Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26: TRABAHO

CHAPTER 26
TRABAHO


Tumakas ako sa hospital at dumiretso sa aprtment ko. Pagdating ko ay nakigo agad ako. Kinuskus kong mabuti ang balat ko pero kahit anong gawin ko ay hindi nun maalis yung pandidiri noong ginahasa ako.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa itinulog ko na lang ang lahat at nagbabakasakaling panaginip lang ang ito. Sana paggising ko ay nasa tabi ko na yung anak ko.

Kinabukasan ay nakaramdam ako ng may mabigat sa ulo ko. Agad akong napabangon at tinanggal ang kung ano man ang nakapatong sa ulo. Pagtingin ko ay basang lampin lang pala.

Nakaamoy ako ng ulam kaya dumiretso ako sa kusina. Pagsilip ko ay naabutan kong nagluluto si Tin na ikinagulat ko.

"Ooh gising ka na pala. Pasensya ka na kung pumasok ako dito ng walang paalam. Nanghiram ako ng susi sa landlady. At tsaka naabutan kita na umiiyak kanina habang tulog tapos nilalagnat ka pa." pagkwekwento niya.

Naupo ako sa upuan at pinanood lang ang bawat kilos ni Tin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin at tumango lang ako.

Ilang sandali pa ay inilagay na niya ang nilutong ulam sa lamesa. "Kain tayo." sabi niya sa akin. Hindi ako kumibo at para bang wala akong gana sa buhay pero sinandukan niya ako.

"Magtiwala ka sa Diyos." sabi ni Tin at nakita ko ang pagtingin niya sa palapulsuhan ko na may bandage pa.

"Madaya ang Diyos." sabi ko at nagsimula nang kumain.

"Akala mo lang yun. Hindi talaga maiiwaasan na sabihin natin yan at kwestyunin ang nangyayari sa buhay natin pero ang lahat ay may dahilan." sabi niya pa.

Naihampas ko ang isa kong kamay sa lamesa at nagulat siya sa ginawa ko. "Sabihin mo nga kung anong dahilan para kunin sa akin ang anak ko? Kung bakit ako nagahasa kagabi? Kung bakit lahat na lang ng kamalasan sa buhay ay nangyari sa akin?" panghihinutok ko at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Bakit na lang lahat sa akin kinukuha?"

Tumigil si Tin sa pagkakain at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at pinatahan sa pagiyak. Hindi siya nagsalita ng kahit ano pero sapat na yung presensya niya at yakap niya na hindi ako nagiisa sa buhay.

Maghapon ay nasa loob lang ako ng apartment at natakot ako na lumabas dahil sa nangyari kahapon. Si Tin naman ay sinamahan lang ako at hindi umalis. Sinubukan niya akong kimbinsihin na magsumbong sa pulis sa ginawa sa akin pero wala akong lakas, natatakot ako. Para bang ang hirap magtiwala sa mga tao.

"Kilala mo ba si Vincent Lopez?" tanong niya sa akin at parang familiar sa akin ang pangalan na yun. Napatingin naman ako sa kanya ng may inilabas siyang maliit na card at may larawan iyon ng isang lalaki na may hawak ng gitara.

Tiningnan ko iyon at laking gulat ko na iyin yung lalaki na tumulong sa akin kagabi. Hindi ko ipinahalata kay Tin na kilala ko iyong lalaking nasa picture at sa halip ay binalik na rin iyon sa kanya.

Napatingin naman kami sa pintuan nang may kumatok. "Nandito na ata siya." sabi ni Tin at pumintang pintuan para buksan iyon.

Pagbukas ng pinto ay mas pinapasok si Tin na ipinagtaka ko. Hindi ko man alam kung anong meron pero medyo kinabahan ako.

"Salamat sa pagkain." sabi ni Tin dun sa isang lalaki. "Siya nga pala, kaibigan ko si Patricia."

Tumingin sa akin yung lalaki at akmang lalapit siya sa akin ay agad akong tumayo sa kinauupuan at lumayo sa kanya.

Nagsimula akong umiyak dahil naalala ko ang nangyari sa akin kagabi. "Madumi na ako." sambit ko at nagmamadali akong niyakap ni Tin.

"Ssshh... sorry. Kaibigan ko siya Pat at makakatrabaho." sabi ni Tin. Muli akong tumingin sa lalaki at mukhang siya na ang natakot sa akin. "Siya si Daniel."

"Mabait si Dan mukhang hindi lang." kung kanina ay umiiyak ako bigla naman akong natawa sa sinabi Tin.

Naupo muli ako s akinauupuan ko at tumabi sa akin si Pat habang inihahanda ang pagkain na dinala ni Dan. "Nakakuha ako ng trabaho kagabi noong maghiwalay tayo. Tapos may nagoffer sa akin ng trabaho at tinanggap ko na kaagad kahit nakakatakot." pagkwekwento ni Tin.

Nagsimula akong kumain at ganun din sila. "Ano bang trabaho ang ni-offer sa iyo?" paguusisa ko.

Nagkatinginan muna sila ni Dan bago sinabot ang tanong ko. "Pornstar." medyo nahihiya niyang sabi.

"Buti ka pa may— ano?! PORNSTAR!" gulat kong sabi nang pumasok sa kokote ko ang sinabi niya. "Ibig sabihin pornstar ka?" tanong ko kay Dan at tumango ito.

"Sorry mabigla lang ako. Wala naman sa akin iyon pero nakakagulat lang. Ibig sabihin nag-anuhan na kayo?" hindi ko na naiwasan na tanungin ang bagay na iyon sa kanila.

"Virgin si Tin." sabi ni Dan at nanlaki ang mata ko.

"Weh? Paano iyon? Sigurado ka ba talaga dyan sa trabaho mong papasukin?" tanong ko pa at ngumiti lang ito.

"Ang totoo niyang ay tuturuan ko si Tin dahil hindi naman agad siya pwedeng magsimula magtrabaho nang wala siyang alam." pagkwekwento ni Dan.

"Ibig sabihin hindi ka pa nakakakita ng titi?" tanong ko at umiling si Tin. Si Dan naman ay napatawa na lang.

Buong maghapon ay nawala sa isip ko ang mga nangyari sa akin. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil dun sa dalawa.

Nang maggagabi na ay ayaw pa sana ni Tin na iwan ako dahil nagaalala siya sa akin pero sabi ko ay ayos lang ako at tatawagan ko na lang sila ni Dan kapag may kailangan ako.

...

Napatingin ako sa larawan ng anak ko. Bukod sa anak ko ay iniisip ko kung paano ako makakakuha ng trabaho, iying kikita ako ng malaki.

Naubo naman ako ng wala sa oras ng may usok na dumaan sa mukha ko. Paglingon ko ay galing sa usok ng sigarilyo iyon.

Tiningnan ko kung sino ang may kagagawan nun at hindi ko naiwasan na mairita. Nandito ako ngayon sa labas ng apartment at nagpapahangin. Hindi ko napansin ang pagdating ng babae na nasa tabi ko na nakasandal din sa pader dahil siguro ay nakatulala ako masyado kanina.

"Gusto mo?" tanong sa akin babae at ang tinutukoy niya ag itong sigarilyo. Umiling ako at umiwas ng tingin sa kanya.

"Pampakalma ito at pampawala ng problema." sabi niya at muli akong sinabiyan ng usok sa mukha kaya napaubo ako.

Tiningnan ko siya at may kinuha sa bulsa na isang kaha ng sigarilyo. Binuksan niyo ito at kumuha ng isa doon. Ang sunod niyang ginawa ay sinindihan iyon at ibinigay sa akin pero hindi ko kinukuha.

Inabot niya ang kamay ko at inilagay doon ang sigarilyo. "Gawin mo lang ang gagawin ko." aniya.

Inilagay niya ang sigarilyo sa bibig at para hinihigop ito at sunod ay ibubuga ang usok. Napatingin ako sa sigarilyo na nasa kamay ko at dahan dahan kong inilagay iyon sa bibig ko.

Nakita ko ang pagngiti niya dahil sa ginawa ko at sandali pa ay ginawa ko na rin ang ginawa niga kanina. Parang hinigip ko sa sigarilyo pero nang ibubuga ko na ang usok ay umubo ako ng umubo dahil hindi ko kinaya.

"Isa pa." sabi nung babae. "Masasanay ka rin niyan."

Muli kong inilagay sa bibig ang sigarilyo at umuhip ulit doon. Hindi tulad kanina ay medyo alam ko na ang gagawin. Nakailang ihip pa ako sa sigarilyo hanggang sa tuluyan ko nang nalaman kung paano manigarilyo.

"Gia nga pala." pagpapakilala niya at inabutan ako ng isa pang sigarilyo dahil naubos ko na iyong una niyang binigay.

"Patricia." maikling sabi ko at ngumiti siya.

Tinanong ko siya tungkol sa damit niya dahil napansin kong sobrang iksi nang suot niya. Tumawa lang siya sa akin at sandali pa ay sinabi niya sa akin na nagtatrabaho siya sa club.

"Ikaw? Mukhang bago ka lang dito sa Manila? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

Ipinakita ko sa kanya ang larawan ng anak ko at sinabing hinahanap ko ang anak ko.

"May alam ka bang trabaho?" tanong ko sa kanya.

"Iyong trabaho ko, sa club. 1,000-15,000 ang kinikita ko sa isang gabi." sabi niya.

Nagdalawang isip ako sa sinabi niya. Mukhang malaki talaga ang perang kinikita niya at ganun ang kailangan ko. Kung magtatrabaho naman ako sa mga restaurant at kung saan saan pa, paniguradong sweldo ko lamang iyon sa isang buwan. Kailangan ko ng trabaho agad dahil wala na akong pera.

"Pwede kaya ako doon?" tanong ko.

"Umikot ka." utos niya at ginawa ko naman.

"Pwede ka doon at tsaka maganda ka naman." sabi niya pa.

Tumango ako at huminga pa sa kanya ng isang sigarilyo dahil naubos ko na iyong pangalawa.




MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update. Nagbago ako ng profile at background picture. Wala na akong face mask na suot HAHAHA.

Check my latest video on tiktok.

Btw, sobrang natutuwa ako sa mga theory niyo. Nagi-improve siya kasa chapter hehehe. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin nakakakuha ng tama HAHAHA.

NEXT CHAPTER - CHAPTER 27: ADAM 😈🤣
Basahin niyo bukas yung chapter habang pinapakinggan ang Maybe This Time by Sarah Geronimo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro