Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DATING SERIES FOREWORD

DATING SERIES FOREWORD


TIN IMPERIAL

Itinuro at ipinakita sa atin ni Tin ang buhay ng isang pagiging bread winner sa pamilya. Na hindi madali ang lahat para sa kanila at marami silang mga bagay na sinasakripisyo para lang sa pamilya.

YARA RAQUEL

Si Yara na tumayo at naging matapang sa kabila ng mga nangyayari sa kanyang buhay. Iprinesenta niya din na kahit sino man ay walang pwedeng maliitin ang mga kababaihan.

PAT CERENO

Dumadating  sa punto o may pagkakataon sa ating buhay na kwekwestyunin natin ang Diyos. Marami kang pagdadaanan sa buhay ngunit kailangan mong maging matatag at magpatuloy lang sa buhay.

...

Sa buhay natin ay magkakaiba ang pinagdadaanan natin pero kailangan natin na bumangon at magpatuloy.

Pagdating sa pangarap natin ay hindi natin ito sabay sabay na maabot dahil ang lahat ng bagay ay natutupad o ibinibigay sa atin sa tamang panahon.

Layunin po ng Dating Series ang ipaliwanag at ipakita sa mga mambabasa na ang mga nangyaring pagtatalik sa mga story ay walang nangyaring sapilitin sa pagitan ng mga character.

Ipinapakita din po nito na ang halaga ng babae ay hindi nasusukat sa puri o sa pagiging virgin ng isang babae. Nawa'y mas lumawak ang ating pagunawa at mas maintindihan natin na ang halaga ng isang babae ay hindi nasusukat sa kanyang kapurihan o virginity.

Ang buhay ni Tin, Yara, at Pat ay natapos  sa iba't ibang paraan:

Si Tin ay nahanap ang taong mamahalin siya sa kabila ng trabahong pinasok niya noon.

Si Yara ay dumating ang taong mas mamahalin siya kumpara sa taong una niyang minahal.

At si Pat, may kanya kanya tagong desisyon sa buhay. Kung gusto mong may makasama sa habang buhay o wala. Ang happy ending ay hindi lamang matatagpuan sa pagigan ng dalawang karakter bagkus ito ay nagsisimula sa ating mga sarili.


STAR means Standing Together Against Rape

Nawa'y may natutunan kayo at maisabuhay niyo ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro