CHAPTER 30: ALAALA
CHAPTER 30
ALAALA
"Wala eh iniwan ako ng lahat."
Matapos kong sabihin iyon ay nagpaalam muna ako kay Adam na pupunta kang ng CR. Pagpasok pasok ko palang sa loob ng CR ay doon ko inilabas ang lahat ng iyak ko. Ayokong magmukhang mahina sa harap niya dahil baka sabihin pa niya ay nagpapaawa ako.
Napahawak ako sa harapan ko at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Minsan natatanong ko ang sarili ko kung bakit buhay pa ako.
Bumuntong hininga ako at ngumiti. Pinunasan ko ang luha ko at naghilamos. Inayos ko ang sarili ko at inihanda ang sarili para kay Adam.
Pagbalik ko ay naabutan kong may katawagan si Adam sa cellphone pero agad din itong nagpaalam sa kausap niya nang makita ako.
"Tara na." aniya at nauna siyang lumabas habang ako naman ay sumunod lang.
Huminto kami sa isang sasakyan at pumasok kaagad ito sa driver seat. Ilang sandali pa ay bumaba ang bintana sa harapan ko.
"Pumasok ka na." sabi niya at binuksan ko ang pinto ng sasakyan at sumakay na.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nanatili lang akong nakatingin sa mga kamay ko tulad ng nakasanayan ko. Ganito palagi ako kapag may bumibili ng oras ko.
Huminto kami sa parking lot ng mall. Hindi muna kami bumaba ng sasakyan dahil may kinuha si Adam sa likod ng sasakyan niya na paper bag at ibinigay iyon sa akin.
"Magpalit ka." aniya nang abutin ko ang paper bag.
Binuksan ko iyon at tiningnan ang loob. Isang kulay blue na dress at sandals. Hindi ko na napigilan ang mapangiti dahil color blue ang favorite kong color. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ito o naaalala pa din ni Adam ang paborito kong kulay.
"Hihintayin kita sa labas." sabi niya at lumabas na ng sasakyan habang nakasuot ito ng face mask.
Napatingin ako sa suot ko at naka pang club pa ako na damit. Buti na lang at may ibinigay sa akin na ganito si Adam dahil hindi naman talaga ako nito makakapasok sa loob ng mall. Baka kung ano pang sabihin ng mga tao.
"Aray!" sambit ko nang maintog ang ulo sa bintana ng sasakyan. Ang hirap naman kasi magpalit ng damit dito sa loob ng sasakyan niya. Baluktot na baluktot na ang katawan ko maisupt lang ang dress.
"Hay Salamat!" wika ko pa nang tuluyang makapalit ng damit. Isinilid ko ang mga suot ko kanina sa paper bag. Inayos ko ang sarili ko at matapos nun ay lumabas na ng sasakyan.
Agad na napatingin sa akin si Adam nang bumaba ako ng sasakyan. Tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa. Nagtaka naman ako nang bigyan niya ako ng mask pero hindi na ako nagtanong at nagsuot na lang rin.
Nakamask din si Adam tulad ko at hindi ko alam kung para saan pa ang pagsuot namin nito. Ganun pa man ay hinayaan ko na lang, baka ayaw lang ni Adam na may makakilala o may makakita sa kanya na may kasamang isang tulad ko.
"Let's go." sabi niya at tumango.
Lumapit ako sa kanya at ngayon ay magkatabi kami. Hindi ko alam kung akong gagawin namin dito sa mall kasi dapat na condo kami o isang hotel para paligayahin siya pero wala dahil nandito kami sa mall.
Pagpasok namin sa mall ay medyo nilalakihan ko anv hakbang ko dahil ang haba ng legs ni Adam kaya bawat hakbang niya ay malaki rin.
"What are you doing?" may pagkairita niyang tanong sa akin at napaangat ako ng tingin sa kanya.
Sa paa niya kasi ako nakatingin dahil sinasabayan ko iyon sa paglakad. Nahuhuli kasi ako sa paglakad niya eh.
"Ang bilis mo kasi maglakad, hindi kita masabayan." sabi ko. Wala siyang sinagot sa sinabi ko at nagpatuloy kami sa paglalakad pero sa pagkakataong ito ay mabagal na at maliit na ang bawat hakbang niya kaya hindi na ako nahirapan na sabayan siya sa paglalakad.
Kung kanina ay sa paa niya ako nakatingin ngayon ay sa kamay naman niya. Mauugat ito kaya damang dama ko kapag tumatama iyon sa kamay ko. Habang naglalakad kasi kami ay nagkakabungguan ang kamay namin.
"Huh?!😳" nanlaki ang mata ko at nagulat nang biglang hulihin ni Adam ang kamay ko. Kinuha niya iyon at pinagsiklop ang mga kamay namin.
Naghalo halo ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa ni Adam pero ganun pa man ay hinayaan ko na lang siya.
Tumigil kami sa isang restaurant na walang katao-tao. Pagpasok namin ay ni-assist agad kami ng mga waiter. "Magorder ka na." sabi niya at tumango ako. Kinuha ko ang menu at muntikan na akong mapamura nang makita ang price ng pagkain.
Tiningnan ko ang lahat ng pagkain pero lahat mahal. Napakakagat na lamang ako sa pangibabang labi habang nagiisip kung ano ba ang pipiliin ko.
Tiningnan ko ang laman ng wallet ko at may laman lang iyon na 1,500. Naghanap ako ng pagkain na mababasa 1,500 ang halaga at buti na lang ay meron. Pinili ko iyong mura dahil baka maghugas ako ng wala sa oras.
Napatingin naman ako kay Adam habang sinasabi niya lahat ng nga order niya. Sobrang professional niyang manalita samantalang noon ay bumubulong lang siya sa akin noon ng 'anak siya ng mafia'.
Ang daming inorder ni Adam at napailing na lang ako dahil baka gutom na gutom talaga siya.
Tahimik lang kami pareho ni Adam habang naghihintay ng oder namin. Kung minsan naman ay napapatingin na lang ako sa labas habang pinapatay ko sa inggit ang sarili dahil sa mga nakikitang kong mga bata na naglalakad o natatakbuhan sa labas nitong mall. Kung minsan naman ay hawak hawak sila ng mga magulang nila.
Kung kasama ko kaya ang anak ko ay tumatawa rin ba siya tulad ng ibang bata, nakikipaglaro kaya siya o tumatakbo. O di kaya agad siyang tatakbo sa akin kapag nasugatan siya mula sa pagkakadapa.
Pwede bang ganun na lang? Pwede pa ba yun mangyari?
Nabalik na lamang ako sa reyalidad nang dumating na ang pagkain sa table namin. Kumuha agad ako ng tissue at at ipinunas iyon sa luha ko habang nakatalod kay Adam. Matapos nun ay nagtatakang nakatingin siya sa aki pero plastik akong ngumiti.
Tumingin ako sa pagkain na nasa harapan namin at hinanap ang order ko pero wala iyon. Akmang magaapila ako sa waiter para tanungin kung nasaan ang inorder ko ay agad nagsalita si Adam.
"Pumili ka na dyan nang kakainin mo." sabi niya.
"Wala akong pera na pambayad." sabi ko at lumapit siya sa akin ng konti at inayos ang bangs ko.
"It's okay, date natin ito kaya ako ang magbabayad."
Hindi ko na naggawang magsalita ang sabihin niy ang salitang date. Hindi ako aangal dahil binili naman niya ang oras ko at siya ang bahala kung anong tawag niya sa mga gagawin namin dahil matatapos ang araw ay bayaran pa rin ako at hindi na ako yung Patricia niya.
...
Matapos naming kumain ay si Adam ang nagbayad ang ibang natirang pagkain ay itatapon na sana pero pina-takeout ko na lang. Pwede ko pa iyon ibigay sa mga batang namamalimos sa kalsada.
Paglabas namin ng restaurant ay pinagsiklop ni Adam ang kamay namin. Habang naglalakad ay may npapatingin sa amin pero syempre kay Adam sila tumitingin. Nooon pa man kasi at hanggang ngayon ay gwapo siya at palagi niyang nakukuha ang atensyon ng lahat.
Natigilan naman ako sa paglalakad nang makita ko ang napakaling larawan ni Adam sa isang shop. Isa siyang model na kung saan ay iniindorse iyong hawak niyang pabango. Napatingin pa ako sa ilang shop dito sa loob ng mall at karamihan ay si Adam ang mga model ng bawat product.
"Sikat na model ka?" hindi ko na napigilan na magtanong sa kanya.
"Oo" nahihiya niyang sagot at napahawak sa batok.
"Kaya ba naka-mask ka? Tayo? Para hindi ka makilala?" tanong ko pa at tumango siya.
"Ang galing mo naman. Proud na proud ako sa iyo." masaya kong sabi at mataman siyang ngumiti.
Masaya ako kay Adam na malayo ang narating niya, na ang ginawa kong pagpapalayo at pakikipaghiwalay sa kanya ay may kinapuntahan. Sigurado ako na hindi niya ito maabot kung hindi ako nakipaghiwalay sa kanya dahil alam kong ang lahat ay kayang talikuran ni Adam para lang sa akin, kahit pa ang magulang niya.
Tama ang mama ni Adam, na ginawa akong mundo ng anak niya na kung saan ay hindi na nakakabuti para kay Adam pero ngayon ay proud na proud ako sa kanya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang magkahawak ang kamay. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sumasabay lang ako kay Adam sa paglalakad. Huminto kami sa isang wedding gown shop at nakatingin si Adam sa gown na nasa harapan namin.
Naalala ko noon na pumunta kami sa mall at huminto rin kami sa isang wedding gown shop.
"Hayaan mo, magiipon ako para sa atin at ipinapangako ko na ganyang gown ang isusuot mo sa araw ng kasal natin." sabi ni Adam.
Ang alaala na iyon ay tandang tanda ko pa. Hindi ko naman kasi talaga nakalimutan at kakalimutan ang nangyari sa amin ni Adam noon.
"Nakapagipon na ako Pat ng maraming pera para ibili ka ng wedding gown para sa kasal natin. Kahit iyong gown pa na pinakamahal sa mundo ay bibilihin ko para sa iyo, sa kasal natin. Ikaw na lang ang hinihintay ko." sabi ni Adam at bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay niya.
"Ikaw na lang ang hinihintay ko Ma'am. Ikaw na lang. Kailan ka ba babalik sa akin?"
Napailing ako sa sinabi ni Adam at nakita ko ang panunubig ng mata niya.
"Hindi na pwede." sabi ko, pagsisinungaling ko. "Masaya na ako sa narating mo. Proud na proud ako. Ang layo ng narating mo Adam." sabi ko pa.
Natatakot ako na bumalik sa kanya dahil baka lahat ng tinatamasa ngayon ni Adam ay talikuran niya nang dahil sa akin. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Hindi pa ito yung tamang panahon para sa amin.
"Alam mo yung masakit, yung kahit anong layo na ng narating ko pero bakit hindi kita maabot abot gayong nasa harapan lang kita."
"Hanggang ngayon ay hindi ko pa natutupad yung pangarap ko. Isa lang ang pangarap ko Pat, alam mo yan."
Alam ko kung anong pangarap ni Adam. Naalala ko yung sinabi niyang iyon.
"Pangarap kong maging asawa ka. Ang makasal tayong dalawa tapos mamahalin lang kita ng buong buo at habang buhay."
Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Adam at kinuha niya ang kamay ko. "Bumalik ka na sa akin." sabi niya at umiling ako.
"Hindi pwede." sagot ko na lamang at mas lalong naiyak doon si Adam.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Pasensya na kung na late, kakauwi lang po kasi namin kaninang 7pm dito sa bahay dahil galing ako sa awarding tapos nagpahinga lang ako ng konti.
Btw, 97.11% yung average ko. SKL! ulit.
Next chapter ay yung nasa Prologo na 😈🤣
GOODMORNIGHT!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro