Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 44: RESULTA

CHAPTER 44
RESULTA

          
Tatlong araw nang makalabas ako ng hospital at dito ako sa mga San Diego na tumutulog. Ang sabi ko sa kanila ay ayos naman ako at pwedeng sa apartment na lang ako tumuloy pero hindi sila pumayag kaya wala akong maggawa.

"Ate Pat." tawag sa akon ni Alden at patakbong lumapit sa akon. Minsan naiisip ko na sana si Alden ang anak ko pero imposible iyon dahil kapatid talaga siya ni Aliah.

Nang makalabas nga ako ng hospital ay nagrequest ako na magpa DNA kami ni Alden at mahing kay Aliah para magkaalan na. Maaaring iisipin ng iba na nahihibang ako pero nagbabakasakalo lang naman ako.

"I have something to tell you." bulong niya.

"Ano yun?"

Pumunta siya sa harap ko at itinaas ang damit na suot sabay turo sa kanyang tiyan na ipinagtaka ko. "Wala man akong abs pero ikaw ang aking labs." banat niya at natawa ako.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Ikaw ang akong labs." sambit pa niya at napailing ako doon.

"Sino ang nagtuto niyan sa iyo?" tanong ko at tinuro niya ang taong pasimuno ng kalokohan niyang iyon. Sinundan ko ng tingin ang lanyang daliri at ang tinuturo niya ay si Dave na kausap ngayon ang magasawang San Diego.

Malaki ang pasasalamat ko kay Dave kasi alam kong gusto lang niya akong tulungan at gumaling pero parang hindi siya naaagrabyado.

Nagulat naman ako nang higlang may humalik sa pisngi ko kaya napalingon ako. Akala ko ay si Alden pero si Adam pala.

"Hi." bati niya habang kalong kalong si Alden sa kanya.

Ngumiti ako at hindi ko alam ang sasabihin kay Adam. Sa ngayon kasi ay ito muna ang huling pagkikita namin ni Adam dahil papasok na ako mamaya sa loob ng psychiatric hospital.

Wala rin naman kaming maggagawang dalawa dahil doctor na mismo ang nagsabi sa amin na kailangan ko munang alisin ng panandalian si Adam sa isip ko dahil siya ang nakakapagpatrigger ng emosyon ko.

Mahirap man pero kailangan kong magpaggaling. Seven to twelve weeks lang naman kaming magkakahiwalay, katumbas lang ng tatlong buwan.

Inabot ni Adam ang kamay ko at pinagsiklop ang kamay namin. "Maghihintay Ma'am ako. Tatlong buwan lang naman ang hihintayin ko kumpara sa walang hanggan na kasama kita." aniya at nakita ko ang panunibig ng mata niya.

Nagulat naman ako nang magsimula siyang magkanta ng paborito naming kanta.

       
Kung tayo ay matanda na
Sana'y 'di tayo magbago
Kailan man, nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko

Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko

          
Sandali pa ay sumabay na rin ako sa pagkanta at kusang tumulo ang luha ko habang kunakanta kami pareho.

Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan natin

Ang nakalipas ay ibabalik natin
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko

Nang matapos ang kanta ay bumaba si Alden sa pagkakakandong kay Adam at doon namin niyakap ang isa't isa. Napangiti naman kami pareho nang may maliit na kamay ang yumakap sa amin ni Adam.

"Group hug mga ate at kuya." sambit ni Alden.

Ala una ng hapon ay tsaka kami nagbyahe papuntang psychiatric hospital. Kasama ko sina Aliah at Dave habang si Adam at Alden ay naiwan lamang sa bahay ng mga San Diego.

Ang mag asawang San Diego naman ay nauuna na sa amin. Pagbaba ng sasakyan ay si Dave ang nagbitbit ng gamit ko papasok. Magkahawak naman ang kamay namin ni Aliah habang naglalakad, sa pamamagitan nun ay kahit papaano ay nawala ang aking takot at pangamba.

Nang tuluyang makapasok ay binigyan ako ng huling yakap ni Aliah. "Kaya mo yan. Dadalawin ka namin dito." sabi niya pa at nakita ko ang panunubig ng mata niya. "Mamimiss kita." sambit pa niya.

Sumunod na lumapit sa akin ang mag asawang San Diego at niyakap din nila ako. Si Dave naman ay tumango lang kumaway bilang paalam. Matapos nun ay tumalikod na ako at naglakad na palapit sa isang nurse na naghihintay sa akin.

...

Hindi sa akin naging madali ang unang linggo sa loob ng Psychiatric Hospital dahil palaging sumasagi sa isip ko si Peter, si Nanay at Tatay pero tinatagan ko ang loob ko dahil para sa sarili ko ito. Gusto kong gumaling.

Sa ikalawang linggo naman ay bumisita sa akin si Aliah at nakapagkwentuhan kami kaya naman kahit papaano ay nabawasan ang pagkabagot ko sa loob nitong hospital.

Kinabukasan nang pagbisita ni Aliah ay si Dave ang bumisita sa akin na ikinabigla ko.

"Kamusta?" tanong niya sa akin at ngumiti ako bago sumagot.

"Ayos lang pero masaya ako kasi unti-unti ko nang napipigilan at nakokontrol ang isip ko pagdating sa anak ko." pagkwekwento ko at tumango siya.

"Mabuti kung ganun."

"Malapit na akong gumaling." proud at excited ko sabi sa kanya. Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking ulo at ginulo ang buhok ko kaya naman ang bangs ko ay nagulo rin.

"Lumabas na yung DNA test." sabi niya at nanlaki ang mata ko.

"Anong resulta?" tanong ko at ibinigay niya sa akin ang dalawang sobre.

Ang isang sobre ay naglalaman ng result ng DNA test ko at ni Aliah. Ang isa naman ay naglalaman nang sa amin ni Alden.

Bumuntong hininga ako at inihanda ko ang sarili. Ano man ang makita kong resulta ay tatanggapin ko at hindi ako aasa sa kung ano man. Basta ang mahalaga ay sinubukan ko at inalam ko ang sariling agam agam at hinala ko na kung anak ko ba si Alden at kapatid si Aliah.

One...

Two...

Three..

Bumilang ako ng tatlo at sabay na tiningnan ang resulta. Naiyak naman ako sa di malamang dahilan pero nakahinga rin ako ng maluwag sa nakita.

NEGATIVE. Iyon parehas ang resulta ng DNA test.

Sadyang naaalala ko lang talaga ang anak ko kay Alden, iyong tipong iniisip ko na baka ganun din ang anak ko kung buhay siya. Pero ngayong lumabas ang resulta ay panatag at kuntento na ako na patay na talaga ang anak ko, ang kailangan ko na lang ay tanggapin iyon.

Sa resulta naman namin ni Aliah ay medyo natawa na lang din ako dahil napatunayan nito na may mga taong kahawig talaga natin. Kahawig at kamukha ko lang si Aliah at hindi kami magkadugo pero hanun pa man ay kapatid na rin ang turing ko sa kanya.

Umangat ako ng tingin kay Dave. Hinawakan ko ang kamay niya at hindi ko maiwasan ang maiyak. "Salamat sa pagtulong at paghanal sa akin."

"Almost four years akong tumatakas sa katotohanan at hindi ka nagsawang hanapin ako para matulungan sa kondisyon ko. Alam kong hindi sapat iyong pasasalamat pero buong buhay ko ay tatanawin ko iyon ng loob sa iyo." sabi ko at nakita kong naiyak si Dave sa sinabi ko.

"Magpaggaling ka ng tuluyan." sabi niya lang at tumango ako. "May naghihintay sa iyo sa labas kaya tatagan mo ang loob mo."

"Power?"

"Power." sabi ko at parehas kaming natawa.





            

MISTERCAPTAIN
Professor

          
Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Btw, wala po sanang mang-spoil na may sakit si Pat at hallucination lang niya ang anak niya.

Imagine, simula Dating Series 1 hanggang dito sa Dating Series 3 ay naloko tayo ni Pat about sa anak niya.

Ang schizoaeffective disorder ay iba po sa schizophrenia disorder pero halos parehas po sila ng symptoms. Base na din po sa akin naresearch ay walang cure sa schizoaeffective, makokontrol lamang po nito ang sitwasyon ng taong meron nito. At 3 out of 1,000 ay nagkakameron nito at kadalasan ay babae.

Ang sitwasyon po ni Pat ay bihira lang din dahil nakuha niya ang sakit dahil sa trahedya na nangyari sa kanyang buhay. Kadalasan po kasi ay namamana ang schizoaeffective sa magulang o kamag anak.

🟡 Paalala lang po na ang pagkakaroon ng mental disorder ay hindi biro, ganun pa man ay nawa'y mas maunawaan at maintindihan natin ang mga taong may ganito dahil kahit sila ay hindi rin naman iyon ginusto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro