CHAPTER 8: PANGARAP
CHAPTER 8
PANGARAP
Kasalukuyan kong tinatapos ang nilalabhan ko. Si Nanay ay umalis para bumili ng tanghalian namin. Si tatay naman ay nagaayos ng bubong namin na sira dahil napakaraming butas ng mga yero namin.
"Anak! Patricia!" tawag sa akin ni Nanay at agad kong tinapos ang huling sampayin at pumasok na sa loob ng bahay.
Inayo ko ang sarili dahil gulo-gulo ang buhok at pawisan ako. Paglapit ko kay Nanay ay may dalawang supot ng plastik ang inilapag niya sa lamesa.
Ang isa ay dali-dali niyang binuksan at inilabas ang lamang nito. "Isukat mo ito." sabi ni Nanay nang ipakita sa akin ang isang simpleng dress.
Napakamot na lamang ako sa ulo nang ipahawak niya sa akin ang dress at pilit na sinabihan na sukatin na ang binili niya.
Bumuntong hininga ako at wala akong naggawa kundi sundin siya. Pumasok ako sa loob ng kwarto at sinukat ang dress na binili niya para sa akin.
Sa isang araw na kasi ang prom at sinabi ko kay Nanay na hindi na ako sasali dahil mas kailangan namin ng pera sa pangangailangan dito sa bahay. Nagsabi na ako sa kanya na wag nang magabal pa para sa dress dahil hindi naman mahalaga ang prom.
"Ang ganda mo anak." sabi ni Tatay. Si Nanay naman ay pinaikot ako para makita ang kabiuan ng suot ko.
"Minsan lang ang prom at hahagi iyon ng high school life kaya dapat umattend ka." sabi ni Nanay.
Lumapit siya sa akin at inayos ang buhok ko at pati ang bangs. Hindi pa nakuntento dahil kumuha pa siya ng lipstick at nilagyan ang labi ko.
"Mas maiinlive sa iyon niyang si Adam." tukso pa ni Nanay at napapadyak ako sabay nguso ng labi.
"Nanay naman eh!"
Speaking of Adam, nasabi ko na rin sa kanya na hindi ako dadalo sa prom at nang masabi ko nga iyon ay ang naging sagot niya ay hindi rin daw siya pupunta. Magaani daw siya doon kung wala ako.
Nitong mga dumaan na linggo ay naging busy kani sa pag-aaral. Ang paghalik at paghawak hawak naman sa akin ni Adam ay binawasan niya dahil ayaw na naming maulit yung nangyari noong nakaraang buwan.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinagkainan namin ngayong tanghali nang may yumakap sa beywang ko. Paglingon ko ay nakita ko si Adam.
"I miss you babe." aniya at inirapan ko lang siya. Sinenyasan ko siya na bumitaw sa pagkakayakap sa akin dahil baka makita kami ng magulang ko sa kalandian niya.
"Si Tatay ang nagpapasok sa akin dito." aniya at tumango lang ako.
Si Tatay at Nanay kasi ay masyadong supportive dito kay Adam. Push na push talaga sila para sa amin.
"I miss you." paguulit ni Adam.
"Hindi ako bingi." sagot ko naman.
"Alis na ako." biglang sabi ni Adam. "Hindi mo naman ako namiss, aalis na ako." pagdadrama niya at akmang lalabas na siya ng bahay ay agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Aalis na ako. Hindi mo naman ako namiss. Hindi mo naman ako love." pagdadrama niya pa at mukhang gusto pang suyuin ko siya.
"Miss naman kita eh."
"Yun lang?" dismayado niyang sagot.
"Love din kita." sabi ko.
"Yun lang?" sagot na naman niya.
"Sige na, umalis ka na. Bye!" sabi ko at inalis ko na ang pagkakayakap sa kanya.
"Joke lang! Ma'am. Nagbibiro lang ako." hinila ako ni Adam at mabilis na hinalikan sa labi. Matapos nun ay inayos niya ang bangs ko.
Nang biglang dumating sina Nanay at Tatay galing sa likod ng bahay ay nagpaalam si Adam na lalabas lang kami. Agad naman na sumangayon sila at sinabihan si Adam na ibalik ako bago magsapit ang gabi.
Hindi ko man alam kung saan kami pupunta pero sumakay kami sa tricycle at may kalayian din ang tinahak nito. Nang huminto ang sinasakyan namin ay si Adam ang nagbayad ng pamasahe namin.
Inilibot ko ang paningin sa pakigid at sa tingin ko ay sa dulo ito ng bayan. Napapalibutan na kasi ito ng madaminf puno at mga halaman kung kaya mapresko.
"Tara." sabi ni Adam at hinawakan ang kamay ko. Sumunod lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung saan at ano ang gagawin namin.
"Wow! Ang ganda dito." sambit ko nang makita ang falls at napakalakas ng bawat pagbagsak ng tubig nito.
Habang naglalakad kami papunta sa falls ay kwinento sa akin ni Adam na kokonting tao nga lang ang nakakaalam ng lugar na ito. Noong nakaraan lang daw niya ito nalaman dahil naikwento sa kanya ng katrabaho ang lugar na ito.
Naupo kami sa isang malaking bato na kung saan sa likod nito ay ang falls. Tinulungan ako ni Adam na makaakyat sa bato at hindi ko maiwasan talaga ang mamangha, para kasi akong pumasok sa kabilang dimensyon ng mundo.
Naunang maupo si Adam at pinaupo niya ako sa unahan niya. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko at niyakap ako nang mahigpit.
Ganun ang pwesto namin habang nagkwekwentuhan sa kung ano-ano. Hindi rin syempre nawala ang mga kakornihan at kalandian niya pero minsan ay tinatawanan ko na lang din.
Wala eh crush ko at love ko.
"Anong gusto mong pangarap?" tanong sa akin ni Adam.
Napaisip naman ako bigla at napatanong sa sarili. "Pangarap kong makaahon kami sa kahitapan tsaka makatulong ako sa tao." sagot ko.
Sa ngayon kasi ay wala pa akong eksaktong kurso o pangarap na natrabaho balang araw. Basta isa sa mga pangarap ko ay makaahon kami sa kahirapan at makatulong ako kapwa.
"Ikaw? Anong pangarap mo?" tanong ko naman kay Adam at ngumiti muna siya bago sumagot.
"Pangarap kong maging asawa. Ang makasal tayong dalawa tapos mamahalin lang kita ng buong buo at habang buhay." seryosong sabi ni Adam.
Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero natuwa ako sa sinabi niyang pangarap. Sa panamagitan kasi ng sinabi niya ay nakikita kong tapat at totoo si Adam tungkol sa nararamdaman niya para sa akin.
Inilabas ni Adam ang cellphone niya kasama ang earphones. Inilagay niya ang kabilang earphones sa akin at ang isa naman ay sa kanya.
Kasabay ng pagnood namin sa bawat pagbagsak ng tubig sa falls ay ang pagtigtog ng paborito naming kanta na 'BUKO by Jireh Lim'.
BUKO
By: Jireh Lim
Naalala ko pa no'ng nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi, masilayan lamang ang 'yong mga ngiti
At Ika'y sasabihan, bukas ng alas-7 sa dating tagpuan
Buo ang araw ko, marinig ko lang ang mga himig mo
Hindi ko man alam kung nasa'n ka
Wala man tayong komunikasyon
Maghihintay sa 'yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko
Kung inaakala mo, ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming Pasko
Kahit na 'di mo na abot ang sahig
Kahit na 'di mo na 'ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko
"I love you Pat." sabi ni Adam
"I love you too Adam." sagot ko at nakita ko ang paglawak ng ngiti kiya at pagpula ng kanyang pisngi.
MISTERCAPTAIN
Professor
Salamat sa pagbasa at paghintay ng update.
Pasensya kung nalate ng update. Wala pa kasi akong tulog, hindi sana ako makakapag update ngayon pero pinilit ko yung sarili ko.
At dahil papalapit na po ang Pasko ay magfofollow ako sa ilang mga readers sa Dec. 25.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro