CHAPTER 28: PATRICIA (607) 🔞
CHAPTER 28
PATRICIA (607) 🔞
"MA'AM" maamo niyang sambit at nagsimulang manubig ang mga mata ko pero umiwas ako ng tingin sa kanya nang biglang makita ko sa mga mata niya ang galit.
Ilang taon na nang huli kaming magkita at matawag niya akong Ma'am pero hanggang ngayon ay wala pa ring nagbabago sa pagmamahal ko kay Adam.
Natigilan kami parehas dahil sino ba ang magaakala na magkikita kami sa ganito pang sitwasyon. Mahina niya akong itinulak para mawala ako sa ibabaw niya. Ang hawak niya baso na may alak ay galit niyang tinapon malapit sa paahan ko.
Huminga ako ng malalim para pigilan ang pagtulo nang luha ko. Dahil sa ginawa ni Adam ay napatingin sa amin ang lahat.
"I'm sorry Sir." sabi ko na lang sa kanya kahit hindi ko alam kung bakit na kang niya binasaga ang hawak na baso.
"It's too late." makahulugan at may diin niyang sabi.
Hinawakan niya ako sa braso ng mahigpit at hinila sa kung saan. Pumasok kami sa isang kwarto at hindi ko alam kung bakit kami humiwalay. Hinawakan niya ang kanyang necktie at niluwagan iyon.
Tumungo siya sa kama at naupo doon habang nakasandal sa headboard. "Continue what you are doing before." utos niya.
Nanigas at nanlamig ang katawan ko sa sinabi niya hindi ko alam kung gagawin ko ba hindi. Maaaring sanay na ako magperform pero wala akong lakas na gawin iyon sa harap ni Adam.
"JUST FUCKING DO IT!" sigaw sa akin ni Adam kung kaya napaatras ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat ko.
Natatakot at nahihiya man ay nilakasan ko na lang ang loob ko. Napatingin ako kay Adam.
Nasaan na yung dating Adam ko?
Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili. Pumunta ako sa gitna kung saan mas makikita niya ang kabuuan ko at nagsimula na muli akong sumayaw.
Nakita ko ang pagtanggal niya sa unang dalawang butones ng kanyang polo at nanatili lang sa akin ang titig niya. Sinusundan niya ang bawat galaw ko at parang walang balak na kumurap.
Hinahawakan ko ang sarili kong katawan habang kumekembot sa harap niya. Bawat galaw ko ay pinipigilan ko na tumulo ang luha ko.
Ang isang kamay ko ay ipinunta ko sa aking likuran para alisin ang strap ng suot kong bra. Nang mahawakan hook ng aking bra ag nagdadalawang isip pa ako kung tatangalin ko ba o hindi pero sandali pa ay tuluyan ko itong inalis.
Napatingin ako kay Adam habang dahan dahan kong tinatanggal ang suot kong bra. Hindi ko mabasa ang espresyon ng mukha niya pero alam ko sa mga mata niya na galit siya sa akin.
Nang matanggal ko ang bra ay itinapon ko iyon sa ibabaw ng kama na nasa harap ko pero kasabay nun ay ang pagtulo ng luha ko.
Sinubukan kong pigilan ang pagiyak sa harap ni Adam pero mas lal lang akong naiyak.
Hinawakan ko ang panty na suot ko at inalis na rin ito. Katulad nang ginawa ko kanina sa bra ay itinapon ko ito sa kama.
Umiiyak ako sa harapan ni Adam na walang saplot na kahit ano at dahil sa panghihina ng katawan ko ay napakuhod na lamang ako bahang umiiyak.
Nagulat na lamang ako nang patakbong lumapit sa akin si Adam. Lumuhod siya sa harap ko para magtapat ang mga mukha namin. Pag angat ko ng tingin ay sumalubong sa akin ang maamong mukha niya at ang mga mata niya ay nanunubig.
"I'm sorry Adam. Sorry kung iniwan at sinaktan kita noon. I'm sorry." umiiyak kong sabi at paulit ulit ko iyong sinabi sa kanya.
Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. Sandali pa ay niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. "I'm sorry Adam." sabi ko at wala akong narinig na sagot pero sapat na iyong yakap niya sa akin.
Alam kong hindi niya agad ako mapapatawad pero sa tagal tagal nang hindi namin pagkikita ay ngayon lang ako nakahingi sa kanya ng sorry sa lahat ng mga naggawa ko.
Binigay ni Adam ang lahat sa akin. Lahat ginawa niya at sinakripisyo pero napakadali ko lang siya nion na binitawan na para bang hindi ko ikinonsidera ang nararamdaman niya, na masasaktan din siya.
Hinubad ni Adam ang polo niyang suot at ibinagy iyon sa akin. "Suotin mo." aniya at ginawa ko naman.
Pinaupo niya ako sa kama at sandali siyang umalis. Pagbalik niya ay may dala siyang isang basong tubig. Binigay niya iyon sa akin at ininom ko naman.
Habang umiinom ako ng tubig ay nagulat ako nang may bimpong hawak si Adam at pinupunasan niya ang mga pawis ko. At hindi lang doon natapos dahil inayos niya ang bangs ko at itinali ang aking buhok na isahan na palagi niya sa akin noon ginagawa.
Bumalik sa akin ang lahat ng nakaraan. Sa kung paano kami nagsimula, sa kung paano niya ako alagaan.
"Suot mo pa rin?" biglang sabi niya sa akin at nakatingin sa daliri ko. Pagtingin ko sa aking daliri ay ang tinutukoy pala niya ay iyong singsing na may disenyong star na bigay niya.
Tumango ako sa kanya bilang sagot sa tanong.
Isinandal niya ang noo sa aking balikat at napahawak ako sa kanyang ulo. "Bakit ngayon ka lang? Anong nangyari sa iyo?" may pagaalala niyang sabi at hindi ko iyon masagot dahil mahihirapan akong magpaliwanag.
"Pwede bang dito ka na lang Ma'am? Wag mo na ulit akong iwan. Wag mo na ulit akong saktan." aniya at narinig ko ang mga hikbi niya.
Ang sunod na nangyari ay natagpuan ko ang sarili na magkatabi kami sa kama ni Adam. Hindi niya ako pinayagang umalis at sinabing samahan ko daw siya sa pagtulog.
Mahigpit ang yakap sa akin ni Adam at para bang ayaw akong pakawalan. Suot ko ang kanyang malaking polo habang siga naman ay walang damit na pantaas.
Kanina ay nakayakap lang sa akin si Adam habang umiiyak. Wala siyang sinasabi kundi ang numerong '607'. Hindi ko maintindihan kung ano yung 607 na tinutukoy niya pero hinayaan ko na lang.
Napatingin ako sa wall clock at nakita kong alas tres na ng madaling araw. Si Adam naman ay kanina pa tulog at ako naman ay gising na gising at hindi man lang dinalaw ng antok.
Dahan dahan kong inalis ang braso ni Adam na nakapulupot sa akin at umalis sa tabi niya. Maingat ako sa bawat kilos ko dahil baka maggising siya.
Napatingin ako sa mahimbing nanatutulog na si Adam. Malaki ang ipinagbago niya mula noong huli kaming nagkita. Sobrang payat na niya noon pero ngayon ay halos grabe ang kakisigan ng kanyang katawan.
Naagaw naman ng atensyon ko ang nasa kaliwang dibdib niya. Nanlaki ang mata ko nang makita doon ang pangalan ko. Hinawakan ko iyon at totoo nga ang hinala ko na isa iyong tattoo.
Muli kong ibinaling ang tingin sa mukha ni Adam. Hinawakan ko ang kanyang mukha. Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng halik sa noo.
Matapos nun ay mabigat ang pakiramdam ko nang tumalikod ako sa kanya.
Tapos na ang trabaho ko dito kaya aalis na ako.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update. Pasensya kung nalate ng update. Sobrang saya ko lang at muntikan ko ng makalimutan na magupdate dahil naglabas sa amin ng grades. TOP 1 ako sa amin hehehe skl!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro