Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 36: SAN DIEGO

CHAPTER 36
SAN DIEGO

                 
Pagbalik ko ng club ay inayos ko ang sarili na para bang walang problema at hindi man lang umiyak kanina. Ngumiti ako sa mga nakasalubong ko na mga katrabaho na ngayon ay nakabihisan na at naka make-up.

Dumiretso ako sa isang kwarto kung saan nagaayos kaming mga babae. Nagpalit ako ng damit at nagsimulang maglagayao ng make up. Saktong paglagay ko ng lipstick ay tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko dito ay tumatawag si Adam.

Dali dali naman akong lumabas ng club at pumunta sa lugar na walang ingay at tao. Bumuntong hininga ako at sinagot ang tawag.

"I miss you Ma'am." paos ang boses ni Adam at halatang pagod siya. Ang paalam niya kasi noong isang araw ay may Fashion Week siyang dapat puntahan at mayroon pang photo shoot.

"I miss you too Adam." sambit ko.

"Sorry Pat kung hindi ako nakakauwi sa iyo pero promise ko pagkatapos nito ay babawasan ko na ang schedule ko sa pagmomodel." aniya at napangiti ako doon.

Alam kong hindi kakayanin ni Adam na malayo sa akin ng matagal lalo na't nasa isang linggo pa lang kami nagsasama.

"Kumain ka na ba? Anong ginagawa mo ngayon?" tanong niya at napakagat ako s apang ibabang labi.

"Ayos lang ako Adam wag mo akong alalahanin. Sa iyo ako nagaalala dahil mukhang pagod na pagod ka." sabi ko at narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Aw! Pwede bang kiligin? Concern sa akin si Ma'am." aniya at napailing ako. "Aalagaan ko yung sarili ko Ma'am at dapat alagaan mo yung sarili mo, magpapakasal pa tayo." aniya at mas lalong lunapad ang ngiti ko.

"Oo, magpapakasal pa tayo." pag sang ayon ko.

"Para tuloy gusto ko nang umuwi." biro niya. "Sabi mo yan Ma'am ha! Magpapakasal pa tayo." sambit niya at napatingin ako sa singsing ko na ibinigay niya sa akin noon.

"Magpapakasal tayo kung tayo hanggang sa huli." wala sa sarili kong sabi at hindi iyon pinarinig kay Adam.

"I love you Pat."

"I love you too Adam."

Nagusap pa kami ng ilang minuto hanggang sa napagpasyahan namin na patayin na ang tawag dahil babalik na siya sa trabaho.

Pagpasok sa club ay nakapila na ang mga babaeng magpeperform kaya itinabi ko na ang cellphone ko at pumila na sa pinakadulo na siyang pwesto ko.

May unang batch na sumasayaw at ako naman ay sa pangalawang batch. Ako ang solo na sumasayaw sa akin kaya ako ang pinakahuling nagpeperform.

Nang oras ko na ay tulad nang ginagawa ko noon ay sumayaw ako sa harapan ng maraming customer. Naglakad ako papalapit sa ilan at may mga nagbigay ng malalaking tip.

Matapos magperform ay pinatawag ako ng manager ko. Nagpakit ako ng damit at tsaka dumiretso na agad sa office ng manager ko.

Pagpasok ko sa office ay may kausap siyang matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa 40's or 50's. Sinenyasan ako na lumapit sa kanila at naupo ako katapat nung matandang lalaki.

"Binili ka ni Mr. San Diego." sabi ng manager ko at mataman akong ngumiti.

Iyon lang ang sinabi sa akin ng manager at pagkatapos nun ay pinasama na ako kay Mr. San Diego. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay tsaka siya nagsalita at kinausap ako.

"Nakapagtapos ka na ba ng kolehiyo?" tanong niya at nanlaki ang mata ko. Ngayon lang sa akin may nagtanong na customer na ganun.

"Hindi pa po, nagiipon pa po ako." sabi ko.

Binuhay niya ang makina ng sasakyan at nagsimulang magdrive.

"Kung ganun ay gusto mo pa bang mag aral?" tanong niya at dahan dahan akong tumango. Syempre gusto ko pang mag aral at makapagtapos ng college. Iyon ang pangarap namin ni Tin eh.

"Pagaaralin kita pero kapalit nun ay ang pagtigil mo sa pagtatrabaho sa club."

Naoanganga na lang ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro. Binili lang ba jiya ang oras ko para sa ganito? Na tulungan ako.

"Di bale magiging sugar daddy ko po kayo?" sabi ko at tumawa siya at umiling.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at huminto kami sa isang building. Bumaba siya at pinagbuksna niya ako ng pintuan kaya sumunod naman ako sa kanya.

Pumasok kami sa building na hinintuan namin at sumalubong sa akin ang mga babaeng sa tingin ko ay kasing edad ko lang din. Binati nila si Mr. San Diego at ako naman pinanood lang sila.

Pumunta kami sa isang office at doon ay may sumalubong kay Mr. San Diego na matandang babae na kaedad din niya. Sinalubong ng babae si Mr. San Diego ng halik at naupo sa kinauupuan niya kanina.

"Napakaganda mo hija. Kamukha mo yung anak ko." sabi nung matandang babae. Katapat ko siya ngayon sa upuan at sa harap namin ay si Mr. San Diego.

"Asawa ko ni Charles." sabi niya.

"I'm Charler San Diego and this is my lovely wife Sofia San Diego."

Nanlaki ang mata ko at hindi ko maiwasan na mahiya para sa sarili. Kaya pala tumawa sa akin si Mr. San Diego noong tinanong ko siya na kung magiging sugar daddy ko. Akala ko naman kasi ay magiging kabit ako ng wala sa oras.

"Aah ano pong ginagawa ko dito?" tanong ko sa kanila.

"Nandito ka kasi tutulungan ka namin. Iyong mga nakasalubong mong mga empleyado at mga bumati sa amin ay tinulungan naming mag asawa na muling makabalik sa pag aaral." paliwanag ni Mr. San Diego.

Napatingin naman ako kay Mrs. San Diego nang ito ang sumunod na magsalita. "Katulad mo ay ang ibang tinulungan namin ay nagtatrabaho sa mga club at bar. Ang iba naman ay mga nakatira sa kalsada o ginahasa at minaltrato ng kapamilya nila."

Namangha ako at napabilib sa kanilang dalawa dahil sa nalaman ko. Hindi ko akalain na may mga mayayaman pang tulad nila na handang tumulong sa mga nangangailangan.

"Gusto mo ba ulit makapag aral?" tano ni Mrs. San Diego at agad akong tumango at napayakap sa kanya.

"Salamat po sa inyo." sambit ko.

Niyakap ako ni Mrs. San Diego at hinaplos ang buhok ko. Naiyak tuloy ako dahil namiss ko sina Nanay at Tatay. Nakuha naman ang atensyon namin ng bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ang isang babaeng maganda at parang anghel. Napakunot ang noo ko dahil pamilyar sa akin ang kanyang hitsura.

"Hi! Mom, Dad." sambit nito at humiwalay na ako kay Mrs. San Diego.

Yumakap at binigyan nito ng halik ang magasawang San Diego na magulang niya. Ako naman ay hindi maalis ang titig sa kanya dahil sobrang ganda niya.

"Aliah, anak si Patricia Cereno."

Lumapit sa akin si Aliah at nakipagbeso sabay yakap. "Nice to meet you Patricia. I'm Aliah San Diego." pagpapakilala niya at nanlaki ang mata ko.

"Ikaw po iyong model?" tanong ko at ngumiti siya.

"Yeah, I'm a model." aniya.

Noong makita ko siya sa magazine ay iba ang pakiramdam ko pero ngayon ay mukhang mabait naman siya katulad ng magulang niya.

"Ang ganda niyo po." wala sa sarili ko.

"Wag ka na sa akin mag 'po' pero sa totoo lang ay medyo hawig tayong dalawa." sabi niya at ngumiti ako.

Nahiya ako doon dahil hindi naman. Sobrang ganda niya kung ikukunpara sa akin.

"Kaya nga, iyon rin ang nasabi ko sa kanya noong makita ko siya kanina. Medyo hawig kayo." pagsegunda ni Mrs. San Diego.

Nagusap kami at ipinaliwanag sa akin ng magasawang San Diego ang tungkol sa pagtulong nila. Tinanong nila kung saan ako nakatira at sabi ko ay sa isang apartment ditosa Manila. Nag offer naman sila sa akin na pwede daw akong tumira sa kanilang bahay at ang sabi ko ay pagiisipan ko

Matapos ang paguusap ay nilapitan ako ni Aliah at hinawakan ako sa braso. "Mom pwede ko bang isama si Patricia. Kakain lang kami sa labas." paalam nito at tumango ang mama niya.

Pagkalabas namin ng building ay nakasunod lang ako kay Aliah habang nakahawak siya sa braso ko. Medyo nahiya nga ako dahil sa hitsura ko kumapra sa kanya. Ang dugyot kong tingnan.

Sumakay kami sa sasakyan niya at naiilang pa rin ako. Siya lang naman kasi ang anak ng taong tumulong sa akin tapos ganito pa ka close sa akin ngayon.

"Let's be friends." aniya nang umandar na ang sasakyan. Tumingin siya sa akin at mukhang hinihintay ang isasagot ko.

"Friends." nahihiya kong sabi.








MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update. Sa Feb. 14 po ako mag-a-age reveal. Age reveal lang, walang gender reveal, face reveal or name reveal 😅😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro