Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 50: THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER

CHAPTER 50
THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER


Nakatingin ako sa field ng dati kong school noong highschool. Madami ang pinagbago pero kung may isa man ang hindi naglaho o nabago ay iyong pakiramdam ko at itong lugar na kinatatayuan ko, dito sa ilalim ng puno na palagi naming tinatambayan ni Adam noo.

Humampas ang may kalakasan na hangin sa mukha ko kaya naman nilipad ang buhok ko papunta sa aking mukha. Hinawi ko ito at napahawak ako sa noo pero agad akong natigilan nang maalala na wala na nga pala akong bangs.

Dinama ko ang ihip ng hangin habang pinagmamasdan ang ilang mga tao na dumadaan sa field.

Nagkaroon ng reunion ang batch namin at inimbita ako. Hindi sana ako pupunta dahil busy ako sa Star Center pero nagawan ko naman ng paraan.

"Psst! Ang ganda mo Ma'am." rinig kong tawag sa akin at nang lumingon ako ay nakita ko si Adam na naglalakad papalapit sa akin. Napailing naman ako dahil naalala ko ang eksenang iyon noong highschool pa kami.


"Psst!"

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit alam ko kung sining asungot ang sumisitsit sa akin. Ilang sandali pay biglang may umakbay sa akin.

"Sungit!" bulong ni Adam sa tainga ko sabay kurot sa pisngi ko.

"Maganda naman." sabi ko.

"Nagsalita ang hindi." tunatawa niyang sabi at tinulak ko siya palayo sa akin dahil nainis ako.

"Joke lang Ma'am Pat, ito naman." aniya sabay taas ng dalawang kamay na para bang kriminal na sumuko sa mga pulis.


Natawa na lamang ako nang maalala iyon hanggang nagyon kasi ay siraulo pa rin si Adam at susot.

Nang makalapit siya sa akin ay lumabi siya na parang bata. Tiningnan ko siya at itnulak palayo. "Ang bayolente mo talaga sa akin." reklamo niya. "Ganyan ba ang pagmamahal?" biro pa niya habang pinapagpagan ang pantalon na nadumihan dahil natumba siya sa damuhan.

Nabalot kami ng katahimikan habang nakatingin sa kawalan. Sandali pa ay napatingin ako sa kanya nang magsimula siyang kumanta.


KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO

Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin oh
Hanggang sa pagtanda natin


Tiningnan ako ni Adam at sinenyasan na kumanta at sabayan siya.


Nagtatanong lang sa'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok koPagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa'tin

   
Napatingin naman ako sa singsing ko. Suot ko pa rin ang singsing na binigay sa akin noon ni Adam. Sumikip ito sa daliri ko pero pina-adjustan ko para masuot ko pa rin hanggang ngayon.


Ang nakalipas ay ibabalik natin hmm
Ipapaalala ko sa'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo
Kahit maputi na ang buhok ko oh


Ilang taon na nga ba ang nakalipas nang matapos ang kasal? Tanong ko sa isipan at ako rin mismo ang sumagot nun. Aaah sampung na taon na nga pala.


Ang nakalipas ay ibabalik natin hmm
Ipapaalala ko sa'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo
Kahit maputi
Kahit maputi
Kahit maputi na ang buhok ko


Nang matapos ang kanta ay tumingin kami sa isa't isa ni Adam. "Alam mo?" panimula niya at hinitay ko siyang magsalitang muli.

"Ang sakit mong mahalin." aniya na walang halo ng galit at paninisi. Mataman akong ngumiti dahil totoo naman. "Pero deserve mong mahalin." sabi niya at tumango-tango ako.

"At kapag dumating yung araw na mahuhulog ka sa iba o magmamahal ka ng iba. Ipangako mo sa akin na sa tamang tao ka mapupunta." seryoso niyang sabi.

"Eh paano kung ikaw lang yung tamang tao?" tanong ko at napakamot siya sa ulo.

"Pat naman eh?!" nahihirapan niyang sabi.

"Joke lang!" sabi ko pa at pinitik niya ang noo ko.

"Pero yung totoo, sa iyo lang ako mahuhulog ng paulit-ulit at ikaw lang anng mamahalin ko." seryosong sabi ko at mapait siyang ngumiti.

"Hindi ako nagsisi na nakilala kita, na minahal kita dahil kung hihiling ako ng isa pang pagkakataon. Hihilingin ko na sana sa next life tayo naman." sabi ni Adam at nanubig ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.

"Bawi tayo sa next life Ma'am" dugtong niya at tumango ako.

Sandali pa ay napatingin si Adam sa kung saan at lumingon rin ako sa tinatanaw niya.Pagtingin ko ay nakita ko si Aliah na karga ang anak nila na si Aliah. "Paalam Ma'am. Bawi tayo sa next life."

"Hindi na kita mahahalikan sa noo, ilong at labi. Syempre may asawa na ako." huling sabi niya at patakbong lumapit sa mag-ina niya.

Mula naman sa malayo ay kumaway ako kay Aliah at hinawakan nito ang kamay ng anak nilang babae na si Amanda, kinaway niya ang kamay nito sa akin. Ngumiti ako at matapos nun ay tuluyan nang nakalapit si Adam sa kinatatayuan niya. Hinalikan ni Adam si Aliah sa noo at ganun din ang anak nilang si Amanda.

Tinanaw ko silang tatlo habang paalis hanggang sa tuluyang mawala sa paningin ko.

"Hi! Ma'am" sambit ni Alden na ngayon ay nakapolo na puti. Napatingin ako sa kanya at nagulat ako na nasa tabi niya si Dave at nakaakbay siya din dito. Hindi naman nakalagpas sa paningin ko ang lipstick sa nasa kwelyo ng polo niya.

"Lumandi ka na naman." saway ko sa kanya.

Sampung taon na ang nakalipas at fifteen years old na siya pero grae ang lumandi at humarot sa kababaihan.

"Ako? Lumandi? No way Ma'am. Ikaw pa rin ang crush ko hanggang ngayon ikaw nga lang ang ayaw magpaligaw." sabi pa ni Alden na ikinalaki ng mata ko at dahil doon ay agad siyang nakakuha ng sapuyong kay Dave.

"Aray naman Master." sabi nito. Master ang tawag niya kay Dave dahil ito ang nagtuturo ng kung ano-anong klaseng panglalandi sa kanya.

"Aw!" reklamo ko nang iangat niya ang katawan sa lupa habang kumukuha ng suporta sa katawan namin ni Dave. Sa sobrang bigat niya ay na out balance kaming tatlo kaya natumba kami sa damuhan.

Nakatumba kami sa damuhan pero dumiretso na kaming tatlo sa pagkakahiga at kasabay nun ay ang pagkanta ni Alden.

"Ako ay may bolo
Lumipad sa langit
Hindi ko na nakita
Lumupok na pala

"Sayang ang money ko...
binili ng bolo...
kung pakain sana..
nabusog pa ako..."

Napailing na lamang ako at natawa sa pagkanta ni Alden. Isip bata pa rin siya hanggang ngayon.

...

Napatingin ako sa mga mukha ng mga bata na nagaababv sa magiging ending ng story na binabasa ko.

"And they lived happily ever after... but separated." sambit ko.Isinarado ang librong hawak at tumingin sa mga batang nasa harapan ko na ngayon ay isa sa mga tinutulungan ng team ko under ng STAR CENTER.

"Ngik! Hindi po pwede iyon. Walang nakatuluyan yung isang prinsesa. Kawawa naman siya." reklamo ng isang bata nang hindi niya matanngap ang ending ng story.

Ang isang prinsesa kasi ay nakatuluyan yung prinsipe habang yung isa naman ay wala.

"Kids makinig sa Ate Pat." sabi ko at tumahimik silang lahat.

"May iba't ibang klase ang happy ending pero ang pinakamaganda na happy ending sa buhay natin ay mahal natin ang sarili natin at masaya tayo sa ginagawa natin sa buhay." tumingin sila sa akin at tila prinoproseso ng utak nila ang sinabi ko.

"Oo nga po." sabi ng isa hanggang sa nasundan ng lahat at nagpalakpakan sila.

"Love yourself" sabi ko at tumango ang mga bata.

"I love myself po Ate Pat." proud na sabi ng isa at ngumiti ako.

Ang pagmamahal sa sarili ang isa sa dapat ituro sa mga kabataan at kahit na sino man dahil kung mahal mo ang sarili mo ay matututunan mong mahalin ng buo ang taong nasa paligid mo.

We both love each other but we are traitors of our love story.

We finished the story happily ever after, but separated.



MISTERCAPTAIN
Professor

Loving yourself is the best happy ending in life.
—MisterCaptain


Maraming samalat po sa pagbasa at paghintay ng update. Hindi po dito nabanggit ang rason ni Adam kung bakit pinakasalan niya si Aliah dahil mababasa niyo iyon sa Epilogo.

Hindi rin po dito nagtatapos ang story nina Pat at Adam dahil may special chapter na kung saan ang laman ay future nilang dalawa hehehe.

Nawa'y nagustuhan niyo at marami kahing natutunan. At walang mang spoil sa tiktok o kahit dito 🙄😂

Bukas po ang update ng natitirang chapters.

Btw, hindi ako makareply kanina dahil nagkakain po ako pero nagbabasa ako ng comment niyo, replayan ko kayo mayamaya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro