iyon ni Papa ay wala akong ibang naisip kundi si Pat. Hindi ko siya kayang iwan ng basta basta lang.

Kasabay din nung araw na iyon nang magtext sa akin si Pat dahil maguusap daw kami at doon siya umamin na hinalikan siya ni Dave. Nasaktan ako at nagselos kaya nasabihan ko siya ng masakit na salita pero ganun pa man ay hindi ko iyo sinasadya, nadala lang ako ng emosyon ko.

Napagisip-isip ko rin na tama lang naman ang ginawa ni Pat na siya mismo ang umamin sa akin kaysa malaman ko pa sa iba. Nagkausap kami nang gabing iyon at doon ko sinabi sa kanya na kailangan naming lumipat sa Manila. Ang sbabi ko pa kay Pat ay ayaw kong umalis at iwan siya pero ang sabi niya ay mas kailangan ako ni Mama kaya wala akong naggawa kundi ang sudin ang sinabi ni Pat.

Pagdating namin sa Manila ay agad na inasikaso si Mama, ako naman ay isang linggo na nagbabantay sa kanya habang hinihintay na maayos ang mga papel sa lilipatan kong school. Isang linggo akong hindi nakatawag kay Pat dahil kritikal ang kalagayan ni Mama at nagaalala ako.

Ang pagpapakahirap ko ay hindi lang natapos doon dahil unti-unting naubos ang pera namin at walang maipapambayad sa mga gamot at hospital fees ni Mama.

Kasabay ng pag-aalaga ko kay Mama ay nag-aaral ako at nagtatrabaho bilang isang waiter sa isang restaurant para makatulong sa gastusin namin. Dalawa ang trabaho ko, naging boy ako sa isang hardware na kung saan nagbubuhat ng mabibigat at ang isa ko namang trabaho ay waiter sa isang 24 hours na restaurant.

Nagsabay sabay ang mga problema ko pero si Pat ang naging lakas ko. Kahit pagod ako at gusto ko nang sumuko ay pinilit kong bumalik sa kanya araw-araw. Babalik akong probinsya at luluwas ng madaling araw pabalik sa Manila dahil pasok at trabaho ako.

Pagod na pagod ako pero hindi ko iyon pinahalata kay Pat kasi ayaw kong magalala siya sa akin. Napansin niya ang pangangayayat ko pero sinabi ko ay ayos lang ako. Ayos ako at hindi ako susuko basta nasa tabi ko si Pat.

Araw pa ang nakalipas ay unti-unting naayos ang mga ilang problema ko. Gumising na si Mama at nakahingi na rin ng tulong si Papa ng pera na pwedeng ipambayad sa gastusin namin sa hospital. Kasabay nun ay may nag-offer sa akin na pwede daw akong maging model. Noong una ay akala ko scam kaya matagal kong pinagisipan pero tinanggap ko pa rin sa huli.

Pero nalulong ako sa pagmamahal ni Pat. Natakot din ako na baka maagaw siya sa akin kaya may pagkakataon na hiindi na ako pumapasok sa klase at nasa bahay na lamang nila Pat para makasama siya. Alam kong mali pero unti-unti akong tinupok ng pagmamahal na kahit magulang at pag-aaral ko ay kaya kong talikuran para lang kay Pat.

Sobrang mahal na mahal ko si Pat. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Ang akala kong maayos na ang lahat pero hindi pala dahil isang araw pagdating ko sa hospital ay nirerevive si Mama ng paulit-ulit. Kita ng dalawa kong mga mata sa kung paano mawalan ng buhay si Mama. Hindi ko kaya pero mas hindi ko kinaya ng sumunod na nangyari sa akin dahil nakatanggap ako ng text mula kay Pat. Agad akong umalis ako at nagbiyahe pauwing probinsya nang mabasa ang text niya na makikipaghiwalay na siya.

Nagmakaawa ako sa kanya noon pero tuluyan siyang nakipaghiwalay na para bang hindi ako nasasaktan. Noong araw na makipaghiwalay siya sa akin ay araw din na namatay si Mama. Kay Pat ako kumukuha ng lakas pero ano na lang ako kapag wala na siya.

...

"Ma'am nasaan ka na? Kailan ka babalik? Kailan ako maghihintay sa iyo?" wala sa sarili kong sabi. Alam kong lasing ako pero alam ko pa rin ang mga pinagsasasabi ko. "Ma'am nandito ka na." masaya kong sabi at niyakap siya.

"Hindi ako si Ma'am, Adam. Ako si Aliah." sagot nito at agad akong humiwalay sa kanya para icheck kung totoo ang sinasabi niya pero oo nga. Hindi siya si Pat.

Nakilala ko si Aliah noong pumasok ako sa isang entertainment bilang modelo. Isa din siyang model at noong makita ko siya ay naalala ko sa kanya si Pat dahil magkahawig sila. Sobrang sungit ko sa kanya noong una pero nakonsensya ako bigla dahil para bang sa kanya ko lahat nilabas ang lahat ng sakit at galit ko kay Pat na hindi naman makatarungan sa kanya.

Bukod kay Aliah ay nakilala ko rin si Vincet, si Vin yung babaero na nagturo sa akin na mambabae din. Naging kaibigan ko rin si Frederick o mas kilalang Fred, anghel ang isang lalaking iyon dahil hindi man lang maggawang mambabae o manood ng porn pwera na nga lang noong minsan namin siyang inakit ni Vin na manood ng porn.

Pinakilala namin sa kanya si Tin, iyong sikat na pornstar at natawa na lang ako sa reaksyon niya noon dahil namutla siya at halos hindi maipaliwanag ang reaksyon pero ganu pa man ay pinagsabihan niya kami ni Vin. Kami naman ni Vin ay magkasangga sa pambababae, halos laman kami ng mga bar at club na para bang mauubusan ng babae sa mundo.

"Bakit ka na naman ba uminom?" tanong ni Aliah habang tinutulungan akong makatayo at makalabas ng bar.

Si Aliah ang nag-alaga sa akin sa mga panahong nangungulila ako kay Pat. Siya iyong umiintindi sa akin kahit minsan ay pinagtutulakan ko siya. Kahit nga ata sabihan mo siya ng masama at murahin ay hidi siya magagalit. Anghel ata siya na pindala dito sa mundo.

Umamin na siya sa akin na may gusto siya sa akin pero ang sabi ko ay kailanman ay hindi ko siya magugustuhan dahil ipinangako ko na kay Pat na siya lang ang babae kong mamahalin at walang iba.

Ilang taon na ang nakalipas at malayo na ang narating ko, sikat na akong modelo at nakagraduate na rin pero hindi ko pa rin natutupad iyong pangarap ko na pakasalan si Pat.

Sa sobrang lasing ko ay hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil nakatulog na ako. Nagising na lamang ako sa sikat ng araw at nkahiga sa kama ko. Bumangon ako at inalala ang nangyari. Naalala ko na si Aliah nga pala ang sumundo sa akin kagabi.

Pagpunta ko sa kusina ay naabutan kong nagluluto si Aliah. Lumapit ako at naupo sa harapn niya habang pinapanood siyang magluto. "Good Morning" bati niya sa akin at ngumiti lang ako at pinanood ang bawat kilos niya asa pagluluto.

"Pakasal na tayo?" wala sa sarili kong sabi at natigilan siya sabay tingin sa akin.

"Lasing ka pa ata." sabi ni Aliah at umiling ako. "Gusto ko magpakasal na tayo." pagpupumilit ko pa.

"Gusto mong magpakasal tayo pero hindi mo naman ako mahal." sabi niya at napahawak ako sa batok ko.

"Malay mo pag naging asawa na kita ay matutunan kitang mahalin." sabi ko at umiling siya.

"Lasing ka pa talaga, sasagot lang ako ng oo kapag nasa katinuan ka na, iyong hindi ka na lasing." sagot niya at hindi na ako nagsalita.

Kinabukasan noon ay tinanong ko siya ulit na magpakasal kami at um-oo siya. Alam ni Aliah na hindi siya ang babaeng mahal ko pero tulad ng sinabi ko ay matututunan ko naman siya mahalin.

Lumipas ang buwan ay pinaghandaan namin ni Aliah ang lahat ng mga kakailanganin sa kasal. Nakapili na din kami ng motif at ang kulang na nga lang ay kung kailan ang kasal.

Maayos na ang lahat pwera na lang noong sumapit ang Bachelor's Party. Handa na sana akong kalimutan si Pat pero saktong araw na iyon ay hindi ko inasahan na dadating siya.

Noong makita ko siya ay bumalik lahat ang nangyari sa amin. May parte sa akin na gusto ko siyang gantihan pero hindi ko maggawa dahil mahal ko siya.

Noong gabing iyon ay nasabihan ko siya ng masasakit na salita dahil siguro kung hindi niya ako iniwan noon ay hindi kami mapupunta sa ganitong sitwasyon.

Sa pagbalik ni Pat ay nakalimutan ko kaagad si Aliah, nakalimutan ko yung mga sinabi ko sa kanya at maging kasal. Muking umikot yung mundo ko kay Pat at handa akong gawin ang lahat para lang bumalik siya.

Nagkaayos kami ni Pat at bumalik sa dati. Wala kaming label pero ayos na muna sa akin yun dahil ayokong madaliin siya.

Itinago ko kay Pat na merong Aliah. At hindi ko sinabi kay Aliah na merong Pat dahil duwag ako, natatakot ako. Hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan ko.

Nang pumunta ako sa bahay ng mga San Diego para sa isang dinner ay laking gulat ko na nandoon si Pat. Noong araw ding yun ay nalaman ko na tinulungan ni Mr. and Mrs. San Diego si Pat.

Hindi ako mapakali at hindi ko maiwasan ang tumingin kay Pat habang nagdidinner kami. Ilang minuto lang ang lumipas nun ay nagpaalam na siyang umalis at ako naman ay gumawa ng paraan para umalis na din dahil kailangan kong sundan si Pat.

Saktong nagiisip ako ng paraan ay tumunog ang cellphone ko at nagtatawag si Pat.

"Dave, pagod na pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga." nanghihinang sabi ni Pat at agad akong nagpaalam kay Aliah, Alden at sa mag asawang San Diego na may emergency ako.

Dumiretso agad ako sa apartment ni Pat at doon ko siya natagpuan na dumudugo ang palapulsuhan at bumubulo ang bibig. Umiiyak akong binuhat si Pat papuntang sasakyan at isinugod siya sa hospital. Hindi ko alam na aabot sa ganun ang sitwasyon ni Pat.

Bumalik ako sa apartment ni Pat at kinuha ang cellphone niya para makuha ko ang number ni Dave. Tinawagan ko ito na pumunta sa hospital kung saan ko sinugod si Pat para magkausap kami.

Pagdating ni Dave ay tinanong ko siya kung anong nangyari kay Pat. Sigurado naman akong may alam siya dahil sa paraan ng pagbanggit ni Pat ng pangalan Dave sa pagtawag kanina ay mukhang may alam ito sa nangyayari.

Sinabi sa akin ni Dave ang lahat ang tungkol sa anak namin ni Pat, ang sakit nito at ang patuloy na pagtakbo at paglayo ni Pat para lang takasan ang pagpapagamot.

Nang maggising si Pat ay hindi ko inasahan na aamin siya tungkol sa anak namin pero katulad nang sinabi ni Dave ay hinahanap na naman nito si Peter, yung anak namin na patay na.

Kinausap ko si Pat noon at kinumbinsi siya na magpaggamot hanggang sa tuluyan na nga itong pumasok sa Psychiatric Hospital. Pinagbawalan ako na makita si Pat at makausap dahil ako daw ang nakakapagpa trigger dito.

Tiniis ko at naghintay ako na hindi makasama si Pat kasi alam kong sa paggaling niya ay babalik na kami sa dati pero hindi iyon nangyari.

Nakalabas na siya ng Psychiatric Ward, nakapag-aral, nakapagtapos ng pagaaral, nagkaroon ng business, nagtayo siya ng Star Center pero hindi siya sa akin bumalik.

Iniisip ko tuloy na mahal ba talaga ako ni Pat o hindi pero ganun pa man ay ipinaliwanag niya sa akin na hindi purkit mahal ka ay pipiliin ka.

Nang panahon na iyon ay pakiramdam ko nagiisa ako pero katulad ng dati ay si Aliah na naman ang nasa tabi ko. Hindi niya ginamit ang kahinaan para makuha niya ako dahil ipinaliwanag niya sa akin at ipinaintindi na mahal na mahal ako ni Pat pero mah mga bagay nga lang na hindi natin pwedeng ipilit.

Sinabi at ipinangako ko noon kay Pat na siya lang ang babaeng mamahalin ko, na magugustuhan ko pero nagkamali ako kasi natagpuan ko amg sarili ko na unti-unti akong nahuhulog kay Aliah hanggang sa minahal ko siya at nagpakasal kami.

Hindi ko man maibibigay kay Aliah yung pagmamahal na ibinigay ko kay Pat pero ang alam ko ay mahal ko siya. At inaamin ko na hindi ko nagupad ang pangako ko kay Pat.

...

Mula sa malayo ay natanaw ko si Pat sa ilalim ng puno na dati naming tinatambayan noong highschool kami.

Nagsimula akong kumanta ng paboritong kanta namin ni Pat na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, panigurado kasi na ito ng ang huling beses na kakantahin ko iyon sa kanya at ng kasama siya.

Tiningnan ko si Pat at sinenyasan siya na sabayan ako sanpagkabta at ginawa naman niya.

"Ang sakit mong mahalin." sabi ko kay Ma'am at ngumiti lang siya. "Pero deserve mong mahalin." dugtong ko.

"At kapag dumating yung araw na mahuhulog ka sa iba o magmamahal ka ng iba. Ipangako mo sa akin na sa tamang tao ka mapupunta."

"Eh paano kung ikaw lang yung tamang tao?" tanong ni Pat sa akin kaya napakamot ako sa ulo ko.

"Pat naman eh?!"

"Joke lang!" aniya habang tumatawa kaya pinitik ko ang kanyang noo.

"Pero yung totoo, sa iyo lang ako mahuhulog ng paulit-ulit at ikaw lang anng mamahalin ko." tiningnan ko lang si Pat sa mga mata habang sinasabi niya iyon.

Mahal ako ni Pat pero hindi niya ako kayang piliin. At iyon 'yung masakit.

"Hindi ako nagsisi na nakilala kita, na minahal kita dahil kung hihiling ako ng isa pang pagkakataon. Hihilingin ko na sana sa next life tayo naman." sambit ko.

"Bawi tayo sa next life Ma'am"

Napatingin naman ako sa kalayuan nang matanaw mo si Aliah na naglalakad habang karga karga ang anak namin na si Amanda.

"Paalam Ma'am. Bawi tayo sa next life." sambit ko.

"Hindi na kita mahahalikan sa noo, ilong at labi. Syempre may asawa na ako." huling sabi ko at lumapit na sa mag-iina ko. Hinalikan ko sa noo si Aliah at sumunod si Amanda.

Nakangiti akong naglakad habang inaalalayan ko ang pamilya ko. Si Aliah na asawa ko at si Amanda na anak namin.

Hindi na ako lumingon pa kay Pat na nangangahulugan na tinanggap ko na kung ano tadhana na binigay sa amin.

"She's my world, my love but not my endgame."


  

   


MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Mayamay lang po ay i-a-update ko ang dalawang special chapter 😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro