Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 48: USAP

CHAPTER 48
USAP

        
"Pwede na ba Pat? Pagusapan natin yung tungkol sa atin. Gusto kong tuparin naman yung pangarap ko. Yung pangarap kong pakasalan ka at mahalin ka habang buhay? Pwede ba iyon?"

Tumango ako kay Adam bilang pag sang ayon na paguusapan namin ngayon ang tungkol sa aming dalawa kahit kinakabahan ako at hindi ko alam kung saan mapupunta ang usapan namin.

Tumayo si Adam mula sa pagkakaupo at sinundan ko siya ng tingin. "Magde-date tayo habang naguusap." sabi niya at inilahad ang kamay sa harapan. Tinanggap ko iyon at tsaka at tumayo na rin. Hinalikan niya ako sa pisngi bago ako pinakawalan mula sa pagkakapulupot ng kanyang braso sa aking beywang.

Pumunta akong CR at nagayos muna. Matapos nun ay dumiretso ako sa office table ko para kunin ang gamit ko. Hinawakan ni Adam ang kamay ko nang palabas na kami ng building.

Hindi ko alam kung saan kami magdedate pero pamilyar ang daan na tinatahak namin. Papunta sa bahay ng mga San Diego. Last week ang huling punta ko dito dahil madalas ay nasa condo unit ako o sa STAR Center natutulog.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko at napahawak si Adam sa pang ibabang labi bago sinagot ang tanong ko. "Isasama natin si Alden, gusto niyang mamasyal eh."

"Nagmakaawa pa sa akin ang batang iyon, hindi lang basta makaawa kundi nagarte artehan pa na umiiyak." kwento ni Adam at napailing na lamang ako. Kahit kailan ay napakakulit. "Miss ka rin daw niya kasi." sabi pa ni Adam nat ilang sandali pa ay huminto na kami sa bahay ng mga San Diego.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Adam at nakapulupot ang kanyang braso sa aking beywang nang maglakad kami papasok ng bahay.

"Ate Pat!" bungad ni Alden sa akin at patakbong lumapit sa akin. Lumuhod naman kaagad ako para mayakap niya ako. "I missy you!" maarteng bigkas nito at ikinulong ang mukha sa aking leeg.

"Nasaan ang Ate Aliah mo?" tanong ko at sa wakas ay humiwalay na siya sa akin ng yakap. Hindi na kasi ako makahinga sa pagkakayakap niya.

Tumayo na ako at humawak si Alden sa kamay ko. Napatingin naman ako sa suot niya at ngayon ko napansin na nakapanlakad ito at mukhang alam niya at pinaghandaan ang araw ngayon dahil kasama siya sa date namin ni Adam.

Naglakad kami at nagtungo sa kusina at doon namin nakita si Aliah na naka apron at madungis ang mukha dahil may mga pulbod ng harina sa mukha niya. Kasama ni si Mrs. San Diego na ganun din ang hitsura, mukhang nagbobonding ata sila.

"Pat" tawag nito at lumapit kaagad sa akin. Akamang yayakapin niya ako pero natigilan siya dahil sa sitwasyon niya. "Namiss kita Pat." sabi nito at ngumiti ako.

"Namiss din kita." sagot ko naman.

Naglakad kami papunta sa kusina habang si Alden naman ay bumitaw sa akin at sumama kay Adam. Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero hinayaan ko na muna sila.

Nang makalapit kay Mrs. San Diego ay nagmano ako at hinaliak siya sa pisngi8. Sa ilang taon na nakasuporta sila sa akin ay parang sila na rin ang tumayo na magulang ko. Inalagaan nila ako at sinuportahan sa lahat ng daan na tinahak ko.

"Good evening po." sabi ko.

"Kamusta po?" tanong ko.

"Mabuti naman. Ikaw kamusta ka Pat?"

"Ayos lang din po. Medyo busy nga lang po sa Star Center." sagot ko at tumango siya.

Natigilan naman kami nang biglang may tumunog at iyon pala ay ang oven. Si Aliah ang lumapit doon at inilabas ang mga cupcake na sila mismo ang gumawa.

"Tikman mo." sabi ni Aliah sa akin at pinanganga ako at siya mismo ang nagsubo sa akin. Nagulat naman ako nang may flash na tumama sa amin at paglingon namin ay pinicturan pala kami ni Mrs. San Diego.

"Mom, ang pangit ko naman. Bakit mo kami pinicturan?"

"Anong pangit? Wala akong pangit na anak. Maganda kayong dalawa ni Pat at gwapo si Alden." sabi nito. Napangiti naman ako nang isinama niya ako.

Talang anak na ang turing nila sa akin, hindi man sa dugo pero aa paraan ng pagmamahal at pagaaruga nila sa akin.

Inubos ko ang isang cupcake at saktong umiinom ako ng tubig ay dumating na sina Alden at Adam. "Tara na." sabi ni Alden.

Lumapit muna si Alden kay Mrs. San Diego at nagmano ito dito. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong tiningnan niya si Aliah.

"Goodluck sa iyo." rinig kong sabi ni Aliah at nagtaka ako. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nito.

Ilang minuto pa ay nagpaalam na kami at napagpasyahan na umalis na.

Habang nasa biyahe ay sinabi ni Adam na sa isang restaurant daw kani pupunta at tumango lang ako. Nang makarating sa restaurant ay nasa pagitan namin si Alden na kung saan ay nakahawak sa aming dalawa ni Adam.

Inasikaso naman kami ng waitress nang makarating sa pwestong pinareserve namin ni Adam ay kakahain lang ng pagkain.

Nagsimula agad kaming kumain dahil mukhang gutom na gutom na si Alden. Matagal rin ang ginugol namin sa pagkain dahil sinusubuan ko Alden at kung minsan naman ay si Adam.

Kasalukuyan na inihain sa table namin ang dessert ay nagpaalam ako na papuntang restroom. Pagpasok ko sa loob ng CR ay inayos ko ang sarili. Medyo kinakabahan din ako ngayon dahil alam kong hindi matatapos ang araw na ito nang hindi kami naguusap ni Adam tungkol sa amin.

Nang lumabas ako at bumalik sa table namin ay laking pagtataka ko nang wala si Alden at Adam sa table namin. Napalingon ako sa paligid para hanapin sila pero wala.

Sandali pa ay natigilan ako nang makita si Adam na nasa stage. Doon sa stage kung saan kanina ay may nagtutogtog ng classic music.

May hawak si Adam na microphone at ganun din si Alden. Nagsimula silang kumantang dalawa at napangiti naman ako. Ang kinakanta lang naman nila ay ang paborito naming kanta ni Adam.

Patapos na ang kanta at naglakad silang dalawa palapit sa kinatatayuan ko.

Ang nakalipas ay ibabalik natin
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko

"Ilang years na ang nakalipas at hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal ko Patricia Cereno. Minsan man tayong nalunod sa mismong sariling pag-ibig pero hindi nito nabago ang nararamdaman ko para sa iyo." seryosong sambit ni Adam at sa gilid naman niya ay si Alden.

"Kaya kong maghintay at maghihintay ako palagi basta ikay iyon."

Nanubig ang mata ko habang nakatingin kay Adam at napabaling ako kay Alden nang may inilabas ito sa bulsa niya at inabot kay Adam. Isa iyong maliit na kahon na kulay pula.

Lumuhod si Adam sa harapan ko na siyang dahilan nang pagtulo ng mga luha ko.

"Will you marry me Patricia Cereno?" tanong niya at uniwas ako ng tingin.

Bumuntong hininga ako at muking tumingin kay Adam na naghihintay ng sagot ko.

"No." sagot ko at halos mawalan ng kulay ang mukha ni Adam sa narinig. Nanatili itong nakaluhod sa harapan ko at hindi maggawang makakilos.

Tumayo siya at tumango-tango sa akin. " I see, hindi ka pa handa." kalmado niyang sabi.

"Maghihintay ako Ma'am kung kailan ka handa."

"Five years."

"Ten years."

"Fifteen years."

"Sabihin mo lang Ma'am at maghihintay ako. Hihintayin kita."

"Hindi mo na kailangan maghintay." sambit ko at mas lalo siyang naguluhan.

Walang ano-ano ay tumalikod ako naglakad na palabas ng restaurant.

Naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Adam at tinatawag ako. "Pat!" pagtawag niya sa akin pero hindi ako lumingon.

Tuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa labas. Sa hindi inaasahan ay umuulan pala pero ganun pa man ay naglakad ako papintang kalsada para magpara ng taxi.

"PAT!" tawag sa akin ni Adam at hindi namalayan na naabutan niya ako. Hinawakan niya ako sa kay at pinigilan na wag umalis.

Naggulat naman ako sa sunod niyang ginawa dahil lumuhod ito sa harapan ko.

"Anong kulang? At gagawin ko."

"Anong mali? At itatama ko." sabi niya at niyakap ang dalawang binti ko.

"Sabihin mo lang Ma'am." aniya pa pero umiling ako.

"Take me back Pat." nagmamakaawa pa nitong sabi at hinalikan ko siya sa noo at hindi na sinagot ang kanyang sinabi.

I'm sorry Aliah, hindi ko matutupad iyong binulong mo sa akin.




       

MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update. Pasensya po at naaksidente kong ipublish itong chapter, putol yun HAHAHA

Anong theory? May update pa ako mamaya hanggang Chapter 50. Kinakabahan ako, sana kayo din.😈😂

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro